PALETA
KUYUMOS NA PAPEL Kuyumos= n Ppel= “Hindi lang puro ang paligid niya ang bumubuo ng kwentong dapat ikwento ng bata.”
Sumasakit na ang mga binti ko sa pagtakbo. Dala na rin siguro ng mga pahanong lumipas. Malalaking puno. Itim na putik. Buhos ng ulan. Ito ang mga kasalubong at kasabay sa madilim at papadilim pang daanan.
mula ng makainom ako ng matinong tubig at pagkain. Halos ilang minuto, hanggang umabot ng oras, ang pagtakbong ito. Hindi ako ang may sala sa mga salita. Pinili nila ako para isulat sila. Dapat nga ang mga punyetang ‘to ang dapat mapanagot. Sila itong may dalang bakal at pulbura.
Unti-unti nang napupundi ang dala kong ilaw ng lighter. Tumigil saglit ang ulan. Yumuko at agad tumago sa ilang halamang ligaw na sapat lang para maitago ang payat kong katawan. Dumarami ang liwanag, kalat sa iba’t-ibang direksyon, palapit. Hindi ito mga liwanag para lang mawala ang dilim. Hindi rin masasabing mga kaibigan ko sila. Lumalakas ang mga yabag ng mabibigat ng sapatos. Kasabay ng panginginig ng labi ko sa lamig. Halos kalahating araw na rin pala
Ikaka-proud siguro ngayong ako ni Imama, kasi sa wakas natapos ko na ang una kong kwento. Noon madalas niyang sabihing na kahit nasa pareho kayong landas; e, magkaiba pa rin ang tingin, pananaw at trip sa buhay. Nainis ako sa mga sinabi niyang ‘yon. Wala kasi akong naintindihan. Masyado pa ‘ata akong bata no’n para maintindihan ang mga bugtong ni Imama. Pero pagkalipas 70