The National Guilder January-March 2015

Page 1

fb.com/CEGPNationalOffice

@CEGPhils

THE NATIONAL

GUILDER

Ang Opisyal na Pahayagan ng College Editors Guild of the Philippines

BALITA

LATHALAIN

LATHALAIN

EDITORYAL

Enero-Marso 2015

Husto na ang pagpapahirap pahina 3

Mamasapano sa ngalan ng giyera kontra-terorismo pahina 5

Misteryo sa likod ng ‘Other School Fees’ pahina 6

Campus press holds Aquino, CHED responsible for CSU coed suicide pahina 11

www.cegp.org


GAME OVER NOYNOY PAMBANSANG KOMITENG TAGAPAGPAGANAP 2014-2016 MARC LINO J. ABILA Pambansang Pangulo The LPU Independent Sentinel Lyceum of the Philippines University IAN HARVEY A. CLAROS Tagapagpaganap na Pangalawang Pangulo The Torch Publications Philippine Normal University CHARINA CLAUSTRO Tagapamahalang Opisyal para sa Luzon The Communicator Polytechnic University of the Philippines-College of Communication FRANEL MAE POLIQUIT Pangalawang Pangulo para sa Visayas Tug-Ani University of the Philippines Cebu ROCHAMAE BIHAG Pangalawang Pangulo para sa Mindanao Mindanao Varsitarian Mindanao State University MA. ATHENA ALEXIS GARDON Pambansang Pangkalahatang Kalihim The Manila Collegian University of the Philippines Manila JIAN CARLO GOMEZ Pambansang Pangalawang Pangkalahatang Kalihim KALasag University of the Philippines Diliman-College of Arts and Letters JOHN CARLO GASIC Pangalawang Pangkalahatang Kalihim para sa Luzon The Philippine Artisan Technological University of the Philippines-Manila NAYZA TRAYCO Pangalawang Pangkalahatang Kalihim para sa Visayas UP Vista University of the Philippines Visayas-Tacloban NUR JANNAH KAALIM Pangalawang Pangkalahatang Kalihim para sa Mindanao Himati University of the Philippines Mindanao

PAMBANSANG KALIHIMAN JUBERT CABREZOS The Philwomenian, Philippine Women’s University MARY ROSE IGGIE ESPINOZA The Arellano Standard, Arellano University MICHELLE LADO Cyber Isko, University of the Philippines Open University ELIJAH FELICE ROSALES Ang Pahayagang Plaridel, De La Salle University JOANNA MARIE UDARBE The Manila Collegian, University of the Philippines Manila

College Editors Guild of the Philippines Pambansang Tanggapan Pamuhatan: Room 305 National Press Club Bldg., Magallanes Drive, Intramuros, Manila 1002 Hotline No.: (+63)928-980-2646 Email: cegphils@gmail.com Facebook Page: fb.com/CEGPNationalOffice Twitter at Instagram: @CEGPhils Website: www.cegp.org

YOUTH ACT NOW Unity Statement for President Aquino’s resignation A liar. A thief. A murderer.

President Benigno Aquino III’s spin doctors may weave all the fantasies and tall narratives that they want, but they cannot change the fact that these three words now represent what Aquino is, or has become, for the vast majority of Filipinos. Over five years into his presidency, Aquino’s campaign promise of “tuwid na daan” has remained that – a promise. Over and over again, Aquino proved that he is no different – and in fact much worse – than past presidents that he so lambasted. His annual budgets turned out to be trillion-peso slush funds for the kaibigan, kaklase, and kabarilan. Through quick strokes of the pen, he was able to raid public funds for his pet projects under the Disbursement Acceleration Program. Instead of providing relief and rehabilitation, his government’s disaster response became a bigger catastrophe than Typhoon Yolanda. His policies has left the people poorer and hungrier, while the rich got richer and greedier. And now: the Mamasapano clash. Even if it is apparent that he directed and greenlighted the whole operation under the behest of the US government, Aquino denied any responsibility for the bloody operation. Instead of bringing out the truth, he orchestrated a massive cover-up scheme that involved both chambers of Congress to escape any liability. Almost two months after the clash, questions on his direct involvement and the US military’s actual role in the operation remain unanswered. Worse, as part of the Mamasapano cover-up, Aquino authorized an “all-out offensive” in Mindanao to supposedly go after Basit Usman, who reportedly survived and escaped from Operation Exodus. Aquino engaged in doublespeak: while he called for peace and sobriety in front of TV cameras, he nonetheless ordered the carpet-bombing of towns in central Mindanao, resulting into massive internal displacement of civilians. To date, almost 100,000 individuals have been forced to flee from their hometowns to escape from the conflict which is nothing but an all-out war. It can now be said: Aquino will go to any length – even to the point of authorizing an all-out war – just to escape accountability and deflect the people’s attention away from his and the US government’s role in the Mamasapano clash. The Filipino people have had enough. The botched Mamasapano operation, and the grand cover-up that followed, is the last straw. As more lies issue from Aquino’s lips, and as more lives are put in danger for his vanity, it is incumbent upon the Filipino people – led by no less than the Filipino youth – to stand up and fight. For the great Filipino nation does not deserve to have Aquino remain in power even for another day. The Aquino administration has reached a point of no return. From this point on, there is no way but out. It is in this light that we call on the youth to not only join the swelling ranks calling for Aquino’s resignation, but to actively lead the struggle. Together, let us make history – let us topple this ruthless regime and install a transition council that will pave the way for genuine and deep-reaching reforms and moral regeneration. The Aquino administration has reached a point pf no return, and from here on, there is no way but out.

JUSTICE FOR THE VICTIMS OF MAMASAPANO CLASH! STOP THE ALL-OUT WAR IN MINDANAO! GAME OVER NOYNOY! RESIGN NOW! The College Editors Guild of the Philippines is one of the convening organizations of YOUTH ACT NOW! along with national student and youth organizations. YOUTH ACT NOW! is a national alliance of student councils, student publications, student organizations, young professionals, and out-of-school youth demanding truth and accountability.

THE NATIONAL GUILDER

Ang Opisyal na Pahayagan ng College Editors Guild of the Philippines PUNONG PATNUGOT: Marc Lino J. Abila PABALAT: Albert Gulapa KATUWANG NA PATNUGOT: Ian Harvey A. Claros DIBUHO: Janelle Manzano PANAUHING PATNUGOT: Trina Federis MGA KAWANI SA ISYU: Janine Bautista, Jubert Para sa mga kontribusyon at pakikipag-ugnayan sa Cabrezos, Mary Joy Capistrano, Charina Claustro, patnugutan, maaaring magpadala ng email sa cegp. Michelle Lado, Joyce Ann Neponcio, Hannah Marie newsdesk@gmail.com. Pelayo, John Arvin Reola, Giselle Ventic


Enero-Marso 2015

THE NATIONAL GUILDER

EDITORYAL

3

Husto na ang pagpapahirap

N

asindihan ang galit ng mamamayang Pilipino nang isugal ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang buhay ng halos 70 katao, kabilang ang mga pwersa ng Philippine National PoliceSpecial Action Force (PNP-SAF), Moro Islamic Liberation Front (MILF), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at mga sibilyan, sa Mamasapano, lalawigan ng Maguindanao noong Enero 25. Malinaw sa mga ulat sa imbestigasyon ng Kamara, Senado, at Board of Inquiry na may partisipasyon ang US sa operasyon sa Mamasapano. Upang hulihin sina Zulkifli Abdhir alias Marwan at Abdul Basit Usman, mga terorista sa listahan ng US na diumano’y kinakanlong ng BIFF, ginamit ng Amerika ang pwersa ng SAF at ipinain ang buhay ng ating mga kababayan sa ngalan ng kanilang “war on terror” upang bigyang katwiran ang patuloy na giyerang agresyon at panghihimasok sa pambansang usapin ng Pilipinas. Patuloy pa rin pagiging bingi ni Aquino sa mga lehitimong panawagan ng mamamayan. Ibayong ipinapatupad ng pamahalaan ang mga neoliberal programang hindi tumutugon sa mga pangangailangan ng mamamayan. Muling pagpapalawig ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ang sagot ng mga kaalyadong mambabatas ni Aquino sa kawalan ng lupang sakahan ng mga magsasaka, kawalan ng trabaho sa loob ng bansa, kawalan ng regular na trabaho, barya-baryang umento sahod sa manggagawa at kawani, pagtaas ng halaga ng pangunahing bilihin, pribatisasyon ng serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon at kalusugan, atbp. Ito ang mga hakbang ng administrasyon na lalong nagpapalala sa krisis ng lipunang Pilipino. Malinaw na inuuna rin ni Aquino ang kapakanan ng mga dayuhan, malalaking korporasyon, at kaalyado sa politika imbis na kagyat na tugunan ang mga nasalanta ng Yolanda at iba pang sakuna at ang mga pangunahing pangangailangan ng mamamayang Pilipino. Higit isang taon na matapos humagipit ang bagyong Yolanda sa bansa

ngunit hanggang sa ngayon ay hirap na hirap pa ring bumangon ang mamamayan ng Silangang Visayas at iba pang lugar na naapektuhan. Sa usapin ng edukasyon, pilit na ipinatutupad ni Aquino ang makadayuhang programang K-12 sa utos ng IMF-World Bank na pinamumunuan ng US upang magluwal ng murang lakas-paagawa para sa mga dayuhan at lalong pagpapaliit ng sahod at pananamantala sa manggagagwang Pilipino. Patuloy din ang walang habas na pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa mga kolehiyo at unibersidad na bunga ng deregulasyon at komersyalisasyon sa edukasyon ng pamahalaang Aquino. At huwag nating kalilimutan ng korupsyon at pandarambong sa kaban ng bayan. Idineklara man ng Kataas-taasang Hukuman na labag sa Saligang Batas ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP), buhay na buhay pa rin ang pork barrel sa pambansang badyet para sa 2015. Nananatili ang pork barrel sa porma iba’t ibang lump sum at discretionary appropriations sa 2015 National Budget. Mas malala pa sa PDAF ng mga mambabatas ang mga pork sa badyet para sa 2015. Katulad ng DAP, tanging ang ehekutibo lamang ang may kapangyarihan upang magdeklara at maglaan ng savings sa mga ahensya ng gobyerno. Hindi na maitatanggi ang kainutilan sa tungkulin sa mamamayan at pagkatuta sa Amerika ng administrasyon ni Pangulong Benigno S. Aquino III. Sa ilalim ng rehimeng US-Aquino, walang patid ang pagpapatupad ng mga polisiyang kontra-mamamayan at pabor lamang sa dayuhan at nag-haharing iilan. Ang kapalpakan ng administrayong Aquino sa pagbibigay ng nararapat na karapatan at katarungan sa bawat mamamayan ang siyang magiging tungtungan upang manawagan na husto na ang pagpapahirap at palitang na ang kasalukuyang pamamamalakad ng isang gobyerno ng mamamayan na tutugon sa pangunahing suliranin ng sambayanang Pilipino.


4

THE NATIONAL GUILDER

LATHALAIN

Enero-Marso 2015


Mamasapano sa ngalan ng giyera kontra-terorismo Enero-Marso 2015

THE NATIONAL GUILDER

LATHALAIN

Hannah Marie Pelayo EARIST Technozette, Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology

N

agkakaisang panawagan na bumaba na sa pwesto si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III matapos ang kawalang pananagutan nito sa madugong operasyon sa Mamasapano, Maguindanao kung saan humigit-kumulang 70 na Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF), Moro Islamic Liberation Front fighters (MILF), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), at Morong sibilyan ang nasawi.

5

na si Gen. Alan Purisima sa Oplan Exodus. Ikalawa, nilabag niya ang suspension order ng Ombudsman kay Purisima. Ikatlo, hindi kinoordina ni Aquino sa PNP Officer-in-Charge (OIC) maging sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang tungkol sa operasyon. Ikalima, hindi niya ito ipinaalam sa government peace panel at sa mga negosyador ng MILF, at tuluyang nilabag ang ceasefire agreement. At ikaanim, ang pagsunod ni Aquino sa “dikta at pagpapabaya sa panghihimasok ng isang dayuhang gobyerno” sa isang internal na operasyon sa Pilipinas. Bilang karagdagan, hindi lamang ito ang kaso ng panghihimasok ng gobyerno ng US sa Pilipinas. Kung tutuusin, magmula pa noon hanggang sa kasalukuyan ay tuwiran silang lumalahok sa mga internal na usapin sa ating bansa, bagay na labag sa Saligang Batas. Bilang katunayan, inulat ni David Bowdich, assistant director in charge ng Federal Bureau of Investigation (FBI) sa Los Angeles na nagkaroon diumano ng “full partnership” sa pagitan ng PNP at FBI upang puksain ang terorismo sa buong mundo. Matatandaang ang US rin ang nagplano ng Oplan Wolverine/Exodus at nagsanay sa PNP-SAF para paghandaan ang operasyon. Ayon kay Elmer Labog, pambansang tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno (KMU), “Mula Maynila noong 1899 hanggang Mamasapano ngayong 2015, maraming Pilipino na ang pinaslang ng Estados Unidos kahit pa nagpapakitangmukha ito na kaibigan ng mamamayanag Pilipino.”

Katotohanan sa Likod ng Oplan Exodus Pinasok nang palihim ng PNP-SAF noong Enero 25 ang isa sa pinakamalalaking kampo ng MILF, sa utos ni Pangulong Aquino na tinaguriang Oplan Exodus na humantong sa madugong labanan. Layunin ng operasyon na hulihin diumano sina Zulkifli Abdir alyas Marwan ng Jemaah Islamiyah at Abdul Basit Usman. Sinasabing nasa Mindanao ang dalawang tinutugis na terorista mula pa noong 2003 at may pabuyang US$5 milyon kung sino man ang makapagbibigay impormasyon ukol sa kanila o kaya’y makakapatay sa kanila. Kung kaya naman mula pa noong 2010 ay pinaghahandaan na ng PNP-SAF ang operasyon upang isakatuparan ang kampanya kontra-terorismo sa tulong ng Panahon ng Paglaban US 78th Military Police Batallion. Sapat na patunay ang Ngunit inilapit ni Aquino lahat ng mga ito na hindi sa tiyak na kamatayan ang naging epektibong lider 400 na PNP-SAF nang iutos si Pangulong Aquino sa nitong lusubin ang kampo ng bansa. Sukdulang ilapit niya MILF nang walang pagkilala sa kapahamakan ang mga sa ceasefire agreement sa ilalim Pilipino upang masunod ng usaping pangkapayapaan. lamang ang kagustuhan ng Umabot ng kalahating araw Si Amirah Lidasan, tagapagsalita ng Suara Bangsamoro, sa isang kilos-protesta sa harap ng gobyernong US higit lalo na ang bakbakan ng dalawang embahada ng Estados Unidos noong Pebrero 4. Larawan mula sa Kodao Productions. may malakas na presensyang armadong grupo at nagbuwis militar ito sa Pilipinas. ng buhay ang 44 na PNP-SAF at 18 na Moro, kabilang ang pitong sibilyan Ayon kay Charisse Bañez, tagapagsalita ng League of Filipino Students, at isang limang taong gulang na babae. “Kailangan nating ipunin ang ating galit at idirekta iyon sa rehimeng Sa ganitong sitwasyon, agad na naghugas-kamay ang gobyernong Aquino na nakikipagsabwatan sa Estados Unidos sa ngalan ng giyera Aquino at sinabing “misencounter” ang nangyari na taliwas sa pahayag kontra-terorismo. Patunay ang nangyari sa Mamasapano kung paano ni Vencer Crisostomo, pambansang tagapangulo ng Anakbayan. “Hindi tratuhin ni Aquino ang buhay ng mga Pilipino bilang dispensable sa misencounter ang nangyari. Apat na raan, armado, ilalarga, papalakarin kanyang pagpapakatuta sa interes ng US.” sa teritoryo ng MILF, hindi ba naghahanap ng giyera iyon? Iyon ang gusto Ang maling hakbang na ito ng gobyernong Aquino ay pagpapakita nila, giyerahin ang komunidad ng MILF, ng BIFF, at ipahamak ang mga lamang na hindi ito kailanman nasilbi sa interes ng mamamayan. pulis, maging ang mga sibilyan, para lamang masunod ang kapritsuhan Bagkus ang amo na mga dayuhan ang kanilang inuuna. Kung kaya, hindi ng Estados Unidos,” pahayag ni Crisostomo. nararapat manatili pa ang mga tropang Amerikano sa bansa imbis na “Noong may namatay na, nararamdaman ba ninyo ang simpatiya ng tumutulong sa usaping pangkapayapaan ay gulo pa ang naidudulot at pangulo? Nasaan ang pangulo?” dugtong pa na tanong ni Crisostomo sa panggagahasa sa ating soberanya. mga sumali sa martsa maging sa kapulisan noong nagkaroon ng protesta Naging pahayag ni Amirah Lidasan, tagapagsalita ng Suara ang mga militante at progresibong grupo sa paanan ng Malakanyang sa Bangsamoro, “Sa haba-haba ng panahon ng usapang pangkapayapaan, Mendiola at sa United States Embassy. ngayon lang natin nakita ang pagtraydor at pagtalikod muli ng gobyerno ng Pilipinas, ni Presidente Aquino, laban sa mamamayang Moro.” Ang Panghihimasok ng US Hinikayat din ni Lidasan na maging mapanuri at panagutin kung sino Mayroong anim na puntong suri ang Bagong Alyansang Makabayan ang responsible sa madugong labanan. (BAYAN) na naiulat sa Pinoy Weekly, isang alternatibong pahayagan, kung bakit dapat managot sa batas si Aquino: Una, ay ang paglabag niya Unang nailimbag ang akdang ito sa EARIST Technozette Januarysa chain of command dahil sa pagtatalaga niya sa suspendidong opisyal March 2015.


6 ni Darius Galang

‘Other School Fees’

Misteryo sa likod ng

Enero-Marso 2015

Grapiks ni Janine Bautista

E

studyante ng pharmacy si Mae Pauline Siocson sa Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila. Bagamat may magulang pa siyang handang magtustos sa kanyang matrikula, naisipan na rin niyang maghanap ng trabaho para makatugon sa ibang pangangailangan sa eskuwela. “Part-time tutor ako. Kumikita ako ng Php 10,00015,000 kada buwan,” kuwento ni Mae. “Siyempre, nakakatulong ito; mahal mag-pharmacy. Maraming bibilihin, tulad ng glassware at kung anu-ano pa.” Hinahati niya ang kita niya para sa iba pang gastusin, tulad ng bayad sa dormitoryo (“Limang libo ito per month!”). Maliban dito, naglalaan si Pauline ng 25 porsiyento ng kanyang suweldo at allowance para sa pangangailangan at pandagdag sa kanyang matrikula. Nang tanungin ng Pinoy Weekly tungkol sa iba pang bayarin labas sa matrikula ng paaralan, napabuntunghininga na lang si Pauline: Alam niyang sobra-sobrang pabigat na iyun, pero wala siyang magawa kundi bayaran ito. “Wala naman masyadong nagrereklamo sa other fees sa amin; Siguro sa tingin ko kasi maykaya mga tao,” sabi ni Pauline. “Karamihan sa college, ang concern nila ay grades.” Idiniin ni Sarah Jane Elago, pangulo ng National Union of Students of the Philippines, na “exorbitant, dubious and redundant” ang iba pang bayarin bukod sa matrikula, na tinatawag nila na other school fees (OSF). “Ang katangian ng OSF ay ’yung lahat ng binabayaran mo maliban sa tuition,” paliwanag ni Elago. Paliwanag niya, halimbawa nito ang miscellaneous fees. Pero sa kanyang salita, ang OSF ay “other, other, other school fees”. Ibig sabihin, tahasang lagpas pa sa miscellaneous fees. Singiling di maipaliwanag “Weird” o kakaiba ang pagsasalarawan ni Pauline sa OSF. Marami sa mga ito, halos di maipaliwanag ng administrasyon ng eskuwela. “Hindi ko talaga alam kung saan ito pumupunta,” aniya. Binanggit niya ang ilang bayarin, tulad ng cultural, athletics, at energy fees. “Meron pang internet fee — kasama iyon lahat sa printed registration form.” Hindi masagot ni Pauline kung dapat nga bang bayaran ng mga mag-aaral ang iba pang bayarin. “Siguro,” aniya, “kasi kulang din naman kami sa information. Hindi ko alam kung saan nila (school administration) inilalaan ’yung fees.” “Matagal na itong ipinatupad (sa maraming

THE NATIONA

LATHA pamantasan),” paglilinaw ni Elago. “Sa ating pagaaral, andami palang schools na pagkadami-dami ang sinisingil na OSF. At kadalasan, ’yung binabayaran na OSF ay mas mataas pa kaysa sa binabayarang tuition.” Inilinaw naman ni Elago na matagal na nilang itinatanong sa mga kolehiyo at pamantasan kung ano at para saan nga ba ang mga OSF na kanilang sinisingil sa mga estudyante. “Halimbawa, sa University of the East, mayroon silang dental fee, pero may doktor lang pala sila kapag may event (ang eskuwela). Kaya walang palaging doktor; may nurse lang. At hindi kasinghalaga ’yung (available na) gamot at serbisyo sa aktuwal na binabayaran ng estudyante. From a consumerist perspective, the students are asking bakit ganito lang ang nakukuha namin in terms of facilities at marami pang iba,” paliwanag pa ni Elago. Dugtong pa niya, bukod sa OSF ay may tinatawag pang “ghost fees,” na binabayaran pero hindi naman nakikita. “Katulad ng laboratory fees. Sa University of San Carlos sa Cebu, may lab fee sila, pero wala namang laboratory. May laboratory fee raw kasi ’yung kuwarto na ginagamit nila ay may aircon (air conditioning).” May pare-parehong fees daw sa mga paaralan, tulad ng naunang mga nabanggit. Nag-iiba ang ilang bayarin ng mga ito sa bawat pamantasan o paaralan. Mayroon diumanong “shop fee” sa teknikal na mga paaralan tulad ng Technological University of the Philippines. Ginagawa na ngang katatawanan ang katawagan sa ilang singilin, tulad ng “lifelong relations fee” sa Central Philippine University. “Ang biro nga namin doon: Kapag binayaran ba namin iyan ay magkakaroon kami ng karelasyon (boyfriend o girlfriend)? Iyon pala, ang ibig sabihin noon, once na nag-enroll ka sa paaralang iyon, may prebilehiyo ka nang tawagin ang sarili mo bilang tagaschool na iyon,” sabi pa ni Elago. Posible umanong nagagamit naman talaga ang OSF sa eskuwela. “Pero ang punto’y dapat sakop na lahat ng pangangailangan mo (sa eskuwela) doon sa tuition na binayaran mo,” sabi pa niya. Kasi bakit pa may matrikula, kung hindi naman ito para sa pangangailangan ng mga estudyante? Maliban na lang kung pangunahing layunin na talaga ng eskuwelahan ang kumita — at sekundaryo na lang ang pagbibigayedukasyon sa mga estudyante. “Iyang tuition, at ang OSF, ay nagiging balon para sa mas malalaking kita ng mga paaralan,” diin pa ni Elago. Sa estadistika ng Budget of Expenditures and Sources of Financing 2012-2015 ng Department of Budget and


NAL GUILDER

ALAIN Management (DBM), napag-alamang nagbabayad ang bawat isang estudyante sa 1.1 milyong mag-aaral sa pampublikong kolehiyo ng aabot sa P12,000 mula sa taong 2010 hanggang 2013. Tantiya ng Kabataan Party-list, umabot na ng kabuuang P13.5 bilyon ang nakolekta ng lahat na mga paaralan sa loob lang ng apat na buwan. Problema sa SUCs Isang problemang kinaharap ng state universities and colleges (SUCs) ang kakulangan ng pondo dahil sa papaliit na subsidyong tinatanggap ng mga ito sa gobyerno. Napipilitan tuloy ang mga itong gumawa ng mga hakbang para makalikom ng sariling pondo. Isang ehemplo rito ang pagpapaupa ng UP Diliman ng lupa sa Ayala Land Inc. para sa Technohub — isang technopark ng malalaking IT companies at call centers — sa Commonwealth Avenue, Quezon City. Natulak din ang UP Diliman na ipa-lease ang lupang dating kinatatayuan ng UP Integrated School upang bigyang puwang ang UP Town Square na pagmamay-ari rin ng Ayala Corp. Isang paraan ang OSF para magkaroon ng dagdag na kita ang paaralan. Makikita sa kabuuang nalikom ng 110 SUCs ang papalaking kita mula sa OSF. Lumaki ang kita ng SUCs nang aabot sa 60 porsiyento—mula P2.6-B noong 2010 hanggang sa P4.1-B nitong 2013. Tantiya ng DBM, maaari itong umabot sa P4.4-B sa 2015. Ibig sabihin, kalimutan na ang pagiging public university ng UP at iba pang SUCs—inihahanda na ang pagiging pribado (at kumikita) nito. Sa pambansang average, nagbabayad ng P3,268 ang bawat mag-aaral na nasa SUC para lamang sa OSF. Sa unang tingin, mukhang mura pa rin ang binabayarang ito. Pero kung ilalapat ito sa situwasyon ng Polytechnic University of the Philippines (PUP), makikita ang malaking diperensiya. Sa isang paaralan na naniningil ng P12 kada yunit na matrikula, di hamak na mas malaki ang nalikom ng paaralan sa OSF kaysa sa matrikula. Datos muli ng DBM ang nagpapakita na nakakolekta ng P458.6-M sa tuition mula 2010 hanggang 2013 ang PUP. Ikumpara ito sa P709.7-M na nalikom ng naturang pamantasan mula sa OSF sa parehas na mga taon. Ibig sabihin, kahit napakamura ng matrikula sa PUP, makakalikom pa rin ng malaking kita ang pamantasan dahil sa OSF. Nakakabahala ang datos na ito, ayon kay Kabataan Party-list Rep. Terry Ridon. “Sa loob lang ng apat na taon, nakakolekta ang mga SUC ng halaga na maaaring

Enero-Marso 2015 maipagawa ng 1,000 kilometrong farm-to-market roads, o ng 3,000 health centers,” sabi niya. Sinabi rin ni Ridon na para lang sa OSF ang datos. “Isipin mo pa kung gaano kalaking pondo ang kinukuha sa mga estudyante sa matrikula,” aniya. Komersiyal na edukasyon Isa lang ang pangongolekta ng OSF sa mga ehemplo ng komersiyal na oryentasyon ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Sa tunguhing ito ng SUCs, malinaw ang tulak ng administrasyong Aquino na lalong isapribado ang tertiary education sa gawa. Ibig nitong sabihin na gusto ni Aquino na kumikita ang pampublikong mga pamantasan at kolehiyo at ilayo ito sa abot-kamay ng milyun-milyong maralitang kabataan sa buong bansa. Samantala, tinanong ng Pinoy Weekly si Pauline kung ano ang dapat niya gawin para mabago ang kalagayan niya at maibasura ang di-makatarungang paniningil ng OSF. Sabi niya, di siya sigurado. Tulad ng maraming estudyante, nagsisimula pa lang ang pagkamulat ng mga tulad niya sa pangangailangan ng sama-samang pagkilos ng mga estudyante para mabago ang mapang-aping sistema. Samantala, para kay Elago, pagkakataon ang kampanya kontra sa OSF para makita ng kapwa niyang mga estudyante na may disenyo ang Estado na gawing mas komersiyalisado ang edukasyon sa bansa. Pagkakataon ito para ipakitang hindi pabor sa kabataan ang administrasyong Aquino, kundi pabor sa iilang malalaking negosyante na nais kumita mula sa tertiary education. Sinabi pa niya na nag-aambag ang OSF sa kabuuang tumitinding komersiyalisasyon ng edukasyon at sa pagtindi ng kawalan ng akses sa edukasyon ng dumaraming kabataang Pilipino. “Ang tindig naming mga estudyante ay maibasura ang lahat ng OSF. Isa itong manipestasyon ng malalang kalagayan at krisis sa edukasyon,” pagtatapos ni Elago. (Editor’s Note: Matapos maisulat ang artikulong ito, lumabas sa balita ang pagpapakamatay diumano ng isa na namang estudyante, si Rosanna Sanfuego, dahil di raw makapagbayad ng ‘other school fees’ sa Cagayan State University. Pinaiigting ngayon ng mga grupo ng kabataan tulad ng NUSP ang kampanya laban sa maanomalyang pangongolekta ng mga bayarin.) Unang nailimbag ang akdang ito sa Pinoyweekly.org noong Marso 8, 2015.

7


THE NATIONAL GUILDER

8

LATHALAIN

Enero-Marso 2015

BUHAY MEDIA Ang laban ng mga manggagawa ng GMA Network, Inc. ni J.C.C.

M

arahil ay maituturing na “dream job” ang maging isang miyembro ng media― – maging bahagi ng grupong bumubuo ng isang palabas, kumakayod sa likod ng kamera at nakakasalamuha ang mga malalaking personalidad sa telebisyon. Subalit para kay Dennis Lasala, production coordinator ng programang “IJuander” ng GMA NewsTV, isang malaking kabalintunaan ang “glitz and glamour” ng pagtatrabaho sa GMA Network Inc. (GMA). Sa kabila ng 15 taon niyang pagkayod sa istasyon, tila hindi siya naging bahagi ng bawat tagumpay nito dahil hindi pa rin siya ‘regular’ na manggagawang tumatanggap ng mga benepisyo. Kabilang si Dennis sa mahigit isang daang kontraktwal na manggagawa ng GMA na nagsampa ng kaso laban sa kumpanya. Panawagan nilang gawing regular ang mga manggagawang nakapagtrabaho na sa istasyon nang mahigit anim na buwan. Subalit kapalit ng kanilang pagkilos, nanganganib siyang mawalan ng trabaho nang tuluyan. ‘Tunay na buhay’ Kalakhan ng bumubuo sa mga programa ng isang television network ay tinatawag na “talent,”katulad ni Dennis. Kabilang dito ang mga production coordinator, program researcher, video researcher, editor, news writer, at producers. Ang mga program researcher, halimbawa, ang naghahanap ng mga kwento na ipalalabas sa isang programa. Talent naman ang gumagawa ng mga balita at dokumentaryo. Bahagi rin ng kanilang trabaho ang tawirin ang mga isla o umakyat ng bundok upang kapanayamin ang mga tao sa harap ng kamera. Sa kakarampot na badyet, kaya nilang makagawa ng mga palabas na kinikilala sa buong mundo. Bawat episode ng isang palabas ay katumbas ng ilang gabing walang tulog ng mga talent― – sila ang pangunahing nagpapagana ng produksyon ng isang TV network tulad ng GMA. Subalit kahit mahalaga ang papel ng mga talent, nananatili pa rin silang kontraktwal na mga manggagawa na hindi tumatanggap ng benepisyo. Tila ba hindi sila kasama sa bawat tagumpay ng istasyon, ani Dennis. “Todo kayod ako [ngayon] para makaipon lalo pa’t wala naman kaming benefits at wala ring 13th month pay,” dagdag niya. Kahit na delikado ang mga pinupuntahang lugar ng mga talent para sa kanilang trabaho, wala silang hazard pay. Kahit na maaari silang magkasakit dahil sa pagpupuyat at nakakapagod na shooting, wala silang health card at PhilHealth. Wala rin silang SSS at PAG-IBIG. Walang night differential pay, holiday pay, leave with pay, maternal leave, at iba pang mga benepisyo ng isang regular na manggagawa. Ayon sa Finance Division ng GMA Network, walang benepisyo ang mga ‘talent’ dahil sila’y mga “independent service providers” at hindi umano empleyado ng kumpanya. Dahil sa kawalan ng pagkilala ng GMA sa mga ‘talent’ bilang mga regular na empleyado, nagsampa ang mga kontraktwal ng regularization case laban sa GMA. Ngunit sa pagtatapos ng 2014, umabot sa 52 manggagawa na nagsampa ng kaso ang hindi na ni-renew ang kontrata at hindi na muling pinagtrabaho sa GMA. ‘Serbisyong totoo’ Mahirap man daw sampahan ng kaso ang kumpanyang napamahal na sa kanya, kailangan daw itong gawin ni Dennis para sa kinabukasan ng kanyang pamilya. “Bago ako nag-desisyon na [sumabak sa laban], nagdasal ako. Inisip

ko, paano kapag nagkasakit ako? Paano kapag nagkasakit ang pamilya ko? Wala man lang akong insurance para sa kanila. Baka maubos lahat nang inipon ko,” ani Dennis. Gayundin ang sitwasyon ni Igal San Andres, segment producer ng programang “State of the Nation with Jessica Soho“. Bagaman isang GMA Network Awardee noong kolehiyo, nagsampa rin siya ng kaso laban sa kumpanya. “Pumirma ako kasi kailangan natin ng pagbabago sa sistema. Halos araw-araw nating ibinabalita ang mga maling paraan ng pagtrato sa mga empleyado, pero ang mga nangyayari sa sarili nating bakod hindi nailalabas sa publiko. Kung mga malalaking pulitiko at negosyante nga binabantaan at iniimbestigahan namin, paano pa kaya ang sitwasyon sa mismong kumpanya namin?” ani Igal. Ayon sa Labor Code of the Philippines, may apat na kondisyon para masabing mayroong “employer-employee relationship” ang isang kumpanya at ang isang empleyado. Kapag napatunayan ang mga ito, dapat na gawing regular ang mga empleyadong nagsampa ng kaso. Kabilang dito ang kapangyarihang tumanggap at magtanggal ng mga manggagawa, at kapangyarihang magpa-sahod. Ang pang-apat at ang pinakamahalagang kondisyon ay ang pagkakaroon ng kontrol ng isang kumpanya sa trabaho ng isang manggagawa. Sa kaso ng mga talent, nagkakaroon sila ng evaluation at tumatanggap ng memorandum kapag may mali o aberya sa kanilang trabaho. Samakatuwid, naiimpluwensyahan ng GMA ang kanilang mga kinikilos sa loob ng kumpanya. Kung gayon, ganap na mga empleyado ang mga sinasabing “talent” ng GMA. Gayunman, hindi sila nakatatanggap ng mga benepisyo na para sa mga regular na manggagawa at laging may banta na mawalan sila ng trabaho. “Kapag laging mababa ang ratings ng palabas na kinabibilangan namin, pwede kaming matanggal sa trabaho kasabay nang pagkadissolve ng programa,” ani Dennis. ‘Walang pinoprotektahan’ “We are not asking for anything more than what is due to us — just basic benefits of employees as mandated by the law,” ani Edmalyne Remillano, kalihim ng Talents Association of GMA Network Inc. (TAG), ang samahang itinatag ng mga nagsampa ng kaso laban sa GMA. Sa kasalukuyan, nasa National Labor Relations Commission na ang kaso at umaasa ang mga manggagawa ng GMA na mananaig ang katotohanan, at magwawagi sila sa kanilang laban. “Masakit kasi 15 years na akong kumakayod sa likod ng kamera, pero kahit anong sakripisyo ko, parang ‘di ako pinapahalagahan, parang ‘di ako, kami, kasama sa tagumpay ng GMA. Naramdaman kong hindi pala ako [bahagi] ng kumpanya,” ani Dennis. Hindi lamang sa GMA Network Inc. umiiral ang “talent system” na ito. Maging sa ibang istasyon ng telebisyon, “talent” o kontraktwal din ang tawag sa mga tao sa likod ng kamera. Bahagi umano ito ng pagtitipid ng mga malalaking kumpanya. Sa pagtitipid na ito, nadadamay ang mga manggagawang lumilikha ng yaman ng mga kumpanyang ito. Bagaman malaking kumpanya ang kalaban ng mga miyembro ng TAG, hindi sila nangingiming ituloy ang kaso. “Behind the glitz and glamour of the TV industry are the faces and stories of real people. The struggle goes on but we will endure. We are a hundred and strong,” ani Remillano. Unang nalimbag ang akdang ito sa isyu 8 ng Philippine Collegian noong Pebrero 12, 2015.


Enero-Marso 2015

THE NATIONAL GUILDER

LATHALAIN

9


10

THE NATIONAL GUILDER

BALITA

Enero-Marso 2015

Ugnayan 2015: CL student pubs reunited Central Luzon News Bureau

Sa paggunita ng ika-50 taong pagkakatatag ng Kabataang Makabayan at ika-45 taon ng Sigwa ng Unang Kwarto, nagtanghal ang mga organisasyon ng kabataan sa University Theater ng University of the Philippines Diliman na pinamagatang “Kabataang Makabayan: Paglingkuran ang Sambayanan” noong Enero 30. Kuha ni Tonyo Cruz.

Mga grupo ng kabataan, nag-flash mob laban sa TOSF

NCR News Bureau

Naglunsad ng isang flash mob ang mga progresibong organisasyon ng kabataan sa harapan ng tanggapan ng Commission on Higher Education (CHED) sa Lungsod Quezon bilang protesta sa nakaambang pagtaas ng tuition and other school fees (TOSF) sa mga kolehiyo at pamantasan. Nanawagan ang mga grupo ng kabataan na itigil na ang patuloy na pagtaas ng TOSF at ibasura ang mga palisiyang natataguyod ng komersyalisasyon at deregulasyon ng edukasyon pangunahin na ang Education Act of 1982 na naging legal na batayan ng mga sumunod pang palisiya tulad ng CHED Memorandum Order No. 3, series of 2012 (CMO 3). “Nagpapatuloy ang taon-taong pagtaas ng TOSF sa mga kolehiyo at unibersidad sa bansa dahil sa patuloy na kawalang akyon ng CHED sa mga isinampang reklamo ng mga mag-aaral at ang patuloy nitong pakikipagsabwatan sa

pamahalaang Aquino para ipatupad ang mga palisiya ng deregulasyon ng edukasyon,” pahayag ni Charina Claustro, tagapangulo ng balangay ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) sa National Capital Region (NCR). “Binibigyang laya ng Education Act of 1982 ang mga paaralan sa Pilipinas na arbitrayong magtaas ng mga bayarin. Magkaroon man ng konsultasyon sa pagtataas ng TOSF at magpahayag ng pagtutuol ang mga estudyante at magulang, natutuloy pa rin ang mga pagtaas dahil na rin sa luwag na binibigay ng gobyerno sa mga paaralan,” wika ni Claustro. “Talamak din sa mga paaralan ang mga bogus na konsultasyon. Sa nakalipas na taon, patuloy na nakakatanggap ang CEGP at Rise for Education Alliance ng mga paglabag sa CMO 3. Agarang itong ginagawan ng aksyon tulad ng pagsasampa ng reklamo sa CHED ngunit hindi ito hinaharap ng CHED at naipapatupad pa rin ang pagtaas ng TOSF sa kabila ng mga paglabag ng mga administrador ng paaralan sa CMO 3,”

Fortifying its vision to unite student publications, the College Editors Guild of the Philippines-Central Luzon (CEGP-CL) held Ugnayan 2015, the 8th Central Luzon-wide Student Press Convention with the theme “Strengthening Ties and Bridging Pens for Social Awareness and Altruistic Writing. Almost 20 publications and 80 Guilders from universities and colleges in Central Luzon participated last February 13-15 at Nipa Hut Hotel and Resort, San Leonardo, Nueva Ecija. Aside from journalism skills trainings, classroom discussions, and forums focusing on campus journalists’ role as catalysts of change, Uganyan 2015 delegates went to onion farms in Bongabon, Nueva Ecija. The integration with farmers aims to make campus journalists aware of the condition of local farmers and how it affects the society. Exemplary student publications and campus journalists in the region were recognized during the 4th Gawad Jemalyn Lacadin Awards. Also held during the convention was the election of CEGP-CL regional and provincial executive committees for 2015-2016. Joyce Ann Neponcio from The Blaze of Tarlac State University College of Business and Accountancy and Michael John De Guzman from Ang Lampara of Limay Polytechnic College were elected as Chairperson and Vice Chairperson, respectively, while Ytric Manipon from The Angelite of Holy Angel University was appointed as Secretary General and Jayson I. Quilat from The CELTIAN of CELTECH College was appointed as Deputy Secretary General. Genre of Wesleyan University-Philippines, The Viewpoint of Araullo University-PHINMA, and CLSU Collegian of Central Luzon State University hosted Ugnayan 2015. dagdag pa ni Claustro. “Sa ganitong kalagayan, makatwiran lamang na tutulan ang mga nakaambang pagtaas sa TOSF. Kinakailangang magkaisa ang mga kabataan sa buong bansa upang mapigilan ang patuloy na komersyalisasyon ng ating edukasyon,” panawagan ni Claustro.

Lunsaran 2015 strengthens student press alliance in NCR NCR News Bureau The College Editors Guild of the PhilippinesNational Capital Region (CEGP-NCR) held 37th NCR Student Press Congress last March 14-16 at the Department of Education Regional Educational Learning Center in Marikina City. Dubbed as Lunsaran 2015, CEGP-NCR aimed to unify student publications in Metro Manila on campaigns on tuition and other school fee increases and the call for President Noynoy Aquino’s resignation. Delegates from different colleges and universities in NCR joined the workshops to

develop their writing and journalistic skills and are encouraged to participate in classroom discussions about humanitarian conditions and social crises with speakers from the alternative media and progressive youth organizations. CEGP-NCR launched the First Gawad Liliosa Hilao to recognize outstanding student publications in the region. The congress also elected the new Regional Executive Committee of CEGP-NCR. Hannah Pelayo from EARIST Technozette of Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) and Dave Ando from The Chronicler of Polytechnic University of

the Philippines (PUP)-Taguig were elected as Chairperson and Vice-Chairperson, respectively. Also, Marimar De Guzman from The Warden of Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMun) was appointed Secretary General and Jezzel Evangelista from The Guardian (Rizal Technological University) was appointed as Deputy Secretary General as well. The Torch Publications (Philippine Normal University), The Philwomenian (Philippine Women’s University), The Warden (PLMun), The Chronicler (PUP-Taguig), EARIST Technozette (EARIST), and The Catalyst (PUPSta. Mesa) hosted Lunsaran 2015.


Enero-Marso 2015

THE NATIONAL GUILDER

11

BALITA

Campus press holds Aquino, CHED responsible for CSU coed suicide National News Bureau

“Campus journalists are enraged with the recent death of a coed in Cagayan due to unpaid other school fees. By implementing deregulation on education, the Aquino administration and Commission on Higher Education (CHED) are responsible for the demise of yet another iskolar ng bayan,” said Marc Lino Abila, National President of the College Editors Guild of the Philippines (CEGP). CEGP along with youth groups under the Rise for Education Alliance trooped CHED to demand the halt on tuition and other school fees increase (TOSF). “The youth have had enough of the blatant disregard of this government to the rights and welfare of the Filipino youth and people to quality and accessible education. We are infuriated with the continuing

imposition of deregulation and further commodification of our education system through government policies like the Education Act of 1982,” Abila said. “As if the death of Kristel Tejada of University of the Philippines Manila last 2013 was not a wake-up call for the government to stop the unabated increase in school fees. This deadly education system took another life in Cagayan State Univeristy (CSU),” Abila added. “It is fitting to call the Aquino administration a student slayer. Aquino and CHED are murderers of the youth. CHED said that it is concerned with the death of Rosanna Sanfuego of CSU but does absolutely nothing to stop TOSF increase,” Abila explained. Student leaders also filed a complaint on violations of students’ democratic rights. “During TOSF increase consultations this February, a number of reports were received by the Rise for Education Alliance

Sa pangunguna ng theater actress na si Monique Wilson (gitna) at GABRIELA, umindak ang kababaihan at mamamayan upang manawagan ng “Aquino Resign!” sa nakaraang Pandaigdigang Araw ng Kababaihan noong Marso 8 sa Bonifacio Shrine sa Maynila. Kuha ni Michelle Lado.

CEGP Mindanao spearheads campus press freedom workshop SOCCSKSARGEN News Bureau The College Editors Guild of the Philippines (CEGP)-Mindanao initiated a campus press freedom violation (CPFV) workshop last February 28 to March 2 at the United Church of Christ in the Philippines (UCCP) in General Santos City. CEGP regional officers from Mindanao, as well as editors and staff of student publications in South Cotabato province, attended the workshop. Speakers included CEGP National President Marc Lino Abila and former CEGP Vice President for Luzon Raymund Villanueva. Speakers presented the orientation on

CEGP, role of the campus press for social change, and the present situation of the Filipino youth. Workshops on campus press freedom and paralegal were the highlights of the program to arm publications with knowledge on how to handle violations on campus press freedom. Aside from press freedom issues, the National Office discussed the campaign on tuition and other school fees hike and planned actions based on the situation of colleges and universities in Mindanao. CEGPSOCCSKSARGEN chapter also planned its next activities for the following months to build a stronger unity among the publications in the region.

from students about school administrations threatening and maligning the rights of progressive students opposing TOSF hikes,” Abila said. “Student leaders from University of the East, National Teachers College, Ateneo de Naga University, among others, were threatened and harassed by school authorities for their stand on issues besetting the students and Philippine society,” Abila furthered. On a final note, Abila said students will not be cowed by such attacks on their rights but rather continue their demand to end annual increase in TOSF and end campus repression.

Bikol Guilders urged to be responsive to people’s issues Bikol News Bureau “You are continuing an annual practice that deserves to be fostered in order to inculcate a high sense of mission among the campus journalists, promote the freedom to ventilate major issues, seek the improvement of your craft to contribute to the development of a movement from fundamental change,” said Jose Maria Sison, an alumnus of College Editors Guild of the Philippines (CEGP) and the current chairperson of the International League of People Struggles (ILPS), in a video message from the Netherlands to the campus journalists of Bicol. On February 5-8, ThePillars Publication, the official student publication of Ateneo de Naga University, and the CEGP-Bikol, pushed the 7th Liyab Regional Journalism and Art Festival, garnering 65 participants from eight schools in the region. Forums about socio-political issues, culture, and alternative media as well as workshops on writing, photography, and different forms of art were discussed by speakers from different national organizations like KARAPATAN, National Union of Students of the Philippines (NUSP), People Against Pork Barrel, and Altermidya. To bring local issues to the journalists, basic masses integrations (BMI) were held at different areas in Naga City, Camarines Sur. Participants stayed at the areas overnight, and integrated with the people from different sectors, giving them a firmer grasp on issues of women, farmers, laborers and the youth of Bicol. The event concluded with the Gawad Cris Hugo and a cultural night to further instill the lessons learned from the activities. The 7th Liyab gave prospective journalists and students in general, a wider view of the current social issues that surround them. The activities and talks were stepping stones for them to clearly see the struggles of every day Filipinos, especially Bikolanos, thus heralding an experience that will shape how they see the nation and how they can help it through journalism.



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.