1 minute read
Punit
PALETA VI
Advertisement
Sa mga oras na iyon, naiisip niya ang kanyang pamilya. –Paano na kaya? tanong niya sa sarili. –Marahil hanggang dito na lang ako. Paalam. Bulong niya kasabay ng pagpatak ng mga luha.
Bahagya nitong nabasa ang kahoy na sahig na kinalulugmukan ng kaniyang mukha. Wala siyang magawa kundi ang subukan na kalasin ang lubid na mahigpit ang pagkakatali sa kanyang mga kamay at paa, gayundin ang bulaklakang panyo na nakabusal sa kaniyang bibig.
Madilim ang kanyang kinalalagyan na tanging liwanag lamang mula sa buwan na tumatagos sa basag na bintana ang kahit papaano ay umaaliw sa kanyang pagiisa. Binasag ng langitngit ng pinto ang katahimikan ng gabi na muling nagpabilis sa pagtibok ng kanyang puso. Nakarinig siya ng mabibigat na yabag ng mga sapatos at ito’y lumalakas sa paglipas ng bawat segundo. Tumigil ang mga ito malapit sa kanyang kinalalagyan at kinalas ang pagkakatali ng kanyang mga paa. Maya-maya, naramdaman niya ang paghimas ng mga kamay sa kaniyang mga hita, patungong balakang, at ipinasok sa kanyang pang-ibaba. Makalipas ang ilang minuto sa ganoong senaryo, tuluyang hinubad ng lalaki ang lahat ng kanyang damit, ganoon din ang sa kanya. Sapilitan nitong ibinuka ang mga hita ng biktima na nagbunyag sa pinakakaingatan nito. Tuluyan na ring kinalagan nito ang pagkakatali ng kamay ng dalaga upang mawalan ng sagabal ang masamang plano nito. Hindi na
makalaban ang dalaga dulot ng pagod at ng pambubugbog sa kanya kanina. Napasigaw na lamang siya dulot nang biglaang ginawa ng lalaki sa kanya. Napakagat siya sa kanyang labi dahil sa sakit. Kanyang nadama ang… ang pagkapunit ng kanyang pagkatao na kahit kailan ay hindi na maibabalik. Tumutulo na lamang ang kanyang mga luha habang siya ay binababoy nito.
Isang ungol ang kumawala mula sa lalaki na muling bumasag sa katahimikan ng gabi. Bumagsak ang lalaki sa kanyang dibdib. Nararamdaman niya ang untiunting pag-agos ng likido na nagmumula sa pagitan ng kanyang mga hita. Isang bahid ng kahihiyan na kahit kailan ay hinding-hindi na mapagtatakpan, kung sakaling siya ay palarin pang mabuhay. –Hindi na sana ako sumama sa iyo. Isa ka palang demonyo, wika niya sa lalaking nakilala sa Facebook.