1 minute read

Mga Tanaga ng Kamatayan

Itigil ang pagkatha Ng tulang may emosyon Itikom ang ‘yong bibig Paalipin sa takot

Lapatan ang musika Ng salitang banyaga Itakwil ang ‘yong wika At mahalin ang Ingles

Advertisement

Huwag ng sumulong pa, Maupo at magmasid Sa lipunang may bulok Sa taong nasa tuktok

Maging isa kang bulag Ipikit ang ‘yong mata Huwag ng makialam Sa kurap na sistema Tumigil sa paglaban Karapata’y tapakan Bayan ay pagtaksilan Bandila ay sunugin

Limutin ang nangyari Kasalana’y pagtakpan Balutin ng pabango, Bangkay ng nakaraan

Maging sunod-sunuran Sa makapangyarihan Talino mo’y sayangin Sa iba ipakain.

*ang tanaga ay uri ng tula kung saan ay binubuo ng pitong pantig ang apat na saknong.

This article is from: