1 minute read

Langit Lupa

Hindi na niya muling mapagsasabihan ang binata. “ “

-Langit lupa, impyerno. Im-Im-Impyerno -Saksak puso, tulo ang dugo -Patay, buhay, alis diyan.

Advertisement

Galit na pinagsabihan ni Leny si Miggy na huwag bilisan ang takbo sa paglalaro ngunit sadyang makulit ang bata at patuloy pa rin ito sa pagkaripas. Nang bumalik, isang sugat ang nakita niya sa paanan ng lalaki. Hinanda niya ang alcohol at band-aid bilang lunas. Muli niyang pinagsabihan ang bata na mag-ingat na sa susunod na paglalaro.

-Langit lupa, impyerno. Im-Im-Impyerno -Saksak puso, tulo ang dugo -Patay, buhay ,alis diyan.

Nagmamakaawang pinagsabihan ni Leny si Miggy na huwag tumuloy sa lakad ngunit sadyang mapusok ang binata kaya tumuloy pa rin ito. Nang bumalik, isang bangkay ng lalaki ang sumalubong sa kanya mula sa Davao Oriental. Nagulat na lamang siya sapagkat hindi niya ito inaasahan. Hindi na niya muling mapagsasabihan ang binata.

VI

“Hindi masusukat ng dangkal

ang tayog ng pag-unawa.”

PUMAGITNA

This article is from: