1 minute read
Ika-Anim na Talampakan
Kalong ng kabundukan sa luntiang kapaligiran isang matang tatamnan wari’y ‘di masukat ninuman
Pagdilat ng araw sabay sa anino’y tumatanaw kumikilos parang kalabaw umaasang dito’y ‘wag pumanaw
Advertisement
Pagpantay ng anino, isang pananghalian buhat sa kabilang ibayo sabay bubungad pa ang samyo mula sa suka at kaunting tuyo
Pagsapit ng dilim nakangiting tila may maasim Ngunit kung ikaw ay mamalasin Pintig na kirot at sakit ang daing
Bago tumikom mga mata muling ginugunita at umaasa hiling bago magpantay yaring mga paa piko’t asarol maging isang buhay na alaala sa isang dakilang kabuhayan karangyaang ‘di mahamak ninuman