PALETA
Kung Bakit Ayaw Kong Pagmasdan ang Alapaap ng Gabi
KuN= Bkit+ ayw+ koN= Pg+ms+dn+ aN= alpap+ N= gbi
“Sana maghilom ang sakit at manatili ang masasayang alaala.”
—Tumingala ka.
panganay. Ikaw na ang magiging ama nila habang wala ako. Alagaan mo ang Inang at mga kapatid mo.
Bahagyang inangat ni Amang ang aking nakayukong ulo.
Mahigpit na yakap ang naging pagtatapos ng pamamaalam n’ya sa akin. Niyakap din ni Amang ang aking mga nakababatang kapatid, Inang at iba pang mga kamag-anak. Pumasok na s’ya sa loob ng airport. Hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko kahit hindi na s’ya maabot ng aking mga paningin.
—’Wag nang magtampo. Pagmasdan mo lang ang mga bituin. Tayo’y hindi magkakahiwalay. Kung anong nakikita mo rito ay iyon din ang makikita ko roon. Pinipigilan ko pa rin na tumulo ang mga luhang nangingilid sa aking mga mata. —Isigaw mo sa mga bituin ang mga nais mong iparating sa akin, sa tuwing mami-miss mo ‘ko. Maririnig ko kaagad ang mga ito. Isisigaw ko rin sa mga ito kung gaano ko kayo kamahal, pinunasan ni Amang ang kanyang mga mata. —Ikaw ang
—Halika na, Kuya, sigaw ni Inang.
54