5 minute read

Kung Bakit Ayaw kong Pagmasdan ang Alapaap ng Gabi

Next Article
Mandirigma

Mandirigma

KuN= Bkit+ ayw+ koN= Pg+ms+dn+ aN= alpap+ N= gbi

“Sana maghilom ang sakit at manatili ang masasayang alaala.”

Advertisement

—Tumingala ka.

Bahagyang inangat ni Amang ang aking nakayukong ulo. —’Wag nang magtampo. Pagmasdan mo lang ang mga bituin. Tayo’y hindi magkakahiwalay. Kung anong nakikita mo rito ay iyon din ang makikita ko roon.

Pinipigilan ko pa rin na tumulo ang mga luhang nangingilid sa aking mga mata. —Isigaw mo sa mga bituin ang mga nais mong iparating sa akin, sa tuwing mami-miss mo ‘ko. Maririnig ko kaagad ang mga ito. Isisigaw ko rin sa mga ito kung gaano ko kayo kamahal, pinunasan ni Amang ang kanyang mga mata. —Ikaw ang panganay. Ikaw na ang magiging ama nila habang wala ako. Alagaan mo ang Inang at mga kapatid mo.

Mahigpit na yakap ang naging pagtatapos ng pamamaalam n’ya sa akin. Niyakap din ni Amang ang aking mga nakababatang kapatid, Inang at iba pang mga kamag-anak. Pumasok na s’ya sa loob ng airport. Hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko kahit hindi na s’ya maabot ng aking mga paningin. —Halika na, Kuya, sigaw ni Inang.

Sa paglabas namin ng airport, pinapanood ko ang paglipad ng mga eropolano sa alapaap. —Mag-iingat ka, Amang.

Hindi ako sanay na wala s’ya sa aking tabi. Tuwing umaga, ipagtitimpla ko s’ya ng kape at iaabot ang pandesal at dyaryo. Sa tuwing mamahinga naman s’ya mula sa maghapong pamamasada, pinupunasan ko ang kanyang pawis at hinihilot ang kanyang mga braso, balikat at likod. Siya rin ang katabi ko sa papag, sa pagtulog.

Aktibo rin s’yang dumadalo sa mga aktibidad sa paaralan. S’ya ang dumadalo sa mga pagpupulong, kumukuha ng aking kard. Si Amang ang nagtuturok ng mga laso at nagsasabit ng medalya t’wing Recognition Day. Hindi s’ya nagdadalawang-isip na tumigil muna sa pamamasada, makadalo lang sa mga nabanggit kong mga aktibidad.

Sa tuwing may nagdiriwang ng kaarawan sa pamilya, sama-sama kaming pumupunta sa bayan at sumisimba, mamasyal at maglalaro sa parke. Kakain ng spaghetti at keyk. Isang beses lang sa isang taon kung ipagdiwang ang kaarawan kaya ipinaparamdam nila sa amin kung gaano ito ka-espesyal.

Naaala ko rin na madalas akong mahagupit ng sinturon ni Amang. Nagmamadali na akong umuwi sa bahay ‘pag narinig ko na ang tunog ng kampanya, tuwing ala-sais ng gabi. Nalilibang ako ‘pag minsan, sa paglalaro sa kabilang kanto, kaya nakakaligtaan kong umuwi sa nakatakdang oras. Inihahanda ko na ang sarili ko ‘pag nakita kong nakaparada na sa harap ng bahay ang dyip na ipinapalabas kay Amang.

Nagkakaalitan din kaming magkakapatid. Kapag ibinili sila ng bagong damit at sapatos, gusto ko rin na mayroon ako. Kapag may bago silang laruan, inaagaw ko ito mula sa kanila at ako muna ang unang maglalaro niyon. Hindi naman

talaga bago ang mga iyon. Nahihingi lang ni Inang ang mga iyon sa mga amo niya sa paglalabada. Ipinapaala sa akin ni Amang na dapat lagi akong magparaya dahil ako ang nakatatanda. Dapat ako ang nakauunawa sa lahat ng sitwasyon.

Hindi ko namalayan na ilang araw, buwan at taon nang nagdaan. Nasanay na akong wala siya sa aking tabi. Nakayanan kong mabuhay na hindi siya hinahanap sa mga mahahalagang pangyayari sa aking buhay. *

Anim na taon nang nakararaan. Nakatanggap kami ng tawag mula kay Amang. Ipinagtapat niyang nakapiit siya sa kulungan. —Sinamahan ko ang amo ko sa isang pagpupulong. Hindi sila nagkasundo ng magiging ka-sosyo sana niya sa negosyo, hanggang sa nagtalo na ang dalawa. Nagkasuntukan, nagkasakitan. Hinampas ng bote ng alak ang ulo ng amo ko at masama ang pagkakahampas sa lamesa. Hindi ko sila maawat noon dahil ayaw ni Sir na madawit pa ako sa away nila. Bumaha ang dugo sa sahig. Binawian nang buhay si Sir.

Hindi na kami mapakali habang siya’y kausap namin. —Mabilis na rumesponde ang mga pulis. Kinausap ng mga pulis ang suspek na negosyante. Hindi ko maunawaan ang naging pag-uusap dahil hindi pa ko ganoon ka-bihasa sa wikang Arabyano. Niyaya ako ng pulis na sumama sa kanila. Sumunod ako sa kanila. Akala ko hihingian lang nila ako ng salaysay tungkol sa nangyari pero ikinulong nila ako.

Hindi ko na mapatahan sa pag-iyak si Inang. Nagtataka na ang iba kong kapatid kung ano’ng nangyayari sa kanya. —Araw-araw, tuwing alas

kwatro ng umaga, pinalalabas kami ng kulungan. Kasama ang iba pang mga preso, pinaglalakad kami sa disyerto na walang sapin sa mga paa. S’ya nga pala, nakausap na ng embahada ang pamilya ng amo ko. Ipinaabot ko sa kanila ang liham na naglalahad na ako’y inosente. Hanggang sa ngayon, hinihintay ko pa ang kanilang pasya. ‘Wag kayong mag-alala sa akin. Ayos lang ako rito.

Paano kami hindi mag-aalala sa kanya? Ang tagal na niyang nawalay sa amin, nagsakripisyo, tapos ngayon nakakulong, pinahihirapan.

Hindi na ko makatulog, simula noon. Hindi naman nagsasawang magnobena araw-araw ang Inang.

Ilang buwan ang nakalipas, tumawag muli si Amang. Nagdesisyon na ang pamilya ng amo n’ya. Sa unang pasya, ang bunso nilang anak ang magdidesisyon sa kasasapitan ni Amang, sa pagsapit n’ya sa hustong gulang. Kalaunan, nagbago ito. Hindi sila pumayag sa alok ng pamahalaan ng Pilipinas na magbayad ng blood money si Amang. Itutuloy ang bitay anumang oras mula ngayon. —Ito ang kapalaran ko. Tanggap ko na ang mangyayari. Sana, bukal n’yo na rin itong matanggap. Pisikal man akong mawawalay sa inyo, babantayan ko naman kayo sa tuwina. Mahal na mahal ko kayo. Ang mga aral na itinuro ko sa inyo ay lagi n’yong pakatatandaan

Hindi ko narinig kay Amang na pinanghinaan siya ng loob. Hindi madali pero tama s’ya na dapat matanggap namin ang nakatadhanang mangyari sa aming pamilya.

Agosto 17. Isang tawag ang muli naming natanggap. Akala namin ay nagmula iyon kay Amang pero isang hindi pamilyar na boses ang aking narinig. Alas otso ng umaga roon nang sinentensyahan na si Amang. Sa limang binitay, siya lang ang Pilipino. Inaasikaso na roon ang pagpapalibing kay Amang bago pa man lumubog ang araw, ayon na rin sa tradisyon ng mga Muslim.Tinulungan kami ng pamahalaan na makapunta si Inang sa Saudi; makita si Amang, sa huling pagkakataon, kahit sa puntod niya.

Sa paglipas ng panahon, sana maghilom ang sakit at manatili ang masasayang alaala kasama si Amang, kahit hiram na lang ang mga ito.

Para sa mga biktima ng maruming eleksyon sa Maguindanao.

Ang buhay midya ay hindi katulad ng sa mga artista - maningning at hinahangaan. Noon, ikaw ang abala sa pangangalap ng mga ibabalita. Ang trahedyang sinapit n’yo ang kasalukuyang isyu sa mga radyo’t telebisyon.

This article is from: