1 minute read
Makisamang Mangarap: Para sa Pangarap
20 | LITERARY
Makisamang Mangarap: Para sa Pangarap ni Jarvis Grant Enriquez
Advertisement
Madalas sa buhay, kinakailangan natin makiramay o ‘di kaya naman maramdaman ang pakikiramay ng ibang tao lalo na sa mga taong talaga namang malapit sa ating mga buhay, tulad halimbawa ng ating pamilya, at mga kaibigan.
Ang salitang compassion sa tagalog ay pakikiramay. Ang paglagay ng ating sarili sa sapatos ng iba upang maramdaman o maintindihan natin kung ano ang pinagdadaanan nila. Isa pa sa kahulugan nito sa ingles ay “to suffer together”. Sa kabilang banda naman ang salitang dream sa tagalog ay pangarap. Na kung saan hindi na rin maitatanggi na marahil lahat tayo ay may kanya-kanyang pangarap.
Dalawang magkaibang konsepto, ngunit subukan nating pag-isahin.
Sa mundong ating kinatatayuan, kapansin-pansin namang hindi palagiang maayos ang ating kapaligiran. May mga gulo sa paligid — maingay, at makalat. May mga hindi maiiwasan na problema ang mundo, lalo na sa buhay ng isang tao. Madalas sa buhay, tayo ay lumalaban sa ating mga sariling problema, at dumarating sa puntong nangangarap tayong maintindihan ng iba. Hindi ba masarap sa pakiramdam ang maramdaman mong may kasama ka sa hamon ng buhay?
Sa loob ng ating mga tahanan, nararapat na nagsisimula ang pakikiramay. Dahil katulad ng unang mga nasambit, mas magaan sa pakiramdam kung ang nakikiramay sa iyong pinagdadaanan ay walang iba kundi ang iyong pamilya o kaibigan. Sa papaanong paraan nila naipapakita ang pakikiramay? Bago ang lahat, ang pakikiramay ay hindi lang naman makikita sa kung gaano mo bigyan ng payo ang isang tao, ito ay makikita rin sa paraan kung paano ka suportahan ng mga ito mula umpisa hanggang dulo. Sa pakikiramay ng ating mga mahal sa buhay ay hindi malayong madali nating malalagpasan
VOLUME 1 ISSUE NO. 1 LITERARY | 21
ang anumang pasanin sa ating mga buhay. Hindi ba’t ito naman ang ating gusto? Ang maramdaman natin sila sa ating tabi habang may mabigat sa ating dibdib. Ang pakikiramay ay makakatulong upang maintindihan natin ang pinagdadaanan ng bawat isa, hindi malayong matulungan nating makamit ang kanilang layunin sa buhay. At sa bawat pakikiramay kasabay nito ay paggaan ng mga nararamdaman. Sabihin mo hindi ba’t isa rin iyon sa hindi mabilang na pangarap mo? Ang maramdaman na maayos tayo sa kahit anumang bagay at sa mundo.