NAKIKIISA ANG THE LANCE SA PAGGUNITA NG BUWAN NG WIKA
TOMO XXXVIII - ISYU 3| AGOSTO 2014 - 12 PAHINA
MARILAG NA SINING AT KULTURA. Ang mga estudyante na kasalukuyang kumukuha ng kursong RIZAL101 ay nagtanghal ng makukulay na presentasyon. | LARAWAN KUHA NI MASCOT FAMANILA
Isa pang sangay ng Letran, nakatakdang ilunsad ANG IKA-APAT na sangay ng Colegio de San Juan de Letran system ay inaasahang pormal na ilulunsad sa Oktubre sa Manaoag, Pangasinan. Ayon kay Mr. Romulo Hobo III, Executive Secretary ng Council of Rectors, napagplanuhan ng naturang konseho ng mga Rectors ang pagsasama-sama ng mga institusyon sa ilalim ng Dominican Order. Ang Council of Rectors ay isang samahan na binubuo ng mga Rector at mga Presidente ng walong (8) Dominikanong institusyon na kinabibilangan ng tinaguriang pinakamatandang katolikong unibersidad sa Asya, ang University of Sto.
Tomas (UST), Angelicum College- Quezon City, Angelicum School Iloilo, Aquinas University sa Legazpi City, Albay, Our Lady of Manaoag College (OLMC), at ang kasalukuyang tatlong sangay ng Colegio de San Juan de Letran na matatagpuan sa Manila, Abucay sa Bataan, at Calamba sa Laguna. “Itong Council of Rectors [na] ito planned of integrating these eight institutions into two; that is of UST system and that on the same time, on the other hand, yung Letran group or Letran system,” aniya ni Hobo, na nagsisilbi rin bilang management staff ng Office of the Rector ng Letran- Manila. Kabilang ang UST, Ange-
KIM DANIEL RUBINOS
licum College- Quezon City, Angelicum School Iloilo, at Aquinas University sa tinatawag na UST system. Sa kabilang banda, ang OLMC, na nasa Poblacion, Manoaog, Pangasinan, ay parte ng tinatawag na “Letran system” na kinabibilangan din ng tatlong institusyon na nakapangalan na sa Letran. Dahil dito, napagplanuhan ng Council of Rectors na gawing nasa iisang pangalan lamang ang lahat ng institusyon sa ilalim ng tinatawag na “Letran system”; kaya naman papalitan ang pangalan ng OLMC at gagawing “Colegio de San Juan de Letran- Manaoag.” “If you will notice, among the four institutions that be-
SONA ng pangulo, isinagawa ANGELU REA ZAFE
marami pang mga mahahalagang pangalan sa pulitika tulad nina Bise Presidente Jejomar Binay, dating Pangulong Fidel Valdez Ramos, Senate President Franklin M. Drilon, House Speaker Feliciano Belmonte Jr., at iba pa. LARAWAN MULA SA INTERNET Binigyang-diin ni PNoy ang mga naka“HANGGA’T buo ang ating pananalig at tiwala—ma- mit ng kanyang administrapapatunayang: The Fili- syon sa paksa ng edukasyon, hanapbuhay, pino is worth dying for, the ekonomiya, Filipino is worth living for. pagbangon mula sa mga nagIdadagdag ko naman po, daang kala-midad, ARMM the Filipino is definitely (Autonomous Region of Musworth fighting for,” sam- lim Minda-nao) Bangsamoro, bit ni Pangulong Benigno moder-nisasyon ng Armed “PNoy” Aquino III sa isa Forces of the Philippines, at sa mga pinaka-emosyonal kabuhayan ng mga Pilipino. Maliban dito, hindi rin nana parte ng kanyang ikalimang State of the Nation piligan depensahan ng presidente ang napakakontrobAddress (SONA). Isinagawa ni PNoy ang ersyal na Disbursement Ackanyang SONA noong ika-28 celeration Program (DAP). ng Hulyo, sa Batasang Pam- Inilahad ng pangulo na sa bansa Complex sa Quezon tulong ng 1.6 billion pesos City na dinaluhan ng mga na inambag ng DAP para mambabatas, mga opisyal sa scholarship program ng ng lokal na pamahalaan, at Technical Education and
Skills Development Authority o TESDA, nakapag-tapos ng pag-aaral ang 226,315 na benepisyaro, at 146,731 sa mga ito ay kasalukuyan nang may hanapbuhay. “146,731 TESDA graduates ang nagtatrabaho na ngayon. Iyon naman pong 34 percent na natitira, tinutulungan na rin ng TESDA na makahanap ng trabaho. Tingnan po ninyo: Lahat po ng mga TESDA scholar, nakalista ang pangalan at iba pang datos, na pwede ninyong kumpirmahin,” pagmamalaki ng pangulo. Ibinandera at ipinagmalaki rin ni PNoy na sa unang pagkakataon, nakatanggap ang bansa ng investment grade status mula sa Moody’s, sa Fitch, at Standard and Poor’s— ang tatlong pinakatanyag na credit ratings agency sa mundo. “At dahil nga investment grade na tayo, mas murang mahihiram ng gobyerno ang pondo para sa mga programa at proyekto, mas
SONA, PAHINA 2
long to the Letran system, only Our Lady of Manaoag College o yung Dominican institution in Manaoag doesn’t bear the name, ‘Letran.’ So that is why it was the move of the Letran system to really have Our Lady of Manaoag College to become a Letran institution, itself,” pagpapaliwanag ni Hobo. Dagdag pa niya, “it is a really a plan to change OLMC to LetranManaoag because of integration kasi the very basic of integration for the four institutions is to have common brand name.” Hindi lamang pangalan ng OLMC ang babaguhin, nakatakda ring kupkupin ng institusyong ito ang mga hymns, logo, curriculum, vi-
sion/mission, at ang buong pagkakakilanlan ng Letran. Kaakibat din nito ang pagbabago sa uniporme at pagkilala sa mga patakaran at regulasyon ng Letran, partikular ng pangunahing sangay nito sa Maynila. “Colegio de San Juan de Letran- Manoaog will now adopt the identity, spiritually, charism, and the tradition of what Letran is,” wika ni Hobo. Para naman sa pamunuan ng magiging bagong sangay ng Letran, titiyakin pa raw kung sino talaga ang mamumuno rito, “With the plan of integration, It is still to be determined if there will only be one rector and president for the four (Letran) institu-
ISA, PAHINA 3
Intramuros Walk, ipinagdiwang muli
ALANIS CRUZ AT EUMARIE PENAFUERTE SA IKATLONG taon mula hay, paglalakbay, at paniniwanang itatag ito, ang Social la ng pambansang bayani ng Sciences Area sa ilalim ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal. College of Liberal Arts and Kasabay nito ang pagdaraos Sciences ay nagdaos ng In- sa kanyang kaarawan noong tramuros Walk noong ika- ika-19 ng Hunyo. 27 ng Hulyo, na naganap sa Sa temang, “LIKAS ArSalon de Actos. riba (Likha’t Kasaysayan),” Ang mga mag-aaral sa nagkaroon ng isang patimiba’t ibang antas, programa, palak. Labinwalong mga at pangkat na kasaluku- pangkat ang lumahok at yang kumukuha ng kursong nagpakita ng angkop na kaRizal101- Life and Works of husayan sa mga pambayang Rizal ay nagtipon upang guni- sayaw tulad ng Pandanggo tain ang tradisyunal na gawaing-pangklase tungkol sa bu- INTRAMUROS, PAHINA 10
CINEMALAYA X sa PAHINA 6-7
2 balita
ang ugnayan sa komunidad B i ni bi s i ta ng web site s, Letran pinagtibay ALYSSA BIANCA DELFIN Development Cycle na ng Letran at hanggang sa GINAWANG layunin ng na m o - mon i tor na Center for Community pinangunahan ni Jackielyn makakaya ko, tutulong ako BETTINA BONILLO
BANTAY-SARADO. Ang mga estudyante ay nagparegister sa iNCAS ng kanya-kanyang accounts sa Letran Wifi. | LARAWAN KUHA NI MASCOT FAMANILA
SA TULONG ng panibagong captive portal ng Letran Wi-Fi, nababantayan na ng Letran Integrated Network and Computer Applications (iNCAS) ang mga online na aktibidad ng mga gumagamit ng nasabing public access network. Ang captive portal ay isang espesyal na webpage na kailangang daanan ng user ng isang public access network bago tuluyang makakonekta rito. Sa kaso ng Letran Wi-Fi, kinakailangan nang itala ng mga user sa isang login page ang kanilang mga kredensyal (Student Number at DotPin) sa Students’ Academic Portal (DotLetran) upang magamit ang internet. Ayon kay iNCAS Director Grace Hilario, binago ang portal upang mailunsad ang “proper monitoring” na siya namang hindi natugunan noong nakaraang taon. “[Last year], anybody can use [the Wi-Fi], even iyong hindi officially enrolled, even iyong kahit sino, basta malaman lang nila [na] ‘guest’ [ang username] tapos ‘Letran’ [ang password]. Walang monitoring. So, everything must be monitored para mamaximize iyong gamit ng lahat,” sabi ni Hilario. Dagdag pa ni Hilario, kailangang maging “mature” ang mga user sa paggamit ng Letran Wi-Fi lalo na’t
responsibilidad na nila ngayon ang mga website na kanilang binibisita. Isa sa mga layunin ng sistemang ito ang paghimok sa mga user na gamitin nang wasto ang teknolohiya. “Ang gusto nating school, especially [since] academic institution ito and this is a Dominican school, this is a Catholic school, [is] to impose values among students,” iginiit ni Hilario. Sari-sari ang reaksyon ng mga Letranista sa pagbago ng sistema sa WiFi. Ayon kay second year Legal Management major Marvin Soria, balewala rin ang paglalagay ng bagong captive portal kung mabagal pa rin ang internet. Ayon naman kay third year Communication major Terence Repelente, bagama’t sang-ayon siya sa bagong captive portal dahil “mas divided at organized ang allocation sa paggamit ng Wi-Fi,” hindi naman siya sang-ayon sa pag-monitor ng mga online na gawain ng mga estudyante. Ayon sa kanya, mahalaga mang namo-monitor ang values ng mga gumagamit nito, kailangan ding respetuhin ang kanilang privacy. Maaaring magpa-activate ng Wi-Fi kahit kailan sa Salon de Actos, matatagpuan sa unang palapag ng gusaling St. John the Baptist.
Development (CCD) ang hindi pagtigil sa pag-alalay sa mga komunidad na tuluyang makamit ang masaganang pamumuhay sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga proyekto sa ilalim ng ARRIBAyani Volunteer Formation Program at ARRIBAyanan. Kamakailan lamang ay pinasinayaan ng CCD ang isang orientation patungkol sa community service na nilahukan ng mga piling pinuno ng mga Recognized Student Organizations (RSO) noong ika12 ng Hulyo sa Mabini Hall. Ito ay isa sa mga proyektong inilunsad ng CCD sa ilalim ng ARRIBAyani Volunteer Formation Program. Ang unang bahagi ng programa ay pinangunahan ni Ana Repalda, isang nars mula sa Philippine Disease and Transfusion Center sa ilalim ng Department of Health na siyang tumalakay patungkol sa blood donation. Tinalakay rin sa pagtitipong ito ang Community
SONA
MULA PAHINA 1
maraming naaakit na mamumuhunan sa ating bansa, at mas mabilis na natatamasa ng Pilipino ang benepisyo,” paliwanag ng pangulo, na sinundan naman ng napakalakas na palakpakan mula sa mga nakikinig. Hinggil naman sa Department of Public Works and Highways, idineklara ng pangulo ang mga nagawa para sa mga imprastraktura ng bansa. “Kasabay ng mga natipid ng DPWH, ang nailatag, napapaayos, napalawak, o naipagawa nilang kalsada mula nang maupo tayo, umabot na sa 12,184 kilometro,” ulat ni Pnoy. Itinalakay din sa SONA ni PNoy ang pagtugon ng gobyerno sa pinsalang
Ilustre. Iminulat nito ang mga kalahok sa tamang pagbabalangkas ng epektibong proyektong makakapagambag sa pagyabong ng mga komunidad. Ibinahagi rin dito ang iba’t ibang katangiang mayroon ang isang mabuting volunteer na siya namang pinasiyanaan ni Grace Bernadette Tee, isang social worker at management staff ng CCD. Ibinahagi naman ni CCD Director Manuel Zamora Jr. ang kasaysayan ng CCD, ang Mission-Vision nito at kanya ring inilarawan ang “BuildHOPES Programs” at mga layunin nito. Malaki ang naging epekto nito sa mga pinuno ng bawat RSO na siyang nag-udyok sa kanilang hikayatin ang kanilang mga miyembro na magkusang-loob sa pagtulong sa mga nangangailangan. “Hihikayatin ko ang mga kapwa [ko] estudyanteng mag-volunteer sa mga community service na ginagawa ng iba’t ibang organization naidulot ng mga nagdaang kalamidad sa bansa, lalong lalo na sa Bagyong Yolanda. “Hindi pa po tapos ang ating trabaho. Marami pang bahay na kailangang ipatayo; marami pang mga kababayan natin ang kailangang ibangong muli; patuloy pa rin ang pag-build back better para sa mga hinagupit ni Yolanda,” pangako ni PNoy. Hindi lamang mga tagumpay ang inilahad ng pangulo sa kanyang SONA, ngunit pati na rin ang mga pangakong binitiwan para sa mga susunod na taon niya sa Malacañang, tulad ng Laguna Lakeshore Expressway na kanyang sinabi ay matatapos na bago pa magsimula ang taong 2015. Ipinangako niya rin na magpapatayo ng mga alternatibong daan sa EDSA, pagbubukas ng Palawan
kung may mga community service ang Letran Operations Management Society,” pahayag ni Letran Operations Management Society Public Relations Officer Jasmine Cordero. Ang isa pang proyekto sa ilalim ng ARRIBAyani ay ang ARRIBAyani Camp na siya namang binuo para sa mga miyembro ng Letran Community Volunteers (LCV) at mga Letranistang nais maging parte ng programang ito. Ginanap ito noong ika-13 ng Hulyo sa St. Thomas Hall. “Ang layunin nito ay malaman ang kailangan nilang malaman sa maayos at sistematikong pakikipag-kapwa tao at pakikisalamuha sa ating mga partner communities,” mungkahi ni Zamora. Idinagdag niyang ito ay isang paalala sa mga Letranistang ipagpatuloy ang pagiging “dynamic leaders and builders of communities.” Sa kabilang banda naman,
LETRAN, PAHINA 10
Busuanga Airport, pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law, 2.606 trillion pesos para sa 2015 national budget, at marami pang iba. Nakatanggap ang SONA ni PNoy ng halo-halong opinyon at feedback mula sa kanyang mga ‘boss,’ ang taumbayan. Sinasabi ng iba na ito ay masyadong emosyonal at madaming mga paksa ang iniwasang talakayin tulad ng Priority Development Assistance Fund Scam at ang hindi pagkakauunawaan sa Tsina ukol sa mga pinagaagawang parte sa West Philippine Sea. Ngunit mayroon din naming kontento at nagsasabi na nabigyang-diin ng pangulo ang mga importanteng paksa sa kanyang SONA at maganda ang kanyang mga ulat para sa kasalukuyang taon.
LARAWAN MULA SA INTERNET
TOMO XXXVIII - ISYU 3 AGOSTO 2014 - 12 PAHINA
balita
Millionaires’ Seminar, idinaos
3
MYKEE MONTEROLA
DUMALO ang mga magaaral ng Bachelor of Science (BS) in Business Administration major in Financial Management at BS Accountancy mula ikatlo hanggang ikaapat na antas sa “How to make your first million” seminar na inorganisa ng Letran Junior Financial Executives (LJFINEX) at Letran Junior Philippine Institute of Accountants (LJPIA) noong ika-30 ng Hulyo sa SC Auditorium. Tinalakay sa seminar ang wastong pamamaraan sa pag-iipon ng pera. “Save to invest, don’t save to save,” ayon sa mga unang ispiker na sina Luigi Opena at Mark Del Rosario, kapwa nagtapos ng Chemical Engineering sa Ateneo de Manila University. Saklaw din ng kanilang talumpati ang “Getting your first million as a student” at “10 steps in Financial Planning.” Ayon kina Del Rosario at Opena, malaking tulong ang pag-alam sa kung ano ang mga bagay na iyong nais o pangangailangan. Importante rin sa paghawak ng pera ang disiplina sa sarili. “Investing is more of a need, not a want,” sabi ni Opena. Sa halip na ang isipin lamang kung anong mga bagay ang iyong gustong bilhin, isipin mo rin kung paano mo ito pagkakakitaan. “Investment is money working for you,” dagdag pa ni Opena.
ISA
Isa sa mga pinakamakabuluhang punto ng mga ispiker ay ang kahalagahan ng pagbago sa “mindset” pagdating sa ating pinansyal na katayuan. “If you were born poor, it’s not your fault, but if you die poor, then it’s already your fault.” Ang sumunod na ispiker ay si John Christian Bisnar, na kamakailan lang nakapagtapos sa De La Salle University at isa ring experienced stock trader. Ang paglalahad ni Bisnar ay patungkol sa stock market at kung papaano kumikita mula dito. Ang huling tagapagsalita ay si Garry Dexter Bayucan na nagtapos sa Adamson University. Isa siyang stock analyst at foreign exchange trader. Tinalakay niya sa kanyang talumpati ang tungkol sa Foreign Exchange at ang kapakinabangan nito. Ang mga inimbitahang ispiker ay bihasa sa paghawak ng pera at sa paggamit nito sa kapakipakinabang na paraan. Sa katunuyan, nakamit nila ang kanilang unang milyon sa edad na 20-24 na taong gulang pa lamang. Pinamunuan ang seminar na ito ni Tristan Tepora. Ito ay dinaluhan din ng mga kinatawan galing sa Philippine Christian University at University of Caloocan City.
tions, and [if] the rest is for operations nalang.” Kasaysayan ng OLMC Ang OLMC, na unang nakilala bilang ‘Holy Rosary Academy of Manaoag’ ay itinatag ni Rev. Fr. Teodulo Cajigal, O.P. noong 1949 sa layuning mabigyan ang mga kabataan sa Manaoag, Pangasinan ng katolikong edukasyon. Ang institusyon na ito, na pinapatakbo ng Dominican Order, ay mayroong elementarya at sekundarya magmula nang itatag ito. Simula naman 2001 ay nag-offer na ang institusyon ng mga kurso sa kolehiyo sa larangan ng Education, Computer Science, Information Technology, at Business Administration. Noong taon ding yun pinalitan ang pangalan nito mula Holy Rosary Acad-
Bagong oportunidad Ayon kay College of Liberal Arts and Sciences Acting Dean Asst. Prof. Louie Ignacio, ang pagkakaroon ng bagong sangay ng Letran ay higit na makakatulong sa Colegio. Pwede rin daw ito maging isang pagsubok; ngunit hindi raw dapat pagmasdan ang hakbang na ito sa ganitong aspeto sapagkat ito raw ay isang magandang oportunidad para sa Colegio. “Tinitignan natin sa aspeto na kung anong mga oportunidad ang maaaring ibigay nun (Letran- Manaoag) sa atin. Unang-una, kapag nagkaroon na tayo ng malinaw at matatag na relasyon sa OLMC ay maaaring ang Letran- Manila ay mapalawak pa ang kanyang pagpapa-kilala sa hilaga ng
MULA PAHINA 1
emy of Manaoag papunta sa kasalukuyang, Our Lady of Manaoag College.
PAGBABAHAGI NG DUNONG. Ang tanyag na aktres at miyembro ng Executive Committee ng MMFF na si Boots Anson Roa-Rodrigo ay nagtalakay patungkol sa buhay pag-arte. | LARAWAN KUHA NI HONEY FRANCISCO
MMFF, binisita ang Letran ALYSSA BIANCA DELFIN
“ANG LAHAT ng tao ay may baong kwentong nais nilang ibahagi sa iba.” Ito ang mga katagang binitiwan ni Atty. Lyca Lopez, ang Executive Secretary ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa katatapos lamang na pagbubukas ng MMFF University Caravan 2014 na ginanap noong ika2 ng Agosto sa Student Center Auditorium. Ang nasabing pagtitipon ay nilahukan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo kabilang ang: Unibersidad ng Pilipinas (UP); Pamantasan ng Lungsod ng Maynila; Mapua Institute of Technology; University of Santo Tomas; College of St. Benilde; Bulacan State University; at Polytechnic University of the Philippines– Sta. Mesa. Ang palatuntunan ay pinangunahan ni Jose Mari Hilario na siyang Festival Director ng MMFF at isa ring
Luzon. Magiging oportunidad yun para makakuha ng mas maraming iskolar, mas maraming estudyante, at mas maraming maabot ng tulong,” pagpa-paliwanag ni Ignacio. Hindi rin daw magiging hadlang sa pagsulong ng Letran ang pagkakaroon ng sangay sa Manaoag, Pangasinan ayon kay Ms. Jhennie Villar, ang Director ng Public Affairs and Media Development (PAMD). “I don’t think that the merging or the MOA existing would really block or hinder the success of one’s institution. It suggests more of a collaborative effort so that, perhaps, we could also assist Letran Manaoag or
propesor sa UP. Bakas sa mukha ng mga manonood ang pagkatuwa at pagkasabik sa mga maaari nilang matutunan tungkol sa paglikha ng mga dekalidad na pelikula. Binubuo ng serye ng mga seminars na patungkol sa iba’t ibang aspetong kinakailangang malaman ng mga estudyanteng nais sumabak sa mundo ng pelikula ang pagpupulong. Ang unang ispiker na si Ida Tiongson ang tumalakay sa iba’t ibang pamamaraan sa masinop na paggamit ng mga nakahandang resources na iyong kakailanganin sa paggawa ng pelikula. Lubos na ikinagalak ng mga manonood ang pagdating ng sikat na artista at miyembro ng Executive Committee ng MMFF na si Boots Anson Roa-Rodrigo na ibinahagi ang makulay na mundo ng pag-arte. Ipinagpatuloy naman ng manunulat ng mga pelikulang Posas at Ekstra na si
OLMC to beef up their marketing strategies and all because, when we were there, they believe that by using Letran, [OLMC] could still enhance or could beef up yung kanilang enrollees. For them, they see it as makakatulong,” wika ni Villar. Nagbahagi din ng kanyang reaksyon si Anfernee Ruanto, ang presidente ng Letran Student Council Manila, “Nakakatuwa, syempre, dahil naniniwala ako na may something sa Letran more than education at dahil may bagong Letran, dumarami ang nabibigyan ng opportunity na makaranas nito.” Ang Memorandum of Agreement na siyang inor-
Zig Dulay ang pagbibigay ng inspirasyon sa tagapakinig nang talakayin niya ang iba’t ibang sistema sa Screenwriting at Film-making. Napukaw ni Dulay ang loob ng mga estudyante dahil sa galing nito sa pagmulat sa kabataan tungkol sa mga katotohanan ng lipunan sa kasalukuyan. Kanya ring binigyang-diin ang kahalagahan nito sa pagsulat ng napakahusay na script. Sa ikalawang bahagi ng programa, tinalakay naman ng isang Indie Animator na si Ricky Orellano kung paano nagsimula ang animation dito sa Pilipinas. Naghandog rin ng baong kaalaman si Digma Santiago ng Premiere Productions tungkol sa iba’t ibang paraan upang makapanghikayat ng mga taong tumangkilik sa iyong pelikula. Sinundan ito ng maikling video editing tutorial mula kay Dennis Lucero ng Philippine Center for Creative Imaging. Ang huling
MMFF, PAHINA 10
ganisa ni Hobo kasama ang PAMD ay pinirmahan noong ika-8 ng Agosto, na ginanap sa Sto. Domingo Church compound sa Quezon City, kasama ang mga kinatawan ng Letran- Manila na sina Acting Rector at President Fr. Orlando Aceron, O.P., Vice President- Academic Affairs Fr. Juan Ponce, O.P., Vice President- Financial Affairs Fr. Boyd Sulpico, O.P., Chaplain ng Sekundarya Fr. Rafael Quejada, O.P.; ang Rector at President ng Letran- Calamba na si Fr. Honorato Castigador, O.P.; si Fr. Herminio Dagohoy, O.P. na siyang nagsisilbi bilang Rector ng UST; at ang mga kinatawan ng OLMC.
LARAWAN MULA SA OLMC FACEBOOK PAGE
4 opinYon Daang patungo 2020? ABALANG-ABALA ang administrasyon ng Colegio para sa paghahanda sa pagiging unibersidad ng Letran sa 2020. Nagpipintura, nagkukumpuni, nagtatayo ng bagong gusali, pinalalawak ang networks, at ipinatatayo ang Letran Manaoag. Sa madaling salita, pinagaganda ang Letran. Sabi nga sa vision statement, globally competitive daw ang Letran pagdating ng ika-400 na taon nito. Sabi rin sa mission statement, layunin ng ating paaralan na makapagproduce ng successful professionals in their chosen field of endeavors. Ngunit paano ito maaabot kung sa kabila ng napakaraming pagbabago sa pisikal na anyo ng Colegio ay hindi mapunan at mabigyang pansin ng paaralan ang pangangailangan ng mga propesor at mga mag-aaral sa araw-araw nilang pagtuturo at pagkatuto? Tinanggal ang mga projectors at white screen sa bawat silid-aralan dahil ang mga ito raw ay papalitan ng TV screens na maaaring magamit sa mas mahusay na pamamaraan ng pagtuturo. Nasabik ang lahat dito sa pag-asang masosolusyonan na ang problema sa mga depektibong projector. Lumipas ang ilang buwan, ‘di pa rin nakukumpleto ang mga inaasahang TV screens na magiging kapalit ng mga projector na nauna nang inalis sa bawat silid. Sa modernong paraan ngayon ng mga propesor ng pagpepresenta ng kanilang tatalakayin sa bawat araw ay kailangang-kailangan ang mga kagamitang tulad ng TV o projector. At dahil hindi pa napupunan ng paaralan ang pangangailangang ito, bawat klase ay nag-uunahan sa paghiram ng projector sa Dean’s office o ‘di kaya’y lumilipat ng silid kung saan may mga kagamitang maaayos. Saan nga ba nagkakaroon ng pagkukulang, sa Public Affairs and Media Development o sa Financial Affairs Division? Kung alin man sa dalawang ito ang nagkakaproblema, nawa’y agad itong maayos upang tuluyan nang mapaganda ang kalidad ng pagkatuto at hindi na magtagal ang ganitong sistema sa Colegio.
PATNUGUTAN 2014-2015
Kim Daniel Rubinos Punong Patnugot Jerica Loise Orosco Nangangasiwang Patnugot
Adrian Masacupan
Patnugot ng Balita
Kevin Louise Valdez
Marjorie Malabad
Patnugot ng Lathalain Patnugot ng Palakasan
Ralph Ronald Baniqued Patnugot ng Larawan Alissandrine Margaret Blanquisco Patnugot ng Disenyo Joshua Banguilan, Bettina Bonillo, Alyssa Delfin, Ronald Espartinez, Risha Fernandez, Patricia Flores, Joharah Galvez, Marita Gerardino, Mykee Monterola, Kathrina Pineda Darrell San Andres, Iveth Solevilla, Angelica Sta. Ana, Bryle Suralta, Paula Tamayo, Marilie Tubalinal, Rachael Uycoque, Angelu Zafe Mga Kontribyutor Leslie Boado, Alessah Dela Cruz, Mascot Famanila, Honey Francisco, Ryan Rona, Rhon Velarde, Pauline Gonida Mga Potograpo Christelle Ann Cala Karikaturista
Carlo Miguel Alfonso Francia Tagapayo Buwanang inilalathala, ang THE LANCE ay may pamatnugutan sa 3F Student Center Building, Colegio de San Juan de Letran, Intramuros, Manila. PA R A SA KO M E N TO , SUH E S TY ON, A T S ULA T S A PA TNUG OT Makipag-ugnayan sa amin sa fb.com/thelanceletran
@thelanceletran
letran.thelance@gmail.com
Sariling Wika TOMO 38, pangatlong isyu. Naglathala ang The LANCE ng isang buong issue sa wikang Filipino bilang pagsuporta sa paggunita ng ‘Buwan ng Wika’ ngayong Agosto. Ito marahil ang pangalawang pagkakataon sa kasaysayan ng The LANCE na naglabas ito ng all- Filipino issue. Mula sa mga balita, lathalain, hanggang sa palakasan, ang bawat sulok ng labindalawangpahinang pahayagang ito ay nasa wikang Filipino. Para sa akin, ito siguro ang unang pagkakataong gagawa ako ng ganitong klaseng artikulo. Nakakahiya man isipin na sa tinagal-tagal ng panahong ako ay manunulat at parte ng mga opisyal na pahayagang pangmag-aaral, mula sekondarya hanggang ngayon, sa kolehiyo, ay hindi ako kailanman nagsulat sa sariling wika. Kahit na ito ang natural at likas na wikang alam kong sabihin, inaamin kong ‘di ako sanay sa pagsusulat sa Filipino. Nang pinagdesisyunan ng Patnugutan ng The LANCE ang pagiging all-Filipino ngayong buwan, hindi ako kumontra sa planong ‘to kahit hindi magiging madali ang paglalabas ng ganitong issue. Malayo sa nakasanayan ng mga patnugot at manunulat ng LANCE na wikang Ingles kung saan bihasa at
kumportable ang lahat. Hinamon namin ang aming mga sarili na lumihis sa tinuturing na comfort zone, ang pagsusulat sa wikang Ingles. Ito ay hindi lang makatutulong sa amin bilang mga campus journalists, magsisilbi din itong bago sa mata ng mga Letranista. Pero ang tunay na layunin ng all-Filipino issue ay bigyangpansin kung gaano kahalaga ang ating wikang pambansa. Sa panahon ngayon, tayong mga Pilipino ay mas kilala sa pagbigkas ng wikang Ingles. Sa katunayan, ang bansa natin ay hinirang bilang isa sa pinakamahusay sa pagsasalita ng wikang Ingles sa mundo. Ang parangal na ito ay tunay na nakamamangha pero nagiging sukatan na ng pagkatao kung gaano kahusay ang pagbibigkas sa wikang banyaga. Hindi ba nararapat na maging sukatan din ng galing ang pagkamakata ng isang Pilipino? Ang kadalubhasaan nito sa pagbabalangkas at iba pa? Tulad ng Ingles, bigyan din sana ng oras ang pagpeperpekto sa sariling wika. Ang pinagkaiba lang naman nito sa wikang banyaga ay ito ay sariling atin. Hindi masisisi ang mga wikang banyaga sapagkat dahil din naman sa mga ito, yumaman at umusbong ang wikang Filipino. Nagiging madalang nga lang ang
paggamit sa deretsong Filipino sapagkat naglipana na rin ang ibang mga paraan ng pagkikipag-usap tulad ng conyo at taglish. Tuluyan nang nawala ang konbensyunal na pakikipagtalastasan. Pero mayroon pa ring ilan na tunay na nakakamangha, isa na ang ating pangulo sapagkat sa wikang Filipino niya binibigkas ang kanyang mga talumpati, partikular ang kanyang mga State of the Nation Address, isang maliit na hakbang na nagpapamalas ng kanyang pagmamahal sa sariling wika. Sana, kahit sa panahon ngayon, maisip pa rin nating may kakayahan ang sariling wika na tayo ay pagbuklurin. Wag natin kalimutan ang halaga nito at ang mga naging sakripsiyo ng mga bayani para dito. Maging proud din tayong mga Letranista sapagkat ang tinuturing na Ama ng Wikang Pambansa na si Manuel L. Quezon, ay nagtapos sa Letran. Ang wikang Filipino ay makapangyarihan at may katangiang naiiba. Iangat natin ito at pahalagahan sapagkat ang higit na pagmamahal dito ay nagbibigay ng imahe sa atin bilang nagkakaisang bansa at tatak na tunay na mga Pilipino.
*** Upang matulungan ang The LANCE sa teknikal na pagsusulat sa Filipino, itinalaga ng Editorial Board si Bb. Cyndi Samaniego, propesor ng mga kurso sa Filipino, bilang Guest Editor ngayong buwan. Ang The LANCE ay nagpapasalamat sa kanyang naging kontribusyon sa issue na ito. Salamat po, Ma’am!
TOMO XXXVIII - ISYU 3 AGOSTO 2014 - 12 PAHINA
#Noypi
NAGLIPANA na naman ang mga “epal” sa TV, radyo, mga panayam, at maging sa Facebook at Twitter. May nagbubuhat ng kaban ng bigas, nag-hahatak ng banyera ng isda, yumayakap sa mga bata, o kaya ay gumagawa ng kung anu-ano para makapagpakitang-gilas. Malayo pa ang eleksyon pero heto na ang mga pulitikong hayok na hayok sa pagpapapansin at uhaw na uhaw na mapag-usapan ng tao. Desperado na yata ang mga pulitikong ito na manalo at maupo sa pwesto. Marami ang nagrereklamo sa mga naihahalal na opisyal sa tuwing matatapos ang eleksyon. Paano ba namang hindi magrereklamo ang mga Pilipino kung ang mga mauupo ay mga anak ng mahuhusay (hindi naman talaga sila ang mahusay, kundi ang mga ninuno nila) o kaya ay ang mga sikat at maimpluwensyang artista na mula sa pagganap sa mga telenobela sa telebisyon ay gaganap naman sa senado o kongreso (sabi nga nila, kung gusto mong maging pangulo ng bansa ay ma-tuto ka munang umarte at mag-artista). Pero may karapatan nga kaya ang mga reklamador na Pilipino na magreklamo?
Syempre, may karapatang umalma sa resulta ng botohan ang mga tunay na bumoto at hindi ibinenta ang mga pangalan nila para bumoto ang iba. Pero ang mga panay lamang ang reklamo ngunit hindi naman kumikilos upang baguhin ang kapalaran ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng simpleng pag-boto, at nagwewelga pa para makuha ang kanilang gusto, dapat nga bang pakinggan ang kanilang mga galit sa gobyerno? Kung karapatan ng bawat Pilipino ang mapakinggan at masolusyonan ang bawat hinaing, di hamak na mas malaking karapatan bilang isang Pilipino ang pagboto. Hindi lamang ito karapatan, ngunit isa ring obligasyon na dapat gampanan ng bawat mamamayan. Ang pagboto ay ang pinakasimple ngunit pinakamalaking kalayaan na mayroon ang bawat isa sa atin. Ito ang natatanging paraan upang mapalaki ang pag-asa na uunlad pa ang ating bayan at mapatakbo ito ng isang pinunong may malinis na intensyon. Sa pagtungtong ng isang indibidwal sa tamang edad na 18 taong gulang, inaasahang nasa tamang pag- iisip na ang taong ito
‘Di masanay-sanay sa sulating sanaysay ‘DI KO MAALALA kung kelan ako huling nagsulat ng isang sanaysay gamit ang wikang Filipino. At ito ay isang malaking problema. Sa awa ng Diyos, pagkalipas ng ilang buwan, ako ay magtatapos na ng kolehiyo at kasama dito ang pagpasok ko sa tinatawag na ‘workforce.’ Ngayon ko lang napansing sa ilang taon kong pag-aaral sa kolehiyo, bilang ko sa aking mga daliri ang mga beses na ginamit ko ang wikang Filipino bilang wikang ginagamit ko sa
pagsulat ng mga sanaysay. Bakit? Ano ba ang mayroon sa wikang Ingles at ito ang madalas gamitin ng mga estudyante para ilabas ang kanilang saloobin? Madalas sa mga social sites, Filipino pa rin ang lingua franca, ngunit sa mga institusyon ng pag-aaral, sa labas ng mga klaseng dedikado sa pagtuturo ng Filipino, ang wika na kadalasang maririnig at ginagamit ay Ingles. Kung ang wika ay ang tanging kasangkapan ng tao sa
opinYon para bumoto nang naaayon sa sarili nyang kagustuhan at desisyon. Sa modernong pam-umuhay na mayroon tayo ngayon, kung saan nawiwili ang mga kabataan, makikita ang mga nakababahalang paksa na kanilang pinag-uusapan. Trending sa Twitter ang mga boy band na kinalolokohan ng marami, mga hinahangaang personalidad, at iba pang mga bagay na hindi naman makatuturan tulad ng #wordsaftermomol at #GustoKitaKasi. Nagkalat din sa Facebook ang mga larawan ng mga kabataang nag-iinuman o gumagawa ng iba pang kalokohan. Kung dati, bago kumain ay nagdarasal, sa panahon ngayon, bago kumain ay kinukuhaan muna ng larawan ang nakahain sa mesa at iaupload sa Instagram na may kalakip na #FoodPorn. “Ang kabataan ang pagasa ng bayan.” Ito na yata ang pinakasikat na katagang naisulat ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. Tayong mga kabataan daw ang may kakayahang magbago ng nakagisnan at mapabuti ang kalagayan ng ating bayan. Ngunit ang malaking tanong ay kung handa na nga kaya ang libulibong kabataang mamamayan na mamili at bumoto ng mga susunod na pinuno ng bansang Pilipinas? Tayo na nga kaya ang tatapos sa kaguluhang mayroon ang ating bansa sa kasalukuyan? Malilimutan na kaya ang bansag na “bobotante”
NOYPI, PAHINA 10
pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon, at sa mga institusyon, bakit ang wikang ginagamit na pangakademya ay ang wikang ‘di naman likas sa ating kultura? ‘Di naman sa pagmamaliit sa wikang Ingles, bilang wikang ginagamit sa pandaigdigang komunidad, kailangan natin maging dalubhasa sa wikang ito kung nais nating makipagkumpetensya sa teknolohikal na mundong ito. Ngunit ang aking paniniwala lamang ay kahit na ano mang anyo, pasulat o pasalita, hiram o orihinal, banyaga o katutubo, bigyan natin ng halaga ang wikang sariling atin. Sa talakayang kasaysayan o pampanitikan, sa pampopolitika at panlipunan, maging sa larangan ng siyensya o ng iba pang displina, sana maisama ulit natin ang wikang Filipino sa ating buhay bilang estudyante.
5
Huminahon kayo, mga idol DAIG pa si Regine Velasquez kung makigpataasan ng boses, ‘di mawari kung saan pa aabot ang tumataas na kilay at wala na namang katapusan ang pagbato ng mga alibi, ang kadalasang dahilan: ‘di dala ang registration form; ‘di suot ang ID; o bawal ang kulay ng buhok. Pagpasok pa lang sa Colegio, pag-irap ng mga mata ng mga estudyante sa mga guwardiya ng ating paaralan ang madalas na tumatambad sa atin. Madalas kasing may sinisita ang mga guwardiyang mga estudyante dahil hindi sumusunod sa patakaran ng kolehiyo. Lalo pang lumalakas ang tensyon kapag ang pila ng mga estudyante ay bumaluktot na at lumalagpas na ng ating gate. E paano, may mga estudyanteng nais mag-Amalayer na eksena sa guwardiya at nakikipagtigasan pa. Mayroon pang mga eksenang kapag sinita habang nasa loob ng Letran grounds ang estudyanteng hindi suot ang kanyang ID, biglang nagkakaroon ng panunumpa sa isang tabi na kailanma’y susuotin niya na ito at hindi huhubarin habang nasa loob ng Colegio. Tapos kapag nalingat na ang guwardiya—na malamang si Villegas lang naman talaga iyon—hala, ang pasaway, huhubarin na naman ang ID. Sa mga eksena na gaya ng mga nasabi, kadalasan, may mga estudyanteng naglalabasan ang mga pilyong ugali. Mayroong ibang pabulong na tinatadtad ng mura ang guwardiyang sumita sa kanila. Mayroon namang ibang bigla na lamang kumakampay ang hinlalato (gitnang daliri) kapag lumakad na palayo ang guwardiya. Nakalulungkot mang isipin, ito ay madalas na nangyayari sa ating kolehiyo. Marami ang lumalabas ang kabalbalan kapag ang kanilang kagustuhan ay hindi nasusunod. Pero kung iyong lalaliman ang iyong pag-iisip, nararapat bang ganyan ang maging turing natin sa ating magigiting na guwardiya? Hindi ka man magitingan sa kanilang trabaho,
hindi natin maipagkakailang ang kanilang ginagampanan sa araw-araw ay hindi biro. Upang magawa ito, kinakailangan nila ng sangkatutak na pasensya at sipag. Kahit sabihin mo mang taga-check lang naman sila ng ating bag o tagabukas ng ating mga classrooms, higit pa roon ang kanilang trabaho. Sila lang naman ang enforcer ng batas sa paaralan, o kung baga sa outside world, mga pulis. Sinisigurado nilang ang mga estudyante ay patuloy na sumusunod sa mga batas ng kolehiyo. Ang kanilang basehan at sinusunod ay ang student handbook ng Letran, na binuo pa ng ating administrasyon. Kung may problema man tayo sa mga idine-demand nila sa atin, ang ibig sabihin noon, mayroon tayong problema sa mga regulasyon ng ating kolehiyo. At hindi tamang sa kanila ibuntong ang ating mga angal dahil sila ay enforcer lamang. Doon ka lumapit sa administrasyon, o sa student council, dahil sila naman ay handang makinig sa mga hinanaing ng mga estudyante. (Huwag na idaan yan sa Letran Secret Files at wala naming nangyayari. Hindi ba halata?) Hindi dapat natin ibinubuntong ang ating salungat na pag-iisip ukol sa regulasyon sa ating mga guwardiya dahil ginagampanan lang naman nila ang kanilang trabaho. Kung baga, hindi mo naman susungitan ang doktor kapag niresetahan ka ng gamot o ang cook kung pinagluto ka nito ng pagkain—trabaho lang naman nila iyon, e. Pero kung sa tingin mo ikaka-cool mo naman ang brown na buhok, ang di pagsuot ng ID, hindi pagdala ng registration form, pagsuot ng civilian kahit may klase at iba pa, e di ituloy mo lang. Basta maghanda ka lang na makuhaan ng ID at magsulat ng apology letter sa Office of Student Affairs. Dahil simple lang—iyon ay labag sa batas ng kolehiyo. Basta ang sa atin lang, hindi kina-kailangang umasta
HUMINAHON, PAHINA 10
DAGITAB – 5/5 Mula sa direksyon at panulat ni Giancarlo Abraham V, ito’y kwento ng isang mag-asawang propesor sa Unibersidad ng Pilipinas, sina Issey (Eula Valdez) at Jimmy (Noni Buencamino). Nasa bingit na ng hiwalayan ang kanilang relasyon nang magkaroon ng eskandalo si Issey sa isa sa kanyang mga estudyante na si Gab (Martin Del Rosario). Samantalang si Jimmy naman ay may matinding pagmamahal sa pagsasaliksik. Halos buong buhay niya ay iniukol niya rito. Sa huli ay makikita na niya ang kanyang matagal nang hinahanap na anito. Mga natanggap na parangal: RONDA – 3.5/5 BEST DIRECTOR – GIANCARLO ABRAHAM V Gabi-gabing rumoronda sa mga kalsada ng Maynila, humuhuli ng mga kriminal na BEST ACTRESS – EULA VALDEZ naglipana tuwing gabi, iyan ang buhay ni Paloma Macapagal (Ai-Ai Delas Alas), isang pulis kasama na ang kanyang partner na si Tamayo (Carlos Morales). Maayos niyang nagagampanan ang kanyang tungkulin sa mamamayan ngunit lingid sa kanyang kaalaman, ang sarili pala niyang anak ay gagawa ng isang bagay na magdudulot sa pagkakakulong nito. BWAYA – 5/5 Hindi lahat ng mandaragit ay nasa ilalim ng dagat. Minsan, ang mga taong nakakasalamuha natin ay mas masahol pa sa mga mandaragit. Hango mula sa tunay na buhay, ito’y kwento ng isang inang si Divina (Angeli Agbayani) na nawalan ng anak nang ito’y atakihin ng isang buwaya. Sa kanyang paghahanap sa nawawalang katawan ng kanyang anak na si Rowena (Jolina Salvado), may dadating na grupo ng mamamahayag na nais i-dokumento ang kanyang buhay. Mga natanggap na parangal: BEST FILM
SUNDALONG KANIN – 5/5 Nagsimula sa isang larong pambata, hanggang sa nauwi sa isang madugong katapusan. Naganap ang kwento ng apat na batang sina Nitoy (Nathaniel Britt), Benny (Isaac Cain Agguire), Carding (Akira Morishita), at Badong (Elijah Canlas) sa isang probinsya noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdaig. Ang tanging pangarap nila ay maging isang sundalong magtatanggol sa bayan laban sa mga Hapon. Ngunit ang buhay nila’y tila napaglalaruan ng tadhana, umikot ang kanilang kwento sa pagkakaibigan, pamilya, at gyera. MARIQUINA – 4/5 Ang paghahanap ng sapatos na sukat para sa isang tao ay hindi madali. ‘Yan ang kwento ni Imelda (Mylene Dizon) matapos magpakamatay ng kanyang ama na si Romeo Guevara (Ricky Davao). Ito’y pelikulang puno ng hinagpis at pagsisisi. Bagamat ito’y isang ordinaryong kwento tungkol sa isang anak na may hinanakit sa kanyang ama, nagawa ng direktor na si Milo Sogueco na pabigatin ang pelikula. Mga natanggap na parangal: BEST SUPPORTING ACTRESS – BARBIE FORTEZA S6PERADOS – 3/5 Ang S6perados ni G.B. Sampedro ay tungkol sa anim na lalaking (Victor Neri, Ricky Davao, Jason Abalos, AnjoYllana, Erik Santos, at Alfred Vargas) konektado ang mga buhay at may iisang sakit na napagdaanan, paghihiwalay. Ipinakita dito ang kilalang personalidad ng mga lalaki bilang nasusunod sa tahanan at nabigyang-pansin ang pagkukulang nila sa pagkalalaki sa mga isyu tulad ng pagtatalik, pera, at lakas ng loob. Nagkaroon ng ugnayan ang kanilang mga kwento dahil sa kasal kung saan ang isa sa kanila ay nagkaroon ng pagkakataong sumubok ulit sa pag-ibig at sa kasagraduhan ng kasal.
#Y – 5/5 Sa titulo pa lamang ay napaghahalataang isa itong pelikula ukol sa henerasyon ngayon. Ang #Y ni Gino Santos ay ukol sa paghahanap ng sagot kung bakit nagpakamatay si Miles (Elmo Magalona). Hinuhugot nito ang atensyon ng hindi lang ang mga kabataan, pati na rin ang iba’t ibang manonood, sa pamamagitan ng malaHollywood nitong cinematography, makatotohanang depiksyon sa mga bisyong droga, alak, at pagtatalik sa buhay ng mga kabataan at pagkwekwentong mas nabigyan ng kulay dahil sa pagganap nila Elmo Magalona, Coleen Garcia, Sophie Albert, Kit Thompson, Slater Young, at Chynna Ortaleza. K’NA THE DREAMWEAVER – 3/5 Ang kwento ng K’na the Dreamweaver sa direksyon ni Ida Anita del Mundo ay tungkol sa tribo ng mga T’boli at ang babaeng si K’na (Mara Lopez). Dreamweavers ang tawag sa mga naghahabi ng telang gawa sa abaca na inuugnay nila sa kanilang mga panaginip. Kwento ito ng pag-ibig, pangarap, at pamumuhay ng ating mga kapatid sa mga tribo. CHILDREN’S SHOW – 4/5 May pustahan sa labanan ng gagamba at kabayo, pati na rin para sa aso, ngunit iba ang para sa magkapatid na sina Jun (Buboy Villar) at Al (Miggs Cuaderno). Kung mga pedicab driver man sila sa umaga, nag-aalaga naman sila ng isang ilegal na underground fighting ring sa gabi. Inspirado ng kanyang sariling dokumentaryo, bibigyang-buhay ni direktor Roderick Cabrido ang bayarang bakbakan sa buhay ng mga batang nangangailangan ng kwarta. Mga natanggap na parangal: BEST SUPPORTING ACTOR – MIGGS CUADERNO
newbreed category
1ST KO SI 3RD – 4.5/5 Sa lente ni Real Fredo natin masasaksihan ang nakakatuwang kwento ng buhay retirado, tumanda man ang kanyang balat, hinding-hindi pa rin mawawala ang amats ni Lola Cory (Nova Villa) sa kanyang first love na si Third (Freddie Webb). Kaya nang sila ay pagtagpuin ng tadhana, handa nga ba siyang ipagpalit ang kanyang asawang si Andong (Dante Rivero) para kay Third at idaan sa peligro ang kanyang pagkakasal? Mga natanggap na parangal: BEST ACTOR – DANTE RIVERO
IPINAGDIWANG ng Cinemalaya ang ikasampung taon nito ng pagpapalabas ng mga dekalibreng pelikulang pinoy noong ika1 hanggang ika-10 ng Agosto. Ngayong taon, 15 pelikula ang nabigyan ng pagkakataong maihatid ang kanilang kwento gamit ang pinilakang tabing. KASAL – 4/5 Umiikot ang Kasal sa istorya ng magkasintahang sina Sherwin (Arnold Reyes) at Paolo (Oliver Aquino). Bilang dalawang lalaking nagmamahalan sa isang konserbatibong bansa, ipinaikot ni Direktor Joselito Altarejos ang kwento sa sunod-sunod na harang sa buhay ng magkasintahan—ang pagbalik ng nakaraang sakit sa pagkatraydor, pag-asa sa mas matibay na relasyon, at ang pagraos sa kabila ng diskriminasyon. Pumatok man ito sa komunidad ng Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender (LGBT), ang pinakaimportanteng tanong pa din ay kung nakuha ba nito ang atensyon ng taong bayan o ito ba ay para lamang sa mga taong nauugnay ang kanilang sarili dito? Mga natanggap na parangal: BEST FILM
THE JANITOR – 3/5 Hindi lang barilan at patayan ang matatagpuan sa maaksyong kwento ng The Janitor. Ang kwento nito ay nagsimula sa brutal na pagkamatay ng mga empleyado sa isang bangko matapos itong nakawan. Naging iskandalo agad ito sa lipunan kaya napilitang umaksyon ang mga pulis upang mahanap agad ang grupo ng mga kriminal. Habang sinusundan ang kwento ng dating pulis na si Cristano Espina (Dennis Trillo), unti-unting binuksan ni Direktor Michael Tuviera ang mga katanungang nais malaman ang katotohanan. Mga natanggap na parangal: BEST DIRECTOR – MICHAEL TUVIERA BEST SUPPORTING ACTOR – NICCO MANALO
HARI NG TONDO – 4/5 Sa direksyon ni Carlos Siguion-Reyna, isang lolong laki sa Tondo at nakaahon sa kahirapan ay nasa bingit ng pagkabaon sa utang. At anong solusyon? Ika nga ng “hari” sa kanyang pamilya, bumalik sa lupang kinalakihan. Pero ano nga ba ang nag-aabang para sa kanila matapos ang ilang taong nagdaan? Mga natanggap na parangal: BEST ACTOR – ROBERT AREVALO BEST SUPPORTING ACTRESS – CRIS VILLONCO
HUSTISYA – 3/5 Sa direksyon ni Joel Lamangan ay ipipinta ang masalimoot na buhay ng isang empleyadong saksi ang bawat operasyon ng kanyang pinagtatrabahuhan na human trafficking agency. Si Biring (Nora Aunor) ay ang kanang kamay ni Vivian (Rosanna Roces) sa nasabing trabaho. Hawak ng isang malaking sindikato, alin ang pipiliin ni Biring sa dalawa: ang mambiktima o magpabiktima? Mga natanggap na parangal: BEST ACTRESS – NORA AUNOR
ASINTADO – 3/5 Ito’y isang kwento tungkol sa pagmamahal ng inang si Julia (Aiko Melendez) sa kanyang mga anak na sina Tonio (Jake Vargas) at Etok (Miggs Cuaderno). Sila’y nakatira sa probinsya ng Nueva Ecija kung saan sila nagdaraos ng pista ng Taong Putik. May matinding karamdaman si Etok na siyang dahilan kung bakit mababahiran ng droga ang pista nang tanggapin ni Tonio ang trabahong maging drug courier.
BY: IVETH SOLEVILLA, RACHAEL UYCOQUE AT RISHA FERNANDEZ
directors showcase
8 LATHALAIN # AtNgayon (noon)
Mga Pakulo sa Wikang Filipino TRISHA ANDRADA PANSIN niyo ba ang pagbabago ng mga salitang ginagamit ng m g a
Pilipino habang lumilipas ang panahon? Taong 1959, termino ni dating pangulong Manuel L. Quezon, nang opisyal na kilalanin ang Filipino bilang wika ng mga mamamayang nakatira sa Pilipinas. Ang wikang Filipino ay may pagkakahawig sa wikang
Español dahil na rin sa nakaraang pagsakop nila sa ating bansa. Sa kasalukuyan, mayroon itong walong pangunahing wika, at isa sa mga ito ang Tagalog na gamit ng karamihan. Hindi man nagbabago ang ating wika, nadagdagan naman ng kaalaman ang mga Pilipino sa iba’t ibang lenggwahe at nakabuo ng mga pakulo na siyang dahilan ng kaunting pagbabago sa pagsasalita ng Filipino na sabay namang kinainisan at kinagiliwan ng mga tao. Bukod sa natural na paggamit ng banyagang lenggwahe, nariyan ang pagusbong ng: Taglish, Conyo, at Gay Lingo. Parte na rin ng buhay ng mga Pilipino ang pakikipag-usap gamit ang
Ingles bilang pangalawang lenggwahe nito sa bansa, at sa paglipas ng panahon, natuto tayong gamitin ang Filipino at Ingles nang sabay sa isang pangungusap na tinawag na Taglish. Hindi ito pormal ngunit nakasanayan na ito lalo na ng mga nasa henerasyong ito kung saan maririnig mo ang, “Chill ka lang, dude,” o kaya ay, “Sorry naman.” Sikat din ang Conyo, ito ang mas maselang paggamit ng mga salitang Filipino at Ingles para sa pakikipagusap. Halo ang reaksyon ng mga tao sa paraang ito, ang iba ay natuwa samantalang ang iba’y naiinis lang. Ngunit saan ka nga ba lulugar kung may nagtanong sa’yo ng, “Where is the Luneta Park? I can’t find it kasi. I think I’m kinda’ naliligaw.” Kung kakaibang mga salita naman ang minsa’y
PABRI- KASAMA NG
narinig niyo, maaring ito ay ang Gay Lingo. Ang mga salita sa Gay Lingo ay sobrang kakaiba na hango sa mga salitang Filipino, Ingles, o minsan ay sa mga tao. Maliit na porsyento ng populasyon lamang ang kayang mag-usap gamit ang Gay Lingo pero kung naintindihan mo ang, “Salaminchenelin,” siguro’y narinig mo na ito sa mga kaibigan mo. Walang permanente sa mundo kaya naman mismong wika natin, maaaring may magbago kahit sa maliit na paraan lamang. Sa kabila ng mga pag-usbong ng mga salitang nakagawian, sana’y hindi pa rin nawawala sa puso’t isipan ng mga Pilipino ang tunay na lenggwaheng sariling atin.
KANTAHAN SA PANGALAN pa lang ay alam mong hindi mo kailangan seryosohin ang bandang Giniling Festival. Ang bandang ito ay dedikado sa paggawa ng mga nakakatawa (at minsan mapanglait) na mga kanta na pinagtatawanan ang iba’t ibang cliques, pangyayari, at kahit ano mang maisip nilang gawan ng kanta. Para sa kanilang pinakabagong album, tatangkain nila ang isang medium na di pa gaanong ginagamit ng mga propesyonal na musikero sa paghahatid ng kanilang mga kanta sa mga tagapakinig, ang internet. Libre lang ang kanilang buong album sa internet. Kailangan mo lang bumisita sa kanilang opisyal na website at pwede mo
nang ma-download ang pangalawang album ng banda, ang Makamundo. Ngunit, para sa kanilang pinakabagong album, ‘di mo lamang ito mapapakinggan nang libre, makikita mo pa ang proseso kung papaano nila nirekord ang mga kanta dito. Gamit ang site na YouTube, ang banda ay naglalabas ng ilang mga video logs or vlogs kung saan makikita
ang
mga pangaraw-araw na buhay ng banda at ang iba’t ibangmga pakulo nito sa pagre-record ng kanta. Ngunit komedya man ang hilig ng banda, ‘wag niyo silang maliitin. Mula sa matuling gitara ng Tayo-Tayo, hangang sa mala aktibistang paksa ng Umaksyon Ka Na! Sari-sari ang istilong ginagamit ng banda sa kanilang mga
tugtugin. Kakaiba man ang mga tema ng kanilang mga kanta, hindi maaaring hindi mo pansinin ang tunay na talento ng banda sa pagsulat ng kanilang mga liriko at himig na kaaliw-aliw. Ang banda ay pinamumunuan ng singer na si Jeje Santos, ang gitarista na sina Bombee Duerme at Jebs Mangahas. Sa bass naman, si Lec Cruz at ang sa drums naman, si Marco Ho—na kilala rin bilang si Bogart the Explorer. Di man sila ang iyong tipikal na banda, ang Giniling Festival ay tunay na nakakaaliw, gamit ang kanilang istilo na nakakatawang musika.
KEVIN LOUISE VALDEZ
TOMO XXXVIII - ISYU 3 AGOSTO 2014 - 12 PAHINA
LATHALAIN
Daan sa sariling pagkakakilanlan SA TUWING sasapit ang Agosto, ating ipinagdiriwang ang ‘Buwan ng Wika’ kasabay ng kapanganakan ng itinuturing nating Ama ng Wikang Pambansa na si Dating Pangulong Manuel Luis Molina Quezon, upang bigyang-pugay ang kanyang walang kapantay na ambag sa ating wika at pagka-Pilipino. Noong tayo ay masakop ng mga Amerikano, kasalukuyang pinananahanan ang Pilipinas ng humigit kumulang 45 milyong mamamayang gumagamit ng 175 na iba’t ibang wika at dayalekto. Kabilang sa mga pangunahing wika ay ang Tagalog, Cebuano, Ilokano, Bicolano, Hiligaynon, Waray, at Maranao. Ngunit sa pagdaan ng mga taong tayo ay hawak ng mga Amerikano, unti-unting namayani ang wikang Ingles sa ating arkipelago. Naging mahigpit ang pagtutol ng ating mga lider na makabayan tulad nina Lope K. Santos, Ceci-
9
KATHRINA YSABEL PINEDA
lio Lopez, Teodoro Kalaw, at iba pa sa pamamayani ng wikang Ingles, kaya naman sila ay nagtatag ng kilusang naging masigasig sa pagkakaroon ng wikang pambansa. Naghain ng isang panukula ang noo’y mambabatas na si Manuel Gillego na gawing wikang pambansa at wikang opisyal ang Filipino subalit patuloy pa ring namayani ang wikang Ingles. Noong itatag naman ang pamahalaang Komonwelt, nagkaroon ng malaking pag-asa tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa dahil sa hakbang ng noo’y mambabatas at miyembro ng asemblea na bumabalangkas sa konstitusyon ng Komonwelt na si Quezon, isang probisyong patungkol sa wika ang isinama sa ating Saligang Batas. Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng 1935 na konstitusyon na, “Ang Pambansang Kapulungan ay magsasagawa ng mga hakbangin tungo
sa paglinang at paggamit ng pambansang wikang batay sa isa sa umiiral na katutubong mga wika.” Nobyembre 1936 nang maaprubahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral sa mga katutubong wika at pumili ng isang magiging batayan ng wikang pambansa. Binubuo ito ng mga kinatawang nagmula sa iba’t ibang mga rehiyon ng Pilipinas. Matapos ang puspusang pagsasaliksik at pagtatalo, napagalamang mahigit sa 34% ng Pilipino ay Tagalog ang wikang gamit, nasundan naman ito ng mahigit sa 21% na bilang ng mga nagsasalita ng Cebuano kaya naman napagpasyahan ng Surian na Tagalog ang siyang dapat pagbatayan ng wikang pambansa pagkat ito’y nagtataglay ng nalinang nang panitikan at wikang sinasalita ng nakahihigit na dami ng mga Pilipino. Marami
Sanayin ang sarili sa tuntunin ng moralidad
na r i n a n g m g a librong nailimbag sa Filipino at ito rin ang wikang sinasalita sa Kamaynilaan na nagsisilbing sentrong pampulitika ng bansa. Kaya noong Disyembre 30, 1937, inihayag ni Quezon na ang pagbabatayan ng wikang pambansa ng Pilipinas ay Tagalog at tatawagin itong ‘Filipino.’ Abril 1, 1940 naman nang ipinalabas ang kautusang tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa wikang pambansa. Ipinahayag na rin na ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas.
Pinagtibay naman ng Batas Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946, ang wikang pambansa ay isa na sa mga opisyal na wika ng bansa. Iniutos ni Ramon Magsaysay sa kanyang Proklamasyon Blg. 186 na ilipat ang selebrasyon ng Linggo ng Wika mula Marso 27 hanggang Abril 2 papuntang Agosto 13- 19. Bilang paggunita umano ito sa kaarawan ni Quezon. Pinalawig naman ni Fidel V. Ramos ang selebrasyon ng Linggo ng Wika sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1041 na tataguriang Buwan ng Wika ang Agosto.
Arribagyo
KEVIN LOUISE VALDEZ BILANG mga estudyante, minsan nawawala sa isipan natin ang importansya ng pagiging tapat. Marahil dahil ito sa nais nating pumasa sa ating kurso, o kaya naman ay mapaligaya ang ating mga magulang, pero pagdating na nang oras ng eksaminasyon, habang pahirap nang pahirap ang mga tanong, padali nang padali sa loob natin ang gumawa ng iba’t ibang klase ng pandaraya. Ngunit aanhin pa ang
magandang grado kung mali naman ang pamamaraan kung paano ito nakuha? Tandaan, tayo ay estudyante ng isang prestihiyosong intitusyon. Dapat lang na isagawa natin ang mga etiko at asal na itinuturo sa atin. “Pag-ingatan ninyong hindi pakitang-tao lamang ang paggawa ninyo ng mabuti. Kapag ganyan ang ginawa ninyo, wala kayong matatamong gantimpala buhat sa inyong Ama na
nasa langit.” - Mateo 6:1 At lalo itong pinagtibay sa sinabi ni Santiago sa kanyang berso: “Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito’y kasalanan sa kaniya.” - Santiago 4:17 Subakan natin ugaliing isagawa ang mga mabubuting asal na sa atin ay itinuro ng Diyos at ng insitusyong ating kinabibilangan. Dahil utang na loob natin sa kanila at sa ating sarili ang paggawa ng tama.
By: Rachael Ly Uycoque
10 BALITA
MMFF
MULA PAHINA 3
Kiyeme ni Marj “Kiyeme” -pangngalan (noun) -balbal na salita ng mga “beki” -ibig sabihin ay mga gustong sabihin, o pinaglalaban *** ANG ARTIKULONG ito ay hindi patungkol sa isang showbiz item na puno ng kontrobersya at “chika” na maaring ibalandra sa social media. Kundi isang tipikal “kiyeme” o gustong sabihin ng isang manunulat na pwede rin namang pag-usapan ngunit ang kaibahan ay hindi lamang siya “chika” na may dagdag at bawas, kundi isang malagim na katotohanan. *** Nais ko po gamitin ang pagkakataong ito upang ipahatid ang aking lubos na pakikiramay sa nagdadalamhating mga pamilya na naiwan ng pitong mag-aaral mula sa Pamantasan ng Bulacan na yumao dahil sa isang trahedya na kanilang sinapit sa rumaragasang ilog sa Madlum Cave. Bagamat ilang araw na ang nakalipas matapos ang insidente, sariwa pa rin sa mga nagluluksang pamilya at mga kamag-aral ng mga biktima ang sinapit ng kanilang mga kasama. Isaisa nang na-recover ang labi ng mga nawawalang estudyante at naihatid sa mga nagluluksang pamilya. Samantala, humingi naman ng paumanhin ang unibersidad na pinanggalingan ng mga biktima sa mga pamilya, at inako lahat ng gastusin habang naghihintay ng imbestigasyon sa crisis committee. Sari-saring pambabatikos at kuro-kuro ang pinukol laban sa unibersidad dahil umano sa “negligence” na sanhi ng
NOYPI
MULA PAHINA 5 sa tuwing ka-sagsagan ng eleksyon? Sa Oktubre ay magtatapos ang pagpaparehistro ng mga bagong botante para makaboto sa susunod na halalan. Huwag sana nating palagpasin ang pag-kakataong ito upang makiisa sa pagkilos at buhayin ang pag-asa na
malagim na insidente. Mayroon akong tatlong punto sa isyung ito, una sa lahat, igalang po natin ang pagdalamhati ng mga pamilya at ang reputasyon ng paaralan at iwasan ang walang habas na pagbibigay ng opinion sa social media habang hindi pa lumalabas ang huling imbetigasyon ukol sa insidente. Pangalawa, ang naganap ay isang aksidente na walang sinuman ang may kagustuhang mangyari. Ayon sa unibersidad ay sinunod nito ang protocol na dapat gamitin sa field trip para maiwasan ang mag ganitong pangyayari ngunit may mga aksidente talaga na sadyang hindi naiiwasan. Kung magkakasisihan ba kung sinong may sala ay may pagbabagong mangyayari? Sinong nagpabaya? Sinong hindi nag-ingat? Naganap ang isang malagim na trahedya at ang tangi nating magagawa sa ngayon ay makiramay at irespeto ang mga nagdurusang pamilya. Pahalagahan kung ano ang naiwan. At sa mga kinauukulan, nararapat lamang na mas paigtingin ang imbetigasyon at ang pagbabantay lalo na sa mga field trip na nangangalaga sa kapakanan at kaligtasan ng mga magaaral upang hindi na maulit pa. Patuloy tayong magdasal para sa paghilom ng sugat at malagpasan ng mga naiwan ng mga biktima ang unos na kanilang pinagdaraanan. *** Hindi lahat ng “kiyeme” ay mababaw. Dapatwat nanggaling ito sa mga tao sa lipunan noon na naging paksa ng biro at katatawanan, unti-unti itong nagbabago at nabibigyan ng halaga.
uunlad pa ang ating bayan. Gamitin nating mga kabataan ang ating karapatan at gawin ang ating obligasyong bumoto. Dapat tayong maging matalino at tapat sa pagtupad sa obligasyon na ito dahil sa huli, tayo at ang susunod na henerasyon ang maaapektuhan ng kung ano man ang magiging resulta ng gagawin nating aksyon ngayon. Bumoto tayo, mga kabataang Noypi!
ispiker naman na si Patricia Coronado ay nagmungkahi ng kanyang kadalubhasaan tungkol sa Character Styling. Maraming aral ang iniwan ng MMFF Caravan sa mga tagasubaysubay nito, lalong-lalo na sa nakiisang mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan. “Sobrang thankful ako na nakasama [at] nakapunta ko dito sa film-making seminar [na ito] kasi sobrang dami kong natutuhan. And alam kong magagamit ko talaga siya in the future kasi yung course [program] ko ay medyo related din sa film,” sabi ni Joanna De Los Reyes, isa sa mga kalahok at estudyante ng Arts and Studies sa Unibersidad ng Pilipinas. Ibinahagi ni Atty. Lopez ang mga dapat asahan sa ika40 na taon ng MMFF. “The good thing about this year is
CHESS
MULA PAHINA 12
Woodpushers, pinabagsak ang Bombers at Cardinals Magkasunod na umarangkada ang Letran Knights matapos pabagsakin ang Jose Rizal University (JRU) Heavy Bombers at Mapua Cardinals sa parehong iskor na 3-1 noong ika-7 at 9 ng Agosto. Di matinag ang bangis na ipinamalas ni Baltazar sa pagsulong ng ibat ibang piyesa tulad ng queen, pawn, at knight sa teritoryo ng kalaban matapos nitong pabagsakin ang parehong manlalaro sa dalawang koponan. Ang team captain naman ng Muralla woodpushers na si Mary Joyce Fuerte ay hindi nagpapigil at pinatiklop si Todel Obinang ng JRU at maging ang mga manlalaro ng kapitbahay sa Muralla na Mapua Cardinals. Patuloy ang pag-abante ng Letran Knights matapos maungusan ng Arellano University Chiefs sa iskor na 1-3 noong ika-5 ng Agosto. Buo rin ang loob ng mga
INTRAMUROS MULA PAHINA 1
sa Ilaw, Cariñosa, at iba pa. Mayroon ding mga magaaral na nagpakitang-gilas sa pag-awit ng mga makalumang mga awitin sa Pilipinas. Ang iba ay nagtanghal ng maiikling palabas at mga “human tableau” na kung saan inilarawan ang buhay at ang pagkamatay ni Rizal.
pwede siyang i-commercially show sa theater. Of course doon sa prizes, lumaki rin ng konti. Mabibigyan ng chance na maipalabas sa mga sinehan ang mga mananalong movies for this year.” Inanyayahan din niya ang lahat ng interesadong sumali sa ikaapat na taon ng MMFF New Wave na may sumusunod na kategorya: Student Short, Full Feature, Animation, at Cinephone. “Lahat ng tao ay may kwentong dapat ikwento. It’s not just the film production outfits, [at] the big stars, but each and everyone of you has a story to tell,” sambit ni Atty. Lopez at kanyang dinagdagan, “so kami po sa Metro Manila Film Fest Committee ay naghihintay, naghihintay makita, marinig at ma-receive ang mga kwento niyo.” Ang MMFF University Caravan 2014 ay susunod na bibisita sa UP sa ika-16 ng Agosto.
Letranistang manlalaro na umangat sa standings matapos pumalo sa ika-anim na pwesto noong nakaraang taon at huling nalasap ang pinaka-aasam na kampeonato noong 2009.
Woodpushers, bumigay sa koponan ng San Beda Umuwing luhaan sa Muralla ang mga manlalaro ng Letran matapos masimot ng San Beda Red Lions ang 4-0 sa kanilang unang pakikipagsapalaran noong ika-10 ng Agosto. Nagapi si Baltazar ni Alcon John Datusa sa ika-apat na round ng Chess Tournament na tuluyang nagbigay sa mga taga-Mendiola ng magkasunod na panalo. Kinulang din ang diskarte ni Barroga sa bangis ni Renato Cruz Jr. kaya nasungkit din nito ang puntos para sa mga Bedista. Nagpamalas naman ng galing si Bryan Barcelon mula sa San Beda matapos matagumpay na ma-korner ang hari sa teritoryong Letranista na si Destura upang mawalis ang pangatlong puntos ng kanyang koponan.
“The students’ performances is also one way of showcasing their talents and skills of Filipiniana dances, mga songs or music pertaining to the life of Jose Rizal,” ang sabi ng pinuno ng Social Sciences Area na si Asst. Prof. Jayson Peñaflor. Nagwagi sa patimpalak ang pangkat ng FM2B. May mga iba pang nagwagi ng iba’t ibang titulo, katulad ng Best Costume na may dalawang dibisyon: ang
LETRAN
MULA PAHINA 2
nagkaroon din ng pagpupulong ang mga kalapit-bayan ng Letran na pinangunahan pa rin ng CCD na siyang proyekto naman sa ilalim ng ARRIBAyanan. Ang pagpupulong ay nilahukan ng 96 na mga bata mula sa Bgy. 654 at 655, Intramuros. Nagkaroon ng serye ng workshops at maikling paglalarawan sa layunin ng proyektong ito. Ang hangarin ng mga proyektong ito, ayon kay Zamora, ay makilakbay sa mga kalapit-komunidad ng Letran sa pagpapayabong ng kani-kanilang mga buhay. Nariyan din ang Letran upang umalalay sa kanila hanggang sa mapagtagumpayan nila ito. Dagdag din niya na hindi ibig sabihin nito ay ibibigay na ng kolehiyo ang lahat ng kanilang pangangailangan, sapagkat layon din ng Letran na turuan silang tumayo sa sarili nilang mga paa.
HUMINAHON MULA PAHINA 5
tayong parang susukluban ng langit tuwing sinisita tayo ng mga guwardiya at ibinabato natin ito pabalik sa kanila. Ayon nga kay Vilma, matuto tayong respetuhin sila kahit bilang tao man lang. Maraming bagay ang naidadaan sa mahinahong usapan, at kinakailangan nating tanggapin kung tayo man ay nagkamali. At sa tuwing nasita ka, huwag ka na lang magsungit— huminahon ka lang, idol, mag-poker face ka na lang. Samantala, ang kapatid ng pinakabatang Chess Olympiad, Paulo Bersamina na si Joseph Bersamina ay nabigo at pinaluhod ng Mendiola woodpusher na si Arvin Chester Dait upang tuluyang masweep ng San Beda ang laban sa iskor na 4-0. Kasalukuyang naka-upo sa ika-anim na pwesto ang Letran Knights sa standings matapos pumalo ng 2-02 win-draw-loss rekord at mayroong 7.5 na puntos.
panglalaki at pangbabae. Nagwagi sina Matthew Dejon ng CA1B, at si Eiuree Lingbawan ng ND3A sa nasabing kumpetisyon. Pagkatapos ng seremonya ng pagpaparangal sa mga nagwagi, nagpunta ang mga mag-aaral sa Fort Santiago kung saan sila ay naglibot at tumuklas ng mga gawa at nakamit ni Rizal noong siya ay nabubuhay pa.
TOMO XXXVIII - ISYU 3 AGOSTO 2014 - 12 PAHINA
KNIGHTS
MULA PAHINA 12
Letran Knights (82) vs. UPHSD Altas (85) Nilunok ng Letran ang pangalawang sunod na pagkatalo laban sa UPHSD Altas, 82-85, matapos ang comeback ng Altas mula sa 14-point deficit sa unang bahagi ng laro noong Agosto 9. Ito ang ikaanim na talo ng Knights sa torneo. Maagang inangkin ng Letran ang kalamangan sa unang kalahati ng laro, 45-40. Ngunit matapos ang halftime ay dumulas sa kanilang kamay ang 14 na puntos na kalamangan na nagpatuloy sa kabuuan ng ikatlong bahagi. Tuluyang naglaho ang kalamangan ng Letran matapos magpasiklab ng sunud-sunod na tres ang kampo ng Perpetual na pinagtulungan nina Juneric Baloria, Earl Thompson, at Harold Arboleda. Ang star player ng Perpetual na si Baloria ang nanguna sa lahat ng mga scorer matapos magtala ng 32 na puntos. Pagpasok ng huling bahagi ng laro ay umabot pa ang kalamangan ng Perpetual sa walo bago sumugod ang Knights para sa isang late surge. Nanguna sina Cruz, Racal, at Rey Nambatac para sa isang 14-5 run upang agawin ang kalamangan mula sa Altas, 76-75. Nagpatuloy ang palitan ng mga tres ng dalawang kam-
PALAKASAN
po hanggang sa pagtatapos ng laban, ang huling tres ni Cruz ang nagpalaki sa kalamangan ng Knights, 82-78. Ngunit muling nakahanap ng kasagutan ang Altas mula kay Baloria para sa isang fastbreak score, 83-82. Pinilit ng mga Kabalyero na humabol sa nalalabing 19 na segundo ngunit nasayang ang mga oportunidad na ito bunga ng matinding depensa ng Altas. Naipasok ni Joel Jolangcob ng Perpetual ang dalawang free throws na iginawad sa kanya, 85-82, sa huling dalawang segundo. Nagkaroon ng oportunidad ang Knights na maipatas ang laban ngunit natawagan ng backcourt violation si Cruz na tuluyang nag-abot sa Altas ng tagumpay. Matapos ang laban na ito, napako ang Knights sa eight place (2-6), samantala ang Perpetual ay umakyat sa third place (5-3). Letran Knights (64) vs. SBC Red Lions (53) Ipinako ng Letran Knights ang dalawang sunod na pagkatalo nito nang lampasuhin ang pinakamatindi nitong karibal at ang nangunguna sa standings, ang San Beda Red Lions, 64-53 sa pinakahuling hirit ng unang round. Uminit ang labanan sa pagpasok ng ikatlong kwarter nang magkaroon ng tensyon sa pagaapela ng coaching staff ng San Beda sa ilang
11
mga tawag ng referee. Sinubukang humabol ng mga taga-Mendiola sa pangunguna nina Jaypee Mendoza, Arthur De La Cruz, at Anthony Semerad ngunit hindi sila hinayaan ng Letran. Nagtala ang Knights ng 7-0 PATULOY ANG LABAN. Susubukan ng Letran Knights makabawi run sa huling mula sa mapanglaw nitong performance noong unang round ng apat na minuto eliminations. | LARAWAN KUHA NI RYAN MIGUEL RONA ng ikatlong kwarter, upang apat sa kanyang 17 puntos to focus on the standings but lalong iangat ang kalamangan ay nasungkit niya sa free just to focus on this game, essa 22, ang pinakamalaking throw line, patunay na nahi- pecially for the Letran comungos ng Letran sa laro. Tina- rapan ang mga manlalaro na munity, we know na medyo pos ng Letran ang kwarter sa sumaksak sa loob na walang may rivalry.” iskor na 49-29. kaakibat na foul, dala na rin Sa tingin din ni Garcia ay Sa huling sampung minu- ng matinding depensa ng may tyansa pa rin sila na to, ang bawat puntos na gi- dalawang koponan. makuha ang kampeonato nagawa ng San Beda ay may “Kami rin naman nag-focus kung ipagpapatuloy nila ang mabilis na sinasagot ng sa defense sa game na ito. Kasi ganitong klaseng paglalaro. mga taga-Muralla, kasabay sabi nga ni coach (Caloy Gar“Well, I think if we play na rin nito ng patuloy na cia), mag-defense ka muna, the way we played today, I pag-arangkada ng Knights dadating din yung offense. Ga- think good things are about sa pangunguna ni Cruz. noon yung ginawa namin sa to happen for us. Pero syemNagtala ng pangkabuuang court kanina, so nag-pay-off pre dapat madala yan sa 24 turnovers ang San Beda naman,” ayon kay Cruz. next game. ‘Di porket nanalo na hindi pinalagpas ng LeUmamin si Garcia na alam na kami sa San Beda [magitran para magmarka ng 26 na niyang dehado sila laban sa ging] masaya na kami. Sypuntos mula dito kumpara sa San Beda at puso lang ang empre ang target pa rin dito 19 turnovers ng Letran kung kanilang ginamit sa laban is try to go to the final four, saan 10 puntos lamang ang na ito, “I just told the play- and hope that we can go to nakuha ng San Beda. ers that we are a very small the Finals again,” aniya ni Si Cruz ang itinanghal na team, so it’s all about our Garcia. Best Player of the Game na heart against San Beda. Kasi Nakatakda ang simula ng nagbigay sa Knights ng 17 reminder ko nga sa kanila ikalawang round sa Agosto na puntos, limang rebounds, last year, we lost the Cham- 20 na tatagal hanggang Okat tatlong assists. Labing- pionship against them, so not tubre 6.
‘Disiplina’ sa bawat Paghampas ng Buhay ANGELICA STA. ANA
SA NALALAPIT na bakbakan ng Badminton Tournament, sa ika-90 na season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA), ay hindi mapigil ang koponan ng Letran upang masungkit ang kampeonato sa pangunguna ng kanilang pangunahing manlalaro na si Mark Sabarre. Si Sabarre, tubong Maynila, katulad ng nakararaming atletang Pilipino, ay unang nahilig sa basketball. Ngunit nang siya ay napilayan dahil dito ay humanap siya ng alternatibo at panigabong isport na kahihiligan. Una niyang sinubukan ang badminton at pinagtuunan niya ito ng pansin noong siya ay nasa ikatlong taon sa high “Hindi LARAWAN MULA SA INTERNET school.
ko akalaing mahihiligan ko yung badminton,” pag-amin ni Sabarre. Kamangha-mangha ang pagiging maabilidad ni Mark dahil kinasangkapan niya ang kanyang hilig at galing sa Badminton bilang instrumentong makatulong pampinansyal sa kanyang buhay. “Self-supporting ako, kumikita ako sa badminton at sa pagtuturo na rin.” Kumukuha ng programang Financial Management, siya ay unang naglaro para sa Adamson University. Ngunit sa mga ‘di inaasa-hang mga pangyayari, napilitan siyang umalis sa unibersidad. Kasabay ng pagsara ng isang pintuan para kay Sabarre ay ang panibagong oportunidad na nagbukas para sa kanya. Nangailangan ang Letran ng mga manlalaro sa badminton. Sumubok si Sabarre at nabigyan ng pagkakataong makapasok sa Men’s Badminton Team.
Bagamat maraming benepisyo ang pagiging atleta tulad ng scholarship, mayroon din itong mga negatibong epekto. Isa na marahil sa mahirap na bahagi ng pagiging atleta ay ang pagbabalanse ng oras. “Minsan hindi na nakakapasok sa mga klase, minsan nakakapasok nga pero wala ka naman sa sarili mo dahil na rin sa pagod,” aniya. Dagdag pa niya, “Pero para sa akin, hindi hadlang ang pagiging athlete sa pagaaral basta alamin mo lang ang mga priorities mo.” Lalo ngayon at nalalapit na naman ang pakikipagtunggali ng badminton team sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo na kalahok sa NCAA, matinding disiplina ang ilalarga ni Sabarre at ng kanyang koponan. Tiwala naman si Mark sa kanyang koponan at sa kanilang line-up ngayon. “Malaki naman ang chance naming makapag-champion.
Pero syempre, sa tingin ko, nasa amin pa rin ang pagpapasya at kung gaano namin ito kagusto,” ayon sa kanya. Bukod kay Sabarre, nakatakdang lumaban ang Men’s Badminton Team, na kinabibilangan din nila Nathaniel Pineda, Nephtali Pineda, Gerald Cruz, Jeff Orsolino, at Julius Quindoza, simula ika-27 ng Agosto, upang muling itaguyod ang bandera ng Muralla. “Ang maipapangako lang siguro namin ay gagawin namin lahat ng paraan upang makuha ang kampeonato sa season na ito,” saad ni Sabarre. Si Sabarre ay isa lamang sa patunay na gamit ang sipag at tiyaga, kasabay ng tamang disiplina, at kaakibat ang puso sa paglalaro ay matatamo ang tamang pormula patungo sa tagumpay, hindi lamang sa larangan ng isport na badminton, ngunit pati na rin sa buhay.
PALAKASAN
TOMO XXXVIII - ISYU 3 | AGOSTO 2014 - 12 PAHINA
Knights, nakatala ng 3 panalo sa Round 1 KUMANA ang Letran Knights ng dalawang panalo sa huling apat na laro para ibandera ang 3-6 win-loss record sa pagtatapos ng unang round ng Basketball Tournament sa ika-90 na season ng National Collegiate Athletic Association. Nakuhang makasungkit ng Knights ng panalo kontra Emilio Aguinaldo College (EAC) Generals (3-6), 63-61, bago lumunok ng dalawang sunod na mapapait na pagkabigo sa kamay ng Arellano University (AU) Chiefs (7-2), sa score na 62-63, at University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) Altas (54), sa iskor naman na 82-85. Isang malaking panalo naman laban sa defending champions na San Beda (SBC) Red Lions (7-2) ang nagtapos ng unang round ng eliminations para sa Knights. Dinomina nito ang Red Lions sa iskor na 64-53. Letran Knights (63) vs. EAC Generals (61) Nakuha ng Letran Knights
DARREL SAN ANDRES, ANGELICA STA. ANA, AND BRYLE SURALTA
ang ikalawang panalo nito sa torneo kontra sa EAC Generals, 63-61, noong ika30 ng Hulyo. Ginamit ng mga kabalyero ang pagiging pisikal at pagkakaroon ng mga three-point shooter upang dominahin at tambakan sa unang kalahati ng laro ang ‘di hamak na mas malalaking Generals sa iskor na 32-16 matapos ang unang 20-minuto ng paglalaro. Nagpasiklab si Mark Cruz ng isang tres sa umpisa ng ikatlong bahagi ng laro. Hindi naman nagpalamang ang EAC nang gamitin nito ang Cameroonian center na si Cedric Happi upang dominahin ang Letran sa ilalim. Sa pagpasok ng huling sampung minuto ay nanganib sa limang puntos ang kalamangan ng Letran (45-40); nagpakawala si Jamil Gabawan ng Letran ng apat na magkakasunod na puntos ngunit gumanti ang EAC at nagtala ng anim na magkakasunod na puntos sa loob ng apat na minuto. Sa huling 20-segundo ng
AquaKnights, muling lalangoy
laro ay lamang ang mga Kabalyero ng tatlong puntos, 59-56 nang tulayang daigin ang Generals sa labanan sa free throw upang pormal na iuwi ang panalo sa iskor na 63-61.
Letran Knights (62) vs. AU Chiefs (63) Nabali agad ang pagdiriwang ng mga Kabalyero mula sa pagkapanalo kontra EAC nang sila ay pataubin ng Arellano Chiefs ng isang puntos, 62-63. Maagang dinomina ng Knights ang Chiefs sa unang sampung minuto ng laro na siyang pinangunahan ni Kevin Racal na nagtala ng anim na puntos upang matamo ang 16-8 na kalamangan sa pagtatapos ng unang quarter. Pagpasok ng pangalawang bahagi ng laro ay binuhat naman ng gwardya na si Mark Cruz ang Letran at nagpasabog ng anim na puntos upang mapanatili ang kalamangan bago matapos ang unang kalahati ng laro, 34-31. Sa ikatlong quarter ay tu-
luyan nang naagaw ng Arellano ang kalamangan mula sa Letran sa tulong ng kanilang center na si Dioncee Holts at sa kanilang gwardya na si Keith Agovida upang makuha ang 49-48 na kalamangan. Sa huling 4:49 ng laro ay nakatres si Racal upang habulin ang lamang ng kalaban ngunit agad naman itong sinagot ni Agovida sa kabilang court upang makamit ang isang puntos na kalamangan, nagkaroon pa ng pagkakataon ang Knights na maipanalo ang laro ngunit bigo silang kumana ng puntos dahil sa matinding depensa na ipinamalas ng Arellano. Sa kabila ng pagiging “undersized” ng Knights ay nagawa nilang malamangan sa rebounds ang mas malalaking Chiefs. Humakot ng 63 rebounds ang koponan ni Coach Caloy Garcia laban sa 43 ng katunggali ngunit hindi ito naging sapat para makasungkit ng panalo.
LARAWAN KUHA NI RYAN RONA
KNIGHTS, PAHINA 11
Chess tournament, opisyal nang nagbukas RONALD JOHN ESPARTINEZ AT MARILIE TUBALINAL
BRYLE SURALTA
BILANG pagsalubong sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 90, naghanda nang maigi ang Men’s Swimming Team ng Colegio upang muling makipagsapalaran sa pagbubukas ng Swimming Competition noong Agosto 20. Mapait ang sinapit ng AquaKnights noong nakaraang torneo sapagkat nakaharap nila ang kanilang karibal, ang San Beda Red Lions, na nakasungkit ng kanilang ika-labindalawang sunod na kampeonato. Sa ngayon, ang pangu nahing layunin ng AquaKnights ay malagpasan ang kanilang fourth place finish sa nakalipas na season. Ang Letran ay nakakuha lamang ng 204.00 na puntos nang matapos ang bilangan, hindi man ito ang pinakamababang marka, sinisikap pa rin ng koponan na makatuntong sa iskor na mas maipagmamalaki pa nito. Samantala, ang Emilio Aguinaldo College naman ay nakakuha ng bronze na medalya sa kanilang total na 374.50; 689.75 para naman sa College of St. Benilde na
nakakuha ng silver at ang gold naman para sa San Beda College na humakot ng 1,230.25, isang napakalaking mardyin sa kompetisyon na talaga namang hindi naabot ng kahit sinuman. Ang paglalangoy ay hindi biro dahil kailangan ng tiyaga at oras. Hindi suwerte ang nagpapanalo sa mga kumpetisyon dito kundi ang husay, paulit-ulit na pageensayo, sipag, at ang kagustuhan ng bawat kalahok na manalo at ipaglaban ang pangalan sa harap ng kanyang uniporme. Umaasa muli ang Colegio sa isang matatag na pakikipagsapalaran; bagama’t hindi magiging madali ang daan patungo sa gold, wala namang dahilang mangamba sapagkat muling sasabak ang mga desididong Letranista na sina Abraham Hatang, Mohammad Domingo Damman, Kevin Nicole Perez, at Paolo Tristan Tacocong. Ipinangako ng koponan na ibibigay nila ang lahat ng kanilang makakaya upang maiwagayway ang bandera ng pagiging Letranista, ang tunay na dugong Arriba.
HANDANG PUMAILANGLANG. Letran woodpushers sa pagbubukas ng torneo ng chess | LARAWAN MULA SA NCAA.ORG
ANG PORMAL na pagbubukas ng Chess Tournament ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) para sa ika-90 season na pinamunuan ng College of St. Benilde (CSB) ay naganap noong ika-5 ng Agosto sa Rizal Memorial Stadium. Matatandaang nabigong makuha ng seniors chess team ang kampeonato noong nakaraang torneo sa kamay ng three-time defending champion na San Sebastian.
Ang Squires naman ay nakatakdang depensahan ang kanilang ikatlong kampeonato sa nasabing patimpalak. Inaasam din ng Squires ang ika-12 na pangkalahatang kampeonato na magsisilbing pinakamarami sa dibisyon ng juniors sa NCAA. Unang sumabak ang koponan ng Letran seniors team, na binubuo nina Kenneth Baltazar, Paul Barroga, Joseph Bersamina, at Lian Destura, kontra Arellano University.
Naki-pagsulungan si Baltazar ng humigit-kumulang 40 na galaw bago madeklarang patas ang laban. Sina Bersamina at Destura naman ay nabigong talunin ang kanilang kalaban. Samantala, nilampaso ni Barroga sa 37 na galaw ang manlalaro ng Arellano na nakapagbigay sa Letran ng isa’t kalahating puntos (1.5) para sa isang draw ngunit hindi ito sapat para pumantay sa kalaban na koponan.
CHESS, PAHINA 10