1 minute read
Pagsibol ng Pagkalagas
Pg=sibol= naN= Pag=kalagas=
Pagsibol ng Pagkalagas
Advertisement
SUNGA, Mark Joshua D.S.
Kumusta ka, dalampasigan? Kumusta ang sangkatauhan na sayo’y nananahan? Mga pangako mo na walang hangganan, tumutugma sa tangi mong karilagan.
Gandang walang kupas ng dapit-umaga Ang unang siglo kung saan ito nagmula Hanggang sa takipsilim na dulot ng panahon, sa dilim at lagim na iniwan ng kahapon.
Kahit anong silaw ay may kakagat na dilim; kahit gaanong liwanag ay may katapusan pa rin. Dahilan ng pag-abuso sa sansinukob, paglapastangan dito nang wala sa loob.
Tapon dito, tapon doon. Hindi naman tayo ganyan noon. Disiplina sa kalikasan ay nasaan na? Payapang mundo ay umiikot pa ba?
Sa pagitan ng nag-aagaw na liwanag at dilim, may nakatagong paraisong tahimik at taimtim. Sa ‘di kalayuan ay mamamasdan ang dagat na pula, naghihintay kung ang araw ay sisikat pa.
Ito ang simula ng huling dekada sa paraisong napipitas. Marahil ito na ang pag-usbong at simula ng pagwawakas.
Dibuho ni
Erlie Dawn B. Latuja
Watercolor