10 Opinyon NSTP projects...
20 Lathalain Hello, Love...
24 Devcomm Gintong tamis...
Luzonian The
25 Isports Atletang Quezonian...
Hulyo - Agosto 2019 Tomo LXX | Bilang 2 Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Pamantasang Manuel S. Enverga, Lungsod ng Lucena
LMS, tagahatid kaalaman I
ka-21 siglo. Ito ang panahon kung saan ang mga makabagong teknolohiya ay patuloy na umuusbong at isinusulong. Ang siglo kung saan maging sa larangan ng edukasyon ay tila itinuturing na itong isa sa pinakamahalagang kasangkapan upang magturo at maghatid ng kaalaman.
Editoryal
02
03
08
04
Royal Van Oord Dredging Intl...
Bagong gusali ng SHS, kantina...
Tatlong Envergista, sumabak...
I
S
N
kinalugod ng Royal Van Oord Dredging International, The Netherlands ang paghahanda ng Pamantasang Enverga sa pamumuno nina Chairman/CEO Wilfrido Enverga...
a loob ng isang taong paggawa ay nabuksan na ang bagong gusali ng Senior High School (SHS) at bagong kantina ng Basic Education Department (BED)...
agpamalas ng husay at galing ang tatlong mag-aaral ng Manuel S. Enverga University Foundation sa ginanap na Regional Search for Ten Outstanding Students...
balita The Luzonian, nagbahagi ng kaalamang pampahayagan Carmelo Eduardo Mesa
N
agbahagi ng kani-kanilang kaalaman sa larangan ng pamamahayag ang ilang miyembro ng The Luzonian sa mga piling mag-aaral ng GulangGulang National High School at Tayabas West Central School III, Agosto 17 at 20.
The
Royal Van Oord Dredging Intl, pinuri ang Pamantasang Enverga Timothy Xaris C. Forbes
I
kinalugod ng Royal Van Oord Dredging International, The Netherlands ang paghahanda ng Pamantasang Enverga sa pamumuno nina Chairman/CEO Wilfrido Enverga, President Naila Leveriza, at Vice President for Academics and Research Benilda Villenas sa pagbisita ng organisasyon, Agosto 14.
Tamang pagsulat ng balita batay sa mga sinusunod na pamantayan sa pagsusulat ang ibinahagi ni Dexter Villamin, gurong tagapayo ng publikasyon sa mga piling magaaral ng Gulang Gulang National High School-Bocohan Extension. Sinundan naman siya nina Andrei Christian Cuario na nagturo kung paano sumulat ng mga artikulong pang-isports at Carmelo Eduardo Mesa sa tamang pagsulat ng mga sulating siyensiya at teknolohiya (Science and Technology Writing) at sulating pampamayanan (Development Communication).
“
Labis kaming natutuwa na naibahagi namin ang aming kaalaman sa pagsusulat. Nawa’y makatulong ito sa kanilang hangarin na makabuo ng maayos at kapakipakinabang na pahayagan sa hinaharap. -Cuario Samantala, si Mill Angelo Prado ang tumutok sa larangan ng pagguhit at mga patnubay upang maging isang dibuhista. Si Simon Romuel Uy naman ang umalalay sa larangan ng photojournalism. Gayundin, sa pakikipagtulungan ng The Luzonian, Sentimel Times at Honor Society of the Lambda Kappa Phi, isang pagsasanay muli ukol sa pamamahayag ang naisakatuparan sa Tayabas West Central School III kung saan sina Cuario at Mesa ang nanguna sa pagbabahagi ng kaalaman pagdating sa pagsulat ng isports at siyensiya at teknolohiya. Kabilang din si Brian Jay Zagala na nagsanay sa mga mag-aaral sa larangan ng radio broadcasting. Tinalakay naman ni Sophia Margarette Caagbay, dating katuwang na patnugot ng The Luzonian, ang etika ng pamamahayag sa mga kalahok. Ang mga pagsasanay ay naglalaman ng mga panayam ukol sa paaralang pampahayagan, mga disiplinang nakapaloob dito, mga papel at responsibilidad na nakaatang sa mga mamamahayag, at mga sandigan ng mga kabataan para sa responsableng pamamahayag sa bansa. Ang proyekto ay kabilang sa community outreach ng pahayagan.
Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Pamantasang Manuel S. Enverga, Lungsod ng Lucena
Luzonian
Larawan mula sa EMRC Ipinaliliwanag ni Henriette Schreuders, personnel manager ng Royal Van Oord Dredging International ng The Netherlands, ang cadetship program ng kompanya sa mga proyekto nito sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Layunin sa pagbisita ng Royal Van Oord Dredging International na suriin ang cadetship program ng Pamantasan upang makapamili ng mga kadeteng sasanayin sa Netherlands sa unang pagkakataon. Kapansin-pansin na lubos ang kanilang papuri sa mga kadeteng kanilang kinapanayam. “Of all the universities in the Philippines that we have been so far, Enverga University cadets are the best. They can articulate and explain themselves well,” wika ni Henriette Schreuders, personnel manager ng Royal Van Oord Dredging International. “They can express themselves even if we tweaked our questions and their confidence was admirable,” dagdag ni Chief Engineeer Huig van Duijn and Master Pieter de Beurs. Pinangunahan nina Capt. Joel Porto, dekano; Chief Engr. Rhett Luena, shipboard training officer; Leah Salas, administrative officer at Capt. Willy Sulong, department chair, ang paghahanda sa isinagawang programa. Sinalubong ng mga kadete ang mga bisita ng isang silent drill exhibition sa AEC Quadrangle. Sa pagsisimula ng palatuntunan, tinugtog ng MSEUF Chamberwinds ang mga pambansang awit ng Netherlands at ng Pilipinas. Binisita rin ng mga kinatawan ng Royal Van Oord Dredging International ang iba’t ibang laboratoryo ng CME kasama ang mga opisyal ng kanilang ahensya sa Pilipinas, ang TSM International na pinamumunuan ni Chief Engineer Artemio Serafico at Pretty Mariano, MST division manager. Sa ginawang pakikipanayam sa mga kadete, anim ang napiling lalahok sa Royal Van Oord cadetship program. Tatanggap ang mga kadete ng libreng tirahan, pang-araw araw na pangangailangan, at allowance mula sa kompanya. Ang anim na kadete ay sina Mark Lloyd de las Alas, Ryan Jay Bautista, Rico Ascona, Gallardo Demandante III, Jollybelle Jamito at Rhonamae Gadia. Dahil dito, inaasahan ang higit na pagdagsa ng mga estudyanteng kukuha ng mga programang Marine Engineering at Marine Transportation sa Pamantasan. “Isang malaking pagkakataon ang mapabilang sa isa sa mga tinitingalang kumpanya sa larangan ng inhinyeryang pangkaragatan sa buong mundo,” wika ng mga kadeteng lilipad sa Netherlands, bago magtapos ang taon. May pagkakataon silang mahirang na crew ng Van Oord Dredging International at masanay na maging opisyal ng mga barko ng kompanyang Dutch.
Osmillo, kakatawan sa Pilipinas sa kompetisyong ‘World’s Most Experimental Bartender’ sa Glasgow Andrei Christian A. Cuario
N
amayagpag sa national bartending competition, Agosto 29, si Kathrin May Osmillo, alumna ng Batch 2012 ng MSEUF Hotel and Restaurant Management program mula sa College of International Hospitality and Tourism Management (CIHTM).
Nasungkit ni Osmillo ang kampyonato sa ginanap na 2019 Philippine Glenfiddich World’s Most Experimental Bartender. Roasted Malt Ball, Soaked Munchkin, at Highball rocks ang pumatok sa panlasa ng mga hurado sa nasabing taunang kompetisyon. Siya ang kakatawan sa Pilipinas sa pandaigdigang kompetisyon sa Glasgow, Scotland sa Nobyembre. Bago natamo ni Osmillo ang kampyonato, kabilang na siya sa koponang nakakuha ng pangatlong puwesto sa
pandaigdigang paligsahan. Kasama niya rito sina Enzo Luna, bartender ng Run Rabbit Run, at si Faye Fernando, bartender naman ng Cove Manila. “Your love is what we need. See you there! Dala ko ang bandilang Pilipino at ang Pamantasang Enverga,” paganyaya ni Osmillo sa mga magaaral ng CIHTM. “Natutuhan kong maging focused noong nag-aaral pa lamang ako,” dagdag niya. Dahilan sa propesyonalismo ni Osmillo, siya ang kasalukuyang head bartender ng OTO, isang cocktail bar sa Lungsod ng Makati. Samantala, kasama ni Osmillo si Fonso Sotero ng Lampara Resto na kakatawan sa bansa sa pagluluto. Itinataguyod ng Scotch Whisky ang kompetisyon.
Larawan mula sa MSEUF Facebook Page Tinanghal na kampyon si Kathrin Osmillo, HRM alumna sa 2019 Philippine Glenfiddich World’s Most Experimental Bartender.
Hulyo - Agosto 2019 Tomo LXX | Bilang 2
balita
The
Luzonian
Bagong gusali ng SHS, kantina ng BED, pormal na binuksan Jean Alric B. Almira
S
a loob ng isang taong konstruksyon ay nabuksan na ang bagong gusali ng Senior High School (SHS) at bagong kantina ng Basic Education Department (BED), Hulyo 31, na dinesenyo ni Ar. Raul Villanueva at isinagawa ng Rockwell Construction ni Engr. Eric Sy.
Larawan mula sa EMRC Binasbasan ni Father Ramilo Esplana, kapelyan ng Pamantasan, ang bagong gusali ng mga mag-aaral sa Senior High School.
Pinangunahan nina Chairman/ CEO Wilfrido Enverga, maybahay na si Gng. Grace Enverga at Pangulong Naila Leveriza ang seremonyal na pagpuputol ng laso, katuwang si Gng. Reina Pasumbal, punong guro ng Basic Education Department. Isinagawa naman ni Fr. Ramil Esplana, kapelyan ng Pamantasan, ang pagbabasbas ng mga silid aralan, laboratoryo, silid aklatan, silid ng mga guro, dance studio, at kantina. Sinimulan sa doksolohiya, pambansang awit, at himno ng
Bilang ng aplikante sa The L, pumalo sa 59; pinakamarami sa kasaysayan ng pahayagan Jocelle Marrey M. Recella
T
umaas sa 59 na aplikante ang nagnais maging kasapi ng patnugutan ng The Luzonian, opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng Pamantasang Manuel S. Enverga. Bahagyang bumaba sa bilang na 23 katao ang nakapasa matapos sumailalim sa proseso ng pagpili noong Agosto 30.
Itinalaga bilang bagong Punong Patnugot ng publikasyon si Erika Marca, BSEMC-I. Katulong na Patnugot si Karen Yvonne L. Daleon, BSCE-II at Tagapamahalang Patnugot si Jean Alric Almira, BSED-II at Tagapamahala ng Kalakaran si Carmelo Eduardo Mesa, BSEE-V.
Binubuo naman ng siyam na manunulat, limang dibuhista, at apat na potograper ang bagong patnugutan ng The Luzonian. Isang linggo ang itinakbo ng buong proseso sa pagpili ng mga kwalipikadong aplikanteng uugit sa The Luzonian sa taong panuruan 2019-2020. Ang kabuuang bilang ng mga aplikante ay bumaba sa 43 mag-aaral na samailalim sa pagsusulit. Mula 43 aplikante, nabawasan ito ng 19. May 32 lamang ang humarap sa yugto ng pakikipanayam. Ang bilang na 32 ay mistulang binaliktad na 23, na naging bilang ng mga aplikanteng nakapasa upang maging kasapi ng pahayagan. Dumaan sa apat na proseso ang mga
aplikante: (1) pagpapasa ng aplikasyon, (2) pagdalo sa maikling pagtitipon at oryentasyon, (3) pagsailalim sa pagsusulit, at (4) pakikipanayam sa mga gurong tagapayo ng pahayagan. Gayunpaman, ang ginawang proseso ng pagpili sa patnugutan ay kakaiba sa nakagisnang pagpili sa mga uugit sa patnugutan ng pahayagan ng mga mag-aaral ng Pamantasan. “Kailangan ang matibay na commitment at dedication sa pamamahayag,” wika ni John Rover Sinag, dating punong patnugot at isa sa mga bagong tagapayo. Ang mga katangiang ito ang hinanap ng Board of Editors sa ginawang pagpili sa patnugutan ng The Luzonian.
Pagdiriwang ng Buwan ng Wika, pinangunahan ng CEd Gianne Caldrin B. Mejilla
P
ayak na selebrasyon ang isinagawang pagdiriwang ng Buwan ng Wika ng mga kasapi ng Maestro na binubuo ng mga magaaral ng Kolehiyo ng Edukasyon ng Pamantasang Manuel S. Enverga Foundation, Inc. na may temang “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Pilipino” sa teatro ng AEC.
Dinaluhan ng 300 kasapi ng Maestro at ng mga guro ng kolehiyo ang pagdiriwang na nagtampok sa yaman at intelektwalisasyon ng wikang Pilipino sa bansa. “Ang pagdaraos ng Buwan ng Wika ay isang paraan upang mas mapatibay ang pagpapahalaga sa ating wika sa araw araw, hindi lamang sa panahon ng pagdiriwang nito,” wika ni Denlyn Halili, isa sa mga gurong taga-ugit ng pagdiriwang. Isinagawa ang samu’t saring
paligsahan kaugnay sa pagpapayaman ng wika tulad ng pagsulat ng sanaysay, paggawa ng poster at slogan, pagbigkas ng tula, pag-awit ng awiting Pilipino, at pagsayaw sa saliw ng mga awiting bayan . Nagwagi ng unang gantimpala sina Maria Joyce Ann Lorredo sa pagsulat ng sanaysay, Nicole Luna sa paggawa ng slogan at Jara Maiah Villaruel sa paggawa ng poster. Sa mga pantanghalang paligsahan, nagwagi sina Nesiel Cabildo sa awit solohan, Kennah Marie Pornillosa at Amiel Francisco Tolentino sa duetong awit at Jhoven Cordovilla sa pagbigkas ng tula. Samantala, sa pinakahihintay na pagsasagawa ng pagpili ng Lakan at Lakambini ng Buwan ng Wika, tinanghal si Camille Fontamillas bilang Lakambini at si Genesis Remo bilang Lakan ng Buwan ng Wika . Nakamit naman ng mga magaaral sa unang taon ng Information
at Library Information System na kinabibilangan nina Jovert Tumala, Royvelen Veluz, Joyce Pastorfide, Margelin Ranillo, Dyessa Franciso, Ariane Larayos, at Rica Gadia ang unang gantimpala sa pagsayaw sa saliw ng awiting bayan. “Bagama’t payak ang naging pagdiriwang ng aming Kolehiyo sa Buwan ng Wika, nasaksihan ng ating mga mag-aaral ang angking ganda ng kulturang Pilipino na nagbibigay buhay sa pagpagpapayaman ng ating wika,” pahayag ni Dr. Joselina Baylongo, dekana ng Kolehiyo ng Edukasyon. Sa buong taon, dagdag pa niya, may iba pang mga gawaing higit na nakapagpapatingkad sa paggamit ng wikang Pilipino, tulad ng paligsahan sa sabayang pagbigkas at pagtula. Naging kaagapay ng Maestro ang punong bayan ng Pagbilao, Shierre Ann Palicpic, na naging sponsor sa naturang selebrasyon.
Pamantasan sa pangunguna ng MSEUF Concert Singers ang ikatlong yugto ng programa. Sinundan ito ng bating panimula ni Gng. Pasumbal at mensahe mula kay Pangulong Leveriza. Nagpahayag ng kagalakan ang Pangulo na nagampanan ng Pamantasan ang hininging tulong ng Kagawaran ng Edukasyon na alalayan ang pagbubukas ng Senior High School Program sa Dibisyon ng Lucena. Samantala, kinatawan ni Assistant Schools Superintendent Babylyn Pambid si Superintendent Dr. Aniano Ogayon na nagpahayag ng kagalakan sa pagtatayo ng SHS Bldg. na may mga angkop na pasilidad para sa mga mag-aaral. Dumalo rin sina VP Dr. Benilda Villenas, Evelyn Abeja, Celso Jaballa at Cesar Wong kasama ang iba pang opisyal ng Pamantasan. Inanyayahan din ang mga stallholders ng bagong kantina.
Enrollees, pinakamataas sa CEng, SY 2019-2020 Karen Yvonne L. Daleon
N
agtala ang College of Engineering ng 932 mag-aaral sa taong panuruan 2019-2020 upang masungkit ng kolehiyo ang pinakamataas na bilang ng populasyon para sa unang semestre.
Mula sa 61 programa ng Pamantasan, nanguna ang Engineering sa bilang ng mga mag-aaral na nagpatala sa mga programang civil, electrical, mechanical, industrial, geodetic, computer at electronics engineering. Nasa civil engineering program ang pinakamalaking bahagi ng populasyon na may 220 mag-aaral. Samantala, ang pinakamababang bilang ng mag-aaral ay nasa electronics engineering, 37. Batay sa tala ng University Registrar, may kabuuang bilang na 5, 431 mag-aaral ang nagpatala sa Pamantasan sa unang semestre. Tumaas ang bilang ng mga nagpatala sa taong ito ng 10.41% kumpara noong isang taon. May 1,964 na mga bagong mag-aaral ang nagpatala bagamat may 2,637 aplikante sa admission, ayon kay Joana Panganiban, admission officer.
balita
The
Luzonian
Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Pamantasang Manuel S. Enverga, Lungsod ng Lucena
BALITANG KINIPIL
Dengue umabot na sa mga paaralan ng Lucena Gianne Caldrin B. Mejilla Mula sa 3,623 kaso ng dengue sa lalawigan ng Quezon mula Enero 1, 2019 hangang Agosto 6, 2019, may 241 kaso ang nagmula sa Lungsod ng Lucena kung saan ilan sa mga biktima nito ay nagmula sa Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF). Ang mga naitalang biktima ng dengue ay ipinagamot sa iba’t ibang ospital sa Lungsod ng Lucena. Sa pagtaas ng bilang sa kaso ng dengue sa Quezon, hinikayat ni Kalihim Francisco Duque ng Kagawaran ng Kalusugan ang mga lokal na opisyal, partikular ang punong bayan ng Lucena sa malawakang pagpapatupad ng “4 o’clock habit,” na naglalayong maging malinis ang mga kapaligiran ng mga barangay sa loob at labas ng mga kabahayan sa lungsod. Partikular na tinukoy ang mga alulod ng bahay at mga imbakan ng tubig na walang takip na pinamumugaran ng mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue. Pinayuhan ding linisin ang mga kanal upang tumakbo ang tubig at di pagpugaran ng mga lamok.
Alumni ng Enverga ginawaran ng Quezon Medalya ng Karangalan Gianne Caldrin B. Mejilla Ginawaran ng Medalya ng Karangalan ng panlalawigang pamahalaan ng Quezon ang dalawang alumni ng College of Education ng Pamantasan na sina Azucena Romulo at Genoveva Verdaguer, PhD kasabay ng paggunita sa Araw ni Quezon, Agosto 19. Samantala, pitong Quezonian ang pinarangalan ng Quezon Medalya ng Karangalan sa iba’t ibang larangan na kinabibilangan nina Major General Guillermo Eleazar, pamamahala sa kapulisan; Lloyd Luna, pagsulat at motivational speaking; Engr. Edelissa Ramos, agrikultura; Jamilton Villapando at Dr. Joy Talens, edukasyon. Ang Quezon Medalya ng Karangalan ay taunang pagkilala sa mga natatanging Quezonian batay sa Provincial Board Resolution No. 612 noong 1970. Ang mga pinarangalan ay inaasahang magiging kasapi ng Quezon Medalya ng Karangalan Foundation na tumutulong sa mga proyektong pangkaunlaran ng Lalawigan ng Quezon.
Larawan mula kay Raynell Inojosa Hinirang bilang Natatanging Lucenahin si Engineer Raynell Inojosa sa larangan ng agham at teknolohiya sa ginanap na taunang pagdiriwang ng Araw ng Lucena, Agosto 20.
Dating Punong Patnugot ng The Luzonian, pinarangalan ng ‘Gawad Natatanging Lucenahin’ Andrei Christian A. Cuario
P
atuloy ang pagtanggap ng gantimpala ng dating punong patnugot ng The Luzonian na si Engr. Raynell Inojosa, matapos siyang gawaran ng Sangguniang Panglungsod ng Lucena bilang Natatanging Anak ng Lucena dahilan sa kanyang mga naiambag sa agham at teknolohiya.
Matatandaang si Inojosa ang punong patnugot ng The Luzonian noong 2012 at alumnus ng Pamantasan sa programang Electronics Engineering noong 2013. Ang patuloy na pagtataguyod ng kanyang programa sa larangan ng agham at teknolohiya sa loob at labas ng bansa partikular na dito sa Lucena ang dahilan kung bakit patuloy pa rin ang mga parangal na kanyang natatanggap. Iginiit ni Engr. Inojosa na hindi niya inasam ang nasabing parangal at ito ay ayon lamang sa kanyang adbokasiya na makapaglingkod sa kapwa gamit ang kanyang propesyon. “Ang parangal na ito ay tunay na nakagagalak para sa akin, lalo’t higit sa aking pamilya. Bagamat hindi ko ito inasam,” wika pa ni Inojosa, “ito ay naging bunga lamang ng aking kagustuhan na maglingkod sa aking kapwa nang walang inaasahang anumang kapalit.” “Kumbaga, adbokasiya ko na ang tumulong sa iba lalo na sa mga mas nangangailangan. Ang maibahagi ang aking dunong sa larangan ng agham at teknolohiya na natutunan ko sa aking pagpapakadalubhasa sa bansang Hapon ay nais kong gawin hangga’t may pagkakataon,” pahayag ni Engr. Inojosa.
Ibinahagi rin ni Inojosa ang kanyang mga nakamit gamit ang mga proyektong pangkomunidad at mga pagsasanay na natutunan niya sa kolehiyo at sa bansang Hapon na ngayo’y pinakikinabangan hindi lamang sa Lucena kundi pati na rin sa mga karatig bayan. “Noong 2017, ay nagwagi ang aking team sa isang National Seed Grant Competition, kung saan ang napanalunan naming pera ay ginamit namin upang ilunsad ang 5E-Big Project para sa mga out-of-school youth at Technical and Vocational Training (TVET) graduates ng Lucena at mga karatig bayan nito. Gamit ang online technology ay gumawa kami ng paraan para magkaroon ng access sa trabaho ang mga TVET graduates,” aniya. “Maliban dito, noong 2018 nagsagawa rin ako ng training-workshop para sa mga kapwa ko Lucenahin upang ibahagi ang aking natutunan sa Hapon tungkol sa wireless communications at antenna technology, na aking tinalakay sa mga pandaigdigang panayam sa Hapon at sa Amerika. Naging aktibo rin ako sa mga community projects para sa ating lungsod noong ako ay nasa kolehiyo pa,” idinagdag pa niya. Nauna nang ginawaran si Inojosa ng Quezon Medalya ng Karangalan sa katulad ring kategorya noong nakaraang taon. Sa kasalukuyan, kumukuha si Inojosa ng Doctor of Science/Engineering in Global Engineering for Development, Environment, and Society na may major sa Antenna Propagation at Wireless Communication sa Tokyo Institute of Technology sa bansang Hapon.
CBA muling nanguna sa CET sa ikatlong sunod na taon John Lawrence P. Castillo
M
uling nanguna ang mga magaaral ng College of Business and Accountancy (CBA) sa College Entrance Test (CET) ng Pamantasan sa ikatlong sunod na taon nang masungkit ni Christal Gayle Lanuza ang pinakamataas na stanine matapos ungusan ang iba pang mga bagong mag-aaral. Kasama rin sa mga nakakuha ng matataas na marka sa nasabing pagsusulit sina Yvonne Rivera
(8.33), Bruzzel James Forneste (8.33), Fihl Adriel Linggatong (8.33), Roland Emerson Mabuting (8.33), Angelika Vecinal (8.33), Shane Louis Holanda (8.33). Bryan Julius Badiango (8.0), Jesus Vizarra Jr. (8.0), John Kenneth Antonio (8.0), Sofia Marie Salapare (8.0), Charlene Clair Cacao (7.67), Veronica Ventocilla (7.67), Arnold Abang Jr. (7.67), Jessica Mae Lerio (7.67), Bea Jiel Margarette Ayunting (7.33), Ann Sweetsel Navarro (7.33), Daryl
Navarro (7.33), Kristine Kaye Bala (7.33), Mary Grace Banal (7.33), Miguel Cholo Villaseñor (7.0), Reniel Julius Gordula (7.0) at Aron Jan Benedict (7.0). CBA din ang may pinakamaraming CET topnotchers, 10, sa taong ito. Samantala, nakuha ni Charlene de Guzman, na ngayon ay nasa kanyang pangalawang taon, ang pinakamataas na marka sa CET noong nakalipas na taon, at ni Charlene Salazar noong 2015.
balita
The
Hulyo - Agosto 2019 Tomo LXX | Bilang 2
Luzonian
Tatlong Envergista, sumabak sa CalabarzonOS 2019 John Lawrence P. Castillo
N
agpamalas ng husay at galing ang tatlong mag-aaral ng Manuel S. Enverga University Foundation sa ginanap na Regional Search for Ten Outstanding Students of the Philippines sa First Asia Institute of Technology and Humanities sa Tanauan City, Batangas noong Agosto 17-21. Kabilang si Melvin Alas-as sa sampung ginawaran ng parangal bilang Outstanding Students of the Philippines. Si Alas-as ay nagtapos na summa cum laude sa programang civil engineering at nagkamit ng ikalimang puwesto sa ginanap na Civil Service Examination noong Agosto 2017 sa Professional Level. Naparangalan din siya ng Benjamin V. Tan Most Outstanding Male Student ng Pamantasan bilang tagapangasiwa ng “Pa-PICE ko po: A Christmas Gift Giving Activity.” Samantala, pinalad ding makapasok sa regional search sina Maegan Mendoza at John Rover Sinag. Si Mendoza ay nagtapos ng Bachelor of Science in Accountancy at isang CHED full merit scholar. Nakamit din niya ang Isla Lipana and Company CPAs Medal for Excellence in Leadership at naging bahagi ng programang “For the Strength of the Youth Personal Progress.” Si Sinag ay nagtapos bilang cum laude
Implementasyon ng LMS, sinimulan
P
John Lawrence P. Castillo
umalo sa 4,476 estudyante at 203 mga guro ang gumagamit na ng bagong Neo Learning Management System (LMS) sa Pamantasang Manuel S. Enverga.
Ipinatutupad ang Neo upang higit na mapayaman ang tradisyunal na pagtuturo sa loob ng silid-aralan. Gagamitin din ang LMS sa pagpapatupad ng blended learning system sa paaralang gradwado, ayon kay Dr. Felixberto Mercado, associate dean. Matapos ang halos isang taong dry run ng programa inerekomenda ng komite ni Dr. Jose Tan, Jr., direktor ng Information and Communication Technology Department (ICTD), ang paggamit ng Neo LMS sa kolehiyo at sa paaralang gradwado sa taong paturuan 2019-2020. Samantala, nilinaw ni Dr. Benilda Villenas, vice president for academics and research, na hindi ipapalit ang Neo LMS sa pisikal na pagdaraos ng mga klase. Maaari itong gamitin sa mga karagdagang kaalamang nais ituro ng mga guro sa kanilang mga mag-aaral. Samantala, pamamahalaan ng ICTD ang uploading ng mga instructional multimedia learning materials, dagdag ni Dr. Tan. Point person si John Rover Sinag na tutulong sa mga guro sa pagsasaayos ng teksto at graphics ng kanilang mga IMLMs.
Larawan mula kay Melvin Alas-as Masayang tinatanggap ni Melvin Alas-as ang parangal bilang isa sa mga kinatawan ng Calabarzon Region sa Search for Ten Outstanding Students of the Philippines habang nakasuporta ang kanyang dekano, Dr. Guillermo Rago Jr. sa programang information technology. Naging punong patnugot siya ng The Luzonian, taong 2018-2019. Si Sinag ay CHED full merit scholar at facilitator ng Cyber ESkwela. Ang tatlong kinatawan ng Pamantasang Enverga at ang 17
iba pang mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang pamantasan ng rehiyon ay sumailalim sa tatlong araw na screening at formation upang maipamalas ang kani-kanilang mga adbokasiya bilang student leaders. Ang TOSP ay taunang paghahanap at
pagpaparangal sa sampung mga magaaral sa Calabarzon na may angking galing at husay sa buong bansa sa larangang akademiko at pamumuno na nakatuon sa pagtulong sa lipunan na itinataguyod ng RFM Corporation at ng Commission on Higher Education.
Bilang ng reaccredited student organizations sa MSEUF, pinakakaunti ngayong taon - Office of Student Affairs Jean Alric B. Almira
S
a 44 organisasyong nagsumite ng kanilang mga ulat upang muling makakuha ng reaccreditation sa taong ito, nanguna ang Junior Financial Executives Institute sa mga nakasunod sa mga patakarang itinakda para sa renewal sa pagsusuring ginawa sa St. Bonaventure Student Center noong Setyembre, ayon sa Office of Student Organizations (OSO).
Bukod sa Junior Financial Executives Institute ng College of Business and Accountancy, nanguna rin ang mga sumusunod: ikalima, Council of English Enthusiasts ng College of Education; ikaapat, CBA Academic Circle ng College of Business and Accountancy; ikatlo, Philippine Institute of Civil Engineers ng College of Engineering, at ikalawa, MSEUF Communication Society ng College of Arts and Sciences. Ang mga kwalipikadong
organisasyon ay nagkamit ng gradong 80 pataas batay sa impact ng mga naging proyekto, pagsusumite ng mga post-activity requirements at pagsasaayos ng bulletin boards. Sa 39 na organisasyon, 31 ang “probationary” na nakakuha ng gradong mula 50 hanggang 79. Bukod rito, tatlong organisasyon ang pumasa upang muling mareactivate. Ang mga ito ay Enverga Cusineros, Work-Study Grantees’ Organization at Caduceus.
ITCCE, muling ibinalik Ivy Graceille P. Regis
M
uling ibinalik noong Hulyo ang IT Center for Continuing Education (ITCCE) ng College of Computing and Multimedia Studies matapos ang tatlong taong pagkahinto. Iba’t-ibang kurso ang mapagpipilian ng mga interesadong magpatala. Ang mga ito ay Introduction to Data Science with Phyton, Introduction to Data Science with R, Advance Excel, Visual Analytics with Tableau, Adobe Photoshop CC Essential, Desktop Publishing using Adobe Indesign, iOS App Development with Swift, Android App Development with Kotlin, Web Development with Wordpress, at Web Programming using Code Igniter Framework. May libreng meryenda, pananghalian, materyales sa pagsasanay, at sertipiko ang magsisipagtapos sa mga programang magpapasulong sa kanilang kaalamang IT.
Larawan mula sa CCMS Facebook Page Kabilang si Engr. Roselyn Maaño sa mga nagtuturo sa IT Center for Continuing Education (ITCCE) na nagbibigay kakayahan sa mga magaaral upang kaagad makakuha ng trabaho sa IT industry.
balita
The
Luzonian
Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Pamantasang Manuel S. Enverga, Lungsod ng Lucena
UNANG PUWESTO MULI Rodas, top sa Criminology Licensure Examination Andrei Christian A. Cuario
P
inangunahan ng 23-anyos na Criminology student na si John Bonrev Roi Rodas ang June 2019 Criminology Licensure Examination, matapos makuha ang pinakamataas na markang 90.50%. Ang ina ni Rodas ang unang nakaalam ng balita at ikinuwento niya ito sa anak na hindi makapaniwala sa resulta ng pagsusulit na mula sa 7,998 pumasa, nakita niya ang pangalan ng anak sa unang hanay. “‘Yung nanay ko talaga ang unang nakaalam na ako ‘yung topnotcher, at s’yempre hindi rin ako makapaniwala na ako ‘yung nanguna,” nakangiting kuwento ni Rodas. Subalit ayon sa mga kaklase ni Rodas, hindi sila nagtaka sa resulta dahil sa kakaibang sipag na ipinamalas ng kanilang kamag-aaral sa kanyang pag-aaral at maging sa review. Gamit ang pagsisikap na makamit ang karangalan, inilahad ni Rodas na pinangarap din niyang manguna sa naturang pagsusulit. “Dahil hindi ako nasiyahan sa resulta ng diagnostic test na ibinigay sa amin ni Dekana Heide Lagumen, pinaigting ko pa ang aking pag-aaral bukod sa review para makapasa sa pagsusulit. ‘Yung nanguna ako ay bonus na lamang ng Panginoong Diyos,” dagdag pa niya. Naging susi sa tagumpay ni Rodas ang matamang pakikinig sa kanyang mga reviewers, pagbabasa ng isanlibong tanong araw araw, pag-aaral kasama ng mga kaibigan, at taimtim na pananalangin. “Dasal lang. Kapag ginusto mong makamit ang isang bagay, matutupad ito kung pagsusumikapan at pagdadasalan mo,” wika ni Rodas. Simula nang siya ay manguna sa nasabing pagsusulit, maraming mga parangal at oportunidad ang kanyang tinanggap. Ilan na rito ang apat na taong scholarship grant sa Enverga Law School, P100,000 regalo mula sa Pamantasang Enverga at P50,000 mula naman sa Stars NKL Review Center. Nasungkit din ni Oliver Nava, ngayon ay opisyal ng Philippine National Police, ang unang puwesto noong 2000 Criminology Licensure Examination.
Larawan mula sa MSEUF Facebook Page Nagbigay ng pagganyak mensahe si John Bonrev Roi Rodas ng Kolehiyo ng Criminal Justice at Criminology sa mga mag-aaral ng Pamantasang Enverga matapos masungkit ang unang pwesto sa Criminology Licensure Examination.
Pagkakaibigan ng Pilipinas-Korea ginunita sa Enverga U, Agosto 6 Jean Alric B. Almira
B
ilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 Anibersaryo ng Pagkakaibigan ng Pilipinas at Republika ng South Korea, isang pagtatanghal na pinamagatang “Arirang” ang idinaos sa University Gymnasium ng Pamantasang Enverga, Agosto 6. Nanguna ang dalawang grupong pangkultura ng pamantasan, ayon kay Vice President for External Relations Celso Jaballa.
Larawan mula sa MSEUF Facebook Page Nagtanghal ang grupong nagmula sa Republika ng South Korea ng “Arirang,” kabilang ang mga kantang K-Pop, sa pagdiriwang ng ika-70 Anibersaryo ng Pagkakaibigan ng Pilipinas at South Korea.
Ang mga performers mula South Korea kasama ang MSEUF Concert Singers at Banyuhay Dance Troupe ay nagsama at nanguna sa taunang kaganapan kung saan matagumpay nilang ipinamalas ang natatanging kultura at tradisyon ng Asya, partikular ng Pilipinas at ng
Republika ng South Korea. Ipinamalas ng Banyuhay Dance Troupe ang ilang katutubong sayaw tulad ng Sayaw sa Cuyo, El Cani at El Matador, at isang sayaw Muslim, ang Janggay. “Masaya at ikinararangal namin kung paano namin naipamalas ang kultura ng Pilipinas at South Korea sa pamamagitan ng pagsasabay ng ritmo sa musika,” sabi ng isang miyembro ng Banyuhay Dance Troupe nang tanungin siya tungkol sa kanyang karanasan. Nagtanghal ang MSEUF Concert Singers ng iba’t ibang tradisyonal at katutubong kanta ng Pilipinas. Inawit din nila ang “Arirang,” isang Korean folk song na ang ibig sabihin ay My Beloved Darling. Ilan pa sa mga kantang kanilang itinanghal ay tatlong
Kalinga chants, dalawang Ilocano folk songs, at Kruhay na kilalang katutubong awitin ng Pilipinas. “Masaya ang karanasan namin kasama ang iba pang mga performers ng iba’t-ibang mga paaralan sa South Korea,” salaysay ng mga Envergans. Naipakita ang kultura ng dalawang bansa upang higit na madama ang mabuting pagkakaibigan ng mga Asyano sa makabagong panahon. “Mahusay makisama ang mga bisitang Koreano sa kabila ng pagkakaiba ng wika. Kakaiba ang naramdaman namin sapagkat bukod sa pagpapamalas ng aming mga kakayahan, nabigyan din ng pagkakataong matutuhan namin ang kanilang kultura,” wika ng mga kasapi ng MSEUF Concert Singers at Banyuhay Dance Troupe.
Hulyo - Agosto 2019 Tomo LXX | Bilang 2
balita
The
Luzonian
University priority projects, inilatag Erika D. Marca Inilabas ng Tanggapan ng Pangulo ng Pamantasan ang Memorandum Order No. 9 na naglalaman ng mga University Priority Projects kasama ang pondong nakalaan kada proyekto para sa taong 2019-2020.
Pagsasaayos ng apat na silid-aralan bilang karagdagang silid ng mga proyektong prototype sa physics at LabView computer software at pagbili ng mga kagamitan para sa Engineering Laboratory bilang pagsunod sa rekomendasyon ng PACUCOA
01
09
Pagsasaayos/Retrofitting ng mezzanine at basement ng gusali ng College of Computing and Multimedia Studies
02
10
Pagsasaayos ng mga palikuran sa CET at AEC Buildings
Relokasyon at konstruksyon ng Material Recovery Facility (MRF) at composting bilang pagtalima sa regulasyon ng Department of Environment and Natural Resources
03
04
Konstruksyon ng opisina ng Human Resources Department at archives at ng Admission Office, kasama na ang Gate 1
Konstruskyon ng bakod ng Senior High School Building
11
Relokasyon at konstrukyon ng silid ng mga guro ng College of Engineering bilang pagtalima sa rekomendasyon ng PACUCOA
12
Relokasyon at konstruksyon ng silid ng mga guro ng Basic Education Department bilang pagtalima sa rekomendasyon ng PEAC at PACUCOA accreditation)
Relokasyon at konstruksyon ng defense tactics laboratory at pagsasaayos ng laboratoryo ng College of Criminal Justice and Criminology bilang Center of Excellence
05
13
Pagpapalawak ng lalagyan ng mga permanenteng dokumento ng mga mag-aaral ng Senior High School sa Basic Education Department
Rehabilitasyon at pagpapalawak ng Administration Lobby (komportableng hintayan ng mga kliyente ng Treasury, Registrar, Accounting at VP Finance)
06
14
Demolisyon at konstruksyon ng canopy ng gusaling CET
15
Pagsasaayos ng parking area sa unahan ng gusali ng Senior High School at konstruksyon ng covered pathwalk
Pagpipinta ng dingding sa labas ng mga gusali ng AEC, CET, CNAHS, at Gymnasium at pagkukumpuni ng covered court
Pagsesemento ng kalye sa harap ng garahe at Material Recovery Facility
07
08
16
Konstruksyon ng bakod ng Casa Segunda Museum at entrance gate ng Pamantasan
opinyon
The
Luzonian
Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Pamantasang Manuel S. Enverga, Lungsod ng Lucena
The
Luzonian Opisyal na Pahayagan Bilang LXX | Tomo 2
PATNUGUTAN ‘19-‘20 ERIKA D. MARCA PUNONG PATNUGOT KAREN YVONNE L. DALEON KATUWANG NA PATNUGOT JEAN ALRIC B. ALMIRA TAGAPAMAHALANG PATNUGOT CARMELO EDUARDO MESA TAGAPAMAHALA NG KALAKALAN MGA MANUNULAT JOHN LAWRENCE P. CASTILLO ANDREI CHRISTIAN A. CUARIO JOSIAH SAMUEL O. ESPAŃA TIMOTHY XARIS C. FORBES ANGELA MARIZ C. JAVEN CALDRIN GIANNE B. MEJILLA JOCELLE MARREY M. RECELLA IVY GRACEILLE P. REGIS LOUISE MELKA M. SAAVEDRA MGA DIBUHISTA HAMFREY P. SANIEL ADRIAN CARLO VILLANERA JARA MAIAH J. VILLARUEL MILL ANGELO A. PRADO JOHN ROSSNY L. CLEOFE JOSHUA G. ROSALES MGA LITRATISTA GRACELLE V. ASEOCHE GABRIEL A. BILER RAFAEL JULES V. CODERA SIMON ROMUEL L. UY
I
LMS, tagahatid kaalaman
ka-21 siglo. Ito ang panahon kung saan ang mga makabagong teknolohiya ay patuloy na umuusbong at isinusulong. Ang siglo kung saan maging sa larangan ng edukasyon ay tila itinuturing na itong isa sa pinakamahalagang kasangkapan upang magturo at maghatid ng kaalaman. Sa mabilis na pagbabago ng panahon sa larangan ng agham at teknolohiya, mabilis din nitong binago ang pamumuhay ng sangkatauhan. Layunin nitong mapadali ang pamumuhay ng bawat indibidwal kabilang na ang mabilisang palitan ng impormasyon. Ang isang makabuluhang trend sa mga paaralan ngayon ay ang pagpapatupad ng Learning Management System (LMS) na ginagamit bilang isang pangkaraniwang platform upang ang mga mag-aaral at mga guro ay magkaroon ng ugnayang digital. Kaisa ang Pamantasang Manuel S. Enverga sa paghahatid ng isa sa mga makabagong sistema ng e-learning sa mga mag-aaral nito. Katulad ng Facebook kung saan ang mga guro at mag-aaral ay maaring mag-post ng mga pahayag at mga aktibidad, ang Neo LMS ay isang makabuluhang plataporma na nagbibigay ng mga kasangkapang kinakailangan upang suportahan ang maayos na pagtuturo sa mga estudyanteng tumutuntong sa bagong kurikulum. Ang portal ng Neo LMS ay hindi static. Malaya ang bawat gagamit nito na gawing personalized ang kanilang pahina na naglalaman ng mga detalyeng nais ilagay dito. Isa sa mga layunin ng Neo LMS ay gawing kaaya-aya at hindi nakakaumay ang magiging karanasan ng mga estudyanteng gagamit nito. Sa isang pindot lamang ay magkakaroon na ng access ang mga mag-aaral sa mga nilalaman nito, maging YouTube o Facebook posts. Hindi ito nangangailangan ng mga kasanayang pampropesyonal. Sa halip, nagbibigay ang Neo LMS ng mga kasangkapang
EDITORYAL
nakakapukaw ng atensyon ng mga mag-aaral upang higit na makilahok ang mga ito tungo sa pagkakamit ng higit na partisipasyon mula sa mga mag-aaral sa paglago ng kanilang mga kaalaman. Karamihan sa mga guro at instruktor ng Pamantasan ay dito na gumagawa ng mga aktibidad at maging mga pagsusulit na kanilang ibinibigay sa kani-kanilang mga estudyante sa bawat kurso. May laya silang lagyan ang mga ito ng limitadong oras. Ang mga nakahayag sa portal na ito ay hindi pangmatagalan sapagkat maaari itong burahin depende sa layunin at desisyon ng mga guro. Dagdag pa rito, nagsisilbi itong isang malaking “magnifying glass” kung saan malayang nakikita ng mga guro maging ng mga mag-aaral ang kanilang mga impormasyon at marka sa bawat asignatura. Sa pamamagitan nito, nasusundan ng mga mag-aaral kung saang aktibidad sila umuunlad at nangangailangan ng higit na pagpopokus. Sa pangkalahatan, hindi maipagkakaila na ang pagkakaroon at pagbubukas ng Neo LMS sa bawat indibwal na nasa bagong kurikulum at bagong henerasyon ay higit na madaling gamitin at mapuntahan. Sa kabila nito, hindi naman kailangang ibaon sa limot ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo. Ang e-learning ay isa lamang sa pamamaraan ng pagpapalawak ng kaalaman gamit ang teknolohiya at agham. Hindi pa rin nito mapapalitan ang pagtuturo ng mga guro sa pisikal na silid-aralan.
TEKNIKAL NA TAGAPAYO JOHN ROVER R. SINAG DEXTER S. VILLAMIN KASANGGUNI ROSARIO C. RAGO, Ed.D.
ERRATA The L Magazine
(June 2019 Issue) Humihingi ng paumanhin ang Punong Patnugot dahilan sa mga pagkakamali sa edisyong Hunyo 2019 ng The L Magazine. Inaako ng Punong Patnugot ang responsibilidad sa mga pagkakamaling nakasaad sa ibaba. Humihingi po kami ng paumanhin at pang-unawa ng mga mambabasa.
Cover page
Criminologist instead of Criminologsit
Page 2 – Table of Contents
MSEUF marks history; sends off 1,751 graduates instead of 751
Page 33 – Cover Story
The perks of being a top 1 – ‘hundred-thousand-peso cash’ instead of hundred-peso...
opinyon
The
Hulyo - Agosto 2019 Tomo LXX | Bilang 2
Luzonian
Keep right! Gets mo ba? Andrei Christian A. Cuario
M
ay patakaran sa ating Pamantasan na “Always Keep Right.” Dito pinanatili natin na sa kanang bahagi lamang tayo maglalakad sa hallways upang magkaroon ng kaayusan ang pagkibo ng bawat estudyante. Madalas na nakikita ang karatula na nagsasabing “Keep Right” sa mga hallways, sa tulay ng Banyuhay, at pati na rin sa mga directional arrows sa mga daan.
Kapansinpansin ang mga mag-aaral na sumusunod nang maayos at tama ayon sa nakasaad sa mga karatula. Subalit may ilan ding mga pasaway at walang pakiaalam sa isinasaad ng nakapaskil na karatula sa hallway. Pinaaalalahanan pa ng ibang estudyante ang kanilang kapwa estudyante sa tuwing mapapansin na hindi sila sumusunod sa “keep right” sign. Gayunpaman, marahil may ilang kadahilanan ang mga taong hindi nakakasunod sa panukalang ito. Isa marahil sa dahilan ay ang labis na pagmamadali ng isang estudyante. Maaaring huli na ito sa kanyang klase o kaya naman ay malayo pa ang kanyang babagtasin upang makarating sa kanyang silid-aralan. May mga estudyante ring nilulusutan ang pangkat ng taong nasa unahan nila para sila ang mauna. Kadalasang ginagawa ito kapag mabagal maglakad ang mga nasa unahan nila. Bukod pa rito, mayroon din naman na tila naglalakad lamang sa kalawakan, lumulutang na animo’y nasisilayan ang gabundok na magagandang tanawin sa buong mundo. Hindi na napapansin na nasa maling direksyon na sila. Hindi alintana kung may mga kasunod silang naglalakad. Nangyayari ang ganitong pagkakataon lalo na’t sa oras ng labasan. Makatarungan ba ito kung may dahilan naman? Paano naman ‘yung mga taong dumaraan nang maayos? Hindi ba’t hindi ito patas? Masasabing katulad lang din ito ng karatula ng Clean as You Go (CLAYGO) sa kantina kung saan tinuturuan ang mga estudyante na ibukod at ilagay nang maayos ang kanilang pinagkainan at itapon ang kanilang basura sa tamang lalagyan. Disiplina ang nais na ipahayag ng mga karatulang ito sa ating mga mag-aaral. Kasama sa ating pag-aaral ang maragdagan o di kaya’y mapalago ang mabubuting kaugaliang madadala natin sa ating trabaho sa hinaharap. Hindi naman mahirap ang sumunod sa ganitong kautusan. Ito’y para na rin sa ating mga sariling kapakanan. Aanhin pa ang mga nakalagay na karatula sa ating paaralan kung hindi naman susundin ang mga ito. Sumunod tayo para sa ating kaligtasan at makaiwas na rin sa kaguluhan na maaari nating kasuungan sa pagsuway sa mga paalalang nagsisilbing gabay natin tungo sa tama. Dagdag pa rito, maiiwasan din natin na mabundol at maabala ang mga taong nagbibigay pansin sa mga nakasaad na paalala at naglalakad sa tamang daan. Always keep right! Kung nais natin ng pagbabago at kaayusan sa loob ng kampus, huwag natin itong suwayin. Sa halip, umpisahan natin ang pagiging disiplinado sa loob at labas ng ating Pamantasan.
initiation John Rossny L . Cleofe
paslit
Posible pala
H
“
Erika D. Marca
Naging handa ako, hindi para lamang sa sarili kung hindi para rin sa publikasyong may pinanghahawakang legasiya.
indi madaling harapin ang bigat ng responsibilidad na nakaatang kung sakaling maging Punong Patnugot ng pampaaralang pahayagan. Ngunit sa layunin kong panatilihing buhay ang publikasyon, isa ako sa mga nakipagsapalarang magnais na makapasa at maluklok bilang Punong Patnugot ng The Luzonian ‘19-’20.
Nasa baitang 11 pa lamang ako sa Senior High School nang magtangka akong maging bahagi ng The Luzonian. At isa ako sa mga pinalad na maging apprentice nito. Gayunpaman, hindi pa gaanong produktibo ang publikasyon dahil nasa proseso pa lamang ng muling pagbuhay nito. Kaya’t hindi ko pa gaanong pinaglaanan ng oras at mas nagtuon na lamang sa pang-akademikong mga gawain. Sa huling taon ko sa Senior High School, hindi ko malilimutan ang pinagdaanan kong proseso nang maging bahagi ako ng The Luzonian. Hinigit lamang ako ng dating Punong Patnugot sa opisina, pinagsuot ng onesie na piglet at pinalabas upang mamigay ng dyaryo at pagkapasok kong muli, naging opisyal na miyembro na ako ng pahayagan. Naging pinakabata ako sa The L, nag-iisang SHS sa Batch ‘18-’19. At hindi naging hadlang ang edad ko upang magkaroon kami ng mas matibay na samahan. Ngayong taon, nang muling magkaroon ng pagsusulit upang muling maging kasapi ng The Luzonian, isa ako sa mga muling sumubok. Maraming nagnanais makamit ang puwesto ng Punong
Patnugot. Gusto ko rin sanang magbakasakali ngunit pinaniwala ko ang aking sarili na baka sa ibang taon na lamang ako susubok, dahil unang taon ko pa lamang naman sa kolehiyo at maraming taon pa ang darating para ako’y sumubok. Ngunit, habang papalapit ang pagsusulit, marami ang nagsabi sa akin na naniniwala sa kakayahan kong maging Punong Patnugot ng The L. Ngunit ako’y tila nagdadalawang isip. Bakit ako? Puwede naman ‘yung ibang mas nakatatanda sa akin. Natatakot ako sa pasaning aking dadalhin dahil sa posibilidad na madismaya ko sila. Hindi pa ito ang panahon para sa akin. Hanggang sa sinabihan na rin ako ng dating patnugot na subukan ko dahil naniniwala siya sa kakayahan ko. Doon ko napagtanto, kung naniniwala sila sa akin, bakit hindi ko rin paniwalaan ang aking sarili? Alam ko sa sarili ko na marami pa akong dapat matutunan. Marami pang kakaining bigas, wika nga. Kailangan ko pa munang alamin ang tamang kalakaran sa loob ng pahayagan. Kailangan kong harapin ang bawat puna o batikos na matatanggap. Kailangan kong maniwala sa aking sarili. Naging handa ako, hindi para lamang sa sarili kung hindi para rin sa publikasyong may pinanghahawakang legasiya. Sinubukan kong makipagsapalaran gamit ang anim na taon kong karanasan sa pamamahayag. Naniwala ako na posible nga. At heto ako ngayon, nanunungkulan bilang Punong Patnugot ng The Luzonian ‘19-’20.
Envergista, kontra Kaliwa Dam Kamakailan lamang ay nagkaroon ng public hearings para sa pagpapatayo ng Kaliwa Dam kung saan apektado ang mga lalawigan ng Rizal at Quezon. May mga sumasang-ayon dito at mayroon ding mga kumokontra dahil sa nakikitang panganib ng proyektong ito sa kapaligiran at sa buhay ng mga katutubong Dumagat. Sa Pamantasang Enverga, nagsagawa ang The Luzonian ng sarbey sa 100 mag-aaral at tinanong ang mga ito kung pabor sila o hindi sa pagpapatayo ng dambuhalang dam. Narito ang ng porsyento ng resulta ng nasabing pagsisiyasat.
Hindi
PULSO NG ENVERGISTA
68%
Oo
21% 11%
Hindi makapagpasya
opinyon
The
Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Pamantasang Manuel S. Enverga, Lungsod ng Lucena
Luzonian
pulso
Kaliwa Dam, proyekto ng Tsina, dapat pakaisipin nang mabuti K
aliwa Dam, Kaliwa Dam, Pilipino ka ba o isa ring Intsik? Maligayang pagdating sa bagong yugto ng panghihimasok ng Tsina sa bansang Pilipinas! Ang nabanggit na proyekto na tinatawag ding “The New Centennial Water Source” ay pinangungunahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS). Ito ay naglalayong magsupply ng 600 milyong litro ng tubig kada araw sa Metro Manila sa oras na ito ay matapos. Subalit ang proyektong ito ay isang natatagong banta sa soberanya ng Pilipinas. Ang kontrata nito ay talaga namang pabor sa Tsina, sapagkat nagbibigay ito ng karapatan sa pagpili ng batas na gagamitin sakaling magkaroon ng sigalot. Nakapaloob sa kasunduang ito, ang, “waiver of immunity” kagaya ng nasa kontrata ng Chico River project. Ayon dito, sumasang-ayon ang Pilipinas na sa pagkakataong magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa kasunduan
o hindi maayos na usapan ay dadalhin ang kaso sa Hong Kong International Arbitration Center para sa paglilitis, gamit ang batas nila. Ang pagkatalo rito ay maaaring humantong sa pagkuha ng gobyernong Intsik sa ari-arian ng Pilipinas, ng ating bansa. Sinasabi man na walang nakasalalay na ari-arian o collateral kapag pumalya ang kasunduan, ano ang magagawa natin sa magiging desisyon ng korte kapag natalo tayo. Kahinahinala rin ang pagkapanalo ng state-managed China Energy Engineering Corporation Limited sa bidding sapagkat may iba pang bidder na higit na mababa ang presyo. Ipagpalagay na nating may mga magiging magandang epekto ang Kaliwa Dam sa oras na ito ay magawa lalo na sa Metro Manila at sa lumalaking pangangailangan nito sa tubig. Oo, magandang isipin na ang proyektong ito ay may maayos na pangmatagalang epekto. Ngunit, huwag nating isantabi ang katotohanan na magkakautang na naman nang malaki ang Pilipinas, at ‘di lamang basta utang sa kung
“
Jean Alric B. Almira
Maaapektuhan ang dibersidad ng buhay sa bulubundukin ng Sierra Madre dahil sa dam. Isang suntok ito sa ating kultura at kalikasan.
sino, sa Tsina, na sa ngayon ay atin pa ring kalaban sa soberanya ng West Philippine Sea. Hindi dapat ituloy ang Kaliwa Dam, bukod sa mga naunang dahilan na nagpapatunay sa pahayag na may mga iba pang magiging masamang epekto ang dam na ito. Ang mga katutubong Dumagat at kanilang lupain ay mapalalayas at makakalbo ang kanilang mga lupaing ancestral oras na gawin ang proyekto. Maaapektuhan ang dibersidad ng buhay sa bulubundukin ng Sierra Madre dahil sa dam. Isang suntok ito sa ating kultura at kalikasan. Oo, maganda naman na magkaroon ng kaibigan kaysa kaaway, ngunit mabuti bang isakripisyo natin ang ating sarili para sa ugnayang ito? Ang pangyayaring ito ay maaaring ikumpara sa pabula tungkol sa lobo na nakasuot ng balat ng tupa. Hindi sa pagiging paranoid pero maaaring paunang galaw na rin ito ng Tsina upang masakop ang ating mga lupain. Sa huli, ang Kaliwa Dam ay isang malaking sugal, na hindi natin dapat laruin.
Niyogyu-gone: Pistang ukol sa niyog, talo ang magniniyog Andrei Christian A. Cuario “
T
ara na, tara na sa Niyogyugan…” Ito ang naging paanyaya sa mga taong bumisita sa pagdiriwang ng Niyogyugan Festival kung saan ipinakita ang industriya ng pagniniyog sa pamamagitan ng pagtatampok ng iba’t-ibang produktong gawa rito.
Sa kapistahan ding ito, nagpapakitang-gilas ang mga Quezonians ng samu’t saring talento, mula sa paghahanda at paggawa ng mga booths na inihaharap sa publiko, hanggang sa streetdance at float competitions, Bb. Niyogyugan, marathon, triathlon at marami pang iba. Dahil dito, nahihikayat ang mga turista na galing sa iba’t-ibang lugar ng lalawigan at maging sa ibang bahagi ng Pilipinas na dumalo upang masilayan at masaksihan ang mga natatanging tanawin at masayang damdamin ng mga tao sa lalawigang ito. Napakalawak ng industriya, maging ng mga benepisyo ng niyog sa Pilipinas, kung kaya hindi maipagkakailang tagurian itong “tree of life” ng ating bansa. Isa ang lalawigan ng Quezon sa mga nangunguna sa mga probinsyang may maraming suplay ng niyog. Sa bawat bahagi ng lalawigan ay makikita ang mga naglalawigang puno nito, na siyang pinagkukunan ng malaking porsiyento ng niyog, na umaabot sa 1.9 bilyon bawat taon at pinagkukunan ng ikinabubuhay ng mga tagarito. Bukod pa rito, may iba’t-ibang produkto ring ipinagmamalaki ang Quezon, tulad ng lambanog, coconut oil, coco lumber, copra, at marami pa. Sa nakalipas na Niyogyugan Festival noong Agosto, isang post sa Facebook ang naging mainit sa mata ng mga tao at naging tampok ng mga usap-usapan ukol sa pagbibigay ng atensyon sa mga magniniyog na siyang tunay na sentro ng nasabing pagdiriwang. Ninais ng nasabing post na itaas ang presyo ng copra o lukad at ng buong niyog. Binanggit din ang isyu ng coco levy fund na kinolekta noong panahon ni Marcos, pondong pampubliko na dapat sana’y nakalaan sa kapakinabangan ng mga magsasaka at magniniyog subalit hanggang ngayon ay nasa pangangalaga pa rin di umano ng pamahalaan. Higit na mainam na ibalik ang coco levy fund sa mga pinagkunan nito - ang mga magniniyog, na karamihan ay nakabase sa lalawigan ng Quezon. Ito ang magsisilbing kabayaran at balik sa kanilang pagod at pawis upang mapalakas na muli ang industriya ng niyog sa bansa. Huwag nating hayaang ang mga magniniyog ay manatiling nasa laylayan ng mga produktong nakakabit sa nasabing pagdiriwang. Ilagay natin sa itaas ang bida sa ating kapistahan - ang mga magniniyog – ang niyog – sa Niyogyugan Festival. Kanila ang buwang iyon, ang pagdiriwang na ito. Sana’y makatulong ito upang lalo pang mabigyan ng
ANALISIS pokus ang buhay ng mga magniniyog dahil ito ang pinagkukunan ng kabuhayan ng mga taga-Quezon. Sa katunayan, itinatayo ang Quezon Coconut Research and Development Center sa Catanauan, Quezon na siyang tutugon sa pangangailangan ng mga magniniyog sa lalawigan na mapaunlad ang nasabing industriya gamit ang makabagong teknolohiya. Sa nasabing programa ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon, inaasahang yayabong ang produksyon ng niyog na magdudulot ng malawakang pag-ulad sa lalawigan. Sa pagpapaunlad lamang ng industriya ng pagniniyog makaaahon ang mga magsasakang taga-Quezon mula sa kahirapan. Kailangang ito ang pagtuunan ng pansin sa Niyogyugan Festival. Ito ang tunay na diwa ng festival, ang maiahon ang kalagayan ng mga magniniyog mula sa kahirapan.
opinyon
The
Hulyo - Agosto 2019 Tomo LXX | Bilang 2
Luzonian
KOMENTARYO
CLAYGO ba o ‘Go as you eat,’ ano raw? Jocelle Marrey M. Recella
C
“
LAYGO (Clean as You Go).” ‘Yan ang mababasa mo sa pag-upo mo sa kantina habang inilalapag ang pagkaing binili sa mesa. “Psst, CLAYGO raw.” ‘Yan naman ang maririnig mo mula sa mga kaibigan o kaklase mong kasabay mo sa pagkain. Ni hindi mo alam kung magkikibit-balikat ka na lang ba o hahawakan ang iyong plato, kutsara at tinidor at susundin ito.
Disiplina at kalinisan sa bawat estudyante ang layuning nais ituro ng CLAYGO na patakaran sa bawat eskwelahan, partikular na sa mga kantina. Pumapasok sa Batas Republika bilang 9003 ang pamamalakad na ito, bukod sa nagsasabing kailangang pagbukudbukorin ang mga basura, ay nais nitong maging responsable ang mga mamamayang Pilipino sa pagpapanatili ng kalinisan at kalusugan ng bawat isa. Sa mas tiyak na usapin, pagdating sa mga eskwelahan ay nararapat lamang na bitbitin ang mga pinagkainan, maliit man ito o malaki, at ideretso sa tamang lalagyan. Simpleng pakinggan at walang komplikasyong basahin ngunit tila may problema sa pagsunod sa panukalang ito. Ang CLAYGO ay para sa lahat ng nasasakupan ng Pamantasan lalo na ang mga freshies na nag-aadjust pa lamang sa makabagong kapaligiran. Kahit na naninibago pa sa mga alituntunin ng Pamantasan ay matuto tayong maging sensitibo sa mga panukalang ipinatutupad dito. Dagdag pa rito, minsan ay nagmimistulang “Go As You Eat” na ang kahulugan ng CLAYGO sapagkat pagkatapos kumain ng mga estudyante sa loob ng kantina, iniiwan na lamang nila ang pinagkainan sa mesa. Kapuna-puna rin ang minsa’y paghahalakhakan sabay tindig ng ilang pangkat ng mga mag-aaral pagkatapos kumain. Hindi alintana ang malaking karatula ng ‘CLAYGO’ sa gitna ng hapag. Kung kaya’t hindi maiwasan na lapitan na lamang ng mga taga-kantina ang bawat mesa upang ipaglinis at ipagligpit ang mga di sumusunod sa patakaran. Kung kaya nating sundin at gawin ang mga aktibidad at takdang-aralin sa loob ng silid-aralan, ay kaya rin nating sundin ang apat na salitang nakadikit sa ating mesa. Gayunpaman, lahat tayo ay nangangarap na magkaroon ng kaunlaran at payabungin ito, subalit paano kung ang mismong kabataan ay nakalilimot sa tamang kaugalian? Hihintayin pa ba nating mapahiya sa harap ng publiko bago sumunod sa mga nakasaad na panukala? Isipin natin na para rin ito sa kapakanan at ikabubuti ng bawat isa. Kaya bago magpatuloy sa pakikipagpalitan ng kuro-kuro ay kapitan mo na muna ang iyong pinagkainan at ideretso sa tamang lalagyan. CLEAN AS YOU GO.
agape
Karanasan ang pinakamahusay na guro
M
ahigit isang taon na rin ang nakakalipas nang sumali ako sa The Luzonian dala-dala ang naisin kong ipagpatuloy at madagdagang muli ang aking karanasan bilang isang manunulat.
“Gusto kong maging isang journalist ulit kahit hindi mapiling ipanglaban.” ‘Yan ang mga katagang nagtulak sa akin upang magtangkang sumali muli sa The Luzonian ngayong taong panuruan. Sa pagkakataong ito, hindi ko inaasahan na ako ang tatanghaling Katuwang na Patnugot ng publikasyon dahil hindi man lamang sumagi sa aking isipan na lagyan ng tsek ang pagaaply para sa Editorial Board. Sa aking pagkagulat nang isiwalat na ang resulta ng pagsusulit ay samu’t saring katanungan ang lumitaw sa aking isipan. Alam ko sa aking sarili na hindi ko nagampanan ng maayos ang aking responsibilidad bilang isang manunulat nitong nakaraang taon. Isa pa, hindi palagay ang aking kalooban sa aking mga naisulat sa naging pagsusulit. Kung kaya bahagyang napakunot ang aking noo nang sabihin sa akin na ako ang napili para sa ikalawang posisyon. Sinabi ko sa aking sarili na hindi
“
Karen Yvonne Daleon
[Sa iba’t-ibang karanasan] nahuhulma ang ating kapasidad at kasanayan ukol sa isang bagay.
muna ako mag-aapply alinman sa isa sa mga matataas na posisyon sa The Luzonian dahil nais ko pang hasain ang aking kapasidad sa pagsusulat bilang isang manunulat lamang ng publikasyon. Nais ko munang magsimula bilang isang tagasunod bago magpasunod sa aming nasasakupan. Sa ikatlong taon ko pa sana aasamin at tatangkaing makakuha ng isa sa matataas na posisyon sa The L subalit maagap itong naibigay sa akin ng Poong Maykapal. Heto na, narito na sa aking harapan ngayon ang posisyon at taospuso ko itong tinatanggap mula sa kaniya. Hindi madali ang nakaatang na responsibilidad sa akin subalit labis ang aking pasasalamat sa Kaniya sapagkat binigyan niya pa ako ng pagkakataon upang maging bahagi muli ng publikasyon at may bonus pa. Naniniwala ako na may rason siya kung bakit sa akin niya ipinagkatiwala ang isa sa pinakamataas na posisyon sa publikasyon. Sa aking naging mga karanasan simula noong elementarya hanggang sa kasalukuyan ukol sa campus journalism, masasabi ko na nagkaroon na ng malaking puwang sa puso ko ang larangang ito. Ang pagmamahal na ito ang magsasabi sa akin na patuloy kong
imulat ang aking mga mata sa mga isyu sa kapaligiran at magsulat upang ihatid sa nakararami ang bagay na ito. Kaya ganito na lamang ang aking kagustuhan na maging bahagi muli ng publikasyon. Wala man sa larangang ito ang mga numero at istrukturang nakikita ko sa mundo ng aking kurso, hindi ko naman hahayaang mawala na parang isang bula ang The L sa buhay ko. Ito ang isa sa nagturo sa akin ng kahalagahan ng pakikisama at kooperasyon na magagamit ko rin sa aking inaabot na propesyon. Sa loob ng dalawang taon ko sa kolehiyo ay katumbas nito ang dalawang taon ko rin bilang miyembro ng The L. Alam ko na marami pa akong dapat na kaining bigas. Kung kaya isa rin sa aking mga naisin ang maging bahagi nito hanggang sa aking ikaapat na taon. Tunay nga na ang karanasan ang pinakamahusay na guro sa anumang larangan. Dahil sa mga karanasang ito ay nahuhulma ang ating kapasidad at kasanayan ukol sa isang bagay. Kailangan lamang nating gamitin ang mga karanasang ito upang maging angat ka sa lahat at higit na maging maayos ang daan mo patungo sa isang inaasam-asam na posisyon at pangarap.
Buhay organisasyon, parang mema na lang ba? KOMENTARYO
Jean Alric B. Almira
K
apatiran. Makapagbuo ng maayos na relasyon sa isa’t isa. Magkaroon ng koneksyon at mga kaibigan, siguradong tulong pang-akademiko na handang ibigay ng mga batikan. Kaygagandang hangarin at pangako mula sa mga iba’t ibang mga organisasyon sa Pamantasan ngunit, nagagawa pa ba ito ngayon? O parang mema na lang ang mga bagay na ipinagagawa nila? Nawawala na nga ba ang may dignidad na estadong minsang tinamasa ng mga ito ngayon? May mga bagay na ipinagagawa na wala naman halos koneksyon sa mga layunin ng organisasyon. Mga mahihirap na utos na wala ring koneksyon sa pansariling kaunlaran. Oo, ayos naman na magpagawa ng mahihirap na bagay ngunit dapat ang
EAT AND RUN
mga ito ay nakapaloob at konektado sa mga layunin at depenisyon ng samahan. Handa namang sumunod ang mga estudyante, hangga’t makatwiran at may matibay na dahilan ang mga bagay na ipinagagawa. Isa pa ay ang mga seniors, hindi naman lahat, ngunit karamihan ay para bang ginagamit lamang ang pribilehiyo nila upang pahirapan ang mga baguhan para lamang ma-entertain. Pati mga inaasahang tutulong ‘pag nangailangan, wala rin. May mga ilang estudyante na hindi na tumuloy sa pagsapi nila sapagkat ang mga ipinagagawa sa kanila ay tila pampersonal at hindi naaayon sa tunay na mga layunin ng organisasyon. Nagpapabigay ng mga ganito o ganyan kung kani-kanino. Maging ang mga ibang miyembro ay nawawalan na rin ng gana
Jara Maiah J. Villaruel
sa kanilang mga sinalihang samahan. Maging koordinasyon sa pagitan nila ay nawawala na. Pati na ang gana ng mga opisyal at miyembro ay kumukupas na rin sa paglipas na panahon. Masakit mang sabihin ngunit mema na nga ang buhay organisayon sa ngayon. Ngunit maaari pa ring mabago ito at bumalik sa dating mataas na antas basta’t gawin lamang ang mga kailangang gawin. Ang sistema ng pagpapapirma ay di dapat gawing pabigat. Dapat ay talagang ginagabayan at tinutulungan ang mga baguhan sa mga gawain. Ito ay upang makapaghulma ng mga kapakipakinabang at magagaling na kasapi sa hinaharap. Mema ngayon, ngunit ang mga organisasyon ng Enverga ay may pagasang bumangon muli.
opinyon
The
Luzonian
Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Pamantasang Manuel S. Enverga, Lungsod ng Lucena
Ivy Graceille P. Regis Mga opinyong kinalap ng Ang Luzonian mula sa publiko hinggil sa isyung napapanahon. Ano ang iyong mga saloobin ukol sa pagkakaroon ng bagong pamamaraan ng pagaaral at pagkatuto kung saan gumagamit ang mga guro o instruktor at mag-aaral ng Neo LMS bilang plataporma sa mga presentasyon, mga aktibidad, at mga maikling pagsusulit?
Mc Neil Mas pabor sa mga mag-aaral na doon nila aralin ang kanilang mga leksyon. Mas madali ang pag-access ng mga gawaing pampaaralan basta may internet o data connection lang ang smartphone mo.
Jane Mendoza Sa tingin ko hindi patas sa bawat estudyante ang pagsasagot ng mga takdang-aralin at maikling pagsusulit gamit ang Neo LMS. Maaari ritong makapandaya ang mga estudyante. Naii-screenshot nila ang mga tanong na posibleng maipasa nila sa kanilang mga kaibigan o kaklase. Christma Umbaña
NSTP projects: Ningas-kugon nga ba para kay Juan? Timothy Xaris C. Forbes
S
a pagsusulong ng bagong kurikulum ay marami ang mga naging pagbabago sa sistema at pamamalakad sa larangan ng edukasyon. Makalipas ang dalawang taong pagbubuno ng mga mag-aaral sa ilalim ng programang K-12 ay kakaharapin naman nila ang National Service Training Program (NSTP) sa kolehiyo. Ayon sa batas nito, kailangang magkaroon ng mga malikhaing proyekto ang mga mag-aaral upang matapos ang kurso. Sa pagpasok ng nakaraang akademikong taon ay nakita nating muli ang pagpasok ng mga estudyante tuwing Sabado upang makiisa sa programa ng gobyerno na ipinatutupad sa Pamantasan. Isang programang pangkolehiyo ang NSTP sa ilalim ng Civic Welfare Training Service (CWTS) na naglalayong ibahagi at payabungin ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan ng mga kabataan. Tinuturuan ng programang ito kung paano makiisa ang mga mag-aaral sa gawaing pampubliko at mapalalim ang kamalayan sa pag-aangat sa ating lipunan. Bilang pagtugon sa layuning ito, nakapaloob sa NSTP-CWTS ang pagkakaroon ng mga proyektong naaayon sa pagpapa-unlad ng kapaligiran at pagtulong sa mga pamayanan. Kabilang dito ang pagsasagawa ng mga programang nakasentro sa community service na naglalayong maghatid ng sapat na kaalaman, kasanayan at pang-unawa sa mga mamamayan. Ang mga proyektong ito ay nararapat lamang na lumawig at magkaroon ng positibong pagbabago sa mga pamayanan. Ngunit sa paglipas ng panahon, tila isinasagawa na lamang ang mga proyektong ito dahil isa na lamang itong pangangailangan upang makakuha
ng nota at makapasa. Subalit kung tutuusin, mula sa pagpaplano hanggang sa pagsasagawa ng proyekto, ay may layuning gamitin ang lakas at angking talino ng mga kabataan upang mapaangat ang pamumuhay sa mga pamayanan. Ang mga proyektong isasagawa ay sa pakikipagtulungan at konsultasyon sa mga mamamayan ng komunidad na “aampunin.” Pag-aaralan muna ang mga kalagayan sa pamayanan at mula sa pakikipagtulungan sa mga mamamayan doon ay makakalikha ng mga proyektong makatutulong upang maiangat ang buhay doon. “Making a difference,” wika nga ng mga NSTP volunteers. Mula sa prosesong ito, nakabubuo ng makabuluhang mga proyekto, tulad ng matagal ng Paaralang Munti, pagtatanim ng bakawan sa tabing dagat, paglilinis ng karagatan o pagtuturo ng kalinisan upang maiwasan ang mga sakit tulad ng dengue o tipos. Bagamat may mga proyektong ningas-kugon, mayroon namang mga sustainable projects na talagang nakatutulong sa kalikasan, sa mga mamamayan, at sa iba pang sektor ng lipunan. Kailangang baguhin ang kaisipan na ang NSTP ay para lamang makalampas sa isang requirement. Kapag pinagbuti ang mga proyekto, may matagal na mabuting epekto ang mga ito sa pamayanang pinagsilbihan. Hindi kailangang maging ningas-kugon ang mga proyekto ng NSTP. Hindi puro simula. Maaaring ipagpapatuloy pa ng susunod na mga mag-aaral na kukuha nito. Higit na mainam na tapusin ang nasimulan, kalakip ang pagbabago at pag-unlad sa mga susunod na balangkas ng mga proyekto.
Ang pagkakaroon ng Neo LMS ay isang paraan ng mga propesor para mas magkaroon ng koneksyon sa mga estudyante kahit na malayo sila sa isa’t-isa. Mas nagiging organisado ang pagpapaggawa nila ng mga aktibidad gamit ang Neo LMS.
Sherlyn P. Para sa akin, maganda ang idinulot ng pagkakaroon ng Neo LMS sapagkat ito ay nakababawas ng oras na ginugugol sa pagsusulat ng mga notes. Dahil sa paggamit ng Neo LMS, isang instant touch or click lang ay mayroon ka ng sariling kopya.
Gladys Morales Masasabi ko na dapat pang mas mapabuti ang sistema ng Neo LMS kasi naranasan na namin yung wala kaming naisumite sa propesor namin na dalawang aktibidad kasi hindi lumalabas sa portal namin yung iniupload ng propesor namin pero sa kanyang administrator ay may lumalabas.
Kwinnie Nakakatulong ang Neo LMS kasi nababawasan ang hassle sa mga propesor at estudyante kapag maraming ginagawa. Isa pa, magagamit din ang technology at smartphones ng mga estudyante sa makabuluhang bagay lalo na at may kinalaman sa pag-aaral.
The
Hulyo - Agosto 2019 Tomo LXX | Bilang 2
Luzonian
AHASILOG
Hamfrey P. Saniel
BAKIT WALA KA?
HUNGRY?
Hamfrey P. Saniel
Hamfrey P. Saniel
MASARAP ANG CBA
THE BUZZZZZ
Hamfrey P. Saniel
John Rossny L. Cleofe
opinyon
panitikan
The
Luzonian
Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Pamantasang Manuel S. Enverga, Lungsod ng Lucena
Kimkim Erika D. Marca
Ano ang lihim? Ano ang kinikimkim? Hindi ko kayang sabihin Mga salitang hindi dapat isipin
John Rossny L. Cleofe
Kimkim, salitang paulit-ulit pipiliin o titiising hindi sambitin Ngunit natatakam sa tuwing makulimlim ‘Di na mapigilang ‘di ulit-ulitin Sa nakasanayang sambahin Kimkim, puwede bang patikim?
Jocelle Marrey M. Recella
Kinimkim ng tadhana --Erika D. Marca Simula nang unang makita Mga mata’y kikislap nang inam Nang pagmasdan ang isang dalaga Hindi kayang hindi tingnan ang kanyang ganda. Lumapit sa kanya’t inamin ang totoo sinabi ang nararamdaman ng puso naging masaya ang damdamin Ngunit hindi alam ang darating Dumating ang tadhana nang bigla at siya ay tuluyang nawala Dahil sa hindi malamang dahilan Na nagdala sa kanya ng kalungkutan
Jocelle Marrey M. Recella
The
Hulyo - Agosto 2019 Tomo LXX | Bilang 2
Luzonian
panitikan
Mama Josiah Samuel O. España
Halika po rito, Mama Miss na miss na talaga kita Pwede ba akong magtanong, Mama? Kumusta ka na dyan? Maaari akong maging isa sa pinakamahusay na mang-aawit O baka isang propesyonal na manunulat Ngunit pinutol mo ang ating mga pisi Wala akong poot ni galit Ang tanong ko lamang Mama Bakit?
Nasaksihan ang pagdampi sa mga labi ng likidong Paborito mo, umaga, tanghali at gabi Isabay ang malulusog na pupwedeng magpanagitan Ng lamang kay sarap sa tuwing hahagkan Pilit mang pigilan ang espiritong sa tela’y kinukubli Ipitin man sa baba ng “wala” o nagwawalang pisngi Hagudin man ang mga palad na ngayo’y namamawis Sisipol pa rin ang hanging sa ilong mo’y mamisawis
Angela Mariz C. Javen Hamfrey P. Saniel
Utot
Hamfrey P. Saniel
Adrian Carlo Villanera
panitikan
The
Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Pamantasang Manuel S. Enverga, Lungsod ng Lucena
Luzonian
Liwaliw
sa aking uniberso Gianne Caldrin B. Mejilla Rafael Codera Ako’y napatulala sa gitna ng himig ng mga tala Wari’y sa pagtigil ay para akong nabaril ng bala Mata’y aking pinikit upang hanapin ang sarili Sapagka’t tunog ng katahimikan ang aking napili Sa dilim ay larawan ng aking damdamin Libo-libong emosyon na hindi ko maamin Pakpak ay aking ginamit sa paglipad Sa sansinukob na ito, saan man ako mapadpad Naalaala mo pa ba? Noong tayo pang dalawa? Mga mukhang naririto ay madalas nating paksa Hindi din maikakaila kung ikaw ay kumaliwa Sapagka’t itong emosyon ay hindi maipakita Hindi lang ito ang sarili kong dimensyon Pugad ng halimaw ang aking imahinasyon Sa aking paglipad ay nabalot ng kilabot Tila kanilang presensya ay puno ng poot Isang mabutong tao ang kumapit Ito ay bunga ng lungkot at pait Suot ang singsing na simbolo ng pangako Na gaya ng mga pangarap nating napako Sa kalaliman ng katubigan ay magpapakita Sirenang nahuli sa sariling niyang tinig Wari’y hindi iningatan ang pagsasalita Ito ang isdang nahuli sa sariling bibig Kasama dito ang mga salabay ng katotohanan Nilalang na pinagkaitan ng utak at kaalaman Ito ang kilabot ng kanyang mga galamay Sa mundong ito na hindi tayo makasabay Mabilog na taong nyebe ang kumain ng bata Sa tingin kaya nito ay hindi ko mahahalata? Na ikay nanlamig na’t nawala na ang halik Gaya ng usapang hindi na maibabalik Ako’y tumigil sa gitna ng lungkot at ligaya Tibok ng puso ay simbilis ng pagtakas Sa kalawakang ito ay hindi ako malaya Habang natagal ay nauubos aking lakas Ngayon alam mo na ang aking sansinukob Makabagbag dadamin na nasa aking loob Nandito ang mga halimaw na ayaw kong ipakita Sana’y balang araw ay ating maging paksa
Hulyo - Agosto 2019 Tomo LXX | Bilang 2
John Rossny Cleofe
The
Luzonian
panitikan
Lovelocked lights Jean Alric B. Almira
Dalawang puso nating nakakandado Sintibay ng aserong barakilan Simbuhay ng mga kayakas ng niyog Sintigas ng acacia ngunit umiindayog Kasaya, tapos reyalisasyon Nakakandadong mga bombilya pala Nabasag, isinaboy ang mga bubog sa langit naging tala Lumubog sa dagat ng luha Ikaw at ako sa bahay na itim at puti Nakatitig sa sahig walang kibo, walang imik. Natapos ang kwento kasabay ng bukang liwayway
Neo Icarus Jean Alric B. Almira
Sabay tayong lumipad paroon sa Ibayo, Hanap ang bukang liwayway Hanap ang haplos ng dagat Takas mula sa kandado Tumalon mula sa isang nagmumurang acacia Ikinampay mga pakpak na kayakas Pataas, pataas Lampas sa mga aserong barakilan Sa mga upuang kahoy ng magkasintahang naging abo Lumipad, kay saya Dumilim, mga bumbilya lumabas sa bulak na kahon “Huwag na tayong tumuloy, Kwentong ito’y pamilyar” Patuloy na lumipad, Patuloy na lumipad, Nahanap bukang liwayway, Bumulusok sa yakap ng dagat.
lathalain
BasTeakoy
The
I
patok sa panlasang Pinoy! Angela Mariz C. Javen Gracelle V. Aseoche
atok na patok sa masa ang imbensyon ng milk tea, at hindi mo naitatanong hindi lang sa masa, pati na rin sa SM Lucena!
Taong 2012 nang buksan sa mamamayan ng Lucena ang unang tindahan ng milk tea na Happy Leaf, isang tindahang espesyal sa paggawa ng iba’tibang uri ng inumin gaya ng latte, smoothies, coffee, mousse, refreshers, fruit tea, at higit sa lahat ang milk tea. Dagdag pa rito ang mga espesyal na maaring ihalo sa inumin, gaya ng pearls at jellies. Sa hindi inaasahang pag-usbong ng milk tea noong taong 2018, samu’t saring tindahan ng milk tea na ang umuso at pinagkaguluhan ng mga “milk tea lovers.” Nandiriyan ang D’ Cream Coffee and Tea Kiosk, at Gong Cha sa SM Lucena. Taong 2019 naman nagbukas ang pinakabagong tindahan ng milk tea, ang Chatime. Hindi rin nagpahuli ang mga sikat na fastfood ng bansa dahil kamakailan lang inilabas ng Chowking at McDonalds ang kanilang klasikal na milk tea upang makipagsabayan sa pag-uso ng milk tea.
ng isang kostumer sa isang bilihan lamang. Bukod sa mango Graham slushie, nagbibili rin ang ilang piling branch ng iba’t ibang lasa ng frappe, milktea, milkshake at ice cream shake. Pumapangalawa naman sa mango Graham slushie ang lasa ng avocado na siya ring malimit pinipilahan ng mga uhaw sa inuming malalamig. Kahit seasonal ang ganitong prutas ay masasabing patok pa rin ito sa panlasa ng mga Lucenahin sa haba ng pila ng mga bumibili nito. Sa halagang 75 piso ay makabibili na ng mango Graham slushie, pangalawa ang mango Oreo slushie na nagkakahalaga ng 85 piso at panghuli ang mango overload slushie extreme na talagang makakapagpalaho ng pagkahumaling mo sa ibang produktong mula sa ibang bansa. Tipong mapapathumbs up ka na lang sa sarap nito tulad ng ibang suki nila. Sa kasalukuyan, may isinasagawang pagsasaayos sa magiging bagong lokasyon ng branch sa Ravanzo St., Brgy. 11, Lucena City mula sa Quezon Avenue, Perez Park upang makapagbahagi pa ng mas maganda at mabilis na serbisyo sa mga nagnanais na bumili nito. Nakatutuwa na ang mangga, ang pambansang prutas ng ating bansa, ay mabibida sa mga ganitong klase ng produkto na nagpapahiwatig ng galing at kakayahan nating makipagsabayan sa ibang mga produktong mula pa sa ibang bansa. Kaya ano pa ang hinihintay mo, kaibigan? Bili na sa BasTeakoy at ipares ito sa pagkaing pananghalian o pangmeryenda! Produktong Pinoy, atin ‘to!
numing sumasabay sa init ng panahon, at kahit panlalamig ng jowa mo—ops! Usapang inumin lang ba? In na in na ang sariling atin na BasTeakoy!
Hindi nagpapahuli sa mga usong ‘instagrammable’ na larawan ng mga palamig o inuming gaya ng milktea o shake ang BasTeakoy. Ang BasTeakoy ay orihinal na tindahan ng slushie na kauna-unahang itinayo sa mga lugar, tulad ng Tarlac, Baguio, Maynila, Bicol, Samar at Leyte. Mabilis na dumami ang branches ng Basteakoy dahil na rin sa kakaibang hitsura at lasa ng produkto nito. Isa sa mga branches ng produktong ito ay kasalukuyang nakatayo sa Quezon Avenue, Lungsod ng Lucena, na araw-araw ay dinudumog at dinarayo ng mga mamamayan. Ayon sa isa sa mga nagtitinda rito ay madalas na bumili sa kanila ang mga mag-aaral na mula sa paaralang malapit sa lokasyon ng kanilang branch. Dagdag pa nila, mayroon silang mga suking empleyado sa mga bangko at sa Kapitolyo na malapit din sa lokasyon. Hindi alintana ang malamig na panahon at bahagyang sakit sa bulsa ng nasabing produkto sa dagsa ng mga bumibili nito araw araw. Ang BasTeakoy ay kilala sa kanilang mango Graham slushie na naging best seller dahil sa linamnam ng tunay na mangga at tamis ng iba’t iba mga sangkap nito. Isang patunay na masarap ang produktong ito ay dahil madalas na sa kanilang tala ang pagkakaroon ng 20-25 basong order nito
SM Lucena, binabaha na ng milk tea! P
Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Pamantasang Manuel S. Enverga, Lungsod ng Lucena
Luzonian
Timothy Xaris C. Forbes Rafael Jules V. Codera
Wari’y isang gantimpala sa SM ang pagbubukas ng mga tindahan ng milk tea sapagka’t isa na naman itong dahilan upang dumagsa ang mga tao sa SM Lucena. Bukod sa shopping, grocery, pagkain sa mga iba’t ibang kainan, paglalaro sa mga arcade, maaari ding mag cool-off sa pag-inom ng mga masasarap na milk tea. Sa kabilang dako, ay magkakaiba ang mga milk tea ng SM Lucena. May kanya-kanyang presyo, mula sa pinakamurang 55 piso hanggang sa pinakamahal na 115 piso. Ang kanya-kanyang mga inumin ay may kanya-kanya ring espesyal na katangian. Ang klasik na sugar level ng Gong Cha at Chatime ay maaaring mailagay sa inumin kung nanaisin. Iba’t iba namang mixed-ins ang mapagpipilian kung dadako ka sa Chatime tulad ng pearls, grass jelly, pudding, coffee jelly, coconut jelly, aloe vera, mousse, at rainbow jelly. Isa namang kakaibang rock and salt milk tea ang inihahain ng Happy Leaf. Idagdag pa natin ang mga flavor ng milk tea sa kabi-kabilang tindahan, tulad ng wintermelon,
Okinawa, honeydew, chocolate, taro, oreo, strawberry, rock and salt, atbp. ng Happy Leaf. Sa mundo ng D’Cream Coffee and Tea Kiosk naman ay nakahain ang Assam original, Assam flavored (taro/strawberry/ chocolate/ blueberry), D’Cream special, golden sun, jasmine green tea, at wintermelon. Sa pinakabagong milk tea outlet ng Chatime naman ay nakahanay ang Chatime milktea, jasmine green, oolong, roasted, coffee milktea, taro red bean pearl, at matcha red bean. Patuloy ang paglabas ng mga bagong kahuhumalingan sa SM Lucena at hindi maikakailang ang samu’t saring tindahan ng milk tea ay tumatatak sa puso ng mga Lucenahin. Wika nga ng kaibigan kong Intsik, sa kanilang kultura ay may mahabang kasaysayan ang tsaa bilang inuming mapagpagaling. Sa kabilang banda, laging tatandaan na ang sobra ay nakakasama sa atin. Bagama’t isang magandang inumin ang milk tea, huwag araw-arawin. Sabi nga ng mga dietitians: eat or drink everything, but in moderation.
Hulyo - Agosto 2019 Tomo LXX | Bilang 2
lathalain
The
Luzonian
Romansang
Carmelo Eduardo Mesa Jara Maiah Villaruel
M
insan ka na bang nangarap na maisayaw ng taong espesyal sa puso mo sa saliw ng awiting mabagal at marahang indak ng mga paa? Ninanamnam ang bawat sandali na kayo lamang ang tao sa paligid. May kaba, may halong kilig, sumasabay sa ritmo ang romantikong musikang pumapailanlang sa paligid.
Likas na sa ating mga Pilipino ang pagkahilig sa mga awiting may temang pag-ibig, mga awiting nagbibigay alaala at kahulugan at sumasalamin sa antas ng isang relasyon. Ang mabagal na indak ng mga paa na sumasabay sa awiting Mabagal ay emosyong magpapabalik-tanaw sa panahong mas ramdam ang emosyon ng pag-ibig. Ang ritmo at tempo ng musika, maging ang sinserong titigan ng bawat isa, ay tila isang tahimik na senyasang nangingibabaw sa kabila ng maraming nakapaligid. Ang awiting Mabagal na binuo ni Dan Martel Simon Tañedo at inawit naman nina Daniel Padilla at Moira Dela Tore ay isa lamang sa labindalawang awiting kalahok sa taunang Himig Handog P-Pop Love Songs competition na hatid ng ABS-CBN Star Music. Tampok sa awiting ito ang mabagal na ekspresyong tila humahatak sa nakaraan. Tipong lumulutang ka sa alapaap habang binabalikan ang mga alaalang isinasayaw ka sa saliw ng mga mababagal na tugtugin at akapelang awitin mula sa labi ng sinisinta. Ngunit, hindi lamang sa awiting mababagal nasasalamin ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Ang presensya, tiwala at oras pa rin ang mga pamantayan sa tunay na pagmamahal na babalik-balikan natin habang sumasayaw sa saliw ng mga awiting mababagal.
H
Meme Anthem
uwag ka nang tumanggi pa. Sigurado akong kumatha, nanood, nag-like at nag-share ka na rin ng iba’t-ibang video na may malulupit na background music habang hinihintay mong isa-isa ang pagbagsak ng patak ng ulan sa bintana mo. Emote ka pa, tatawa ka rin naman. Tumatango ka na ba? Apir! Memer ka!
Hindi lingid sa ating kaalaman na ang Pilipinas ang isa sa may pinakamataas na porsyento ng gumagamit ng internet sa panahon ngayon sa buong mundo. Karamihan ay mga kabataang edad labindalawa pataas—ang henerasyong Z at milenyal. Dahil sa umuusbong na bilang ng mga taong nahihilig sa internet, marami na rin ang nabubuong mga uso. Isa na rito ang pagiging patok ng iba’t ibang mga awitin, mapa-internasyonal o lokal sa dalawang henerasyong nabanggit. Dulot ng pagiging “emosyonal” ng mga Pilipino, nagagamit ito sa mas nakatutuwang paraan ngunit may kabuluhang mga punto. Kilalang-kilala sa Facebook ang tinatawag na “meme” o nakakatawang mga larawan, video, o mga salitang kinakabitan ng mga awiting napapanahon o pasok sa panlasa ng mga kabataang Pinoy. Samantalang tinatawag namang “memer” ang tumatangkilik at gumagawa ng mga ito. Isa na rito ay ang Batang Pasaway ng grupong Psychedelic Boyz na ginagamit sa pagpapakita ng kakaibang katapangan ng tao sa nakatatawang pangyayari. Ang Nota at Zebbiana ay sikat sa mga kakulitang may koneksyon sa pag-ibig na madalas gamitin patungkol kay kras o bbq. S’yempre hindi mawawala sa listahan ang gasgas ngunit hindi malaos-laos na Tayo Na Lang Dalawa at Hindi Na Nga na awitin ng Mayonnaise at This Band, kapwa grupong Pinoy. Sikat ito sa mga pakulong
nagpapahiwatig ng pagiging single, pagkasawi o pagkatalo—na nagagamit rin kahit sa pagkahulog ng paborito mong fries sa sahig. Sa pinagsama-samang mga larawan ng mga sikat na artista o mga sinisinta ng mga kabataan ay nagagamit naman ang Somebody to You ng The Vamps na dinaragdagan ng iba’t ibang mga effects para sa mas nakatutuwang dating. Isa pa ay ang pambungad na bahagi sa kanta ng internasyonal rapper na si Snoop Dogg ang Smoke Weed Everyday para sa mga “thug life” o astig na pagkakataong hindi inaasahan. Kasama ang mga Envergista sa mga kabataang nakaka-relate, nakikinabang at nakikibahagi sa mga “meme” sa anumang social media. Isang halimbawa dito ang sikat na Isnobol o produktong snowball na ginamit nang isang grupo ng STEM, 12B8, noong nakaraang taon para sa kanilang proyekto na nagpapanalo sa kanila sa kompetisyon. Pinangunahan ito ni Christopher Tarcena mula sa grupong nabanggit na umawit at naging bida sa video nito. Naging patok ang awitin dahil hango ito sa magandang tono ng orihinal na Siomai Rice ni Denzel “$ucc” Tomagos. Para sa ilan, ang ganitong klase ng mga pakulo ay maituturing na mga “happy pills” dahil nakababawas sa mga stress at pagod dulot ng tambak na gawain sa paaralan. Hindi rin maitatanggi na karamihan sa kanila ay gumagawa na rin ng sariling mga pakulo gamit ang mga awiting ito dahil mas mabuti nga naman ang pagbabahagi ng mga positibong pangyayari kahit ang ugat ng mga ito ay minsang masasama. Nakatutuwa na sa kabila ng iba’t ibang pananaw o pagtanggap sa mga isyung pambansa, pampaaralan o pampersonal,
Angela Mariz C. Javen Jocelle Marrey M. Recella
ay napagagaan ng mga “meme” ang mundo at nakatutulong upang mas maipaunawa sa iba ang totoong kahulugan nito. Ngunit tatandaan na ang memes ay katuwaan at hindi basehan ng balita o ano pa mang importanteng isyu sa lipunan. “Meme” man ang tawag sa mga ito, hindi dapat na nagiging mema na lamang ang mga ito sa madla.
lathalain
I
sa ka ba sa mga naka-relate sa pelikulang Hello, Love, Goodbye kung saan halu–halong emosyon ang iyong naramdaman? Pelikulang nagpangiti, nagpa-in love, at nagpaiyak sa milyun-milyong mga Pilipino sa buong bansa.
Hindi lingid sa ating kaalaman na ang Hello Love, Goodbye ay kumita ng mahigit ₱800 milyong piso simula nang ito ay ipinalabas sa mga sinehan sa buong bansa. Gayundin, ito ang itinanghal bilang bagong pinakamalaking proyekto sa takilya ngayong taon. Makikita natin sa pelikula ang babaeng si Joy na ginampanan ni Kathryn Bernardo, isang Pilipinang nakikipagsapalarang mabuhay sa Hong Kong. Si Joy ay maganda, matalino, masipag, mapagmahal at maunawain. May mataas siyang pangarap para sa kanyang sarili at gayundin sa kanyang pamilya. Nais niyang makapunta sa Canada upang doon hasain ang kanyang natapos na kursong nursing. Sa kanyang pagtatrabaho sa Hong Kong ay nakilala niya si Ethan sa katauhan ni Alden Richards. Siya ay nagtatrabaho bilang isang bartender sa isang bar sa Hong Kong. Masasabing tila parang walang direksyon ang buhay ng karakter na ginampanan niya sa pelikula. Tunay na nakaaantig ng damdamin ang pelikula sapagkat makikita nating hindi madaling maging OFW. Alam natin na ang lahat ng trabaho ay nakapapagod pero mas mahirap magtrabaho nang mag-isa at malayo sa pamilya. Kailangan mong tiisin ang bawat sandaling nangungulila ka sa kanilang mga yakap at halik. Kailangan mo ring makisama sa iba’t-ibang tao na may
The
Luzonian ibang kultura sa paligid mo. At higit sa lahat, kailangan mong magdoble ingat sapagkat isang pagkakamali lamang ay madedeport ka na agad. Isang mabuti at huwarang anak na may pangarap si Joy para sa kanyang sarili gayundin sa kanyang pamilya. Hindi iniinda ang bawat lungkot at pighati masuportahan at matustusan lamang ang pangangailangan ng kanyang buong pamilya. Mula sa pelikula, may mga taong dadaan lamang sa buhay natin upang tayo ay baguhin. Masakit isiping paulit-ulit pero kailangan nating tanggapin na hindi lahat ng makakasalamuha ay mananatili. Minsan, ang akala nating makakasama natin hanggang dulo ay hindi naman pala; magiging parte lang siya ng buhay natin. Ang mahalaga ay naging parte siya ng pagkatao natin. Bitbitin natin ang mga alaala at leksyon na natutunan mula sa kanila. Sa pag–ibig, kahit ilang beses ka mang masaktan at madapa, huwag matakot na magmahal muli sapagkat ang pag-ibig ay isang sugal. Sugal kung saan ka maaaring manalo o di kaya naman ay matalo. Huwag matakot sumugal nang paulit-ulit dahil hindi natin alam na baka sa susunod mong sugal, ikaw na ang manalo. Higit sa lahat, ipinahayag ng pelikulang ito sa bawat isa sa atin na “You can be more!” Ang buhay natin ay sadyang may kalakip na kasiyahan at gayundin ng kasawian. May mga pagkakataon sa buhay natin na tayo ay mabibigo subalit marapat lamang na pag–aralan nating makabangon at magsimula muli. Muling matutong mangarap at sungkitin ang bawat pangarap. Sadya namang kahalihalina ang
Weathering with you Sweet flick:
Mill Angelo A. Prado
Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Pamantasang Manuel S. Enverga, Lungsod ng Lucena
Hello, Love, Goodbye
bet na bet ng masang Pilipino Ivy Graceille P. Regis
Adrian Carlo Villanera
kabuuan ng istorya sa direksyon ni Dir. Cathy Molina. Puspos ng mga aral patungkol sa ating buhay, sa sarili, at maging sa ating pamilya. Gayundin, kagilagilalas ang pagganap na ginawa nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Masasabing swak na swak
U
mingay ang pangalan ni Makoto Shinkai nang maging matagumpay ang anime movie na Your Name na nagpaantig sa puso ng masa lalung-lalo na ng mga kabataan. Sino ba naman ang hindi mabibighani sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpapalit ng katauhan sa magkaibang panahon?
Ngayong taon hindi lang pangalan niya ang umingay kundi ang bawat sulok sa loob at labas ng sinehan dahil kasunod nito ay ang Weathering with You. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, walang tigil ang pagpatak ng ulan sa bansang Hapon. Dito naninirahan ang mga karakter na pinangungunahan nina Hodaka Moshirima (Kotari Daigo), isang lalaking tumakas sa kanilang probinsya upang makisalamuha at makipagsapalaran sa Tokyo, at ni Hina Amano (Nana Mori), isang babaeng may kakayahang baguhin at gawing maaliwalas ang panahon. Kasama nila rito sina Keisuki Soga (Shun Oguri) at Natsumi (Tsubasa Honda), ang pinagtrabahuhan ni Hodaka, at ang kapatid ni Hina na si Nagi Amano (Sakura Kiryu) na aminin man o hindi ay isa sa mga karakter na talagang nagbigay buhay din sa kwento. Masasabing mahilig si Shingkai sa mga ganitong klase ng pelikula. Hindi lang kasi mag-eenjoy ang mga manonood, mamamangha rin sila sa kakaibang plot twist nito. Mag-iiwan ito ng napakalaking impact sa puso at isipan ng mga manonood at magbibigay ng mga katanungang walang agarang kasagutan. Hindi tinipid ang pelikula dahil maganda at perpekto ang bawat larawang ipinakita rito. Nakabibighani ang bawat
ang chemistry nila sa pelikulang ito para sa mga magkasintahan at maging sa buong pamilya. Tila ba naghihintay at umaasa ang maraming Pilipino na sana ay magkaroon pa ng sequel ang pelikulang ito.
lugar at panahon. Ang bawat transition ng mga larawan ay nagbibigay ng kakaibang epekto sa paningin ng mga manonood na para bang nararamdaman din ang lakas ng hangin at ang mga patak ng ulan, natatakam sa mga pagkain, at nabibighani sa mga kakaibang muhon rito. Ang detalye ng bawat ekspresyong ipinakita ng mga karakter ay maayos ding nailarawan. Namutawi ang pagmamahal na hindi mawawasak kahit ano mang unos ang mangyari. Walang makapaghihiwalay kina Hodaka at Hina, kahit na ilang milyong butil pa ng tubig ang bumagsak sa lupa, kahit ilang libong kidlat pa ang tumama sa bato at kahit ilang daan pang kulog ang umalingawngaw sa kalangitan. Sa mga karakter, makikitang ang pagtitiyaga ay may kaakibat na mabuting kapalit. Makikita rin ang kultura at mga paniniwala sa bansang Hapon. Hindi nakakaumay ang kwento dahil may karakter na bumubuhay matapos ang seryosong emosyon. Ang kapatid ni Hina na si Nagi, sapagkat bata pa nga siya, ay nakakahalakhak kung makikitang ang kanyang ugali ay higit pa sa kanyang edad na hinangaan naman ni Hodaka. Ang isa pang nakagugulat ay ang paglabas ng pangunahing karakter sa Your Name na nagpasigaw sa maraming fans nito. May iba mang parte sa kwento na hindi akma sa mga karakter subalit sa kabuuan maayos at matagumpay nanaipahayag ng pelikula ang nais nitong mailahad sa mga manonood. Masasabing 9 out of 10 kung ire-rate ang pelikulang ito at masasabing mas nahigitan nito ang naunang pelikula ni Shinkai.
The
Hulyo - Agosto 2019 Tomo LXX | Bilang 2
Luzonian
Minecraft:
Gianne Caldrin B. Mejilla Simon Rommuel L. Uy
Bumuo gamit ang pagmimina
I
sa ka ba sa mga nilalang na tinatawag na “gamer”? Sa pagiging milenyal na samu’t saring laro ang pwedeng subukan, narito ang Minecraft na papawi sa iyong kalungkutan. Magmina na! Dito sa Minecraft ikaw ang mayaman!
Isang nakakaakit na mundong 3D-generated ang mararanasan ng isang gamer sa Minecraft. Sa larong ito ay magagawa mong lahat ang iyong ninanais at maaari mo ring gamitin ang bawat blokeng maiipon sa pagbuo ng istrukturang inaasam. Ang maganda rito ay maaari mong minahin ang mga blokeng iyong nais at ipatong ito kung saan gugustuhin. Huwag mag-alala sapagkat hindi ka nag-iisa, kasama mo ang iba’t-ibang klase ng mga hayop gaya ng manok, baboy, kambing, baka, aso, lobo, isda, at marami pang iba. Ngunit mag-ingat, dahil nakapaligid ang iyong mga kalaban na maaaring umubos sa iyong buhay sa imahinatibong mundo. Walang dapat ikabahala dahil pwede ritong gumawa ng armas na pandepensa sa iyong mga kalaban. Isa na rito ang espada at pana na nagsisilbing pamatay sa nakagagalit na mga kalaban tulad ng zombie, gagamba, mangkukulam, taong ender (nilalang na nakakapagteleport at nakapagpapatong ng bloke), creeper (nilalang na sumasabog kapag iyong nalapitan), at drowned (pang-tubig na bersyon ng zombie). Hindi lamang armas ang maaaring malikha sa larong ito, pati na rin ang mga kagamitang kakailanganin mo sa iyong pagmimina. Kabilang dito ang piko, palakol, at pala. Kasama na rito ang kawit kung nanaisin mong magsaka ng mga pananim sa iyong lupain. Magkakatalo na lamang sa tibay at gamit ang mga armas at kagamitan sa materyales na pinanglikha. Isang nakakatuwang lathalain ng Minecraft ay ang kakaibang mga mode ng laro. Maaari itong malaro sa paraang creative, survival, hardcore, o spectator. Ang creative mode ay magbibigay kalayaan sa isang manlalaro na lumipad sa kanyang mundo at makagamit ng lahat ng uri ng kagamitan na hindi mauubos ano man ang naisin. Dagdag pa rito ang walang hanggang bilang ng buhay na taliwas sa ibang mga mode ng laro.
lathalain
Sa kabilang banda, ang survival ay isang metikolosong paraan ng laro sapagkat limitado lamang ang iyong malilikha at magagamit na kagamitan depende sa iyong minimina. Maaari kang mamatay sa gutom, lunod, pagkalason, pagkalaglag sa mataas na lugar, supokasyon, at pag-atake ng mga nakamamatay na nilalang. Dito ay mapipilitan kang mangaso ng iyong makakain at mangolekta ng iba’t ibang klase ng prutas at gulay na iyong nanaisin sapagka’t kung hindi ay maaari kang magutom at mamatay. Isa namang uri ng survival mode ang hardcore mode kung saan buburahin ang iyong mundo kung sakaling maubos ang iyong buhay. Kung wala ka namang gana ay maaaring manood ka na lamang sa ibang manlalaro sa pamamagitan ng spectator mode. Idagdag pa natin ang katangiang hirap o difficulty ng iyong nanaising laro. Maaari itong peaceful, easy, normal, o hard. Ipinagbabawal sa peaceful ang paglaganap ng nakakamatay na nilalang at pagkamatay sa gutom sa iyong mundo. Sa kabilang banda, lalaganap sa mundo ang mga umaatakeng nilalang, at mamamatay ang manlalaro sa gutom kung sakaling hard ang piliin. Ang normal naman at easy ay babawas sa paglabas ng mga nakamamatay na nilalang. Nag-aalok din ito ng saya at makabagbag damdamin sa pagkakaroon ng ibang mundo bukod sa iyong mundong ginagalawan sa loob ng Minecraft. Bukod sa mundong pang-ibabaw ay maaari kang makapunta sa mistulang impyernong mundo ng ender at nether.
Dito ay maaari kang makakuha ng mitokolosong kagamitan na wala sa iyong mundo. Maaari mo ring kalabanin ang pinuno ng nether at dragon ng ender na higit na magpapaigting sa iyong laro. Ang Minecraft ay maaaring malaro sa iba’t ibang uri ng device tulad ng Xbox, computer, mobile phones, Nintendo Switch, Nintendo 3Ds, Virtual Reality, at TV sa iba’t ibang uri ng edisyon gaya ng Pocket Edition, Bedrock Edition, Wii U Edition, Nintendo 3Ds Edition, at Gear VR Edition. Patuloy ang saya sa paglalaro ng Minecraft, dulot na rin ng taglay nitong nakabibighaning mga katangian lalo na sa mga kabataan. Nagtamo ito ng ilan sa malalaking gantimpala at naghatid ng 176 milyong kopya sa may 100 milyong aktibong manlalaro kada buwan. Ito ay naging sanhi para ang Minecraft ay mapabilang sa isa sa mga patok na laro sa kasaysayan ng gaming sa buong mundo. Kaya, laro na tayo!
Cash out sa apps:
Lalaro ka ba? Jocelle Marrey M. Recella
S
andamakmak na mobile applications ang umaarangkada sa merkado para laruin ng mga walang magawa o nagpapalipas oras. Puro pindot, pag-swipe sa iba’t-ibang direksyon, at gasgas ang bubog ng telepono kapag naiirita sa laman ng bagong balita o maling impormasyong pinakakalat.
Ngayon, imbis na humilata ka at tumambay sa Facebook na pinapahalakhak ka nga, butas pa rin naman ang iyong bulsa; naisipan mo na bang gamitin ang paglalaro para kumita ng salapi? Kalokohan! Hindi! Ngunit ito ay totoo at hindi imposible, lalo na sa mga may butas na bulsa pero may pambili ng load at pang-data. Ikaw man ay estudyante, talubata, o hihila-hilata na lamang sa kabahayan, maaaring kumita, magdudutdot lamang sa telepono mo. Dalawa sa halimbawa nito ay ang Paydro at paggawa ng Kapcha. Pamilyar naman tayong lahat sa larong Who Wants to be A Millionnaire, hindi ba? Dito hango ang larong “Paydro” kung saan idadownload mo lamang ang larong ito sa iyong telepono at magrerehistro ng libre,
pagkatapos ay deretso sa paglalaro sa mga oras na isinasaad ng tagapamahala ng laro. Nagbubukas ito sa pamamaraang live, kadalasan ay tanghaling tapat para sa lahat, estudyante, may trabaho o wala, nakatambay, basta may telepono ka at tapos na ang iyong pagkain, abangan mo na! Makikita ng mga manlalaro sa personal ang taong nagbibigay ng tanong, kadalasan ay mga trivia at kapag nasagot mo, katsing! Diretso sa banko mo. Kung gaano kalayo ang kapasidad ng iyong isipan, ganoon kahaba ang pila ng salapi sa iyong pitaka. Mga dalawang beses lamang ito sa isang araw, kung kaya’t matapos gawin ang mga mas importanteng bagay at nakapaglaro ka na din sa Paydro, isunod mo ang “Kapcha”! Titipa-tipa ka lamang sa harap ng kompyuter ng sandamakmak na mga letra at imahe para sa mga verification para sa pangmalawakang gamit sa mundo ng internet at nalibang ka na, kumita ka pa. Mas nakapanghihinayang na ang oras at kuryente ay mauwi na lamang sa wala. Hindi napupulot ang pera at walang masama kung susubukan!
#TulfoandChill Jean Alric Almira
T
ulfo and Chill... Iyan ang umuusong tagline ngayon lalo na sa dumadami niyang fans dahil sa kanyang YouTube channel, ang “Raffy Tulfo in Action”. Sa ngayon ito ay may mahigit pitong milyong subscribers na at mas dumarami pa. Ano nga ba ang mayroon at tungkol saan ang kanyang mga videos? Maraming kung ano-anong bagay ang kanyang tinatalakay sa kanyang programa, ngunit lahat ay mga reklamo, kadalasan ay ng mga mag-asawang nagkakaaway at kung ano-ano pa. Hindi man masyadong maganda na manood ng mga bangayan sa pagitan ng mga tao ngunit ano’ng magagawa natin? May kakaibang lukso ng damdamin ang dulot ng mga nag-uumapaw na emosyon sa mga panauhin ni Tulfo. Talagang mapapahagalpak ka lalo na isang partikular na episode tungkol sa mag-asawa na nagkaaway dahil mali ang nabili ng lalaki. Imbis na hotdog ay footlong ang kanyang binili dahil sinusubukan daw siya ng pamilya ng asawa niya. Maging ang pamagat ng video na “NILAYASAN NI MISIS DAHIL TANGA. PINABILI NG HOTDOG PERO ANG BINILI AY FOOTLONG!” ay talagang mapapahalakhak ka na. Ang isa pa ay ang episode tungkol sa mag-asawang naghiwalay naman dahil sa pambubugbog sa babae at pagkuha ng lalaki sa kanilang anak. Noong tawagan ni Raffy ang lalaki, nagsimula na itong umiyak na para bang isang bata. Dahil dito ay napatawa ang batikang news anchor na tinawag pang “Bonjing” ang lalaki. Ilan lamang ang mga ito sa mga kakatwang episode na maaaring mapanood sa channel ni Tulfo at marami pa itong maiaalok para sa mga taong inip at batong-bato na. Kagaya mo. Kaya tara na at mag-Tulfo and Chill...
pamayanan
The
Luzonian
Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Pamantasang Manuel S. Enverga, Lungsod ng Lucena
Modernong pasilidad, susi sa malusog na pamayanan Carmelo Eduardo Mesa
A
ng malusog na pamayanan ay tulay sa masaganang kinabukasan. Ngunit ang mga pasilidad na dapat sana ay nakatutulong upang maging malusog ang bawat isa ay tila nakakaligtaan at hindi pinahahalagahan upang mapabuti ang kalagayan ng mga may karamdaman nating mga mahal sa buhay. Mabibigyan pa ba ito ng solusyon? Ang dumaraming pasyente at kakulangan ng sapat na espasyo ay ilan lamang sa mga problemang kinakaharap ng Quezon Medical Center. Kahit saan mo ibaling ang iyong paningin, mga pasyenteng iginupo ng iba’t-ibang klaseng karamdaman ang iyong makikita. Nahihirapan at hindi komportable sa espasyong pilit pinagkakasya ang higit sa tatlong pasyente na dapat ay para sa isang tao lamang. Minabuti ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ng noo’y Gobernador David Suarez ang pagsasa-ayos ng mga pasilidad sa compound ng ospital. Ang modernisasyon ay hindi lamang sa mga kagamitan kundi sa mga gusali nito upang higit na makatulong sa paghahatid nang mabilis, maayos at kapakipakinabang na serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan ng lalawigan. Ang Quezon Medical Center West Annex Building ay isa lamang sa mga pangunahing proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan para sa modernisasyon ng mga pasilidad ng ospital. Tinatawag din itong “mirror building” dahil sa pagkakahalintulad ng istraktura at disenyo nito sa katapat na gusali ng ospital na itinayo noong 2010. Bukod sa QMC West Annex, nariyan din ang iba pang pasilidad at mga makabagong kagamitan tulad ng TB Dots and Animal Bite Treatment Center, Magnetic Resonance Imaging (MRI), Social Hygiene Clinic, OB-Pedia Ward, maternity ward extension, at iba pa. Oras na matapos ang konstruksyon, ang QMC West Annex Building ay magsisilbing bagong opisina ng Provincial Health Office na kinapapalooban ng mga technical division, QMC-PHO Human Resource, Provincial Nutrition, Statistics at iba pang mga tanggapan.
Larawan mula sa kwentongpadyak.com
Opisyal nang binuksan ang Lucena-Tayabas-Mauban Road noong Abril 2019 na nagdulot ng tuluy-tuloy na daloy ng trapiko sa Lucena Diversion Road (itaas).
Ginhawa ang dating, progreso ang hatid Gianne Caldrin B. Mejilla
S
a patuloy na paglago ng komersyo at pakikipagkalakalan sa Lungsod ng Lucena, naging kaakibat nito ang lumalalang trapiko na nagpapaantala sa paghahatid ng serbisyo sa mga tao at sa pamayanan. Dahil dito, humahanap ng solusyon ang gobyerno upang maging tuluy-tuloy ang paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan at makarating sila nang ligtas at mabilis sa paroroonan. Matatandaang pinasinayaan noong Pebrero 22, 2017 sa panulukan ng Lucena Diversion Road at Lucena-Tayabas-Mauban Road na nasasakupan ng Brgy. Gulang-Gulang ang isang proyektong makapagbibigay-lunas sa lumalalang trapiko sa nasabing lugar. Pinangunahan ni Kalihim Mark Villar ng Department of Public Works and Highways, dating Quezon 2nd District Engineer Nestor Cleofas, mga kilalang personalidad sa lungsod ng Lucena at Lalawigan ng Quezon katulad nina Lucena City Mayor Roderick Alcala, dating Quezon 2nd District Congressman Vicente Alcala, Tayabas City Mayor Ernida Reynoso, at iba pa, ang ground breaking ceremony ng kaunaunahang underpass sa Timog Katagalugan. Layunin ng proyekto na mabawasan ng 70% ang trapiko sa nasabing lugar at mapabilis na rin ang transportasyon ng biyaheng Maynila at Bikol nang hindi naaantala sa gitna ng lumalalang trapiko sa
ibabaw nito. Kaagad na sinimulan ang konstruksyon na inaasahang matatapos sa loob ng isa’t kalahating taon. Sa dating limitadong espasyo, laging mahaba ang pila ng mga sasakyang nag-uunahang lumusot sa delubyong trapiko. Dahil sa pagbubungkal sa diversion road at sa pagkukumpuni ng mga linya ng tubo ng tubig, naging mabagal ang pagtratrabaho rito. Habang ginagawa ang underpass na bahagi ng programang Build, Build Build ng administrasyong Duterte, naging matindi ang hinaing ng mga motoristang naabala sa kasagsagan ng proyekto. At makalipas ang tatlong taon, noong Abril 2019, bahagyang ipinagamit ang nasabing underpass sa mga motorista upang maka-iwas sa muling pamumuo ng trapiko sa nasabing lugar, dala ng mga biyaherong umuwi sa kanilang mga probinsya upang ipagdiwang ang Semana Santa. Kaunting pagtitiis pa ang hinarap ng mga motorista hanggang sa maging “fully operational” na ang underpass noong Agosto 2019. Kumpleto sa mga reflectorizers, street lamps, traffic signs, at malinis na paligid ang nakapagpa-alwan sa mga motoristang bumibiyahe rito. Ramdam sa bawat pagdaan ang progreso sa mabilis na pagdadala ng serbisyo at ligtas na biyahe para sa mga tao. Natapos din ang pagtitiis at mahabang pagpapasensya ng mga mamamayan.
Hulyo - Agosto 2019 Tomo LXX | Bilang 2
The
Luzonian
pamayanan
Pipol Konek: Sa Perez Park, konektado ka Jocelle Marrey M. Recella
K
amakailan lamang ay umusbong ang bali-balitang mayroong bagong libreng hatid ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa mga mamamayan ng lalawigan, partikular na sa mga mamamayan ng Lungsod ng Lucena. Marahil ito ay dulot ng mga suhestiyon, hinaing at hangarin ng mga tao na mas mapabilis ang ano pa mang mabagal sa panahon ngayon. At sapagkat ika’y isang Lucenahin, siguradong ito’y iyong tatangkilikin!
Kilala ang Lungsod ng Lucena na kabisera ng lalawigan at namumukod-tanging highly urbanized city sa buong rehiyon. Naririto ang Tayabas Capitol na itinayo noong 1900s at ang Perez Park, na isa sa kakaunting sunken parks sa bansa, sa lupang donasyon ng noo’y Gobernador Felimon Perez. Isinaayos at pinaganda nitong nakaraang mga buwan lamang ang Perez Park upang muling makaakit ng mga turista at ng mga mamamayang nais mamahinga sa natitirang open space at parke sa lungsod. Muli itong naging tagpuan nga magkakaibigan, magkasintahan, o ng mga namamasyal lamang. Noong Hulyo 30, sa pangunguna ni Gobernador Danilo Suarez at sa pakikipagtulungan ng Department of Information and Communications Technology (DICT), katuwang ang Philippine Long Distance Telecommunications (PLDT), isang libreng public Wi-Fi connection ang inihandog sa mga mamayang Lucenahin at Quezonian bilang pagtalima sa Batas Republika bilang 10929 o tinatawag na Free Internet in Public Places Act. “Pumunta na at maki-konek”, paanyaya ng gobernador. Dumagsa ang mga tao noong Niyogyugan Festival at binaha ang Facebook at Twitter ng mga larawang kuha sa mga booths at display ng bawat bayan dahilan sa libreng Wi-Fi connection sa kalawakan ng Perez Park at ng Kapitolyo. Marami ang natuwa sa proyektong ito sapagkat mabilis na nakakakonek ang mga namamasyal sa kanilang mga kaanak at mga kaibigan saan mang panig ng mundo sila naroroon. Ayon sa ilang mga taong nakaranas ng gumamit ng tinatawag na “Pipol Konek” mas lalo raw na nakatutuwang bumisita sa nasabing lugar
Larawan mula sa kwentongpadyak.com
Pinakikinabangan ng mga mamamayan ang libreng Wi-Fi connection sa Perez Park, isang proyekto ng pamahalaang panlalwigan sa pakikipagtulungan ng DICT, katuwang ang PLDT.
sapagkat siguradong madali ang pakikipagkomunikasyon sa nais kausaping kaibigan o kamag-anak. Dahil dito, ay hindi na kinakailangang magpaload pa para lamang makapaghanap ng kakailanganin sa proyekto o gawaing pampaaralan para sa mga estudyante. Ang mga paaralang malalapit sa Perez Park ay makikinabang sa koneksyong ito sapagkat maaari nilang gamitin ang internet sa pag-aaral at sa pananaliksik. Sa kabila nito, hindi pa rin mawawalan ng mga negatibong komento ang nasabing proyekto. Mayroong ilang nagtataka sapagkat marami pa raw na ibang problema ang dapat na solusyunan gaya nang matinding traffic na nagdudulot ng
mahabang oras ng biyahe na isa ring bagay na dapat mapabilis. Sa kabila ng iba’t ibang pagpuna, mas pagsisikapan ng lokal na pamahalaang panlalawigan na mas maparami pa ang lugar na mayroong libreng Wi-Fi. Ilan pang mga lugar na posibleng palagyan nito ay ang mga pampublikong ospital at mga terminal o estasyon ng mga pampublikong sasakyan. Bunga ito ng masidhing pagnanais ng mga nanguguna sa Quezon na mas mapalawig pa ang kaunlaran ng lalawigan gamit ang teknolohiya. Sa pagkakataong ito, ay maaaring makakita tayo ng naglalakad, nag-eehersisyo o gumagawa ng takdang-aralin sa Perez Park na magiging malaking tulong sa mga mamamayan ng
Lungsod ng Lucena, bata man o matanda. Hindi rin mawawala ang magkasintahang nag-uusap na maya-maya’y magpo-post na ng kanilang mga litrato sa Facebook o sa Twitter. Sa ngayon ay kakaunti pa lamang ang mga taong nakakaalam ng libreng WiFi subalit ramdam na kaagad ang positibo at mabilis na pagbabago. Ngunit kung bibigyan ng mas malalim na pang-unawa ang tinatawag na “Pipol Konek,” ito ay hindi basta lamang koneksyon sa internet. Laging tatandaan na ang totoong koneksyon ay ang personal na pakikipag-usap hindi sa pamamagitan ng internet. Subalit para sa mabilis na pakikipagtalastasan, internet pa rin ang katapat.
pamayanan
The
Luzonian
Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Pamantasang Manuel S. Enverga, Lungsod ng Lucena
Gintong tamis na biyaya ng kalikasan Louise Melka M. Saavedra
N
akadaan na ba kayo sa “bitukang manok” na nalilibliban ng mga nagtataasang mga puno sa gitna ng proktektadong kagubatan ng Atimonan? ‘Yung pinakang sikat na old zigzag road dito sa ating lalawigan? Kung hindi pa, makikita ninyo ang mga itinitindang pulot o honey bee na madaraanan sa nasabing lugar. Ang tanong, saan sila kumukuha nito at bakit bigla na lang silang nagsulputan? Alam kaya ito ng gobyerno? Anong aksyon ang ginagawa ng lokal na pamahalaan?
Ayon sa mga residente at magtitinda sa lugar, nakakakita sila ng pukyutan (honey bee sa Ingles) habang nag-uuli sa silangang bahagi ng bulubundukin na nasasakupan ng bayan ng Padre Burgos. Samantala, ang iba namang magtitinda ay kumukuha at umaangkat mula sa isang bee farm sa Pagbilao. Nagtitinda rin sila ng iba pang produktong pulot sa kalapit bayan ng Pagbilao. Sabi rin nila, kahit nagtitinda lang sila ng pulot, hindi na masama para sa kanilang pang-araw araw na kabuhayan ang kumita ng ₱800 sa isang araw. Ayon pa rin sa mga magtitinda, sila ay hindi nasasakupan ng anumang sangay ng gobyerno dahil walang nagmomonitor sa kanila at nagkakanya-kanya na lamang sila ng pwesto. Subalit, ayon sa lokal na pamahalaan ng Atimonan, alam nila na talamak ang pagbebenta ng pulot sa bahagi ng old zigzag road, pero hindi pa nila alam kung ano ang pwede nilang gawing aksyon upang higit na mapayabong pa ang industriya ng pulot sa lugar. Ang gintong tamis na ito na siyang biyaya sa atin ng kalikasan ay dapat nating pahalagahan at payabungin upang higit na makatulong ito hindi lamang sa mga manininda, kundi maging sa ating ekonomiya.
Larawan mula sa kwentongpadyak.com
Ipinagbebenta ng mga mamayan ang pulot mula sa mga bubuyog sa bahagi ng Atimonan Zigzag Road bilang pinagkukunan ng kabuhayan.
Mga bagong Wi-Fi access points, malaki ang pakinabang – Envergista
I
kinatuwa ng mga mag-aaral ng Pamantasang Enverga ang mga bagong WiFi access points na ikinabit ng Information and Communication Technology Department (ICTD) sa iba’t ibang bahagi ng kampus. “Madalas ako dito at halos tambayan ko itong opisina, kaya napakalaking bagay na kinabitan ito ng Wi-Fi. Nakakatuwa dahil hindi mabagal at napapakinabangan talaga,” pagbabahagi ni Jan Clifford Jac De Dios, pangulo ng Honor Society of the Lambda
Kappa Phi. Tinarget ng ICTD ang mga lugar sa Pamantasan na madalas pinupuntahan ng mga mag-aaral katulad ng St. Bonaventure Student Center at ng Old Student Lounge o mas kilala bilang ‘tambayan.’ Ayon kay Dr. Rosario Rago, direktor ng Office of Student Affairs (OSA), inerekomenda niya kay Dr. Jose Tan Jr., direktor ng ICTD, na kabitan ng mga bagong access points ang mga nabanggit na lugar. Napansin din ng ilang alumni na bumisita sa
Hamfrey P. Saniel Pamantasan ang mga bagong access points na nagpabilis ng kanilang internet accessibility. Samantala, binabalak pang kabitan ng mas marami pang access points ang ilang bahagi ng Pamantasan, katulad ng AEC Little Theater, College of International Hospitality and Tourism Management coffee shop, ilang bahagi ng dormitoryo, College of Maritime Education, at iba pa. Mabilis ding magagamit ang Neo LMS sa mga idinagdag na Wi-Fi access points, ayon kay Dr. Tan.
Hulyo - Agosto 2019 Tomo LXX | Bilang 2
The
Luzonian
isports
Pacquiao bagong kampeon sa edad na 40
Thurman nalasap ang unang pagkatalo Christian Andrei A. Cuario
I
sang umaatikabong bakbakan sa boksing ang natunghayan ng maraming manonood sa laban nina Manny “Pacman” Pacquiao at Keith “One Time” Thurman sa loob ng MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, U.S.A., noong Hulyo 20. Nakamit ng 40-anyos na si Senador Manny Pacquiao (627-2, 39 KOs) ang unified WBA welterwight belt sa pamamagitan ng split decision victory at nadungisan ang malinis na record ni Thurman (29-1, 22 KOs). Nagbigay ng 114-113 si hurado Glenn Feldman pabor kay Thurman habang 115-112 naman ang ibinigay nina hurado Dave Moretti at Tim Cheatman pabor kay Pacquiao. Unang round pa lamang ay agresibo na agad ang tinaguriang “pambansang kamao” na nagpakawala ng matitinding body shots at hook combinations. Bago matapos ang first round ay tinamaan si Thurman ng isang right straight ni Pacman, dahilan para bumagsak ang Amerikanong boksingero. Nagpatuloy ang mabibilis na suntok ni Pacquiao mula ikalimang round na nagbigay sa kanya ng abante sa laban. Bumawi si Thurman sa ika-anim na round at nagpatama ng mga
Larawan mula sa yahoonews.com
Bumwelo ng malakas na kanang suntok si Manny Pacquiao upang maungusan sa puntos ang kalabang si Keith Thurman sa naganap na bakbakan sa MGM Grand Garden Arena noong Hulyo 20. kombinasyon kay Pacquiao. Patuloy ang pagpapakawala ng matitinding suntok ng dalawang boksingero sa kalagitnaan ng mga rounds. Natamaan ni Pacquiao si Thurman ng isang malakas na left jab sa ika-pitong round, ngunit nakabawi naman si Thurman na nagpakawala ng
isang right at left combo sa ikawalo at ikasiyam na rounds. Malaking round para kay Pacquiao ang ika-10 nang magbitiw siya ng left hook sa tagiliran ni Thurman. Napalayo si Thurman at muntik nang tumiklop dala ng sakit na natamo sa kanang bahagi ng katawan. Nagawang patamaan ni
Thurman ng malalakas na suntok si Pacman sa mga huling round, dahilan para dumikit ang laban. Walang planong magretiro si Pacquiao na nakatakdang pumalaot muli sa boxing ring sa isang taon. “I don’t think I should retire at this stage in my boxing career,” wika ng Senador. Sanggunian: ABS-CBN, Sports5.ph
Niyogyugan Festival
Atletang Quezonian nagpaligsahan sa ika-4 na triathlon Gianne Caldrin B. Mejilla
S
inubok ang bilis at lakas ng pangangatawan ng mga atleta sa Lalawigan ng Quezon sa ginanap na 4th Niyogyugan Festival triathlon na nagsimula sa Alcala Sports Complex at nagtapos sa Perez Park, Lungsod ng Lucena, Agosto 25.
Larawan mula sa QPIO Facebook Page
Umariba ng takbo ang mga kalahok sa ginanap ng 4th Niyogyugan Festival triathlon nooong Agosto 25.
Nagwagi ang Quezon Province Army Team sa relay category, habang pumangalawa ang Pride Gear Team. Nanguna sina Bella Louise Magtibay at Kenneth Lacuesta sa female at male Quezonian Category, ayon sa pagkakasunud-sunod. Namayani naman sina Gwyneth Recentes (female) at Chris Iglasa (male) sa 14-23 age category; Karen Galdon at Robinson Tibes sa 24-31; Hazel Villanueva at Luigi Victor Robles sa 32-38; Minette Dimaunahan at Gerald Anciano sa 39-46. Samantala, dumalo ang mga atleta mula sa ibang lugar sa open category. Nagwagi sina Chelsea Sabado ng Pangasinan at Benjamin Ronia ng Bicol sa Female at Male Open Categories. Itinampok din sa triathlon ang buko na pangunahing produkto ng Quezon bilang inumin ng mga atleta sa torneo. Tampok din ang makukulay at iba’t-ibang costumes sa pagtakbo ng mga atletang kasali sa paligsahan.
isports
The
Luzonian
Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Pamantasang Manuel S. Enverga, Lungsod ng Lucena
ISPORTS LATHALAIN
Bagong SEA Games, aarangkada na Jean Alric B. Almira
L
abing-apat na taon ang hinintay ng Pilipinas para dito muling ganapin ang isa sa pinakaaabangang aktibidad pampalakasan ng maraming atleta at mamamayan mula sa Timog Silangang Asya na tinatawag na South East Asian Games o mas kilala bilang SEA Games. Ito na ang ika-apat na pagkakataon na magho-host ang bansa sa naturang pampalakasan. Unang ginanap ang SEA Games sa bansa noong 1981. Sinundan ito noong 1991 at pinakahuli nitong 2005 kung saan nanguna ang bansa sa medal tally na may 113 gold, 84 silver at 94 bronze. Ang 2019 SEA Games ay gaganapin mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa apat na magkaka-ibang clusters sa Luzon Area (Clark, Subic, Metro Manila at pinagsamang Laguna, Batangas, Cavite, at La Union cluster).
Maituturing na pinaka-angat sa lahat ng SEA Games na nilahukan ng Pilipinas ang 2005 edisyon dahil nagawa nitong maungusan ang ibang bansa sa Timog Silangang Asya. Ngayong taon, magawa nga kayang muli ng bansa na manguna sa naturang torneo? Magamit kaya ng bansa ang “home court advantage?” Magiging makasaysayan kayang muli ang edisyon ngayong taon sa pagarangkada ng mga bagong pasilidad, arena at kagamitang gagamitin sa naturang torneo? Ngayong 2019 SEA Games ay matutunghayan ang mga bagong sporting events at facilities na talaga namang angat at kakaiba sa mga nakaraang SEA Games. Ayon sa tala ng SEA Games Federation, mayroon itong inaprubahang 56 sporting events, dahilan para i-konsidera ang 2019 SEA Games na may pinakamaraming sports events sa kasaysayan
nito. Alamin kung ano nga ang mga bago ngayong darating na SEA Games:
Bagong Sports Matutunghayan sa 2019 edisyon ang pagarangkada ng mga bagong sports sa SEA Games kagaya ng surfing, kickboxing, skateboarding, kurash, floor ball, modern pentathlon, surfing, sambo, underwater hockey, e-sports at obstacle courses. Sa basketball, masasaksihan din ang 3x3 events. Samantala, sa unang pagkakataon ay mapapasama na sa medal tally ang mga mananalo sa E-sports games. May anim na online games na paglalabanan ang mga E-sports athletes: Dota 2, Arena of Valor, Hearthstone, Mobile Legends: Bang Bang, Tekken 7, at StarCraft II. Kakatawanin ng team “Sibol” ang bansa sa E-sport games sa darating na SEA Games.
Arnis Nagbabalik ang pambansang sport ng Pilipinas, ang arnis, sa paparating na SEA Games. Ito ay isang martial art na ginagamitan ng matatalim na bagay, stick at baston o yantok sa pakikipaglaban. Kadalasang ginagamit ng mga arnis players ang baston na yari sa rattan. Huling nasilayan ang sport na ito noong 2005 edisyon at inaasahang paghaharian ng mga Pinoy arnis players ang kompetisyon.
New Clark City Isa ang New Clark City sa Capas, Tarlac na pagdarausan ng SEA Games. Ito ay pinamahalaan ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at maituturing
na world class sporting venue ng bansa dahil sa makabagong struktura nito. Sa New Clark Stadium na may halos 20,000-seater capacity gaganapin ang mga athletic games. Sa New Clark City Aquatic Centre naman gaganapin ang mga aquatic events tulad ng swimming, water polo at diving. Ang Athletic Village naman sa labas ng stadium ang magsisilbing tuluyan ng ibang mga atleta, coaches at volunteers.
Philippine Arena Sa Philippine Arena gaganapin ang opening ceremony ng SEA Games. Inaasahang magiging makulay at puno ng kulturang Pilipino ang matutunghayang pagtatanghal. May seating capacity na mahigit 55,000, ito ay itinuturing na pinakamalaking indoor arena sa mundo. Pangungunahan ng Filipino-American icon, Apl.de.ap ang opening performance. Sinulat ni Carlos Palanca winner Floy Quintos at nilapatan ng himig ni Filipino icon Ryan Cayabyab ang awiting “We Win as One,” ang opisyal na theme song ng SEA Games. Si Lea Salonga ang umawit nito na kasama sa opisyal na slogan ng 2019 SEA Games. Inaasahang dadaluhan din ng iba’t-ibang artista ang seremonya para magperform. Samantala, sa New Clark Stadium naman gaganapin ang closing ceremony. Makasaysayan ang paparating na SEA Games. Tiyak na hindi na makapaghintay ang mga organizers na mailunsad ang naturang sporting event sa bansa. Asahan ang kahandaan ng bawat atletang Pinoy na lalaban sa SEA Games para makapagbigay karangalan sa bansa. Aangat ang turismo ng Pilipinas sa pagpasok ng mga dayuhan mula sa mga kalapit bansa. Maipakikita ang suporta ng mga mamamayan sa hosting ng bansa. WE WIN AS ONE to WE WIN AS CHAMPIONS. Sanggunian: ABS-CBN, Sports5.ph
Hulyo - Agosto 2019 Tomo LXX | Bilang 2
isports
The
Luzonian
laging bangko
Christian Andrei A. Cuario
Cyber athletes, mga atleta nga ba? ISPORTS EDITORYAL
Pinas, babawi sa FIBA 2023 Jean Alric B. Almira
N
aging masalimuot ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa nagdaang 2019 Fédération Internationale de Basketball (FIBA) World Cup kung saan nagtapos ang pambansang koponan sa ika-32 pwesto sa torneo at walang panalo sa limang laro. Nakakalungkot na pagkatalo, wika nga.
Kahit aminin na ibang usapan talaga ang kompetisyon sa international level dahil lamang ang ibang koponang mas matatangkad ang at kadalasang naglalaro pa sa NBA kaya naman di katakatakang tambakan nila sa iskor ang Gilas Pilipinas. Sa unang game ng Gilas kontra Italya, nasupalpal agad ang kampanya ng bansa sa iskor na 108-62. Sa world no. 2 Serbia, 12667. Muntik nang makasungkit ng panalo ang Gilas ngunit kinapos ito sa overtime kontra Angola, 84-81. Sa qualification phase, iginupo agad ng Tunisia ang Pilipinas, 86-67, at sa huling laro kontra Iran ay nilamangan ito ng 20 puntos, 95-75. Kung susumahin ay mas maganda pa ang naging kampanya ng Gilas noong nakaraang 2014 World Cup sa Espanya kung saan halos dikit lahat ng laban nito kontra sa mahuhusay na koponan sa buong mundo. Nasaksihan din ang pagkapanalo ng Gilas matapos ang apat na dekadang pagkauhaw sa tagumpay kontra Senegal. Mapalad ang hinaharap ng Gilas dahil Pilipinas ang susunod na host ng 2023 FIBA World Cup. Kasama ng Pilipinas na magiging host ang Indonesia at Japan. Ito ang unang pagkakataon na tatlong bansa ang magiging hosts sa nasabing torneo na paglalabanan ng 32 koponan sa buong mundo. Pagdating ng knockout phase, sa Pilipinas gaganapin ang lahat ng laban. Nawa’y maging motibasyon ito sa mga magiging bagong mukha ng basketbol sa Pilipinas dahil makadaragdag ang suporta at mainit na pagmamahal ng maraming Pilipino sa kanilang paboritong laro na makapagpapaalab sa mga manlalarong Pilipino na magpamalas ng kanilang gilas. Halos mapapalitan ng mga bagitong manlalaro ang Gilas Pilipinas. Nariyan sina 7’2 Kai Sotto at 6’10 AJ Eduna na kumatawan na rin sa Pilipinas noong nakaraang FIBA U-19 World Cup. Idagdag pa sa line-up ang NBA player na si Jordan Clarkson at may higit na bigat ang koponan ng Pilipinas. Naging matunog ang pangalan nina North Port Batang Pier guard Robert Bolick at Columbian Dyip guard CJ Perez dahil sa kanilang husay nitong World Cup bagamat sila ay baguhan pa lamang sa pambansang koponan. Nag-average si Perez ng 12.6 points per game, samantalang kumana naman si Bolick ng 8.6 points per game. Hindi na daraan sa butas ng karayom ang Pilipinas para makarating sa FIBA. Gamitin natin itong bentahe para makagrupo ng mahinang teams gaya ng ginawa ng China ngayong taon. Ayusin ang dapat ayusin. Palitan ang dapat palitan. May apat na taon pa para palakasin ang 3-point shooting, defense at ball movement dahil ito ang mga dahilan kaya natambakan ang bansa ng mga banyagang koponan.
D
oTA 2, Starcraft 2, Mobile Legends: Bang Bang, Arena of Valor, Tekken 7, at NBA 2K19. Ito ang mga larong kabilang sa kategorya ng Esports sa darating na 2019 SEA Games. Opisyal ng ibinilang ang Esports sa mga medal events sa nasabing torneo na gaganapin sa Pilipinas. Ngayong ganap ng bahagi ang Esports ng mga sports events sa gaganapin sa SEA games, maituturing nga rin bang mga atleta ang makikilahok dito?
Hati ang sagot ng mga tao sa tanong na ito. May mga nagsasabi na hindi, at mayroon din namang oo. Mayroong mga tao na hindi sumasangayon dito sapagkat ang iba ay naniniwala pa rin sa klasikal na depenisyon ng isang atleta, isang taong lumalahok at nakikipagpaligsahan sa mga tipikal na larong pampalakasan gaya ng basketball, volleyball, football at iba pa. Ang atleta ay napapagod, pinapawisan nang husto at nababalda dahilan sa pisikal na aktibidad kung kaya’t ayon sa iba ay hindi talagang aktibidad na matatawag ang Esports at hindi puwedeng tawaging isang “sport”. Ngunit sa kabila ng mga ito, may mga dahilan pa rin upang ikonsidera ang mga gamers bilang atleta. Habang sinusukat ng mga tradisyonal na larong pampalakasan ang lakas, liksi, at tatag ng mga manlalaro sa paraang mas hayag, ang mga ito ay nasusukat rin sa Esports. Ang lakas ay sinusukat sa aspetong pang-kaisipan. Kinakailangan ng isang manlalaro ng sapat na kaalamang taktikal sa laro upang matalo ang katunggali. Ang liksi, sa pagtipa ng mga buttons sa keyboard at mabilis na pag-react sa mga sitwasyon, ay nangangailangan ng matinding hand at eye coordination. Tatag, sapagkat
ang mga laro at ang training dito ay maaaring tumagal at kumonsumo ng maraming oras na nangangailangan ng stamina. Dagdag pa rito, ang pagapruba sa Esports bilang isang medal event sa SEA Games ay isang testamento na ito ay ganap ng pandaigdigang sport. Pagdating naman sa pisikalidad, ayon sa isang pag-aaral ni Ingo Froböse, isang German sports scientist mula sa German Sports University sa Cologne, may pisikal ding eksersyon ang mga gamers. Natuklasang ang heart rate ng mga manlalaro ay maaaring umabot sa 160–180 tibok kada minuto, hawig sa pagtakbo nang mabilis ng isang atleta. Isa itong patunay sa aspetong pisikal ng Esports. Sa huli, kung lehitimo mang atleta ang mga manlalaro ng Esports o hindi ay depende na lamang sa personal na opinyon ng mga tao. Ngunit masasabi pa rin ng mga lalahok sa Esports na talagang naghihirap at nagbibigay sila ng maraming oras upang magsanay at upang makamit ang tagumpay. Ang mga bagay na ito ay dahilan na rin upang sila ay kilalaning mga “cyber athletes”. Sa karanasan ng mga manlalaro ng cybergames, kailangan ang matibay na pangangatawan upang matagalan ang stress ng paglalaro at mapanatili ang talas ng isip upang mahulaan ang susunod na kibo ng kalaban. Ani mga cyber athletes, mas matindi pa ito kaysa sa maglulukso o magtatakbo sa stadium sapagkat lahat ng bahagi ng katawan at pag-iisip ng mga manlalaro ay nakapako sa laro. Bagamat di halos makita ang pagpapatulo ng pawis, ang mga cyber athletes ay nakakaramdam ng tunay na pagod at panghihina matapos ang isang matinding laban dahil sa pinaiiral na lakas at talas ng utak, kasabay ang pagkibo, timing at tempo sa paggamit ng kanilang mga cyber gadgets.
Ang
Isports Luzonian
Hulyo - Agosto 2019 Tomo LXX | Bilang 2
Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo ng Pamantasang Manuel S. Enverga, Lungsod ng Lucena
Bagong SEA Games, aarangkada na L
abing-apat na taon ang hinintay ng Pilipinas para dito muling ganapin ang isa sa pinakaaabangang aktibidad pampalakasan ng maraming atleta at mamamayan mula sa Timog Silangang Asya na tinatawag na South East Asian Games o mas kilala bilang SEA Games. Ito na ang ika-apat na pagkakataon na magho-host ang bansa sa naturang pampalakasan.
Isports Lathalain
26
25
26
27
Thurman nalasap ang unang...
Bagong SEA Games, aarangkada... Pinas, babawi sa FIBA 2023
I
L
sang umaatikabong bakbakan sa boksing ang natunghayan ng maraming manonood sa laban nina Manny “Pacman” Pacquiao at Keith “One Time” Thurman sa loob...
abing-apat na taon ang hinintay ng Pilipinas para dito muling ganapin ang isa sa pinakaaabangang aktibidad pampalakasan ng maraming atleta...
N
aging masalimuot ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa nagdaang 2019 Fédération Internationale de Basketball (FIBA) World Cup ...