The Seagull Literary Folio: MONO NO AWARE

Page 60

SA NA NO ON PA Yaretzi Animo'y bumaybay pabalik sa nakaraan, sa unang araw na nasilayan ang iyong mukha Naging mapusok at umibig lamang ako bigla, ngunit 'di lubos na mawari ng aking sapantaha Nahihibang, huli na ang siyang pagdatal ng pag-unawa sa aking windang na diwa Nakaraan natin na bunga ng nasawing pag-iibigan, hanggang ngayon ang yaring sugat ay sariwa Napapikit na lang habang ang masagang mga luha ay siyang nag-uunahang makatakas, makawala Kung maaari ko lang, ikutin pabalik ang panahon nang tayo’y mapagkalooban ng panibagong simula? Kalungkutan ay muling kumukob sa aking mundo, bahagyang pait at papagsisisi sa puso'y nag-alsa Siguro dapat noon hinayaan na kita, ‘di na dapat pa naging sakim sa pag-ibig na alay sayo’y pagdurusa.

58


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
The Seagull Literary Folio: MONO NO AWARE by The Seagull - Issuu