2 minute read

Hindi ako sila, pero hindi rin sila ako

Next Article
For You

For You

24 | LITERARY Hindi ako sila, pero hindi rin sila ako ni Khrizel Joy Peregrin

Madalas sa buhay, kinakailangan natin makiramay o ‘di kaya naman maramdaman ang pakikiramay ng ibang tao lalo na sa mga taong talaga namang malapit sa ating mga buhay, tulad halimbawa ng ating pamilya, at mga kaibigan. Minsa’y naisip mo rin ba kung bakit magkakaiba ang mga tao? Kung saan parang

Advertisement

VOLUME 1 ISSUE NO. 1 LITERARY | 25

pwede naman na magkakatulad na lang? Iyan ang madalas na sumasagi sa aking isip. Bakit hindi ako matalino? Ano kaya ang pakiramdam ng maging isa sa mga ito? O ‘di kaya’y kahit maging magaling man lang sa ibang larangan na mayroon sa mundo?

Sa sunod na higop ay naalala ko ang mga kamag-aral kong tila abakada lamang sa kanila ang sa aki’y mahihirap na problema sa matematika. Bakit sa akin ito’y isang lenggwahe na kung intindihin ay kumikirot na ang aking isipan at damdamin? Kailangan pang magsunog ng kilay upang matapos sa isang problema, ngunit sa iba’y isang subok lang at tapos na.

Bakit kaya hindi rin ako naging magaling sa pagsulat, pagkanta, at sa iba pang talentong meron sila? Pagtatanong sa mga tanong na namumuo sa aking isipan — iyan lamang yata ang talento na meron ako.

Nangangalahati na ang kape ng naisip ko rin na baka may mga tao ring nangangarap na maging ako. Mga taong may mas mahirap na kalagayan kaysa sa kung anong meron ako. Tulad halimbawa ng mga batang walang ibang pagpipiliian kundi ang magtrabaho kaysa mag-aral, ngunit heto ako at nagrereklamo sa hindi pagkakaroon ng talento, sa pagsumpa ng isang mahirap na problema sa matematika ngunit mayroon nga palang hindi man lang nabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral. Nagrereklamo sa kawalan ng talento sa pagsulat o pagkanta, ngunit mayroon nga palang may mga kapansanan, pero nagawan ng paraan na maging mahusay sa larangan ng sining, isports, at iba pang mga bagay.

Kaya siguro magkakaiba ang tao dahil paraan ito upang maging matatag at maging mas matapang tayo sa buhay. Hindi man tayo pare-pareho pero may mga bagay naman na pareho lang tayo, tulad na lamang na lahat tayo ay may mga pangarap. Mga pangarap na magsisilbi nating lakas sa mga pagkakataong ikinukumpara natin ang ating sarili sa iba.

Kasabay ng pagkaubos ng aking kape ay ang pag-iisip ko rin na hindi man sila ako pero hindi rin naman ako sila. Magulo pero isa lamang ang tiyak — lahat tayo ay may karapatang lumigaya at mahanap ang mga kakayahan natin. Ikumpara mo man ang sarili mo sa iba, pero sana sa bawat pagkukumparang iyong ginagawa, isipin mo rin na may ibang tao na gustong maging katulad mo.

This article is from: