ANDAMYO XVI:
KWADRADO ISPESYAL NA EDISYON - ZINE
Tayo ay nakakulong sa isang guwang na kahon. Makatatakas ba, maka-aahon? O ganito na lamang sa habang panahon? Pero hindi. Hindi ‘yon. Syempre, lahat matatapos. Kaya bakit hindi na lamang natin namnamin ang pag-iisa? Maglakbay at kumatha, ang kahon ay satin, Bakit hindi natin pagandahin? Samahan ninyo kami sa bagong anyo ng daigdig.
dibuho ni Joshua Rosales
unang BAHAGI:
panimdim
Sa unang bahagi, halika at pumasok sa simula ng pagsubok - ang pagentrada ng pandemya ay ang pagpasok sa apat na sulok nating daigdig na sadyang masalimuot na Panimdim; ito na ang reyalidad ng ating buhay at henerasyon sa masalimuot na hindi inaasahan na pandemya.
dibuho ni Joshua Rosales
04
| ANDAMYO XVI: KWADRADO
Pande (i)mik
sa panulat ni Jocelle Marrey Recella
“Gutom na gutom na ako!” Kabi-kabilang ratrat ng matatabil na bibig, Palitan ng mga nakasusulasok na himig. Hindi tayo sa tahanan nakakulong, Kung hindi sa mga kabulaanang isinusulong. “Wala ba tayong almusal!?” Patong-patong na pangungutya, Ganoong simula ang mas ikinatutuwa, Tayong mga Pinoy ay napag-iiwanan, Sisikatan pa ba ng araw sa kinabukasan? “Hindi ba tayo magtatanghalian!?” Ramdam ang init sa bawat kalamnan, Mabanas na Pilipinas ang pagkakakilanlan, Mga dayuhan ay umuusad at nagtutulungan, Kailan ba tayo makikinig at iisang makikipagsapalaran. “Kailan kaya magkakalaman ang tiyan sa hapunan?” Imbis na balde-baldeng talak, Umpisahan nating sumunod nang walang masamang balak, Upang pagsapit ng gabi ay maalwan, Konting tiis at makakamit ang kaginhawahan. “Hindi tayo mabubusog sa mga salita niyo!” Hindi masamang magbulyaw ng hinanakit, Ang nais ay ilugar ang pagbanggit, Isipin mo kung tama pa ba, Mabubusog ka ba ng iyong walang kwentang salita.
Finding Meaning sa panulat ni Karen Yvonne Daleon
The light I find in life is temporary. Each day gets harder with each breath I take. The days grow, and I become wary, For this feeling of distress I cannot shake. I know I am not the only one feeling this way. Time is ticking and life is moving. I’m having trouble keeping the monsters at bay. They wait in hiding, each one unmoving. My life flashing before my eyes. Each day the darkness consumes my heart, Knowing all too well I need not to tell lies. Struggling to keep myself from falling apart. Moving forward in this life, In this situation so bitter and gray, Looking for sunshine in the gloomiest day Wishing to become fearless every second of the day.
AKSAYA
sa panulat ni Simon Romuel Uy dibuho ni Mill Angelo Prado
May mga araw na naglalakbay ang isipan ko. Nanaginip na gising ang diwa. Mahirap matukoy kung anong nangyayari sa paligid at sa ginagawa ko. Minsan, may mga panaginip na sinadya upang magising ako ngunit humantong ito sa pagunita ang nakaraan na binalewala. Nakikita ko ang bawat butil ng buhangin na pumapatak sa isang orasa, unti-unting nauubos. Ano ang hudyat nito? Lalo itong lumalala. Nabibigla ako mula sa oras nang paggising ko na parang may masamang mangyayari. Lumulubog ako sa buhanginan. Hindi ako makahinga ng tama; malamig ang mga kamay at paa ko. Ang bigat ng katawan ko. Pakiramdam ko ang lahat ng ginagawa ko mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito ay nasasayang lamang Sa bawat pagpatak ng buhangin Na naghuhudyat ng bawat segundo Ng aking orasa. Nakakapagod ito. Ayaw ko nito.
UNANG BAHAGI: PANIMDIM |
Wala akong maga(ga)wa sa panulat ni Jocelle Marrey Recella dibuho ni Mill Angelo Prado
“Wala akong magawa”, Sambit ng binatang kasama sa kuwarentina. Umaga hanggang gabi, lamon at tulog, Mamawis-mawis ang palad kaka-selpon. Walang ibang inisip kung paano matatapos, Isang buwan na deliryo kung ituring. Pinipigilan ang sariling lumabas, Nais gumala at tumakas. Kung hindi lamang sa sakit na kumakalat, Hindi niya gagawin ang nararapat. Samantalang itong isa, Kaedaran lamang ng nauna. Umaga hanggang gabi walang kain o tulog, Mamawis-mawis ang palad sa initang kay delikado. Walang ibang inisip kundi paano hindi maghihikahos, Isang buwan na bakante ang kalamnan. Pinipigilan ang sariling huwag huminga sa labas, Nais kumawala at tumakas, Sa estadong wala siyang magagawa Handang tiisin ang papag sa lamig. Kung hindi lamang sa sakit na kumakalat, “Wala akong magagawa”, ano ba ang nararapat?
Viridity
sa panulat ni Melka Louise Saavedra
With those bright eyes you have I want to treasure those Protect them from whatever harm That will lose its light Covering them to keep But alas---This hands that was meant to protect you Keeping you from harm’s way Grew weak in this world Filled with burns and bruises Knowing now these hands couldn’t protect you Those glistening eyes filled with hope Lost everything Falling to darkness, now blank You plunge deep to the abyss Spiraling down in this never-ending cycle Losing yourself, losing the real you Wanting to cover your eyes once again You ignored it, shoving it away Finally facing the scorching world Yet avoiding bridges Choosing detours Facing indirectly Denying, hiding Why?
I was wrong
sa panulat ni Ivy Graceille Regis dibuho ni Jara Maiah Villaruel
Is it wrong to mark every single day until everything will be back again? Is it wrong to cry at the thought of every restrictions? Is it wrong to smile at the thought of enjoying again? Is it wrong to feel this way on new normal? Because if yes then, consider me as I was wrong.
05
pangalawang BAHAGI:
teklado
Sa pangalawang bahagi, ang bawat indibidwal ay mayroong iba’tibang karanasan na nais isaliwalat. Takatak sa bawat tipa. Bawat letra’y isang katuparan ng isang kaisipan. Ang teklado ang propeta, at tayo’y mga diyos na nagpapahayag sa pamamagitan nito
dibuho nina Jocelle Marrey Recella at Joshua Rosales
UNANG BAHAGI: PANIMDIM |
Lamon o Koneksiyon? sa panulat ni Jean Alric Almira
Nak, oras na Heto singkwenta, Pambili ng panlaman tiyan Layo pa ng sweldo, huli na yan. Teka, ina. Mayroon pong kailangan sa asignatura, Mahalagang leksiyon, Ngunit wala na pong data, paano po iyon? Hmm. Sige, ganito. Utang ka muna kay mang Pedro, Kalahating kilo ng bigas, pati sana sardinas. Ipangload ang singkwenta, ‘wag mag-alala, makakapasok ka. Nakapagpaload, sila’y nakakain. Hanggang kailan tatagal, hanggang kailan may maihahain? Hanggang kailan ba pipili, sa pagitan ng lamon… at koneksiyon?
Alone Together sa panulat ni Karen Yvonne Daleon
Everything changed in the blink of an eye Forced to leave school without saying goodbye. Now, confined to my 4 by 4 room My only social interaction is through Zoom. No longer a pen and paper, but keyboards and laptops No longer a desk, but work in bed In my comfy pajamas with the books Or online modules I’ve read. I light my candle for a pleasant smell Enjoying the quiet sound of no bell Listening in silence But life at home isn’t as great as it seems to be. I miss the times when we were all free I think of all the workers that sacrifices their lives And put our needs before theirs So, we may survive. We need to be strong for one another and unite For we are alone together in this fight.
A haven for the fall sa panulat ni Jean Alric Almira dibuho ni John Rossny Cleofe
Chaos ebbs, Pestilence hugs, Stability is leaving shortly, It’s simply the fall. But oh well, I got the PC, the lappy, Time for some science-y escape, whoops! Where to go? Lots of dimensions contained within icons, Okay, maybe this. (Launch) (And so the humie stays and plays within the game-y dimension, Society crumbles outside, but oh well.)
I (thought I) had a lucky escape sa panulat ni Josiah Samuel España
I thought I’d escape errands I thought I’m out of responsibilities I thought of a quick pause I thought our nation’s safe I thought of a better change I thought it’s a speedy refresh, a swift, smooth restart I was wrong all through It was just a bleep on a radar screen ...I thought I had a lucky escape
07
08
| ANDAMYO XVI: KWADRADO
Keyboard warrior sa panulat ni Jean Alric Almira dibuho ni Joshua Rosales
Ano, ano? P*t*ng *na mo. Ang mundong birtuwal ay aking teritoryo, Ako ang santo, matalinong mago, demonyo, ang hari dito! (‘Tay, tama na po. ‘Tay, bakit po ninyo ako pinipintahan ng kulay pula na lila, Gamit ang ga-dos por dos na pampinta? Nagdidilim na po. Tama. Na. Po....) Ang teklado ay ang aking sariling piano, ‘pag ako’y tumipa na, mag-offline ka na g*g*! Ako ang pinakamatalino, dekalidad, pinakamatapang na nilalang ‘wag mo akong batuhan ng ayos na argumento, wala kang alam. (Aa, hayop ka, ibinibili ka namin ng kung ano-ano, pero ano? ‘T*ng *na anak, ang grado mo, malala pa sa b*b*. Anak ba kita? Ayos lang sana kung medyo b*b* ka, kaso lampa ka pa. ‘T*ng *na, nalaman ko, kasuntukan mo sa iskul, babae pero lugmok ka pa!) Isa akong makabagong mandirigma. Kalasag ko ang screen, espada ko ang salita’t teklado, Lalabanan kita sa koment seksyon, paliliguan ka ng mura Kahit saang platform, ako ang berdugo, kaya kita g*g*. (Hoy, p*tang *na, ang ingay mo alas tres na, Matulog ka aba, hahambalusin kita makikita mo.) Opo. Pasensya po… Pasensya po.
Alt + E
sa panulat ni Josiah Samuel España
Uncertain times Unpredictable yet caustic changes Navigating the new normal Acclimatizing digital landscape Hopes got sunken Headways seem like impossible Many have been struggling, Myriad heads finding feet Can we still alter the customary, and edit the harsh vagary? How I wish it’s as easy as tapping two keys simultaneously
I need F1
sa panulat ni Josiah Samuel España dibuho ni Jocelle Marrey Recella
They say press that key whenever I need help But the help I need is not as usual as it seems I was captivated by the multifaceted screen Not responding… Blurry, obscure display Barely perceived canopy Mouse pointers with psychic bilocation Loading… Defunct as I was Bestow me some composure Bequeath some empathy Offer comfort; grant serenity Aid me I say
dibuho nina Jocelle Marrey Recella
pangatlong BAHAGI:
himlay
Sa ating buhay, libong beses tayong mamamatay. Ikaw, ano nang pumanaw sa iyo? Sarili, gana, puso? Halika, tayo na sa’yong lamay, kumatha ng elehiya’t iba pang mga tula, magbalik-tanaw, managhoy, humigop ng sopas at ayusin ang pag-himlay. Sa huli’y ating basahin itong mumunting abuloy na nililok mula sa mga letra.
10
| ANDAMYO XVI: KWADRADO
Alas kwatro
sa panulat ni Jocelle Marrey Recella dibuho ni Simon Romuel Uy
Ang lamig-kung panong ako’y nangangaligkig, at ‘yong palad ay sakin idadampi, dahan-dahang pagsalin ng init. Mawaring ganito palagi ako Asan ka’t giniginaw Hingin ma’y magugulo Asan nga ba tayo? Hanging walang init--ako’y iyong yayakapin, ginaw ay mawawagli, nagliliyab itong damdamin. Kinulong mo ako, sa iyong bisig, magkatapat ating dibdib, tanging sipol ang naririnig. Babatakin pa kitang palapit; Nagyeyelong pintig, Pinaltan ng lagablab, Nanaising dito na lamang sa harap mo. At hihigpitan ko pa ang kapit; hindi na muling nanaising manginig, Kung wala ang magtutunaw, Isang tipo ang hindi nanaisin, iyon ang iyong pagbitaw.
Harwi Potah and the Pagkamatay ng Gana sa panulat ni Jean Alric Almira dibuho ni Jocelle Marrey Recella
Si Harwi Potah ay isang freshman, Hopeful, dedikado, pwedeng isabak kahit san Gumagawa ng assignment isang linggo bago deadline Laging open cam sa klaseng online. Punong puno ng enerhiya Sumali sa mga samahan, para sa karanasan at saya Dumami mga responsibilidad Umangat ng taon, hinasa ang abilidad, Ngunit dumating ang panahon na siya’y napagod Nakaramdam ng katamaran sa pag-gaod, Lahat ng bagay naging parang pagsubok, Bawat deadline panata, mga pakong tumutusok. Gusto na niyang bumitaw ngunit ‘di na maaari Oras niya’y sila na ang may-ari. Paglipas ng mga buwan para na lamang siyang naka-auto pilot Naghihintay ng weekend, para sa gawa makalusot, Gusto na lamang matulog ni Potah.
UNANG BAHAGI: PANIMDIM |
Isang binatilyo mula sa Pinas sa panulat ni Jean Alric Almira
May isang binatilyo mula sa Pinas, Inakusahang adik ng mga “alagad ng batas,” Siya’y napatay sa barilan, Sabi siya’y nanlaban, Sa Pinas pagpatay ay walang habas.
Curfew
sa panulat ni Jean Alric Almira dibuho ni Joshua Rosales
Time to go To the boxes we call home Infinity o’ clock is here Up to five it will last, I fear.
All these silenced voices sa panulat ni Melka Louise Saavedra dibuho ni Joshua Rosales
Windswept caressed leaves, Untouched, yet swayed nonetheless; Cold, the struggling breath. Rejuvenation; Inevitability As of yet adjourned; Premature celebrations Penalized in shriveled death. Those who do not bow Shall solely witness the end, Powerless; passive. The premise of joy, Conveyed by the try-hard green, Nipped in the bud, here, Where the sun cared too little; Where the wind howled like laughter. Darkness drapes the land Where hope fades in short-lived dreams, Too short to recall. The barren earth cracks, Force-fed the rain’s bitter tears In silenced sorrow; The tall trees claim the sun’s warmth, Oblivious to their pasts. And those made of stars, Blessed with their bright conscious minds, Kill hope all the same.
11
dibuho nina Jocelle Marrey Recella
PANG-APAT na BAHAGI:
PUHON
Sa pang-apat na bahagi, mula sa pagkakaidlip at pagliliwaliw ng isipan, aandap-andap ang hiraya ng mga salita at damdamin; maglalabas ng nadarama - lungkot at ligaya. Gugunitain ang nakaraan na binalewala ng kahapon at ngayon, ng ating bukas. Puhon, nawa’y patuloy tayong manabik at matutong magbigay halaga sa mga susunod pang mga kabanata sa kwento ng ating mga buhay.
UNANG BAHAGI: PANIMDIM |
The Enigma of Nothingness sa panulat ni Melka Louise Saavedra dibuho ni Mill Angelo Prado
Have you ever noticed that right before you start writing or drawing, every possibility is available to you? That’s nothingness. Nothingness is infinity. Every possibility but no concrete existence. And then when you begin writing or drawing what you do is you put a limit on the infinity. You remove most of the possibilities and you’re left with something, existence. This universe is exactly the same. It came out of nothingness, infinity, and it limited itself, and that created significance and existence. Beauty. We cannot escape the everything that has created thru us nor the nothingness that we created it from. And thus, in the most rhetorically ironic yet beautiful way, we are all connected by nothing. We might never know what nothing really is until we know nothing at all. And even then, we might not. We are all free to imagine what nothing is, because if nothingness is, in fact, the source and destiny that connects us all through, then perhaps anything could be possible.
Optimismo
sa panulat ni Jean Alric Almira
Gagaling ka anak. Gagaling ka inay. Gagaling ka itay. Gagaling. Gagaling. Nanginginig sa lagnat na mataas Bawat ubo ay mga dagok Bawat singhot nakakakapos. Umiikot ang paningin. Ito na ba ang katapusan? Siguro, marahil oo, hindi. Gumagana pa ang mga kalamnan. Kapit, makalipas ang ilang araw gigising. Gigising na nanlalambot, Ngunit buhay pa din. Dalawa o tatlo mang linggo. Gagaling, gagaling din tayo.
Everyday remoteness
sa panulat ni Karen Yvonne Daleon
Another day Struggling to find Its meaning In the maze of hours, Minutes and seconds. There is no laughter In the wind For fear rules the streets And hunger collects all Fallen leaves of hope I close my eyes Visualizing, thinking, Hoping everything will vanish And new dawn will come smiling
13
14
| ANDAMYO XVI: KWADRADO
Sa itaas ay humingi rin
sa panulat ni Josiah Samuel España dibuho ni Jocelle Marrey Recella
Mahina tayong tunay ‘Di sapat ang proteksyong pisikal Dumulog din naman sa kaitaasan Sa langit ng tuwa’t lugod Umakbay sa kanya Loob niya’y ating sundin Sana’y paging dapatin Ang tangi nating hiling Sugat ng diwa’y lunasan Tayo’y kahabagan Sa makamundong mundo Kaming napipisan Padalhan ng ilaw Patnubayang kusa Nang hindi mahidwa Panatag kaming naninindigan Nagnanasa ng lakas mo’t tulong.
Para sa ating mga nakapiit
sa panulat nina Josiah Samuel España at Jean Alric Almira dibuho ni John Rossny Cleofe
Maraming nabago, maraming naglaho, marami ang pumanaw, at masayang katapusan ay mahirap pa ring matanaw. Patuloy ang pagdagdag ng pandemya sa kanyang bundok ng mga bangkay. Kay dilim pa rin dito sa ating dako. Ang sitwasyon ay nanatiling hindi nagbabago. Hindi ko nakalimutan ang isang bagay mula sa nakaraan, at tama nga, wala namang nagbago talaga. Ngunit syempre, kapit lang. Kumapit sa katotohanang lahat ay may katapusan. Ating pagkakulong sa kwadradong selda ay magwawakas din, hatol sa ati’y hindi habang buhay na pagkapiit. Pasasaan ba at tayo’y lalaya. Ang pinaka-kagiliw-giliw na bahagi ng yugto ng huling pag-akyat, kung gaano kaganda ang kanilang maliit na mga nagawa ay umiikot lamang sa madilim na isla. Kawalan ng pag-asa, galit, poot, at dalamhati patungo sa paglubog ng araw. Sa aking kabataan, sa palagay ko nakita ko ang ilang mga pagpapahayag ng pagnanasa sa buhay ng iba. Ipagtanggol, ilabas ang pali sa pagkupas ng araw. Kapag natapos na ito, ang galit laban sa pagkamatay ng ilaw ay galit na kumusot dahil sa paglubog ng araw. Pero habang tayo’y mga preso ng parisukat, ‘wag nating kalimutang mabuhay. Lumaban, ngumiti, kumain, sumigaw, mamahinga, lumaban… lumaban. ‘Wag makuntento sa katapusang inaalok ng kwadradong batbat ng pighati. Kapag nagising ka sa dilim ng bukang liwayway, ako ang nasa itaas ng mga nilalang na may pakpak. Ako ay isang banayad na ilaw. Lumaban, upang at hanggang makalaya.
UNANG BAHAGI: PANIMDIM |
15
Simula
larawang kuha ni Gabriel Biler
Sa ngayon, nasa daan pa lang kami tungo sa simula. Ang ritmo ng papalapit na mga yapak ay katulad sa atin, bagaman sa ibang mga sandali ito ay ibang-iba.
Pagninilay
larawang kuha ni Gabriel Biler
Nasaksihan ko ang pinakamaliwanag na kaisipan na ginulo, pinahiya, at itinapon sa kanal ng kahirapan.
Udyok
larawang kuha ni Gabriel Biler
Magiging mas mainit sa ibabaw, ngunit maaari pa rin nating asahan ang malinaw na kalangitan sa natitirang taon.
Banaag
larawang kuha ni Erika Marca
Sakaling magising ka sa dilim ng bukang liwayway, ako ang nasa itaas ng mga nilalang na may pakpak, isang banayad na ilaw.
Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Pamantasang Manuel S. Enverga, Lungsod ng Lucena
ANDAMYO XVI:
KWADRADO ISPESYAL NA EDISYON - ZINE
Erika Marca Punong Patnugot Jocelle Marrey Recella Katuwang na Patnugot Caldrin Gianne Mejilla Tagapamahalang Patnugot Josiah Samuel España Tagapamahala ng Kalakaran Simon Romuel Uy Patnugot ng Panitikan Gabriel Biler Panugot ng Dibuho at Litrato Mga manunulat Melka Louise Saavedra Jean Alric Almira Karen Yvonne Daleon Ivy Graceille Regis Mga dibuhista Mill Angelo Prado John Rossny Cleofe Joshua Rosales Jara Villaruel Hamfrey Saniel Erika Marca Tagapag-anyo ng Pahina Jocelle Marrey Recella Joshua Rosales Simon Romuel Uy Disenyo ng Pabalat
dibuho ni Joshua Rosales