THE NATIONAL
GUILDER
Ang Opisyal na Pahayagan ng College Editors Guild of the Philippines Oktubre-Disyembre 2014 fb.com/CEGPNationalOffice
EDITORYAL Kasangsangan sa kasagsagan ng karahasan pahina 3
www.cegp.org
@CEGPhils
PANITIKAN Ang Alamat ng Wheelchair pahina 6
LATHALAIN Sa Pag-itim ng Bahaghari pahina 9
Position on House Bill No. 1493 or Campus Press Freedom Bill PAMBANSANG KOMITENG TAGAPAGPAGANAP 2014-2016 MARC LINO J. ABILA Pambansang Pangulo The LPU Independent Sentinel Lyceum of the Philippines University IAN HARVEY CLAROS Tagapagpaganap na Pangalawang Pangulo The Torch Publications Philippine Normal University CLAUDINE BUENAAGUA Pangalawang Pangulo para sa Luzon Outcrop University of the Philippines Baguio FRANEL MAE POLIQUIT Pangalawang Pangulo para sa Visayas Tug-Ani University of the Philippines Cebu ROCHAMAE BIHAG Pangalawang Pangulo para sa Mindanao Mindanao Varsitarian Mindanao State University MA. ATHENA ALEXIS GARDON Pambansang Pangkalahatang Kalihim The Manila Collegian University of the Philippines Manila JIAN CARLO GOMEZ Pambansang Pangalawang Pangkalahatang Kalihim KALasag University of the Philippines Diliman College of Arts and Letters JOHN CARLO GASIC Pangalawang Pangkalahatang Kalihim para sa Luzon The Philippine Artisan Technological University of the Philippines-Manila LESLEY CARA DELOS SANTOS Pangalawang Pangkalahatang Kalihim para sa Visayas Today’s Carolinian University of San Carlos NUR JANNAH KAALIM Pangalawang Pangkalahatang Kalihim para sa Mindanao Himati University of the Philippines Mindanao
PAMBANSANG KALIHIMAN PAUL DIVINA The Catalyst, Polytechnic University of the Philippines MARY ROSE IGGIE ESPINOZA The Arellano Standard, Arellano University ROSE VALLE JASPE The Communicator, Polytechnic University of the Philippines College of Communication MICHELLE LADO Cyber Isko, University of the Philippines Open University ELIJAH FELICE ROSALES Ang Pahayagang Plaridel, De La Salle University JOANNA MARIE UDARBE The Manila Collegian, University of the Philippines Manila
College Editors Guild of the Philippines Pambansang Tanggapan Pamuhatan: Room 305 National Press Club Bldg., Magallanes Drive, Intramuros, Manila 1002 Hotline No.: (+63)936-902-6236 Email: cegphils@gmail.com Facebook Page: /CEGPNationalOffice Twitter: @CEGPhils Website: www.cegp.org
Prepared by the College Editors Guild of the Philippines National Executive Committee 2014-2016 for the Committee on Higher and Technical Education of the House of Representatives Since 1996, the College Editors Guild of the Philippines (CEGP), the oldest and broadest intercollegiate alliance of tertiary student publications in the country, has been calling for the repeal of the Republic Act No. 7079 or Campus Journalism Act of 1991 (CJA of 1991). The law is usually used against campus journalists instead of protecting their rights as members of an independent working press. The CJA of 1991, which must spell protection to press freedom at campus level, has serious flaws that jeopardize campus press freedom. The CJA of 1991 became a double-edged dagger against the student publications due to its incriminating weakness. From May to October 2014, the CEGP documented more than 400 campus press freedom violations with 80 responding student publications nationwide. Cases include censorship, administrative intervention, withholding of funds, libel, harassment and non-mandatory collection of student publications funds. The cases that CEGP is currently handling: libel case of Outcrop of University of the Philippines Baguio; withholding of funds, harassment and threat of abolition to EARIST Technozette of Eulogio “Amang” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST); removal of scholarships of the two editors of The National of National University (NU); and the closure of The Monthly Quest of Quezon City Polytechnic University (QCPU), to mention a few. The faults of the law seriously affect student publications in higher educational institutions in the country. CEGP views the law as toothless, useless even, to the campus press as it only aggravates the violations instead of protecting campus press freedom. In fact, months after the passage of the CJA of 1991, a number of student publications were shut including The Quezonian of Manuel L. Quezon University, White and Blue of Saint Louis University, Ang Pamantasan of Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, and Blue and Silver of Philippine Christian University. The CEGP, with the support of Kabataan Partylist, moved to file the House Bill No. 1493 or Campus Press Freedom Bill (CPF Bill) to genuinely uphold campus press freedom and penalize those who violate the rights and freedoms of student publications. The CPF Bill is necessary to protect the rights of the campus press and ensure the free exchange of news and information in the student body and the academic community. The number and gravity of campus press freedom violations increase and intensify as students become more critical and inquisitive on issues such as tuition and other fee increase, school policies and other concerns of the studentry. It has been the problem of the campus press nationwide that repressive policies and actions are imposed upon the publications for publishing progressive and critical articles. These repressive measures of school administrations violate and undermine the autonomy and independence of student publications. School administrators almost always want to prevent student publications to publish critical news and analysis on school policies. The aim of these violations to campus press freedom is to tame the progressive and critical nature of student publications and prevent the assertion of the students for their right to quality and accessible education and other student democratic rights. The CEGP, as the National Center for the Advancement of Campus Press Freedom, supports the passage of the CPF Bill to strengthen and protect press freedom in educational institutions in the country and foster a free and democratic atmosphere for student publications to exercise their duties and responsibilities for the service Filipino youth and people.
THE NATIONAL GUILDER
Ang Opisyal na Pahayagan ng College Editors Guild of the Philippines PUNONG PATNUGOT: Marc Lino J. Abila Felice Rosales, Joanna Marie Udarbe KATUWANG NA PATNUGOT: Ian Harvey Claros
PABALAT: John Arvin Reola
MGA KAWANI SA ISYU: Jeffern Dave Ando, Arli Joshua Atienza, Aaron Bonette, Lester May Castillo, Charina Claustro, Andrea P. Dasoy, Wenri de Guzman, Elijah
Para sa mga kontribusyon at pakikipag-ugnayan sa patnugutan, maaaring magpadala ng email sa cegp. newsdesk@gmail.com.
THE NATIONAL GUILDER
3
EDITORYAL
Oktubre-Nobyembre 2014
Kasangsangan sa kasagsagan ng karahasan
I
sang masangsang matuwid.
na
daang
Ito ang landas na matagal nang tinatahak at tatahakin pa ng kasalukuyang pamahalaang Aquino. Sa ika-apat na taon ng dilaw na administrasyon, patuloy na nananaig ang kontra-masang oryentasyon nito na siyang tumutugis sa mga progresibong mamamayan habang hinahayaang malaya ang mga nagkakasala sa bayan. Hanggang sa kasalukuyan, walang malinaw na hakbang si Pangulong Aquino kung paano bibigyang-katarungan ang mga biktima ng Ampatuan massacre, na kumitil ng 58 na buhay kabilang ang 32 kasapi ng midya. Hindi pa rin nabibigyan ng kaukulang serbisyo upang muling makabangon ang mga sinalanta ng superbagyong Yolanda. Isang taon nang lumipas, tila kahapon lang nangyari ang malagim na kalamidad. Higit sa lahat, ibinabaon na ng Pangulo sa limot ang bangungot na idinulot ng kanyang pamilya sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita noong 2004. Paanong bibigyang-hustisya ni Aquino ang mga paglabag sa karapatang-pantao ng bansa kung mismong ang krimen na nangyari sa loob ng kanyang bakuran, hindi niya mabigyangkatarungan? Sa pinakahuling tala ng human rights watchdog na Karapatan, may 204 extrajudicial killings, 21 biktima ng s a p i l i t a n g p a g k a w a l a , 99 insidente ng tortyur, 65,712 kaso ng pandarahas sa sibilyan, at 9,932 indiscriminate firing sa ilalim ng rehimeng Aquino. Isa itong patunay na walang lugar ang pambansang kapayapaan at kasarinlan sa kasalukuyang pamahalaan. Mula rito, marapat lamang na panagutin si Aquino at ang kanyang gobyerno sa kawalang-hiyaan at pagsasawalang-bahala nito sa mga biktima ng impunidad at trahedya. Ang mas malala pa rito, mismong ang administrasyon pa ang nagtutulak ng isang kontra-mamamayang sistema na siyang nagreresulta sa sandamakmak na kaso ng paglabag sa karapatang-pantao. Sa ilalim ni Aquino, kabi-kabila ang
demolisyon ng mga kabahayan ng maralita upang bigyang-daan ang pagpapatayo ng nagtatayugang gusali, condominiums, at highly-commercialized malls na nagsisilbi lamang sa interes ng iilan. Bukod pa rito, hindi rin kinikilala ng gobyerno ang mga butas at masasamang dulot ng ilang makadayuhang palisiya tulad ng Visiting Forces Agreement (VFA) at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA); bagkus, kanila pang ipinagtatanggol ang mga patakarang ito. Ang pagkamatay ng transgender na si Jennifer Laude sa kamay ng Amerikanong sundalo ang pinakahuling naitalang kaso ng impunidad buhat ng VFA. Malinaw na hindi magtatagumpay ang daang matuwid dahil prayoridad ni Aquino ang pansariling interes hindi ang karapatang pantao ng bawat
mamamayan. Kabalintunaan kung ituturing na nasa tamang landas ang bansa habang patuloy ang paghahari ng karahasan at kawalang-hustisya sa lipunan sa pangunguna na rin ng malalaking negosyo at ng mismong gobyernong nangakong magtatanggol sa mga tao nito. Mananatili ang kaguluhan sa lipunan sa ganitong uri ng sistema, at patuloy nitong hihikayatin ang sambayan na mag-aklas laban sa administrasyong Aquino. Sa pitong biktima ng Hacienda Luisita, 58 ng Ampatuan, libo-libo ng Yolanda, ang transgender ng Olongapo, ipinakita ng estado na hindi ito interesadong protektahan ang mga batayng karapatan dahil ang pangunahing layon nito ay ang pagpapanatili ng interes ng piling iilan. Walang ibang solusyon kundi mag-organisa at kumilos ang masang Pilipino kontra sa kontramamamayang at makadayuhang pamahalaan ng bansa.
THE NATIONAL GUILDER
4
LATHALAIN
Oktubre-Nobyembre 2014 Larawan mula sa People Surge.
Kumusta ang mga biktima ng Yolanda? ni Kenneth Roland A. Guda
B
ago dumating ang huling tag-ulan, nagmadaling kinumpuni ng mag-asawang Maricel at Nelson Alambra ang kanilang munting tahanan sa Sityo Rizal, Barangay Bulao, Basey, Samar. Hindi pa maalis sa kanila ang takot. Bawat paglakas ng hangin, bawat tagaktak ng ulan, tila ibinabalik sila sa alaala ng Nobyembre 8, 2013—nang bisitahin ang Eastern Visayas at buong bansa ng pinakamalupit na bagyo sa kasaysayan. Ito ang bagyong Yolanda. Nagpapatuloy ang takot. Parang kahapon lang para sa mga magsasakang sina Maricel at Nelson nang ragasain ng malakas na daloy ng tubig ang kanilang bahay. Tulad ng milyon-milyong mamamayan sa Samar, Leyte, Cebu at iba pang probinsiya, tinangay ng tubig at malakas na hangin ang kanilang mga gamit. Ang mga kapitbahay nila, hindi lang gamit, kundi buhay ang tinangay. Libo-libong buhay. Hindi nawawala ang takot, dahil di nila magawang umasa na di na mauulit ang katulad na kalamidad sa hinaharap. Hanggang ngayon, hirap pa ring makabangon ang mga mamamayan ng Eastern Visayas. “Gutom ang sinasapit namin. Bago ang bagyo, tatlong beses isang araw pa kaming nakakakain ng kanin. Ngayon, isa hanggang dalawang beses na lang,” sabi ni Maricel. Noong unang mga buwan, sira ang root crops na sana’y panghalili nila sa kanin. “Katumbas sana sa dalawang buwang konsumo ang apat na sakong palay na nasira ng bagyo.” Inamin mismo ni Cecilia Alba ng Housing and Urban Development Coordinating Council na di pa aabot sa isang porsiyento ng mga pamilya sa Eastern Visayas na nasira ang tahanan ang nabigyan ng gobyerno ng permanenteng tirahan. Sa kabila ito ng pagbuhos ng tulong ng maraming gobyerno at organisasyon mula sa iba’t ibang bansa sa daigdig. Di maramdaman Kasama ang ama ni Maricel na si Tatay Elias at pitong anyos na anak na si Mark, kinumpuni ng mag-asawa ang bahay. Wala na silang maasahan sa gobyerno. Iniulat ni Alba sa isang porum kamakailan na 142 kabahayan lang
ang nagawa ng gobyerno para sa 250,000 pamilyang biktima ng Yolanda na nangangailangan ng permanenteng bahay. Karamihan sa 142 na nabiyayaan ng bahay, matatagpuan lang sa Tacloban City at Tanauan, Leyte. Bukod dito, may 3.4 milyong pamilya (o 16.1 milyong indibidwal) sa siyam na rehiyon ng bansa ang naapektuhan ng Yolanda. Nasa 891,000 pamilya ang lumikas. Di-bababa sa 6,300 ang patay. Umabot sa 1,300 katao pa ang nawawala (at pinagpapalagay na nasawi na) at 28,700 ang nasaktan. Sa Post-Disaster Needs Assessment ng gobyerno, aabot sa P104.6 Bilyon ang kailangan para maibangon ang apat na rehiyon, 11 probinsiya at Tacloban City. Samantala, ayon sa Foreign Aid Transparency Hub (FaiTH) ng gobyerno, umabot na sa P34.1 Bilyon ang foreign pledges na pumasok dito. P11-B dito ay cash, at P23-B ay non-cash. Samantala, tinatayang nasa P65-B naman ang nakuha ng administrasyon mula sa 2013 at 2014 pambansang badyet. Maliban dito, sinabi ng Joint Committee on Public Expenditures ng Kongreso na “hanggang P100-B” pa nga ang nailaan nito para sa mga biktima ng Yolanda. Tinatayang may P46Milyon naman mula sa pribadong sektor ang pumasok sa Office of the Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (OPARR). Sa madaling salita, sapat na sana ang pondo ng gobyerno para sa mga biktima. Pero di ito naramdaman ng mga biktima. Batbat ng eskandalo ang pamamahagi ng relief goods ng Department of Social Welfare and Development (DSWD): mula sa pagkabulok hanggang sa korupsiyon. Noong Setyembre, inamin ng DSWD na 7,527 Family Food Packs na nagkakahalagang P2.8-M para sa mga biktima ng Yolanda ang nabulok. Nagpapalala Sa pag-aaral ng Ibon Foundation, itinuturo rin nito ang ilan pang problema na nagpasahol sa kalagayan ng mga biktima. Kabilang dito ang sumusunod: (1) ‘Nakompromisong relief efforts’. Naging pulitikal ang pagtugon ng gobyerno: Sadyang di-tinulungan ng pambansang gobyerno ang lokal na pamahalaan, halimbawa ng Tacloban City, dahil nasa oposisyon ang mga Romualdez na nasa liderato ng lungsod. Bukod pa rito, matindi
Oktubre-Nobyembre 2014
THE NATIONAL GUILDER
5
LATHALAIN
Larawan mula sa People Surge.
ang militarisasyon at pagsagawa ng mga operasyong militar, samantalang nagdeklara naman ng ceasefire ang rebolusyonaryong kilusan; (2) May pagkiling sa malalaking negosyo ang planong rehabilitasyon ng gobyerno. “Mas umaasa tayo ngayon sa pribadong sektor,” sabi ni Panfilo Lacson, rehabilitation czar, noong Enero. “Itutulak natin ang mga effort sa pinili nilang lugar. Pupunan na lang (ng gobyerno) ang mga puwang at pipigilan ang overlaps sa pamamagitan ng pakikipagugnayan sa mga isponsor na sektor.” Ito umano ang nasa likod ng ‘no-build zone’ at ‘no-dwelling zone’ na mga polisiya, o pagbawal sa ilang mga lugar tulad ng karatigdagat na tayuan muli ng bahay matapos ang bagyo. Kapansin-pansin ang pagtayo ng komersiyal na mga gusali at negosyo sa mga lugar na ito sa Tacloban at iba pang lugar. (3) Nagpalala rin ang “oportunismo” ng US Armed Forces na nagpamukha sa mundo na tumutulong sila, kahit na napakalimitado lang Mula sa datos na nakalap ng IBON Foundation sa mga naabot nito sa Tacloban City matapos porsiyento ng mga lupain sa Eastern Visayas ay may mining applications ang bagyo. Sa public relations campaign nito hanggang tatlong linggo matapos ang Yolanda, gumastos ito ng ng malalaki at dayuhang kompanya ng mina. US$52-M sa relief. Pero naging dahilan ito para magpakat ng 1,000 Pinagmamayabang tropang Kano. Sa lagay na ito, ipinagyabang pa ng gobyerno na “mabilis” umano ang Ito ngayon ang madalas na idinadahilan ng administrasyong Aquino at US Armed Forces para sa military exercises at Enhanced Defense rehabilitasyon sa apektadong mga lugar, kasama ang pagpapatayo ng permanenteng mga tirahan. Sinabi ito kamakailan ni Undersec. Danilo Cooperation Agreement. Antonio ng Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery. Pero pinabubulaanan ito ng milyun-milyong mamamayang tulad Dapa sa hirap Bakit hirap ang mga mamamayan ng Eastern Visayas na makabangon nina Maricel. Wala silang matanaw na mabuting kinabukasan ngayon. Pinoproblema nila ang pag-aaral ng mga anak nila. Hayskul na ang mula sa Yolanda? Dahil nasa krisis ang “normal” nilang buhay. Bago pa man dumating panganay ng mag-asawa, pero kung hirap na nga sa pagkain, lalo pa sa ang Yolanda, isa na sa pinakamahirap na rehiyon ng bansa ang Eastern pampa-eskuwela. Samantala, abala si Aquino sa “pagpapamalas” ng rehabilitasyon Visayas. Ang rehiyong ito ang may pangalawa sa pinakamatinding kahirapan (poverty incidence) sa bansa. Samantala, ang mga probinsiya ng Tacloban dahil bibisita ang Santo Papa ng Simbahang Katoliko, si Pope Francis, sa Enero 2015. Dito ng Cebu, Leyte at Iloilo ay nasa makikita ang tunay na prayoridad Top 10 probinsiya ng bansa na ng gobyerno: hindi ang mga may pinakamaraming bilang ng biktima. Aabot sa 7,000 pamilya mahihirap na kabahayan. sa Tacloban ang pinapalikas dahil Ang mga probinsiyang Eastern sa road-widening at pagpapalaki Samar at Northern Samar na ng paliparan. apektado rin ng Yolanda, pasok “Binabatikos na nga ang sa Top 10 probinsiya sa bansa na administrasyong Aquino para may pinakamalaking proportion sa kriminal na pagpapabaya ng mahihirap na kabahayan. sa mga biktima ng Yolanda. Itinuturing naman ang Northern Ngayon, mahigit 7,000 naman Samar, Iloilo, Leyte at Southern ang mawawalan muli ng tirahan, Leyte sa mga probinsiyang dahil sa kalamidad na gawa ng bulnerable sa iba’t ibang klaseng tao na tinatawag na gobyernong kalamidad at sakuna. Aquino. Muli ring mawawalan ng Dahil sa hirap ng buhay, lalong tirahan ang mga mamamayan ng walang depensa ang mga tulad Tacloban at iba pang lugar dahil nina Maricel at Nelson sa mga sa mga polisiyang ‘no-build zone’ kalamidad. Kung makaligtas man sila sa mismong bagyo, sira naman ang mga pananim at gamit nila sa at ‘no-dwelling zone’ na pabor sa malalaking negosyo,” sabi ni Marissa produksiyon. Gutom sila sa mahabang panahon. “Kaming nasa interyor Cabaljao, tagapagsalita ng People Surge, alyansa ng mga biktima ng na mga baryo, nagtitiis sa gutom. Wala kaming inaasahang pagkukunan Yolanda. Sa Nobyembre 8, 2014, nakatakdang magprotesta ang libu-libong ng pagkain ngayong bagsak pa ang mga sagingan,” ani Maricel. Matindi ang monopolyo sa lupa ng iilang panginoong maylupa mamamayan ng Eastern Visayas kabilang sina Maricel at Nelson. sa Eastern Visayas, na siyang pangunahing dahilan ng kahirapan ng Pabubulaanan nila ang “pakitang-tao” ng administrasyon at ihahayag mayorya ng mga magsasaka sa rehiyon. Kahit may Comprehensive na isang taon na ang dumaan, pero bulnerable pa rin ang mga Agrarian Reform Program mula 1987 hanggang 2008, hindi nabuwag mamamayan sa kalamidad. Wala pa ring nagbabago. Pero ang mga mamamayan, galit na at ang pag-aari ng iilang pamilya sa mayorya ng lupaing agrikultural dito. Mula 1972 hanggang 2008, 75 porsiyento ng ipinamahaging lupa’y handang ipaglaban ang karapatan. pampublikong mga lupa at 25 porsiyento lang ang pribadong lupa, Unang nailimbag ang akdang ito sa Pinoyweekly.org noong Nobyembre ayon sa Anakpawis Party-list. Samantala, tinataya ng mga grupong pangkalikasan na nasa 30 4, 2014.
6
Oktubre-Nobyembre 2014
“
Sa pagdaan ng maraming taon, buwan o araw, nakasisiguro akong marami pa ang gagamit ng mahiwagang wheelchair na ito.
Joshua Caleb P. Pacleta The Bicol Universitarian, Bicol University
A
ng mga kawatang gipit, sa wheelchair kumakapit.
Sa tuwing may paglilitis na nagaganap sa ating bansa na kinasasangkutan ng mga malalaking pangalan, mapa-politiko man o sikat na personalidad, sadyang hindi nawawala sa eksena ang mahigawang silya na ito. Ang silyang may dalawang gulong na pinaaandar ng dalawang malilikot na kamay at karaniwang nakikita natin sa ospital. Ang silya ding ito ang nagliligtas sa sinumang buwaya sa bingit ng kahihiyan. Ang mahiwagang wheelchair. Hindi maikakaila na malaki ang bahaging ginagampanan nito sa pagsasakatuparan ng mala-pelikulang pagtakas ng isang kriminal na may kinalaman sa pagnanakaw ng kaban ng bayan. Ang pangyayaring ito ay hindi na bago sa mga mata ni Juan habang pinapanood niya sa telebisyon ang madramang telenobela – na tipong papatapos na ang pelikula subalit na house arrest, hospital arrest, cardiac arrest o anumang uri ng arrest ang kontrabida. Naaalala niyo pa ba ang eksenang ginawa ni GMA? Kung oo, tiyak natatandaan ninyo kung papaano niya pinasan ang lahat ng metal braces sa mundo at inako ang lahat ng epidemya na natuklasan ng mga siyentista. Small but terrible ika nga at nakuha pang tumakbo at manalo bilang kongresista kahit ang dati niyang katungkulan ay ang pagiging presidente ng bansa. Nakakahiya kung tutuusin, hindi ba? Sagad-sagaran na ang pangungurakot na iyong ginawa at naglakas loob ka pa rin tumakbo sa mas mababang posisyon? Ngunit hindi na rin ako magtataka sapagakat sadyang malaking gantimpala naman talaga ang nakukuha ng pagiging isang kongresista. Nag dilang anghel ata ang kanyang nunal na pagkalaki-laki at kasing itim ng kayang budhi. Hindi ko na iisa-isahin pa ang mga pandarambong, panloloko at pangungurap na ginawa niya sa ating lahat basta’t ang alam ko, siya ang dahilan kung bakit umusbong ang alamat ng wheelchair. Isa’t kalahating taon ang nakalipas, nasundan na naman ito ng panibagong pasabog ng dating punong mahistrado ng Korte Suprema. Ilang buwan na pinagdebatehan ng mga nagmamalinis at makakating dila kung siya nga ba ay mapapatalsik sa pwesto o hindi. Nakakapanginit lamang ng ulo na ang ilang senador na bumoto upang patalsikin siya ay yaong mga baboy na mas malala pa pala ang ginawa kaysa sa akusado. Kaya’t hayun, ang tatlo sa kanila’y nakapiit sa “seldang” (na hindi itinuturing na selda) hindi “ka-aya-aya”. Palagay ko ang mga seldang ito, kung ibibigay mo sa mga kababayan nating nakatira sa eskwater ay mas pipiliin pang dito na lang manirahan. Sa huli, nasaksihan ng milyun milyong Pilipino ang mala-epikong eviction ay este dethronement ng kauna-unahang napatalsik na punong mahistrado. Samantala, magmula ng masipa sa silyang pinagkaingatingatan ng sampung taon ay naging marumi at patapong basahan ang kawawang nilalang sa mata ng sambayanan. Matatandaan noong Agosto 26, 2013 ay nakiisa rin kuno siya sa Million People March subalit imbis na matuwa sa kanya ang hukbo ng mga nagngingitngit na Pilipino, siya pa tuloy ang napagbuntungan ng lahat ng sama ng loob. Kaya iyon nagmukmok na lamang siya sa kanyang heavily-tinted
THE NATIONA
PANIT
Ang Ala
na sasakyan habang binubulyawan ng taumbayan. Muli’t muli, huwag nating kalimutan na gumamit rin siya ng mahiwagang wheelchair at akalain mong agad-agad lumala ang kanyang diabetes sa kalagitnaan ng kanyang madramang talumpati na dinaig pa ang “I Have a Dream” ni Martin Luther King Jr. Nagpatuloy ang benepisyong hatid ng mahiwagang wheelchair sa kasalukuyan nang magbukas sa sinehan ang pelikulang pinagbibidahan ng tinaguriang Pork Barrel Scam Queen na si Janet Lim Napoles at ng The Three Little Pigs (Jinggoy Estrada, Ramon Revilla at Juan Ponce Enrile). Pinutakti ng maraming batikos sa telebisyon hanggang sa social media ang diumano’y 10 bilyong karneng baboy na nilamon ng buo nina Napoles at ng iba pang kongresista at senador. Noong ika – ika-7 ng Nobyembre 2013 humarap si Napoles sa Senate Blue Ribbon Committee upang mabigyang linaw ang anomalyang diumano’y sa kanya nag-ugat. Subalit nadismaya lamang ang lahat ng Pilipino ng ang mga katagang lumabas sa kanyang labi ay “hindi ko po alam” at “I invoke my right against self-incrimination.” Idagdag pa rito, sunud-sunod na rin sumuko ang mga senador na sangkot sa pinaka-malaking isyu noong nakaraang taon. Isa pang nakakatawa ay nang makulong ang mga mandarambong na ito’y saka pa lang nagsilabasan ang kanilang mga iniindang sakit. Nasaan ang kanilang mga sakit noong nagpapakasasa sila sa kayaman ng bansa? Noong hayuk na hayok sila sa pagmumulmol sa libu-libong pera na nanggaling sa bulsa ni Juan? Nakapanlulumong isipin na ang ginhawang dapat sana ay tinatamasa ng mga katulad nating naghihikahos sa buhay ay napupunta lamang sa mga luho ng mga ganid sa salapi at sakim sa kapangyarihan. Dapat sana ay ipinamahagi ang bilyun-bilyong karneng baboy na ito sa mga Pilipinong uhaw at kumakalam ang tiyan nang sa gayon ay maibsanman lamang ang gutom at hirap na kanilang nadarama. Lahat ng ito ay nagsimula sa kasakiman. Kasakimang patuloy na bumabalot sa bulok na sistema ng ating pamahalaan. Sa kabilang dako, mantakin mong gumamit rin ng wheelchair na Louis Vuitton itong si Napoles nang sa gayon ay makaligtas siya sa unang pagdinig sa kanyang kaso. Mula sa pagkaitim-itim na nunal ni Gloria ay umusbong ang dalawang gulong at nabuo naman sa kanyang metal braces ang mismong katawan ng wheelchair. Ang mahiwagang wheelchair na pumapabor lamang sa mga FILTHY RICH. Ayaw niya sa mga dukha, mapili siya. Ang mahiwagang wheelchair na kumakatawan sa paikut-ikot na sistema ng hudikatura sa ating bansa. Ang mahiwagang wheelchair na sumisimbolo sa mga bahag ang buntot na hindi kayang panindigan ang mga kasalanang sila mismo ang may kagagawan. Ang mahiwagang wheelchair na kumakatawan sa walang direksyon na pamamahala sa ating bansa. Subukan mong ipagamit ang silyang de gulong na ito sa isang mahirap na Pilipinong mayroong kaso at tiyak akong walang anu-ano’y kulungan agad ang pupuntahan niya. Ganito ang sistema sa ating bansa, ang mayayaman, may pangalan at kapangyarihan, kapag sangkot sa isang anomalya, house o hospital arrest muna ang bagsakan. Ngunit kapag mahirap, wala nang mahabang talakayan pa, seldang kinakalawang ang huling hantungan. Sa pagdaan ng maraming taon, buwan o araw, nakasisiguro akong
NAL GUILDER
TIKAN
Oktubre-Nobyembre 2014
amat ng Wheelchair Unang gantimpala sa Ika-10 Gawad Eman Lacaba sa pagsulat ng sanaysay
marami pa ang gagamit ng mahiwagang wheelchair na ito. Ang telebisyon na nagpapa-alala sa atin ng mapait na at masaklap na katotohanan sa buhay ay babalitaan na lang tayo kung sino na naman ang uupo sa mahiwang tronong ito. Subalit sana, wala ng sumunod pa, iba naman. Fire-Bucket Challenge naman ang banatan nila. Yung tipong imbes na yelo ay nagbabagang uling ang ibubuhos nila sa kanilang mga sarili nang sa gayo’y mapuksa na ang mga katulad nilang salot sa lipunan. Sawa na ako sa mga kaartehang ito. Husto na. Sagad-sagaran na ang kaplastikan na aking nasasaksihan sa harap ng telebisyon. Kung pwede lamang sanang ipatupad ang Batas ni Hammurabi na “Mata sa Mata, Ngipin sa Ngipin,” tiyak na bulag at bungal na lahat ng korap sa ating bansa. Ngunit ang realidad ay tayong mga ordinaryong Pilipino ang tunay na mga bulag sapagkat hindi na natin alam ang katotohanang nagkukubli sa milyun-milyong kasinungalingan. Mga kasinungalingang hanggang ngayon ay hindi pa rin napapatawan ng karampatang parusa. Sana sa mga kapwa ko kabataan: Alam kong hindi lahat sa atin ay pareparehong landas ang tatahakin sa hinaharap. May ibang makikibaka para sa katotohanan, may ibang gagaya sa nagpapa-alipin sa mga diyus-diyosan, may ibang mangingibang bansa, may ibang mananahimik na lamang at magsasawalang-bahala at may ibang magpapaka-dalubhasa. Subalit ang hiling ko lamang, na tayong mga itinuturing na kinabukasan ng bayan ay manindigan sa kung ano ang tama at ikakabuti ng bansa. Sana’y huwag na tayong gumaya pa sa mga maling ginawa o ginagawa ng ilan o karamihan sa buwayang nasa katungkulan. Alam kong ang ilan sa atin ay papasok sa mundo ng pulitika at kung sakaling palarin man na mabigyan ng pribelehiyong mailuklok sa anumang posisyon, kaibigan, kapwa ko, alalahanin mong nariyan ka upang tumulong sa mga dukha; hindi ka nariyan upang magpakasasa.
7
8
THE NATIONAL GUILDER
LATHALAIN
Ang Anti-selfie Bill at krisis sa pamamahayag Jeffern Dave Ando The Chronicler, Polytechnic University of the Philippines-Taguig
H
indi natin lubos na maisip na kahit isang simpleng pagseselfie ay magiging iligal. Ganyan ang pinupunto ng “Anti-selfie bill.” Noong isiniwalat ni Bayan Muna Rep. Isagani Zarate, nilarawan niya ang batas na isang pagharang sa kalayaan sa paghahayag. Ayon pa kay Zarate, ang probisyon ng batas na “private intrusion” ay napakalawak na kahit ang pagse-selfie ay maaaring ipagbawal nito. Ilan sa pinagbabawal ng House Bill 4807 o “Protection Against Personal Intrusion Act” o Antiselfie bill ay: • capturing by a camera or sound recording instrument of any type of visual image, sound recording or other physical impression of the person; • trespassing on private property in order to capture any type of visual image, sound recording or other physical impression of any person; • capturing any type of visual image, sound recording or other physical impression of a person or family activity through the use of a visual or auditory enhancement device even when no physical trespass has occurred, when the visual image, sound recording or other physical impression could not have been captured without a trespass if no enhancement device was used. Ayon sa explanatory note ng magkapatid na Rep. Rufus at Maximo Rodriguez, mga pangunahing nagsusulong nito, ito ay nagbabawal sa mga larawan at sound recording na nagpapakita ng mga private moments para ilahad sa publiko. Labis ang pagkondena ng mga organisasyong pang-midya dahil pananakal ito sa kalayaan din ng pamamahayag. Hindi maitago ang pagkondena ng National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) sa batas na ito. Ayon sa NUJP, itong “weapon of suppression and repression” sa pamamahayag ay maaaring gawing panakip butas ng mga tiwali sa pamahalaan. Kung titingnan lang natin, para namang hindi nakakasama ang panukalang ito.
Grapiks ni Marc Lino J. Abila
Higit sa Selfie
Oktubre-Nobyembre 2014
Hello Garci Controversy ni dating Pangulong Arroyo, retrato ng isang insidente hulidap sa EDSA ng ilang pulis, mga larawan ng karangyaan ng mga anak ng Pork Barrel Queen at marami pang iba. At lahat ng mga nabangit ay mga pribadong kaganapan ng bawat indibidwal. Nagmula ang mga naturang impormasyon sa mamamayan na may lakas ng loob upang kumuha ng retrato o sound recording at ilahad ito sa publiko. Sa pagbabalangkas ng batas na ito, hindi naisalang-alang ang ating pagnanais na malaman ang katotohanan, w a l a n g katiwaliang g i n a g a w a ng hayagan. Ginaganap lahat sa likod ng mga pintuang sara. Sinisira rin nito ang malayang pakikilahok ng taumbayan sa pagbabalita. Pipigilan din ng HB 4807 ang pagsulong ng isang abante at mapanuring lipunan— isang kritikal at batayang katangian ng isang demokratikong lipunan. Marami pang batas na may mas pangangailangang gawing prioridad. Freedom of Information Bill, Anti-Political Dynasty Bill, at Campus Press Freedom Bill ay ilan lang sa may pangangailangang isabatas ngunit patuloy ang pagharang at pagwawalang bahala sa mga ito. Gaya ng pahayag ni Marc Lino Abila, kasalukuyang Pangulo ng College Editors Guild of the Philippines, “The bill is very impractical at all levels. In the face of serious and growing concerns of the country, this bill has no space for legislative attention. Not only that it is a waste of time, it is immensely unconstitutional.” Sunod-sunod ang mga pagtutol ng ilang organisasyon sa batas na ito. Sa kasalukuyan ay inurong na ni Rep. Rodriguez ito sa Kongreso. Ayon sa Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), balak buhayin ni Rep. Gonzales ng Mandaluyong ang batas na ito sa House Committee on Public Hearings. Hindi sapat ang pagkondena sa mga batas na antimamamayan. Sa pagkaalam ng mga isyung nagpapakita ng baluktot na sistema ng pamahalaan, kaakibat nito ay isang responsibilidad na ituwid ang kabaluktutan nito. Walang laban ang nagtatagumpay kung sama-sama ang pagkilos laban sa mga mapaniil na sistema sa kasalukuyan.
Oktubre-Nobyembre 2014
THE NATIONAL GUILDER
LATHALAIN
Ang patuloy na pagsasamantala sa Pilipinas at mga Pilipino Lester May D. Castillo The Nexus, Holy Angel University College of Arts, Sciences and Education
“Justice will remain elusive in a country repeatedly raped by other nations.” Siyam na taon matapos umusbong ang Subic rape case kung saan sangkot ang apat na US Marines sa panggagahasa sa Pilipinang si Suzette Nicolas, muli na namang nagluksa ang bayan sa kawalang hustisya sa pagpaslang kay Jeffrey “Jennifer” Laude, isang Pilipinong transgender. Ang itinuturong suspect sa nasabing krimen ay si Lance Corporal Joseph Scott Pemberton. Si Pemberton ay kabilang sa halos 3,500 US Marines na nagsagawa ng Amphibious Landing Exercises (PHIBLEX) noong ika-29 ng Setyembre hanggang ika-10 ng Oktubre sa Subic Bay, Zambales. Ika-11 ng Oktubre nang matagpuan sa isang motel sa Lungsod ng Olongapo ang bangkay ni Jennifer. Ayon sa Olongapo police autopsy report, matindi ang tinamong pambubugbog sa iba’t ibang parte ng katawan ni Jennifer bago tuluyang paslangin, maihahanay itong hate crime ayon sa mga awtoridad. Ang hate crime ay isang uri ng krimen dahil sa “prejudice, bias, or hate” sa isang partikular na grupo. At sa kasalukuyang mala-pyudal at mala-kolonyal na oryentasyon ng lipunan, laganap itong nangyayari sa mga taong may piniling kasarian o may naiibang sexual orientation and gender identities (SOGI). Ngunit dapat nga ba itong maging batayan para patayin ng isang Amerikano ang isang Pilipino? Panggagahasa sa Pilipinas “With Jennifer Laude’s death, we were not only distressed with increasing hate crimes to the LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) but we were reminded that it is the right time to call on to terminate the Visiting Forces Agreement (VFA) together with Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA), because these agreements clearly serve as an excuse for the impunity of the United States military forces in the Philippines,” pahayag ng Kapederasyon: LGBT Sectoral Organization. May mga kaso na mula US-RP Military Bases Agreement hanggang ngayon sa Visiting Forces Agreement (VFA) ng pananamantala sa mga
Grapiks ni Aaron Bonette
Sa Pag-itim ng Bahaghari
9
kababaihan at paglabag sa karapatang pantao. Ang mismong mga batas na ito, na ngayon nga ay mas lalong pinatindi ng EDCA, ay higit-lalong magbibigay daan para sa mga tropang Amerikano upang malaya silang makalabas-masok sa bansa at kontrolin ang Pilipinas sa aspeto ng pulitika, ekonomiya, at kultura. Panggagahasa sa mga Pilipino “How many more Jennifers like my daughter will be killed so defenselessly?” – Julita Laude Sa pagpasok ng mga tropang Amerikano sa Pilipinas, hindi lamang sina Jennifer at Nicole ang nakaranas ng pambubusabos mula sa mga dayuhan. Noong 1987 ay may naitalang kaso na ng panggagahasa sa isang dose anyos na babae sa Subic at isang US serviceman naman ang gumawa ng nasabing krimen. Dagdag pa rito ang ilang mga kaso ng panghaharass at pagpatay ng mga Amerikano sa inosenteng mga Pilipino. Hindi man direkta na kontrolado ng US ang Pilipinas, nagagawa naman nitong mapasunod na parang tuta ang Pangulong Aquino. Malinaw na halimbawa rito ay ang mga neoliberal na polisiyang ipinatupad ng gobyerno kagaya ng K-12 sa edukasyon, two-tiered wage system sa trabaho, import-export na mga polisiya sa pamilihan at marami pang iba. Patuloy na pagbalikwas “Hate crimes have been a persistent nightmare of the LGBT sector. Every day, hundreds of our LGBTs are subjected to hate speech, discrimination, and violence, victimized physically, emotionally, and psychologically amidst the backdrop of the prevailing patriarchal and ‘macho’ culture.” – Kapederasyon Sa kasong ito ni Jennifer, mas lalong umigting ang panawagan ng mga progresibong grupo upang tanggalin ang mga maka-dayuhang tratado na VFA at EDCA. Nagluluksa man ngayon ang sambayan, nagbigay naman ng malinaw na mensahe ang pagkamatay ni Jennifer. Hindi lamang babae ang inaabuso at ginagahasa sa ating bansa, maging ang ating likas-yaman, lakas-paggawa ng mga Pilipino, maging ang soberanya mismo ng Pilipinas. At marapat lamang na bumalikwas mula sa talamak na pananamantala.
10
THE NATIONAL GUILDER
BALITA
Oktubre-Nobyembre 2014
Campus press freedom violations persist, CEGP backs HB 1493 National News Bureau Delegates from the College Editors Guild of the Philippines (CEGP) appeared before the House Committee on Higher and Technical Education (CHTE) on October 22 to rally behind the initial deliberations of Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon’s Campus Press Freedom (CPF) Bill. Headed by Marc Lino Abila, CEGP national president, Guilders from all over Luzon came to the House of Representatives to share their experiences on campus press freedom violations (CPFVs). Ridon has filed his CPF Bill, also known as House Bill 1493, to protect the rights of campus journalists and to repel the current measure on campus journalism which is the Campus Journalism Act (CJA) of 1991. Abila read the documented cases of CPFVs which have amounted to more than 400, based on the recent national convention of CEGP in Davao City and various gatherings of CEGP nationwide. Among these cases of CPFVs are cases of libel filed against writers, withholding of publication funds, harassment, removal of scholarship programs, expulsion of writers from the school, and closure of publications. In spite of the implementation of CJA, campus press repression persists. Moreover, CJA was even used against writers. “[CJA is] a double-edged dagger against campus journalists,” said Abila. rePRESSed exPRESSion According to Sev Olid, editor-in-chief of The Pioneer from Palawan State University and one of the resource persons during the said House Committee deliberation, the administrators of his institution withheld the publication funds from the editors. Olid further recounted that the collected publication funds were not transferred automatically to the publication’s bank account, causing the delay of some of the publication’s activities. On the cases of censorship and administrative intervention on the content of articles, Arli Joshua Atienza of The Shield from Colegio de San Juan de Letran-Bataan claimed that school administrators asked him to change portions of his articles, including the headlines. The same was observed in the case of Regina Grace de Guzman of The Sower from Quirino State University. Puppet publications? A-Teachers Partylist Rep. Mariano Piamonte Jr. insisted that campus journalists should bow under the rule of school administrators. “Iba ‘yung nasa loob ng campus. I would like to underscore that the rights of the students inside the campus is different from the rights of the students outside the campus.” However, CHTE Chairperson Roman Romulo upheld the clamor of CEGP for genuine campus press freedom, saying that the committee will ensure that the rights of campus journalists will be protected under this bill.
Isinalang sa Kamara ang Campus Press Freedom Bill ni Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon na naglalayong protektahan ang kalayaan sa pamamahayag sa mga paaralan. Larawan mula sa Pinoy Weekly.
Pagpapalakas ng mga alternatibong midya, tinalakay sa Altermidya Andrea P. Dasoy The Torch Publications, Philippine Normal University Pinangunahan ng College of Mass Communication (CMC) ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) ang First National Conference of the Alternative Media na may layuning “palakasin ang tinig ng mamamayan” noong ika-9-10 ng Oktubre sa UP Diliman. Sinimulan ni Propesor Jose Maria Sison ng International Network for the Philippine Studies ang kumperensya sa napapanahong pagkakaisa ng ‘midya ng bayan’. Ayon kay Sison, malaki ang gampanin ng alternatibong midya sa paglaban at pagsiwalat ng kontra-mamamayang polisiya at sistema ng lipunan. Tinalakay naman ni Propesor Luis Teodoro, dating dekano ng CMC, ang kasaysayan ng alternatibong midya sa bansa. Samantala, ibinahagi nina Edita Burgos, asawa ng tanyag na press freedom icon na si Joe Burgos, at Lourdes Fernandez, dating punong patnugot ng Malaya, ang karanasan ng alternatibong midya sa panahon ng batas militar at ng rehimeng Marcos. Nagbahagi naman ng sariling karanasan si Satur Ocampo, dating mamamahayag ng Manila Times mula panahon ng diktadurya hanggang sa administrasyon ni Corazon Aquino, ukol sa kinabilangang underground press at rebolusyonaryong kilusan,
at ang pagsulong ng progresibong kilusan sa pamamagitan ng alternatibong midya. Napag-usapan din sa kumperensya ang malaking pagkakaiba ng alternatibong midya sa mainstream dahil inilalantad ng alternatibong midya ang tunay na kalagayan ng lipunan. Tinalakay sa nasabing kumperensya ang karanasan ng mga grupo at institusyon ng alternatibong midya na nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa. Sa Mindanao, dumalo ang Davao Today, Resource Center for People’s Advocacy in Southern Mindanao, Kilab Multimedia, at Radyo ni Juan. Mula naman sa Visayas, ang Farmers Development Center (FARDEC) at Sine Panayanon. Sa Luzon, dumalo ang Southern Tagalog Exposure, Northern Dispatch, Radyo Sagada, at Bicol Today. Mula naman sa National Capital Region, dumalo ang Pinoy Media Center, Bulatlat Multimedia, Ibon Foundation, Kodao Productions, Tudla Productions, Aklat ng Bayan, Arkibong Bayan, Manila Today, Buhay Manggagawa, at College Editors Guild of the Philippines (CEGP), kasama ang ilang miyembrong publikasyong pangkampus. Matapos ang mga talakayan, binuo ang Altermidya: People’s Alternative Media Network, isang samahan ng mga alternatibong midya na naglalayong imulat sa tunay na kalagayan ng lipunan ang mamamayan.
Be a CEGP Volunteer-Secretariat! The National Office is looking for committee members for: Campaign Organizing Research and Publication Education Basic Masses Integration
The National Guilder is looking for: Writers Layout and Graphic Artist Cartoonist Photojournalist Open to all staff members of student publications.
For details, contact us at 0936-902-6236 or go to cegp.org/vol-sec
Oktubre-Nobyembre 2014
THE NATIONAL GUILDER
11
BALITA
On Ampatuan massacre’s fifth year
CEGP expresses dismay over court proceedings, witness death National News Bureau “The College Editors Guild of the Philippines (CEGP) demands justice for the victims of Ampatuan massacre and the continuing media-related killings. Five years have already passed but the developments on the Ampatuan massacre case dismay the campus press,” said Marc Lino Abila, CEGP National President. CEGP, along with other media groups, staged a candle-lighting activity at EDSA Shrine on November 23, 2015 to commemorate the fifth year of the infamous massacre of 58 people, including 32 journalists and media workers, in the town of Ampatuan, Maguindanao in 2009. “CEGP also expresses its disappointment to the court decision allowing 42 suspects in the Ampatuan massacre to post bail and the killing of another witness to the Ampatuan massacre case, a former driver of the Ampatuan family, who was ambushed at Shariff Aguak, Maguindanao with another former Ampatuan employee and witness who was injured in the incident,” said Abila
“It is disquieting for the campus press that injustice and impunity continue to prevail. The victims and families of extrajudicial killings and human rights violations deserve immediate justice, but the Aquino government remains silent and sedentary on the clamor of the Filipino people for justice,” Abila added. “Aquino acts as if no human rights violations are being committed under his administration. In fact, he’s actually the one who continues on perpetrating these violations by allowing the military and para-military groups to infringe the rights of the people through Oplan Bayanihan and his criminal negligence to the victims of calamities. The campus press has had enough of his “haciendero” arrogance. Aquino doesn’t deserve to be president anymore,” Abila continued. “We are calling our fellow Filipino youth to demand justice for the victims of human rights violations under Aquino administration and stand in solidarity with the families of victims of media killings and human rights violations in our demand to end the culture of impunity,” called Abila.
Ginunita ng CEGP kasama ng mga mga mamamahayag at media groups ang ika-limang taon ng Ampatuan Massacre sa EDSA Shrine. Kuha ni Ronalyn Olea.
The Standard conducts Arellano student publication convention Clive Hendelson F. Cariaga The Standard, Arellano University
Mga delegado ng taunang Lunduyan ng CEGP-Luzon noong Oktubre 19-24, 2014 sa Department of Education Regional Educational Learning Center sa Lungsod ng Angeles sa Pampanga. Kuha ni Wenri de Guzman.
Themed “Writers of the Future, United as One,” five publication members from different Arellano University (AU) campuses convened for PRESSWORK 2014, the first AU student publication convention on September 9. The Standard, the official student publication of AU, in partnership with the College Editors Guild of the Philippines (CEGP), spearheaded the convention. The convention was initiated as part of CEGP’s advocacies to enhance and strengthen responsible campus journalism. It also aims to raise awareness among student journalists regarding their role in the advancement of campus press, which will serve the interest of the students and the people. Topics discussed include the Role of the Campus Press, News Writing, Student Power, Editorial Writing, and Ethics of Journalism.
Lunduyan 2014 at Ika-10 Gawad Eman Lacaba, matagumpay na idinaos Central Luzon News Bureau Idinaos ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) ang ika-15 na Lunduyan, ang taunang kumbensyon ng mga mamamahayag pangkampus ng Luzon, at ang ika-10 na Gawad Eman Lacaba, noong Oktubre 20-24 sa Regional Educational Learning Center (RELC), Lungsod ng Angeles sa Pampanga. Dinaluhan ang kumbensyo ng halos 200 na delagado mula sa iba’t ibang publikasyon sa Luzon na kasapi ng CEGP. Sumentro ang mga diskusyon sa mga
karapatan ng mga pahayagang pangkampus at sitwasyong panlipunan, kabilang ang mga pagtalakay sa sosyo-politikal na diskusyon hinggil sa lagay ng bansa sa ilalim ng rehimen ni Pangulong Benigno S. Aquino III, mga isyu ng katiwalian sa gobyerno, at mga paglabag sa karapatan ng mga manggagawa, pesante, at iba pang sektor. Nagkaroon din ng mga diskusyon at pagsasanay upang mapalawak ang kakayahan ng mga delegado sa pagsusulat. Kasabay ng pagdiriwang ng Peasant Week sa Porac, Pampanga, nagsagawa ng Basic Masses Integration (BMI) ang mga delegado
upang makapanayam ang mga magsasaka ng Hacienda Dolores. Bilang pagtugon sa mga problemang kinakaharap ng mga publikasyong pangkampus, pinangunahan ng Pambansang Tanggapan ng CEGP ang mga caucus upang pakinggan at bigyan ng posibleng solusyon ang mga problema at sitwasyong kinakaharap ng mga publikasyon. Nagpamalas ng talento ang bawat rehiyon sa pamamagitan ng mga presentasyon sa isang gabing pangkultural, at nagbigay ng gantimpala sa mga nagwagi sa ika-10 taon ng Gawad Eman Lacaba.