Andamyo XV: Eskinita

Page 1

E S K I N I T A

ANDAMYO XV


The

Luzonian Opisyal na Pahayagan ng mga Kolehiyong Mag-aaral ng Pamantasang Manuel S. Enverga, Lungsod ng Lucena

ANDAMYO

Opisyal na aklat-pampanitikan ng The Luzonian Karapatang-ari Š The Luzonian Patnugutan 2019-2020 Walang bahagi ng aklat na ito ang maaring ilimbag muli sa kahit na anong paraan nang walang pahintulot ng manunulat, dibuhista, at ng patnugutan.


Pst!‌ Bata! Bata! Halika Kumapit nang mahigpit At dinggin ang munting paanyaya Pumasok sa siwang ng siyudad. Itikom ang bibig at sa akin makinig; Sa mga sikreto at istorya.

ESKINITA | 03


ANDAMYO XV: ESKINITA Opisyal na aklat-pampanitikan ng The Luzonian Simon Romuel Uy Patnugot ng Andamyo XV Jean Alric Almira Kabakas na Patnugot Karen Yvonne Daleon Tagapamahalang Patnugot Adrian Carlo Villanera Patnugot ng Sining Erika Marca Patnugot ng Disenyo ng Pahina Mga Manunulat Jocelle Marrey Recella Caldrin Gianne Mejilla Louise Melka Saavedra Ivy Graceille Regis Josiah Samuel EspaĂąa Angela Mariz Javen John Lawrence Castillo Mga Dibuhista John Rossny Cleofe Jara Maiah Villaruel Hamfrey Saniel Mill Angelo Prado Mga Litratista Gracelle Aseoche Gabriel Biler Rafael Jules Codera Mga Kontribyutor Maria Rizelle Tiama Kyle Joshua Cadavez Sophia Margarette Caagbay Kimberly Mae Argosino Bea Marie Flores Sheryl Barerra

04 | ANDAMYO XV

Teknikal na Tagapayo Dexter Villamin John Rover Sinag


PASAKALYE Sa pagkakataong ito, matapos naming tawirin ang kalawakan ng hiraya, nais naman naming tahakin ang makitid na reyalidad sa edisyon ng Andamyo XV, Eskinita. Panandaliang makikipagsapalaran sa misteryosong siwang ng lansangan; magiging handa sa pagtawid sa makipot na eskinita -- sapagkat maraming nag-aabang na sorpresa; panandaliang mag-iisip at magtatanong kung ano ang naghihintay sa dulo. Kaya sa ika-labinlimang edisyon ng Andamyo, sa Eskinita, ‘wag mangamba sa pananawid; sandaling makitagay at makipagkwentuhan kasama ang mga manunulat at makata; manawid sa pasikot-sikot na imahinasyon ng mga pintor at dibuhista; at saksihan ang panibagong perspektibo sa kalagayan ng ating lipunan mula sa mata ng mga maniniyot. Hangad ng Andamyo na dalhin ang mambabasa lalo’t higit ang mga Envergista, sa kakitiran ng Eskinita--marinig ang tinig ng mga pader, ang kaluskos ng bawat yapak sa lumot ng limot o natuyong alikabok ng lungsod, ang lamig ng semento, at ang bakas ng minsang pagkaligaw o kaya’y pagdalaw. Samahan ninyo kami sa muling pananawid.

ESKINITA | 05


06 | ANDAMYO XV


BLUES

Alikabok Saturnino

It’s a narrow path between the walls; A make-shift passage for pilgrims who seek for solitude — bleak ominous shadow follows. Whispers within the cold walls, Invading minds with blares of temptation— Vices of pleasure. No man can resist when shadows devour you to desolation. So seek for the tranquil of your melancholia. Choose wisely — every hue has a different fate, each with special blend for your soul. First, it touches your lips — it’s out of curiosity. The first sip of nicotine — it’s a quest of escapism. The first depart of smoke — that’s the beauty of it. Releasing the tension in every blow; until ashes worn out leaving the stub to throw around. Be mindful as you maintain your power over it, As illness may debut.

ESKINITA | 07


08 | ANDAMYO XV


Manok na Pula Napadaan sa sabungan May nagkukumpulan Noong aking tingnan May nakapula, May batong tinda Ang pera ni misis Na dapat ay ihulog Ko sana sa Palawan Aking binigay Sa nakapula, Binili ng droga, para ma-gobas naman Sinimulan ang pagbatak Ng nakapula Biglang tinamaan Nag-diwang diwang Sa isang iglap lang Ako’y gobas na

Wednesday Leo | Desudis

Pero ang misis ko Hindi maloko Tinaga ako Wakwak at sugatan Ang katawan ko Ang darling ko Dating magkakatay d'on sa Tondo Lahat ng taga nya Ay sinapol ako Dati rin pala s'yang Sa Bilibid isang preso Sa sobrang galit ng misis ko Halos chop-chop Ang katawan ko

Di makatayo Isip lumulutang Ang perang hulog sa Palawan Pinang-bato ko sa Sabungan Noong umuwi Sa may bahay Ako’y buhay na buhay

Ang perang dapat sa anak ko Ay pinam-bato ko Naakit ako Ng gagong demonyo

'Lang pagsisi Kahit ubos ang money Pero darling I’m sorry

Ang bangkay ko Nakalatag sa banyo Dahil sa aking asawang Magkakatay sa Tondo.

Ako’y nakotongan Ng tatlong lalake Doon banda Sa may palengke

Kaya pinatay Ako ng darling ko Ng dahil sa bato Napahamak ako

ESKINITA | 09


No Sorry Rhymes of Crimes Athena Bonsai

In the depth of cries and promises, Of bluff honesty and bitterness, Of those who believed the given so-called truth Of the ones who have claimed the throne and power to rule.

Jack and Jill went up the hill But the hill was never safe for them, Hoped to fetch a pail of water for the family But their overflowing blood was fed for bridge.

Hickory dickory dock, the man uses a truck When the clock strikes one, You should hide and run, Hickory will not tranquilly knock.

10

| ANDAMYO XV


Humpty Dumpty sat on a wall, Wearing suit and tie with wide pockets on, Forcing farmers to leave the hectares of their lives, And find free land with growing planted homes.

Peter Piper walked through the narrow space of inequality, Having wide faked generosity, Persuading the little children playing cards, To serve for their dark hidden lists of hearts.

David called Goliath to block the upcoming storms Of war and slavery of the innocents and pure, Cents are the amounts of lives burden with crimes, That weren’t proven and fed with lies.

ESKINITA |

11


"Sinusubukan ko ang humakbang sa liwanag ngunit sa tuwina'y hinihila ako ng kitid at dilim; mananatili ako rito, sa anino." 12

| ANDAMYO XV


ESKINITA |

13


TIGHT END Plead in the face of desire Exited the long drive of cry Climax reached from standing Eye to eye they are winning. Uplifting thy spirit for renewal Entered the part so crucial Seconds averse by affair Softly growl, loud in despair. 14

| ANDAMYO XV

DaJovinci


Color Game

Athena AVVAN

When the box of colors Have flipped the circumstances You’d bet for the purity For a hundred and fifty But when seconds of turns And red color is revealed You should dash and hastily hide.

ESKINITA |

15


Kudos

DaJovinci AVVAN

Huli sa talak kupas ang balak. Pagmamay-ari ng dangal papuri’y sa mga hangal. Sa laylayan titira pag-angat hindi makabibira. Kanilang napaghirapan bibilhi’y wasak sa kamahalan. Butil aanihin kakarampot ang makakain. Yaong may ganid hindi yumuko walang putik sa kuko. Datapwat naghihikahos araro’y lubos Hindi manghihigit pababa pasensyoso sa biyaya. Mensahe’y iparating kukoteng said umiigting, kapararaka’y iwaglit nagdurusa’y magwawagi.

16

| ANDAMYO XV


ESKINITA |

17


18

| ANDAMYO XV


La Lumiere

Meraki Bonsai

A great beast roared, I was alone in a darkness filled with monsters No light to be found in these menacing streets I fled, trying to get away The deeper I went, the colder I got The less it seemed to hurt Deep down, Beyond the mountain of sadness looming over I didn’t know how to speak, I didn’t have a voice any longer, I had lost my way, I had lost my voice. When words fail, music speaks You can pick the song which becomes your map You can go where the music takes you You can slowly create your music Your light, finding it with peace That can spark that little light in your heart. Yet as I stood in this street Finally facing the darkness I was closing my eyes Blinded by the light Then I realized That in my darkest moments Can I see the light? Thinking I’m prone to getting blinded When it’s bright. ESKINITA |

19


Pangangalakal sa Umaga Wednesday Leo

“Bote, dyaryo!” sigaw ng mangangakal. Sakay sa karwaheng bakal na hinihila ng isang kabayong bilog ang mga paa. Mga bintana nananatiling nakapinid. Marahil, maagap pa. Tuloy sa pagtipa. “Bote, dyaryo!” umaalingawngaw, Unti-unting nawawala, sigaw ng mangangalakal.

20 | ANDAMYO XV


Lata

Wednesday Saturnino

Isang bata nanlalata, Natisod sa kalawanging lata. Tetano ang inabot ng bata, Wakwak ang paa dahil sa kalat na lata Luha ang namutawi sa murang pares ng mga mata.

ESKINITA |

21


22 | ANDAMYO XV


"Hindi alintana ng kisig ang nginig sa bawat kaluskos na marinig. Pipiliin at pipilitin kong hindi ito dinggin." ESKINITA |

23


24 | ANDAMYO XV


MEN ACE Travelling through a distance of insecure spaces. May it be darkened by the midst of humid splattered through the unpainted blocks down there, frightening, or pigmented up above leaned towards the right angle, refreshing. First step from afar doubts rained giving chilly bumps, are you still into it? Second step was pure bit of percentage supported by assurance, again, are you still in for it? Third step was hilarious why count the steps when running is much better, is your mind still into it? Halfway surpassed the inevitable human form of soullessly drunk, lucky for those who aren’t noticed. Genderless you will be gulped. Almost there carrying wounds of experiences by a tick of the clock. Questions babbling through your mind, was this worth the hop? Still risking a step for

DaJovinci AVVAN

a reason, then there’s the intersection. Turn back or swim the mindless, beating multiplies, hoping for an attack in the middle. I am a guy of pride and independence, never was I shaken by walls of unknown, making my eyes blinded by normal vision. Then stars in the right-angle circles, unpainted blocks down there was primarily colored. Never commit a turn, I was unborn.

ESKINITA | 25


Himutok ng mga Sabik Sa hubog ng katawan, Sa lamig ng gabi at temperatura, Mamawis ang kamay ng bawat magtatangka Na magdampi ng mga bibig sa kanyang labing nanginginig. Magsisimulang maglakbay sa iba’t ibang mga bisig, Sa mga sabik sa mainit na likido na walang mintis, Na eentrada sa pinakamasikip na bahagi, Na dinaraanan ng iyong mga paborito. Aagawing bigla ng mga bagong salta, Pupwesto sa pinakamalapit sa kaniya, Aagawing pilit ang sisidlang nag-aapoy sa init, Huhubarin ang suot na saplot ng pangamba. Magsisimula na ang kalbaryo ng mga kasama, Magtatapos ang pag-ikot ng pangalawa, Bagong taginting at tuwa ng mga mata, May bagong darating na kilalang nakapula. Bitbit ng nagagalit na kalamnan, Buburahin ang karapatang makatanggi matapos hawakan, Aalipinin ng mga bibig na dala ay barbero, Na hangos na lamang ang marinig bago magsarado. Itatapon sa tabi pagkatapos haplusin, Nang paulit-ulit at walang humpay na pag-angkin, Ng mga kakilalang kinulang sa ambag na kwento at taya, Ang bote ng alak na suki sa eskinita. 26 | ANDAMYO XV

Athena Valeria


TAMSING

Drain Leo

Upo, higa, minsan nakabukaka Sa lalim ng iniisip ay madalas nakatulala Minsan sa isang lugar, handa na agad sa paghilata Kasunod na lulutang ay kawalan ng pag-asa. Sunod na ilalabas ang monoblock na mesa Handa na ang yosi, ikalampag na sa hapag. Matador, Emperador, Gin bilog, o kwatro-kantos ay ilalapag Sa ating maligayang usapan, tayo’y maglalayag Asaran at hampasan, harapan nating ihahayag. Kalungkutan ay babalutin, itatapon hanggang umaga Hindi dadalawin ng antok, dibdib ay magbabaga. Maya maya’y may tatawag na ng uwak, Sabog na naman ang bawat halakhak. Liyo na, limot na din ang pagkawasak Uuwi na namang pariwara.

ESKINITA | 27


28 | ANDAMYO XV


Aba, Ginoong Maria Kughyle AVVAN

Aba, Ginoong Maria Patulog pa lang ang araw ngunit diwa’t kolorete mo’y buhay; sa gabi-gabing pagpapantasya ng mga parokyanong hayok sa laman. Aba, Ginoong Maria Tila bukod ka sa Mariang kilala ng lahat; sapagkat katiting na tela ang tanging yumayapos sa katawan mong ilang taon ding binusabos ng limos. Aba, Ginoong Maria Kasabay ng indayog at galaw ng brusko’t makinis mong katawan ay ang paninigas ng kamalayang araw-araw, gabi-gabing sinusuklian ka ng salapi. Aba, Ginoong Maria Napupuno ka ng disgrasya at silang lahat ay sumasaiyo Bukod kang nagpapala sa lalaking lahat at pinagpapala rin silang walang kilalang Diyos. Aba, Ginoong Maria, na Juan ang tunay na nabigyang ngalan. Pahinga sa umaga, kayod sa gabi. At sa pagsilip ng sandali, babangon ka’t mapapatunghay, katawan mo na naman ang iyong i-aalay.

ESKINITA | 29


Takot na Malagkit Kumaluskos ang sangang kaakibat ay takot, Humampas ang mga dahong nanahimik sa karimlan, Sa madilim na espasyo ay mayroong bumabalot, Na misteryong malaking balakid sa aking pagdaan. Habang malakas ang pagpintig ng pulso’t nakabibingi, Umaalingawngaw kahit na walang tao sa paligid, Isang pusang itim ang biglaang dumaan, Nabigla at namali ang tapak sa daraanan.

30 | ANDAMYO XV

Athena Leo


In Between Hermosa AVVAN

I am stuck between these two houses in a shanty town, Where the houses are made of plywood, plastic sheets, and other waste, Where there is no proper sanitation, electricity, and water supply, Where we have food and water deficiency to sustain, Where our everyday is a great challenge to survive. I always ask myself, "Until when we are going to suffer?" I want to be awakened from this nightmare That makes me feel I'm cursed. Day by day, I feel like I am killing myself Losing my hope for my future Finding my identity as a human being, asking"Who am I supposed to be?" I want to be awakened from this dream, Where vague illustrations are the only one that I can see Illustrations that I clearly planned, Illustrations where I want to place vivid colors. But, I always think that every single day Would always come and go, As how the sun rises and the sun sets down And everyday always give me hope to start a new beginning. ESKINITA |

31


"Sinusubukan kong humakbang sa liwanag ngunit sa tuwina'y hinihila ako ng kitid at dilim.;mananatili ako rito, sa anino." 32 | ANDAMYO XV


ESKINITA |

33


Alimuom

Kughyle Valeria

Bumuhos ang ulan habang tayo’y naghahapunan at sinampal ako ng hanging lulan ng amihan, tungo sa pinakamagandang tanawing namataan ng mata ng bagyo, ng mga mata ko -- ang labi mo. Hinulma ng Diyos ang bawat patak ng pagsuyo, ang kada bagsak ng tubig-ulan ay paalalang ganito kalamig at kabigat ang ibigin ka. Sunod nito ang paghalinghing ng pisngi sa dumait na nginig at grabidad ng umiihip na gunita. Inalala ko ang pagbulong sa akin ng ulan sa panaginip ko noon, doon, ibig niyang iukol sa ‘king mamahinga muna habang ibinabagsak ang mumunting dyamanteng humihiyaw sa kislap. Hindi ko nais masaktan. Hindi ko nais masilaw. Ngunit kung sa ganitong paraang magpapagising sa guni-guni, magpapalaya sa haraya, at magpapatakas sa sandali, magpapakasakit akong muli’t muli. Ang nais ko lang ay naisin mo. 34 | ANDAMYO XV


ESKINITA | 35


DEVOUR

DaJovinci AVVAN

In pairs we ate in the expensive scene: I was the seasoning you’ve prepared; Crushed ‘til broken into pieces, Yet more scrumptious. I was the dough you played with; Rolled unto me unceasingly, Yet still can mold expensive pastries. I was the main course you often babbled about; Dusted with rhetorical foolish phrases, Yet backing up with extravagance. I was the dessert you had your final touches; Too fed up, Yet sweeter and bewitching. Lastly, we were the spoon and fork; We crossed multiple times Met in places like heaven and hell We were that lustrous Yet eyesight-wrecking Unfitted to your palm I was your before Not thy present or future meal Not the reality of us Parted ways, poorly we ate.

36

| ANDAMYO XV


ESKINITA |

37


GRACE IN HELL Mellow palms Breathing makes thy calm Soul sipping stare With your orbs so rare. Warmhearted lady Surrender, enslave me Smile and catch Break down like a sloth. Comfort you possess Kneel I suppress You move my demon tonight, And later you fulminate. Spread ashes exclude innate Poles apart to what’s visible Crunch loud in a high temperature Never did gentle.

38

| ANDAMYO XV

DaJovinci AVVAN

That lullaby won’t tickle Fevered whimper Sheets to wall hammer Never a gentle lady. The air came out heavy Peeking on the inside The hole is close, must decide To enter the knight In this narrow slice.


Pikit

Meraki Leo

Ipikit mo ang mga mata mo Ayan, pumikit ka muna Bulagin muna ang sarili Sa masyadong maingay na mundo Isara mo muna ang bibig mo Tama na muna ang husga Ipikit mo ang mga mata mo At makinig ka sa mga kwento at diskwento Sa eskinita. ESKINITA | 39


PILI-PINONG NAKA-RAAN DaJovinci Saturnino

Isang maliwanag na gabi aking nasaksihan Kumikislap na bituin sa kalangitan Binahaginan ako ng isang kahilingan Maglakbay ba sa nakaraan at masaksihan ang kasaysayan o makita ang hinaharap na madalas pangunahan ng karamihan? Aking balintataw ay naguluhan, yumanig ang buong kalamnan, Paano nga ba dapat mag-isip ang isang kabataang naiipit at hinuhusgahan 40 | ANDAMYO XV


ng pangkalahatan? Sandali akong nag-isip at lumikha ng mga imahe na nag-uugnay sa ating nakaraan. Sa isang tahimik na kapaligiran Mga ngiting nais kong masilayan Pagkagaganda ng aking natunghayan Mga musmos na naglalaro at naghahagikhikan, Mga kalalakihang nagkakasiyahan habang nagpapahinga matapos mabilad sa init ng araw sa karagatan, Tila nagyayabangan sa isda kung gaano kalaki at kalaman, At mga kababaihang sa isang banda, nag-aalaga sa mga musmos at nagsisilbi sa mga kabiyak nilang pawisan. Isang normal na senaryo, napakasayang pagmasdan Kung hindi lamang nagsidatingan, mga armadong kalalakihan Nagsimulang paalisin mga mamamayan, bawat isa ay nagulantang, hindi pumayag at nakipaglaban. Malalakas na putok ng baril, Naghihiyawang kalalakihan, Mga musmos na umiiyak nang lubusan, Mga musmos na hindi dapat nasaksihan ang ganitong klase ng kalupitan. Ito ba ang nararapat sa mga inosenteng tao na walang ginawa at hiniling kundi kagalakan? Mga nakaratay na katawan ang pumalibot sa kapaligiran, Mga dugong umaagos ang pumalit sa karagatan, Mga hagikhikang napaltan ng iyakan at kalaunan ay naging tahimik na musmos at walang kamalayan. Ito bang mga nakapagpabago sa ating wika, sa ating pananalita, sa ating mga kagalakan ang sila ding makapagpapatahimik sa ating mga labi na ang nais ay kalayaan? Isang kapaligirang nabago na ng mga mananakop na nagdulot ng kabutihan ngunit mas angat ang kasamaan. Mga gusaling noon ay gawa sa kahoy, ngayo’y gawa na sa sementong katibayan, kasuotang dati’y konserbatibo ay unti-unting nagbabago. ‘Baybayin’ na ating unang ginamit ngayo’y napalitan ng Espanyol at patungong Ingles na ating buong pusong tinanggap kahit may alinlangan.

ESKINITA |

41


42 | ANDAMYO XV


"Minsang maligaw sa alaalang nilumot At pilit na kinakalimutan." ESKINITA | 43


“Pst‌â€?

Athena Desudis

Marami ang nagsasabi sa akin na huwag daw magtitiwala lalo na kapag araw ng mga patay. Hindi raw kasi maiiwasan na mawalan ng gamit at atakihin sa puso dahil sa takot sa mga kababalaghan. Niyaya naman ako ng isa kong kaibigan. Mahilig siya sa pangongolekta ng mga tira-tirang kandila na iniiwan ng mga bumibisitang kamag-anak para sa kanilang mga minamahal sa buhay. Nang kami ay dumating sa sementeryo, madilim na. Malayo kasi ang lokasyon ng aming bahay sa pinakamalapit na sementeryo sa aming lugar. Nagsimula kaming maghiwalay dahil magpapaligsahan kami sa pagbubuo ng mas malaking bola ng mga kandila. Kapag mas malaking bola, mas malaking kita. Oo, ibinebenta namin ito dahil maaari itong muling gawin at gamiting materyales para sa kandila. Tumakbo na ang kaibigan ko at agad na naglaho sa aking paningin. Sa kabilang banda, marahan naman akong nagsimulang magbaybay ng mga puntod dahil natatakot ako sa mga kwento-kwentong maaari ka raw sundan ng mga kaluluwa dahil sa ganitong gawain.

44 | ANDAMYO XV


Nadaanan ng aking paningin ang isang puntod na napakaliwanag dahil sa maraming kandila ang nakapalibot dito. Marahil malaki ang kanilang pamilya. Nagmadali akong makalapit dito dahil marami na rin ang natunaw na kandila. Aba! Makakatulong din naman kami sa paglilinis ng mga kalat sa sementeryo, ‘di ba? 'Tsaka nalilibang ako dahil para lamang nagbibilog ng mga kulangot na naimbak sa ilong ng isang buong linggo. Ngunit, kakaiba ang pagbubuo ng bolang kandila. Dapat ay maabutan namin itong bagong tunaw o ubos pa lamang upang madaling gawing bilog dahil kung hindi, madali na itong maghiwahiwalay. Nabigla ako nang may narinig akong kumalabog sa aking likuran. Bigla ko itong nilingon, ngunit wala namang tao. Sa sobrang kaba, nagsimula na akong humiyaw upang matawag ang atensyon ng kaibigan ko. Kahit nanginginig, nagpatuloy ako sa paunti-unting pagbaybay sa mga puntod sa paligid. Ilang saglit pa ay sunodsunod na hakbang ng sapatos na de takong ang aking narinig.

Napahinto ako at naramdaman ang paninigas at panginginig ng aking katawan. “Pst!” Pagtawag sa akin ng isang nakapwesto sa hindi kalayuan. Kakaunti na ang tao rito at nasa malayong bahagi pa sila. Walang ibang tatawag sa akin. “Pst!” Pagtawag nito muli at nakailang ulit pa ito. Nagmadali akong ibalik ang mga kandilang naipon ko sa kanya-kanya nitong puntod. Sumaboy na sa sahig ang ilan dahil sa panginginig nang biglang may humawak sa braso ko, “Pst! Wampipti.”

ESKINITA | 45


Serbesang Pula Lagusang makitid, masikip, madilim at masukal, Magbabakasali sa maaaring bumalik, Sinambit na pangako ang tanging pinanghahawakan. Bibili ka lang ng serbesang pampainit, Na may pait sa bawat lagok. Sa may tindahang malapit, Dahil hindi na malalayo. Sa kabila ng pagod at kawalan ng pag-asa, Kalusugan na lamang ang mayroon, binabayaran pa. Liwanag daw ang makikita mo sa dulo ng eskinita,

46 | ANDAMYO XV

Athena DaJovinci

Bakit ika’y sigurado kung babalik pa? Ilang saglit, si Itay ay bumalik Hawak ang serbesang binili. Pampawi pala ng antak at sakit, Salubong na may libo-libong tahi’t hikbi, Yakap niya ito at wala nang paghalik.


Musmos

Kughyle AVVAN

Padampi-damping hinahalikan ng ulan ang uhaw kong balat. Ginugunita ang kanina pang pagsilay ng Haring Araw; tumatawid, sumisilaw. Sabay na nagsasanib-pwersa ang balintataw ng dating pag-istambay sa labas ng bahay. Ang pagtakbo namin ay pagbabalik-tanaw sa alaala ng kahapon; Kamusmusan. Doon, abot-tengang sumigaw ang kalaro sabay ngiti, “May ikinakasal na tikbalang!�

ESKINITA |

47


DARKEST CHESS ATTACK

DaJovinci AVVAN

You were all ‘Pawns’ in my sanity succor at all costs, my remedy Then there’s the ‘Rook’ of you too direct, can’t unbend Even though you’re my ‘Knight’ too limited, save from incite I still remember the day you were my ‘Bishop’ hard by the crowned yet drifted side ways. All in identical pairs and then, there’s you of most -The ‘Crowned King’ of thy beating apogee of the board but powerfully trifling. You give imperative suffering to your ‘Queen’ the cruel concept of these Romeo for Juliet and Jack to her Rose Handicapped Queens for their Kings I died and sacrificed for your security. Checkmate, you lost me. 48 | ANDAMYO XV


ESKINITA | 49


One Way

Athena DaJovinci

Maybe it was not perfect The time we had to spare, But the moment you smiled at me Was the moment it slipped. The idea that my flaws were visible Said we’re embroidered to be apart; I have been glued in this darkness You were the plankton at the night I was on the beginning of my travel You were at the end-route of my sight. 50 | ANDAMYO XV


Puslit-Paslit Tinangkang maglaro ng talon ng piko, Sa unang hakbang ay ‘di dapat paltos, Di lalagpas o ang sakong may kakapos, Sa hangganang karugtong ang kalabang kalaro. Langit, lupa, impyerno, Hahangos na naman sa panibagong yugto, Haharang sa patinterong dulo ay laso, Sa labing namumutla at sa matang sumusuko.

Athena Valeria

‘Taym pers!’ ang sambit ng paslit na sipol ang paghinga, Nang makarating ang tinatakasang problema, ‘Bam-sak!’ ang tanging hiyaw ng mga kalaro, Walang hihinto, tutulo ang dugo.

ESKINITA |

51


Na ay Po

Kughyle Leo

Sinlutong ng pulutang fish cracker ang mura ng bangag na tambay nang buksan ang panibagong Emperador na kanina pang gumuguhit sa lalamunan, tila gunitang umuukit sa kalamnan. Inuntog nito ang siko sa ilalim ng bote at tumunog ang paghiwalay ng latak sa alak, at maselang ibinukod ang unang patak-ang tagay ng dyablo, sa ibang baso. Walang nagtangkang inumin ito. Gaya ng takot sa pagtungga sa natitirang lakas ng loob at pag-asang ang alak ay isa lamang mapait at panis na tubig na minsan nang umagos sa kasuluk-sulukan ng bawat pinakatatagong baho. Ilang panahon ding inimbak ang pinigang pait ng pinagtipanang kahapon. Ilang dangkal ding napuno ang bote ng ‘di maipintang timpi at ngiwi. Pagkaraa’y ibubulong ng dyablo ang ikinukubling balak na manghalik. At tuluyan nang nanghalik. At bukas, sasabihing walang maalala kahit hindi naman nalasing, kahit iligaw man sa isip ang hindi malimutan ng labi. 52 | ANDAMYO XV


ESKINITA | 53


54 | ANDAMYO XV


SAMPUNG MGA DALIRI

DaJovinci AVVAN

Binibini, sa alapaap ako’y iyong tinatangay Ang rurok gayundin ang kipot, hindi mapapansin sa dilim ng silid Tayo lamang dalawa ang maghahabulan patuwid, walang balikan Pagdait ng balat sa malambot na katawan na animo’y ulap Dahan-dahang ipikit ng talukap na ikaw ang nais masilayang huli; Pagpikit na may gigil, ikaw ang gabay ng bawat kisap Yaong mga haplos wari ko’y umaapaw sa init na hatid ng bawat litid Mga pulang likido sa iyong kalamnan nais kumawala at sa aki’y sumiwalat Halos nagmimistulang langis sa dulas ang pag-arangkada ng bawat punas Ramdam kita at kung saan tayo papunta, ganito ka pala magsimula Kung paanong pataas hinahaplos ng iyong mala-pamburang palad itong aking likuran Magaan at unti-unting bumabaon, tila tinatanggal ang hiya at pinapalitan ng sensasyon Mga kamay na makasalanan dahil hindi isinasaad kung saan patungo Direksyong paiba-iba at may pagnanasa Ginawa mo akong bangka at ang iyong pag-sagwan ay higit na hindi paaantala Iiktad at mapapakapit sa telang gulanit, sabay bubulyaw nang may kalakasang ganid Pabilis nang pabilis hiningang magpapalitan, hinihigit na parang lubid papalapit Mararating na ng iyong marahas na mga haplos, tila mga butlig ng karayom Kaninang sarap at tamis sa dila iyong pinalitan ng pagtirik Walang kapararakan itong masahista, sabay alis ng tuwalya.

ESKINITA | 55


Pagkikita Nanginginig ang puso, at bawat kalamnan ay naninigas sa bawat hampas at kumpas ng mga salitang nananabik sa ‘yong pagsuyo. Tanda ang alaala ng bawat haplos at pagtangis ng ‘yong mga dalumat. Ginunita ng isip ang kurba ng iyong bawat anggulo-kung paanong nilulunok ang bawat lagok ng hiling ang palihim na pagnanasa at sana.

56

| ANDAMYO XV

Kughyle Leo

Na sana, dito tayo muling magpanagpo: Sa bawat gunita, Sa bawat pananabik, Sa bawat paninigas ng mga salita at alaala: Ngayon lang uminit ang gabi.


Tumba Lata

Athena AVVAN

Sisipating maigi Ang latang hungkag Kasing ingay ni Inay Sa tuwing uuwi. Luhaang hahangos Bitbit ang sarili Mga damit na warak Tila dignidad ng api. Hahawakang mahigpit Ang sapin sa paa Sa tabing kalsada Nagmula ang hapdi. Patatamaing mainam Ang tsinelas sa lata Makamit lang ang kapalit Ng kahirapang yamang mapait. Pagtama at pagtumba ng lata Iikot sa mapa ng pag-asa Na aahon pa sa hirap Kahit na nakapaang mangangarap.

ESKINITA |

57


SA AMIN

Kikiam Saturnino

Mainit at mausok dito sa amin. Kadalasan, maingay at magulo. Paboritong pasyalan ng mga naka-unipormeng Kulay asul -- manliligaw ata, may dalang bulaklak Eh. Nakakakilig! Ang ipinagtataka ko lang may alingasaw sa bawat yapak na kanilang maiiwan. Natatakot ako. Natatakot kami. Sabi ni Manang Lita, pininturahan daw ng pula ang bawat eskinitang papunta dito. Simbolo daw ng pagbabago, Ng kaginhawaan, Ng aliw, Ah! Oo, pag-ibig daw ng masugid na Manliligaw. “Bata, bawal munang lumabas ha? Basa pa ang eskinita.� Isang bulong, Apat na putok ng baril.

58

| ANDAMYO XV


“Sa leeg? Sa tiyan? Sa ulo?” “Hoy! Patay na raw.” “Talaga? Kawawa naman.” “Sayang nga e, ang dami pa namang manliligaw.” -- SHHH! Wag kayong maingay. Nand’yan na sila. Ngunit hindi ako nakatiis, sinuyod ko ang daan patungo sa lugar na iyon. Hindi pa sila tapos magpintura. Wala pa sa kalahati ang pula sa dingding ng eskinita ngunit basa ang sahig, malagkit at sadyang masakit sa ilong, may mantsa na ang suot kong bistida. At sa dulo’y nakita ko sila, Kasama si Manang Lita. S’ya ata ang nagsasabi kung saan kukuha ng bagong pulang pintura. ‘Yung mura, ‘yung madaling makuha, ‘yung walang sabit ngunit hahalimutak sa purok namin ang amoy. Natatakot ako. Paano ko aalisin ang mantsa sa aking bistida? Paniguradong, lagot ako kay mama. Kaya’t sana matapos ng pinturahan ang eskinita… baka wala ng matira sa amin.

ESKINITA | 59


Downpour I made myself ready for the heavy rain, for the downpour of yesterday’s memories, sliding from the heaven’s untimely shower down on me, its innocent victim, unprepared to run and escape the big, hurtful, cold drops; of how every drop pained like bullet from the policemen barging through my home searching for something yet I only have nothing left. I made myself ready for the heavy rain, for the untimely pouring of bullets from the cops, the injustice of the heaven-sent president, they say; the immorality of the sheep that pulls

60 | ANDAMYO XV

Kughyle AVVAN

the trigger of the gun; of how every shot stung like open wound soaked in alcohol of wrongdoings, yet I have nothing left but only human rights. I made myself ready for the heavy downpour of bullets, for the stinging words of society, for the injustice of the land; yet I realized, I am not ready to shield a bullet, heal battle scars, nor be drenched in pain, for a country that does not even care for me.


Take a Leak

Drain Leo

The chamber of liquid sin is calling, As the epileptic hairs are growing. Rushing my guard in equal foot, And squirting like the fountain of youth. If a boulder barred me in the way, I'll still stop by and leak in the gray.

ESKINITA |

61


62 | ANDAMYO XV


The Truth about Truth

Hedaki AVVAN

The gap between his teeth is an alley way to his corrupted mind Lest he be enticed into descrying the paradox of truth; The truth that his stomach is rambling, Yet he disembogues his throat with liquor, gulping ceaselessly. His nose is a straw for the incoming rain of white dust — ravening to and fro. A seasoning to his brain, metamorphosing truth into lies. His left wrist is a sand paper to file the knife inside the back pocket of his tattered pants. Bloodshot — eyes came a ponderous flow of tears; As thick as the rusty writings on the wall. No escape. Though this space is halting out the light, as dark as his greasy jet black hair— Slipping into the unravelling depth. The truth that his kids no longer recognize him as their father. As thin as his knobbly legs; the odds to recognize his own veracity That his family, erstwhile shattered, will never be whole again. Never. And the truth he thought he would found a home between these buildings; Instead, he found his body, waiting to be clouted into a coffin.

ESKINITA | 63


Huling Umbok

Athena Leo | AVVAN

Nagugutom ako. Ginusto kong lumabas noong hapong iyon. Naaalala ko pa ang petsa dahil kaarawan ng aso kong kulay puti na si Browny — Agosto 17, 2006. Napakainit, bigla pang lumabas sa telebisyon ang komersyal ng malamig na inuming paborito ko. Napabangon ako bigla sa aking pagkakahiga na halos gumalawa ang lahat ng nakapatong sa aparador kong nakaharang sa masikip na daanan palabas ng aking silid. Nais ng sikmura ko ang isang mainit na tinapay mula sa panaderya sa tabi ng bahay ni Aling Mercy bago sumapit ng eskinita — ang sikat na tagalinis ng kuko sa aming lugar. Siya lamang naman ang dahilan ng pamamaga ng kuko ko sa paa at naging dahilan ng pagsusuot ko ng tsinelas sa paaralan. Galit na galit tuloy ang g'wardya sa tuwing mapapadaan ako dahil wala raw siyang makitang anumang sugat sa hinlalaki ko. Isa siyang malaking garapata. ‘Yung sakit na nararamdaman ng hinlalaki ko ay hindi makikita ng antukin niyang mga mata! Ano s’ya? Teka! ‘Yung mainit na tinapay! Mauubusan na ako dahil tuwing alas tres ay pinapakyaw ‘yun ng mga batang naglalaro sa labas! Ang tinapay ko! Napatakbo ako nang mabilis palabas ng bahay nang biglang — anak ng tinapa! Nakaalpas na naman ang tatlong matatapang at malalaking aso ni Mang Jose. ‘Yung tinapay. ‘Yung mga aso. ‘Yung matatamis at mamula-mulang tinapay. Tumagaktak nang husto ang pawis ko na gumuguhit sa aking likuran, nang biglang may humampas sa aking kamay na katawan ng isang batang tumakbo. Kitang-kita ng mga mata ko ang unti-unti, mabagal at kakaiba nitong pagbagsak na gaya ng mga nakikita kong epeks sa mga pelikula. Dinig ko rin ang mabagal na tawanan ng mga kalaro nito. Tiningnan ko ang bata. Yakap niya ang isang supot na papel. Natauhan ako nang bigla niya akong tinawag at nakangiting iniabot ang supot. Habang nilalapitan ko siya ay marahang pumapasok sa dalawang butas ng ilong ko ang aroma ng tinapay. Akin daw talaga ito at nag-iisa na sa panaderya. 64 | ANDAMYO XV


Nagmamadali kong dinampot ang tinapay sa bata. Sa wakas! Hawak ko na ang pandereglang paborito ko! “Bam!” “Sak!” Putek na malagkit! Ang tinapay koooo. Nahulog sa dumi ng aso. Napalingon ako sa sahig na binagsakan ng bata. “Asan si Boying?” Nakakainis. Ang tinapay na paborito ko, nahulog pa sa biyayang nakakapilay. Nakakahiya sa batang nagsadya pa upang iabot sa akin iyon. Tumingala ang isang batang naglalaro ng jolen sa tabi. Bahagya siyang napatawa, “Po? Tatlong taon na po kayang wala si Ying-ying. Limot mo na kuya?” H–Ha?" Tama, mainit na panahon. Alas tres ng hapon. Agosto 17, 2003. Hindi lang pala kaarawan ng aso kong si Browny ang mayroon nang pagkakataon na iyon, araw rin pala ng paglisan ng kapatid ko.

ESKINITA | 65


Ms. Fortune Daunting agony Inside her abdomen— Sticks within flesh Within rubble within stomach. The edges of her rattling eyes are white, Amidst them are black; projecting the reflection of an old man Drenched in nauseating stench Opening her calloused palms; a cigarette. It won't assuage hunger! Would she rather drink cruddy water from corroded waterways and devour these nauseating scraps rummage through stinky garbage trucks? Or become the big stinky garbage— Lying below the ground? Restless, how Should she cater for— Inside her belly, Her poor baby. 66

| ANDAMYO XV

Hedaki Saturnino


SINAPUPUNA’Y LANSANGAN

DaJovinci Saturnino

Imbakang ituring itong kantong maluma-luma; Mangitim-ngitim na pader at makapal na lumot Mga insektong wari’y nagpipiyesta Masangsang at nakaririmarim. Paglagpas ng singhot ay maduduwak Anong mayroon at nanibago sa tambakan? Mga nagkakalkal, mapa-hayop o tao Lumilihis sa hindi mawaring elemento. Kumbaga liliban ang kaluluwa’t mauuna Sa paghakbang, kakaripas, didistansya. Walang kahit anong bagay ang papantay Sa umok ng sangsang na baka hindi bagay Mga ligaw na aso, dumarayo para magkalkal Pagkapit ng pandidiri ay nakasasakal; Hindi sa ari ng ina nasilayan Kundi dito sa basurahan. Matuturing bang ina kung papangalanan ang ganitong sukdulan sa kapararakan?

ESKINITA |

67


NIGHT SHIFT

DaJovinci AVVAN

“You’re hired. 6:00 in the evening until 3:00 in the morning. 20,000 per month, no advances for five months. No work, no pay. You can start tonight. No naps in between, you chose this job, better deal with it.” The big-bearded boss said with a bit of intimidation. "I desperately need this money just before I…" “Mr. Cruz are we done here? Hoy!” I snapped out of my bubbled thoughts and bid gratitude then left the premises. I was in my usual tucked sleeves, sweating in despair, finally after weeks of searching for a new job, the last was insane. I crossed the street and reached for another sari-sari store, creepily lighted 24/7, with ear-banging few vehicles. They made the idle streets their race track; little did I know I was in the middle of the street. For a week, I was jogging myself out of my apartment, I’ll leave my place at 5:20 then I’ll walk past these busy walls. People here are always busy with gambling. I’ll do steps for about five then they’ll let me take shot that early. My nerves won’t offer to disagree for I don’t have any other way to go through. A one-way path down here near Kapitolyo. It’s always like passing the guards of heaven but named hell before breathing half-freshened air. “Anak ng teteng!” it’s 5 minutes before 6:00. “Another tardy day for Mr. Cruz, go to your spot!” Six minutes late after running and passing through the dark-lighted street in front of the governor’s house. “Three, two, one and a half, yawn!” I rushed outside wanting to have a good morning sleep. These dark bags I carry under my eyes keep getting heavier. As I stepped outside the store I am working, I have become used to this dead air, no shadow of a person at 3 am literally---aside from this shadow of mine, it always follows me every time I’m out, not just a mere shadow, but it exactly looks like the figure of my symmetry. I got used to it, it never harms me. But just like the others, it consistently shakes the nervousness out of my system. From a distance of a meter or two maybe, it never threw a sound or even a sign of what in the world it is. I ignored it. Again walking through the sidewalk of Kapitolyo, in this roughly-textured pale bricks, stepped by many drunken memories and maybe not the bloody ones, I sigh. I was startled by the massive footsteps arriving, “Move!” the guy with red bandana and basketball outfit exclaimed. I nearly jumped out of shock and grasped the cold metal fences. Police sirens came next, I must not be surprised by these scenarios because I am not in the safest of places. Slowly checking my surroundings if it’s finished and I crossed the street then reached for another sari-sari store, creepily lighted 24/7, with a few 68

| ANDAMYO XV


ear-banging vehicles. They make the idle streets their race track; little did I know I was lying on the cold dark space between these white lines. I got hit by an I-don’t-know-what vehicle. And the shadow was there again, sapping the spirit out of me. I was here again, in the same room where I was hired but I saw myself in a chair, looking like a nagger. “You’re hired. 6:00 in the evening until 3:00 in the morning. 20,000 per month, no advances for five months. No work, no pay. You can start tonight. No naps in between--- this can’t be." I followed the image of my symmetry. ESKINITA | 69


"Hahanapin kita sa bawat siwang ng siyudad, magkaniig lang ang ating mga labi.. Magtatagpo tayo sa mata.. Magkita tayo sa dilim.." 70

| ANDAMYO XV


ESKINITA |

71


Stalker

Hedaki Saturnino

What lies within this monochromatic pale alley way that it was once kaleidoscopic in the memory of a euphoric seven-year-old you - devouring take-out meals since you despise seeing the face of your crazy mother. On a chalky fissured wall, under a luminous bulb is your favorite spot to scribble stick figures while singing worship songs. Thenceforth, it was different, it was the eerie symphony of the urban night, an orchestra of mourning songs — and the cacophony of a screaming man beneath the flickering street lamps consumed by the blackness of the night. … I just finished vacating these sea of boxes, my stuff is in the saddle. I felt the scorching heat wrapping this tiny antique room. The heat prickef the tip of my feet, perhaps my burning hot CPU is summoning me and so is my keyboard. The minute hand of the clock has circuited its face 50 times. Yet again, my heart flutters and no, it is not from quaffing 5 cups of French vanilla coffee last night, but the hollow green dot beside your profile picture. It's half past 12 and I thought you were going to sleep. You, breaking into an infectious grin, left dimple crinkling, revealing top row of your straight teeth is the kind of smile that I ought to see. Unlike the hundred phlegmatic photos of you pasted on my rosy bedroom wall. Oh! You have recently booked a Sweeney Todd theater ticket online. Thus, I should prepare for a trip next month. Besides, I should do a minor research about that play despite the fact that I haven't finished reading The Great Gatsby yet. It’s funny because by force of circumstances, I have pulled an all-nighter just to finish the five hardbound volumes of The Tales From The Crypt because you like them. My phone chimed and notified me about your latest comment upon my artwork. You said you would kill just to have a portrait of yourself, sweet! But I can give you more than just a portrait and I reckon you like me on par with the stuff I’m posting anonymously, facelessly. I guess I should call it a night because my heart is already chock-full, yet my eyelids are getting heavy. It's time to kiss your paper cheeks glued on the wall good night. … The next morning you uploaded a photo on Instagram; your shithead father next to you and your stupid girlfriend in a 24-hour restaurant. You are holding a bouquet of melded pink and red roses between your large hands — but you hate flowers don't you? I know you hate them! Then why? Why are you looking at your girlfriend's impious eyes like you fancy the 72

| ANDAMYO XV


smell of your dead grandma. Why are you leaning your head towards your alcoholic father like you feel the urge to give him a long-stemmed red rose? They know nothing at all. I recall your eight-year-old self saying you would rather ingest a one-year old moldy pie than receive flowers on your birthday. Perhaps, they are likewise clueless about the stuff you are fond of, like your favorite author Francis Scott Fitzgerald. I also recall what your favorite band is, My Chemical Romance. I remember how you sing your hearts out to Thank You For The Venom — every cadence tickling your body to shift hither and thither. Clamping your huge feet against the

wooden bed, but please do know you have a neighbor below. ‌ Anyway, you'll be back in a few minutes. I have finished installing cameras throughout your unkempt bedroom and also vacuumed under your bed so I could lie down comfortably next time. I have fed your rabbit Tina with pellets and fresh vegetables as well. (I thought you never liked pets). ESKINITA |

73


As I walk this path towards my newly rented apartment across yours, I smelled your familiar honeysuckle aroma whirling through the air. I went through the hindmost part of the alley to hide, to prevent you from running away. I finally saw the silhouette of your physique contrasting against the faint radiance from the bloody moon peeping through this narrow space. One can heed a raging rattling sound of garbage cans as wounded scraggly, almost skeletal cats scour for food— but all I could hear is the growing sound of your footsteps. You finally saw my little surprise, your own portrait I’ve painted over your favorite spot. But you look griefstricken and confused, I thought I have perfected it. My blood is rushing through my veins as I saw a closer look of you. One step forward, I bite my nails brutally until it bleeds — till soft white flesh becomes visible. Second step forward, I feel the furry gobbet big-eyed mice brushing against my skin. Third step, I come out to clasp you in my arms and greet you— “Happy birthday, my son, I hope you liked it.” But you replied: “You are not my mother, you're a creep! A stalker…” But I thought you like Tina's gore on that wall? “Why did you choose to live with your father instead of me?” “How can your father lie to me?” “What have I done to deserve this?” But you're no-longer-breathing body refused to answer. I looked at my quivering hands, it was drenched in your blood. What have I done?

74

| ANDAMYO XV


10:00 pm

Plutocracy KC

Yanong gabi na nang ako’y dumating. Dinatnan ko’y tila kwartong madilim Hinanap ko ang apat na sulok ng akala ko’y isang silid, Subalit pasikip lamang nang pasikip, lubhang makitid. Mahirap lakari’t bagtasin itong daan, Landas na ‘di batid ang patutunguhan. Nang may agarang humawak sa aking kamay, “Totoy, sumama ka. ‘Wag kang pasaway!” Hindi ko man talos ang daang aking pinasukan Naniniwala naman akong may buong paninindigan, Gaano man kadilim at kasikip ang landas Sa huli, ang batas ay mananatiling batas. ESKINITA |

75


Ngayong Umaga

Drain Leo

Sa isang umagang walang kamuwang-muwang, isang haplos ng liwanag ang matatanaw ng binatang kapit ang unang malambot. Babangon na naman ang binatang ito upang plantsahin ang gusot niyang uniporme halintulad sa kanyang buhay na tinatamasa. Bawat buhat sa timbang inigib ay ibubuhos sa baldeng inihanda sa banyong kanyang liliguan. Ganito ang kadalasang ginagawa ng binata tuwing umaga. Idagdag pa rito ang kakulangan ng pagkain sa hapag upang lamnan ang sikmurang naghihikahos sa pagtapos sa araw ng pinagtitiisan niya. Sa isipan ng binata ay samu’t saring pagsubok na nais niyang tapusin -- mga asignaturang aaralin, takdang aralin na kailangang tuparin, at pangarap na ‘di mapapatid sa pagkamit. Kita sa mga mata ang pagkasabik nitong matuto ng mahahalagang kaalaman. Suot niya ang kulay pulang ID lace mula sa kanyang natatanging paaralan, pantalon na brown, at asul na bag na regalo pa sa kanya isang taon na nakakalipas. Patuloy ang mga pag-iingat niya sa kanyang munting yapak sa daang tatahakin. Ang masukal na daang sasabakin ay napaliligiran ng iba’t ibang uri ng katauhan. May kanya-kanyang sikreto ang bumabalot sa daang marikit ng baryong ito. Kaliwa’t kanan ang taguan, hiyawan, habulan, at bungguan ng mga batang nagtatakbuhan. Sa mga balkonahe ay may mamang nagbabasa ng dyaryong Tagalog sa umaga kalapit ang kapeng mainit, panggising ng tulog na kaisipan. Kasabay nito ang mga babaeng buhay ang diwa sa tsismisan. Ang iba ay ‘di pa nasisilayan ng gising, na mas pinipiling hagkan ang unan na kapiling sa gabing madilim. Hindi pangkaraniwan ang araw na ito. Walang pumapansin sa binata, ni sulyap ng mata ng mga tao ay hindi tumatagpo sa kanyang mata. Isama mo pa rito ang malamig na ihip na hangin na tila nagpapamanhid sa kanyang nararamdaman. “Bakit kakaiba ang mga tao ngayon? Hindi man lang ako kinulit ng mga batang aking nadaanan. Pati na ang mga matatandang madalas akong sitahin sa pagtitig ko ay hindi man lang namansin,” bulong niya sa sarili dulot ng labis na pagtataka sa nangyayari. Bago pa man matagpas ang dulo na labasan ng marikit na daan, ilang segundo ang lumipas at tila nagdilim ang liwanag ng umaga. Ang mga batang naglalaro sa lansangan ay naubos. Ang kape ng mama sa balkonahe ay natapon, at mas dumami ang mga aleng nag-uusap sa mga bali-balita. Ang mga tulog ay nabuhayan ng diwa, at naglabasan sa kanikanilang mga kabahayan. Lagpas-lagpasan ang takbuhan na patungo sa

76

| ANDAMYO XV


parteng pupuntahan ng binata. Hindi magkawari ang mga mukha ng mga matatanda sa nakita sa lapag. Sabik na sabik man ang binata sa pagpasok sa paaralan ngunit hindi niya mapigilan ang pahapyaw na pagsilip sa kaguluhang nagaganap. Madalas ang kanyang pagtatanong sa nangyari ngunit kahit ang isa ay tila balisa sa nakita. Hindi niya maaninag ang nasa lapag sapagka’t napapalibutan ito ng kumpol ng mga tao. Makailang sandali lamang ay narinig niya ang armadong pulis na nagsalita. “Isa na namang adik ang nanlaban!” aniya ng pulis na nakasuot ng unipormeng asul habang hawak ang armas. Isang malaking pagtataka ang kanyang naisip. Hindi niya batid na isang adik ang mapapadaan at mababaril sa bahagi iyon ng baryong tatawirin. Ang ibang mga lalaki ay nagtatakbuhan sa kawalan, ngunit dumog pa rin ang mga taong nakikipagtsismisan. Kalat din ang mga taong may hawak ng baril at patuloy ang radyong tutunog-tunog na tila kailangan ng agarang agapay. Hindi na niya alam kung paano niya ito tatawirin dahil na rin sa dumog ng tao sa marikit na daan. Maya maya ay nagsisimula nang kumalma ang mga kabahayan. Labis ang kanyang tuwa sapagkat malalampasan na niya ang daang masikip. Unti-unting nawala ang mga tao. Kasabay nito ang dahan-dahan siyang umusad upang makalampas dito. Natira ang mga pulis na hindi makaalis sa taong nakahandusay sa lupa. Tuluyan nang naaninag ng binata ang lalaking nakahandusay. Napalitan ang kanyang saya ng biglaang pagtulo ng mga luha kasabay ng panginginig ng kanyang mga tuhod at napaluhod sa harap ng lalaking butas na ang ulo. Ang mukha niya’y hindi maipinta sa labis na hinagpis. “Ganito pala ang pakiramdam,” sambit ng binata habang nakatitig sa nakahandusay na lalaking umaagos ang dugo.

ESKINITA |

77


78

| ANDAMYO XV


STIMULUS

Polaris AVVAN

I smell you (in motels; in malls; among Divisoria stalls and cheap tiangges. Along the smell of Tondo air and wind whistling through Roxas Boulevard --in the mouths of Zapote passengers, pollution and perfume of the Chinese porcelains sold in Australian surpluses) In these narrow streets; unlit alleys; cracked roads where Isko scrubbed the walls -- you're there, and anywhere where Meralco posts meet. How each Lawton-lit night echoed your LRT laughter from your metro railway mouth to my home. but the scent that lingers longer than your F5 Aficionado was how you smelt when you fell cold in the concrete of Commonwealth, and how the nosy passerby whispered condolences like a prayer. I smell you (in every Grab car; in all McDonald's chairs; in my Shopee-bought sheets) You were as sweet as the gunshot on that October night: unseen in the air.

ESKINITA |

79


ZAP HIM

Plutocracy Leo

Tired of running I’m too exhausted Running through the darkness Long, narrow, dark pathway I know myself more I believe I’m guiltless I’m just tired of running So, he killed my exhaustion I fell on my knees I knew I was shot Then I saw before my last breath He put the gun in my open hand.

80 | ANDAMYO XV


Tubig Kanal

Drain KC

Tumatambay na naman ang mapalot na amoy, ng polyutadong tubig na tuluyang umaagos at humahalimuyak, sa makipot kong isipan. Sa tuwing bumabagtas ako sa kipot ng daan, isa ang naaalala ng munting isipan. Ito ay pagbabalik ng tampisawan ng aking kabataan, na walang kamuwangmuwang sa maaaring mura ng inay. Tila kanal ang aming buhay na pinaglalaruan, na pilit naming nilalagyan ng kulay, bagkus ang mga oras ay nawawalan na ng pungay. Ito ay ang mga bagay na di malilimutan , kahit pagdaos ng maraming gabi ay tila nakakalimutan. Ang dating masayang landian, napuno na ng itim at poot, sapagka't tila ako ay napunta sa daang malumot. Ako'y tutuloy sa aking madulas na pagbagtas. Ingat na ingat sa nilalabag na malulupit na batas. Sana ay pinili ko na unahin ang husay Kaso ganito na ang pag-agos ng aking buhay, Na gaya ng pag-agos ng marungis na tubig sa makipot na kanal. Tuloy lang ang laban, madumi man at nawawalan na ng kulay.

ESKINITA |

81


Place I Belong

Hermosa Leo

Literally, dark is something where there is an absence of light. Since then, I used to think that dark is a very sad color. Where there is only sorrow and there is no hope. And, I always feel emptiness whenever I see dark. Surely, I hate dark colors. I hated the dark when at my very young age, I lost a place called "home" due to a huge fire. I hated the dark when I lost the favorite persons in my life whom I called "family" and I was the only one left. I hated the dark color whenever I felt I was not loved and no one cared for me because I was "left behind." I hate dark color whenever the night comes because I know that something will happen again which I call "chaos." I dislike the dark color when I have no friends to mingle with and I call myself "alone." I dislike the dark color when I always look at the water and see my reflection, which I call "pitiful." I dislike dark color whenever I think I don't have a bright tomorrow that can be called my "future." I dislike dark color when it is not only something where there is absence of light; but a place and people where I am living which I call a "shanty town."

82 | ANDAMYO XV


ESKINITA | 83


sa pader

Poon S Saturnino

Habang lulan ng bus sa kahabaan ng Edsa patungong Aurora Blvd. sa Quezon City, palaging naglalakbay ang isip ko – ngunit sa pagkakataong ito ay hindi. Sa kalagitnaan ng inip sa trapiko, may nahagip ang aking mga mata: sila, ang magkasintahan. Hindi, hindi ko naging ex ang isa sa kanila – kung ‘yon ang iniisip mo – lalo na’t ni isa sa kanila ay hindi ko kilala. Sadyang naakit lang ako sa kanilang pagsusuyuan. Nakapulupot ang braso ng lalaki sa balingkinitang katawan ng babae. Magaang nakadantay ang kamay nito sa baywang (sa hinala ko) habang nagpipisilan sila ng ilong; pagkatapos ay matamis na naghahagikhikan. Napangiti ako – na agad na sinundan ng paniningkit ng mata. May nakilala ako sa kanila: Ang aking nakaraan… ang kanyang anino. Ganoon kami ni … hindi ko babanggitin ang kanyang pangalan. Tawagin natin siyang Minsan – Minsan siyang nagdaan sa buhay ko. Sa katunayan ay kahapon lang. Ganoon kaming maglambingan: pisilan ng ilong, may haplos na init ang tawanan, at ang luha … hindi namin siya nakikilala kung walang pag-ibig. Gusto ko siyang ipakilala sa ’yo – ngunit sa tuwina ay nabibigo ako – palagi kong isinasara ang pinto sa tuwing muling nagpapakilala ang mga alaala niya. Hindi dahil nasasaktan ako kundi dahil nalulungkot ako. Dahil minsang may nagsabi sa akin, “Kung totoo ang pag-ibig, hindi ito masakit. Malungkot ito.” Buntong-hininga. Umiling-iling ako. Pinipilit kong ibaon sa kasuluksulukan ng isip ko ang mga gunita. Pinanood ko silang muli. Sumurot ang sakit nang makita kong naglapat ang labi ng magkasintahan. Nararamdaman ko ang -- TUG. Mas umigkas ang sakit sa aking noo. Nagdilim ang lahat. Nawala ang magkasintahan, ang mga busina, ang mga nakatayong pasahero sa istribo ng paBaclarang bus at ng bus mismo. Naiwan ang Maynila. Naiwan ako sa kadiliman habang nakakakita ng namumuting tuldok sa karimlan. Sinubukan kong buksan ang mga mata ngunit kadiliman pa rin ang sumalubong. Habang nagtatagal ay naglalaho na ang mga pulbos na namumuti tandang nasasanay ang mga mata sa kadiliman. Noon ko napansin ang buwan, bilog ito at ang tanging liwanag sa akin ay nagmumula sa rikit nito. Humakbang akong paatras. Buntong-hininga. Nauntog pala ako sa pader. Sinundan ng aking mga mata ang mga puting guhit ng larawan sa pader ng eskinita. Napalatak ako. Hindi makapaniwalang naliligaw pa rin sa kitid na paikot-ikot ko lang nilalakaran. Ang sabi nila, makitid ang eskinita ngunit bakit ako nakakahon? 84 | ANDAMYO XV


ESKINITA | 85


86

| ANDAMYO XV


HALIKA MUNTING PASLIT, YAKAPIN ANG DILIM AT SABIHIN ANG 'YONG HILING

ESKINITA |

87


CHiron sa kahabaan ng edsa acrylic on canvas ni Adrian Carlo Villanera

88

| ANDAMYO XV


laro ng lansangan mixed media ni Adrian Carlo Villanera

ESKINITA | 89


sabik mixed media ni Simon Romuel Uy

90 | ANDAMYO XV


muwang watercolor on paper ni Jara Maiah Villaruel

ESKINITA |

91


digmaan sa gabi ink on paper ni Hamfrey Saniel

92 | ANDAMYO XV


EKSENA mixed media ni John Rossny Cleofe

ESKINITA | 93


Pagtingin larawang kuha ni Gabriel Biler

94 | ANDAMYO XV


Kalansing larawang kuha ni Gabriel Biler

ESKINITA | 95


bakwit larawang kuha ni Gabriel Biler

96

| ANDAMYO XV


hamog larawang kuha ni Gabriel Biler

ESKINITA |

97


Biyak larawang kuha ni Rafael Jules Codera

98

| ANDAMYO XV


kipot larawang kuha ni Rafael Jules Codera

ESKINITA | 99


tanglaw larawang kuha ni Rafael Jules Codera

100 | ANDAMYO XV


paslit larawang kuha ni Gracelle Nicole Aseoche

ESKINITA | 101


mithi larawang kuha ni Gracelle Nicole Aseoche

102 | ANDAMYO XV


bugso larawang kuha ni Gracelle Nicole Aseoche

ESKINITA | 103


panaghoy larawang kuha ni Simon Romuel Uy

104 | ANDAMYO XV


aliw larawang kuha ni Simon Romuel Uy

ESKINITA | 105


dyis larawang kuha ni Simon Romuel Uy

106 | ANDAMYO XV


lansangan larawang kuha ni Simon Romuel Uy

ESKINITA | 107


bangketa larawang kuha ni Simon Romuel Uy

108 | ANDAMYO XV


singit larawang kuha ni Simon Romuel Uy

ESKINITA | 109


A NDA MYO

XV:

ESKINITA

PARA SA MGA NALIGAW AT NILIGAW NG ESKINITA.

110 | ANDAMYO XV


The

Luzonian Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Pamantasang Manuel S. Enverga, Lungsod ng Lucena

PATNUGUTAN ‘19-‘20 Erika D. Marca Punong Patnugot Karen Yvonne L. Daleon Katuwang na Patnugot Jean Alric B. Almira Tagapamahalang Patnugot Carmelo Eduardo Mesa Tagapamahala ng Kalakalan Mga manunulat John Lawrence P. Castillo Andrei Christian A. Cuario Josiah Samuel O. Espańa Timothy Xaris C. Forbes Angela Mariz C. Javen Caldrin Gianne B. Mejilla Jocelle Marrey M. Recella Ivy Graceille P. Regis Louise Melka M. Saavedra Mga dibuhista Hamfrey P. Saniel Adrian Carlo Villanera Jara Maiah J. Villaruel Mill Angelo A. Prado John Rossny L. Cleofe Joshua G. Rosales Mga litratista Gracelle V. Aseoche Gabriel A. Biler Rafael Jules V. Codera Simon Romuel L. Uy Teknikal na tagapayo John Rover R. Sinag Dexter S. Villamin



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.