5 minute read
Kuyumos na Papel
“Hindi lang puro ang paligid niya ang bumubuo ng kwentong dapat ikwento ng bata.”
Kuyumos= n Ppel=
Advertisement
Sumasakit na ang mga binti ko sa pagtakbo. Dala na rin siguro ng mga pahanong lumipas. Malalaking puno. Itim na putik. Buhos ng ulan. Ito ang mga kasalubong at kasabay sa madilim at papadilim pang daanan.
Unti-unti nang napupundi ang dala kong ilaw ng lighter. Tumigil saglit ang ulan. Yumuko at agad tumago sa ilang halamang ligaw na sapat lang para maitago ang payat kong katawan. Dumarami ang liwanag, kalat sa iba’t-ibang direksyon, palapit. Hindi ito mga liwanag para lang mawala ang dilim. Hindi rin masasabing mga kaibigan ko sila. Lumalakas ang mga yabag ng mabibigat ng sapatos. Kasabay ng panginginig ng labi ko sa lamig. Halos kalahating araw na rin pala mula ng makainom ako ng matinong tubig at pagkain. Halos ilang minuto, hanggang umabot ng oras, ang pagtakbong ito.
Hindi ako ang may sala sa mga salita. Pinili nila ako para isulat sila. Dapat nga ang mga punyetang ‘to ang dapat mapanagot. Sila itong may dalang bakal at pulbura.
Ikaka-proud siguro ngayong ako ni Imama, kasi sa wakas natapos ko na ang una kong kwento. Noon madalas niyang sabihing na kahit nasa pareho kayong landas; e, magkaiba pa rin ang tingin, pananaw at trip sa buhay. Nainis ako sa mga sinabi niyang ‘yon. Wala kasi akong naintindihan. Masyado pa ‘ata akong bata no’n para maintindihan ang mga bugtong ni Imama. Pero pagkalipas
din nang ilang taon, umalis si Imama. At hindi na muling bumalik sa bayan namin.
Hindi na gumagana ang ilaw ng lighter na kanina’y masigla pa sa alitaptap. Pero patuloy pa rin ang pagkasilo ko sa tindi ng liwanag mula sa paligid. Sigurado akong hindi ito sikat ng araw. Sa isip ko, hindi ito ang liwanag ng pagasang hinihingi ko. At hindi rin ito ang liwanag tulad ng sinasabi sa pahina ng mga katolikong sagrado, na magliligtas o tagapagligtas sa akin sa pagkakataong ito. —Bravo Six to Big Bird, do you copy?
Ang pareho kong kamay na kanina’y nakataas sa hangin, ngayon’y nasa likuran ko naman. Pero walang pinagbago, malamig at maputla pa rin tulad no’ng una. Naalala ko bigla ang mga batang minsa’y tinuruan kong bumasa at sumalat ng mga gusto nila. Kinumusta ko sila, kahit sa isip lang. —Copy that.
Sinubukan kong ipabasa sa iba ang ginawa kong kwento. Kaso wala namang interesadong patulan. Ni basahin ang kaunting pahina o hawakan man lang. Bigla na lang silang titingin sa’kin. Parang nagtatanong na tingin. Hindi naman daw bagay sa ‘kin ang magsulat, ito sa karaniwang sabi nila.
Matapos ng ilang sipa at suntok, heto’t nakatayo pa ako. Dumilim dahil sa telang humaharang sa aking mga mata. Iginapos nila sa mga kamay ko ang makapal na lubid. Pero hindi naman paralisado ang iba ko pang pandama. Amoy sa buong kwarto kung nasa’n ako ang pinaghalong sunog na dahon at kemikal. Ang mga punyeta, nabigyan pa ng badget para sa bisyo. Sa tantiya ko, ilang silya at klasrum din sa elementarya ang kayang mabili ng perang ginagastos nila. Tinapyas lang nila ang badget ng edukasyon para lang sa pang-chongki ng hinayupak na mga ‘to. Rinig ko rin ang ingay mula sa katabing kwarto. Isang babae’ng sumigaw. Pero hindi tulad ng paghihirap ko, ang kanya ay sarap. Tunog ng mga
balat. Sa harap ko, may mesa kung saan may nakaupo sa silya at rinig ko ang pagwasiwas niya ng papel sa hangin. —Mga Bakwet: Sa Likod ng Militarisasyon sa Quezon, makatang bigkas ng nakaupo. —ikaw ang ‘tang inang sumulat nito, tama?
Ang una kong pangarap noon ay maging manunulat. Sa bayanihan tuwing hapon, may libreng nagtuturo — Si Imama. Maraming libro sa maliit niyang kariton. Papel, lapis, bolpen at iba pang maiisip mong nasa loob ng bag ng karaniwang estudyante. Sa isip ko, wala namang siyang napapala sa pagtuturo sa amin. Wala naman kaming binabayarang entrance, toll, tuition per unit o kotong man lang, kahit tig-li-limang piso kami. Hindi rin siya nababalita sa T.V. para mapansin at makatanggap ng limpak-limpak na parangal at gantimpala. Kaya nang minsan natanong ko ang mga gusto kong itanong. Kung bakit nga ba kami tinuruan?
—Walang lang, sagot niya. — Gusto ko lang ikwento ng mga bata ang kwentong bumubuo sa paligid niya. Hindi lang puro ang paligid niya ang bumubuo ng kwentong dapat ikwento ng bata.
Muli akong nainis. Heto na naman ang mga bugtong ni Imama.
Sumasakit na ang mga binti ko sa pagtakbo. Dala na rin siguro ng mga pahanong lumipas. Malalaking puno. Itim na putik. Buhos ng ulan. Ito ang mga kasalubong at kasabay sa madilim at papadilim pang daanan. Hindi ako ang may sala sa mga salita. Pinili nila ako para isulat sila. Dapat nga ang mga punyetang ‘to ang dapat mapanagot. Sila itong may dalang bakal at pulbura.
Mula sa lugar kung saan
nagtuturo si Imama, ang bahay namin ay ilang lakaran din kung tutuusin kaya sinisikap kong mauna sa pagtuturo. Kaunti lang ang kilala kong kapitbahay. Kadalasan kasi isang sakay rin ng kalabaw bago marating ang kapitbahay mo. Pero masaya pa rin kami kasama ng mga puno roon. —Sino po sila?
Bumuhal si Tatay sa tama ng baril sa ulo. Si Nanay pinagtulungan ng iba, ‘yong sa harapan. ‘Yong isa naman, sa likod habang hawak sa harapan niya ang buhok ni Nanay. ‘Di rin nagtagal pinutukan si Nanay ng baril sa pagitan ng hita nito. Mga rebelde raw sila, ito ang pakilala nila. Hindi raw kami nagbayad ng buwis. At ako — naiwang buhay sa kamatayan. Takot. Nanginginig sa takot.
Tumigil na ako sa pagsulat mula no’n. Wala na at matagal ko ng tinapon ang pangarap na ‘yon. Tama sila. Hindi bagay sa tulad ko ang punyetang pagsusulat. Hindi ko ‘to ikakayaman. Hindi ka nito mapapakain.
Tinabunan nang putik ang babaeng kanina’y binabayo ko nang paulit-ulit hanggang mawalan ng malay. Ito na ang pagkakataon ko para hampasin ko siya ng M-14 ko. Putok ang ulo ng putang babae. Kasama niya ang isang lalaki sa hukay. Sa tingin ko, may katandaan na. Wasak ang muk’a. Ibinigay sa ’kin ang isang piraso ng papel. Muli akong sumulat: Rapist, huwag pamarisan. Gaya ng iniutos ni Major, na noon ay may kuyumos na papel sa kamay.
Para sa mga manggagawa ng Kentex na pinagkaitan ng kanilang mga karapatan
Tsinelas ma’y mapatid, Pisi ng pagkakaisa’y ‘di matitinag. Tinupok man ng apoy ang inyong pangarap, ‘Di mapaparam ang alab na ipagpatuloy ang aming paglalakbay.