1 minute read

Libingan

Nandito lang kami, nakabaon lang sa inyong isip. “ “

Ilang taon na nga ba ang nakalipas, siguro wala nang nakakaalala. Ako?

Advertisement

Marami na ang nangyari sa panahon ngayon, ilang taon na ang nakalipas, ilang botohan na ang nagdaan, siguro marami nang establisimiyento na ang nadagdag, at marami pang ibang bagay ang nagbago.

Isa nga pala ako sa mga nadala na sa limot ng katagalan ng panahon. Noong nabubuhay pa ako ay isa ako sa mga tinatawag na ‘bayani.’ Kasama ako sa mga lumalakad, sumisigaw at pinaglalaban ang mga karapatan natin. Natatandaan ko pa ang mga gabing kami ay nagpupuyat para lamang gumawa ng mga karatula na nais ipakita ang sinisigaw ng aming mga damdamin. Isa ako sa mga naghahanap ng hustisiya sa mga taong hindi nahatulan ng tama. Nasaan na nga ba ang mga katulad namin? Nasaan na ang mga taong kayang isigaw ang nararapat? Nasaan na ang hustisiya na dapat ngayo’y amin nang natanggap?

Kung nakita mo man itong sulat na ito, siguro ay nagawi kayo sa lugar kung saan isinulat at ibinaon ko ito. Ito ang lugar kung saan kami nagsimula, ito ang lugar kung saan namulat ang aking mata sa katotohanan, at dito na rin siguro natatapos ang aming legasiya. Kami nga ba ay nakasulat na lang sa mga libro at dyaro na nakatambak sa silid aklatan, o ‘di kaya ay ang aming istorya ay nakabaon na lang kasama namin?

Ito na ang aking ikinatatakot, lahat kami ay nabaon na sa limot. Ilang taon na nga ba ang nakalipas, siguro wala nang nakakaalala. Ako? Sigurado akong wala nang nakakaalala. Sa totoo lang ay hindi ko na rin maalala. Sino nga ba ako? Sino nga ba kami? Ano nga ba ang pinaglalaban namin? Tulungan nyo kaming maalala. Nandito lang kami, nakabaon lang sa inyong isip. Nabaon lang sa limot.

This article is from: