1 minute read

Para Kanino Ka Lumalaban?

Next Article
The Creation

The Creation

PALETA VI

[PANTOUM]

Advertisement

Para sa bayan, lumaban ka Hindi kailangan ang dahas at giyera Gamitin ang kapangyarihan ng mga letra Iisang nasyon, huwag hayaang masira

Hindi kailangan ang dahas at giyera Kumilos ka at makiisa Iisang nasyon, huwag hayaang masira Ilabas mo ang papel at itim na tinta

Kumilos ka at makiisa Huwag asahan ang pagbabagong pangako niya Ilabas mo ang papel at itim na tinta Katotohang natuklasan, ipaalam din sa iba

Huwag asahan ang pagbabagong pangako niya Lalo lang lumalala ang bulok na sistema Katotohang natuklasan, ipaalam din sa iba Ang tunay na lider, dulot ay pagkakaisa

Lalo lang lumalala ang bulok na sistema Hindi mauubos ang nagpo-protesta Ang tunay na lider, dulot ay pagkakaisa Kaya huwag maging tanga

Hindi mauubos ang nagpo-protesta Gamit ang kapangyarihan ng mga letra Kaya huwag maging tanga Para sa bayan, lumaban ka

*Ang pantoum ay isang porma ng tula kung saan ang ikalawa at ikaapat na taludtod ng unang saknong ay nagsisilbing una at ikatlong taludtod ng ikalawang saknong. Ang pormyulang ito ay ginagamit sa mga kasunod pang saknong hanggang mabuo ang ganitong porma ng tula.

This article is from: