1 minute read

May Dahilan na Upang Ako’y Mamatay

PALETA VI

MAY DAHILAN NA UPANG AKO’Y MAMAMATAY

Advertisement

Ang taong nabuhay sa bala ay mamamatay din sa bala. “ “

Ilang taon na rin ang nakalipas nang magsimulang magbago ang lahat. Pangarap ko na ang itim, magiging puti. Ang daang lubak-lubak, matutuwid. Ang mga masasamang tao, mababawasan. Ang mga tangang pulitiko, hindi na muling iboboto ng masa. Ang hustisya, malilinis na. Ang mga mahihirap, sasagana na ang buhay. Ang kaguluhan, magiging kapayapaan. Pero nakakaiyak at hindi ko talaga akalain na kasalungat lahat ang nangyari. Lahat ng mga problema, lalong lumala pa. Kasalanan ko ‘to. Nasilaw pa ako sa pera at kapangyarihan. Nagmistulang naging diyos ako sa paningin ng mga tao. Sinasamba nila ako, kahit marami akong pagkakamaling ginawa sa iba. Tutal, natupad naman ang pangako kong pumatay ng tao, kasi ito ang radikal na pamamaraan para sumagana ang bansa. Ipinakukulong ko at ipapapatay ang lahat ng sumasalungat sa akin at sa aking administrasyon.

At nang dahil sa akin, ang bansa ay nagkawatak-watak. Pasensya na, aking mga kababayan. Hindi na rin naman ako patatawarin ng Panginoon. Ginamit ko ang kasamaan para sa ikabubuti ng lahat, pero palpak ako. Hindi ito ang solusyon para sa kaunlaran. Tama sila, nasa sarili talaga ang pagbabago, pero hindi na ako magbabago. Huli na ang lahat. Kaya narito ako at sinusulat ang talatang ito para sa inyo. Bilang inyong diyos-diyosan, huling utos ko sa inyo na kayo ay magbagong buhay. Gawin ninyo ang nararapat. Huwag matakot, sumalungat kung may pagkakamali kayong napapansin, ipaglaban n’yo lang. Buhayin muli ang demokrasya, at ‘pag nagtagumpay kayo, makararanas na kayo ng sagana.

Ang taong nabuhay sa bala, ay mamamatay din sa bala. Paalam.

This article is from: