4 minute read

Unahin ang Kailangang Matapos na Gawain

18 | FEATURES

Unahin ang Kailangang Matapos na Gawain ni Aurelyn Reyes

Advertisement

Sa buhay ng isang mag-aaral, malaking karangalan ang makatanggap ng medalya matapos ang ilang taon na paghihirap. Sa iba’y ito ang nagsisilbing bunga ng ilang taon nilang pagsisikap at maaaring sa iba’y isang pangarap na matagal nang inaasam.

Ngunit sa buhay ng isang mag-aaral sa kolehiyo, Latin Honor ang isa sa napakahirap na makamit. Dahilan sa nangangailangan ito na mapanatili ang mga grado mula sa unang taon hanggang sa makatapos, na hindi bumaba depende sa kung ano ang kinakailangan upang mapabilang dito. Isa si Joderck Aldrich Inductivo sa mga mag-aaral sa Departamento ng Inhenyeriyang Mekatronika ang napabilang sa Latin Honor.

Lahat tayo’y may kanya kanyang problema, bukod pa sa problemang mayroon ang mundo. Ngunit paano nga bang ang isang mag-aaral na tulad ni G. Inductivo ay nalagpasan ang pagsubok sa pag-aaral, lalo’t higit na tayo’y nasa gitna ng pandemya? Ayon sa kanya, “Well, I’ve always wanted to be on stage with my parents. I wanted them to be proud of me. Gusto ko talaga na every gagraduate ako is kasama ko sila sa stage na magsasabit sakin ng medal or something kasi since kinder hanggang senior high graduation ko is ganoon ang nangyayari. And sana, for this last stage of my school graduation is gusto ko kasama ko pa rin sila with me. And, that is what makes me strive more academically, despite any challenges.” Tunay ngang walang anumang pagsubok ang makakatibag sa tibay ng kagustuhan nating maabot ang ating mga pangarap at adhikain sa buhay.

Ibinahagi rin ni G. Inductivo kung anu-ano ang mga gawi niya noong nag-aaral pa siya, “Para sa’kin, yung pandemic talaga na yan is ang daming pros and cons. In terms of my study habits, it gives me plenty of time para gumawa ng mga assignments or mag-review ng mas mahabang oras unlike sa face-to-face kasi na need mo pang bumyahe or gumayak kapag papasok which is

Picture courtesy of Joderck Aldrich Inductivo nakakain iyong oras mo.” Ilan sa mga inugali niya sa pag-aaral, ay ang makasiguro na mayroon siyang natapos na gawain bago at pagkatapos ng klase. Sinisigurado rin niya na sapat ang kanyang tulog sa bawat araw, upang may lakas pa siya sa mga susunod pa. Hindi rin niya kinakalimutang ilagay sa listahan lahat ng mga gawaing pampaaralan upang maiwasan niyang makaligtaan, at kung kinakailangan ay isinasantabi niya muna ang ilan sa kanyang mga libangan upang magawa ang mga gawain at saka na lamang babawi sa ibang araw. Idinagdag pa niya na, “In short, ‘pag may mga gawain, ‘di ko na sila pinagtatagal to the point na magagahol ako dahil malapit

VOLUME 1 ISSUE NO. 1 FEATURES | 19

na deadline, hangga’t maaari matapos ko na dapat agad.” Sa mga nasambit ni G. Inductivo, ito ay nagpapatunay lamang na disiplina sa sarili ang isa sa maraming dahilan kung paano magiging madali at epektibo ang pag-aaral.

Samantala, sa kabilang banda ay naitanong din kay G. Inductivo kung alin ang mas mahalaga, ang mataas na grado ba or katanggap tanggap din ang mababang marka basta mayroong natutunan at narito ang kanyang tugon, “For me, both e. Minsan it’s okay for me na makakuha ng low grade lalo talaga pag may mga bagay akong hindi rin naiintindihan like sugal na ‘to bahala na. Instead na mag-cheat ako or something, I’d rather have a low grade. Lalo sa new platform ngayon ng mga exams, it’s easy to cheat but I’d chose not to do it very often, like ayoko lang din lokohin sarili ko na okay mataas grade ko but I’m not proud. Mas okay na yung mababa nakuha ko but I know na sakin lahat galing ng sagot at natuto ako from mistakes. But on the other hand, nagmamatter din talaga sakin grades. Grade conscious talaga ako since then, like pag alam kong may mali sa checking, irereklamo or ipapatama ko talaga. And siguro, kaya rin nagmamatter saken grades or grade conscious ako is because I have a goal din talaga na maging honor or something na may ma-achieve ako academically. “

Sa huling parte ng pagtampok sa isa sa mga mag-aaral na nagkamit ng Latin Honor ay ang sagot niya sa katanungan kung ano ang isang bagay na natutunan niya sa apat na taon niyang pag-aaral, na madadala niya sa susunod na parte ng kanyang buhay at ayon sa kanya, ito ay ang pagiging flexible. “Flexible in a way na kayang mag-adapt easily sa mga possible changes or in different circumstances na pwedeng mangyari. Given the pandemic na binago halos lahat ng learning platform, I still have to manage dapat on how to learn and mag-adapt sa bagong platform in a way na iyong matututunan ko is hindi maaapektuhan or malilimitahan. Despite sa lahat ng pagbabagong nangyayari salungat sa nakasanayan, I have to be flexible rin talaga to make changes sa study habits ko to cope with the new different platforms and environments. And, I know na yung pagiging flexible na ‘to is very beneficial for me sa mga future endeavors ko like sino man makasalamuha ko, saang industry man ako

Picture courtesy of Joderck Aldrich Inductivo mapunta, iba-ba man ang ugali na makakasalamuha ko, at ano mang mga pagsubok ang dumating sa pag-achieve ng mga bagay na pangarap ko, alam ko na kakayanin kong mag-adapt at any conditions and live with it. ALL IS WELL kumbaga.”

Sa anumang panahon lalo’t higit sa panahon na kinabibilangan natin ngayon, ay napakaraming bagay ang hahadlang para maabot ang isa sa hindi mabilang nating pangarap. Ngunit sa tamang pagtitimbang ng mga bagay-bagay kung ano ang dapat unahin at gawin, ay walang mahirap. Tulad nga sa isang kasabihan, walang matigas na tinapay sa mainit na kape.

This article is from: