1 minute read
Punla
Punla
BAGUISA, Carol P.
Advertisement
Malawak na hardin, sisidlan ng mga halamang umiindayog sa saliw ng sariwang hangin. Isang kariktan sa katawan ng mundong luntian, walang pagsidlan ng kayamanan. Animo’y paraisong mapayapang pinamahayan ng aking mga ninuno sa nakaraang milenyo.
Ngunit namamatay na ang oras, kasabay ng tila pagtaas ng grado ng aking paningin sa pagpapalit-anyo ng dating malawak na hardin.
Hindi ko maarok ang layong nilakbay nito.
Nagtatanim pa rin naman ang mga tao upang mabuhay, ngunit iba na ang binhing ibinabaon. Kinalaykay at binungkal ang luntiang hardin upang pagtamnan ng mga naglalakihang bakal at bato, upang punlaan ng nagtatayugang istraktura.
Ang malawak na luntian, ngayon ay naging sementado. Ang punlang noo’y ilang pulgada lamang ang iniaangat sa lupa, ngayo’y tumitindig ng ilang metro pahilaga. Marahil ay magkaiba ang naipunla, sa pag-aakalang ang huli’y mas mabisa.
At sa tuluyang pagkamatay ng oras, mamumunga ang punlang itinatanim sa kasalukuyan. Hindi na muling papayagan ng lupa ang kahit anong punla, bukod sa katawan ng tao anim na talampakan paibaba. Aanihin, kamatayan.
Sa Biyaya naN= Kalikasan=
Sa Biyaya ng Kalikasan
DELOS SANTOS, Lanch Lenard C.
Lunurin man ng baha, sa pag-apaw ng dagat. Sanhi ng kamalian ng mga taong bulag.
Dibuho ni