P A L E T A
Opisyal na Publikasyon ng mga mag-aaral ng Pambansang Pamantasan ng Katimugang Luzon Kolehiyo ng Inhinyeriya, Lucban, Quezon 1/F MHDP Bldg., College of Engineering Southern Luzon State University Lucban, Qeuzon 4328 Philippines www.facebook.com/thespark.slsu www.facebook.com/paleta.thespark
PALETA TOMO 6
Karapatang-ari © THE SPARK Patnugutang 2016-2017 Karapatang-ari ng mga gawa ay nananatili sa kani-kanilang mga tagalikha. Reserbado ang lahat ng karapatan kasama na ang karapatan sa reproduksyon at paggamit sa anumang anyo at paraan maliban kung may nakasulat na pahintulot mula sa may hawak ng karapatang-ari.
P A L E T A VI Likhang Pampanitikan ng The Spark
SUMALUNGAT, PUMAGITNA o SUMANG-AYON.
“
“
Sapagkat sa mundo kung saan walang tigil ang banggaan ng magkabilang panig, wala kang magagawa kundi
PROLOGO
Ang Pagpili ay Kamatayan Sa mga panahong kailangan mong pumili sa kung alin o sino ang tama o ang mali, minsan ang desisyon ay nahahaluan ng emosyon. Pag-aalinlangang maaaring dahil sa takot o saya kung saan natatakpan na ang tunay na esensya ng matalinong pagpili. Mas mahirap ang pagpili kung wala ka na talagang pagpipilian dahil minsan sa pagpili’y buhay ang nakasaalang-alang. Kung sinong naipit sa sitwasyong nabalewala ang kakayahang pumili ng malaya ang siyang maaaring makapagpabago ng takbo ng tadhana. Hindi sila, ako o ang takot sa loob mo ang dapat na masunod. Ikaw ang siyang dapat na humarap sa gusto mong panigan. Kahit saan mo ibaling ang iyong paningin ay mayroong tunggalian. Kahit takpan mo ang tainga mo’y sumisiksik ang mga bulong at sigaw. Sapagkat sa mundo kung saan walang tigil ang banggaan ng magkabilang panig, wala kang magagawa kundi sumalungat, pumagitna o sumang-ayon.
JOEY M. QUINDOZA Patnugot ng Panitikan
nilalaman Sanaysay Impit 10 Takas 18 Alintana 38 Magnum Opus 67 Ang Hindi Lumingon 68 Rainbow Soldier 73 May Dahilan na Upang Ako’y Mamatay 96 Libingan 109 The Creation 113
Dibuho Siphon 7 Alaala 12 Enigma 20 Free Sooner 24 F[hate]th 65 Real Legion 89 Pula at Itim ang Bagong Kulay ng Gabi 103 Ibinaon sa Limot 108 Glimpse of Truth 112
Larawan Yabag 32 Damay 42 Pinagkaitan 47 Lakbay 74 Laro ng Kapalaran 78 Vanishing Youth 82 Nasa Tabi-tabi 83 Tumingala Ka 85 Trabaho Lang 97 Hawak Kamay 98 DE[A]DMA 100 Tao Tayo 119
Dagli Kayamanan 1 Punit 2 Lata 4 Malapit na Magunaw ang Mundo 5 Para kay Inay 6 Huling Isandaang Hakbang 25 Langit Lupa 27 Keyk 31 Sugat 40 Pulbura 43 Dalawang Pares ng Sapin sa Paa 75
Maikling Kwento Tula Naubos na Tinta 8 Siopao 16 Liham ni Monica Santa Fe 54 Saglit na Pagtakas 56 Strange Faces 58 Sabaw 60 Musika 62 Above the Fallen 76 Eroplanong Papel 80 Sa Bawat Pagpikit 86 Saranggola 90 Sino ang Pumatay ng Ilaw? 92 Isang Dampi ng Napunding Liwanag 114
Sining ng Paggunita Sakdal 11 Hinahanap na Tinig 26 Rubbles 35 Misconceived 44 Lifeless Angel 49
Fallen Hero 52 Vanished Restraint 66 Faith ≠ State 104 Shattered Dreams 111
Sulat Patungong Langit 13 Ang Butas sa Kwadradong Kahoy 21 O ka-Rehsup 22 Huling Sulyap 23 Ika-Anim na Talampakan 33 String of Love 34 Ngayon, Sumulat Ako Para Sa’yo 41 Apat na Tanaga ukol sa Tsinelas 45 Sino Ako? 46 Infinite Loop 48 Digmaan 50 Kapayapaan 51 Ang Tatlong Kamalasan 53 Rektanggulo 79 Dancing with My Dark 84 Love, Rain, and Sorrow 99 Mga Tanaga ng Kamatayan 101 Nuke 102 Teknolo[hiya] 105 Ba’t Di Mo Simulan? 110 Para Kanino Ka Lumalaban? 118
SUMALUNGAT
“Mamamatay ang iba upang ang iilan ay mabuhay.”
“
“
KAYAMANAN
Ngayo’y wala na ang kinagisnan.
Nagsimula sa isang hukay na lumaki at lumamon sa kinatitirikan ng mumunting tahanan. Kinuha ang kayamanan na sana’y lokal ang nakikinabang. Kumalat sa katubigan ang mercury. Nilason ang mga naninirahan. Nagpatuloy. Ngayo’y wala na ang kinagisnan ng mga katutubong noon ay malaya sa sarili nilang bayan.
VI
PALETA 1
PALETA
VI
“
Kahit kailan ay hinding-hindi na mapagtatakpan.
“
PUNIT
Sa mga oras na iyon, naiisip niya ang kanyang pamilya. –Paano na kaya? tanong niya sa sarili. –Marahil hanggang dito na lang ako. Paalam. Bulong niya kasabay ng pagpatak ng mga luha. Bahagya nitong nabasa ang kahoy na sahig na kinalulugmukan ng kaniyang mukha. Wala siyang magawa kundi ang subukan na kalasin ang lubid na mahigpit ang pagkakatali sa kanyang mga kamay at paa, gayundin ang bulaklakang panyo na nakabusal sa kaniyang bibig. Madilim ang kanyang kinalalagyan na tanging liwanag lamang mula sa buwan na tumatagos sa basag na bintana ang kahit papaano ay umaaliw sa kanyang pagiisa. Binasag ng langitngit ng pinto ang katahimikan ng gabi na muling nagpabilis sa pagtibok ng kanyang puso. Nakarinig siya ng mabibigat na yabag ng mga sapatos at ito’y lumalakas sa paglipas ng bawat segundo. Tumigil ang mga ito malapit sa kanyang kinalalagyan at kinalas ang pagkakatali ng kanyang mga paa. Maya-maya, naramdaman niya ang paghimas ng mga kamay sa kaniyang mga hita, patungong balakang, at ipinasok sa kanyang pang-ibaba. Makalipas ang ilang minuto sa ganoong senaryo, tuluyang hinubad ng lalaki ang lahat ng kanyang damit, ganoon din ang sa kanya. Sapilitan nitong ibinuka ang mga hita ng biktima na nagbunyag sa pinakakaingatan nito. Tuluyan na ring kinalagan nito ang pagkakatali ng kamay ng dalaga upang mawalan ng sagabal ang masamang plano nito. Hindi na
2
makalaban ang dalaga dulot ng pagod at ng pambubugbog sa kanya kanina. Napasigaw na lamang siya dulot nang biglaang ginawa ng lalaki sa kanya. Napakagat siya sa kanyang labi dahil sa sakit. Kanyang nadama ang… ang pagkapunit ng kanyang pagkatao na kahit kailan ay hindi na maibabalik. Tumutulo na lamang ang kanyang mga luha habang siya ay binababoy nito. Isang ungol ang kumawala mula sa lalaki na muling bumasag sa katahimikan ng gabi. Bumagsak ang lalaki sa kanyang dibdib. Nararamdaman niya ang untiunting pag-agos ng likido na nagmumula sa pagitan ng kanyang mga hita. Isang bahid ng kahihiyan na kahit kailan ay hinding-hindi na mapagtatakpan, kung sakaling siya ay palarin pang mabuhay. –Hindi na sana ako sumama sa iyo. Isa ka palang demonyo, wika niya sa lalaking nakilala sa Facebook.
VI
PALETA 3
PALETA
VI
“
“
LATA
Magkano kaya ang laman ng aking lata?
Saan ba ang langit? Pwede na ba akong pumunta ‘don? Isang tanghali, mataas ang sikat ng araw, maingay ang mga taong nagtatawaran sa pamilihan. Maalinsangan ang panahon na pinalala ng usok ng mga sasakyang dumadaan sa konkreto ngunit baku-bakong kalsada. Narito ako sa isang sulok kapiling ang isang lata, mahigit tatlong oras nang sinasambit ang ‘pahingi pong barya’ sa bawat estrangherong lumalapit sa aking kinatatayuan. Nang biglang may isang lalaking malagong ang boses ang kumausap sa akin. -Bata, bawal ‘yan. Sumama ka sa’kin. Matapos kong marinig ito ay dali-dali kong dinampot ang aking lata at tumakbo papalayo. Habang tumatakbo, muling nanumbalik sa aking alaala ang nakaraan. Masaya ang aming pamilyang naninirahan sa isang baryo, nagtatanim ng palay at ng ibang mga gulay bago sila dumating. Bago dumating ang mga lalaking pare-pareho ang kasuotan at may malalaking baril. Bago nila ipakain sa apoy ang aming lupang tinatamnan kasama ang aming tahanan. Bago mawala ang aking… Pagod na ako sa pagtakbo. Saan ako pupunta? Magkano kaya ang laman ng aking lata? Saan ba ang langit? Manunumbalik ba ang paningin ko sa pagpunta ‘don?
4
“
Pero hindi ako nakinig kay inang.
“
MALAPIT NA MAGUNAW ANG MUNDO
Sabi ni tatay, panindigan ko raw kung ano ang pinaniniwalaan ko. Pero sabi ni inang, huwag daw ako sasali sa mga rally at usapang pulitiko dahil sa mga tumataas na bilang ng extra-judicial killings at desaparecidos. Pero hindi ako nakinig kay inang. Iba ang fulfillment na batikusin ang mga tarantadong tae sa senado na pati bibliya, sinali sa kahambugan nila, at pagtayo sa unahan para ipaalam sa mundo na isa ka sa mga matatapang na piniling hindi manahimik. At hindi kami titigil kahit ilang death threat pa ang matanggap namin mula sa makapangyarihang tae este tao. Siguro tama nga ang paglitaw ng mga deep sea creatures at bubuyog sa Alabang. Mga sunodsunod na lindol, threat ng Martial Law sa Mindanao at pagkakaroon ng death penalty. Malapit na sigurong magu...
VI
PALETA 5
PALETA
VI
“
Huwag ka naman sanang magpaloko sa kanila para lang sa katiting na salapi.
“
PARA KAY INAY O inang aking mahal,
Nararanasan ko ang hirap at hinagpis na iyong natatamasa dito sa sanlibutan. Marahil, ilang beses ka na ring pinagsasamantalahan ng ibang tao dahil sa yaman mong kay ganda at kaakit-akit. ‘Di ko lang maintindihan kung bakit ‘di ka pa natuto. Alam mo namang naging malaya ka na dati, pero bakit bumabalik na naman ang madidilim nating mga araw na tila tulad lang ng mga nakaraan. Hindi porke’t nakaranas lang ng kaunting hirap ay magpapa-uto ka na naman sa kanila. Oo ‘nay, kailangan natin ng pera at seguridad ng ating pamilya, pero may iba talaga silang motibo. Huwag ka naman sanang magpaloko sa kanila para lang sa katiting na salapi. Sana ‘nay, maghiganti ka naman sa mga tarantadong kumag na ginawa ka muling isang putang ina. Ang iyong magiting na anak, Jay-R
6
SIPHON There is a darkness that consumes us all. Perhaps it is our fault. Or maybe it’s just our nature.
VI
PALETA 7
PALETA
NAUBOS NA TINTA
“
“
VI
Kung bakit patuloy niya itong ginagawa ay hindi niya rin alam.
Madilim pa ang paligid. Tanging ang kaluskos lang ng mga dahon na humahalik sa bubong ang ingay na namumutawi. Ilaw lang ng maliit na gasera ang nakikipaglaban sa kadiliman. Simula na naman ng bagong araw. Nagmulat ang mata ni Josefa na may bakas pa ng muta buhat sa pahingang apat na oras lamang. Panibagong araw ngunit hindi bagong simula, para sa kanya na nalunod na sa realidad ng buhay. -Babangon pa ba ako? Iyan ang katanungan na laging nagsisimula sa araw niya. Ilang milyong beses na niya itong naitanong, ilang milyong beses na rin niya itong nasagot. Pero magpaganoon pa man, babangon at babangon pa rin naman siya. Magsisimula ang mahabang araw niya ng pagpunta sa kanilang estasyon. Ang lugar na nakakaumay nang puntahan para sa kanya, pero tila sarili na niyang paa ang nagdadala sa kanya rito. Naiinis na siya, pero dahil binuhos niya ang buong pagkatao niya sa propesyon, na hindi lang sapat ang walong oras kada araw sapagkat kulang na kulang ito. Pinangarap niya na mapanood lang sa telebisyon habang binabalita niya ang mga nagaganap, ngunit tadhana ang nagdikta na sa halip na maging reporter, naging isa siyang manunulat para sa lipunan. Kung bakit patuloy niya itong ginagawa ay hindi niya rin alam. Tila isang misteryo ito na walang kasagutan. -Nakakasawa na ang mga balita, ulit-ulit na lang. Patay si ano. Korap si ano. Magtataas ang presyo ng gasolina, ng lahat na. Wala na yatang bago na ibabalita ang mga iyan. Iyan ang mga naririnig niya sa mga tao, sa tuwing kakain siya ng tanghalian o hapunan sa mga turo-turo. Gusto na niyang magsalita, pero umuurong naman ang dila niya. Wala ring saysay kung ipaliliwanag niya dahil ang mga nakikita sa telebisyon ay manipulado na rin ng mga nakatataas. 8
-Huy Josefa, mag-ingat ka sa mga sinusulat mo. Alam mo naman ang mga tao sa bansang ito. Paalala iyan ng mga kapwa niya dyurnalist, na hindi niya pinapansin. -Wala akong ginagawang masama. Pinaninindigan niya na hindi masama ang magsabi ng katotohanan, lalo na ang iparating ito sa lipunan na kinain na ng burak ng kasakiman at kawalang hustisya. Magtatapos ang araw niya na solong umuuwi sa kanila. Binabaybay ang lugar na kinalakihan niya kung saan niya nasilayan ang makulay na mundo na unti-unting naging kulay abo. Masakit sa mga mata at tumatagos sa puso ang pighati na nararamdaman sa tuwing naiisip niya ang lipunan, mga bata, mga lola, mga magulang at ang paligid na kinain na ng sistema. Panulat lang ang kanyang sandata, ngunit hindi niya ito alintana kahit ang mga kinakalaban niya ay baril, pera at hustisya ang panangga. -Hindi mali ang ipaalam kung gaano kaitim ang libag ng lipunan, ang katusuhan ng mga mamamayan, at ang nalalapit na paghuhukom sa sangkatauhan. Hindi dahil sa kung anong delubyo kundi dahil sa kasuwalian ng mga tao. Kaya kahit ang pagpantay ng aking mga paa ang kapalit, hindi ko bibitawan ang panulat hangga’t ako ay nabubuhay pa. * -Sayang ang babaeng ito, ang ganda-ganda pa naman. -Wala nang habol bakla, bihisan na natin si ate girl, ilalagay na raw ‘yan sa kabaong e.
VI
PALETA 9
PALETA
VI
“
“
IMPIT
Wala man itong kasiguraduhan, tangan ko ang pag-asa na maririnig ng mga taong nagbibingi-bingihan ang aming impit na boses.
Pawisang katawan. Mainit na panahon. Tubig lang ang panlaban sa uhaw at kumukulong sikmura. Humuhupa na ang sigawan habang papalubog ang araw. Patapos na ang araw ngunit para sa akin, iyon palang ang hudyat ng aming pakikipaglaban para sa karapatan na maibalik ang tahanan at ang buhay na untiunting ninanakaw ng malupit at sakim na mga tao sa lipunan. Buong araw kong hawak ang karton kung saan nakasulat ang ipinaglalaban namin, tinitiis ang mainit na semento ng kalsada. Dumadaan ang mga tao na nagnanakaw ng tingin. Mga tingin na may bakas ng panghuhusga at pagtataka. Mga tingin na para bang mga basura kami na nagkalat sa lansangan. Ilang pulo ang aming nilakbay para lang makarating sa magulo at maingay na Kamaynilaan. Wala man itong kasiguraduhan, tangan ko ang pag-asa na maririnig ng mga taong nagbibingi-bingihan ang aming impit na boses. Mapapaos ako, pero hindi ako magiging pipi kahit na binubusalan na ng nakatataas. Kung anuman ang kahahantungan nito, walang pagsisisi na mas pinili kong ipabatid ang hinaing ng aming samahan kaysa mabuhay nang untiunti namang pinapatay ang pag-asa ng magandang bukas. Mahaba ang nilakbay namin pauwi sa aming pinagmulan. Nangingilid ang mga luha sa aking mga mata. Iniisip na paano kung ang aming hangarin ay hanggang sa karton na lamang. Pero patuloy na umaasa na sana bukas maiba naman ang ikot ng mundo, sa mundo na hugis triangulo at kami ang nasa kaibabaan. Papatayin ko na ang ilaw ng lampara. ‘Wag sanang sumabay dito ang pagpatay sa aking pag-asa.
10
SAKDAL Si Alfredo Bucal, presidente ng TODA sa Nasugbu, Batangas at isa ring ama na hinarang ng 730th Combat Group – Philippine Airforce sa isang checkpoint noong Nobyembre 10, 2010 dahil pinagbintangang nagsakay daw ng rebelde. Nagsampa ang kanyang pamilya ng Habeas Corpus ngunit pilit na itinatanggi ng CG – PAF na may kinalaman sila sa kanyang pagkawala. Hunyo 2011 nang matagpuan ang kanyang bangkay sa isang mababaw na hukay, malapit sa kampo ng military sa loob ng Hacienda Looc.
VI
PALETA 11
PALETA
VI
ALAALA Kasabay sa pagpanaw ng buhay Ay ang paglaho ng gunita Na kailanma’y hindi na muling makikita
12
SULAT PATUNGONG LANGIT Sa pagpatak ng aking dugo ay ikinatutuwa ko na nagsilbi ako para sa aking bayan Gusto ko sanang malaman nila na hindi biro ang maging isang ehemplo at huwaran At malaman sana nilang hindi biro ang aking pinaglalaban Na sa perspektibo pa ng iba ay pawang kalokohan lamang sa kanila At sinasabi pa ng iilan na kami’y bayaran upang mag-ingay sa mga kalsada Ang totoo ay hindi sila nagkakamali na mga bayaran talaga kaming tunay Sapagkat sariling buhay ang kapalit para lang mamulat ang mga bulag sa katotohanan Habang umaagos ang aking dugo ay maubos na sana ng lubos ang mga nagmamaang-maangan Maging senyales na ito ng pagkakaisa at maubos na rin ang mga buwaya sa lipunan At sa huli kong paghinga, makaranas na sana ang henerasyong ito ng ginhawa.
VI
PALETA 13
Para sa mga biktima ng extra-judicial killings
Sa pagpatak ng basiyo sa lupa, natakpan ng taginting ang ligalig at tangis ng kanilang pagkawala
PALETA
VI
“
“
SIOPAO
May langit raw sa kabilang buhay ngunit paulit-ulit kong pipiliin ang langit sa piling mo sa ating kwadradong tahanan.
Para sa aking minamahal,
Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa aking buhay. Mas maganda ka pa sa sinag ng araw. Ang mga mata mo na puno ng pag-asa ang hudyat ng aking simula. Masaya akong gumigising sa umaga na ang mga labi mo na may kurba ang bubungad sa’kin. Daig pa ng lamesang puno ng pagkain ang almusal natin na pritong tuyo at sinangag. Tanda mo ba ang araw na sinabi ko sa’yo na magiging tatay ka na? Hindi matutumbasan ng kahit anong salita kung gaano tayo kasaya nang mga minutong iyon. Isa iyon sa mga alaala na hindi mawawala sa aking puso at isipan. Ganoon kita kamahal, at ang magiging anak natin. Hindi ko alam, marahil hindi ito ang perpektong mundo pero para sa’kin, nabubuhay ako sa paraiso na tayo lang ang nakaaalam. May langit daw sa kabilang buhay ngunit paulit ulit kong pipiliin ang langit sa piling mo sa ating kwadradong tahanan. Hindi ko matanggap. Kasabay ng pagdilim ng langit at paglaho ng mga bituin ang aking pagdadalamhati. Ang mundo ko na kinulayan mo, ngayon ay naging purong itim. Tumigil na ang orasan mo, kasunod nito ang pagbagal ng
16
kamay ng orasan ng buhay ko. Tadhana ba ito? May dahilan ba para mawalan ng pagkakataong magkaroon ng ama ang ating anak? Hindi ko maintindihan at hinding hindi ko maiintindihan. Tandang tanda ko pa ang araw na may ngiti ka pa sa labing umalis ng ating tahanan. Sabi ko pa nga, “ang pogi mo naman po, crush ko to.” Mahilig tayong magbiruan at maglambingan, pero hindi ko inakala na sa mga oras na ‘yon, iyon na pala ang huling lambingan natin. Inaasahan ko na uuwi ka dala ang pasalubong mo sakin - ang paborito kong siopao. Pero hindi, inuwi ka ng kabaro mo na pantay na ang paa kasama ang isang colonel. ‘Patawad,’ iyan ang narinig ko sa kanila. Mas gusto ko ang siopao na pasalubong mo, kaysa sa bandila ng Pilipinas na nakapatong sa kinalalagyan mo ngayon. Gusto kong manisi sa nangyari sa’yo pero hindi ko alam kung kanino, kung ano. Kasalanan ba ‘to ng opisyales n’yo? Kasalanan ba ng magulong lipunang ito? Kasalanan ko ba dahil hinayaan lang kita sa propesyon na pinili mo? Hindi ko na alam. Kasabay ng paglubog ng araw ang pagpatak ng luha sa mga mata ko habang nakatayo sa pintuan ng bahay. Nakatanaw sa malayo, umaasang darating ka pa rin. Patuloy na umaasa, Estella
VI
PALETA 17
PALETA
VI
Alam kong hindi ako nag-iisa. Alam ko, nararamdaman ko. Hindi ako nakararamdam o nakakikita ng multo. Ang totoo, natatakot ako kung sakaling makakita ako pero ang mas kinakatakot ko ay ang mga “buhay.” Oo, silang humihinga at silang may kakayahang pumatay. Matagal na rin akong nalulugmok sa aking kinatatayuan. Matagal na ring natatakot humiyaw. Lalo’t higit ay matagal na akong ‘di naniniwala sa sarili kong kakayahan. Alam kong hindi ako nag-iisa dahil marahil isa ka sa mga kagaya kong takot sa ‘di nakasanayan. Ibilang mo ako sa grupo ng sakto lang - ‘di magaling , ‘di rin mangmang. ‘Di ko lang sure kung makakasali ako sa grupuhan dahil madalas akong naiiwang mag-isa at walang makausap man lang. Takot akong mahusgahan. Takot akong makipagsapalaran. Takot akong sumubok ng bago. Takot akong humarap sa maraming tao. Takot akong magpakatotoo. Takot akong ilabas ang tunay na nasa loob ko. Takot akong makipaglaban. Takot akong manindigan. Hindi ko alam kung bakit ako nababalot ng takot pero natatakot ako sa mga taong may kapangyarihang pumatay at may kakayahang magpabago ng aking 18
“
At mga kamay na sinabing hahawakan ka ngunit hihilahin ka pala pababa.
“
TAKAS
buhay. Mga matang titingnan ka mula ulo hanggang paa. Mga dilang pag-uusapan ka habang nakatalikod ka. Mga isip na huhusgahan ka na ‘di man lang inaalam ang buong istorya. Mga ngiting pinapaamo ka ngunit mapang-uyam naman ‘di ba? At mga kamay na sinabing hahawakan ka ngunit hihilahin ka pala pababa. Pinili kong manahimik ngunit hindi magbulag bulagan sa mundong hindi ka papansinin kung wala kang pakinabang. Iilan lamang ang nangahas na ipunin ang mga patapong bagay. Iilan lamang ang nagpahalaga sa mga ‘di kagalingan. At iilan lamang ang pumuri sa gaya kong ordinaryo lamang. Madalas, nagdadalawang-isip ako kung bubuksan ko ang pinto na may tumatawag ng “tao po” o ako ang kakatok sa saradong pinto dahil natatakot ako sa magiging desisyon na baka pagsisisihan ko. Isa-isa kong inalis ang takot at pinalitan ng tapang ang aking pagkatao. Isa-isa kong hinarap lahat ng nagpaparupok sa pangarap na binubuo ko. Hindi na ako takot mahusgahan. Hindi na ako takot makipagsapalaran. Hindi na ako takot sumubok ng bago at handa ng humarap sa maraming tao. Hindi na ako takot magpakatotoo. Hindi na rin takot ilabas ang tunay na nasa loob ko. Hindi na ako takot makipaglaban, handa na ring manindigan. Ngunit ngayon, saan ako magtatago? Saan ko itatapon ang mga damit na puno ng dugo at ang baril na ‘di ko alam kung sino ang nakarinig ng malakas na putok? Saan ko ilulugar ang tapang ko? Saan ko malalaman ang mga sagot sa tanong ko? Ako na mismo ang buhay na kumitil sa isa pang buhay. Akong humihinga ako pang pumatay.
VI
PALETA 19
PALETA
VI
ENIGMA Lost in my own mind Of overlapping emotions and thoughts In the end, it is my own mystery I cannot solve And the battle against myself I cannot win.
20
ANG BUTAS SA KWADRADONG KAHOY Naalimpungatan ako sa kanyang pagbalikwas Alas kwatro impunto pa lang Bakit ang aga yata wala namang pasok? Patuloy ang aking pag-uusisa Panay ang pukpok ng martilyo sa ulo ng pako Sumilip ako sa kusina at nakita ko si Itay May mga kwadradong kahoy na nakasalansan At mga pangpinta at panulat Lumapit ako habang nagpupuyos ng mata Tinulungan ko s’yang sunsunin ang mga nakasulat Mga salitang ‘di ko maintindihan Katagang noo’y palaisipan pa sa mura kong isipan Saglit pa’y may dumating Ikinarga ang mga plaka sa dalang sasakyan “Babalik din ako agad, anak” Huling salita na pala n’ya ‘yon sa akin Ngayon, ganap na akong maunlad May sariling trabaho at sapat na benipisyo Tama sa oras at patas na sweldo Ito ang resulta ng nabutas na kwadradong kahoy Ang hindi ko lang maintindihan Bakit kailangang may pumikit Upang sila ay mamulat Lubos ang aking paghanga sa tapang mo Itay Isang pagpupugay
VI
PALETA 21
PALETA
VI
O KA-REHSUP At lumagapak. Nang umalingawngaw ang tunog, beng! Tapos ay dahan-dahang ibinaba ang kamay, Animo’y may ilalagay sa tagiliran. Sabay kalmadong naglakad paatras, Hanggang sa marating ang pinto, Hinawakan ito, umupo at isinara. Umandar ang sasakyang puti, Na ang ilaw na pula ang nasa unahan, Sabay sipol-sipol pa ng sakay. Makalipas ang ilang minuto ay huminto. Kinuha ang telepono sa bulsa, Sabay pindot sa pulang buton. Matapos ay narinig ang mga katagang, “Nak, tirahin mo na!”
22
HULING SULYAP Karapatan! Karapatan! Karapatan ng mamamayan! Ipaglaban! Mga katagang bumubulyaw sa kahabaan ng EDSA Iba’t ibang sektor ng lipunan ang nagkaisa ‘Di alintana ang maalinsangang kalsada at maiingay na busina Hiyaw sa inaasam na pang malawakang reporma! Isang hakbang paabante Helera ng mga pulis na kampante Walang pakialam kung may masaktan Sino ba talaga’ng dapat protektahan? Ang tanging hiling lang ay ang mapakinggan Hinaing ng mga nasa laylayan Martsa para sa inaasam na katarungan Nararapat na serbisyo para sa bayan! Sampung tinig na nauwi sa lima, Limang nakikibaka’ng nauwi sa dalawa, Dalawang puwersa’y nabawasan pa ng isa Ang malaking tanong, ‘asan na sila? Natulad na sa mga mumunting kulisap Kailan man ngayo’y ‘di na mahanap-hanap Masisilayan ang huling sulyap Ito na ang yugto ng isang desap’
VI
PALETA 23
PALETA
VI
FREE SOONER No steel bars around you nor any locked doors. But even in your heart Mind Soul There is no absolute freedom. 24
“
Gusto ko sanang lumaban ngunit hanggang dito na lang ako.
HULING ISANDAANG HAKBANG
“
Puno na ng alikabok ang aking mga paa. Wala man lang saplot kaya’t napuno ito ng paltos. Matindi ang sikat ng araw. Hindi ko na matanaw ang lugar kung saan kami nagmula. Nagdidilim na ang paningin ko. Saglit pa’y humandusay na ako. Sa halip na tulungan ay hinagupit pa ako ng palo. “Tumayo ka riyan!” sigaw ng lalaking may hawak na latigo. Pinilit kong tumayo ngunit hindi na sapat pa ang lakas ko. Gusto ko sanang lumaban ngunit hanggang dito na lang ako. Hindi na ako aabot pa sa Tarlac.
VI
PALETA 25
PALETA
VI
HINAHANAP NA TINIG Tanghaling tapat noong Mayo 16, 2006 nang dukutin ng mga armadong lalaki si Rolando Porter, dating coordinator ng Bayan Muna Partylist. Nagsampa ng petisyong Habeas Corpus ang kanyang pamilya sa korte suprema noong Agosto 2006, ngunit agad din itong ibinasura ng Court of appeals dahil sa simpleng pagtanggi ng mga militar na sila ang dumukot kay Porter. Hanggang ngayon ay pinaghahahanap pa rin siya at ‘di pa natatagpuan. 26
“
Hindi na niya muling mapagsasabihan ang binata.
LANGIT LUPA
“
-Langit lupa, impyerno. Im-Im-Impyerno -Saksak puso, tulo ang dugo -Patay, buhay, alis diyan. Galit na pinagsabihan ni Leny si Miggy na huwag bilisan ang takbo sa paglalaro ngunit sadyang makulit ang bata at patuloy pa rin ito sa pagkaripas. Nang bumalik, isang sugat ang nakita niya sa paanan ng lalaki. Hinanda niya ang alcohol at band-aid bilang lunas. Muli niyang pinagsabihan ang bata na mag-ingat na sa susunod na paglalaro. -Langit lupa, impyerno. Im-Im-Impyerno -Saksak puso, tulo ang dugo -Patay, buhay ,alis diyan. Nagmamakaawang pinagsabihan ni Leny si Miggy na huwag tumuloy sa lakad ngunit sadyang mapusok ang binata kaya tumuloy pa rin ito. Nang bumalik, isang bangkay ng lalaki ang sumalubong sa kanya mula sa Davao Oriental. Nagulat na lamang siya sapagkat hindi niya ito inaasahan. Hindi na niya muling mapagsasabihan ang binata.
VI
PALETA 27
“Hindi masusukat ng dangkal
ang tayog ng pag-unawa.”
PUMAGITNA
“
“
KEYK
Ngumiti lang ang anak at dahandahang lumapit sa hapag kainan.
-Birthday na ni Rannie, kailangan kong maghanda. Hmm, ano kayang lulutuin ko? Kailangan din pala ng cake. Pupunta akong palengke ngayon, mamimili na ako. Tamang tama, nasa eskwelahan pa si Rannie, sosorpresahin ko siya mamaya. Hindi ko pa naman siya binati kanina bago pumasok. Kunwari nalimutan ko. Haha. Tiyak matutuwa iyon mamaya. Lalala… Kakanta-kanta pa siyang naghihiwa ng gulay, rekado, at karne na lulutuin habang hinihintay ang pinakukuluan sa kaldero. -Ayan! Okay na ‘to. Handa na ang lahat! Sisindihan ko na rin itong kandila sa cake at malapit na rin namang umuwi si Rannie.” Tok! Tok! Kreeeek… -O Rannie! Nandiyan ka na pala! Happy birthday anak! ‘Kala mo siguro nalimutan ko ano? Hehe. Halika rito’t kumain na tayo. Pinagluto kita ng paborito mo. Ngumiti lang ang anak at dahan-dahang lumapit sa hapag kainan. -O Rannie, ito na ‘yong cake mo. Pasensya na’t maliit lang, medyo kinulang sa budget; e. Hipan mo na pero magwish ka muna. -Sana mapatawad mo na si Mama. Happy Birthday kuya Rannie, ani ni Rodrigo sabay hihip sa kandila.
VI
PALETA 31
PALETA
VI
YABAG Sa ligalig ng mundo ay hindi na naririnig ang mga mumunting sumisigaw na boses.
32
IKA-ANIM NA TALAMPAKAN Kalong ng kabundukan sa luntiang kapaligiran isang matang tatamnan wari’y ‘di masukat ninuman Pagdilat ng araw sabay sa anino’y tumatanaw kumikilos parang kalabaw umaasang dito’y ‘wag pumanaw Pagpantay ng anino, isang pananghalian buhat sa kabilang ibayo sabay bubungad pa ang samyo mula sa suka at kaunting tuyo Pagsapit ng dilim nakangiting tila may maasim Ngunit kung ikaw ay mamalasin Pintig na kirot at sakit ang daing Bago tumikom mga mata muling ginugunita at umaasa hiling bago magpantay yaring mga paa piko’t asarol maging isang buhay na alaala sa isang dakilang kabuhayan karangyaang ‘di mahamak ninuman
VI
PALETA 33
PALETA
VI
STRING OF LOVE The warm beds were the death beds Of those children who were sleeping When the bomb was dropped by a jet That penetrated the roof then exploded Walls were torn apart Ceilings were ripped off Window panes were shattered Dust and fire scattered Life was murdered Unlucky those who got killed Much more unlucky those who survived As they will weep eternally And didn’t know exactly When the next missile will be And where it will land And when the plane will stop flying And how many tires must be burned to protect the town From the raging dragons And where will be his sisters, brothers, mother and father And when they’re going to see each other’s faces Or if they going to see each other again And when will a man be a human And when will the chain of hatred Will become a string of love
34
RUBBLES Omran Daqneesh is a Syrian boy, whom at the age of five, became a victim and a survivor of war in Aleppo, Syria. His house was destroyed by an airstrike on August 17, 2016. He and his family were rescued before their apartment collapsed, and that rescue footage became viral in social media. From that moment, Omran became the haunting symbol of civilians’ sufferings in Aleppo.
VI
PALETA 35
For the children of Syria
Voices can’t be heard but the explosions
PALETA
VI
“
“
Bilang estudyante ba, gaano kalaki ang iyong pakialam?
ALINTANA Ni hindi nga natin magawang maipaglaban ang ating mga hinaing. Mga saloobing sa bawat paglagitik ng orasan ay ‘di na nabigyang pansin. Kasabay ang naaamag nang layuning tayo mismo, ikaw at ako ang dapat sana’y babago. Bawat tilapon ng salita ay may kaukulang kahulugan. Bawat pagdapo nito sa ating mga tenga ay iba’t ibang himig ang mahihinuha. Sabagay, magkakaiba nga naman tayo. Naguguluhan ka na rin ba sa nangyayari sa bayan? Yung pangyayaring ngayon Sunsilk shampoo mo, mamaya Dove na. Yung papasok ka na sana sa Mcdo, naisipan mo pang magJollibee. Kahapon, kay Trillanes ka galit ngayon kay Duterte na. Kanina panig ka kay Duterte, ngayon kay De Lima. Yung ngayon kay Duterte ka, mamaya sa simbahang Katolika. ‘Di mo ba napapansin? Paikot-ikot lang tayo ng pinaguusapan. Yung isyu natin sa kasalukuyang administrasyon, ano? Sa halip na unahin muna nating pakainin ng kaalaman ang ating mga sarili ay patuloy tayo sa pagbato ng mga salitang halatang ‘di pinag-iisipan. Yung ang tingin natin 38
sa ating mga sarili ay mataas ang pinag-aralan ngunit kung maka-comment sa social media animo’y mangmang. Naiirita ka na rin ba sa kanila? Sa kanilang walang ginawa kundi umupo sa katungkulan at magpalaki lang ng bayag. Mga taong sa sarili lang may pakialam at kanilang tiyan lang ang binubundat. O sa’kin na ang pinababatid ay taliwas sa’yong paniniwala? Anuman ang nasa isip mo, ‘di ako makikipagtalo. Nais ko lang bumato ng mga katanungang, sa tingin ko’y kayang kaya mong sagutan. Sa sarili mo lang. Bilang estudyante ba, gaano kalaki ang iyong pakialam? Paano mo kinakain ang mga balitang wala nang pinagbago? Gaano ka kalupit sa math para makisali sa mga isyung ito? Gaano kalusog ang kaalaman mo sa mga isyu ng bayan? O gaano katagal kang magiging mangmang? Sino nga ba ang dapat sisihin? Sino nga ba ang dapat makinabang? Kailangan ba talaga nating makisali? Pwede bang grumadweyt nalang at magpayaman? Ba’t ba kasi ang big deal? Napakaraming tanong at lahat tayo may opinyon. Yung iba galling sa balita at wala kang pake kung mali o tama. Yung iba galing sa mga taong matagal mo nang hinahangaan. Artista, guro, pulitiko pulis etc. Yung iba sa magulang nakuha, sa kapitbahay, sa tabi lang. Estudyante ka at hindi kung sino-sino lang. Natututo tayo hindi upang maging uto-uto kundi tumuklas gamit ang sarili nating kakayahan. Baka sabihin mo namang nasa engineering tayo kaya okay lang na walang pakialam. Paano ka makakatulong sa gobyerno, bilang kabataan naman ang pag-asa ng bayan? Kung wala, pakamatay ka na lang.
VI
PALETA 39
PALETA
VI
SUGAT
40
“
...nagmistulang libingan ng mga nalimot na pangarap.
“
Nadapa. Nasugatan. Tumayo. Tumakbong muli. Bakas sa mukha ang kagalakan habang nagtatayatayaan sa madamong parang. Lumipas ang taon, ang damuhan ay nagmistulang libingan ng mga nalimot na pangarap. ‘Di na rin muling narinig pa ang halakhak ng mga mumunting anghel.
NGAYON, SUMULAT AKO PARA SA’YO Sabi mo bakit puro para sa bayan ang aking sinusulat? Kasi sa bayan na ito kita nakilala. Ibinigay ka nito sa akin. At kung sakaling bukas bigla nalang akong mawala Ng walang pasabi Ng walang paalam Na hindi kita nasilayan O matagpuan ninyong nakahandusay sa tabi at may nakasabit na kartong puno ng kasinungalingan. Huwag kang maniniwala. Dahil alam mong mahal ko ang bayan gaya ng pagmamahal ko sa’yo.
VI
PALETA 41
PALETA
VI
Walang sinasanto ang karahasan Edad Kulay Lahi Relihiyon Walang pinipili ang rebolusyon
42
DAMAY
PULBURA
“
“
Gaano katapang para makalbit ang gatilyo? Sapat ba ang galit, ‘di kaya’y perang binayad? Sumabog. Pumilandit. Kumalat-ang utak ng taong binubuhay ay tatlong anak. Gaano katapang para mapagtagumpayan ang demonyo? Sapat ba ang kabutihan, o diretso’y impyerno na lamang?
O diretso’y impyerno na lamang?
VI
PALETA 43
PALETA
VI
MISCONCEIVED Rowena Tiamson, a 22 year old Mass Communication student at Colegio de Dagupan, a consistent honor student and church choir member was supposed to graduate in October 2017. July 19, her body was found lifeless in Barangay Parian in Manaoag, Pangasinan with her hands tied and face covered. Around her neck was a cardboard sign with the words written “Huwag tularan, pusher.” According to the Pangasinan Provincial Police, Rowena was not part of the list of drug personalities from the drug-affected brangays in the province. The people responsible for her death is still remain unidentified. 44
APAT NA TANAGA UKOL SA TSINELAS
Sa iyong bawat hakbang Panganib nakaambang Kaligtasa’y isipin Huwag mong lilimutin Ika’y may kaibigan Lagi kang sasamahan Sa hirap at ginhawa Nariyan sa tuwina Sa lamig man o init Putik na malagkit Sa matalas na bato Siya’y hindi susuko Kalbaryo ay tiniis Natapyas at nakinis Alang-alang sa iyo saan ka man tutungo
VI
PALETA 45
PALETA
VI
SINO AKO? Ayon sa mga artikulong sinulat ng tao Makasalanan ba ako? Ayon sa hatol na binigay ng putang nakapwesto, poposasan ba ako? Buhat sa batutang hawak mo Mapapalo mo ba ‘ko? Sa mga baril na ikinasa at itinutok mo, mapuputukan ba ako? Sa mga perang ninakaw at ipinamudmod mo, mabibili mo ba ako? Sa mga taong nakakabasa nito, mababalewala na naman ba ako? Naglipana na ang mga putang pinaiikot ng karangyaan at katanyagan. Mga prosting nagpapagamit sa kung sino man Mga walang’yang nagdudyosdyosan. Mahal kita ngunit hindi ko sinabing mahalin mo ako, pero umiikot ang mundo Sana naman mapakinggan mo ako dahil sa lahat ng bahid meron ang sistemang ito, ‘di ko na kilala ang sarili ko, pati ba naman kayo?
Dito sa mundong pabago-bago? ‘Asan ako? Dito sa sistemang bulok at mabaho? Papanig ba ako? Buhat sa mga mapanlinlang at pekeng tao? Maniniwala ba ako? Sa mga nagmamalinis at nagdudyosdyosan, mapapasamba ba ako? Sa mga sindak ng malalaking tao, kakabahan ba ako? Sa mga maskarang nakaharang sa mukha mo, Magpapanggap ba ako? Sa mga kinubling salita ng katarungan, isasakdal ba ako? Sa mga lumilibak at naninirang puri, Masasaktan pa ba ‘ko? Mula sa alingasaw ng mga mabulaklak na bibig Hihinga ba ko? Sa mga ganid at korap na tao, makakain mo ba ko? Sa hubad na pigura ng taong ipinakita mo, titigasan ba ako? Sa mga talsik ng katas ko malalasap mo ba ako?
46
PINAGKAITAN Pinagdamutan ng mamahaling damit at laruan Pati kamusmusang dapat nasa parang naghahabulan Bagkus biniyayaan ng katotohanan at maagang pagkamulat Na ang mundo ay hindi isang paraiso.
47
PALETA
VI
INFINITE LOOP Endless war of the same race, Ceaseless agitation of both sides, Feelings break due to different stance, Countless people died for the same nation. Will you continue or Do you have the guts to end this eternal pain?
48
LIFELESS ANGEL Danica May Garcia was 5-year-old girl who was shot on the head and later died in the hospital. She was caught in the crossfire after an unidentified gunman approached Danica’s grandfather and opened fire at their house while they were having lunch. She is the youngest fatality and latest collateral damage in President Duterte’s war on illegal drugs.
VI
PALETA 49
DIGMAAN Ika’y kumilos ‘Di ito matatapos ‘Wag paaagos.
KAPAYAPAAN ‘Di makakamtan Kung ‘di ipaglalaban Para sa bayan.
*Ang HAIKU ay isang uri ng tula na may lima-pito-lima (5-7-5) na pantig at binubuo ng tatlong taludtod.
PALETA
VI
FALLEN HERO Dr. Dreyfuss Perlas. 31 years old, is a physician who had been deployed to Lanao Del Norte under the government’s Doctors to the Barrios (DTTB) program. March 1, 2017, Perlas was shot dead while riding his motorbike on his way home from a medical mission in Sapad Town to Barangay Maranding where he was renting a house.
52
ANG TATLONG KAMALASAN Nagsimula sa dugo. Hinga. Iyak. Hinto. Ang mga nakatingi’y parang nakakita ng ginto. Nagbente. Napatropa. Nakakita ng malapulbura. Sumubok. Naadik na. Hithit dito. Lagok doon. Boom! Tama sa ulo. Bumagsak. -Drug pusher ako. Muling nagsimula. Dugo. Bagong buhay. Bagong subok. Sarili: -Magbabago na ‘ko. Nag-igi. Nagpakatatag. Nakapagtapos. Nangibang bansa. Nagsumikap para sa pamilya. Kapalaran lang, amo’y brutal. Unang araw, puro bugbog at pasa. Hanggang ‘di na muling nakahinga. Dugo, muling ginisnan. Ngunit ngayo’y kakaiba. Mga nakaraang buhay ay naalala.
-Panaginip? ‘Di ‘ata. Ngunit ‘di pa rin maniwala. Kung maulit, bahala na. Ratatatatat! Pagkalansing ng lagayan ng bala. -Normal naman ‘yan dito. Mala Syria kapag umaga. Tao’y halos wala nang takot sa bomba. -Kung tamaan, e ‘di patay na. Kumalampag ang pinto. Pasok sundalo. -Aking narinig? Putok. -Walang tumama? -Aba. Himala. -Walang dugo ngayon ‘ata! Kaso pumasok muli, sundalong ibahin. May iniwang itim. -Aking sinipat. -Tumutunog ba ‘to dapat?’ -Nilapag sa’king tapat. Takbo naman siya palabas. Kaya naman pala. -Bomba ‘to, punyeta.
VI
PALETA 53
PALETA
VI
“
No, I wish mamuhay tayo ng masaya at mapayapa.
“
LIHAM NI MONICA SANTA FE To the guy I haven’t met yet, I have a lot of works to do. Do you think I can finish it on time? BTW, haven’t I seen you this day? Hmm. Ano nga bang mga ginawa ko kanina? Teka, ang alam ko nanood ako ng balita. As usual, marami na namang namatay sa operasyon kontra droga. Wala ka naman siguro doon ano? I wasn’t shocked; it’s been how many months since? Bago ako umalis, narinig kong nagtatalo na naman ang mga magulang ko. Nako, baka gawa na naman ni Kobe yun. Tanda-tanda na ‘di pa maka-graduate sa kolehiyo. Pabago-bago kasi ng kurso, keso kung anong in-demand yun ang papatulan. Ikaw ba yung lalaking nag-deliver ng tubig nong umaga? ‘Di na masama ha. Medyo mabantot ka nga lang pero okay na basta mahal natin ang isa’t isa. I saw someone who got hit by a truck when I was on my way to work, I heard the driver doesn’t have a license. Woah. Imagine? Palakasan nalang ng loob, ‘di ba? Have you’ve been sa grocery kanina? Tumaas na naman ang presyo nung paborito kong toothpaste. Ano? Yun kaya ang diskarte ng gobyerno dahil nga malaki ang epekto ng pagpapasara ng mga minahan? Absurd. Wait. Are you one of those activists who long for hours wasting their time in front of the municipal’s office? Grabe, nakakairita na kasi araw-araw nalang sila doon. As if may magagawa sila, dapat sinusunog nalang nila yung buong building para madali na. Above all, that wasn’t my concern, I got fired! Isn’t it great? Alam mo yun? Yung pagod na nga ang utak at katawan kapapansin sa manager kong walang ginawa 54
kundi lamunin lahat ng benipisyo, kulang pa ang kinikita araw-araw sa pamasahe palang pagpasok. Certified unemployed na naman ako, pero ayos lang! Kaya pa naman akong buhayin ng mga magulang ko sa mga pensyon nila. Sa huli, kabataan pa rin ang pag-asa ng bayan ‘diba? Kabataan, siguro mga anak na natin yun. Lagi namang ganoon ‘diba? Pasahan nalang pag ‘di kaya. Pero walang halong biro sana ‘pag nagkita na tayo. I hope. No, I wish mamuhay tayo ng masaya at mapayapa. Yung wala nang magdidikta sa kung ano mang gagawin natin. Yung natapos na ang pakikibaka natin at makakagawa tayo ng maraming anak na walang pangambang baka ‘di nila kayanin ang pakikibaka sa politika. Sana makita na kita at sabay nating haharapin ang… P.S. ‘Di ko pala natapos ‘to, sumakit kasi ang ulo ko kagabi. Nakita ko nalang na nakahandusay ang sarili ko sa kama. Literal. And I just saw you, I got stuck. Owem. Na-love at first sight ‘ata ako. I thought at first it was just a dream. How unfair for the both of us. At ngayon nakahimlay ako sa kahon kung saan iniiyakan ako ng aking pamilya. Haaaay. Malala ‘ata yung tama ng bala sa ulo ko and so you were kaso sabi mo sa heart ka tinamaan. E’e nemen e kenekeleg eke. Let’s continue our love story nalang sa heaven where we can live a happy and peaceful life. Hihi. Love, Monica Santa Fe
VI
PALETA 55
PALETA
VI
“
Hindi tayo katulad ng iba.
“
SAGLIT NA PAGTAKAS
Mahal, Kumusta ka na? Masaya ka ba diyan? Siguro’y nababahala ka na kasi ngayon lang ako ulit sumulat sa’yo. Pasensya ka na sa matagal kong ‘di pagpaparamdam. Sinubukan ko naman humanap ng oras subalit sobrang hirap dito sa ibang bansa ng buhay. Tatlong trabaho ko sa isang araw, mapagtapos ko lang si bunso ng kolehiyo. Huwag ka papaloko sa mga agency na malaki daw ang sahod kasi doble naman ang gastos dito. Pero huwag mo na muna pansinin iyon. Gusto ko lang saglit tumakas sa hirap sa pamamagitan ng liham kong ito. Hindi tayo katulad ng iba. Kalsada ang ulian natin habang nagrarally tayong kapit mo ang kamay ko. EDSA ang nagtagpo sa ating dalawa. Pinagtagpo tayo ng pagmamahal sa bayan kahit pinaghihiwalay tayo ng relihiyon, mga ignoranteng mamamayan at lipunang mapanghusga. Shower natin ang tubig na binobomba ng mga bumbero at ako ang matikas at maginoo mong tagapagligtas kapag binabatuta na tayo ng mga pulis. Walang kupas tayong tumataliwas sa pagpapatakbo ng pasismong gobyernong walang inatupag kung hindi magpalaki ng ulo, tiyan at bayag. Sabi mo pa nga hihigitin mo ‘yong bayag ni senator para makita kung may improvement man lamang ba. Mamamatay ako katatawa noon. Nangungulila ako sa’yo, mahal. Nasanay kasi akong nandito ka lagi sa aking tabi. Noong unang nagsalita ako sa harap ng masa para sa paglaban natin sa Death Penalty, nandoon ka. Kaya kahit anong nginig ng boses ko, pinilit kong isigaw at tapusin ang aking talumpati na maaaring magbago at magsalba ng maraming buhay 56
sa mga susunod na henerasyon. Mula noon, sabi ko kahit dumating ang araw na wala nang makinig sa akin o talikuran ako ng samahan at iwanan nila akong mag-isang humarap sa taumbayan, kakayanin ko basta nasa tabi kita. Ngayon, hindi na batuta ng pulis ang kalaban ko kung hindi hagupit ng latigo ng amo ko. Hindi na pagbomba ng tubig ng bumbero kung hindi paglublob ng ulo ko sa inidoro kapag nakalimutan kong pakainin ‘yong alaga niyang aso. Pero hindi ko naramdaman lahat ng sakit doon. Ang pumapatay sa akin arawaraw ay gigising ako na wala ka sa tabi ko at tutulog nang hindi kita nasisilayan sa buong maghapon. Kaya ngayon, inipon ko lahat ng natitirang lakas para sabihin sa’yong lumaban ako dito, kaya ‘yong laban natin diyan, ipagpatuloy mo. Inunahan kong sumulat ng mga salita ang mabilis na pagpatak ng aking mga luha kasabay ng paggising ng isip, sa kabila ng papikit nang mga mata at unti-unting humihinang katawan. At kung bukas mabasa mo ito, sana sa matagal na panahon, napangiti ulit kita. Kahit alam ko na lumuluha ka rin ngayon. Sana naramdaman mong hindi ako nagbago at mahal pa rin kita. Patawarin mo ako kung iiwan man kita ngayon kasi hindi ko na kaya. Pinilit ng puso ang umaayaw na katawan para sa huling liham ko sa’yo. Sana makarating pa ito sa’yo. At kung ito man ang huli, iuwi mo ako. Para malapit ang pagbalik ko sa’yo sa kasunod pang mundo at buhay. Kung mayroon man.
VI
PALETA 57
PALETA
STRANGE FACES -I didn’t know him, he did not know me, but somehow we had to fight for a stupid flag. A stupid flag, I say. But it was on a land that was worth fighting for. He was stroked by what he heard. It was almost a murmur from the whistling wind from all the gloominess of the surrounding. He looked up to the sky and saw dark clouds that weren’t ready yet to give in. He ignored what he heard and kept walking with the others, carrying umbrellas of dark colors. They walked within an inch of silence, only the sound of the cold breeze and the clacking of heels from the women’s shoes were heard. Such unlucky fate. He continued walking until a woman broke down in tears. It has caused a slight commotion, and he was amazed at how the people were supportive of helping her up. He stopped looking at her, while the others remain with the same regular phase. And then, along with the sudden blow of cold air, he heard a man at the back of the crowd, wearing a dark coat, talking and with the same voice from what he heard earlier. It has caught his attention and walked to the opposite direction to where the crowd was leading. It has led him to a man with a distinctive unlikeness of the others. He was
“
“
VI
Do you know what it’s like to be in the face of death and be the face of death itself?
tall and thin, with small ears and a shaggy haircut. He walked beside him not saying a word until the man broke the ice. -Do you know what it’s like to be in the face of death and be the face of death itself? He looked at the man. His face making wrinkles from his expression of what seemed like regret and grief. He couldn’t answer his question, and so he remained silent. -I think not. And I truly hope you don’t. He sighed. -What do you mean? He asked the man. -What was it like to be in the face of death? He stopped to answer the young man’s question. With a pat on the shoulder, he spoke in his deep voice. -You see, my child, we think death is as simple as just not being able to feel anything, being painless. But that is where you are wrong. The man was interrupted as a bolt of lightning pierced through the sky followed by a roaring thunder. Yet the rain still wouldn’t give in. So the man continued to speak. -As death’s face peers into your eyes, you feel your soul trembling and screaming inside your lungs, but death wouldn’t let you 58
go without a fight. So you struggle to keep yourself alive while wishing you shouldn’t have survived. -How do you know all of these? The young man felt uncomfortable all of a sudden. -Have you ever... killed someone? He felt a sudden chill in his spine as he thought of all the possibilities. -My child... I have. He answered back. The young man widened his eyes in shock and fear. -But, it was in a war and I had no choice. The young man looked relieved for a moment, and tensed up again at the thought of knowing he was speaking to a soldier who went in war. They both kept walking in the same regular phase as any other else in the crowd. -Then what is it like to be in the opposite place, to be the face of death itself? The young man asked out of curiosity. -It is terrifying. He emphasized with his strange accent. -It is horrid and despicable. He emphasized more. He lowered his voice and he looked down. -It consumes you out of power and fear. The rain started to pour down and the people put up their umbrellas and stopped as they reached their destination. A man carrying a cross and a bible spoke. He paid attention to him, until the man he was talking to broke down in tears. His eyebrows meeting each other with the most pain in his eyes. He looked like a mess, and everyone started
crying under their umbrellas, with the rain. It was such a gloomy sight and he couldn’t bear to see everyone like that. The old man in front of him, walked away from everyone. He followed the man, passing by tombstones and monuments. He looked back at the crowd of people, hearing their cries along with the drips of raindrops. The view was unbearable. He knew the person in that box covered in flag, was a good man who tried to protect everyone. And he was now gone. He kept walking towards the man until he came across him sitting under a willow tree. He was crying alone. -He was a good friend wasn’t he? The young man tapped his shoulders. The man looked up at him. -It was me. I didn’t mean to. The young man was confused. -I didn’t know him, he did not know me, but somehow we had to fight. The man was shocked his eyes wide open as he kept his distance from the man. -I wished times would have been different. I wished it didn’t turn out like this but it was a fight for a land he loved so much and for the people he dearly kept. The young man was still in shock. The man sighed heavily, stood up and slowly walked away. He knew it wasn’t his place for grief or apologies.
VI
PALETA 59
PALETA
VI
Ang lamig mula sa siwang ng kanilang dingding ang nag-udyok kay May-may upang tuluyan nang bumangon. Umaga na naman. -Nang? Ramdam na ramdam ni May ang malalamig na kawayan sa katre na kanyang hinihigaan. -Nang? Tahimik ang paligid, tanging ang kalabog mula sa kanyang dibdib ang kanyang naririnig. Hindi n’ya gusto ang ganitong pakiramdam... pakiramdam na isang taon na rin simula ng kanyang maranasan. -Naaaang?! Nangingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata, wari’y nag-uunahang pumatak. Ayaw na niya itong muling maranasan. -May, May? Naudlot ang magandang panaginip ni May. -May? Doon ka muna kila Tata. -Ho? ‘Tay, p’wede bang matulog pa ako kahit saglit lang? -Wala nang oras, May. Dali at dalhin mo sila Ekong at Kakay. Kasama mo naman ang iyong inang. Natatarantang wika ng kanyang ama. Kitang kita ang butil-butil nitong pawis. Hindi
“
“
SABAW
Ang katahimikan ng paligid at ang wari’y daga sa kanyang dibdib... parehong pareho, gaya lang din noon.
na nagtanong pa si May at ginising na din ang dalawa pa n’yang mga kapatid. -Nang, ayos na po ang ilang damit nila Ekong, aalis na po ba tayo? Tila walang narinig ang kanyang ina. Hindi man lang siya nito nagawang pansinin, balisa lang at sa kawala’y nakatitig. -Nang? -Selya! Kilos na! Sila May, bilis! Ngayon n’ya lang nakitang ganito ang kanyang ama, malayo sa kalmado at maamo nitong mukha parati. -Nang, gawa ba ito nang sa lupa? Hindi na naman s’ya nito pinansin at patuloy lang sa paglalakad, bitbit si Kakay na dalawang taon pa lamang. -‘Yon po bang may mga baril na lalaki? Wala pa rin siyang narinig mula sa kanyang ina. Wala yata itong balak hainan man lang ang kanyang kuryusidad. -Bata ka pa. Bigla itong umimik nang malapit na sila kila Tata. -Siyam na taon? ‘Nang, bata pa ba ‘yon? -Si Ekong, patulugin mo na dali, pati si Kakay. Magtatanong pa sana siya muli pero inunahan na s’ya ng kanyang ina. -Sa kwarto, bilis. 60
Ang katahimikan ng paligid at ang wari’y daga sa kanyang dibdib...parehong pareho, gaya lang din noon. -‘Nang! ‘Nang naman o! Nasaan ka po ba? palabas na sana ito ng kubo ng makita ang ina. -’Nang! Akala ko nawala ka na rin, agad n’ya itong sinalubong at niyakap. -May nahingi ako kila Beth na pagkain, nagpaabono kasi siya ng kanyang mga pananim kaya nagpakain na rin. Iba ngayon ang liwanag sa mukha ng kanyang ina, ibang-iba sa naging araw-araw nitong paglugmok dahil sa mga nangyari noon. Gayundin siguro ang ilang tao sa kanilang bayan bagama’t nakatatak na sa kanilang isipan ang lahat. -Kung buhay lang si Ekong at Kakay, ‘Nang, naku’y tuwang-tuwa yun. Paborito nila itong minatamis na saging. Napangiti lang ang kanyang ina. Hindi na niya siguro dapat ito binanggit gayong mukhang nakalimutan na n’ya kahit saglit lang ngayon ang mga nangyari. -Kung naandito lang ang tatay mo, araw-araw ‘yong may dalang kakanin mula sa bayan. Siguro nga, tunay ang himala. Dati’y laging ipinamumukha ng kanyang ina na dapat nawala na rin sila, ngayon, siguro’y nakasumpong muli ito ng pag-asa. -May, nais mo bang makita ulit ang iyong Tatay? -Opo naman ‘Nang! Pati sila Ekong at Kakay! Tanging malapad na ngiti ang ibinalik nito kay May habang patuloy sa paghigop ng mainit na sabaw. Ngunit parang... iba ang lasa ng sabaw.
VI
PALETA 61
PALETA
MUSIKA
“
“
VI
Iniluwal siya ng himig at pinalaki ng berso ng awit.
I. Sapagkat sa Musika Lang Tayo Nagtagpo Ang Musikero Maagap siyang nagising. Nasulo sa sikat ng araw na sinusunog ang kanyang balat, na tumagos sa malaki niyang mga bintana. Musika ang nagpa-ikot ng mundo niya. Iniluwal siya ng himig at pinalaki ng berso ng awit. Kilala siya ng marami na hindi naman niya kilala. Sa pagkanta niya inialay ang buhay para kumita ng salapi. Madami nang nakapansin sa kaniya. Hindi magara ang pananamit niya. Sakto lang, pa-humble effect daw. Branded ang damit pero halatang hindi bago. Kinuha sa damitan sa iba’t ibang parte ng malaki niyang mansyon. Araw-araw, gitara niya ang kasama niya. Tumutugtog at kumakanta ng mga awiting kaniyang ginawa. Palipatlipat ng lugar na kakantahan. Nagbabaka-sakaling mahanap ang malaking oportunidad sa mundong mapanghusga. At kasabay nito ay ang paglibot sa buong kamaynilaan. Nangungulila sa pamilya at kaibigang naiwan sa probinsya. Ang Mang-aawit -Puta! Alas-diyes na! May gig pa ako ng alas-dose. Pagkamulat ay wala ng oras kumain. Dumiretso na sa banyo para maligo. Palipat-lipat ng bar at panay na pagko-cover ng mga kanta at ina-upload sa mga social media sites. Musika ang tingin niyang tanging daan papunta sa tuktok kung saan matutulungan siyang patunayan sa mga pamilya at kaibigan niyang sinabing tigilan na ito. Umaabot na ng 100,000+ ang bilang ng viewers niya. Madaming nanunuod sa kaniya sa mga live niya sa internet. Madami nagkakagusto at iniidolo siya sa husay niya sa pag-awit. Pero ang suporta ng mga mahal niya sa buhay lang ang hinahanap niya sa libo-libong likes at puso na natatanggap niya araw-araw. Kahit nasa kwarto ay nag-aayos siya at nagsusuot ng magagandang damit na halatang bago kasi hindi pa siya
62
nakitang mag-ulit ng damit sa mga videos niya. Laptop, mikropono at headset ang naging matalik niyang kaibigan at kasabay maghintay sa malalaking oportunidad na kumatok sa pintuan niya.
II. Sa Laban ng Musika Tayo Nagtagpo Ang Musikero -May gig nga pala mamayang alas-dose. Nagmamadaling binitbit ang kaniyang gitara at sinugsog ang kahabaan ng kalye papunta sa maliit na bar kung saan nabalitaan niyang isang malaking music producer ang naghahanap ng mga bagong artists. Daan-daang sariling sulat na tugtugin ang pinamilian niya. Lahat malalim, makahulugan at mapagmahal sa iba’t ibang istilo. Handa na siyang iparinig sa lahat ang musikang maghahatid ng mensahe ng pag-asa at pagbabago. Dumating siya ng tama sa oras. Magsisimula na ang programa. Nakapagpalista na siya sa babaeng nakapitis na mini-skirt sa bungad. Pagpasok niya ay puno ng tao at tumutugtog ang mga himig na nagpapabukas ng isipan. Parang paraiso sa pandinig niya. Handa na siya. Ang Mang-aawit Suot ang mamahaling mga abubot sa katawan. Puno ng kolorete ang mukha. Bitbit ang sarili at ang boses na tanging sandata niya sa tingin niya’y isa sa pinakamalaking laban ng buhay niya. -Baka bukas sikat na ako. Bukas makikita na nila na tama ako. Bukas makukuha ko na ang mga pangarap ko. Pinipilit na paniwalain ang sarili niya. Libo-libong kanta ang nasa ipod niya. Pinili ang pinakasikat na kanta kahit hindi makabuluhan basta maipakita ang galing niya. Dumating siya na puno na ng tao. Kasabay ng tugtog ng drums ay ang kabog ng puso niya na parang anumang oras ay maaari ng malaglag.
VI
PALETA 63
PALETA
VI
III. Pero Nagkasalisi Tayo Ang Prodyuser Batikang musikero. Kompositor ng maraming obra. Ngayon, pinakikinggan ang maaaring pinakamalalaking pangalan sa mga susunod na taon. Pumunta dito hindi para sa pera kung hindi para sa musika. Makarinig ng bagong indayog ng himig. Makakita ng talentong hindi nakikita sa pangaraw-araw na panunuod ng mga audition sa telebisyon. Isang daang tao mahigit. Sama-sama na may pare-parehong gusto pero iba’t ibang laban. Iba-ibang instrumento at istilo ng pagpapakita ng pagmamahal sa musika. Sa dulo’y pinili ang magaganda ang kasuotan. Iyong mukhang magugustuhan ng taong mahilig manuod ng noon time shows. Balewala ang magandang indie music. Hindi pinakinggan ang mensahe dahil hindi puso ang ginamit pakikinig kung hindi matang hindi naman marunong magmahal. Ang Musikero Maagap siyang nagising. Nasulo sa sikat ng araw na sinusunog ang kanyang balat, na tumagos sa malaki niyang mga bintana, ang kaniyang mga mata. Musika ang nagpa-ikot ng mundo niya. Iniluwal siya ng himig at pinalaki ng berso ng awit. At ngayon, nabigo pero hindi tumigil. Kinuha sa damitan sa iba’t ibang recycling bin sa daan. Ang kalye ang malaki niyang mansyon pero hindi ito naging hadlang kailanman.
64
F[HATE]TH In just a wink To the bottom, you’ll sink ‘Cause your heart is not pure as you think
VI
PALETA 65
PALETA
VI
VANISHED RESTRAINT Abner Hizarsa, panahon ng Batas Militar nang maorganisa siya sa hanay ng mga manggagawa. Mula noon ay naging aktibong kumilos sa loob at labas ng pagawaan na naging dahilan ng ilang beses niyang pagkakulong. Marso 22, 2017 nang harangin ng isang L 300 van at sapilitang isinakay ng dalawang ‘di kilalang lalaki. 66
I prefer writing as an alternative way of entertaining myself. I just love to write. Don’t really want others to read nor judge it. Nowadays, people thought writing’s a cliché, right? Writers from their different kind of perspective tend to form a literature out of an individual satisfaction. We’ve been doing a masterpiece for you. You, who have a tendency to appreciate our perspicuity, can give importance to its existence. Others might think that we just loved being acknowledged, admired. Of course, that’s part. But before that, what you learned on us is the top concern. Uneven sleeps, thousands of scraps wasted and superfluous revisions. We’ve been through a lot to deliver such. We were taught to write for others. To inform, to entertain, to broke someone’s belief. But how could an effective writer do this if he doesn’t know how to write for himself? Based on his knowledge, based on his experience and on how he believed he can change someone’s viewpoint? Writing can kill. It can be a double edge sword that can stab each and every one who 67
“
Writing can kill. It can be a double edge sword that can stab each and every one who dares to read.
“
MAGNUM OPUS
dares to read. It can change anybody’s mind from evil to good, worst vice versa. It can crack down or trigger what you believe for a long time. But this is how writing an article is. This is how you and I build a relationship without having an affair. This is how we struggle just to give you a properly equipped piece. For you, we can be a hypocrite seeking for attention. But this is who we are. Stroking our pen like a sword and touch its ink on a blank page, declaring a war. This is how our battle going.
VI
PALETA
PALETA
VI
Sandali nating silipin ang kasalukuyan.
“
“
ANG HINDI LUMINGON Ninais pumusyaw ang balat, tumangos ang ilong, tumangkad at mag-iba ang kulay ng buhok. Ninais magmukhang banyaga. Nag-aral, nagtapos, naghangad ng mas malaking kita, nangibang bansa. Naghanap-buhay, kumayod, nangarap magkaroon ng marangyang buhay. Lupang sinilangan, babalikan pa kaya? Bayang pinagmulan, patuloy bang matatandaan? Isang pagsasanib-sanib na dati’y waring imposibleng mangyari ang nabigyan ng pagkakataong maging posible. Ang noo’y pangarap ng maraming Pilipino ay tila abot kamay na natin ngayon. Tila ba noon, ang tanging depinisyon ng Pilipinas ay ang simpleng pamumuhay na mayroong mga simpleng mamamayan. Dumaan ang panahon, sumabay na tayo sa modernisasyon ng ilang bansang nakapalibot sa atin. Dito, nagsimula ang pag-unlad at pagkilala sa ating bansa sa iba’t ibang aspeto at larangan. Bukod sa pagiging determinado at malikhain ng mga Pinoy, nabansagan rin tayong isa sa mga mayroong pinakamahinang pamumuno at isa sa nangunguna pagdating sa korupsyon. Nag-umpisang maging komplikado ang lahat. Ngayon, pinag ugnay-ugnay ang maraming bansa sa kontinente upang malayang mabuksan ang bawat daan sa bawat bayan. Elementarya ako noon nang una akong tinanong ng aking guro. -Paano mo nakikita ang Pilipinas sampung taon mula ngayon? Ano bang dapat isagot ng isang musmos tulad ko noong panahong iyon? Bukod sa mayroon na ako ng mga teknolohiyang cellphones, computers at kung anu-ano pa, marahil may kisame na ang aming bahay at may mas nakababata na akong kapatid. Ito ang natatandaang isinagot ko sa aking guro. Marahil wala pa talaga sa prayoridad ng isipan ng batang nasa ganoong edad ang Pilipinas. Maliban sa ang isang Pilipino ay pango ang ilong, itim ang buhok at kayumanggi ang kulay ng balat, ang isa sa mga namememorya ko ay si Erap pa ang presidente noon at nais siyang ipakulong ng kanyang mga senador. Sandali nating silipin ang kasalukuyan. Mabilis ngang dumaan ang panahon 68
at sa hindi sinasadya, tila nga tumama nang bahagya o higit pa ang bawat salitang binitawan ko noon. Higit sa dalawang cellphones at computers na nga ang dumaan sa aking mga kamay at naging esensyal na rin ang mga ito sa tao ngayon, mayaman man o ordinaryong mamamayan. Mayroon na ring kisame ang bahay namin kasabay ng pagsulpot ng mga naglalakihang gusali sa bansa. Mga hotel, casino, mall at kung anu-ano pa. Nakatutuwa dahil mayroon na rin akong kapatid na tumatawag sa akin ng “kuya.” Pati rin ang mga kapit-bahay naming humiling din na magkaroon ng mas nakababatang kapatid ay natupad din. Ang mga kaklase ko at mga kaibigan ay hindi rin nabigo. Nagkaroon din sila ng hindi lamang isa ngunit higit pang mga mas batang kapatid. Yaong isa kong kilala na hindi nabigyan ng kanyang mga magulang ng mas batang kapatid ay gumawa ng sariling paraan. Sa hindi inaasahan, nabigyan niya ng apo ang kanyang mga magulang sa maagang panahon. Bawat baranggay at lugar sa bansa, mayroon na rin ng kani-kanilang bersyon nitong ganitong sitwasyon ngayon. Nagtagumpay nga ang mga senador ng dating presidente at pati ang sumunod na pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay ipinakulong rin nila dahilan sa pagsangkot sa iba’t ibang katiwalian sa gobyerno. Marami rin ang tumutol sa pamumuno ni Noynoy, at ngayon, binabatikos din ang paraan ng pagdidisiplina ni Duterte sa bansa. Malapit na akong magtapos ng sekundarya nang muling narinig ang isang pamilyar na tanong. -Sampung taon mula ngayon, paano mo nakikita ang Pilipinas? Ipinaliwanag ko naman noon na marahil na patuloy pa rin ang pagtaas ng presyo ng gasolina, matrikula at lahat ng mga bilihin. Sa ikalawang pagkakataon, hindi ako nagkamali. Nang nag-kolehiyo ako, nagsimulang umugong ang ASEAN Integration. Ang sinasabing malaking pagbabago sa Asya ngayong darating na 2020. Malayang makakapasok at makalalabas ang isang Asyano sa kontinente upang humanap at mamili ng karerang tatahakin. Katumbas nito, gayon din ang mga dayuhang makababalik sa Pilipinas. Pagdating ng panahon, hindi na magiging bago sa atin ang mga banyagang makakasalubong natin sa daanan o makakahalubilo sa trabaho. Ngayon, na hindi pa naipapatupad ito, ay marami na sa atin ang labis na humahanga at naiimpluwensyahan ng kanilang mga produkto at pananamit, paano pa sa mga darating na taon? Ang dati na simpleng pango ang ilong, itim ang buhok, kayumanggi ang kulay ng balat at magalang at mapagkumbabang pag-uugaling paglalarawan sa isang mamamayang Pilipino, ganito pa rin kaya pagdating ng mga taon? Paglipas ng panahon, ang mga Pinoy, Pinoy pa rin kaya?
VI
PALETA 69
“Tatangayin ka sa kawalan ng huwad na pakikipaglaban.”
SUMANG-AYON
“
“
RAINBOW SOLDIER
You can be the truest in a world of lie.
In a world full of hatred, be someone who promotes love, all kinds of love. Whatever your preferences are, you deserve to love and be loved. It doesn’t matter if you’re lesbian, gay, bisexual or transgender. You are not possessed by an evil spirit. You are not a pest in the society. You’re a human just like us. The different thing is you are braver than most of us. Hypocrites are everywhere and other people may hate you for what you are. You can accept different kinds of criticism from the people who hate you and still, you choose love. You can be the truest in a world of lie. And always remember that you’re the best soldier of love as you love unconditionally. Stop violence, end war, spread the love and let the love wins.
VI
PALETA 73
PALETA
VI
LAKBAY Saan tutungo kung walang paroroonan? Sino ang lalapitan kung walang may pakialam? Magpapatuloy ba sa paglalakbay o sa paglakad ay hihinto na lamang? Ngunit ang katanungan ay nasagot ng isa pang tanong. “Para kanino ka nabubuhay?” 74
“
Gusto kong sabihin sa kanya ang katotohanan.
“
DALAWANG PARES NG SAPIN SA PAA
-Cris, Val! Kakain na! Sigaw ng asawa kong si Elena matapos magluto ng adobong baboy. Paborito kasi ‘yon ng mga anak naming si Cris at Val. -Baka naglalaro lang sa labas. Uuwi rin sila ‘pag nagutom, mauna na tayong kumain, mahal. Ito lang ang nasabi ko habang nagbabasa ng dyaryo. -Baka pinagtataguan na naman ako ng dalawang ‘yon. Nakita ko sa may pintuan ang tsinelas nila, teka at hahanapin ko. Sagot ni Elena sa akin habang hinahanap sa loob ng bahay ang dalawa. Nilapitan ko siya at niyakap. Gusto kong sabihin sa kanya ang katotohanan. Hindi na bata ang mga anak namin. Sa katunayan, malalaki na sila, naging sundalo, at namatay sa pakikipaglaban sa mga rebelde raw ng bayan o mas madaling sabihing namatay sila para o dahil sa gobyerno. Madalas iyong nakakalimutan ng asawa ko dahil sa sakit niya. Inilalagay ko sa may pintuan ang paborito nilang tsinelas noong bata pa sa tuwing mapapansin kong sinusumpong ng sakit si Elena. -May problema ba mahal? Sambit ni Elena habang nakayakap ako sa kanya. -Nagugutom na ‘ko, kumain na tayo. Mamaya na ang mga bata, sagot ko habang unti-unting inaalis ang mahigpit kong pagkakayakap sa kanya.
VI
PALETA 75
PALETA
VI
“
“
ABOVE THE FALLEN
He was far more broken than how he looks, and the scars reminded him of the battles everyone thought he has won.
A man in camouflage and boots and a man with scars were talking on the front porch steps on a warm sunny Tuesday morning. The grasses were dead, but the sidewalks were clean. They would watch as the neighbours’ children play and wonder about the youth he never had. He looked at his son in camouflage sitting right next to him with a light above his head from the gaps between the rustling leaves behind. -Say, son. What has the war done any good to you? He then smiled and let out a breath of air, looked down and answered. -Well, ya know dad. First, it pays well. He looked at the man with scars. -Look at the house; we used to live in such a tiny apartment when I was a kid. And. And. The tap won’t stop dripping at night, he chuckled a little. The old man smiled. -I couldn’t sleep at night hearing those little drops. Darn it. They both laughed, and for once it felt nice reminiscing about the past until there was another gap of silence between them. -Say, son. Have you ever been alone there and afraid? He looked at his dad and his scars, and his eyes of concern. -Don’t worry dad. Don’t you know? This brings great honour to our family! He smiled trying to persuade the father who wasn’t convinced. Silence. The wind blew and the leaves rustled in sadness. -Don’t worry dad. I’m doing this for us and our country, for the neighbours’ children and my future children. It’s no big deal. Hell, I’m basically a national hero. He jokingly said to lighten the atmosphere. -But, son. Please. You’re still young. Go party like the people at your age. Do that weird thing they do in their computers and shout at the screen. Go find a woman and put a ring on her finger. Enjoy your youth. Every time you leave, I worry so much that you might not come back. The son looked at his boots, and couldn’t look up. His eyebrows tensed and his eyes were blurry. -It’s okay dad. He stood up. -I got to go now. 76
He picked up his huge bag and carried it on one strap on his shoulder. They gave each other a hug before he left. Waving at him shouting he’ll be back before Christmas. He walked away, until he was gone. The old man went inside their home coloured in a combination of cream yellow and brown, passing by frames of honour and medals of war, medals of dust and dirt. He picked up a nice picture frame placed on top of one of the table cabinet and carefully looked at the face of his son, who was barely 12 years old, smiling widely as he can beside a man in camouflage and boots. He smudged the dust off the man’s face and saw scars he feared greatly. It was him. Wearing a uniform he dreaded so awfully much. He carefully put back the frame from where it was and sighed in a mixture of exasperation and regret. He kept walking towards inside his home and his pace fastens as he passed by a mirror. He couldn’t look at himself. He was far more broken than how he looks, and the scars reminded him of the battles everyone thought he has won. But did he really? War for the price of his youth. He grew up too fast in the midst of smoke and piles of rubbles. He used to be a child wondering around searching for remnants of what was left from all the suffering. Trying to find a bit of happiness or even better, leftover food. He used to be naive, alone and afraid. Taking shelter from the rain in broken structures which used to be homes of the families that once were... alive. He used to quiver from the cold every night, bearing in mind the memory of his parents who died with no clear idea of what happened, only the sound of explosions and utter darkness. He used to, for that was a war he grew up with and fought as he grew older, and fought once more, and fought until he was too old. Now, he’s just alone and terrified. A once soldier in the front lines who fought for food and shelter, a once soldier that never want to go back, unlike his son. He remembered his son mentioned honour before he left. He couldn’t disagree more. For all he could think of were the corpses and ashes he saw growing up, and the blood and terror of everything else. He once stood above the carnages of corpses and asked the dead if honour really matters. And as he grew old and saw the weeping families above the tombs of the fallen, he still couldn’t answer if everything was worth it, if war was worth it.
VI
PALETA 77
PALETA
VI
LARO NG KAPALARAN Sa sandaling ‘di na makita ng mga matang nangungulila sa’yo ama ang pag-ibig at atensyong ibinuhos mo sa akin at kay ina, asahan mong babalik at babalikan kita. Hindi upang talunin ka ngunit upang ipakitang ipapanalo ko ang buhay. Kahit wala ka. 78
REKTANGGULO Kailanman sa tinagal tagal ng mundo Ni minsang hindi tumigil Hinding hindi hihinto. Hanggang sa iyong muling pagbabalik Hanggang sa muli nating pagkikita Ngunit, Kasabay ng ingay ng pagmartsa Laking pighati, ikaw ang dala-dala Sa loob ng isang rektanggulong kahon Balutan man ng kulay pula at asul Sa loob ‘di maitatago ang dilim ng pagluluksa Dahil ngayon, alam kong wala ka na. Masakit mang isipin Maalala at tanggapin Ang mga nawala ay ‘di na maibabalik
VI
PALETA 79
PALETA
EROPLANONG PAPEL Naaalala ko pa, laging labit noon ni Mama ang isang plastic envelope tuwing tutungo s’ya sa palengke. Kapag tinatanong ko sa kanya kung ano ang laman nito, sinasabi lang n’ya na hindi ko na raw kailangang malaman pa. Akala ko, napakahalaga ng mga papel na nasa loob noon sa pagtitinda ng gulay kaya isang beses ay sinubukan kong buklatin ang mga ito. Nakita kaagad ako ni Mama na sanhi ng panlalaki ng kaniyang mga mata. Galit n’yang hinablot ang envelope mula sa akin. Iba ang naramdaman ko, may pagkagulat, pagkalito, at pagkatakot. Simula noon, ‘di ko na tinangka pang hawakan ang envelope ni Mama. Kasiping ko s’ya sa pagtulog at nasanay na akong nakayakap kay Mama, ngunit isang umaga, nagising akong wala sa tabi n’ya. Kahit pipikit-pikit pa ang aking mga mata ay nagtungo ako sa kusina at nagbaka sakaling matagpuan ko siya doon na naghahanda ng almusal ngunit wala si Mama roon. Nagpalinga linga ako sa paligid at naabutan si kuya na nanonood ng TV. -Si Mama? Tanong ko noon sa kuya ko ngunit hindi s’ya sumasagot. -’Asan si Mama? Tanong ko ulit sa kanya ngunit ‘di parin s’ya umiimik. Lumapit ako kay kuya at napansin ko ang
“
At ayaw ko ring maging tulay sa paglapat ng mga paa ng iba sa mga lupaing hindi nila sinilangan.
“
VI
mga nangingilid n’yang luha. May kirot akong nadama ng sandaling makita ko ang pagtulo ng mga iyon. Hindi ko alam kung bakit ngunit nagsimula na ring pumatak ang sa akin. Doon, nagsimula na akong pumalahaw ng iyak na sinasabayan pa ng pagtulo ng aking uhog. Tumakbo ako palabas ng bahay at nagpasikotsikot sa mga eskinita ng baranggay ngunit nabigo ako sa paghahanap kay Mama. Nakaabot pa ako ng palengke ngunit sarado ang pwesto namin doon. Pinagtitinginan na ako ng mga mamimili ngunit patuloy parin ako sa pagsigaw sa kanyang pangalan. Sa sobrang galit, kumaripas ako ng takbo kahit na walang patutunguhan. Napakabilis ko noon ngunit ako’y natisod sa bato at nadapa. Umuwi ako sa bahay ng pipilay-pilay at hindi iniinda ang nababalot sa lupa kong sugat sa tuhod. Lumipas ang mga araw, buwan at taon na hindi namin kapiling si Mama. Nawalan na kami ng komunikasyon sa kanya. Tanging si kuya Troy, si lolo Fernado at nanay Felicing ang nakasaksi sa aking kabataan. Napakalungkot ng buhay ko noong umalis si Mama na tila hindi ko maisip ang isang mundo na wala s’ya. Kaya sa paglipas ng panahon, nasanay at natuto ako na tanging mga alaala na lamang 80
naming dalawa ang kasiping ko sa tuwina. -Bahay kubo kahit munti, ang halaman doo’y? Ang palaging tanong sa akin ni Mama tuwing nilalaro ko ang mga paninda niyang gulay. -Lanta na! Ang paborito kong isagot sa kanya dahil napapahalakhak nito hindi lamang s’ya ngunit pati na rin ang mga kalapit na mga tindahan. Simula noong araw na nasugatan ako, hindi na ako bumalik pa o napasyal man lang sa dating pwesto ni Mama sa palengke dahil ang dating gulay na sariwa, ngayo’y nalanta at natuyo na. At ang boses ni Mama ay ibang bata na siguro ang nakaririnig. Highschool na ako noong bumalik si Mama ngunit ang muli naming pagkikita ang tuluyang dumurog sa aking pagkatao. Magmula noong araw na iyon, lagi na akong tulala at nagkukulong sa kwarto. May mga araw na hindi na ako kumakain. Napakaraming katanungan ang nasa isip ko sa mga pagkakataong iyon. Hindi ko maatim ang naging paghihirap ni Mama roon. Hindi ko malunok ang kanin na sana ay ‘di pinagdamot sa kanya. At sa tuwing maiisip ko kung paano dumampi ang plantsa sa mukha ni Mama, halos mabaliw na ako. Kung alam ko lang, sana
ay sinunog ko ang envelope na iyon. -I am Miguel. My dream in life is to be a pilot. Mga linyang aking sinambit sa mikroponong nasa gitna ng entablado habang nakatitig kay Mama. Matapos ‘yon ay pumalakpak s’ya at bakas sa kaniyang mukha ang kagalakan. Mas masaya ako kaysa sa kanya nang mga sandaling iyon. Ngunit ang pangarap kong ito ay ‘di ko na matutupad pa. Wala nang rason para ipagpatuloy ko pa ang pagpapalipad ng eroplanong papel. At ayaw ko ring maging tulay sa paglapat ng mga paa ng iba sa mga lupaing hindi nila sinilangan. Ni hindi man lang ako nakasulyap sa payat niyang mukha kahit na sa huling pagkakataon. Hindi ko kaya.
VI
PALETA 81
VANISHING YOUTH You were there with me every day Same meeting place. Then one day, bit by bit, we faded. No. You did. Until I saw you no more. Not even a shadow or a blur.
82
NASA TABI-TABI
Wala sa libro ang katotohanan, nasa lansangan Kung saan ilang luha na ang tumulo ‘Di mabilang na ngiti ang piniling ikubli Daan-daang barya ang pumatak Dito kung saan lahat tayo dumadaan.
83
PALETA
VI
DANCING WITH MY DARK You see now, that we’re here With a spotlight in the dark Dancing through the night Even when the music stopped Every heavy breath of the passionate waves Of our bodies that tend to amaze We share the moment like nobody cares They look at us, nobody dares There was just us in the secrecy of the night Sneaking kisses in the shadow’s light Ironic and conflicted But the night’s still young So you kept dancing in my dark, Of the tragic tales unsung Silently crying Silently there Within your embrace I had so much to declare I meant to say As you watch my vulnerability I wanted to ask Will you still be able to love me?
But words abandoned my corrupted lungs And I spoke words I have always sung I’m sorry. I’m sorry. I’m sorry I apologized a little bit a lot For a fault in the melody Of my own fucked up heart But the dance I thought I was swaying alone Was vanished as you spoke a wonderful song -I’ll always be here. I will never leave And that was a statement I couldn’t believe Because all my life I watch people come And all my life I saw they go Without goodbyes, without regret I guess I was the type that people left And this time, I heard it again I’ll hold on to your words as much as I can Like how you hold my hand as we dance Throughout this one hell of a night With a spotlight in the dark Sneaking kisses in the shadow’s light Even when the music stopped
84
TUMINGALA KA Saksi sa maraming pag-aaklas, bagyo at trapik At hanggang ngayon, humihiling pa rin sa langit. Ipaalala sa kanilang lahat, tayo ay magkakapatid.
VI
PALETA 85
PALETA
VI
-Kaya mo pa ba? Walang tugong umiling ang bata ngunit bakas sa mukha niya ang kanyang pagtitiis. -Ayos lang umiyak paminsan-minsan, anak, tugon ng isang pamilyar na boses na wari’y nanghehele sa tuwing aking naririnig. Agad kong iminulat ang aking mga mata, sabik na makita ang pinagmulan ng tinig. -Handa ka na? -Ha? Ngunit bigo akong makita ito. Muli nitong inulit ang kanyang tanong. -Handa ka na? Bumalik akong muli sa ulirat na parang kakagising lang mula sa isang panaginip, isang masamang panaginip. -Sumunod ka. Tumayo s’ya at diretsong naglakad palayo. -Teka, ni hindi nga kita kilala… Pagkatayo ko’y sa isang iglap, nasa harap na ako ng aming bahay. Isang malaking apoy ang bumungad at sumakop agad sa aking paningin. Sunog. Isang malapad na ngiti ang ibinigay n’ya sa’kin. -Wala ka bang naaalala? Walong taong gulang ako. Wala sa
“
“
SA BAWAT PAGPIKIT
Tinakip ko ang mga kamay ko sa aking mukha at sumigaw ng isang sigaw na walang nakarinig.
bahay sina Mama at Papa, kami lang ni bunso. Mabilis ang mga pangyayari at kasabay na nilamon ng apoy ang buhay ni bunso. Wala akong magawa kun’di ang pumikit. Mariin. Walang nangyari. Wala. -Handa ka na ba? Isang puting kwarto ang nahagip ng aking mga mata sa muli kong pagmulat. Sinundan ng tingin ang galaw ng linya sa makina na sumasabay sa tunog na nagsasabing may buhay pa si Papa. Si Papa, inatake sa puso ng dahil sa akin. Napapikit na lang ako at pinilit alisin muli ang ala-alang matagal ko nang ibinabaon. Walang nangyari. Walang nangyari. Wala— -Malayo ka pa. Kaya mo pa? -Please? Ang maamong mukha ng isang dalaga ang sunod ko namang nasilayan sa muling pagmulat ng aking mga mata. -Niel please, ‘wag mo nang ituloy… Nakabaling ang kanyang mga pagmamakaawa sa taong nasa kabilang panig ng silid. Isang binatang may mga matang tila walang nakikita. Kilalang-kilala ko ito dahil ito ang mukhang bumubungad sa akin sa arawaraw na pagtingin ko sa salamin. 86
-Niel… -‘Wag kang mag-alala, iinumin mo lang ‘to iha at madali nang luluwag ang kapit ng bata, ani ng matandang nasa tabi nito. Bakas ang pagkamuhi ng dalaga sa binata ngunit wala itong magawa. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at itinakip ang mga kamay sa magkabilang tainga. Tama na. -Kaya mo pa ba? Ayoko nang imulat ang mga mata ko. -Renan, Linda... Isang pamilyar na boses, ibinabalik ang isa sa mga ala-alang nais ko nang ibaon sa limot. -Pakiusap Renan, Linda… iurong n’yo na ang kaso. Pakiusap… -Naku Teresa, kung hindi lang dahil sa’yo. Patawarin nawa ako ng panginoon. Susko, Teresa… -Pakiusap Linda para mo nang awa patawarin n’yo na ang anak ko. Huwag n’yo na s’yang ipakulong, ako na’ng magbabayad… -Kinukunsinti mo kasi ‘yang anak mo kaya humahaba ang sungay e. Muli kong iminulat ang aking mga mata. Hindi. Hindi ito. Sa lahat-lahat, ito ang pinakaayaw kong makita. Si Mama, nakaluhod, nagmamakaawa. Humihingi ng tawad para sa kasalanang ako naman ang gumawa. Tinakip ko ang mga kamay ko sa aking mukha at sumigaw ng isang sigaw na walang nakarinig. -Kaya mo pa ba? Tama na. -Pumikit ka ma’y wala nang mababago. Pilitin mo mang ibaon sa limot ang lahat, nangyari na. Panaginip lang ang lahat. Panaginip— -Pinipilit mo pa rin bang paniwalain ang sarili mong wala kang kasalanan? Na inosente ka? Na biktima ka lang ng kalupitan ng mundo gayong ikaw naman ang dapat sisihin? Ang pakiramdam ng walang pakialam sa mundong ginagalawan, sa mga taong nakapaligid.. Ayoko na, ayoko na—
VI
PALETA 87
PALETA
VI
-Sa tingin mo ba’y mababago mong namatay ang bunso mong kapatid? -Boj, akin na ‘yung posporo. -Kuya, sabi ni Papa ‘wag daw tayong maglalaro n’yan. -Wala sila, ‘wag ka na lang maingay. Muli kong nadama ang matinding init, init na hindi mula sa sunog, bagkus ay init na mula sa loob ko. Ayoko na. -Na mabubura mo ang lahat ng naging paghihirap ng nanay mo para lang maituwid ang iyong buhay? Pakiusap.. -Na maibabalik mo ang buhay ng ‘yong ama? -Niel, ano na naman ‘yan! Sinabi ko nang itigil mo na ‘yang adiksyon mong ‘yan Niel! Sinabi nang ‘wag ka nang bumarkada sa mga ‘yon! Sinisira mo lang ang buhay mo! Ano pa bang kailangan naming gawin ng Mama mo para umayos ka? Hindi mo ba nakikita ang mga ginagawa naming paghihirap para sa’yo?! Tapos anong ginagawa mo? Puro katarantaduhan--Pa? Niel! Ang papa mo Niel! Ano pang ginagawa mo d’yan!? Susme Niel! Ang Papa mo! Hindi ko na kaya. Hinayaan ko nang umagos ang mga luhang kanina pang gustong kumawala sa aking mga mata -Ayos lang na umiyak minsan, lalo na pag nasusugatan. Ilang taon na ang lumipas ngunit tila kamakailan lang nang huli kong narinig ang malambing na boses na ito. Iminulat ko ang aking mga mata sa pag-asang masisilayan ko ang kanyang mukha. -Ayos lang ‘yan anak. Nandito si Mama. Tahan na anak. Tahan na. Ilang taon akong walang ibang kinapitan bukod sa ligayang naibibigay ng materyal na mundo. Ligayang sa bawat paghithit, lahat ng problema ko’y maglalaho, lahat ng mga kasalanan ko’y maiibaon sa limot, na ako lang ang may buhay sa aking mundo. Matapos ang ilang taong pagmamatigas, pagtakbo at pagtakas, sa kanya pa rin pala ako babalik. 88
REAL LEGION It is the largest way of colonialism the world has ever seen It influences the mind in thinking And limits the heart on whom to love and how Pushes the law to be changed in their orders Get mixed into things they shouldn’t be in. The world encounters it most of the time But the world chose not to look. Because they told us not to.
VI
PALETA 89
PALETA
VI
“
Hindi naman pala ganoon kasama ang pagiging buto’t balat.
“
SARANGGOLA
-Buto’t balat lumilipad! Si Popoy o! Hahahaha! At muling nagtawanan ang mga bata. Araw-araw, ganito ang kalagayan ni Popoy, kinukutya ng mga bata sa kanilang baranggay sa tuwing binabagtas ang kalye patungo sa karinderyang madalas n’yang puntahan. Malapit na s’ya. -Kuya Emer… -O, Popoy, medyo hapon na. Bakit ngayon ka lang? Si Emer, hindi n’ya kaanoano ngunit napakabuti sa kanya. -Si Ina, may iniutos. Sabay pahid sa likidong nasa kanyang ilong gamit ang marumi at sira-sirang kamiseta na kanyang suot. -O, heto. Pasensya na Popoy. Nagkaubusan kami ng ulam at kanin. May liga kasi ngayon. -Salamat kuya Emer! Biglang nabuhayan ang kaninang lambuting si Popoy. Nakangiti itong tumakbo dala ang supot na may lamang bahaw at dalawang mangkok na sabaw. Tumakbo ito upang hindi na rin marinig ang pangungutya ng mga bata kapag dumadaan siya. -Oooooow, lamapayatot kasi! Buto’t balat pa! Popoy, buto’t balat! Hiyaw ng mga bata matapos talapirin si Popoy. Natapon ang kanin na nasa dala-dala nitong supot. Mangiyak-ngiyak n’yang inilagay itong muli sa supot. Nang makarating s’ya sa kanila’y agad n’ya itong itinago sa kanyang bulsa. -Oy gago! Akin na ‘yang nasa bulsa mo, dali! -Para ‘to kina Nita at Juma. Kanina pa sila umiiyak kas... -Wala akong pakialam! Bilis! Alam n’yang totoo ang sinasabi ng mga kapitbahay nila, na gumagamit ito ng droga at alam din n’ya ang maaaring gawin sa kanya ng kanyang ina kapag sinuway 90
n’ya ito. Wala na s’yang pakialam sa maaaring mangyari. Tumakbo s’ya patungo sa kanyang mga kapatid. -Nita. Juma. Bilis! Kainin n’yo na ‘to! Agad nilantakan ng mga ito ang dala ng kapatid. Napatigil sila sa pag-iyak at wari’y mga baboy na sumubsob sa pagkain, ‘di alinatana ang itim na butil- butil sa kanin. -Talaga namang! Hali! Bilis! Parini kang hayop na bata ka! Kinaladkad nito ang patpating katawan ni Popoy, walang pakialam kung masagi ang mga gamit sa masikip nilang tirahan. -Hayop ka talaga! Inutil ka na nga, wala ka pang kwenta. Nahagip nito ang isang malapad na patpat mula sa sira nilang dingding. Malalakas na hagupit ang natamo ng mga patpating hita at braso ni Popoy, walang pag-aalinlangan, ni walang anumang bahid ng awa. Bakas kay Popoy ang pagpipigil sa pag-iyak ngunit nangingilid na ang mga luha nito. -Ano?! Nagmamatigas ka?! Sandali at humanda ka! Nahagip ng kanyang mga mata ang tubo at agaran itong kinuha. Patuloy sa pagkain ang mga kapatid ni Popoy habang iniiwasang tingnan ang kalagayan ng kapatid, dala ng matinding kagutuman at mura pang isipan. -O? Ano? Ano?! Manang-mana ka sa tanga mong ama! Magsama kayo! Dama n’yang nag-uunahang mabali ang kanyang mga buto. Hindi na puro pasa ang nasa mga hita nito. Wala na s’yang marinig. Tumigil na siguro ang kanyang ina sa paghampas. -Popoy, buto’t balat lumilipad! Buto’t balat lumilipad! Hahahaha ang payat kasi! Naramdaman n’ya ang unti-unti n’yang pag-angat. Lumilipad na nga s’ya. Hindi naman pala ganoon kasama ang pagiging buto’t balat.
VI
PALETA 91
PALETA
VI
“
Hindi na kinaya ni Cedric at tinalikuran na lamang ang taong sanhi ng kanyang pagdaramdam.
SINO ANG PUMATAY NG ILAW?
“
-Apo, ano itong umiilaw? Tanong ni tatay Felipe sa kanyang apong si Cedric. -Ilaw! Lamok na may ilaw! Sambit ni Cedric na halatang saka pa lamang dinadatnan ng kamusmusan. Tumawa si Tatay Felipe, at ipinaliwanag niyang -Hindi apo, ang tawag dito ay alitaptap. Inulit-ulit banggitin ni Cedric ang katagang alitaptap at kitang-kita sa kanyang mga mata ang pagkamangha sa mga ito. Ngunit para kay Tatay Felipe, walang alitaptap ang mas nakamamangha sa liwanag sa mga mata ni Cedric. -Apo, ano itong umiilaw? Tanong ni tatay Felipe sa kanyang apong si Cedric. -Ahmmm… moon po. Sabay ngiti ni Cedric, na siya ring nagdulot ng pagkurba ng labi ni Tatay Felipe. Nakikita n’ya na unti-unti nang lumalaki si Cedric. -Apo, ano itong umiilaw? Tanong ni tatay Felipe sa kanyang apong si Cedric. -Gameboy, lolo. Ang ganda, ‘di ba? Bigay sa akin ni Papa. Tingnan mo oh, lo. Laro tayo, tuturuan kita. Wika ni Cedric kay Tatay Felipe na nakangiti sa galak at kuryosidad sa tinatawag ng apo niyang ‘gameboy.’ -Apo, ano itong umiilaw? Tanong ni tatay Felipe sa kanyang apong si Cedric. -Lo, cellphone po yan. Binigay po sa akin ni mama. Napatango si tatay Felipe, sapagkat ‘di niya inakalang may ganoong klase ng cellphone na pala, ni hindi man lang niya nakita ang pindutan at parang salamin ang nipis. Napaisip si Tatay Felipe, -Tumatanda na pala talaga ako.
92
-Apo, ano itong umiilaw? tanong ni tatay Felipe sa kanyang apong si Cedric. -Hays, lolo, pang sampung beses mo na tinanong sa akin ito. Laptop po ito. Naiintindihan n’yo po? Laptop. Kumunot ang noo ni Tatay Felipe. -Pang sampung beses? Ngayon ko pa lang naman ito tinanong ah? Sabay ng buntong hininga, napailing na lamang si Cedric at itinuloy ang kanyang ginagawa para sa kanyang trabaho. -Apo, ano itong umiilaw? Tanong ni tatay Felipe sa kanyang apong si Cedric. -Lolo, ‘wag po kayong maingay. Nanonood po ako ng TV. Nanlaki ang mata ni tatay Felipe. -Ibang klaseng telebisyon na pala ang meron tayo. Ang laki at parang totoo na ang pinanonood. Bulong ni Tatay Felipe kay Cedric. -Shhh! Huwag po kayong maingay lolo. Tumahimik si Tatay Felipe. -Apo, ano itong umiilaw? Tanong ni tatay Felipe sa kanyang apong si Cedric. -Lo, ano na naman pong ginawa ninyo?! Galit na sambit ni Cedric. -Naglalakad lakad lang naman ako, tapos… tapos... Wala nang masabi si Tatay Felipe kay Cedric, sapagkat nalimutan na niya ito. Tinalikuran siya ni Cedric upang kausapin ang taong may sasakyang umiilaw. -Sige po, officer. Pasensya na po kayo sa abala, ‘di na po mauulit. -Sige ha?! Alagaan mo ang lolo mo, at ‘wag papabayaang mag-isa. Naiintindihan mo ba iyon?! -Opo. Salamat po, pasensya na ulit. Hindi na malaman ni Cedric ang gagawin niya sa kanyang lolo. Tila araw-araw, pahirap nang pahirap ang pag-aalaga rito at hindi na niya kinaya pang tiisin ang bigat ng kanyang nararamdam sa tuwing nakikita niya ang
VI
PALETA 93
PALETA
VI
kanyang lolo na litong-lito sa pangyayari sa kanyang paligid. -Apo, ano itong— Napatigil ang lolo nang sigawan siya ni Cedric. -Lolo, ilang beses ko pa po ba ito kailangang ulitin?! Bakit ba hindi ninyo magawang tandaan? Napakasimple lang nito oh! Napatigil si Tatay Felipe nang sigawan siya ni Cedric. Kitang-kita sa mata ni Cedric ang luha mula sa pagkagulumi ng utak nito. Malayong malayo sa dating kislap noong bata pa siya, sambit ng lolo sa kanyang isip. Hindi mapigilang sisihin ni Tatay Felipe ang kanyang sarili sa pagdaramdam ng kanyang apo. Kahit hindi niya alam ang kabuuan ng nangyayari. Basta ang alam niya, ang nakikita niya, isang kawawang Cedric na hindi niya kayang matiis tingnang umiiyak. Kumunot ang noo ng lolo. At tila nagtaka. -Ano nga ba ulit ang nangyayari? Bakit ka umiiyak, apo? Hindi na kinaya ni Cedric at tinalikuran na lamang ang taong sanhi ng kanyang pagdaramdam. Mabagal na naglakad palayo at pinabayaan na lamang ang lahat. Makalipas ang ilang araw, wala pa ring pagbabago sa sitwasyon nila. Patuloy pa rin ang pagkalimot ng matanda sa lahat ng kanyang ginagawa. -Apo, ano itong umiilaw? Tanong ni tatay Felipe sa kanyang apong si Cedric. Buntong hininga ang lumabas sa bibig ni Cedric at hindi na lang niya ito sinagot. Dumaan ang maraming araw, hindi na sumasagot si Cedric sa kahit anong itanong ni Tatay Felipe. Tila parang wala nang kausap si Tatay Felipe. Pero kahit ganoon ang sitwasyon, patuloy pa rin ang kanyang pagtatanong. -Apo, ano itong… Sabay ng isang malakas na yabog sa sahig.
94
Napatingin si Cedric at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niyang nakahandusay sa sahig si Tatay Felipe. Agad siyang tumawag ng ambulansya at madali itong dinala sa ospital. -Apo, ano itong umiilaw? Tila parang tinatawag ako. Hindi na umimik si Cedric. Umiyak na lamang siya sapagkat alam niyang hindi na maka-aabot si Tatay Felipe. Sa puntong iyon ng buhay n’ya, pinagsisisihan n’ya lahat ng kanyang inisp at ginawa, at ng hindi n’ya nagawa para kay tatay Felipe. -Apo, ‘wag kang mag-alala. Mukhang heto na ang huling ilaw na makikita ko. Hindi na ako muling magtatanong pa. Makalipas ang ilang linggo. Bumalik si Cedric sa bahay ng kaniyang lola, at muling lumuha nang makita ang mga alitaptap. Lalong lumuha si Cedric sapagkat wala na siyang naririnig na -Apo, ano itong umiilaw?
VI
PALETA 95
PALETA
VI
“
Ang taong nabuhay sa bala ay mamamatay din sa bala.
“
MAY DAHILAN NA UPANG AKO’Y MAMAMATAY
At nang dahil sa akin, ang bansa ay nagkawatak-watak. Pasensya na, aking mga kababayan. Hindi na rin naman ako patatawarin ng Panginoon. Ginamit ko ang kasamaan para sa ikabubuti ng lahat, pero palpak ako. Hindi ito ang solusyon para sa kaunlaran. Tama sila, nasa sarili talaga ang pagbabago, pero hindi na ako magbabago. Huli na ang lahat. Kaya narito ako at sinusulat ang talatang ito para sa inyo. Bilang inyong diyos-diyosan, huling utos ko sa inyo na kayo ay magbagong buhay. Gawin ninyo ang nararapat. Huwag matakot, sumalungat kung may pagkakamali kayong napapansin, ipaglaban n’yo lang. Buhayin muli ang demokrasya, at ‘pag nagtagumpay kayo, makararanas na kayo ng sagana. Ang taong nabuhay sa bala, ay mamamatay din sa bala. Paalam.
Ilang taon na rin ang nakalipas nang magsimulang magbago ang lahat. Pangarap ko na ang itim, magiging puti. Ang daang lubak-lubak, matutuwid. Ang mga masasamang tao, mababawasan. Ang mga tangang pulitiko, hindi na muling iboboto ng masa. Ang hustisya, malilinis na. Ang mga mahihirap, sasagana na ang buhay. Ang kaguluhan, magiging kapayapaan. Pero nakakaiyak at hindi ko talaga akalain na kasalungat lahat ang nangyari. Lahat ng mga problema, lalong lumala pa. Kasalanan ko ‘to. Nasilaw pa ako sa pera at kapangyarihan. Nagmistulang naging diyos ako sa paningin ng mga tao. Sinasamba nila ako, kahit marami akong pagkakamaling ginawa sa iba. Tutal, natupad naman ang pangako kong pumatay ng tao, kasi ito ang radikal na pamamaraan para sumagana ang bansa. Ipinakukulong ko at ipapapatay ang lahat ng sumasalungat sa akin at sa aking administrasyon.
96
TRABAHO LANG Para rin sa pamilya lumalaban Para makauwing may makakain ang mag-anak Para mapagtapos si junior Katulad mo, may sarili rin akong laban. Katulad mo, ayaw ko ring may masasaktan.
97
PALETA
VI
HAWAK KAMAY Sa pagsikat at sa paglubog ng araw ay hawak mo ang aking kamay. At kung sakaling ngayon ang huling pagkakataon na mahahaplos ko ang iyong palad, masusulyapan ang iyong ngiti, at maririnig ang iyong mga kwento, yayakapin kita ng mahigpit ngunit hindi sasambitin ang salitang “paalam.”
98
LOVE, RAIN, AND SORROW It’s raining even before I open my eyes I could hear it dripping from my chin I can hear the wind gushing through my lungs I can feel the rain that I have not yet seen I want to reach you. I want to reach you. As the raindrops fall on the ground Make you hear me calling out Creating a sorrowful sound Can you feel the rain from there? Can you see it dripping from my eye? Would you care if it’s even raining? Could you ever love a gloomy sky?
VI
PALETA 99
PALETA
VI
DE[A]DMA
Pakinggan mo ang sigaw ko mula sa lumipas na mga dekada Hindi napapaos at hindi mapapaos Tumatanda, nanghihina, pero hindi natitigil Balat lang ang kumukulubot pero hindi ang prinsipyo Sinimulan at hanggang sa katapusa’y aking itutuloy Pakinggan mo ang sigaw ko mula sa lilipas kong buhay Hindi pa rin pinapansin Hindi pa rin pinapakinggan
100
MGA TANAGA NG KAMATAYAN Itigil ang pagkatha Ng tulang may emosyon Itikom ang ‘yong bibig Paalipin sa takot
Tumigil sa paglaban Karapata’y tapakan Bayan ay pagtaksilan Bandila ay sunugin
Lapatan ang musika Ng salitang banyaga Itakwil ang ‘yong wika At mahalin ang Ingles Huwag ng sumulong pa, Maupo at magmasid Sa lipunang may bulok Sa taong nasa tuktok Maging isa kang bulag Ipikit ang ‘yong mata Huwag ng makialam Sa kurap na sistema
Limutin ang nangyari Kasalana’y pagtakpan Balutin ng pabango, Bangkay ng nakaraan Maging sunod-sunuran Sa makapangyarihan Talino mo’y sayangin Sa iba ipakain.
*ang tanaga ay uri ng tula kung saan ay binubuo ng pitong pantig ang apat na saknong. 101
VI
PALETA
PALETA
VI
NUKE He stares into the photo of a woman and a child He stares as if he was contented enough. Then he heard a drop. He wondered, of all the memories he dearly kept, Will he be able to keep the promise he made? Slowly crashing. Above the noise of the breaking pieces of his heart, He heard the sound of shattered plates And the screaming, shouting, and roaring anger he made A woman and her child sobbing deeply in loneliness Imprinting the last memory of them before he left. Continously dropping. One by one. He looked around and saw neither woman nor child. He asked the heavens if he would be able to keep his promiseTo come back But, the dropping sound answered him No he will not.
102
PULA AT ITIM ANG BAGONG KULAY NG GABI Ito ang uso Kamukha lang ni Pedro Walang hustisya Inosenteng pinatay Humandusay sa kanto Nakikiuso Okay daw kay pangulo Bagong hustisya Kahit ‘di sigurado Basta mahirap na tao
VI
PALETA 103
PALETA
VI
FAITH ≠ STATE Si Fr. Rosaleo Romano o mas kilala sa tawag na Father Rudy ng Redemptorist Church sa Cebu City, hinarang at sapilitang isinakay noong 1985 sa isang sasakyan na may pulang plaka – karaniwang plaka na ginanagamit ng mga sasakyang pang-gobyerno. Kalaunan ay natuklasang operative ng Military Intelligence group ang dumukot sa kanya. Hanggang ngayon ay sumisigaw pa rin ng katarungan ang kanyang pamilya at simbahan.
104
TEKNOLO[HIYA] Tinahak mo’y kaiba sa nakasanayang landas Ehemplo ka’t pag-asa ngayon at bukas Kaalama’y yumabong kasabay ng pagbabago Nagningas ka ng apoy gamit na ay posporo Orihinal na bato’y pamukpok na lamang sa ulo Liham para sa minamahal, nakalimutan nang isulat On-line na ngayon, iba-iba pa ang format Hayan at tuluyang tumalikod sa pinagmulan Ikaw na sinasabing pag-asa ng bayan Yaong ‘di ka susulong kung walang nasimulan At hindi makararating sa iyong paroroonan.
VI
PALETA 105
Para sa mga OFWs na nakaranas at nakararanas ng pang-aabuso
Lungkot at pangungulila ang tanging kalaban, baon ang sandatang pag-ibig sa mga naiwan
PALETA
VI
IBINAON SA LIMOT Walang bulaklak. Walang dumadalaw. Ni walang nagbabalik tanaw sa’yo. Patay na hustisya, Kailan mo makukuha ang sarili mong hustisya?
108
“
Nandito lang kami, nakabaon lang sa inyong isip.
“
LIBINGAN
Ilang taon na nga ba ang nakalipas, siguro wala nang nakakaalala. Ako? Marami na ang nangyari sa panahon ngayon, ilang taon na ang nakalipas, ilang botohan na ang nagdaan, siguro marami nang establisimiyento na ang nadagdag, at marami pang ibang bagay ang nagbago. Isa nga pala ako sa mga nadala na sa limot ng katagalan ng panahon. Noong nabubuhay pa ako ay isa ako sa mga tinatawag na ‘bayani.’ Kasama ako sa mga lumalakad, sumisigaw at pinaglalaban ang mga karapatan natin. Natatandaan ko pa ang mga gabing kami ay nagpupuyat para lamang gumawa ng mga karatula na nais ipakita ang sinisigaw ng aming mga damdamin. Isa ako sa mga naghahanap ng hustisiya sa mga taong hindi nahatulan ng tama. Nasaan na nga ba ang mga katulad namin? Nasaan na ang mga taong kayang isigaw ang nararapat? Nasaan na ang hustisiya na dapat ngayo’y amin nang natanggap? Kung nakita mo man itong sulat na ito, siguro ay nagawi kayo sa lugar kung saan isinulat at ibinaon ko ito. Ito ang lugar kung saan kami nagsimula, ito ang lugar kung saan namulat ang aking mata sa katotohanan, at dito na rin siguro natatapos ang aming legasiya. Kami nga ba ay nakasulat na lang sa mga libro at dyaro na nakatambak sa silid aklatan, o ‘di kaya ay ang aming istorya ay nakabaon na lang kasama namin? Ito na ang aking ikinatatakot, lahat kami ay nabaon na sa limot. Ilang taon na nga ba ang nakalipas, siguro wala nang nakakaalala. Ako? Sigurado akong wala nang nakakaalala. Sa totoo lang ay hindi ko na rin maalala. Sino nga ba ako? Sino nga ba kami? Ano nga ba ang pinaglalaban namin? Tulungan nyo kaming maalala. Nandito lang kami, nakabaon lang sa inyong isip. Nabaon lang sa limot.
VI
PALETA 109
PALETA
VI
BA’T DI MO SIMULAN? [1] Hindi ko mabago ang ikot ng mundo [2] Hindi mawari kung iimik pa ba o mananahimik na lang [3] Ang isang hamak na katulad ko. [4] Na walang kalaban-laban [5] Mahirap tanggapin pero kailangan ko na tumayo. [6] Kasi dinig ko ang bawat patak ng luha mo [7] Huwag kang mag-alala [8] Sabay-sabay tayong lalaban [9] Sigurado, kahit hindi kabisado [10] Huwag mong isiping [11] ‘Di matatapos itong gulo [12]
Bago Mahuli Ang Lahat by Never the Stranger Byahe by Josh Santana [3] May Tama Rin Ako by JR Siaboc [4] Alay by Kamikazee [5] ‘Di na Natuto by Noel Cabangon [6] HMK by BBS feat. Kean Cipriano
Tayo Lang ang May Alam by Peryodiko Tabi by Paraluman feat, Kean Cipriano [9] Sabay Tayo by Spongecola [10] Walang Hanggan by Quest [11] Kahit Pa by Hale [12] Tatsulok by Bamboo
[1]
[7]
[2]
[8]
110
SHATTERED DREAMS Roman Manaois, a 20-year-old graduating college student, was shot dead by unidentified gunmen. He was riding a tricycle to the public market of Dagupan City and sharing a ride with his neighbor, Zaldy Abalos, who was allegedly involved in drug trade. Gunmen came and opened fire apparently targeting Abalos before turning to Roman and shooting him twice. Found on Roman’s body is a paper with the written words: “Don’t emulate me. I am a drug pusher. I am a killer and you’re next -DDS.”
VI
PALETA 111
PALETA
VI
GLIMPSE OF TRUTH No thick nor thin wall can hinder What lies beyond the lies. And what hurts beyond the truths. 112
“
“
THE CREATION
...unity was not absolute and so was truth.
In the beginning, poetry created letters. But it was meaningless and empty. It was just random curves and lines. And the world was dark and dull, still. And so poetry arranged letters, gave meaning to each arrangements and words were born. So did sentences and paragraphs. Darkness and light conquered the world. And thoughts brought color to the once black and white world. Then poetry created feelings. To be shared and felt. Humans became people. People took care of words. Loved it. Became obsessed with it. Abused it. Used it not just as way to express these feelings but weapon to hurt and love others or make them think they love them. Poetry said “Let there be papers” and there was papers of different kinds. Used for the words to not directly hit its target. In the papers, books were born. So did folios, pamphlets, newspaper, etc. which influenced people. Then, beliefs were made by poetry. Which produced the society, politics, philosophies, phenomena and religions. Society labeled the people. Religions became barriers. Philosophies and phenomena hid what really is true. Politics created their own truths. Gave multiple meaning to words. Then chaos sprouts out of lies. Poetry said “Let there be the internet!” so did was. Remedy for the distance which affected understanding and communications. First aid to the diversity of people. But from this, cyber-crime has risen and social media in which millions of hoax and false truths spread every day. On the next days, people created their own worlds inside the world poetry has given us. And forever, unity was not absolute and so was truth. But poetry evolved as time passes. Always giving for the people. Now, it is our hearts, poetry needs.
VI
PALETA 113
PALETA
VI
“
...sa isang iglap, lahat ng unos na iyon, napalitan ng isang masayang panaginip.
“
ISANG DAMPI NG NAPUNDING LIWANAG
Sa liblib na baryo namulat si Ben. Isang binatilyong labing limang taong gulang at nasanay sa isang bagay na kinatatakutan ng karamihan, ang mag-isa. -Buti pa kayo maraming kasama rito. Ani ni Ben habang nakatingin sa mga lapida ng sementeryong kanyang madalas na tinitigilan. Malapit ito sa kanilang bahay-kubo kaya’t nakasanayan niya na ang maglaro rito simula pa noong bata siya. Bukod sa paisa-isang mga taong dumadalaw sa mga namatay na kaanak ay wala na siyang nakakahalubilo rito. Hapon noon. Laking gulat niya nang may makitang isang dalagang nakaupo rin sa madalas niyang pwesto roon. Sigurado siyang yaon ang unang beses na nakita niya ito. Ngunit tila ba may bumabalik sa kanyang mga alaala na pamilyar sa kanya. Nagdalawang-isip, at saka nasiguradong hindi niya nga ito kilala. Dahil sabik na rin sa kausap, walang pag-aatubiling nilapitan ang dalaga. -Buti pa kayo maraming kasama dito. Narinig niyang sambit ng babae. -Pareho yata tayo ng nararamdaman, natatawang sabi ni Ben. -Masaya ako kung ganon. Sana marami pa tayong pagkakapareho, sagot ng dalaga. -Haha. Ulila ka rin ba? -Oo. Pero ayos lang kasi may mga kumupkop naman sa akin. -Aba, pareho nga tayo. Kinupkop rin ako ng aking Amang. Si Amang... Napatigil si Ben. Tumingin ang babae sa kanya. -Ang kaso, malupit siya. Napakalupit niya. Ipinaling ang tingin, napaisip, humugot ng malalim na hininga ngunit nagpatuloy. -Simula bata, sinasaktan na niya ako. Hindi ko alam kung nasanay na nga ba ang katawan ko o tinanggap ko na lamang ang sitwasyong meron ako. Siguro nga tinanggap ko na lang. Kung ‘di nya naman kasi ako kinupkop hindi ba? Wala rin ako. -Siguro, diyan tayo nagkaiba, sagot ng dalaga ilang segundo matapos tumigil sa pagsasalita si Ben. -Sa tingin ko nga. Pero hindi na bale kasi wala na siya, sambit ni Ben at palihim na huminga ng maluwag. -Namatay na? -Hindi. Nakulong siya. Nakapatay. Sabi nila kulang daw siya sa pag-iisip kaya inilipat siya sa 114
mental institution. Dati ko nang naoobserbahan na wala sa katinuan si Amang dahil sa lagi siyang may kinakausap. Madalas, biglang nagagalit kahit walang dahilan. Madalas niya ring binabanggit ang pangalang Maria. Pangalan daw ng nanay ko. Namatay daw siya noong pinanganak ako. Sabi pa ng Amang, pasalamat daw ako doon kasi kung hindi siya ang nanay ko, hindi niya ako kukupkupin. Pinipigilang maluha ng dalaga habang nakatingin kay Ben. -O? Ano ka ba? Ayos lang ‘yun. Tinanggap ko na rin lahat ng ‘yun kasi mahal ko ang Amang. Hindi nakaya pang ihinto ang kanina’y pinipigilang emosyon. Tuluyang naluha ang dalaga kasabay nang kay Ben. -Tama na nga ito. Kanina pa ako nagkukwento ah. Ikaw naman, kwento ka rin. Palusot ni Ben sa kanina pang iniiwasang usapan. Mukhang nahalata ng babae ang pag-iwas ni Ben kaya’t nagdesisyong siya naman ang magpatuloy ng usapan. Komportable itong nagsimula ng kanyang istorya. -Gaya mo nga, masalimuot rin ang kwento ko. ‘Sing-edad mo ako noon. Dahil nga mababait ang kumupkop sa akin, malaya akong lumilibot dito. Wala naman kasing ibang pasyalan. Hanggang isang araw... Huminto ang babae. Halatang may takot siyang nararamdaman sambit ng kanyang nanginginig na mga daliri sa kanyang mga kamay. Sumulyap si Ben sa kanya at matiyagang naghihintay sa istorya ng dalaga. Huminga ng malalim ang babae. -Umaga noon. Matindi ang sikat ng araw kaya kahit sa guni-guni ay ‘di ko naisip na sa mga susunod na mga minutong iyon mangyayari ang bangungot sa buhay ko. Noon, madalas kong nahuhuli ang baliw na lalaki sa aming baryo na nakatitig sa akin. Hindi naman ako natakot kasi kahit na ganoon, mukha naman siyang mabait. Hanggang bigla na lamang may humawak sa mga kamay ko.
VI
PALETA 115
PALETA
VI
Mahigpit, sobrang higpit. Habang naguguluhan, nakatitig lamang si Ben at tila ba naghihintay ng mga susunod na mangyayari sa kwento. -At doon... doon naranasan kong mamatay habang nabubuhay. Simula ng mga oras na iyon, araw-araw, para akong pinapatay nang unti-unti at sinusunog sa impyerno tuwing maiisip ang ilang minutong unos na iyon. Wala akong nagawa kun’di umiyak, sumigaw at magmakaawa. Pero talagang demonyo siya. Demonyo ang baliw na iyon. Yayakapin sana ni Ben ang babae dahil alam niya ang sobrang bigat na pakiramdam na dinadala nito at sa hindi maipaliwanag na rason, tila ba nasasaktan din ang loob niya sa dinanas ng dalaga, ngunit bigla nitong pinawi ang luha at pinilit ngumiti. -Hindi na. Ayos na ako. Sa isang iglap, lahat ng unos na iyon, napalitan ng isang masayang panaginip. Hindi na matiis ni Ben ang mga tanong na gumugulo sa kanyang isipan. -Maaari na bang magtanong? nakakunot noong sabi ni Ben. -Nabanggit mong ang lahat ng iyon ay nangyari noong kasing edad mo ako. Ilang taon ka na ba? -Ngayong araw, ikatatlampu, sana. Sagot ng dalaga. -Ano? Tatlampu? Paano? Nakasisiguro ako kung hindi man tayo magkasing edad; e hindi nalalayo ang edad mo sa akin, ang nagtatakang sabi ni Ben. -Masaya akong tumigil sa pagtanda upang makapag-alay sa isang buhay na nais ring tumanda balang araw, paliwanag ng dalaga habang nagsisimula na ring ngumiti ang mga mata nito. Hindi na nakaya pang dalhin ng mga munting mata ni Ben ang kanina pang naiipong luha rito. Kasabay ng mabilis na tibok ng kanyang puso at tila ba naninigas na mga ugat sa katawan. Sa hindi malinaw na dahilan, maging si Ben ay hindi alam kung bakit ganoon na lamang ang kanyang nararamdaman. -Panaginip? Masayang panaginip na nagtakip sa lahat ng bangungot? Anong ibig mong sabihin? Tumingin ang babae kay Ben nang mata sa mata habang sinubukang idampi ang 116
kanyang mga kamay sa mukha nito. -Ipangako mong magiging matatag ka. Magsikap ka, at gusto ko, maging masaya ka sa buhay mo. Patuloy kang ngumiti. Patuloy kang maging isang masayang panaginip. Binawi ang kamay, marahan itong tumalikod kay Ben at nagsimulang humakbang papalayo. Unti-unti, habang patuloy ang hindi maipaliwanag na emosyon at dahandahang nawawala sa kanyang paningin ang babae, pilit na bumulong sa kabila ng pumipiyok niyang boses si Ben. -Salamat ‘Nay. Salamat. -Tuk! tunog ng malaking batong biglang tumama sa ulo ni Ben. Nilingon niya ito kasabay ng mabilis na pagtulo ng nararamdaman niyang dugo mula sa kanyang bumbunan. -Baliw! nagtawanan ang mga bata habang nagmamadaling tumatakbo papalayo.
VI
PALETA 117
PALETA
VI
PARA KANINO KA LUMALABAN? [PANTOUM]
Para sa bayan, lumaban ka Hindi kailangan ang dahas at giyera Gamitin ang kapangyarihan ng mga letra Iisang nasyon, huwag hayaang masira Hindi kailangan ang dahas at giyera Kumilos ka at makiisa Iisang nasyon, huwag hayaang masira Ilabas mo ang papel at itim na tinta Kumilos ka at makiisa Huwag asahan ang pagbabagong pangako niya Ilabas mo ang papel at itim na tinta Katotohang natuklasan, ipaalam din sa iba Huwag asahan ang pagbabagong pangako niya Lalo lang lumalala ang bulok na sistema Katotohang natuklasan, ipaalam din sa iba Ang tunay na lider, dulot ay pagkakaisa Lalo lang lumalala ang bulok na sistema Hindi mauubos ang nagpo-protesta Ang tunay na lider, dulot ay pagkakaisa Kaya huwag maging tanga Hindi mauubos ang nagpo-protesta Gamit ang kapangyarihan ng mga letra Kaya huwag maging tanga Para sa bayan, lumaban ka
118
*Ang pantoum ay isang porma ng tula kung saan ang ikalawa at ikaapat na taludtod ng unang saknong ay nagsisilbing una at ikatlong taludtod ng ikalawang saknong. Ang pormyulang ito ay ginagamit sa mga kasunod pang saknong hanggang mabuo ang ganitong porma ng tula.
TAO TAYO Walang kailangang dumanak na dugo. Kasi sa huli, pare-parehas lang tayong tao. Humihinga. Umiibig. Mamamatay.
119
ALCALA Ika-anim na Talampakan
AUSTRIA Huling Sulyap
n.
SPARKISTA
Maalamat na mga mandirigma ng sining at panitikan.
BAYANI Malapit na Magunaw ang Mundo Musika Ngayon, Sumulat Ako Para Sa’yo The Creation Saglit na Pagtakas Ba’t ‘Di mo Simulan?
DIONCO Free Sooner* Pula at Itim ang Bagong Kulay ng Gabi*
ELEAZAR BANAAG Alaala* Siphon* Hinahanap na Tinig* Vanished Restraint*
BIHAG Liham ni Monica Santa Fe Alintana Magnum Opus
GALVEZ
BARRAMEDA -Sa Bawat Pagpikit F[hate]th* Shattered Dreams*
BASIT -Sa Bawat Pagpikit Sabaw Saranggola Real Legion* Faith ≠ State*
Laro ng Kapalaran”
CORTEZ Takas
Kayamanan Pulbura Sugat Punit Eroplanong Papel Mga Tanaga ng Kamatayan Hawak kamay” String of Love
DELA CRUZ Keyk O ka-Rehsup Misconceived*
LUNARIO Sino Ako?
MALIT Above the Fallen Sino ang Pumatay ng Ilaw? Strange Faces Dancing With My Dark Love, Rain, and Sorrow Nuke Rektanggulo
NAJITO
PELAEZ Enigma* Fallen Hero*
REYES Rubbles* Lifeless Angel* Glimpse of Truth*
PELIPADA Naubos na Tinta Impit Siopao
Ang Tatlong Kamalasan
SABANDANA Para kay Inay May Dahilan na Upang Ako’y Mamamatay Sulat Patungong Langit
PINILI PADILLO Lakbay” Trabaho lang” Vanishing Youth” Nasa Tabi-tabi” Yabag” Damay” Tao tayo” De[a]dma” Tumingala ka”
PASIA Isang Dampi Ng Napunding Liwanag Ang Hindi Lumingon
Apat na Tanaga ukol sa Tsinelas Sakdal* Ibinaon sa Limot* Hinahanap na Tinig*
QUERUBIN Libingan Pinagkaitan”
QUINDOZA Ang Butas sa Kwadradong Kahoy Teknolo[hiya] Huling Isandaang Hakbang
SINAG Rainbow Soldier Lata Digmaan Kapayapaan Infinite Loop Para Kanino Ka Lumalaban? Dalawang Pares ng Sapin sa Paa
TABI Langit-lupa
* dibuho ” larawan
Hindi Magwawakas ang Digmaan Magkakaibang paniniwala at pananaw ang ugat ng lahat ng alitan, at kailan man, hindi mapagbubuklod ang tao upang lumaban para sa isa’t isa. Bagkus, sila ang nagtutunggalian para sa pansariling kapakanan. Dahil dito, ang lipunang ating ginagalawan ay hindi makatikim ng kaunlaran at kapayapaan. Ang digmaan, kung saan ang magkasalungat na panig ang parehong natatalo, ay mitsa ng pagkalagot ng pag-asa ng mga iilang nangangarap at tunay na nagmamahal. Sa pagpilandit ng tinta sa bawat pahina ng Paleta, nalimbag ang sining na hinulma upang imulat ang mga matang nakapikit ngunit nakakikita, upang isigaw sa tainga ng mga nagbibingi-bingihan ang hinaing ng mga nalulugmok at pinahihirapan, at upang gisingin ang damdaming makatao na nahihimlay sa puso ng bawat isa. Sa ganitong paraan kami makikidigma, kasama ang katotohanang pilit na pinapatay at ibinabaon sa hukay ng pagkalimot. Hindi kami titigil habang patuloy ang pag-ikot ng mundo at hanggang hindi nakakamit ang kapayapaan at hustisya. Sa iyong pagbuklat sa mga pahina, nawa’y nakita mo ang nagkukubling mensahe sa bawat artikulo na nais naming ipahiwatig. Maraming salamat!
BEEJAY C. GALVEZ Punong Patnugot
EPILOGO
Editorial Board 2016-2017 Beejay C. Galvez Ross Emmanuel B. Pinili Maria Carmela R. Sinag Melody D. Lunario Zyra D. Pelipada Ervin Joseph D. Soledad Carlo Olyven H. Bayani Mary Ann C. Bombay Paul J. Tabi Joey M. Quindoza John Ryan L. Banaag Ian Kristoffer C. Nombrefia Marx Jendre S. Sabandana Czarlaine Ivy D. Najito
Editor-in-chief Associate Editor for Internal Affairs Associate Editor for External Affairs Managing Editor Office and Circulation Manager Reasearch and Documentation Director Copy Editor News and Sports Editor Features and Culture Editor Literary Editor Arts and Graphics Director Photo and Video Director Page Design and Layout Director Online Journalism Director
Lycah P. Bihag | Lydell B. Cortez | Emmanuel L. Dela Cruz Christian M. Dionco | Robin Yvonne N. Malit | Jomari L. Padillo Mark Angelo M. Pasia | Raniel R. Pelaez | Katherine S. Querubin Nina Sarah C. Untalan Editorial Staff Joseph Ken E. Alcala | John G. Austria | Christel Shane Q. Barrameda Roshaina Marie B. Basit | Carl Warren C. Eleazar | Vyrone L. Herrera Christine Lorraine O. Reyes | Julius Mandy O. Valonzo Apprentices Engr. Dona B. Bueque Technical Adviser
College Editors’ Guild of the Philippines Member