1 minute read

Relokasyon

Relokasyon

OCAMPO, Jayson A.

Advertisement

Kahit makasipat ng alternatibong matitirahan sa kung saan mang panig ng uniberso, hindi ito dapat ikahinga nang maluwag. ‘Pagkat ang sagad sa layong nasisilip ng teleskopyo’y hindi kayang tawirin ng buong sangkatauhan. Kung kaya mang lakbayin ng sasakyang pangkalawakan, bilang lang ang mga makasasakay.

Hindi rin tiyak kung makalalapag, baka may makasalpukang kometa sa biyahe. Hindi rin garantiyang ligtas sa madaratnan, baka may ibang nilalang na naninirahan doon na hindi malugod tumanggap ng bisita. Baka palayasin, paslangin o pag-eksperimentuhan nila kapag nakakita sila ng mga estranghero sa kanilang mundo. Baka hindi rin madugtungan ang salinlahi, baka hindi rin magtagal ang hininga sa magiging takbo ng buhay kung sakali.

This article is from: