Paleta 5

Page 1


The Spark Opisyal na Publikasyon ng mga mag-aaral ng Pambansang Pamantasan ng Katimugang Luzon Kolehiyo ng Inhinyeriya Lucban, Quezon

PALETA TOMO 5 Karapatang-ari © THE SPARK Patnugutang 2015-2016 Karapatang-ari ng mga likha ay nananatili sa kanilang mga tagalikha. Reserbado ang Lahat ng karapatan kasama na ang karapatan sa reproduksyon at paggamit sa anumang anyo at paraan maliban kung may nakasulat na pahintulot mula sa may hawak ng karapatang-ari.


PALETA Likhang Pampanitikan ng The Spark


Habang Abala ang Lahat Hindi ko, nila masilayan ang repleksyon ko sa salamin. Narito tayo sa yugto kung saan ang kasalukuyan ay ang nakalipas at ang kinabukasan ay ang kasalukuyan. Ito ang malalimang sakop ng teknolohiya sa pagkatao ng bawat isa. Kumakaripas ang tao, sumasabay, nakikiuso nang hindi maiwan sa daluyong ng inobasyon. Pag-agpaw sa kontemporaryong mundo ang naging tigpo para sa paglalathala ng ikalimang tomo ng Paleta. Sa maligalig na lipunang iyong kinabibilangan, panawagan namin na ikaw ay muling magbasa, mag-aral at kumatha ng panitikan. Mas mapagpalaya ang mga salita at dibuho kaysa sa mga pakasam na kinahuhumalingan ng karamihan. Mabilis na lumalawak ang alangaang ngunit hindi himpit ang siyensa. Paglimian ang likha ng isipan upang maangkin ang kanilang mga kuwento. Huwag mag-alinlangang tahakin ang distansyang namamagitan sa bawat indibidwal. Ang bawat lansangan ay patungo pabalik sa simula.

FAITH P. MACATANGAY Patnugot ng Panitikan


Sa maligalig na lipunang iyong kinabibilangan, panawagan namin na ikaw ay muling

MAGBASA, MAG-ARAL AT KUMATHA NG PANITIKAN


mga nilalaman Dagli

4. Huli na Nang Nalaman Ko 17. Grandpa’s Last Letter to Juliet 54. Kung Bakit Ayaw kong Pagmasdan ang Alapaap ng Gabi 70. Kuyumos na Papel 91. Naiwan Ko ang Popcorn sa Bag Ko

Kwent o ing l k Mai

aparidos] [Des

ta i n aggu P g n g n i in

10. In the Grease 22. Sa Napunit na Unang Pahina 23. Greed in Green 35. Mama Nowhere 39. Hagupit ng mga Salita 47. Bulong sa Mapagpalalong Katahimikan 48. Not All You Sow Will be Rip 51. Magagapi ang Isa Ngunit Hindi ang Pangkat 76. With Praise 77. Ang Tagumpay Nila sa Ika-anim na Pagkakataon 83. Blotted Paper 95. Moro 102. Fade-Out 103. Jewel Beyond the Palace 111. Pagpupugay kay Ama 112. Muli sa Simula

S

1. Ang mga Sedang Humahabi sa Bahaghari 11. Oo Na 24. Kolorum 34. Payo 38. Kape at Pandesal 46. Hindi Ako si Jose Rizal 50. Basang Likod 61. Tsokolate ang Dating 62. Intensyon 65. Nang Makilala ng Adik ang Geek at Vice Versa 89. Ligaw 94. Bilibid or Not 96. Nalalabing Isang Oras 107. We Were Not


a Tul

a Dul

28. Saklolo

97. Jeepney [but not] Love Story 115. See Oh, See

Sanaysay

8. Big Ass 25. Hanggang Kailan kita Muli Mayayakap 27. Sana 37. Mapanuyang Ngiti 43. Tech [knowledge]Y 49. Loving a Writer 52. Sana...Kung... 67. Bukang-Liwayway 68. Sala sa Init, Sala sa Lamig 79. Mabuhay ka, Lumad 81. Tuldok 82. Clima[k]e Chains 100. Catena 101. Tamang Panahon 104. Imposter 110. Kulto ng Kalye 116. Mandirigma

Larawan

ho u 26. Hulagpos b Di 60. Pabili Po 90. Uwang

9. All Young 16. 20/20 32. Mananaig 36. Tanikala 53. Ano ang Kulay ng Tubig? 64. Yunit 69. Dear Santa 78. Gilid 80. Tining 84. Lakbay 93. Copy That 99. Emblem 106. Kutitap 108. Awit 113. Latak 114. Panibagong Araw 117. Siete Kwatro


Magbasa


Bakit mo siya bibigyan ng diyamante kung ipinanganak siya na wala niyan?



PALETA

ang mga Sedang Humahabi sa Bahaghari

“Bakit may tubig na nangingilid sa kanilang mga mata?”

AN= mN SedN= Humhbi s Bhg=hri

Hindi ako napapagod tumakbo sa luntian at malawak na lupain. Hindi ko alintana ang pawisan kong damit. Masayang pinagmamasdan nina Manang at Manong ang aking kamusmusan. Minsan, may nakita silang kumikinang na mga butil sa aking palaruan. Napagod na ako sa paglalaro. Sinundan ko ang aking mga ka-nayon. Bakit may tubig na nangingilid sa kanilang mga mata habang ang aking Manang at Manong ay payapang nahihimbing hawak ang kanilang piko at asarol? 1


Kung mag-init man ang ulo nang dahil sa El Niño. Tuyo na ang sakaha’y, tuyo pa ang lalamunan. Kumakalam na sikmura’ng malakas ang ipinaglalaban, Hawak ang pangako mong bigas para sa tahanan. Patawarin mo ako’t nagugutom ang aking pamilya. Hindi kanin, magsasaka ang ngayo’y nag-aalsa. Ang nais ko’y bigas na makakain, Ang iyong mga bala ay hindi ko maihahain.


Para sa binalewalang mga residente ng Kidapawan 3


PALETA

Huli Na Nang Nalaman Ko

“Alam kong marami kaming nasa ganitong sitwasyon.”

Huli n nN= nlmn= ko

–Wala akong makitang rason. Wala naman akong masamang ginawa. Para lang akong batang napag-trip-an – kinulong at pinahirapan. Nagtiis na lamang ako, hindi na nagreklamo. Inisip ko na lang na hindi ako nagiisa. Alam kong marami kaming nasa ganitong sitwasyon.

–Kumusta? –Ako? Ako ba? Ngumiti ako sa kanya para malaman niyang siya na nga ang kinakausap ko. –Kumusta ka? muli kong inulit ang tanong ko sa kanya.

*

–Ako? Ayos lang naman ako. Medyo nag-iisip-isip lang. Ikaw ba?

Nag-uuli ako sa malaburol na parte ng St. Thomas’ Haven. Tahimik. Lahat ay nasa kanya-kanyang pwesto upang dalawin ang mga mahal nila na sumakabilang-buhay na. Napansin kong may nakaupo sa palagi kong tinatambayan dito. Lumapit ako, medyo nag-aalala. Gusto ko siyang kausapin dahil tila mayroon siyang malaking problema. Nag-ipon ako ng lakas ng loob para siya ay kausapin. Baka kasi sabihin niya ay feeling close ako. Gusto ko lang naman siyang tulungan.

–Ayos lang din ako. Ako nga pala si Darlene. Ikaw? Ano ba ‘yang iniisip mo? –Karanasan? Nakaraan? ‘Yon lang naman ang pumupuno sa isip ko. Ako nga pala si Alfred. –Penny for your thoughts? Nakangiti kong inabot ang baryang hawak ko sa kanya. Gusto ko siyang tulungan, bigyan ng payo o mapangiti ko man lang siya. 4


PALETA

–Sigurado ka bang gusto mong malaman ang kwento ko? Tinanong niya ako na may pag-aalinlangan. –Oo naman. Gusto ko rin naman makatulong kahit papaano. Umupo siya nang maayos paharap sa akin. Ito na ang senyales na sasabihin na niya sa akin ang kanyang kwento.

–Naramdaman kong kinuha nila ang mga gamit ko sa bulsa at inilayo sa akin. Tinanong ko sila kung saan nila ako dadalhin pero hindi nila ako pinapakinggan. Isa na lamang ang nasa isip ko, ang pamilya ko. Alam kong mag-aalala sila dahil hindi ako umuwi nang araw na iyon. Sumama ako sa kanila na hindi ko alam kung saan ako dadalhin. Naramdaman kong tumigil na ang van na sinasakyan namin. Habang ako’y kanilang ibinababa, tumama ang ulo ko sa pintuan ng sasakyan dahil sa paghigit nila sa akin. Naramdaman ko pa ang pagdaloy ng dugo sa aking ulo. Hindi man lang nila ako pinansin o tanungin man lang kung ayos lang ba ako. Itinulak nila ako sa isang upuan at muling itinali. May nagtanong sa kanila, na isa pa sigurong pulis, kung ano raw ang kaso ko. Ang sabi nila, illegal possession of fire arms. Dahil nakita nila ang mga art materials ko, sinabi nilang ako raw ang nagpinta ng isang mural tungkol sa isang politiko. Pero ni minsan wala akong

–Naranasan mo na bang maikulong sa lugar na ayaw mo? Nakulong ka na hindi mo alam ang rason kung bakit? Itinago ka nila sa karamihan. Ang lahat ay nagtataka na kung nasaan ka, kung ligtas ka ba? Hindi na lang muna ako umimik. Hinayaan ko siyang magkwento. –Dalawang taon na ang nakalilipas simula noong nangyari ang pagdakip sa akin. May apat na lalaking unipormado ng pampulis. May inspection lang daw. Sumunod naman ako dahil nasanay ako sa unibersidad namin na nag-i-inspection. Nagtaka ako dahil isinakay na nila ako sa van at pinosasan ang aking mga kamay. Sinakluban nila ang aking ulo para hindi ko makita kung saan nila ako dadalhin. Saglit siyang tumigil. Tila inaalala ang masaklap na karanasan na nangyari sa kanya. 5


PALETA

Tumingin siya sa akin, pinunasan ang kanyang mga luha at biglang ngumiti.

baril na dinala o nahawakan man lang. Inosente ako. Wala akong ginawa. Sa tingin mo, ano ang rason kung bakit nila ako dinakip?

–Isang araw, dumalaw ang aking pamilya. Lumakas ang loob ko dahil makikita nila kung ano ang mga masasamang ginawa nila sa akin. Pwede nila akong mailabas dito. Sobra-sobra na ang hirap na dinanas ko. Pero iba ang nakita kong ekspresyon sa mga magulang ko. Malungkot pa rin ang kanilang mukha. Dahil ba nakita nilang nasaktan ako o dahil ito na ang kinatatakutan ko? Ito na ba ang huling pagkakataon na makikita ko sila? Hinayaan silang makausap ako nang matagaltagal. Matapos ang oras ng palugit na ibinigay sa kanila, agad nila akong dinala sa isang kwarto. Nakatulog ako, matagal, kumportable. Pagkagising ko, tila gumaan ang aking pakiramdam.

Hinawakan ko ang mga kamay niya na tila nanlalamig na. Nakita kong siya’y lumuluha na. Gusto kong iparamdam sa kanya na wala siyang ginawang kasalanan, biktima lamang siya. –Tinanggal nila ang saklob sa ulo ko. Nang luminaw na ang paningin ko, nalaman ko na nasa isang selda na pala ako. Ilang araw nila akong pinapahirapan. Pinapaamin sa mga kasalanan na hindi ko naman talaga ginawa. May panahon nga na hindi nila ako pinapakain. Inilulubog sa tubig na tila yelo sa lamig. Minsan, ibinabalik sa selda na wala nang malay. Ginigising din nila ako sa mga hampas ng patpat na naging dahilan upang mahirapan ako sa paglalakad. Pinapainom ng mga mapapait na imunin. Kinakantiyawan sa tuwing nasisira na ang aking mga damit. Hindi na ako makaimik dahil sa trauma.

Nagtaka ako sa sinabi niya kaya hindi ko napigilang magtanong. –Nakalaya ka ba? –Oo, nakalaya na ako sa hirap na 6


PALETA

na ang hustisiya para sa ‘yo. Nagulat ako sa sinabi ng kanyang ina na nakatingin sa puntod na may pangalang Alfred Yap. Tumingin ako sa kanya at ngumiti rin s’ya sa akin.

dinanas ko. Nagpapasalamat ako dahil nalaman na ng mga magulang ko ang mga pagpapahirap sa akin. Nagreklamo sila pero may mga hindi pa rin naniniwala.

–Wala akong makitang rason. Wala naman akong masamang ginawa. Para lang akong batang napag-tripan – kinulong at pinahirapan. Nagtiis na lamang ako, hindi na nagreklamo. Inisip ko na lang na hindi ako nag-iisa. Alam kong marami kaming nasa ganitong sitwasyon. Ngayon, masaya na akong malaman na nakamit na ang hustisya para sa akin. Salamat sa pakikinig sa kwento ko. Sana marami ring makaalam na biktima lang ako. May iba ka pa sanang matulungan, hindi lang ako, Darlene.

–Sana malaman din nila ang totoo. May pag-asa pa. –Nakikita mo ba sila? itinuro niya sa akin ang isang pamilya na nagkukumpulan. –Sila ba? –Oo. Sila ang pamilya ko. –Parang masaya ata sila ngayon. –Tara, pakinggan natin. Baka may maganda silang balita.

Lumuha ang aking mga mata nang muli akong tumingin sa kanya. Hindi ko alam kung ano nang kasunod kong sasabihin. Nakita ko siyang nakangiting papalayo sa akin, kumaway sa huling pagkakataon at nawala. Binulong ko na lang sa sarili ko ang hindi ko nasabi sa kanya.

Lumapit kami nang kaunti. Nagtaka ako kung bakit hindi na lang niya itanong sa kanila nang direkta. Hinawakan niya ako sa kamay. Nakaramdam ako ng kaba nang dumampi sa akin ang malamig n’yang kamay. –Alfred, wika ng kanyang ina. –Dalawang taon na ang nakalilipas nang nangyari ang bangungot sa ‘yo. May maganda kaming balita. Nakamit

–Pasensya na, Alfred. Huli na nang nalaman ko. 7


PALETA

Big ass Big As=s=

Bayuhin mo, kakainin ko. ‘Pag may sinaing, ‘di ka sure kung may aanihin. Maliit man ang bigas, nakapupuwing din (pero ‘wag mong sayangin). “Ano raw bigas ang rebelde? –e di NFA rice. “ Hindi ka na sasaingan ng araw. You’re nothing but a second grade, trying hard, extra rice! Those who’ve fallen, shall rice. What is known as the gambling city? – Las Bigas. The rice of the planet of thieves. “Beh, kaya natin ‘to, ‘wag kang bibigas. Mahal kita.” Sa hinaba-haba man ng proseso, sa tiyan pa rin ang bagsak mo. ‘By, please don’t leave, bigas I can’t live without you. 8


PALETA

All Young Run ‘til you’ve collected wounds. Laugh ‘til you couldn’t control your fart. Call on for questions ‘til your words have run out. Own the world while you have it.

9


PALETA

A human rights defender belonging to the Higaonon peoples, Gilbert Paborada, was killed by two unidentified gunmen in Cagayan de Oro on October 3, 2012. Paborada was the chairperson of the community-based indigenous organization, Pangalasag, who has been collectively resisting the expansion of a palm oil plantation in Opol, Misamis Oriental.

in the Grease 10


PALETA

oo Na

“Kahit anong sabihin nila, hindi na ako magpapadala.”

OO n

Taas noo akong naglalakad sa hallway. Kahit anong sabihin nila, hindi na ako magpapadala. Mga matang nanghuhusga. Mga ngiting nangungutya. Alam kong hindi lahat ay kagaya nila ngunit sa iilang gumagawa, kayang pabagsakin ang aking tiwala. Pagkalabas ko ng gusali, pumito sa akin ang guard. Tinaasan ko siya ng kilay at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Sa kanto, may poging naninigarilyo. –Hi! at ngumiti ako sa kanya. Sumimangot s’ya sa akin at sinabi ang palagi ko nang naririnig sa aking ama. –Oo na! Sige na, ‘di ko naman itinatanggi, ah! Ang pangit kong bakla! 11


Para sa mga magsasakang humihingi ng reporma sa lupa 12


Ang martsa sa Mendiola na humihiyaw ng katarungan, Sa martsa ng kamatayan nagtapos. Ang Sabado de Gloria ay araw-araw nilang papasanin.


Para sa pinagmalupitang mga pisante ng Hacienda Luisita 14


Dilaw na laso’y nagkabuhol-buhol Sa pangakong kailanma’y hindi ipagkakaloob. Sila’ng mga walang pakundangang panginoon.


PALETA

20/20 Imagine what you want to be Though keep your eyes open For vision is inconstantly clear.

16


PALETA

Grandpa’s Last Letter to Juliet

“Release me from my doubts that held me prisoner against my fate.”

cannot figure out how they used one of those thin metallic sheets of blinking lights, because I never had the urge of needing to use one. I see no wrong in simply writing an unfeigned letter to someone they want to reach out unto, which in my case is to you.

4th of September, 2045 Dearest One, I wish I knew your name. But I need not such information, when I remember every detail of your eyes. I am uncertain about the fact that I still hold the right to write for you. But, please do believe the sincerity of this message that desires to fulfil the thirst of my curiosity, since it has been almost several winters since we have had our last conversation, and I do not mean to pry your resting mind. I came to write this letter, to show you that time may have departed us from our youth, yet there’s still these moments where even in a piece of paper, can I truly express myself despite how they claimed that pushing buttons on an electronic chopping board would be easier. I

I’ve been meaning to tell you that I kept seeing you everywhere in the tiniest fragments of my dreams. And it seems like my mind refuses to believe that it’s just a vivid invention of my shattered

17


PALETA

the days where we used to watch the clouds on a bright summer day, not like how nowadays, everything is accommodated on a smart TV that has this confusing buttons everywhere. This generation I’ve been living in, is getting peculiar by each passing time. Even the music that we used to dance to, was slowly consumed and banished by this modern pop culture. I do not understand any of it, especially the sky. It used to be so bright and full of stars like when we were holding hands with only the warmth of each other to sustain our passionate greed. But now, I can barely see the moon. So trust me when I say this, you were the most beautiful light that my eyes had ever laid on. No city lights, no neons, nor LEDs could ever replace those sparkle in your orbs. Yet, we couldn’t have it all.

frame of delusional scenery. I want you to tell me that you do exist, and it wasn’t just false memories. People would tell me that a man of my age, which speaks of such non sense, is suffering the consequences of the inevitable chaos of time or rather, to simply put it, imagining things. Every now and then, I get constant flashbacks of what seems like memories that lurks within the depths of my remotely twisted versions of reality. But, I assure you, I am positive with the authenticity of these visions. I want you to know, that it’s such a torment to remember the smell of your hair when the summer wind blew across our path. When your face, and your cheeks makes the sunset sink into silent jealousy. I miss

Those were the happy bits of moments in my life. But alas, fate

18


want to cease out of this world. I don’t have any more reasons to remain but to see you one last time. This machine breathes me air, but you are the one keeping me alive. I kept thinking if the happiness I felt while reminiscing the significance of your face was as genuine as how it appeared in my memory.

was not kind. We soon had to drift away on that one lonesome winter day. And, well, God had other plans for us. I learned from way far back that you’ve married, and was happy enough without my presence. So I moved on and stretched unto life. But, the feeling didn’t fade, like how I expected it would. I still remember the lines you’ve made with your face when you smile, and imagine how it would look like if I ever see you today. Because, I do not have much time, and let’s just say, on my dying breath, I’m writing a letter to fend off my sentiments to you. I held unto hope for much too long that perhaps I may be able to see you again rather than just in my dreams. To assure myself that you were real.

PALETA

That’s why, my nameless Juliet, if you do exist, I beg of you to save me from this madness, release me from my doubts that held me prisoner against my fate, and bring me back the bliss that once faded within my grasp. I cannot move on, Juliet. It’s killing me too much from the inside. So as I bid farewell and sulk in my gloaming retreat, I shall wait for the remnants of your light to complete my enamoured yearning of that memory which will forever linger in my heart.

My life is currently being sustained by a machine that constantly beeps at night, singing the song of suffering each time I

A love that we once had.

19

All my heart, Leonardo x


Para sa mga martir na sacada ng Escalente, Bacolod. 20


Kung anong tamis ng inyong itinanim, S’ya namang pait ng naging katas ng inyong paghihirap. ‘Di matitigang ang lupang dinilig ng dugo At dito sisibol ang bagong mandirigma.


PALETA

Sa Napunit na Unang Pahina s npunit= n UnN= Phin

Si Charlie del Rosario ang pinakaunang biktima ng sapilitang pagkawala sa Pilipinas. Nagtapos siya ng kursong Political Science sa Lyceum of the Philippines at naging guro sa Philippine College of Commerce at Polytechnic University of the Philippines. Isa rin si Charlie sa tagapagtatag ng Kabataang Makabayan at kasama sa muling pagbubuo ng Communist Party of the Philippines. Marso 19, 1971 nang huli siyang makita, bago pa man isuspinde ang Writ of Habeas Corpus at ideklara ng Batas Militar. 22


PALETA

Greed in Green

Menelao “Boy” Barcia

was a barangay councilor and an official of Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan ng Hacienda Dolores. He was involved in uniting the farmers of Hacienda Dolores against the moves of the Triple L Company to grab their lands. Menelao had also been monitoring of the administrative charges against Barangay Captain Antonio Tolentino. On May 2, 2014, Barcia picked up his wife from a gas station in Angeles City. While driving back, two motorcycles drove alongside of them. The unidentified men fired at Barcia’s vehicle, killing him instantly. He sustained four gunshot wounds – three in the chest and one at the back of his head. 23


PALETA

“May batas po tayo pero pagbibigyan ko po kayo ngayon.”

kolorum Kolorum+

Kasisikat pa lamang ng araw, nag-uumpisa pa lang dumami ang mga sasakyan sa kalsada. Papasok na sa paaralan at trabaho ang mga estudyante at manggagawa. Mag-iisang oras na rin akong nagmamaneho nang biglang may naka-unipormeng pumara sa akin. -Boss, lisensya po? -Sir, baka po pwedeng ito na lang? Sabay abot ng limang daang piso. – Magpapadala pa po ako sa pamilya ko sa probinsya. -Boss, may batas po tayo pero pagbibigyan ko po kayo ngayon. Tinanggap ang limang daang piso. – Mag-ingat na lang po sa susunod. Hindi ito ang unang beses. Nagpatuloy ako sa pagmamaneho nitong sasakyang puti na may puting plaka, kinakailangang maglulan ng pasahero. Muli kong binaybay ang kahabaan ng Ortigas patungong Ayala. 24


PALETA

At kung sakaling matatalo ako ng Kalungkutan sa iyong paglisan, Patatawarin mo ba ako, mahal? Kung sa pagmulat ng araw Matagpuan namin ang iyong katawan–

Puno ng sugat at pasa

at nakasemento sa dram.

Bakas sa pulso at binti mo

Ang higpit ng lubid sa’yo

At mga ilang kuko na

Nawala sa daliri mo.

Hindi ako luluha, mahal, Dahil wala na ang mga kamay Na sa aki’y yayakap nang marahan.

Hanggang Kailan Kita Muli Mayayakap HN=gN= KIln= Kit Muli Myykp= 25


PALETA

Hulagpos Hulg=pos=

Inililihim ang katotohanan, Kasinungalingan ang namumutawi.

26


PALETA

Sana sa paglubog ng araw ay iyo nang narating ang lugar na dapat sana’y patutunguhan nating dalawa. Sana’y makatagpo ka ng bagong pamilya at ng mga taong muling magmamahal sa iyo katulad ng pagmamahal ko. Sana sa paghuni ng mga kulisap ay iyo nang nailapat ang pagod mong katawan sa mainit na higaan. Sana sa paglipas ng gabi ay mahugasan ng luha ang iyong kalungkutan at pangungulila. Sana sa pagsikat ng araw ay nakangiti ka na. Sana sa iyong paglalakad ay muli mo akong makita, sa katauhan ng iba. Sana, ngunit hindi ko na kaya... Paalam na, mahal ko... Bwisit na sakit ‘yan...

sana sn 27


PALETA

Hihipuin ng lasing ang tahong ni Nene. Uungol si Nene.

saklolo

NENE : Owa po... Owa po. Kaaanis.

Sk=lolo

Tatayo ang isa pang lasing para makihipo rin. NENE : Owa po...Owa po. Ami na kaaanis. LASING #2 : Ano? Kamatis? NENE : Owapo... Owapo. Kaaanis po.

EXTERIOR. KALSADA NG KANTO KWATRO. GABI SEQUENCE #1: NI NENE

LASING #1 : Putang ina! Palagay nga ng subtitle! Kami nahihirapan dito oh!

ANG PAGKUHA SA TAHONG

Masayang kakanta si Nene ng “LeronLerong Sinta” tangan ang basket ng tahong, habang kakandirit ang balakang niya sa kalsada pauwi sa kanila.

NENE : MAPAPANIS NGA SABE! NAKIKINIG KA BA?

NENE : Melom melom in-a pu-o ang paaya ala ala pus-o eedlan ng pu-a. Pag a-ing sa uwo namali ang anga. Apos ka—

NENE : Ate! Ate! Ate Trinidad!

Tatakbong mabilis pauwi si Nene at aabutan niya do’n ang Ate niyang si Trinidad, na nasa wheelchair. INTERIOR.BAHAY NI NENE.GABI. SEQUENCE #2: ALL TIME FAVORITE – SAMPALAN.

Tatawagin si Nene ng mga lasing sa kanto.

NENE : Ate Trinidad! ‘Yung mga...

LASING #1 : Hoy! Nene, halika ka nga! NENE : Paet po? LASING #1 : Anong panget? Ikaw panget! Anong meron ka d’yan? NENE : Ahm... Ahu e-un po... ahong po. 28


PALETA

hila si Nene, nang makita ang mapa ng Kanto Kwarto sa pisngi nito.

‘Yun pong... TRINIDAD : Ano? ‘Yung mga punyetang ‘yon! Nakaka-Gi-Ar-Ar-Ar na sila. Baka akala nila, kung sino na sila.

EXTERIOR. TINDAHAN SA KANTO. GABI.

NENE : Ate, wala pa akong sinasabe... Eksaherada.

SEQUENCE #3: LABAN PARA SA TAHONG.

Sasampalin ni Trinidad si Nene sa bawat pagsagot nito.

LASING #1 : Tang... bumalik pa ‘tong si...

TRINIDAD : Bagay ba ‘to?

TRINIDAD : Sila ba, Nene? Sila ba? Ito bang mga punyetang mga ‘to?

NENE : Hinde! Hinde! (SLAP!)

NENE … (Hindi makapagsalita dahil sa namagang pisngi dahil sa sampal ni Trinidad)

TRINIDAD : Pangyayari? NENE : Hinde! Pwede! Pwede! TRINIDAD : Tao? Lugar?

TRINIDAD : Oh tamu ka! Sinasabi ko na nga ba! Kayong mga tarantadong mag-iinom, mga kanser ng lipunan!

NENE :Pwede! Pwede! Ou! Ou!

LASING #1 : Aba!...Sumusobra k-

(SLAP!)

(SLAP!)

TRINIDAD : Hayop?

Sinampal ni Trinidad.

NENE

MGA TAO SA PALIGID : Oh yeah!! Woooooooo! Imba!

(SLAP!)

(SLAP!)

Tatakbo Magwe-wheelchair si Trinidad,

ENIGMA : Yow! Sa aking kanan, mula sa bahay nila, mag-ingay para kay Trinidad.

29


PALETA

MGA TAO SA PALIGID : WoooooooHoooo! Hoooooooooooo!

TRINIDAD : Parang sinagasaan lang ng wheelchair ko!

ENIGMA : At sa aking kaliwa, mula sa Kanto Kwatro, mag-ingay para kay Lasing #2.

MGA TAO SA PALIGID : Hahahahahahahahahahaha! TRINIDAD : ‘Yang kulugo mo, hindi na kayang ayusin ni Belo. Parang neckbrace ni Arroyo. Parang salita ni Santiago. Parang rehimen ni Aquino. Bulok! Gago! ‘Pag ako natalo rito, putang ina, souvenir mo gulong ko.

MGA TAO SA PALIGID : WoooooooHoooo! Asteeeeeg! ENIGMA : Yow! 90 seconds kay Trinidad. Tahimik lang oh. TRINIDAD : Aking kalaban Lasing #2. Tingnan mo ‘tong si loko. ‘Pag-umutot ‘yan panigurado kulay blue. ‘Yan kasi ang side effect ng gamot niya sa kulugo. Oh tamu ka, wala siyang clue. Putang ina, hindi ako natatakot sa’yo. Gusto mo gawin ko pang dreadlocks ‘yang bangs mo?

MGA TAO SA PALIGID : Hahahahahaha! Whoa! Whoa! Tindi! ENIGMA : Time. Okay. 90 seconds. Lasing #2. LASING #2 : Yow! Kanto Kwatro, magingay!

MGA TAO SA PALIGID : Hahahahaha! Hoooowuuuuuu! Angas!

MGA TAO SA PALIGID : Whooooooooooooooooooooo!

TRINIDAD : Ang cute ng labi mo.

LASING #2 : Dahil sa kanto may pilay!

MGA TAO SA PALIGID : Hahahahahahahahahahaha!

30


daming nagpapa-picture na lalaki sa ‘yo pero walang balak magpalahi. Kaya sa kanila... ‘wag kang feeling close. ‘Yung kanta ni Gloc-9 na upuan kala ko ikaw ang nag-compose.

MGA TAO SA PALIGID : Whahahahaha! Lasing #2! Lasing #2! LASING #2 : Wanna be Professor X pero jejemon magtext? Trinidad, ikaw ‘yung tipong kahit bihis na bihis... walang magtatanong kung saan ang lakad mo.

MGA TAO SA PALIGID : Hahahahahaha! Hoooooo! Imba talaga!

MGA TAO SA PALIGID : Hahahahaha! Hooooo! Idol!

ENIGMA : Time. Ikalawang banat, Trinidad. G-

LASING #2 : Ako’y lasing, lasing, lasing. Siya’y galing, galing, galing. Kasi siya’y pailing, iling, iling. Itong labi kong nilalait mo, ito’y kilala kumpara sa labi mo hirap isara. Feeling nito, itong pugak na ‘to. Na nagpuputak, putak, putak na ‘to, e’ mas kumikita pa yung nagtutulak ng bato kesa sa nagtutulak ng wheelchair mo.

Titigil ang lahat ng tao. Titingin sa direksyon ni Nene. Hahawakan ni Nene ang kanyang lalamunan.

MGA TAO SA PALIGID : Whooooooaaahhhhhhhh!

TRINIDAD : Nilumod nang buo ni Nene?

LASING #1 : Putang ina! Ang isinumpang takip ng bolpen! LASING #1 : Ano? Ang isinumpang takip ng bolpen na pangsulat ‘pag may nagpapaload! MGA TAO SA PALIGID : Ewwwwwwwwww! NENE : Ahe Tinira... aho na baala.

LASING #2 : Trinidad na kalahati, parang may kalang lagi ang labi. Ang

LASING #1 : Ang ‘tang ina talaga! Sinira niya ‘yung subtitle! (DIM TO BLACK) (ROLL CREDITS) (END)

31

PALETA


PALETA

Hindi maikukubli ng dilim ang kislap ng mga tala.

mananaig MnnIg=

32


PALETA

Tatanglawan din ng Hari ang sinumang naandap ang buhay.

33


PALETA

“Alam mo naman pala ang sagot. You just need to do it.”

Payo

pyo

Isang gabing malamig na napawi nang init sa mga katawan ng magkasintahan. Kasiyahan na pinunan ng mga yakap at halik. Humiga silang magkayakap nang natapos ang mapang abot langit na pakiramdam. —Bernard, does God forgives? hindi maiwasang tanong ni Belle sa kasintahan. —Oo naman. Kailangan mo lang maging malapit sa kanya. —Sa paanong paraan? Sa pagsimba, dasal, confess? Napangiti na lang si Bernard sa tanong ni Belle at niyakap ito. —Alam mo naman pala ang sagot, Belle. You just need to do it.

Tumayo na si Bernard at nagayos na ng sarili. —Paano ba ‘yan Belle? Sa susunod na lang. Magkita na lang tayo sa simbahan. Tumayo si Belle. Sa huling pagkakataon, yumakap siya kay Bernard at bumulong. —Okay. Mamaya, sa misa, tayo magkita. You enlighten me with your words, Father. 34


PALETA

Gloria Soco, a plain housewife, was abducted with her uncle Prudencio Calubid while en route to Bicol on June 26, 2006.

Mama Nowhere 35


PALETA

Tanikala

Hindi ko hahayaang sapitin mo ang aming kinahantungan. Hapis ay hindi ko ipapamana sa iyo at sa aking mga apo.

Tnikl

36


PALETA

Mapanuyang Ngiti MpnuyN= Niti

Ating lakbayin ang mundo na walang kulay, Isang mundong umiikot sa itim, Kung saan sumibol ang pagdurusa’t pagtitiis, Kung sa’n ako’y lumalangoy sa dilim. Parang isang drogang hindi natikman Ang liwanag na sinasabing magliligtas Sa aking pusong naghahangad Ng kaligayahang tunay at wagas. Iniluwal na umiiyak, lumaking tumatangis; Mula noo’y nabuhay sa sakit, nag-iisa’t walang kawangis. Paano kita maililigtas sa kadilimang iyong pinagkalulong Kung ako mismo’y naririto, sadyang nilimot na ng panahon? Pinagtaksilan ng kapalaran, itinago ang pighati Nakakurbang pataas,isang mapanuyang ngiti Masaya ako, masaya ako, ’di mo ba nakikita? Kung walang kalungkutan, walang sayang mapapala. Tumatawa’t nakangiting humaharap sa lahat. Pagtalikod, nag-iisip, masaya nga ba talaga? Nagsusumamo… namamalimos. Pahingi ng kaunting saya. Huwag mong pansinin ang luha sa ’king mga mata. Ikinurbang pataas… mapanuyang ngiti. Masaya ang ipakita, kalungkuta’y ikubli Ngunit napahinto sa isang tanong na kinimkim. Saan nga ba makkita ang kaligayahan sa dilim?

37


PALETA

kape at pandesal

“Masarap pa rin siguro ang pandesal kahit gabi.”

Kpe at+ Pn=desl=

Si Carlo, isang estudyante, ay maagang gumising upang magkape sa labas ng bahay nilang pinagtagpitagpi para hintayin ang lakong pandesal ni Mimi. ni sa na si

Alam ni Carlo kung saan ang bahay Mimi, pati na rin ang account niya FB, Twitter at IG. Maraming beses niya itong niyayang magkape pero Mimi ay todo tanggi.

Napangiti si Carlo habang nagbabrowse. Kinagabihan, si Carlo ay nagtweet - Time awaited has ended. Dyablo!

Si Mimi ay nagstatus na may kasamang pabebeng picture, - Home alone, feeling sad and empty.

-Ano?, respond ng isang follower sa kanyang tweet. -Masarap pa rin siguro ang pandesal kahit gabi, sagot ni Carlo. * Hindi na pumapasok si Carlo. Wala na siyang kape at pandesal. 38


Hagupit ng mga Salita Hgupit= N= mN Slit

Marso 28, 2005 nang pwersahang isinakay ng apat na sundalo ang negosyanteng si Patricio Abalos sa isang sasakyan. Inamin ni Lt. Wilbert Basquiñas na nasa kanilang kustodiya si Abalos. Iginigiit naman ni Gen. Jovito Palparan na siya ay kasapi ng NPA. Nagsampa ng kasong Habeas Corpus ang pamilya Abalos ngunit dinismis din ito.

39

PALETA


PALETA

mag-aral

40


PALETA

Ididikta ko kung kailan magiging singaw at kung kailan magiging dagat ang tubig.

41



PALETA

TECH [knowledge]Y

We are living so simple With a knowledge about apple That when it falls from a tree It’s Newton’s Law of Gravity. But then, turned complicated And people become addicted Of the new technology Steve Jobs’ work of mastery.

43


Para sa mga pulis na nagbuwis ng buhay sa Mamasapano upang matupdan ang sinumpaang tungkulin. 44


Karangalan ang mamatay para sa bansa Ngunit ang sinapit n’yo ay isang masakit na kagitingan. Aanhin ang samu’t saring parangal at papuri Kung ang hustisyang mas dapat makamtan ay ibinaon na rin sa hukay?


PALETA

hindi ako si jose rizal

“Tumaas daw pala ang bahagdan ng ekonomiya nitong mga nakaraang taon.”

Hin+di Ako si hose Rizl+ Puting papel, itim na tintang panulat at madilim na gabing pinaliliwanag lamang ng isang gaserang lampara. Hindi ako manunulat mula sa makalumang panahon. Isa akong kabataang namumuhay sa ikalawang milenya. Walang ilaw sapagkat hindi na naman nakabayad si Nanay. Sa ‘di kalayuan, nakarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril. Lumabas ako at nakita ang ilang katawang nakahandusay. Nakatataranta. Dali-dali akong pumasok ng bahay, isinara ang pinto at ibinaba ang bintanang yari sa tarpaulin ng isang pambansang kandidato. Saka ko napagtantong malapit na pala ulit ang halalan. Bumalik ako sa kinauupuan at nagpatuloy sa aking sulatin nang mapansin ko ang isang dyaryo sa aking tabi. Tumaas daw pala ang bahagdan ng ekonomiya nitong mga nakaraang taon. Napangiti ako at nagpatuloy na lamang sa aking ginagawa.

46


PALETA

Si Rogelio Calubad ay isa sa mga konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa usaping pangkapayapaan nito sa Gobyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP). Kasama ang kanyang anak na si Gabriel, dinukot si Rogelio sa Calauag, Quezon noong Hunyo 17, 2016.

Bulong sa Mapagpalalong Katahimikan BuloN= s Mpg=plloN= Kthimikn+ 47


PALETA

Not All You Sow Will Be Rip

Farmer-activist Jonas Burgos is the Philippines’ best known desaparecido. His father, Joe, was a figurehead of press freedom. Jonas was abducted in April 2007. His alleged connections to the New People’s Army in Bulacan are believed to be the reason of the abduction.

48


PALETA

Loving a Writer

Of all the things to do, Why do I write for you? Because a writer Thinks what the brain wouldn’t feel, See beyond the vision of the eyes, Feel the numbness of each word And hear the voices screaming the silence. Oh, how good it is to be loved by a writer. He would love you with all the riddles in his soul. He would breathe ink to speak the words He couldn’t make out of. Wrap your heart with papers And reach into you like a graceful dance Of bleeding paper cuts, drippingTo stain your innocence With his love. So, do not question why a writer writes for you Because you –yourself –is the answer you seek. By loving you, he creates a masterpiece Until you see… That you are his beautiful poetry. 49


PALETA

Basang Likod BsN= Likod+

“Naglalakbay at nagbabaka-sakaling may maratnan na lugar na magbabalik ng dating ngiti at halakhak.”

pangalan ay ‘di man lang namin alam. Naglalakbay at nagbabakasakaling may maratnan na lugar na magbabalik ng dating ngiti at halakhak ng aking mga anak at papawi ng lumbay sa aking asawa . Kaunting lakad pa ay may napulot si Totoy na puting bato. Sa kagalakan at inip ay ikinuskos sa kalsada, gumuhit ng kwadradong may tatlong butas, tatsulok sa itaas, sa tabi ay apat na tao – may buhok, damit at mga ‘di pilit na ngiti. Kami ay naupo at kumain ng tinapay na dala habang nagkukuwentuhan sa tabi… ng aming tahanan.

Damang-dama ko ang init sa putol-putol na kalsada. May habang isang kilometro, lapad ay tatlong metro at kapal na apat na pulgada, may kabuuang 300 kilometro kwadrado. Salamat sa kanilang mga nagpapagawa ng kalsada arawaraw. May kasama pang tarpaulin na may nakangiting unggoy, ”Daang matuwid: Proyekto ni Ka Unggoy para sa mga minamahal kong kapabayaan, este kababayan.” Akala ata niya ay pera niya ang pinangpagawa. At dahil diyan, simulan na natin ang istorya namin. Naglalakad kami hindi dahil namamasyal, hindi rin dahil wala kaming kotse. Wala na kasi kaming matutuluyan kaya ngayon ay naghahanap kami ng pag-aaruga at pagmamahal kahit sa mga taong

Teka, sino nga ba ang may kasalanan? 50


PALETA

Magagapi ang isa Ngunit Hindi ang Pangkat Mggpi aN= Is Nunit= Hin=di an= PN=kt=

Mula sa Oclupan clan, isang tribo sa Benguet, si James Balao ay isa sa mga nagtatag ng Cordillera People’s Alliance na nagtatanggol sa mga batayang karapatan ng mga katutubo at iba pang sektor sa Cordillera. Huli siyang nakita noong Setyembre 17, 2008 sa Tomay, La Trinidad, Benguet na pilit isinakay ng limang armadong lalaki. 51


PALETA

Sana... Kung... Sn... kuN=...

Sana pinanganak akong mayaman Kung mayaman ang mga magulang ko. Sana nakapag-aral ako Kung pinanganak akong mayaman. Sana nabibili ko ang gusto at kailangan ko Kung nakapag-aral ako. Sana lumaki akong malusog Kung nabili ko ang kailangan ko. Sana hindi ako sakitin Kung naging malusog ako. Sana malaya akong nakapaglalaro Kung ‘di ako sakitin. Sana nagkaroon ako ng maraming kaibigan Kung malaya akong nakapaglaro. Sana maraming tumutulong sa akin Kung marami akong kaibigan. Sana may trabaho na ako Kung maraming tumulong sa akin. Sana mayaman na ako Kung nakapagtrabaho ako. Pero naisip ko… Sana hindi sila ang mga magulang ko Kung mayaman ako. 52


PALETA

Pawis ay tumatagaktak sa pagbabanat ng buto. Saglit ko munang papatirin ang pagkauhaw At papawiin ang luha sa iyong mga mata.

Ano ang Kulay ng Tubig? Ano aN= Kuly= N= Tubig=?

53


PALETA

Kung Bakit Ayaw Kong Pagmasdan ang Alapaap ng Gabi

KuN= Bkit+ ayw+ koN= Pg+ms+dn+ aN= alpap+ N= gbi

“Sana maghilom ang sakit at manatili ang masasayang alaala.”

—Tumingala ka.

panganay. Ikaw na ang magiging ama nila habang wala ako. Alagaan mo ang Inang at mga kapatid mo.

Bahagyang inangat ni Amang ang aking nakayukong ulo.

Mahigpit na yakap ang naging pagtatapos ng pamamaalam n’ya sa akin. Niyakap din ni Amang ang aking mga nakababatang kapatid, Inang at iba pang mga kamag-anak. Pumasok na s’ya sa loob ng airport. Hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko kahit hindi na s’ya maabot ng aking mga paningin.

—’Wag nang magtampo. Pagmasdan mo lang ang mga bituin. Tayo’y hindi magkakahiwalay. Kung anong nakikita mo rito ay iyon din ang makikita ko roon. Pinipigilan ko pa rin na tumulo ang mga luhang nangingilid sa aking mga mata. —Isigaw mo sa mga bituin ang mga nais mong iparating sa akin, sa tuwing mami-miss mo ‘ko. Maririnig ko kaagad ang mga ito. Isisigaw ko rin sa mga ito kung gaano ko kayo kamahal, pinunasan ni Amang ang kanyang mga mata. —Ikaw ang

—Halika na, Kuya, sigaw ni Inang.

54


PALETA

pumupunta sa bayan at sumisimba, mamasyal at maglalaro sa parke. Kakain ng spaghetti at keyk. Isang beses lang sa isang taon kung ipagdiwang ang kaarawan kaya ipinaparamdam nila sa amin kung gaano ito ka-espesyal.

Sa paglabas namin ng airport, pinapanood ko ang paglipad ng mga eropolano sa alapaap. —Mag-iingat ka, Amang. Hindi ako sanay na wala s’ya sa aking tabi. Tuwing umaga, ipagtitimpla ko s’ya ng kape at iaabot ang pandesal at dyaryo. Sa tuwing mamahinga naman s’ya mula sa maghapong pamamasada, pinupunasan ko ang kanyang pawis at hinihilot ang kanyang mga braso, balikat at likod. Siya rin ang katabi ko sa papag, sa pagtulog.

Naaala ko rin na madalas akong mahagupit ng sinturon ni Amang. Nagmamadali na akong umuwi sa bahay ‘pag narinig ko na ang tunog ng kampanya, tuwing ala-sais ng gabi. Nalilibang ako ‘pag minsan, sa paglalaro sa kabilang kanto, kaya nakakaligtaan kong umuwi sa nakatakdang oras. Inihahanda ko na ang sarili ko ‘pag nakita kong nakaparada na sa harap ng bahay ang dyip na ipinapalabas kay Amang.

Aktibo rin s’yang dumadalo sa mga aktibidad sa paaralan. S’ya ang dumadalo sa mga pagpupulong, kumukuha ng aking kard. Si Amang ang nagtuturok ng mga laso at nagsasabit ng medalya t’wing Recognition Day. Hindi s’ya nagdadalawang-isip na tumigil muna sa pamamasada, makadalo lang sa mga nabanggit kong mga aktibidad.

Nagkakaalitan din kaming magkakapatid. Kapag ibinili sila ng bagong damit at sapatos, gusto ko rin na mayroon ako. Kapag may bago silang laruan, inaagaw ko ito mula sa kanila at ako muna ang unang maglalaro niyon. Hindi naman

Sa tuwing may nagdiriwang ng kaarawan sa pamilya, sama-sama kaming

55


PALETA

amo ko at masama ang pagkakahampas sa lamesa. Hindi ko sila maawat noon dahil ayaw ni Sir na madawit pa ako sa away nila. Bumaha ang dugo sa sahig. Binawian nang buhay si Sir.

talaga bago ang mga iyon. Nahihingi lang ni Inang ang mga iyon sa mga amo niya sa paglalabada. Ipinapaala sa akin ni Amang na dapat lagi akong magparaya dahil ako ang nakatatanda. Dapat ako ang nakauunawa sa lahat ng sitwasyon.

Hindi na kami mapakali habang siya’y kausap namin.

Hindi ko namalayan na ilang araw, buwan at taon nang nagdaan. Nasanay na akong wala siya sa aking tabi. Nakayanan kong mabuhay na hindi siya hinahanap sa mga mahahalagang pangyayari sa aking buhay.

—Mabilis na rumesponde ang mga pulis. Kinausap ng mga pulis ang suspek na negosyante. Hindi ko maunawaan ang naging pag-uusap dahil hindi pa ko ganoon ka-bihasa sa wikang Arabyano. Niyaya ako ng pulis na sumama sa kanila. Sumunod ako sa kanila. Akala ko hihingian lang nila ako ng salaysay tungkol sa nangyari pero ikinulong nila ako.

* Anim na taon nang nakararaan. Nakatanggap kami ng tawag mula kay Amang. Ipinagtapat niyang nakapiit siya sa kulungan. —Sinamahan ko ang amo ko sa isang pagpupulong. Hindi sila nagkasundo ng magiging ka-sosyo sana niya sa negosyo, hanggang sa nagtalo na ang dalawa. Nagkasuntukan, nagkasakitan. Hinampas ng bote ng alak ang ulo ng

Hindi ko na mapatahan sa pag-iyak si Inang. Nagtataka na ang iba kong kapatid kung ano’ng nangyayari sa kanya. —Araw-araw, tuwing alas

56


pamahalaan ng Pilipinas na magbayad ng blood money si Amang. Itutuloy ang bitay anumang oras mula ngayon.

kwatro ng umaga, pinalalabas kami ng kulungan. Kasama ang iba pang mga preso, pinaglalakad kami sa disyerto na walang sapin sa mga paa. S’ya nga pala, nakausap na ng embahada ang pamilya ng amo ko. Ipinaabot ko sa kanila ang liham na naglalahad na ako’y inosente. Hanggang sa ngayon, hinihintay ko pa ang kanilang pasya. ‘Wag kayong mag-alala sa akin. Ayos lang ako rito.

—Ito ang kapalaran ko. Tanggap ko na ang mangyayari. Sana, bukal n’yo na rin itong matanggap. Pisikal man akong mawawalay sa inyo, babantayan ko naman kayo sa tuwina. Mahal na mahal ko kayo. Ang mga aral na itinuro ko sa inyo ay lagi n’yong pakatatandaan Hindi ko narinig kay Amang na pinanghinaan siya ng loob. Hindi madali pero tama s’ya na dapat matanggap namin ang nakatadhanang mangyari sa aming pamilya.

Paano kami hindi mag-aalala sa kanya? Ang tagal na niyang nawalay sa amin, nagsakripisyo, tapos ngayon nakakulong, pinahihirapan. Hindi na ko makatulog, simula noon. Hindi naman nagsasawang magnobena araw-araw ang Inang.

Agosto 17. Isang tawag ang muli naming natanggap. Akala namin ay nagmula iyon kay Amang pero isang hindi pamilyar na boses ang aking narinig. Alas otso ng umaga roon nang sinentensyahan na si Amang. Sa limang binitay, siya lang ang Pilipino. Inaasikaso na roon ang pagpapalibing kay Amang bago pa man lumubog ang araw, ayon na rin sa tradisyon ng mga Muslim.Tinulungan kami ng pamahalaan na makapunta si Inang sa Saudi; makita si Amang, sa huling pagkakataon, kahit sa puntod niya.

Ilang buwan ang nakalipas, tumawag muli si Amang. Nagdesisyon na ang pamilya ng amo n’ya. Sa unang pasya, ang bunso nilang anak ang magdidesisyon sa kasasapitan ni Amang, sa pagsapit n’ya sa hustong gulang. Kalaunan, nagbago ito. Hindi sila pumayag sa alok ng

Sa paglipas ng panahon, sana maghilom ang sakit at manatili ang masasayang alaala kasama si Amang, kahit hiram na lang ang mga ito.

57

PALETA


Para sa mga biktima ng maruming eleksyon sa Maguindanao. 58


Ang buhay midya ay hindi katulad ng sa mga artista - maningning at hinahangaan. Noon, ikaw ang abala sa pangangalap ng mga ibabalita. Ang trahedyang sinapit n’yo ang kasalukuyang isyu sa mga radyo’t telebisyon.


PALETA

Pabili Po pbili po

Ibubulalas ng papel na ang edukasyon ay batayang edukasyon. Iluluha ng lapis ang pasakit na dagdag dalawang taon. Papahiin ng pambura ang komersyalismong karunungan. 60


PALETA

Tsokolate ang Dating Tiyokolte aN= DtiN= “Nagulat ako pero hindi ako nagpasindak.”

Maganda ang panahon no’n. Tirik ang araw pero dama mo pa rin ang lamig ng natutunaw na mga yelo at nyebe ng mga bansang may winter. Sakto lang – mainit habang malamig. Nang biglang may bumungad na masamang hanging itim na nagmamala-tsokolate ang dating. -ID mo? Nagulat ako pero hindi ako nagpasindak. Inilabas ko ang hinihingi n’ya. -Oh ‘eto, sabi ko sa isip. Pero natakot na ako sa sumunod nyang sinabi. -…with lace!

61


PALETA

intensyon In=ten=siyon=

“Tapos na ang trabaho.”

7:50 A.M. Limang kanto na lang, nasa school na ‘ko. Mapapaaga ako ngayon. Mukha namang normal ang umagang ‘to. Nando’n pa rin ang karaniwang pagmamadali ng mga elementary students na male-late na. Mga magulang na ‘yung iba’y mamamalengke, ‘yung iba naman papuntang trabaho. Pero, parang may kakaiba. May kumpulang nagaganap sa tabi ng kalsada. Matingnan nga. –Anong nangyari? –Anak daw ni Tiya Elena, naabutang nakahandusay na lang diyan. Tinangay raw ‘ata ng mga aso. Nakita lang ng bandang alas-singko. Mukhang pinagsasaksak daw si Helen. Ginahasa rin daw. –Ay hala! Bakit naman daw? Ano bang sabi ng mga pulis? –Napagtanungan na nga raw ‘yung mga kaibigan kanina. Sabi raw ay mahilig mang-cyberbully sa Facebook. ‘Yon daw ang nakitang motibo. –Sayang naman. Kaganda pa man ding bata. May namatay na naman pala. Akala ko naman kung ano. Grabe pa naman mag-iskandalo 62


ng isang nanay doon sa mga pulis. Pero grabe pa rin dahil pang-apat na ‘tong biktima. –Hoy Jasper! Tara sabay na tayo pa-school! –Ay sige. Teka, may kukunin lang ako. Buti na lang mabagal maglakad si Chris, nakuha ko agad ‘yung singsing ko. Nakalimutan ko nga pa lang hinatak niya ‘to sa kamay ko kagabi bago ko siya naitali. Oo, hinatak ‘to ni Helen kagabi. Medyo mahina na siya no’n e, mukhang umepekto nga agad ang gamot na inilagay ko sa tubig niya. Hindi naman siya gano’ng kahirap ligpitin, ‘di gaya ng naunang tatlo. Nagtataka nga ako kung paano nahanap at nahigit ng mga aso ‘yung katawan ni Helen. Bayae na, tapos na ang trabaho. –Grabe, ano? May pinatay na naman. Nakakaawa sila. Oo, nakakaawa sila. Pero nakakaawa ba siya no’ng pinaglalalait nila ako sa Facebook? Nakakaawa ba siya no’ng pinagtatawanan nila at pinapahiya sa school? ‘Di ba hindi? Pero hindi na naman ‘yon mahalaga. Ang importante ay naligpit ko na sila, sila na sumira sa image ko.

63

PALETA


PALETA

yunit Yunit= Sapat na ba ang isang kilong bigas sa maghapon? Dagdagan mo na ng isang kapat na asukal bilang ulam. Ilang guhit pa kaya ng kalyo ang titimbangin para mapunan ang kulang?

64


PALETA

Nang Makilala ng Adik ang Geek at Vice Versa nN= Mkill N= Adik= aN= Gik= at= by=s= Ber=s

“Heto na naman ang pangtortyur na katahimikan niya.”

Binilo ko at ipinasak sa tube ang ilan sa dubing binili ng mahigit dalawang daan. Sapat na ‘to sa pang isang linggong damuhan na kailangan ng nguso ko. Sapat na rin para kumalma ang isip kong magulo. Sinindihan. Umusok.

sa ’kin. Matalino si Monika. Kung iisipin, nangunguna siya sa klase nila. Iskolar ng kilalang kurap na politiko. Dean’s Lister. Higit sa lahat, kinalilibugan ng kalalakihan sa pamantasan namin kaya ‘di ko lubos maisip kung bakit ako pinatos ng gagong ‘to at ako pa ang napagtripan. Isang ordinaryo, hindi simpleng estudyanteng, pilit pinagkakasya ang sarili sa mga numero.

—Putang ina, lumayo ka nga ng kaunti! pamura ni Nik. —Nagrerebyu ako dito oh! Dagdag pa. Sunod naman ako agad. Madalas kaming mag-away ni Nik sa mga ganitong mga bagay. Ayaw niyang ginugulo siya sa pag pag-aaral, gumagawa ng assignment at tulad ng ganitong nagrerebyu. Malapit na kasi ang finals. Pero tulad ko, na hindi siya ginugulo sa mga ginagawa niya, hindi niya rin ako ginugulo kapag bumabatak ako. Matiwasay ‘yon para

—Buntis ako, June, pabulong niyang sabi. Nabasag ang utak ko sa paghithit ng damo sabay ng pagbasag ng usok at 65


PALETA

katawan naming kasama ang ispirito ng singhal at hangos. Tahimik lang ako. Walang imik. Pero ramdam kong may dapat akong sabihin. Parang naghihintay siya ng sagot. Heto na naman ang pangtortyur na katahimikan niya. Bakit hindi pa isigaw ni gago ang gusto niyang isumbat na: Oh, ano? Anong gagawin mo ngayon? Natin? Tang ’na naman, June. ‘Yan lang ba ang kaya mong sabihin? Ano? Ipapaabort ba natin ‘to? Ikinuyumos ko ang kamao ko.

katahimikan sa hangin nang marinig ko siyang initsa ‘to sa pagmumuk’a ko.

—Pananagutan ko, hindi ‘to patanong.

Punyeta naman ‘tong si Monika. Ilang beses ko pa lang naman siyang kinantot. Tapos, sasabihin niyang heto’t buntis siya. Malay ko ba namang may tumitira sa kanyang iba. Kaso disenteng babae si Monika. Hindi ang tulad niya ang bubukaka lang ‘pag may nakilalang iba. Ang hindi lang disente sa kanya ay akong syota niya.

Tahimik lang siya. Wala ulit akong imik. Napansin ko na lang ang kanyang paghikbi sa gilid ng kanyang labi hanggang tuluyan nang pumatak ang mainit niyang luha, kasabay ng mabilis niyang pagyakap nang mahigpit. —Ang hinayupak kong tatay ang tatay nito!

Halos dalawang buwan pa lang nang maging kami ni Monika. Lumilipad ako sa ere no’ng panahong nililigawan ko siya – sa madaling sabi sabog. Pero ang totoo, hindi ko talaga matandaan kung niligawan ko nga ba siya. Hindi bago ang mga nawawalang segundo, minuto ‘pag bumabatak ako. Basta no’ng medyo nasa katinuan na ako kasabay lumilipad sa ere ang mga

Binilo ko at ipinasak sa tube ang ilan sa dubing binili ng mahigit dalawang daan. Sapat na ‘to sa pang isang linggong damuhan na kailangan ng nguso ko. Sapat na rin para kumalma ang isip kong magulo. Sinindihan. Inabot ko sa kanya. Umusok. 66


PALETA

BUKANG-LiWAYWAY BukN= Liwy=wy=

Sa pagbukang-liwayway bukas sa Liwayway ay bubuka ang mga liwayway kasabay ng pagbuka ni Liwayway. 67


PALETA

INIT Tumatagaktak. ‘Di mapigilang pagpatak. Magkasama ang luha, Sarap, Sakit. Umungol, Abot hanggang kabilang bahay Habang hinahalay Ng demonyong may limang daan. Hirap, Pawis, Pagod, Pasakit, Walang imik, Nakatuwad. Bumabayo Habang inaani ang palay. Nagpapakamatay Para sa maliit na halaga ng barya Na ang dapat kanila ay higit pa sa isang Kaban.

LAMIG Hindi matatakpan, Malulunasan Ng kahit gaano kakapal ang jacket O mukha Ang malamig na puso Ng nakaupo sa magandang upuan. Hindi kumakain Pero lumalamon Ang nanghihinang kalooban. Nakahiga sa gilid ng daan, Katabi ang lata, Kasiping ang lungkot, Kakambal ang kahirapan Habang nangangalay Ang marumi, Naabuso, Makakalyo, May bakas ng pighati Na mga palad. Ang giniginaw na katawang Nakahiga sa kama Pero hindi kanya. Nag-aalaga Sa hindi ka-ano-ano Kapalit ng kaunting halaga ng papel. Kung hindi lumisan Sana’y kapiling ang mainit Na pagmamahal.

Sala sa init, Sala sa Lamig Sl s Init=, Sl s Lmig+

68


PALETA

Mabigyan mo sana ng mga gamit sa eskwela ang mga batang hamóg

Dear Santa

Nang makapagsimula na silang mag-aral at mangarap. Sa tabing-kalsada at ilalim ng tulay mo sila matatagpuan.

69


PALETA

KUYUMOS NA PAPEL Kuyumos= n Ppel= “Hindi lang puro ang paligid niya ang bumubuo ng kwentong dapat ikwento ng bata.”

Sumasakit na ang mga binti ko sa pagtakbo. Dala na rin siguro ng mga pahanong lumipas. Malalaking puno. Itim na putik. Buhos ng ulan. Ito ang mga kasalubong at kasabay sa madilim at papadilim pang daanan.

mula ng makainom ako ng matinong tubig at pagkain. Halos ilang minuto, hanggang umabot ng oras, ang pagtakbong ito. Hindi ako ang may sala sa mga salita. Pinili nila ako para isulat sila. Dapat nga ang mga punyetang ‘to ang dapat mapanagot. Sila itong may dalang bakal at pulbura.

Unti-unti nang napupundi ang dala kong ilaw ng lighter. Tumigil saglit ang ulan. Yumuko at agad tumago sa ilang halamang ligaw na sapat lang para maitago ang payat kong katawan. Dumarami ang liwanag, kalat sa iba’t-ibang direksyon, palapit. Hindi ito mga liwanag para lang mawala ang dilim. Hindi rin masasabing mga kaibigan ko sila. Lumalakas ang mga yabag ng mabibigat ng sapatos. Kasabay ng panginginig ng labi ko sa lamig. Halos kalahating araw na rin pala

Ikaka-proud siguro ngayong ako ni Imama, kasi sa wakas natapos ko na ang una kong kwento. Noon madalas niyang sabihing na kahit nasa pareho kayong landas; e, magkaiba pa rin ang tingin, pananaw at trip sa buhay. Nainis ako sa mga sinabi niyang ‘yon. Wala kasi akong naintindihan. Masyado pa ‘ata akong bata no’n para maintindihan ang mga bugtong ni Imama. Pero pagkalipas 70


PALETA

din nang ilang taon, umalis si Imama. At hindi na muling bumalik sa bayan namin. Hindi na gumagana ang ilaw ng lighter na kanina’y masigla pa sa alitaptap. Pero patuloy pa rin ang pagkasilo ko sa tindi ng liwanag mula sa paligid. Sigurado akong hindi ito sikat ng araw. Sa isip ko, hindi ito ang liwanag ng pagasang hinihingi ko. At hindi rin ito ang liwanag tulad ng sinasabi sa pahina ng mga katolikong sagrado, na magliligtas o tagapagligtas sa akin sa pagkakataong ito.

nagtatanong na tingin. Hindi naman daw bagay sa ‘kin ang magsulat, ito sa karaniwang sabi nila. Matapos ng ilang sipa at suntok, heto’t nakatayo pa ako. Dumilim dahil sa telang humaharang sa aking mga mata. Iginapos nila sa mga kamay ko ang makapal na lubid. Pero hindi naman paralisado ang iba ko pang pandama. Amoy sa buong kwarto kung nasa’n ako ang pinaghalong sunog na dahon at kemikal. Ang mga punyeta, nabigyan pa ng badget para sa bisyo. Sa tantiya ko, ilang silya at klasrum din sa elementarya ang kayang mabili ng perang ginagastos nila. Tinapyas lang nila ang badget ng edukasyon para lang sa pang-chongki ng hinayupak na mga ‘to. Rinig ko rin ang ingay mula sa katabing kwarto. Isang babae’ng sumigaw. Pero hindi tulad ng paghihirap ko, ang kanya ay sarap. Tunog ng mga

—Bravo Six to Big Bird, do you copy? Ang pareho kong kamay na kanina’y nakataas sa hangin, ngayon’y nasa likuran ko naman. Pero walang pinagbago, malamig at maputla pa rin tulad no’ng una. Naalala ko bigla ang mga batang minsa’y tinuruan kong bumasa at sumalat ng mga gusto nila. Kinumusta ko sila, kahit sa isip lang. —Copy that. Sinubukan kong ipabasa sa iba ang ginawa kong kwento. Kaso wala namang interesadong patulan. Ni basahin ang kaunting pahina o hawakan man lang. Bigla na lang silang titingin sa’kin. Parang 71


PALETA

itanong. Kung bakit nga ba kami tinuruan?

balat. Sa harap ko, may mesa kung saan may nakaupo sa silya at rinig ko ang pagwasiwas niya ng papel sa hangin.

—Walang lang, sagot niya. — Gusto ko lang ikwento ng mga bata ang kwentong bumubuo sa paligid niya. Hindi lang puro ang paligid niya ang bumubuo ng kwentong dapat ikwento ng bata.

—Mga Bakwet: Sa Likod ng Militarisasyon sa Quezon, makatang bigkas ng nakaupo. —ikaw ang ‘tang inang sumulat nito, tama?

Muli akong nainis. Heto na naman ang mga bugtong ni Imama.

Ang una kong pangarap noon ay maging manunulat. Sa bayanihan tuwing hapon, may libreng nagtuturo — Si Imama. Maraming libro sa maliit niyang kariton. Papel, lapis, bolpen at iba pang maiisip mong nasa loob ng bag ng karaniwang estudyante. Sa isip ko, wala namang siyang napapala sa pagtuturo sa amin. Wala naman kaming binabayarang entrance, toll, tuition per unit o kotong man lang, kahit tig-li-limang piso kami. Hindi rin siya nababalita sa T.V. para mapansin at makatanggap ng limpak-limpak na parangal at gantimpala. Kaya nang minsan natanong ko ang mga gusto kong

Sumasakit na ang mga binti ko sa pagtakbo. Dala na rin siguro ng mga pahanong lumipas. Malalaking puno. Itim na putik. Buhos ng ulan. Ito ang mga kasalubong at kasabay sa madilim at papadilim pang daanan. Hindi ako ang may sala sa mga salita. Pinili nila ako para isulat sila. Dapat nga ang mga punyetang ‘to ang dapat mapanagot. Sila itong may dalang bakal at pulbura. Mula sa lugar kung saan 72


PALETA

nagtuturo si Imama, ang bahay namin ay ilang lakaran din kung tutuusin kaya sinisikap kong mauna sa pagtuturo. Kaunti lang ang kilala kong kapitbahay. Kadalasan kasi isang sakay rin ng kalabaw bago marating ang kapitbahay mo. Pero masaya pa rin kami kasama ng mga puno roon. —Sino po sila? Bumuhal si Tatay sa tama ng baril sa ulo. Si Nanay pinagtulungan ng iba, ‘yong sa harapan. ‘Yong isa naman, sa likod habang hawak sa harapan niya ang buhok ni Nanay. ‘Di rin nagtagal pinutukan si Nanay ng baril sa pagitan ng hita nito. Mga rebelde raw sila, ito ang pakilala nila. Hindi raw kami nagbayad ng buwis. At ako — naiwang buhay sa kamatayan. Takot. Nanginginig sa takot. Tumigil na ako sa pagsulat mula no’n. Wala na at matagal ko ng tinapon ang pangarap na ‘yon. Tama sila. Hindi bagay sa tulad ko ang punyetang pagsusulat. Hindi ko ‘to ikakayaman. Hindi ka nito mapapakain. Tinabunan nang putik ang babaeng kanina’y binabayo ko nang paulit-ulit hanggang mawalan ng malay. Ito na ang pagkakataon ko para hampasin ko siya ng M-14 ko. Putok ang ulo ng putang babae. Kasama niya ang isang lalaki sa hukay. Sa tingin ko, may katandaan na. Wasak ang muk’a. Ibinigay sa ’kin ang isang piraso ng papel. Muli akong sumulat: Rapist, huwag pamarisan. Gaya ng iniutos ni Major, na noon ay may kuyumos na papel sa kamay. 73


Para sa mga manggagawa ng Kentex na pinagkaitan ng kanilang mga karapatan 74


Tsinelas ma’y mapatid, Pisi ng pagkakaisa’y ‘di matitinag. Tinupok man ng apoy ang inyong pangarap, ‘Di mapaparam ang alab na ipagpatuloy ang aming paglalakbay.


PALETA

Jessica Sales graduated Cum Laude in 1972 with a degree in Social Sciences from Centro Escolar University – Manila. She taught Sociology and Political Science at the University of the Philippines – Manila and later at the University of the Philippines – Los Baños. With six others, Jessica disappeared on July 31, 1977. Reports of sightings have reached the family but all efforts to locate her have proved fruitless.

With Praise 76


PALETA

Ang Tagumpay Nila sa ika-anim na Pagkakataon aN= tgum=py= nil s Ik-- anim= n Pg=kktOn=

Limang beses nang nakulong si Luisa Posa-Dominado, tagapagsalita ng SELDA-Panay. Abril 12, 2007, sila ni Nilo Arado ay dinukot sa Oton, Iloilo. Ayon sa kasamahan nilang si Leeboy Garachico, na nakaligtas mula sa natamong tama ng baril, mga militar ang kumuha sa kanila 77


PALETA

Gilid gilid=

Iba’t ibang putahe ang handog ng lansangan Habang ang nalalasap ng karamihan ay sangkap ng alat at pait.

78


PALETA

Mabuhay Ka, Lumad Mbuhy= K, lumd=

Mga katutubong pangkat sa lupang sinilangan. Araw ng pag-asa’y napalitan ng malamig na gabi. Buhay na tahimik, kapayapaa’y naglalaho. Uhaw at tigang sa kalayaang pinakaaasam. Hinaharangan, pinahihirapan at ipinagkakait. Aangat ay makasariling hangarin. Yamang likas na magpapasabog ng sandamakmak na salapi. Kinikitil at walang awang tinatakot. Ang mga karapatang pantao ay inaabuso. Lahing nararapat isalba sa lalong madaling panahon Upang umukit sa patuloy pang kasaysayan. Magpayaman sa kulturang napapalitan na ng bihis. Agarang aksyon at pagtutulungan nang masugpo Dambuhalang dayuhang gahaman at mapagmalabis. 79


PALETA

Tining Tining

“Pighati ay hayaang umagos Datapwat ‘wag magpatangay sa mga alon.”

80


PALETA

Tuldok tul=dok=

Mga librong hindi ko matapos-tapos, Ito na lang ang aking pamparaos, Sinimulan lang sa isang kabanata. Narito ako ngayon, naging padalos-dalos. Mga gawain kong ‘di matapos-tapos, Ang oras ko’y kinakapos, Bukas ko na lang pala gagawin. Narito ako ngayon, lubhang nakagapos. Mga bayaring hindi matapos-tapos, Wala na nga akong pantustos, Napapabulsa lang naman sa iba. Buhay ko’y malapit nang matapos. 81


PALETA

Clima[k]e Chains

Kakulangan ba talaga natin o may problema talagang walang solusyon? Lipunang binubulag ng paninisi sa sarili at sa kapwang pare-parehong may layuning solusyunan ang pagbabago ng klima. Inilihim sa atin. Alam mo ba? Alin? Ang ahensyang may kakayahang kontrolin ang hangin, init at lamig. Parang puso kong kinokontrol ng pagmamahal sa kalikasan. Para sa sangkatauhang pinipigilan ang kapwang pinipilit sagipin ang mundo. Malalaking bansa lamang ba ang may kapangyarihan? Sila lang ba ang may karapatan sa mundong ginagalawan? Amerika, Tsina, Britanya at Russia, tunay bang pera at kapangyarihan ang nagpapaikot ng mundo? Pati ako nalito. Sinong kakampi? Sinong demonyo? 82


PALETA

Blotted Paper

A magna cum laude candidate and first woman editor of UPLB’s Aggie and Gold, Leticia Ladlad, went underground after the suspension of writ of habeas corpus in 1971. Ladlad was abducted on November 30, 1975 in Paco, Manila.

83


PALETA

Sumakay sa byahe ng pangarap, ‘di ka mag-iisa.

Lakbay Lk=by=

84


PALETA

Isa ka ring siklo – magpapatuloy saan mang direksyon mapadpad.

85


PALETA

kumatha

86


PALETA

Hindi sumasapit, walang panganib.

87



PALETA

Ligaw Ligw=

“Humiling na sana’y nandito sila.”

Hiniwa niya ang keyk sa apat na bahagi at kinain ang pinakamalaki. Tahimik. Lumipat siya ng upuan, kinain ang kasunod. –Sana may toyo. –Yuck! Ang sama kaya ng lasa! biglang sagot niya sa sarili sabay subo ng pinakamaliit na bahagi. Uminom siya ng tubig at hinimas ang kanyan tiyan. Tumayo siya at lumipat muli ng upuan. Kinain niya ang kahulihan. –Happy birthday, anak! At humiling na sana’y nandito sila. 89


PALETA

Uwang UwN=

Bulok na basura ang turing ng mga mapagsamantalang uri sa ating Perlas ng Silangan.

90


PALETA

Naiwan Ko ang Popcorn sa Bag Ko nIwn+ ko aN= pp+kor=n= s Bg= ko

“Madaling makalimot ang mga tao.”

Dalawampu. Dinala ko mismo sa opisina ni Mayor ang talumpating ipinasulat niya sa akin. Tama lang ang dating ko. Nandoon pa nga siya. Hindi niya ako pinansin nang binati ko siya at inilapag ang bag kong mabigat sa ilalim ng aking upuan. Iniabot ko sa kanya ang talumpati at pinagmasdan siya habang binabasa niya ito. Kasama sa mga pangako niya ngayon ang mga pangakong kaniyang ginawa na noong nakaraang halalan at noong mga nauna pa. Mga lumang plataporma. Mga pangakong natutupad lamang kung sapat na ang bigat ng kaniyang mga bulsa. Minsan, naiisip kong binabayaran lamang niya ako para kopyahin ang mga luma niyang talumpati. Siya rin naman lagi ang nananalo. Hindi ko maintindihan kung bakit. Madaling makalimot ang mga tao. Sa tuwing bubukas ang bibig niya’y namamangha pa rin sila. Sampu. Natuwa ako nang makita ko si Vice 91


PALETA

paglabas ko ng opisina. Una siyang bumati sa akin. -Oh. Naghapunan ka na ba? -’Di pa po, sir. - Aba! Anong oras na? Umuwi ka na. Ikaw na lang yata ang naiwan dito. Magaling si Vice makipag-usap sa tao. Kung hindi ko lamang siya nakilala sa loob ng ilang taon ay iisipin kong mabuti siyang tao. Lima. Wala na ngang ibang tao dito sa munisipyo. Patay na ang lahat ng ilaw maliban sa opisina ni Mayor. Apat. Humampas sa aking katawan ang malamig na hangin paglabas ko ng gusali. Tatlo. Naupo ako sa damuhan, sa malayo, kung saan tanaw ko pa rin ang munisipyo. Dalawa. Naalala kong naiwan sa bag ang popcorn ko. Huli na para bumalik. Isa. -5,4,3,2,1…, bulong sa aking sarili. Awán. Katapusan. 92


PALETA

Mas nakakatakot magutom kaysa puntiryahin ang dapat patumbahin.

Copy That

93


PALETA

Bilibid or not Bilibid= Or= nt+

“Lirikong gawa ng kinakalawang na puso.”

Turing sa kanila’y tunay na mathematicians, binibilang ang bawat araw kahit na ‘di naman nasisilayan, nadarama ang gabi kapag ‘di na nakikita ang katabi. Sa loob ng isang kwarto na may rehas, bakod-bakod na sulat, kulubot na mga tattoo – tanda ng pagiging berdugo ng lipunan na minsa’y nahusgahan lang at ‘di na naipaglaban ang hustisyang nais makamtan. Sa bawat araw na lumipas, panibagong himig ang inaawit, dingding ay puno na ng lirikong gawa ng kinakalawang na puso at sumasaliw sa tunog ng mga kadena at posas, na sa bawat koro ay pinipigil ang luha mula sa mga mulat na matang ang pag-ibig ay ‘di na muling maaaninag. 94


Si Rahman Capili, kasapi ng Suara Bangsamoro, ay dinukot sa Tagum City, Davao del Norte noong Disyembre 18, 2006. Sa kanya ibinintang ang pambobomba sa Davao International Airport at Sasa Wharf sa Davao City noong 2003. Iligal na inaresto si Capili noong Nobyembre 13, 2004 at napawalang sala noong Enero 7, 2005.

Moro moro 95

PALETA


PALETA

Nalalabing isang Oras

“Hindi na bago ang huling oras ko rito.”

nllbiN= IsN= Ors=

Bente Minutos -Liham po. Andito na hinihintay ko. -Mr. Delvale, maaari ka nang pumunta sa opisina ko. Ito na nga. Sana magandang balita ang mapakinggan ko.

Sisenta Minutos Isang oras na lang ang ilalagak ko dito. Ewan ko. Sanay na siguro ako. Hindi na bago ang huling oras ko rito. Singkwenta Minutos Umaasa pa rin ako. Umaasa sa liham mo. Masakit mang umasa, hindi naman masamang subukan. Walang mawawala kung aking susubukan.

Dyis Minutos -Mr. Delvale, maraming salamat sa iyong serbisyo. Malaking tulong ang naibigay mo sa kompanya. Ito ang isang daan, ang huli mong sahod. Maaari ka nang mag-impake. Muli, maraming, maraming salamat. Hay, malas! Masarap sanang pakinggan kung may kadugsong na... “gusto mo bang dugsungan ang iyong kontrata?” Pero wala. Bayae na.

Kwarenta Minutos Ano kayang masarap na hapunan mamaya? Kanin at tuyo? Mali… Hindi pwede. Kanin at sabaw lang kay Aling Taling, ayos na. Kailangan kong magtipid. May sakit pa naman si Nanay.

Alas-Singko. Bahala na. Bahala na bukas. Paalam na aking pampitong kumpanya. Tulungan sana ako ng Diyos bukas. Sana makahanap agad ako ng trabaho. Sana regular na makuha ko. Sana…

Trenta Minutos Kalahating oras na lang. Baka may dyaryo rito? Baka makatipid ako. Ay, malas! Wala. Babawasan ko pa sahod ko para sa dyaryo.

96


PALETA

Jeepney [but not] Love Story “Ang pangkaraniwang pangyayaring ito ay pang-aabuso rin sa karapatan.”

Nang magising, kami’y nasa May-it. Tumigil sa eskwelahan para isakay ang mga batang paslit. Sikip na pero ang mga bata’y isiniksik. Nakatayo na sila’t sa bakal nakakapit.

Author’s note: This is a nonfiction story. Mainit. Maalinsangan. Tanghaling tapat pero ako’y nasa daan. ‘Di ko ba alam kung bakit ang tagal kong tambay sa bahay. Tipong alas-sais na sinet ang alarm pero mahigit alasonse umalis sa tahanan. Take note! 11:30 A.M. ang aking time. ‘Ayan tuloy, ako’y naglalakad sa kainitan ng umaga. Sayang ang ligo, sarili’y naging pawisan. Parang ang limang tabong tubig ay katumbas ng limang pahid ng pawis.

Antok pa ako pero isang bata ang pumukaw sa aking pansin. Nasa harap ko siya, ang mga batang maliit. Grade 1 o Grade 2 pa lamang siguro siya sa aking paningin. Batang lalaki siyang mukhang pagod na’t takam sa pagkain. Tumingin siya sa taas upang sipatin ang kapitan. Tumikdi siya

Sampung minuto. Ako’y naghihintay pa rin ng jeep. Sigurado akong late na. Buti na lang walang quiz. Walastik! Ako’y banas na banas na, lagkit na lagkit pa. Kinse minutos… Sa wakas may dumaan ding jeep! Pwesto sa may bintana para mapreskuhan kahit daplis lamang. Hay! Ako’y relax na. Makaidlip nga muna. 97


PALETA

pang-gas at panglaman-tiyan pa rin sila sa pagtatapos ng maghapong pamamasada.

at ang kapita’y pilit inabot ng kamay. Sa kasamaang palad, ang kapitan ay ‘di mahawakan. Wala nang magagawa. Kumapit na lang siya sa damit ng nasa harapan.

Pagbaba ko ng jeep, nagisip-isip pa rin ako. Bigla kong napagtanto, bakit ‘di ako ang kumibo? Kung kinadlong ko sana ang bata, siya ay nakaupo. ‘Di sana siya hirapan sa pagbalanse sa jeep na sinakyan. Ngunit huli na ang lahat. Wala na akong magagawa.

Umandar ang jeep dahil handa na ang lahat. Mabagal ang takbo sapagkat puno na ang laman. Ang batang maliit, nakahawak pa rin sa damit. Sa bawat pagliko’y kanyang pagbuhal sa jeep. Dahil walang balanse, siya’y patagi-tagilid. Lumipas ang oras, nakarating siya sa paroroonan. Kawawang bata. Hanggang sa dulo ng biyahe ay nabuhal.

Nawa’y mapansin ng bawat isa, hindi lang ng awtoridad, na ang pangkaraniwang pangyayaring ito ay pang-aabuso rin sa karapatan ng mga bata bilang pasahero. Ipinagpipilitan ng mga drayber o konduktor na pasakayin ang mga paslit kahit wala ng bakanteng mauupuan.

Nag-isip-isip ako. Bakit hindi bigyan ng karampatang serbisyo ang mga batang ito? Sa bawat sakay naman nila’y nagbabayad sila ng tatlong piso. Ang bahay naman nila’y ‘di kalayuan. Hindi malulugi ang mga drayber sa ganitong sitwasyon. May

Sa ibang mga pasahero naman, huwag na sanang ipagdamot ang simpleng pagkadlong sa mga batang ito. Musmos pa sila at kailangan ng alalay sa buhay. Teka lang! Bago ko pa makalimutan, ako’y nagmamadali nga pala kaya’t hanggang dito na lamang. Tatakbuhin ko na’t muling pagpapawisan. Kahit huli na, ang unang asignatura’y abutan.

98


PALETA

Been calling those not well-known holy names. Never skipped habits on three and six. Also count every Sundays and sacred occasions.

Emblem But wait. Is there really someone above who can lift people from waiting here in Hades?

99


PALETA

Catena Kten

Someone discovered, A lot invented And everyone’s excited. Someone developed, A lot improved And everyone approved. Someone distributed, A lot collected And everyone’s not contented. Someone become addicted, A lot followed And everyone’s affected. Someone reacted, A lot murmured And everyone agreed. 100


PALETA

Tamang Panahon tmN= Pnhon=

Pilit ka mang ipagkait sa akin, Patuloy pa rin kitang hihintayin. Mata ko ma’y pilit na bulagin, Pagkatao ko ma’y kanilang wasakin. Ngunit sapat na nga ba ang maghintay na lamang Kung ang bawat araw ay patuloy na nasasayang Sa pakikinig at panonood sa taong kumikilos Habang ikaw ay tila rebultong nauupos? Hindi tayo ang maghihintay habang buhay. Tayo ang hinihintay upang magbuhay Ng pag-asang pinatay ng pagkakataon. Tayo ang hinihintay ng tamang panahon. Busalan man nila ang aking bibig. Hindi magbabago ang prinsipyo’t pag-ibig Para sa’yo aking mahal, Para sa sinisinta kong bayan. 101


PALETA

Rizalina Ilagan joined the Kabataang Makabayaan (KM) on her senior year in high school. She left UP – Diliman to become regional coordinator of KM – Southern Tagalog’s cultural sector. Ilagan was among the “Southern Tagalog 10” who was abducted separately on July 30, 1977.

Fade-Out

102


PALETA

Jewel Beyond the Palace Refusing to sign away his land to miners, Jimmy Liguyon was shot dead in front of his family on March 5, 2012. Jimmy was the vice chairman of Kaugalingong Sistema sa Igpasasindog to Lumadnong Ogpaan (KASILO), an organization of indigenous peoples from the southern municipalities of Bukidnon. 103


PALETA

iMPOSTER

Once upon a modern time There was a prince that lived far away Where the people were not people And he was not as they say This little prince lived on a site Where he lies and pretends Make a fool out of the people Because he’s a fool himself This little prince was incautious Trusted people who were not people And end up in such a mess He almost lost his life For what they’ve called as ’friends’ Poor little prince, He just wanted to be liked Now, he suffers and mopes Looking at his wall And people who were not people 104


PALETA

Once upon a modern time, In a virtual castle of technology There was a prince that lived far away Introducing a stolen identity A boy obsessed on play-pretend Make a fool out of the people Because he’s a fool himself Foolish little boy He stares into his wall Wanting to be liked But little did he know He went too far from the site He was called an impostor And the truth must have hurt The comments hurling down With his wicked little fraud Blinded by the lights of the pretentious notifications How pathetic to see an impostor that weepsOn the perilous art of pretending alone They may have made a fool out of him But the fault was, solely, his own Of all the blinking lights 105


PALETA

Kutitap Kutitp=

Ang padaplis-daplis na diklap ang maghuhugpong sa mumunting pangarap ng mga anak.

106


PALETA

We Were Not “I’m sure but at least I’ll see them once more.”

Work hard. Walk home. I’m sick of it all. Should I sleep? Should I not? It’ll be a nightmare I’m sure but at least I’ll see them once more. Rata-ta-ta-ta-tat. Echoes ripping through our silence. My father fell. I went limp. My mother screamed soundlessly or was I deafened by my own? I didn’t know we were out running until I fell to my face. She grabbed me by the arm to stand me up then her blood sprayed to my eyes. I awoke screaming. My heart was pounding cold. We were not rebels but for what they did being one may not be so wrong.

107


PALETA

awit awit=

Magpakatatag, tibayan ang sarili. Hindi sa bukang-liwayway magsisimula ang hamon ng buhay.

108


PALETA

Magpakatatag, tibayan ang sarili. Hindi sa dapithapon magtatapos ang hamon ng buhay.

109


PALETA

Kulto ng Kalye kul=to N= klye

Tila naging isang samahan, Naging paniniwala, Marami ang sumunod Sa alon ng kilig at romansa. Tila naging isang ritwal, Sa tanghali’y tumatahimik, Ang tambalan ay naghahabulan Habang ang mga tao’y kumakalirit. Tila naging simbahan Ang kanilang telebisyon. Makikinig sa sermon At ipapamahagi sa sapot ng impormasyon. 110


PALETA

Nestor Villanueva, also known as Ka Nestor, is the chairperson of the Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK), spokesperson of the Coco Levy Funds Ibalik sa Amin (CLAIM) and National Council member of the Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). He died last February 27 at the age of 58 while recovering from a respiratory ailment.

Pagpupugay Kay Ama Pg=pupugy= ky= Am

111


PALETA

Dating lider-estudyante at political detainee, na dinukot noong 1989 hanggang 1990, si Honorio Ayroso. Organisador rin siya ng mga magsasaka sa Nueva Ecija. Pebrero 9, 2002, dinukot si Ayroso, kasama si Johnny Orcino, ng mga militar sa San Jose City, Nueva Ecija.

Muli sa Simula muli s simul 112


PALETA

Latak

Aanhin ang kubyertos kung walang maihahain sa hapag? Tulad ng langaw, nakahanap ng kaligayahan sa basurahan.

Ltk+

113


PALETA

Pagkalooban nawa ako ng lakas para sa bukas, Kawangis ng kalabaw na hindi napapagal sa buhay.

panibagong araw PnibgoN= Arw=

114


PALETA

See oh, see “Matatapos ang laban ng henerasyon sa pagtilaok ng manok.”

Waiting for opponents… ...salpukan ng mga angkan. Labanan, hindi ng gilas, kung hindi istratehiya at katalinuhan. Sino ang maghahangad ng pagkatalo kung ang bawat pagkapanalo ay magiging dahilan ng pagkilala sa’yo ng mga kaibigan mo? ‘Yong pakiramdam na para kang bayani na ginawaran ng parangal ng iyong mga kababayan, may kasama pang halik sa pisngi, mga papuri, bulaklak at korona. Aba, Miss Universe na ang peg. Sa kabilang banda, habang sinasabayan mo ang awit na “Balloon parade…,” hindi mo ba nakikita ang sarili mo sa anyo ng mga karakter sa COC, lumalaban, walang kinatatakutan, maprotektahan lang ang sariling angkan – angkan ng mga Pilipino na ngayo’y tila alipin na naman ng ibang bayan? Sumulong ka, hindi ka nagiisa, marami kang kaibigan, karamay at kadugo. Hanggang sa muling pagtaas ng mga matatalas na itak, Matatapos ang laban ng henerasyon sa pagtilaok ng manok, kasabay ang halakhakan para sa isang bayan na muling naipaglaban. Victorious! Play again? Y_ . 115


PALETA

mandirigma Mn=dirif=m

Takatak! Takatak! Attack! Halina’t dumugin… Lusubin… Kilatisin ang bawat isa Na kasalungat At kumokontra Sa mga opinyon At Paniniwala natin. Ka-boom! Sumasabog na salita, Na pinapagana ng takot at galit; Pananalitang mapapait. Magtago… At mag-isip… Ng alyas na ipapalit. Tak, tak, tak, tak! 116


PALETA

Mapapadali ang pagdakot ng mga kamay sa mailap na pilak kung nasa anino sila ng mga Puti.

Siete Kwatro

Patuloy na nililinlang ang mga Indio sa huwad nilang pakikipagkaibigan. Hindi pa ganap ang kalayaan.

Siyete Kuwt=ro 117


SPARKISTA

ATSIKRAPS

BANAAG

FUERTE

Kidapawan* Hagupit ng mga Salita* Hulagpos* Magagapi ang Isa Ngunit Hindi ang Pangkat* Not All You Sow Will Be Rip*

Awit* Basang Likod Big Ass Bilibid or Not Kidapawan Copy That* Dear Santa* Latak* Mananaig* Pagpupugay Kay Ama* See Oh, See Yunit*

BAYANI

Clima[k]e Chains Sala sa Init, Sala sa Lamig

BOMBAY

GALVEZ

With Praise*

Sana

GOGOLIN

CENA

Ligaw Oo Na Naiwan Ko ang Popcorn sa Bag Ko We Were Not

DELA CRUZ

Bulong sa Mapagpalalong Katahimikan* Fade-Out*

DIONCO

Muli sa Simula*

ECHEVARIA

20/20* Ano ang Kulay ng Tubig?* Panibagong Araw*

Pabili Po* Uwang*

MACATANGAY

Ang mga Sedang Humahabi sa Bahaghari Gilid* Kung Bakit Ayaw Kong Pagmasdan ang Alapaap ng Gabi Lakbay*

MALIT

Grandpa’s Last Letter to Juliet Imposter Loving a Writer Mapanuyang Ngiti

NAJITO Intensyon


OBNAMIA

Tamang Panahon

PELAEZ

Ang Tagumpay Nila sa Ika-anim na Pagkakataon*

PELIPADA

Kape at Pandesal

PINILI

Blotted Paper* Sa Napunit na Unang Pahina*

QUERUBIN

20/20* All Young * Ano ang Kulay ng Tubig?* Awit* Emblem* Gilid* Huli Na Nang Nalaman Ko Lakbay* Mananaig* Mayumi* Panibagong Araw* Payo Tining*

SABANDANA Kulto ng Kalye Mandirigma Tuldok

SINAG

Ano ang Kulay ng Tubig?* Hindi Ako si Jose Rizal Kolorum Mananaig* Tanikala*

SOLEDAD

Catena Sana... Kung… Tech[knowledge]y

TABI

Bukang Liwayway Jeepney [but not] Love Story Nalalabing Isang Oras

TIUSAN

Mabuhay Ka, Lumad

UNTALAN

Moro* In the Grease* Mama Nowhere*

VILLAMATER

Greed in Green * Hanggang Kailan Kita Muli Mayayakap Jewel Beyond the Palace* Kuyumos na Papel Nang Makilala ng Adik ang Geek at Vice Versa Saklolo! Siete Kwatro* Tsokolate ang Dating

SPARKISTA

Awit* Emblem* Gilid* Kutitap* Lakbay* Mayumi* Panibagong Araw* Tining*

*dibuho/larawan

ATSIKRAPS

NOMBREFIA


Sa Sandaling Huminto ang Lahat

Sa kabila ng pagkalunod ng kasalukuyan sa teknolohiya, nagpapatuloy ang mga mandirigma sa kanilang rebolusyon. Iba’t ibang abstraktong interpretasyon, huna ang inunawa upang marating ang patutunguhan. Sa huli, ang bawat indibidwal ay magtatagpo sapagkat ang sila ay pinaguugnay ng balánì. Ang pagtangan ng folio na ito sa inyong paglalayag ang nagbibigay katwiran sa aming mga rebolusyonaryo na ipalaganap sa mas nakararami ang adhikain na magbasa, mag-aral at kumatha ng panitikan. Makailan nang binigo ng pagkakataon at pinapatay ang pag-asa ngunit hindi mo hinayaang matututop ang liwanag sa sûbangon. Hanggang sa muling pagniniig ng ating mga salita. Salamat.


The Spark

Patnugutang 2015-2016 FAITH P. MACATANGAY Punong Patnugot at Namamahala, Seksiyon ng Panitikan MARK ANGELO M. TIUSAN Kapatnugot at Namamahala, Seksiyon ng Lathalain at Kultura EDILBERTO R. FUERTE Tagapamahalang Patnugot MA. MICHELLE B. OBNAMIA Tagapamahala sa Opisina at Sirkulasyon MARX JENDRE S. SABANDANA Direktor ng Pananaliksik at Dokumentasyon BEEJAY C. GALVEZ Patnugot sa Pagwawasto CARLO OLYVEN H. BAYANI Patnugot ng Balita at Isports NEIL ALLEN T. CENA Patnugot ng Inhinyeriya at Teknolohiya ROSS EMMANUEL B. PINILI Direktor ng Sining at Grapiks KATHERINE S. QUERUBIN Direktor ng Larawan at Bidyo MARIA CARMELA R. SINAG Direktor ng Disenyo ng Pahina at Paglalapat MARY ANN C. BOMBAY Direktor ng Onlayn na Pamamahayag JOHN RYAN L. BANAAG EMMANUEL L. DELA CRUZ CHRISTIAN M. DIONCO ZYRA D. PELIPADA ERVIN JOSEPH D. SOLEDAD PAUL J. TABI NINA SARAH C. UNTALAN JAYVEN Q. VILLAMATER Mga Kawani

Unang Palapag, Gusaling MHDP Pambansang Pamantasan ng Katimugang Luzon Kolehiyo ng Inhinyeriya Lukban, Quezon 4328 Pilipinas www. facebook.com/thespark.slsu www. facebook.com/paleta.thespark

ALRIC R. ABRIL LYCAH P. BIHAG CHARMAYNE MARI S. BOJILADOR TOM LOIS A. ECHEVARRIA JOT JAIO R. GOGOLIN ROBIN YVONNE N. MALIT CZARLAINE IVY D. NAJITO IAN KRISTOFFER C. NOMBREFIA RANIEL R. PELAEZ JOEY M. QUINDOZA Mga Baguhang Kawani ENGR. MA. CORAZON B. ABEJO ENGR. MAURINO N. ABUEL Mga Teknikal na Tagapayo Miyembro ng COLLEGE EDITORS GUILD OF THE PHILIPPINES


the spark


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook

Articles inside

Mandirigma

0
page 126

Muli sa Simula

0
page 122

We Were Not

0
page 117

Imposter

1min
pages 114-115

Jewel Beyond the Palace

0
page 113

Fade-Out

0
page 112

Tamang Panahon

0
page 111

Jeepney [but not] Love Story

2min
pages 107-108

Emblem

0
page 109

Nalalabing Isang Oras

1min
page 106

Moro

0
page 105

Blotted Paper

0
page 93

Ligaw

0
page 99

Clima[k]e Chains

0
page 92

Tuldok

0
page 91

Ang Tagumpay Nila sa Ika-anim na Pagkakataon

0
page 87

Mabuhay ka, Lumad

0
page 89

With Praise

0
page 86

Kuyumos na Papel

5min
pages 80-85

Sala sa Init, Sala sa Lamig

0
page 78

Dear Santa

0
page 79

Nang Makilala ng Adik ang Geek at Vice Versa

2min
pages 75-76

Intensyon

1min
pages 72-73

Kung Bakit Ayaw kong Pagmasdan ang Alapaap ng Gabi

5min
pages 64-69

Pabili Po

0
page 70

Ano ang Kulay ng Tubig?

0
page 63

Magagapi ang Isa Ngunit Hindi ang Pangkat

0
page 61

Not All You Sow Will be Rip

0
page 58

Basang Likod

1min
page 60

Loving a Writer

0
page 59

Bulong sa Mapagpalalong Katahimikan

0
page 57

Hindi Ako si Jose Rizal

0
page 56

Tech [knowledge]Y

0
pages 53-55

Kape at Pandesal

0
page 48

Payo

0
page 44

Mapanuyang Ngiti

0
page 47

Mama Nowhere

0
page 45

Tanikala

0
page 46

Saklolo

4min
pages 38-41

Hanggang Kailan kita Muli Mayayakap

0
page 35

Kolorum

0
page 34

In the Grease

0
page 20

Greed in Green

0
page 33

Oo Na

1min
pages 21-26

Ang mga Sedang Humahabi sa Bahaghari

0
pages 11-13

All Young 16. 20/20

0
page 19

Huli na Nang Nalaman Ko

5min
pages 14-17

Sa Napunit na Unang Pahina

0
page 32

Grandpa’s Last Letter to Juliet

4min
pages 27-31
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.