The National Guilder April-June 2015

Page 1

THE NATIONAL

GUILDER Ang Opisyal na Pahayagan ng College Editors Guild of the Philippines

Abril-Hunyo 2015 LATHALAIN Sa likod ng doble-karang K to 12 ni Aquino | pahina 4 Midyang lumalaban sa krisis ng bayan | pahina 6 Huwag tantanan si Tan ng Tanduay | pahina 8 BALITA College editors salute work force, call for 16K wage | pahina 10 K to 12 at mataas na bayarin sa eskwela, binatikos | pahina 11

Mahigit isang libong mamamayan ang tumungo sa konsulado ng Tsina sa Lungsod ng Makati upang kundenahin ang patuloy na panghihimasok ng Tsina sa mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea noong Hunyo 12, Araw ng Kalayaan. Nag-caravan patungong embahada ng US sa Maynila ang mga lumahok upang tutulan ang papalaking presensya ng mga tropa ng US sa bansa. Larawan mula sa Tudla Producations.

US at China, alis sa Pilipinas! Panawagan ng kabataang mamamahayag sa Araw ng Kalayaan National News Bureau Nagtipon ang mga kasapi ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) kasama ang iba’t ibang organisasyon ng mamamayan sa Araw ng Kalayaan upang ipagtanggol ang soberanya at integridad na teritoryal ng Pilipinas laban sa panghihimasok ng United States at China. Nagtungo ang mga grupo sa mga embahada ng China sa Makati at US sa Maynila para tutulan ang patuloy na panghihimasok at agresyon ng US at China sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea kabilang ang mga isla Kalayaan at Panatag Shoal. “Ang pagkilos ng kabataan at mamamayan sa araw na ito ay pagpapakita ng pagkakaisa ng sambayanang Pilipino laban sa pagpasok ng mga pwersang militar ng US at China sa ating bansa na naglalagay sa ating

www.cegp.org

mamamayan sa panganib at tuwirang pagyurak sa ating soberanya bilang isang bansa. Hindi natin matatawag na tunay na malaya ang Pilipinas kung patuloy ang pagpapahintulot ng pamahalaan ni Aquino ang panghihimasok ng mga dayuhan sa ating teritoryo,” pahayag ni Marc Lino Abila, pambansang pangulo ng CEGP. “Patuloy na pinahihintulutan ng rehimeng US-Aquino ang pagpasok ng mga tropa ng Amerika sa ating bansa sa bisa ng Visiting Forces Agreement (VFA) at ang muling pagbabase ng pwersa ng US sa pamamagitan ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na nagpapataas ng tensyon sa China at iba pang bansa sa Timog-Silangang Asya na may inaangking mga isla at teritoryo sa West Philippine Sea,” paliwanag ni Abila. “Sa kasaysayan ng Pilipinas, walang

fb.com/CEGPNationalOffice

@CEGPhils

ibang idinulot na mabuti ang pagbabase ng Amerika sa Clark at Subic kundi paggamit sa ating bansa bilang launch pad ng mga digmaang inilunsad ng US sa Korea at Vietnam. Sa ‘di malayong hinaharap, maaaring gamitin muli ng US ang Pilipinas upang protektahan ang interes nito sa AsyaPasipiko habang isinasawalang-bahala ang kasarinlan ng Pilipinas at karapatan ng mamamayang Pilipino,” dagdag pa ni Abila. “Hindi dapat payagan ng mamamayang Pilipino ang ganitong pambubusabos sa ating soberanya at integridad na teritoryal. Ngayong Araw ng Kalayaan, lumabas sa lansangan ang mga makabayang Pilipino upang ipagtanggol ang ating kalayaan mula sa pagnanakop ng dalawang makapangyarihang bansa sa daigdig. Hindi tayo magpapasindak bagkus ay sama-sama tayong kikilos para sa Inang Bayan,” pagtatapos ni Abila.

The National Guilder


PAMBANSANG KOMITENG TAGAPAGPAGANAP 2014-2016 MARC LINO J. ABILA Pambansang Pangulo The LPU Independent Sentinel Lyceum of the Philippines University IAN HARVEY A. CLAROS Tagapagpaganap na Pangalawang Pangulo The Torch Publications Philippine Normal University

BLATANT CENSORSHIP House of Representatives blacklists media officers, campus journalists and activists Altermidya expresses grave concern over the House of Representatives’ (HOR) blacklisting of at least 50 individuals including sectoral leaders and activists, a journalism professor, campus journalists, and media liaison officers of national student organizations, among others. A memo dated March 18, 2015 with the subject “Blacklisted/Banned Persons to the House of Representatives” issued by the HOR’s Legislative Security Bureau attacks freedom of expression, curtails the freedom assembly and association, and undermines the principle of government transparency and accountability. It was only this May 2015 that the security memo was divulged after members of the house security unit enforced more constricting measures and disallowed the entry of those associated with the Makabayan bloc of progressive partylists. Included in the list are University of the Philippines Diliman journalism professor Danilo Arao and College Editors Guild of the Philippines (CEGP) National President Marc Lino Abila. Arao and Abila are both columnists of Pinoy Weekly, a progressive newsmagazine published by PinoyMedia Center. Also in the blacklist are League of Filipino Students (LFS) Media Officer Charlotte Velasco and National Union of Students of the Philippines (NUSP) Media Liaison Officer and Filipino Student Editor-in-Chief John Clifford Sibayan, among others. Those in the blacklist allegedly violated the rules of the House regarding “decorum” and “proper behavior” for making political calls during conferences and sessions, and for displaying banners and placards that bore the general sentiments of oppressed and marginalized sectors. These individuals were blacklisted without the benefit of due process. Blacklisting individuals for expressing their views is directly violative if Article III Section 4 of the Constitution and is repressive and regressive, and reminiscent of martial law repression. We must never forget that an insecure government afraid of criticism and dissent will utilize all violent and repressive means possible to remain in power, however illusory that power has become. These include the dissolution of the campus and alternative press, which, together with student councils and nationalist sectoral organizations, were a credible source of truth during the Marcos dictatorship and subsequent administrations. Clearly, barring the entry of individuals into the House of Representatives is a curtailment of both the right to free expression and the citizen duty to monitor and hold government to account. While each person included in the blacklist has played a pivotal role in ensuring transparency and accountability in government, the blacklist also imperils the right of all Filipinos to express themselves. Meanwhile, the media officers and campus journalists cover House hearings from the people’s point-of-view, and help in informing the public on matters usually underreported or marginalized by dominant corporate-driven media. Many of those in the blacklist, including members of the academe, are also frequently invited by different House committees to share their expertise on the proposed legislation as key resource persons and credible sources of information. Altermidya joins calls to review and lift the said security memo, in defense of the people’s right to freedom of expression, assembly and a free press. *Altermidya: People’s Alternative Media Network is a national network of alternative and progressive media organizations, journalists, and media practitioners. CEGP is a founding member of Altermidya.

THE NATIONAL GUILDER

Ang Opisyal na Pahayagan ng College Editors Guild of the Philippines PUNONG PATNUGOT: Marc Lino J. Abila DIBUHO SA EDITORYAL: John Thimoty Romero KATUWANG NA PATNUGOT: Ian Harvey Claros MGA KAWANI SA ISYU: Kevin Armingol, Charina Claustro, Mary Rose Iggie Espinoza, Athena Gardon, Cristi Ilagan, Elijah Felice Rosales

Para sa mga kontribusyon at pakikipag-ugnayan sa patnugutan, maaaring magpadala ng email sa cegp. newsdesk@gmail.com.

LIANA ACUZAR Pangalawang Pangulo para sa Luzon The Louisian Courier University of Saint Louis Tuguegarao FRANEL MAE POLIQUIT Pangalawang Pangulo para sa Visayas Tug-Ani University of the Philippines Cebu ROCHAMAE BIHAG Pangalawang Pangulo para sa Mindanao Mindanao Varsitarian Mindanao State University ATHENA GARDON Pambansang Pangkalahatang Kalihim The Manila Collegian University of the Philippines Manila JIAN CARLO GOMEZ Pambansang Pangalawang Pangkalahatang Kalihim KALasag University of the Philippines Diliman-College of Arts and Letters CHARINA CLAUSTRO Pangalawang Pangkalahatang Kalihim para sa Luzon The Communicator Polytechnic University of the Philippines-College of Communication NAYZA TRAYCO Pangalawang Pangkalahatang Kalihim para sa Visayas UP Vista University of the Philippines Visayas-Tacloban NUR JANNAH KAALIM Pangalawang Pangkalahatang Kalihim para sa Mindanao Himati University of the Philippines Mindanao

PAMBANSANG KALIHIMAN JUBERT CABREZOS The Philwomenian, Philippine Women’s University JOSE MARI CALLUENG The National, National University STEVEN DASECO The LPU Independent Sentinel, Lyceum of the Philippines University MARY ROSE IGGIE ESPINOZA The Arellano Standard, Arellano University MICHELLE LADO Cyber Isko, University of the Philippines Open University ELIJAH FELICE ROSALES Ang Pahayagang Plaridel, De La Salle University GENESIS SORIANO The Spark, Southern Luzon State University-Lucban College of Engineering JOANNA MARIE UDARBE The Manila Collegian, University of the Philippines Manila

College Editors Guild of the Philippines Pambansang Tanggapan Pamuhatan: Room 305 National Press Club Bldg., Magallanes Drive, Intramuros, Manila 1002 Numero ng mobile.: (+63)928-980-2646 Email: cegphils@gmail.com Website: www.cegp.org Facebook: fb.com/CEGPNationalOffice Twitter at Instagram: @CEGPhils Issuu: issuu.com/thenationalguilder


EDITORYAL

THE NATIONAL GUILDER Abril-Hunyo 2015

3

Binebentang kinabukasan

S

a pagbubukas ng klase ngayong Hunyo, sinalubong ng samu’t saring problema ang mga mag-aaral, guro at magulang dahil sa patuloy na pagpupumilit ng administrasyong Aquino sa pagpapatupad ng makadayuhang programang K to 12, walang patid na pagtaas ng matrikula at other school fees (OSF), at ibayong deregulasyon at komersyalisasyon sa sistema ng edukasyon. Hindi natinag ang rehimeng Aquino sa malawak na pagtutol ng kabataan sa mga panukalang kontra-kabataan at kontra-mamamayan sa sistema ng edukasyon. Lalong pinasasahol ng mga patakaran ni Aquino ang matinding krisis ng edukasyon sa bansa. Ngayong taon, 313 na pribadong kolehiyo at unibersidad ang pinahintulutan ng Commission on Higher Education (CHED) na magtaas ng matrikula at pilit na binibigyang katwiran ang paniningil ng pagkamahal-mahal na OSF. Aabot ang national average tuition hike ng P37.47 kada yunit habang ang national average OSF hike ay P212.20. Pinayagan naman ng DepEd na magtaas aabot sa 29 bahagdan ang matrikula at OSF ang 1,246 na mga pribadong paaralan sa basic education. Sa patuloy na pagtaas ng halaga ng edukasyon, hindi maikakaila ng rehimeng Aquino na pinag-iibayo nito ang deregulasyon at komersyalisasyon sa edukasyon. Layunin nitong isapribado at tuluyang bitawan ng pamahalaan ang tungkulin nito na bigyan ng abot-kaya at dekalidad na edukasyon ang mamamayang Pilipino. Kahit pa sabihin ng gobyerno na may remedyo ang pagtaas ng matrikula at OSF tulad ng Student Financial Assistance Programs (StuFAPs) at scholarship programs sa kolehiyo at voucher system sa senior high school (SHS), hindi pa rin ito ang makabuluhang tugon na magbibigay ng edukasyon sa mas maraming kabataan. Pawang mga band-aid solution lamang sa malubhang suliranin sa sistema ng edukasyon. Nananatiling bingi at inutil ang administrasyong Aquino, CHED at DepEd sa malakas na pagtutol ng kabataan at iba pang sektor sa patuloy na paglalayo ni Aquino ng karapatan sa edukasyon ng mamamayan. Paulit-ulit nang dumulog at nagprotesta ang mga progresibong organisasyon ng kabataan sa mga ahensiyang ito ngunit

laging ‘di tumutugon ang mga opisyal nito sa mga makatwiran at lehitimong hinaing ng kabataan at mamamayan. Sa ganitong pagsasabwatan nina Aquino, Luistro, Licuanan at mga kapitalista-edukador, lalong dadagsa ang mamamayan sa lansangan upang kundinahin ang patuloy na pagpapatupad ng mga kontramamamayang patakaran sa edukasyon, lalo na ang pagkukumahog ng rehimen sa pagpapatupad ng K to 12 at ASEAN Integration na dikta ng mga dayuhan partikular ang Estados Unidos. Layon ng K to 12 ang magluwal ng semi-skilled at murang lakaspaggawa para sa malalaking korporasyon at dayuhang merkado sa balangkas ng labor-export policy. Isusulong nito ang lalong pangaabuso at pagpapababa sa sahod ng manggagawang Pilipino. Nilalagay ng K to 12 sa bulnerableng posisyon ang kabataan para pagsamantalahan ng dayuhan. Pinagpapatuloy naman ang pagpapatupad ng CHED sa depektibong CMO No. 3, series of 2012 at lalo pang pinahihintulutan ang pagtaas ng bayarin ng mga pribadong kolehiyo at unibersidad habang patuloy ang maliit ang badyet ng state universities and colleges (SUCs) na nagbubunsod ng pagtaas ng bayarin at pagpapaupa at pagsasapribado ng mga ari-arian ng SUCs para tugunan ang kakulangan ng pondo. Sa militanteng pagtutol ng kabataan at estudyante sa mga patakaran sa edukasyon, hindi nawawala ang pandarahas at panunupil sa mga demokratikong karapatan sa loob ng kampus. Nariyan ang panggigipit ng mga administrador ng paaralan sa mga progresibong konseho, publikasyon at organisasyon ng mga estudyante para pigilan at supilin ang malayang pagpapahayag sa tunay na kalagayan ng edukasyon. Tuwiran at lantaran din ang ginagawang pasismo sa mga kasapi ng mga progresibong grupo sa loob ng mga kampus sa paggamit ng student intellignence at Reserve Officers Training Corps (ROTC) upang tiktikan at takutin ang mga mag-aaral na lumalaban sa pagtaas ng bayarin at iba pang ‘di makatarungang patakaran. Sa tumitinding paglabag ng rehimeng Aquino sa mga karapatan ng kabataang estudyante at mamamayan sa edukasyon, nararaapat na magpatuloy at malakas na bitbitin ang panawagan upang ibasura ang mga patakarang K to 12, deregulasyon at komersyalisasyon na taliwas sa mithiin ng mamamayan para sa isang pambansa, siyentipiko at makamasang porma ng edukasyon.


4

LATHALAIN

THE NATIONAL GUILDER Abril-Hunyo 2015

Sa likod ng doble-karang K to 12 ni Aquino Charina Claustro The Communicator, Polytechnic University of the Philippines College of Communication

Larawan mula sa League of Filipino Students

Sa TV ko lang nalaman na itutuloy nila. Ayaw kong maniwala noong una. Pero ang totoo natakot ako, natakot ako sa pag-aaral ko, natakot ako sa K [to] 12,” bakas sa mukha ni Princess ang hindi maitatagong pangamba.

Si Princess Balabal, 16 na taong gulang at kasalukuyang estudyante ng Grade 10 sa ilalim ng programa ng K to 12 sa Manuel Roxas High School sa Lungsod Quezon. Kasama siya sa mga unang sumailalim sa K to 12 noong 2012 at sila rin ang unang papasok sa senior high school (SHS) sa 2016. Papalapit pa lang ang araw ng pasukan dumagsa ang kabi-kabilang problema. Umugong ang isyu sa papalapit na implementasyon ng SHS ng K to 12. May “K” ba ang K to 12: Kahandaan, Kaayusan, Kalidad? Madalas na ipinapamandila ng rehimeng Aqunio sa kanyang mga talumpati ang Enhanced Basic Education Act of 2013 o Republic Act No. 10533 o mas kilala bilang K to 12 bilang sagot sa mga problema ng edukasyon at kahirapan. Kaya naman hindi na bago sa mga magulang at mga estudyante ang isyu na ito. Ang alam ng karamihan, dagdag na dalawang tao sa ating basic education. Isinabatas nang agaran at palihim ayon sa mga kritiko noong Mayo 15, 2013. Mula sa datos ng Kabataan Partylist, mayroong kabuuang 202,356 kakulangan sa mga klasrum para sa taong 2013-2014 at 209,539 naman sa taong 2014-2015. Mayroon ding 114,304 na kakulangan sa bilang ng mga guro batay sa 1:30 na teacher-student ratio, 2.5 milyong kakulangan sa mga sanitation and water facility, at 60 milyong kakulangan sa mga libro. Sa kabila ng mga kakulangan na ito, tengang-kawali ang tugon ng gobyerno at sa halip mariin pa ring ipinipilit ang K to 12 bilang sagot sa lahat ng problema. Sa dagdag na dalawang taon sa SHS, ang programa ay mayroong apat na tracks. Ang mga ito ay academic, technical-vocational livelihood, sports, at arts and design. Ang layon nito ay pagtutulak sa mga kabataan

na magpakadalubhasa sa mga nabanggit. Nakasisilaw ang pangakong hatid ng programa, isang dekalidad na edukasyon, edukasyong may kagyat na trabaho at para sa lahat. Ngunit sa tatlong taon ng programa na sinimulan noong 2012, nanatili pa rin ang mga problemang kinakaharap ng edukasyon sa Pilipinas. Nananatili ang mga kakulangan at lalo pang lumalala ang kalagayan ng edukasyon. Ayon sa Department of Education (DepEd), 48.7 porsyento ng SHS ay mag-aalok ng technical-vocational at 49.7 porsyento naman ang academic track. Ang natitira naman ay pinaghahatian lamang ng sports (0.9 porsyento) at arts and design (0.8 porsyento). Sa pamamagitan diumano nito ay matitiyak ang trabahong mahahanap ng mga kabataan. Makikita sa ganitong balangkas ng K to 12 ang pagtutulak ng kabataan na kunin ang tehnical-vocational track at pagibayuhin ang labor-export policy ng gobyernong Aquino na naglalayong patapusin ang kabataan bilang mura at semi-skilled na lakas-paggawa para sa mga multinasyunal at transnayunal na korporasyon at dayuhang merkado. Kapansin-pansin na ang mga kursong ituturo sa technicalvocational track ay nakabatay sa mga pangangailangan ng dayuhang bansa tulad ng Canada, Saudi Arabia, United Arab Emirates, atbp. Daan sa kawalan ng edukasyon Sa susunod na taon, inaasahan na aabot sa 2.2 milyon ang papasok sa SHS at karamihan ay mula sa pampublikong paaralan. Ngunit sa ayon sa DepEd, 800,000 hanggang 1.1 milyon mag-aaral o halos kalahati ng 2.2 milyon ang kayang saluhin ng mga pampublikong paaralan na magtuturo ng SHS. Sa talaan din nila nakalagay na sa halos 7,976 na mga publikong paaralan, 3, 893 lamang sa mga ito ang inaasahang magbibigay ng SHS. Sa Kamaynilaan, apat na mga lungsod ang hindi magbibigay ng pampublikong SHS, ito ay ang mga lungsod ng Makati, San Juan, Parañaque, at Caloocan. Ayon sa organisasyong Anakbayan, maaaring umabot sa isang milyon ang bilang ng dropout sa susunod na taon dahil sa SHS. Sa


LATHALAIN

THE NATIONAL GUILDER Abril-Hunyo 2015

5

nakakabahala ngunit hindi nakapagtataka dahil sa kasalukuyan ay napakataas ng tantos ng walang trabaho sa loob ng bansa. Sa unang taon pa lamang ng panunungkulan ni Aquino, pumapalo ito sa 600,000 ang walang trabaho. Bunga ng sala-salabit na problema na ito sa K to 12 inaanak naman nito ang sistematisadong kahihinatnan ng mga kabataang Pilipino. Magkukumahog ang mga kabataang nakapagtapos ng K to 12 na makapaghanap ng trabaho sa loob at labas ng bansa. Sa ganitong sitwasyon na papasok ng maaga ang kabataan sa pagtatrabaho, mas lalong lalala ang pananamantala at mas bababa ang sahod ng manggagawang Pilipino. “Anong mangyayari sa amin? Marami sa mga kaklase ko ang nag-iisip ng tumigil, magtratrabaho na lang daw sila. Nakikinita ko na ang mangyayari sa amin kung sakali, para kaming mga karne, dudumugin ng mga buwitre’t buwaya hihimayhimayin, pag-aagawan hanggang sa wala ng matira sa amin,” saad ni Princess. Nasa gitna ang mga kabataan ngayon sa mga problema sa kasalukuyang sistema ng edukasyon sa ating bansa. Kitang-kita na Si Princess Balabal (kaliwa) kasama pa ang ibang kabataan sa isang pagkilos laban sa K to 12 at labor-export unti-unting ginigisa ng komersyalisado, policy sa harap ng tanggapan ng DepEd-NCR. Larawan mula sa PinoyWeekly.org kolonyal at pasistang sistema na ito ang kasalukuyang tala, umaabot na sa apat na milyon ang mga dropout sa mga kabataan. elementarya at hayskul samantalang nasa 2.3 milyon naman ang mga Para sa mga tulad ni Princess, binabasag ng sistema na ito ang mga dropout sa kolehiyo. Nasa 24.5 na porsyento ng mga out-of-school youth pangarap nila. “Ang gusto kong kurso Pyschology, pero mukhang na edad 16-24 dahil sa mataas na gastos sa pag-aaral samantalang nasa malabo ng makuha ko ito dahil sa K to 12, unti-unti ng lumalayo ang 26.1 porsyento naman ay napilitan na lamang maghanap ng trabaho pangarap na ito, ” wika niya. dahil sa kahirapan. Ngunit dahil na rin sa K to 12 lalong napatunayan na ang tanging Inaasahan na ng DepEd ang magiging reaksyon ng mga Pilipino sagot sa dekalidad at libreng edukasyon ay paghubad sa maskarang at agad na ibinida ang voucher system na diumano’y nagpapatunay ito at palitan ng panibagong sistema. Ang panawagan ng pagbabasura na walang dapat ikabahala ang mga magulang sapagkat may badyet rito ay karugtong at lalong nagpapalakas sa panawagang palitan ito na nakalaan sa mga hayskul na hindi papalaring makapasok sa mga ng isang makabayan, siyentipiko, at makamasang edukasyon. Ibig pampublikong eskwelahan. Sa pamamagitan ng voucher system, ang sabihin nito ay isang sistema ng edukasyon kung saan ang pinagmga estudyante ng SHS ay maaari ng pumasok sa mga pribadong aaralan ay nakabatay sa pangangailangan ng sariling bansa at abotpaaralan gamit ang voucher bilang pambayad ng matrikula. Ngunit kaya sa mamamayan. sa badyet na inilaan dito na aabot sa P13.2 bilyon hanggang P19.8 Kaya’t para sa mga tulad ni Princess, ang tunay na pwesto ng bilyon ay kulang pa rin sa mahigit dalawang milyong kabataang kabataan ay hindi sa gitna o sa huli, sila ang nasa unahan. Nangunguna papasok sa SHS. para lumaban. Walang kasiguraduhan ang mga hayskul sa panukalang ito, hindi tiyak na matatanggap ang subsidyo bagkus ay magbabayad pa rin sila lalo na’t mataas ang matrikula sa mga pribadong eskwelahan. Aabot lamang sa P5,000 hanggang P22,000 ang halaga ng isang voucher na nakadepende ang halaga batay sa klasipikasyon ng DepEd sa mga lugar at eskwelahan. Sa pananaliksik ng League of Filipino Students (LFS), aabot ng P100,000 ang gastos ng isang mag-aaral sa pampublikong SHS at doble naman sa pribadong SHS sa P200,000. Kasama na rito ang pamasahe, pagkain, uniform, school supplies, tools and equipment, at iba pang kinakailangan sa pag-aaral. Tiyak na pagkukunutan na ng noo ng mga magulang kung saan huhugot ng pera para sa mga ito. Paano naman ang mga pamilyang hindi umaabot sa minimum na sahod? Binasag na pangarap Sa talaan ng Migrante International, isang organisasyon ng mga manggagawang Pilipino sa ibayong-dagat, 6,092 na mga Pilipino ang lumalabas ng bansa kada araw para maghanapbuhay. Lubhang

Kinundena ng mga mag-aaral ang pagpupumilit ng pamahalaan ni Aquino sa pagpapatupad ng K to 12 at ang patuloy na pagtaas ng bayarin sa mga paaralan sa pagbubukas ng klase noong Hunyo 1. Kuha ni Marc Lino Abila.


6

THE NATIONAL GUILDER Abril-Hunyo 2015

LATHALAIN

Midyang lumalaban sa krisis ng bayan Pagbusisi sa kredibilidad at kabuluhan ng advocacy journalism Cristi Ilagan at Elijah Felice Rosales Ang Pahayagang Plaridel, De La Salle University

P

inaniwala tayo ng tradisyon na hindi dapat pumapanig ang midya. Sabi nga ng isang higanteng mainstream network: Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, walang kasinungalingan, serbisyong totoo lamang. Tumutugon umano sa trabaho nila sa taumbayan ang mga mamamahayag kung mananatili itong neutral o unbias sa mga isyung kinasasadlakan ng lipunan. Bawal kumampi, bawal manindigan, tagapaghatid lamang ng katotohanan. Sa kabila nito, marami na ring nagdududa sa tunay na kakayahan ng midya bilang tagapagsulong ng pagbabago. Pagkatapos ihatid sa telebisyon, dyaryo, at radyo ang balita, anong gagawin ng taumbayan sa ipinamahaging impormasyon sa kanila? Matapos ihayag na umangat ang ekonomya ng bansa, na si Aquino ang pangunahing dapat managot sa Mamasapano encounter, na kinaltasan ng badyet ang sektor ng edukasyon, may pagbabago nga bang nakamit? Hindi ba’t maituturing na ring apathy ang pagiging neutral sa gitna ng krisis ng bayan? Ito ang pangunahing binalikwas ng advocacy journalism. Bitbit ang layuning makapagambag sa pagbabagonglipunan, binasag ng advocacy journalism ang nosyong walang dapat na kinakampihan ang midya. Pangunahing prinsipyo ng pagkilos na ito ang mulatin ang masangtagasubaybay sa mga napapanahong isyu. Higit sa lahat, pakay nilang pakilusin ang sambayanan na umaksyon sa problema ng lipunan. Pumapanig sila kung kinakailangan at hinihikayat ang taumbayan na sundin ang adhikain o paniniwalang kanilang isinusulong.

Samakatuwid, hindi lamang katotohanan ang ipinaglalaban ng advocacy journalism kundi kapakanan at pangangailangan ng mga marhinalisadong sektor ng lipunan. Tunggalian ng nakasanayan at ng bagong larangan Kung susundin ang tradisyonal na pananaw, mahigpit na pinagbabawalan ang midya na kumampi sa anomang panig ng argumentong inilahahad nito. Dulot ng layuning absolute objectivity, pilit tumatayo sa neutral grounds ang mga mamamahayag upang matiyak ang kawalan umano ng kinikilingan. Dagdag pa rito, pinagbabawalan din ang mga peryodista (journalist) na magbigay ng anomang opinyon o komentaryo sa mga napapanahong isyung panlipunan maliban na lamang kung editoryal ang artikulo sa dyaryo o social commentary program ang palabas sa radyo at telebisyon. Ito ang kasanayang isinasakatuparan ng mainstream at ilan pang traditional media: ang pamantayan ng basic journalism. Kung kaya’t maituturing na subersibo at mapangahas ang advocacy journalism dahil tinatalikuran nito ang pormula at estrukturang itinaguyod ng basic journalism. Isinusulong ng advocacy journalism ang makatotohanang pagmumulat ng kaisipan ng mamamayan sa pamamagitan ng paghahatid ng balitang may paninindigan. Taliwas man sa kombensyon at madalas akusahang propaganda ng mga radikal, pinatutunayan ng bagong midyang ito ang kakayanan ng pamamahayag na makapagsulong ng interes ng masang sambayanan kasabay ng obligasyong makapaghatid ng katotohanan. Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kay Max B. Santiago, graphics editor ng Manila Today, isang online newspaper, inihayag niyang matindi ang pangangailangan ng bias sa journalism sa kasalukuyang panahon. Aniya, “Nangangailangan ng bias ang media upang mabigyan ang boses ang mamamayang ‘di nabibigyang-pansin sa mainstream [platform].” Ipinaliwanag ni Santiago na kontrolado ng malalaking negosyo ang mainstream networks kung kaya’t karaniwan lamang na panigan nito ang interes ng kapitalismo. Samakatuwid, hindi nito nabibigyan ng tamang tuon ang mga marhinalisadong sektor ng bansa gayong mas isinasaalang-alang nito ang interes ng mga korporasyon (advertisements, commercial airtime,


LATHALAIN

endorsements, tie-up projects). Kung anong papatok sa panlasang popular at kikita ng salapi, ibabalita ng mainstream networks, tulad ng sex scandal ng kilalang mga artista, wedding sensationalism ng bigating mga pangalan, at ilan pang walang kabuluhang balita. Pahayag ni Santiago, “Tinatawag itong mass media (giant news networks) dahil [para ito sa madla]. Pero may kontradiksyon sa terminong ito mismo dahil ang mga bilyonaryo ang may hawak ng media at hindi ang masa.” Sa kabilang banda, naniniwala ang progresibong graphics editor sa kakayanan ng advocacy journalism na makapanghimok ng argumento at diskurso sa loob mismo ng komunidad ng masang sambayanan. Sa pamamagitan ng paggamit ng online media, nagsisilbi nang lunsaran ng opinyong pampubliko ang mga tulad ng Manila Today gayong kontrobersyal at radikal ang paglalahad nila ng mga napapanahong impormasyon at balita. Dagdag pa rito, mas malapit sila sa panlasa ng kabataan at gitnanguring intelektuwal gayong madalas na online platform ang nagsisilbing tahanan ng advocacy journalism. Dulot ng katanyagan ng social media at Internet, mas nauunang makarating sa diwa’t kaisipan ng mambabasa ang isang isyu batay sa paglalahad ng mga advocacy journalists. Sa ganitong patakaran mas nahihikayat ang taumbayan na lumahok sa mga krisis ng bayan. Ani Santiago, “Sa pamamagitan ng online media, nagagamit natin ang platform na ito upang makapaglinaw sa mga isyu. Hulmahan ng opinyong publiko ang social media. At kung epektibo ang paggamit nito, makapagpapakilos ito ng mamamayan para sa pagbabago.” Ibinigay na halimbawa ni Santiago ang matagumpay na pagkilos ng masa laban sa Anti-Cybercrime Law noong 2012. Matatandaang umani ng kabi-kabilang batikos mula sa netizens ang batas na siyang nagtulak sa taumbayan na maglunsad ng sunod-sunod na kilosprotesta laban sa pagpapatupad nito. Dulot ng kolektibong pagkilos, napatawan ng indefinite restraining order ang Anti-Cybercrime Law. Kung sisipating mabuti, kung hindi dahil sa advocacy journalism na naglantad ng mga kamalian ng batas, malamang na hindi ito matutugunan sa pinakamaagap na panahon at maaaring napatupad ng tuluyan ang mapaniil nitong mga probisyon. Adyenda ng mainstream laban sa prinsipyo ng alternative May tinatawag na agenda setting sa larangan ng journalism. Sa ilalim ng patakarang ito, tinutukoy ng midya kung anong nais nilang palabasing imahen ng isang isyu sa mata ng taumbayan. Kung nais nilang siraan ang maralita, maaari nilang palabasin na tamad ang mahihirap na Pilipino sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagbabanggit na maraming walang trabaho kahit pa kakulangan sa oportunidad ang ugat ng problema. Kung pakay nilang pabanguhin ang reputasyon ng Pangulo, pauulanan nila ang kanilang headlines ng mabubuting nagawa umano ni Aquino sa kabila ng lantaran niyang kapalpakan. Madumi ang sistema sa midya, partikular sa sirkulasyon ng mainstream platform, gayong sinusubok nilang hulmahin sa maling kaisipan ang masang-tagasubaybay. Taliwas sa kasanayang ito ang isinusulong na prinsipyo ng

THE NATIONAL GUILDER Abril-Hunyo 2015

7

advocacy journalism bilang uri ng altenatibong midya. Ayon kay Flor Chantal Eco, director for video ng progresibong media platform na Tudla Productions, agad na matutukoy ang malaking pagkakaiba ng traditional journalism sa advocacy journalism batay sa layuning ipinamumukha nila sa madla. Naglilingkod sa ngalan ng negosyo ang higanteng networks na siyang kabaligtaran ng advocacy media na nagsisilbi sa interes ng maralitang Pilipino. Para kay Eco, inilalako ng mainstream media ang balita batay sa kapatukan nito kung kaya’t nawawalan ito ng saysay at kabuluhan. Sa kabilang banda, inamin din naman niyang bagamat slanted at bias ang advocacy journalism, tinitiyak naman nilang balanse ang pamamahagi ng balita at ipinapakita nito ang parehong anggulo ng diskurso. Sa huli, hindi lamang nasisikmura ng mga advocacy journalists na manatiling neutral habang nasasaksihan nila kung paano tinatapakan ng malalaking institusyon ang karapatan ng sambayanan. “Sa pagiging neutral, hinahayaan mo na lamang ang pananatili ng oppressive status quo at walang pagbabago ang magaganap dito,” pagdidiin ni Eco. Para naman kay John Arvin Reola, national council member ng College Editors Guild of the Philippines, m a h a l a g a n g pumanig ang mga mamamahayag ngayon lalo pa’t talamak ang kaso ng mga paglabag sa karapatang-pantao. Nararapat matutuhan ng mga peryodista na ipaglaban maging ang karapatan ng mga taong paksa nila sa artikulo’t mga balita. Ani Reola, “Sa kalagayan ngayon ng mainstream media, makikita talaga kung bakit kailangan ng isang mamamahayag Kuha ni Chantal Eco na mamili ng mga isyu […] na nakaaapekto sa mas nakakarami. Iba pa rin ang kuwento ng HRVs (human rights violations) at displacements (ng mga katutubo) [kaysa] sa mga kinakasal na politiko at artista.” Bilang campus journalist, naniniwala si Reola sa kakayanan ng advocacy journalism na makapaglunsad ng malayang diskurso sa pagitan ng mga masang-tagasubaybay. Higit sa lahat, nagsisilbi itong plataporma kung saan nabibigyang-linaw ng may kritikal na perspektiba ang nagtutunggaling panig sa isang napapanahong isyu. Advocacy journalism: Susi sa mapagpalayang pamamahayag Walang mali sa pagpanig; may mali kaya dapat pumanig. Sa isang lipunang patuloy na binabagabag ng mga kontrobersya, isyu, eskandalo, korupsyon, at madilim na kasaysayan, walang katotohanang makakamit sa simpleng paghahatid lamang ng balita. Higit sa lahat, walang hustisyang matatamo kung mananatiling apathetic ang mga taong nagsisilbing tagapagmandila ng diskurso at impormasyon. Samakatuwid, tanggapin nating nagbabago ang panahon kung kaya’t kinailangan ng mga mamamahayag na lumabas sa kombensyon ng basic journalism at lumikha ng mga makabagong uri ng pamamahayag tulad ng advocacy journalism. Tandaan nating upang marating ang isang malayang lipunan, kailangan nating magsulong ng mapagpalayang kilusan. *Ang akdang ito ay unang nailimbag sa Ang Pahayagang Plaridel noong Abril 9, 2015.


8

THE NATIONAL GUILDER Abril-Hunyo 2015

LATHALAIN

Huwag Tantanan si Tan ng Tanduay

Larawan mula sa PAMANTIK-KMU

Kevin Armingol The Torch Publications, Philippine Normal University

M

ay butil-butil pa ng tubig-ulan nang alisin ko sa pagkakabalot ang plastik-labo ng aking cell phone. Iniabot ‘to sa ‘kin kanina ng isang manggagawang nakatalukbong lang ng bimpo sa ulo habang nakikisilong kami sa kanilang piket. Katatapos lang kasi no’ng bumuhos ang ulan na sinabayan pa ng malakas na ihip ng hangin. Nakatutuwang sa pang-anim na araw nilang pagwewelga ngayong May 23 sa labas ng Gate 2 ng Asia Brewery Compound (ABI), pagkagutom, walang-humpay na water cannon at pamamato sa kanila ng mga tauhan ni Lucio Tan, tila manhid na sila sa simpleng buhos ulan. Inilagay ko sa basurahan ang plastik. Kasabay ng pagtila ng ulan ang pagpapaabot ng mensahe ng iba’t ibang organisasyon.Kabilang kaming nasa Alliance of Concerned Teachers (ACT) na bumiyahe pa-Sta. Rosa, Laguna, buhat pa sa Maynila, para suportahan ang panawagang pagpaparegular sa halos 400 manggagawang kontraktwal ng Tanduay Distillers Inc. Nakibitbit din kami ng kanilang mga plakard at nanghingi ng donasyon sa mga dumaraang sasakyan. Nakatutuwang karamihan sa mga nagbigay ng tulong ay mga manggagawa ring dypni drayber at mga nakamotorsiklo. Napangiti rin ako sa isang drayber na nagde-deliver ng mga prutas. Iniabot niya sa mga kasama namin ang pakwan na may konting biyak sa gitna. Bago namin napuntahan ang ABI, nalaman kong hindi lang pala mga manggagawa ng Tanduay ang nagwewelga sa Laguna. Nahagip ko sa daan ang mga itim na telang nakasabit sa gate ng pagawaan ng Phil Steel Workers Union (PWU) tungkol sa nakabubuhay na paggawa at ganoon din sa Cabuyao ang NXP Semi Conductors. Napalingon din ako sa lawak ng pabrika ng Nestlé at naalala ang welga ng mga manggagawa roon noong 2004. Sumakay ulit kami sa sticker van ng ACT. Napagplanuhan namang magsagawa rin ng welga sa Gate 3 naman ng ABI kasama ang iba’t ibang organisasyon at karamihan sa mga manggagawa ng Tanduay. May mga naiwan din para magbantay sa piket. Binagtas namin ang makitid na kalye papuntang Gate 3. Sakto lang ito sa dalawang sasakyan kaya may mga nakamotorsiklong napapatigil sa gilid para lang paraanin ang mga dumaraang sasakyan.

Mga barumbarong at mga matandang nagwawalis ang bumungad sa amin sa kanang bahagi ng kalye. Sa kabila, halos lagpas-taong bakod na may barikada ng alambre. Natanaw ko sa malayo ang magkakapatong na beer case na may iba’t ibang kulay at nakaparadang delivery truck at multicab ni Lucio Tan. Tanaw rin ang malaking warehouse ng Tanduay na nakatikom ang malaki nitong pinto. Para lang may mapaglibangan, nagkwentuhan muna kami sa loob ng van. Hanggang ang kwentuhan ay maging tawanan at biruan. Kesyo baka kami naman daw ang bobombahin ng tubig. Wala tayong shield, hirit ng isa. Okey lang ‘yan, bira naman ng isa, may hindi pa naman naliligo, e, at mga kung ano-ano pang tawanan para lang may mapaglipasan ng oras at magpagpag ng pagod tulad ng sa mga kwentuhan ng mga nag-uumpugang bote. Natigil lang kami sa pagbabatuhan ng kantiyaw at biro nang tumili ang isa naming kasamang estudyante. Nabigla raw siya sa nakadungaw na ulo sa bakod ng pagawaan. Napalingon ako sa tiningnan niya. Kalbo na naka-long sleeve na white. Tiyak na sekyu ni Lucio Tan. Lalo kaming nagtawanan. ‘Kala namin kung ano na ang nakita niya. Maya-maya pa mapapansin namin ang paisa-isang nakamotorsiklo na mga nakacrew cut at nakatingin sa likod ng sasakyan namin (parang tumatagos sa salamin ang titig nila sa ‘min) habang pumipindot-pindot sa cell phone. Ini-report na kami, paniniguro namin lalo na’t tukoy ang dala naming sticker van. Sa pagliko sa mahaba at makitid na kalsada, makikita kong pumarada sa may bandang talahiban paangat ng highway papuntang Gate 3 ang mga naunang naka-motor sa ‘ming may angkas na mangilan-ngilang manggagawa ng Tanduay. Sa isang iglap, makikita namin ang isang lalaking nakasando at may hawak na megaphone na sumisigaw nang “BABA! BABA!” Mapapabalikwas kami sa pagkakaupo. Nagpalinga-linga sa paligid kung ano nang nangyayari. Nakaparada na sa tabi ‘yung mga kasabayan naming dyip kanina. Tanaw ko sa dulo na ilang metro na lang ang layo ng mga ito sa Gate 3. Saka kami kinumpasang bumaba sa van. Sa isang iglap lang din, nakita kong nagtatakbuhan na ang mga kaninang nakasakay lang sa dyip na kasama namin. May magkakagrupo. May paisa-isa at may padala-dalawa. Nanganak din ang kalsada ng magkakaibang pares ng tsinelas na iniluwal ng mga


LATHALAIN

Abril-Hunyo 2015

9 Larawan mula sa Southern Tagalog Exposure

nagtatakbuhan. Muling umalingawngaw ang tinig ng naka-megaphone, ngunit sa mas malakas na tinig: “ATRAS! ATRAS!” Sa isang iglap, sa likod ng mga tumatakbong manggagawa at tagasuportang kaninang nakasakay sa dyip, tila daluyong ng mga naka-helmet na karamiha’y nakaitim ang mga humahabol sa kanila. Mga hired goons ni Lucio Tan. Bukod sa mga dalang yantok, tubo at dos por dos na kahoy, nagtatalsikan din sa kalsada ang mga iniitsa nilang tipak ng bato. Hinatak ng katabi ko ang lock ng pinto ng van para bumukas. Di kumagat. Hinatak niya ulit. Ayaw pa rin. Nakihila na rin ‘ko. Di talaga kumakagat sa pagkaka-lock. Napatigil lang kami sa paghatak nang mamataang ilang dipa na lang ang layo sa ‘min ng mga nagtatakbuhang tauhan ni Lucio Tan. Parang may lumulundag sa kisame ng van sa lakas ng hampas at kalampag ng mga iniitsang bato mula sa taas. Ikakabig na noon ng aming drayber ang van papalayo pero nahampas na ito ng isa sa mga goons na agad ikinabitak ng salamin sa pinto ng van. Napasigaw sa gulat ang isa naming kasamang teacher at estudyante. Mabilis kaming nagdapaan at nagtakip ng mukha. Pero bahagya rin akong umangat at lumuhod na pinoprotektahan pa rin ang mukha at mga mata. Naalala ko kasi bigla na baka bumukas naman ang pinto dahil sa pagpilit naming buksan kanina. Kitang-kita ko kung paano nila butasin ang salamin ng pinto ng van. Hindi pahampas ang palo nila kundi patusok na parang sibat ang mga hawak-hawak. Kalampag ulit sa tagiliran ng van. Dito na ‘ko tumiklop at muling dumapa. Hiyaw ulit. Isa pang hampas sa pinto na nag-iwan na ng siwang. Nabudburan ng bubog ng salamin ang mga suot namin. Ingay ng paggasgas ng gulong ng van sa kalsada. Hampas ulit sa bintana na lumikha naman ng tila isang solidong bilog na butas. Sa pagkaaligaga, tila mga daga kaming nagpupumilit makahanap ng lungga at matataguan. Nakaalis din kami sa pagkaripas ng takbo ng van pababa ng highway. Pumarada kami saglit malayo sa Gate 3 at sa mga pasistang goons ni Lucio Tan. Marahang pinagpag ang nagtalsikang bubog sa damit, pantalon, ulo, braso at iba pang bahagi ng katawan. May ilang dumugo ang palad at braso sa pag-alis ng bubog. Maya-maya lang may dalawang YS (youth sector) na habol-hiningang nakisakay sa aming van. Mga taga-Maynila rin. Kasama raw sila sa dyip na pinagbabato ng goons. Buti’t may dumaang L300 na tumulong sa kanilang makalayo

THE NATIONAL GUILDER

Larawan mula sa Southern Tagalog Exposure

do’n sa lugar na pinangyarihan. Umalis din sila sa aming sasakyan matapos mahismahasan at sinabing kailangang balikan ang kanilang mga kasama. Bumaba ako sa sasakyan para ipagpag ang mangilan-ngilang bubog sa katawan. Kitang-kita ko ang iniwang butas ng mga tauhan ni Lucio Tan sa salamin ng pinto. Itinulay ko ang mga daliri sa basag nang salamin upang alamin ang lakas ng hampas sa kabila nang baka ikasugat ito ng aking mga daliri. Sa isip-isip ko, alang-alang sa labislabis na tubo ni Tan, kung tao lang itong makapananaghoy sa inindang hataw at hampas, tiyak alumpihit ito sa kalsada’t sumusuka ng dugo. Kinontak namin ang ibang kasama tungkol sa nangyari. Ibinalitang wala namang nasaktan maliban sa mga natamong maliliit na sugat. Napag-usapan naming dumiretso na pauwi upang ibalita sa iba ang nangyari at kung ano kaso ang maaaring isampa kay Lucio Tan at sa mga tauhan niya. Nagpaalam na kami sa iba pang nadaanang kasama’t mas mariing tapik sa balikat ang ibinalik sa kanilang pasasalamat sa pagsuporta sa kanilang laban sa paggawa. Matapos magpalitan ng kanya-kanyang karanasan sa nangyari, tahimik kaming lahat habang bumibiyahe. Tiyak kong sa loob-loob din nila tulad ko, may nagniningas na apoy na di maaampat sa pagsiklab. Sa paminsan-minsang paghinto at pagtigil ng sasakyan, paminsanminsan ko ring nahuhuli ang mga kasamang napapausal at humuhuni ng mga pamilyar na awit. Malalaman namin sa pag-uwi na ang mga kasama at manggagawang bumalik muli sa piketlayn sa Gate 2 ng ABI ay muling binomba ng tubig at pinagbabato. Mababalitaan din naming aabot sa tatlumpu ang may latay ang mga binti’t paa at may benda ang mga palad sa pananakit ng mga tauhan ni Lucio Tan. Sa kahabaan ng daan, pilit mang nalilibang sa mga natatanaw, di ko pa rin maiwasang lumingon sa likod ng sasakyan. Sa butás na salamin, tumatagos ang nagtatayugang gusali’t condominium sa kahabaan ng Muntinlupa. Ipinapaalala sa ‘kin ang mga manggagawang nasa piketlayn at may benda ang mga palad. Sapat na ito upang muling bumalik sa kanila’t suportahan ang panawagan ng mga manggagawa sa buong bansa. *Ang akdang ito ay unang nailimbag sa ManilaToday.net noong Hunyo 4, 2015.


BALITA 10 College editors salute work force, call for 16K wage THE NATIONAL GUILDER Abril-Hunyo 2015

National News Bureau The College Editors Guild of the Philippines (CEGP) hailed the efforts of the work force on May 1. Considering their pivotal role in the economic production, the Guild cites the workers’ persistence to sustain their family needs amid poverty exacerbated by contractualization, labor export policies, and unjust compensation. “We owe everything to the workers of the world. It is only fitting that they be enshrined with a just and secured working condition. It is tragic fact that the working populace fall in the poverty bracket. And it is worthy of condemnation that the Aquino administration plays deaf with the urgent concerns of the working class,” CEGP Executive Vice President Ian Harvey Claros said. The 83-year old Guild demanded an the P16,000 minimum wage per month, both in the public and private sector. “The 16K wage is a big step toward the improvement to the browbeaten economic condition of the working class. For a company that earns excessively and for a government that allocates funds for PDAF and DAP, this minimum wage is an imperative. Reluctance to this proposal, only means corporate greed and governmental abandonment,” Claros reasoned. The Guild also called to prevent another Mary Jane in the labor sector. “Labor export policies must come to an end. Filipinos are humans not export products. The Aquino administration should make itself busy by creating local jobs that offer just compensation and workplace. It is an enraging paradox that the government

Sa Araw ng Paggawa, ipinakita ng mga grupo ng kabataan ang kanilang pagtutol sa programang K-12 ng administrasyong Aquino. Pangunahing layunin ng K-12 ang magluwal ng murang lakas-paggawa para sa mga dayuhan at mas lalong pananamantala at pagpapaliit ng sahod ng manggagawa. Larawan mula sa Philippine Collegian.

itself ushers conditions that directs workers to go overseas,” Claros explained. Claros has foreseen the K-12 curriculum as a step to expand the labor export policies. It is structured to condition the Filipino youth to be labor export prospects. He also noted that the offered specializations in the senior high school are patterned from the labor demands of the first world countries. “In K-12, the youth is not educated. The youth is packaged like a commodity,” Claros commented.

Furthermore, the Guild demanded to stabilize the workers’ tenure by trashing contractualization. It also urged to the government to have aggressive moves to protect the overseas Filipino workers (OFW). “As future workers of the country, this fight is also our fight. Let us not allow to be dehumanized in the workplace. Let us not allow to be mere export products. Let us tear down the Aquino government that does not heed to the demands of the working class,” Claros ended.

Malacañang inutile over tuition hikes

CEGP decries Aquino’s deregulation policy

CEGP denounces another media killing under Aquino

National News Bureau

National News Bureau

The College Editors Guild of the Philippines (CEGP) slammed Malacañang for continuing deregulation and commercialization on education by letting the Commission on Higher Education (CHED) approve 313 private schools to increase their fees for AY 2015-2016. Last May 23, Presidential Communications Sec. Sonny Coloma said that CHED’s decision to allow tuition increase was “lawful and reasonable” when asked if Malacañang would stop the latest tuition hike. “The statement is an insult! There is nothing reasonable to tuition and other school fee hike! The pronouncement from the Palace is clear; let the youth and people bear the brunt of the high cost of education. Noynoy Aquino also said before that if Filipinos cannot afford to go to private higher education institutions (PHEI), they can always transfer to state universities and colleges (SUC). Even SUCs has fees which

students cannot pay because of low wages. We have seen three iskolars ng bayan take their own lives just because of the rising cost of education in SUCs,” said Marc Lino Abila, CEGP National President. Recently, another student from the stateowned Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) committed suicide due to the lack of financial capacity to continue studying. Jhoemary Azaula from Polillo, Quezon province is the third after Kristel Tejada of University of the Philippines Manila and Rosanna Sanfuego of Cagayan State University. “For five years, the Aquino government has done nothing to improve education in the country but worsen the crisis of the Philippine education system. Aquino takes away our right to education through budget cuts, exorbitant and redundant fees, annual tuition increase, and violation to student democratic rights. The deregulated and commercialized education bars the youth to be progressive forces of society,” Abila explained.

Jonathan Oldan, a driver and assistant camera man of CNN, was shot dead in Imus, Cavite on June 25. His colleagues purported that Oldan was gunned down while he was buying cigarette in a convenience store. “This is a direct assault to the truth-telling profession. It invites an atmosphere of fear among the media practitioners which basically point to a restrained freedom of the press and of expression,” College Editors Guild of the Philippines (CEGP) National President Marc Lino Abila said. Abila aired concerns that these killings, most of which met no justice, have a chilling on campus journalists and even the ordinary people. The Guild pointed out that the Aquino government has been a key figure in perpetuating media killings as it intentionally maintains a slowpaced justice system in cases such as the continue to page 11


BALITA

THE NATIONAL GUILDER Abril-Hunyo 2015

Unang araw ng klase, sinalubong ng protesta

11

K to 12 at mataas na bayarin sa eskwela, binatikos National News Bureau Sinalubong ng mga pagkilos laban sa K to 12 at labis na bayarin sa paaralan ang pagbubukas ng klase sa bansa. Binatikos ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ang mga patakaran ng administrasyong Aquino na nagpapalubha sa krisis sa edukasyon. “Milyong-milyong mag-aaral at magulang ang pasasakitan ng gobyerno ni Noynoy Aquino ngayong pasukan. Dagdag pahirap sa mga estudyante at magulang ang makadayuhang K to 12 at pag-apruba sa tuition increase sa parehong basic at tertiary education ng pamahalaang Aquino,” pahayag ni Marc Lino Abila, Pambansang Pangulo ng CEGP. “Ang programang K to 12 ay magbubunga ng halos isang milyong dropout sa high school habang ipinagkakait ang edukasyon sa kolehiyo sa sobrang mahal ng tuition at other school fees na sinisingil sa mga mag-aaral sa parehong mga pampubliko at pribadong kolehiyo at pamantasan. Sa patuloy na deregulasyon at komersyalisasyon ng edukasyon sa bansa, ipinagkakait ng gobyerno ang batayang karapatan ng mamamayan sa edukasyon,” paliwanag ni Abila. “Pilit na ibinubulalas nina Aquino at Department of Education (DepEd) na handa na ang ating bansa sa K to 12 ngunit sa katotohanan, ang programa ni Aquino ay nakabalangkas na lalong palalain at pabulukin ang edukasyon sa bansa. Hindi intensyon ng K to 12 na bigyan ng maayos na edukasyon ang kabataan kundi upang magluwal ng mura at semi-skilled labor para sa mga dayuhan. Lalong palalawigin nito ang labor-export policy, mas paliliitin ang sahod at ibayong pananamantala sa manggagawang

Simbolikong sinunog ng mga guro at kabataan ang K-12 upang ipakita ang pagtutol sa pahirap at makadayuhang tunguhin ng programa. Ipinanawagan ng Stop K to 12 Alliance ang pagpapabasura ng K-12 dahil sa batayang ito ay magbubunga lamang ng mas malalang krisis sa bansa. Kuha ni Charina Claustro.

Pilipino,” dagdag ni Abila. Sa mga bayarin, sinabi ni Abila na hindi kailanman makatuwiran na magtaas ng bayarin habang walang makabuluhang umento sa sahod ang karaniwang manggagawa at kumakamal ng malaking kita ang mga malalaking pamantasan sa bansa. “Aabot sa halos P10 bilyon ang kinita ng limang pinakamalalaking pribadong pamantasan. Sinasabi ng mga kapitalistaedukador na malulugi sila ngunit sa katotohanan ay gusto lamang nilang palakihin lalo ang kanilang hinuhuthot mula sa mga

CEGP gathers more than 300 campus journos in Benguet National News Bureau With the theme “Panagatitignay: Fortifying Unities Against Corruption and Social Injustice”, the College Editors Guild of the Philippines (CEGP) aimed this year’s National Student Press Convention (NSPC) to arm campus journalists with the awareness and to take action in battling social injustice in the Philippine society. Hosted by CEGP Baguio-Benguet Chapter and Benguet State University (BSU), the 75th year of NSPC convened 350 delegates from 70 student publications from different colleges and universities nationwide. The convention opened last May 14. “This year’s NSPC focuses on various social issues of the Filipino youth, particularly on tuition and other school fees increase and K-12 program. Aquino’s policies to further deregulate and commercialize our education system shows his administration’s subservience to the dictates of foreign financial institutions like the International

Monetary Fund-World Bank and the US government,” said Marc Lino Abila, CEGP national president. “The policies of the Aquino government in education veer away from the nationalist and democratic aspirations of the Filipino people for sustainable livelihood and economy in the country. Aquino’s K-12 intends to produce cheap, docile labor for the foreign market vulnerable to exploitation. The Guild joins the call of progressive youth organizations to scrap this US-backed K-12 program,” Abila explained. “Our gathering also stresses on the plight of different sectors of society, especially the indigenous people of Cordillera. We also want to highlight the environmental plunder and loss of ancestral lands of the people of Cordillera brought by large-scale mining, logging, and anti-people projects of the national government,” Abila related. Aside from these, socio-political discussions and journalism skills training were also be featured in the NSPC.

mag-aaral at magulang na nagbabayad ng malaki at nababaon sa utang makapasok lamang sa kolehiyo,” ayon pa kay Abila. “Lalong pinag-iibayo ni Aquino ang mga neoliberal na patakaran sa edukasyon na malinaw na hindi nagsisilbi sa mamamayan kundi para lamang sa mga dayuhan at malalaking negosyo. Ngayong araw itinatakda natin ang pagtutol at pagpapahayag ng galit ng kabataang Pilipino sa pamahalaang Aquino sa patuloy nitong pagtutulak sa tiyak na kapahamakan ang kabataan,” pagtatapos ni Abila.

Media killing... from page 10 Ampatuan massacre. “The release of the major suspects of the Ampatuan massacre exacerbates the presshostile status quo. This inimical ruling is a manifestation of the reign of culture of impunity in society,” Abila added. The Guild further interpreted that media killings show that truthful reportage is counter to the interest of ruling forces in the country. “Every media killing is a yardstick that the media should further stretch its truthtelling power,” Abila contended. Furthermore, the Guild extends its deepest sympathy to the Oldan family. The Guild shall be one in attaining justice to every slain media worker in the country. “The media, including the alternative media and campus publications and, must continue to report the truth to sharpen critical analyses of the people,” Abila ended. CEGP is the oldest, widest and onlyexisting alliance of tertiary campus publication in the Asia-Pacific region.


FOR MJC


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.