KRPSKL SX
From me: sorry note
SA ACE
Ilang edisyon na ang nagdaan. Ilang taon na rin ang ginugol at lumipas. Bumagsak na’t lahat pero heto pa rin, itinutuloy ng mga katawang lupang Sparkista ang Krapsikol, ang manwal na kool. At ngayon ngang nasa ika-anim na yugto na tayong patuloy na umiibig at nagmumulat ay patuloy lang din nating ilalabas ang kakulitang itinatago upang ibigay ang istorya ng bawat mag-aaral ng ating minamahal na kolehiyo, ang Kolehiyo ng Inhinyeriya. Nakadapa, nakaupo, nagbubuhos, nanamit, at nabigo. Sa edisyong ito, babasagin natin ang tradisyon. Babasagin natin ang nakagawian. Haharap na si Pilar, ang estudyanteng sumisimbolo sa ating lahat, ang ating modelo simula pa noong unang yugto ng Krapsikol. Marami-rami na rin ang pinagdaanan ni Pilar. Nagsimula sa lakas ng loob sa pagpasok sa mga tarangkahan, tumapak sa gusali at lumaban sa matinding digmaan sa loob ng limang taon. Maraming nagbigay sa kanya ng dahilan upang itigil ang laban. Maraming nagduda sa kanyang kakayahan. Maraming nagtanong kung bakit niya pinili ang ganoong laban. Maraming sumubok na pigilan siya ngunit hindi siya nagpatinag. Tinatagan niya ang kanyang loob. Tinutukan niya ang gintong naghihintay sa kanya. Hindi siya tumigil. Lumaban siya. At higit sa lahat, hindi siya sumuko.
Matapos ang limang taon, matapos ang ilang pagkabigo, matapos ang ilang pagpupunyagi, matapos ang pagsasanay, tatahakin na niya ang nakatakdang landas. Makakamit na niya ang tagumpay. Lalabas na siya sa tarangkahan ngunit sa ibang anyo. Mamamalagi siya sa mundong mayroon nang pagmamalaki. Handa na niyang harapin ang mas mabigat na landas. Handa na niyang tahakin ang mas mahirap na daan. Handa na niyang harapin ang mas malaki pang laban. Hindi na siya kakabahan sapagkat hawak na niya ang kanyang ace card, ang kanyang alas, ang salitang “Engr.” na idudugsong sa unahan ng kanyang pangalan. Pero bago ang lahat, magbalik-tanaw tayo. Kumustahin natin si Pilar. Ano nga ba ang kalagayan niya? Ano nga ba ang tunay na nangyari sa kanya? Halika’t ating alamin at tunghayan.
Paul J. Tabi Features and Culture Editor
kabuuang disenyo ni: Marx Jendre S. Sabandana harapang larawan ni: Katherine S. Querubin likurang dibuho ni: John Ryan L. Banaag
KRPSKL SX
BABALA Ang malupit na kwadernong ‘to ay pagmamay-ari ko, na ang pangalan ay _______________________________ na nagmula sa planetang _____________ , kaya ipinanganak na mukhang __________________ . Ako ay _______ taong gulang na at may balak na mamalagi pa sa mundong ibabaw sa loob ng ________________ . Kasalukuyan kong kinukuha ang kursong ________________________ , at ngayon ay nasa ika ________ taon na. Kung mangyari ang ‘di inaasahan ay lilipat sa kursong ______________________________ . Magaling ako sa sabdyek na __________________________ , at ang paborito kong guro ay si _________________________ dahil ___________________________ ngunit hindi ko malilimutan ang propesor kong si ___________________________________ dahil ________________________________________ . Madalas mo akong makikita sa _____________________________, pero ang paborito kong tambayan ay sa ______________________________ dahil doon ako nakakikita ng ____________________ . Mahilig ako sa ____________________ at hindi mo gugustuhing ako ay ______________________. Arawaraw akong nanonood ng ______________________ kaya tuwing _____________________ ng madalingaraw ay maaabutan mo akong gising. Marami na akong karanasan. Ang _________________ sa dyip, ang __________________ sa kantin, ang ____________________ sa klase, at ang _____________________ sa banyo. Hilig ko ring laruin ang aking _____________________ tuwing hatinggabi. Mabait ako sa mga taong _______________________ , at ayaw ko sa mga taong _______________________ . May gusto ako kay ___________________ na may gusto naman kay _________________________ . Naniniwala ako na ____________ poreber kaya sa huli, makakatuluyan ko si ______________________ na mukhang __________________ dahil _____________________________ . Higit sa lahat ng mga ‘to, ang paniniwala ko sa buhay ay ____________________________ _________________________________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________________________________________ .
Trulibels, insert your throwback photo here
__________________________________________________ Signed. Sealed. Gragraduate rin balang araw.
KRPSKL SX
Engr. Milo O. Placino
New Year
AWKWARD JUICE
Engr. Ronnel S. Nombrefia
Enero 20 - Pebrero 18
Kinikislap ng mga tala ay tila ‘di kanaisnais. Isa sa mga boardmates mo, toothbrush mo na pala ang ginagamit. Mapapansin mo na lang na ang hininga ninyo’y nagkapalit. Pati laway niyang panis sa toothbrush mo ay kumapit. Ilagay at itago na ito para safe ang iyong gamit. Bumili na rin ng mouthwash para linisin ang iyong bibig.
Engr. Lloyd T. Panganiban
Engr. Conrado E. Quinalayo
Engr. Maribelle A. Gaytano
Chinese NewYear
Lucky Color: Kulay ng iyong toothbrush. Lucky Number: 360
disenyo ni: Carlo
KRPSKL SX
Olyven H. Bayani
Ideya
Melody D. Lunario “Ang pagmamahal ay isang desisyon hindi emosyon.” Iyan ang turo sa akin ng mga magulang ko dahil alam nilang nagbibinata na ako at ‘di tatagal ay iibig din. Dumating ang araw na nakita kita at doo’y nagustuhan kita. Aaminin ko, naakit pa nga ako sa’yo noon. Nang nakilala na kita ‘di pa ako sigurado. ‘Di ko rin alam kung sasagutin mo ‘ko o kung magtatagal ba tayo. Minsan naisip ko rin kung bagay ba tayo. ‘Di ko rin alam kung saan pupunta ito pero sumugal ako. Nakaaakit ka talaga. Pambihira ang hubog ng iyong pigura. Hanggang sa niligawan na kita. Doon, nakita ko na ang ugali mo. Gusto naman kita pero bakit kung minsan ang hirap mong intindihin. Napaka komplikado mo, pero ‘di ko maipaliwanag ang saya kapag kasama kita. Kahit nasasaan lang tayo’y parang sarili lang natin ang mundo. Nagkakaunawaan na tayo at napapalapit sa isa’t isa. Hanggang sa magustuhan mo na ako at nagkaaroon ng tayo. Ipinakilala kita sa mga magulang ko at tinanggap ka naman nila. Kahit na bago pa lang tayo, malakas ang loob ko na hindi mo ako iiwan kasi ‘di naman kita susukuan. Tuwing magkasama tayo, minsan ordinary lang, minsan masaya, minsan malungkot, pero madalas ay ganado ako sayo. Ewan ko nga ba kung bakit gusto kita pero ang tanging alam ko lang ay ‘pag kasama kita, ginaganahan ako at nalilibugan sa’yo. Minsang magkasama tayo sa canteen, tumitingin ang ibang estudyante at iniisip nilang para bang may mali. Tinatagan na lang natin ang loob at ipinagpatuloy ang nararamdaman. Doon na nga lang tayo palaging tumatambay sa library sapagkat doon, walang mga mapanghusgang isipan, walang manlalait sa’tin at doon, masosolo kita. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam itong pinasok ko, pero ang sarap mo at hindi kita titigilan. Ipaglalaban kita hanggang sa huli. Mahal na mahal ko ang isang ideya na piliin ka. Ang kursong desisyon kong tumalima. Kursong nagkatawang pahina. Mga pahinang nalimbag na mga pigura. Mga pigurang mula sa ating mga ideya. Ang mundong ito ay kinokontrol ng ating mga isipan. Ang ating mga isipan na punong-puno ng kabuluhan. Kung wala ang ideya, walang tao. Kung wala ang tao, walang tayo.
Alangan
larawan ni: Gester
KRPSKL KRPSKLSX SX
Bern C. Caña
Hinala
dibuho ni: Nina
KRPSKL SX
Sarah C. Untalan
KRPSKL SX
Ang Pinakamasakit na Hugot Maria Carmela R. Sinag Nagmahal, nasaktan, nagmove-on, gumanda. Disclaimer: Hindi ito puro ultimate hugot para sa crush mong hindi ka naman crush dahil may jowang iba. Hindi rin ito isang ad o mala-post sa social media. Ikaw na nakaranas ng pagmamahal, patuloy na nasasaktan at hindi pa rin maka-move on, baka para sa iyo ito. Nagmahal na halos ang lahat ng gastusin ngunit hindi tumaas ang sahod ng nanay o tatay mo. Hindi mo pansin ito sapagkat ang alam mo lang naman ay sumahod, humingi ng baon at magreklamo sa pagkaing nasa lamesa kapag hindi mo nagustuhan ang mga ito. Ingrata o manhid ka lang ba talaga? Kailan mo malalamang taun-taong nagmamahal ang tuition fee sa ibang mga kolehiyo at unibersidad? At dahil sa pagmamahal na ‘yan, ilang buhay ng estudyanteng hindi makabayad ang nawala. Nasaktan at patuloy na nasasaktan ang mga nakararamdam ng pagmamahal. Walang katapusang pasakit na dulot ng isang sistemang pinakikinabangan lamang ng iilan. Silang mga nagpapakasaya habang marami sa atin ay nasasaktan. Silang mga lumalapit sa atin ‘pag may kailangan ngunit ‘asan sila pagkatapos noon? Ikaw, hindi ka ba nasasaktan? O baka hindi mo lang nararamdaman? Nag-move on sa mga kalsada ng Mendiola at Edsa na nakataas ang kamao at sumigaw ng may hawak na plakards. Ngunit puro panlalait at masasakit na salita ang natanggap nila. Sila na piniling hindi itikom ang bibig para sa karapatan ng lahat; silang mga nakikibaka para pigilan ang pagtataas ng matrikula; silang patuloy na nagsisiwalat ng katotohanan ngunit sila pang lumalabas na ‘di kanais-nais; at silang mga dakila kung magmahal kahit hindi ito masuklian. Patuloy silang makikibaka para hindi maitaas ang ating matrikula. Gumanda raw ang ekonomiya nitong mga nakaraang taon. Totoo, ngunit anong klaseng pagganda ba ito? Bakit nga ba patuloy pa rin ang mga suliraning kinakaharap ng maraming Pilipino? Isang katunayan lamang siguro ito na ang kanilang ipinagmamalaking ganda ay isang retokada na pilit itinatago ang tunay na kaanyuan. At pagkatapos ng pagmamagandang iyan, patuloy pa rin ang nakasasakit na pagmamahal at hindi mawawala ang mga handang magmoveon sa init ng lansangan para sa ating mga pawang hunghang sa tunay na kalagayan ng lipunan. Nga pala, pagpasensyahan niyo na itong naisulat ko. Wala na kasing laman ang wallet ko. Last na ‘yong binayad ko para sa photocopy kanina.
Bil’han Mo Ako larawan ni: Carl Warren
KRPSKL SX
C. Eleazar
Tapis ni Magda dibuho ni:
Christian M. Dionco KRPSKL SX
EDSA Revolution Anniversary
disenyo ni:
fishes
Katherine S. Querubin
Pebrero 19 - Marso 20
Mararanasan mo ang sumpa ng study area - ang mawalan at masaktan. Akala mo stable ang mga bagay pero hindi. Mawawalan ka ng payong sa panahong malakas ang ulan. Walang closure. Makikita mo siya sa piling ng iba pero hindi mo na magagawang ipaglaban pa. Huwag mo nang subuking hanapin through freedom wall o SLSU CEn dahil wala rin namang pumapansin. Lucky Color: Moss green Lucky Number: Bilang ng payong mong nawala
KRPSKL SX
1/9
KRPSKL SX
Rap ni Pepe Carlo Olyven H. Bayani
Pumitik Lumagitik Pinaglalaruan ang titik Oo May ‘k’ po Hindi po iyon typo Kung sa bagay, ganyan yung mga type niyo Nagdalawang isip na sumilip Sa kinabukasa’y napaisip Kabataan ba ang pag-asa? Kasi aking nabalita, puro gimik inatupag Puro hugot Nabansagan pang salot sa lipunang may poot Paano natin malilimot? Sakit ng kahapon lumalala pa hanggang ngayon Dito ba natin iaasa inaasam nating pag-ahon? Paiklian Pahapitan Nang-aakit Malagkit Mga damit ang kumalabit sa demonyong mapanakit Paralisa sa silya, sa kama maghapong nakahiga Humihinga pero hindi nabubuhay dahil sa pagkalupasay Unti-unti ng pinapatay at nilalamon ng gadget Nakalimutang iunat ang puwit
Nagkocomment pa sa friendship ng wasak, careful, sabog at punit Huwag nang sayangin ang panahon sa LoL o DotA Pota tagtipid ka ‘ata Anong pagkain mo? Kalahating kanin at langgonisa? Natalo sa pusta? Tapos mumura-mura Ikaw d’yan nagpapakasasa sa perang hindi naman ikaw ang naghirap kumuha Naisip mo ba si ama’t ina? Silang naghirap magtrabaho Kapatid, galing mo magpalaki ng ulo Oo parehong ulo Kanina puro hugot lang si ate, ngayon biglang “Baon mo na beh?”
Dati hotdog lang binabaon, ngayon hotdog na bumabaon? Pa’no ‘pag nabuo? Ang kulo naging gulo Madali ba sa tingin mo ang pinasok mo? Oo madali, noong ipinasok mo Pero paglabas laking hirap Sa una lang ang sarap Mamaya hahanap ng gatas para sa bagong parte ng aasahan Kabataan Ito ba ang tinatawag kong pag-asa? Teka, buti pa ang PAGASA Hindi paasa Baka ito na ang oras Iwasiwas Lagyan ng tawas ang baho ng lipunang umaawas Umaalingasaw ang putok Ng makabagong henerasyon Hindi kinaya ng orasyon Bine-brain wash ng imbensyon Hindi pa pala tayo malaya hanggang ngayon BOOM!
KRPSKL SX
dibuho ni: John
KRPSKL SX
Ryan L. Banaag
https://www.krapshub.com/video?=rFCqNypi
kraps hub
0:00/10:59
YOUNG MAN SATISFIES GIRLFRIEND 1,000,001 views
Tobu SUBSCRIBE
Add to Favorites
1,548
96
write a comment...
lover_boiiii_912 Swerte naman ni kuya, um-oo si ate <3 <3 <3 Stranger_7586 The sweetest YES aQ_c_ma.cathy468 Sana ako rin :(((((((
KRPSKL SX
Ang Panibugho ni Agapito Hagudero Vyrone L. Herrera | Christine Lorraine O. Reyes
Taas baba, taas baba, taas baba Ang sarap sa pakiramdam Ang sarap pakinggan Naaalala mo ba ‘yong malakas mong halinghing? Naiingayan pa nga ‘yong mga kasama natin Kaya ayon, tinigil ko na ang paghagod Pagod na kasi ako Ngalay na pati ang kamay Natulog tayong magkasiping Nagising akong walang katabi Hinanap kita upang haguring muli Nag-iinit na kasi ang aking mga daliri Pero huli na ang lahat Nakita kitang nakahandusay sa kama ng iba Totoong masakit at masaklap Mukha ka kasing ginamit at hinagod pa ng iba Muli kitang kinuha Sinubukang hagurin pa Pero iba Hindi na mahanap ang dating ligaya Ilang oras ang nakalipas Nagsawa akong gamitin ka Nagsawa ring humagod pa Kaya iniwan kitang nakahandusay sa kama Habang ako’y humahagod na ng iba Pasensya na mahal kong gitara.
dibuho ni: Jayven
KRPSKL SX
Q. Villamater
Engr. Efren D. Villaverde
Engr. Delia O. Evangelista
Engr. Marlon A. Constantino
disenyo ni:
Raniel R. Pelaez
ARIS-TO-TELL Marso 21 - Abril 19
Lucky Color: Kulay ng ballpen mo Lucky Number: 1
Isa ka sa mga brainy ng unibersidad, pero sa kasamaang palad, ‘di mo pa ito nadidiskubre. Pasado ka na sana sa iyong exam ngunit dahil sa isang erasure ng true or false, mababawasan ang score mo ng isang puntos na dahilan para ika’y bumagsak. Epekto nito ay mageextend ka sa CEn at aabutin ng paglipat sa Lucena campus. Better luck next time na lang friend.
KRPSKL SX
2/9
KRPSKL SX
Engr. Ronelito O. San Jose
Engr. Rosanna M. De Veluz
Engr. Jeru Shalom A. Barlos
Engr. Gilbert R. Esquillo
Engr. Jerwin B. Asutilla
Engr. Jamaica C. Saliendra
Engr. Jayde C. Mirandilla
TAWAS-RUS Abril 20 - Mayo 20 Lucky year mo ‘to dahil makakapasa ka sa removal ng subject na matagal mo nang ginagapang. Pero dahil magaling manghuli ang prof mo, madidiskubre niya na mayroong kumalat na leakage. Gumawa ka na ng “Last Will and Testament” dahil tatanggalin na ang iyong pangalan sa master list. Lucky Color: Nakalalasong Pula Lucky Number: Score mo sa removal disenyo ni:
KRPSKL SX
Ross Emmanuel B. Pinili
KRPSKL SX
Pokepoke ManHatDePon Edition Beejay C. Galvez | Raniel R. Pelaez
The creepy old cracked building of ManHatDePon provides a wide range of bio-diversity for Pokepoke creatures with distinct characteristics and personalities that are co-existing with us a long time ago. Many of them are friendly, but most are dangerous and deadly. Some are legendary. Among all of the Pokepoke, there are five prominent types that can be encountered almost anywhere. Here they are:
BOILING BLOOD A boiling blood-type Pokepoke can disintegrate anything that occupies space and has mass, at a glance. Scorching heat from its body radiates and makes it untouchable. Pokepoke of this type is one of the most dangerous creature that ever walked, so you better keep an eye on them and avoid colliding with one as long as possible as you can. Its special attack is “Laser-eye.” STR AGI
INT
WATERY MOUTH A watery mouth-type Pokepoke can drown and dissolve living organisms with its acid saliva sprayer gun. Heavy rain pours as it opens its mouth. Pokepoke of this type is as dangerous as the boiling blood types. Beware of the “Acid Saliva Spray.”
STR AGI
INT
FOOD MANIAC A food maniac-type Pokepoke can bring earthquake to where it moves. They can’t fit through doors so they walk sideways. Their bulging and shapeless bodies were the results of a big appetite for foods. They eat everything, even us. Avoiding its “Stomach Bounce” results in low casualty. STR AGI
INT
KRPSKL SX
SPIRIT A spirit-type Pokepoke has the ability to vanish and always leaves a trace - a small piece of paper. It has a zero-visibility anti-enemy cloak that let it lurks in the shadows. Pokepoke of this type doesn’t know the essence of existence. Nobody can predict how deadly it is. Nobody can see its “Invisible Punch.” STR AGI
INT
BEAST A beast-type Pokepoke can bring terror and destruction to the world. It shows no mercy and feeds on suffering and pain. Pokepoke of this type is the most dangerous type of all and already killed a thousand souls. Only the best can survive its calamity. No signs of emotions even the slightest of sympathy. Death is inevitable. STR AGI
INT
There are many more types of Pokepoke. Categorizing and naming them is up to you. But do remember, Gotta escape from ‘em all!
KRPSKL SX
JAM & I
Mayo 21 - Hunyo 20 Lucky Color: Strawberry Red Lucky Number: 1+1=1
Mapapansin ka na ng ultimate crush mo dahil malalaman na niyang ikaw ang nakatadhana. Nakaguhit sa iyong mga palad ang misyon mo simula nang ika’y ipinanganak. Malapit nang dumating ang nakatakdang araw, ang maging isa kang… alay.
MAY CALENDAR
Engr. Pitz G. Lagrazon
Labor Day
Engr. Benedicto V. Dayahan
Engr. Meller P. Gonzales
Engr. Jane Rose Caja
Pahiyas Festival Engr. Rosalie Gutierrez
Engr. Mark Joseph M. Ipa
Engr. Ten M. Sacopla
disenyo ni:
Marx Jendre S. Sabandana KRPSKL SX
KRPSKL SX
Engr. Maria Corazon B. Abejo
Engr. Alni M. Guiruela
Engr. Aubee T. Mahusay
Independence Day Engr. Maurine C. Panergo
Engr. Maurino N. Abuel
Engr. Emerson A. Nadera Engr. Arminda A. Gaela Engr. Bessie Ann N. Oblea
disenyo ni:
Marx Jendre S. Sabandana
CAN-SIR Hunyo 21 - Hulyo 22 Iwasan ang yosi, nakaka-cancer. Iwasan ang marijuana, illegal ‘yan dito sa Pilipinas. Iwasan ang bawal na gamot, baka matagpuang may plakard. Ngunit ang dapat pinakaiwasan ay ang pagpasok sa klase ng ‘di ligo. Ikaw din, lalayo sa’yo ang mga kaklase mo’t wala kang mapagtatanungan o makokopyahan. Lucky Color: Kalamansi Green Lucky Number: -8
KRPSKL SX
3/9
KRPSKL SX
4/9
KRPSKL SX
July
Engr. Reynaldo M. Ignacio
Engr. Marcelito P. Oblea
disenyo ni: Julius
Mandy O. Valonzo
LEO GARDO DE KAPIT YO! Hulyo 23 - Agosto 22 Maganda ang pinakikita ng mahiwagang bolang kristal. Makapupulot ka lang naman ng jackpot. Oo, jackpot mula sa tiyan ng mga hayop. At oo, kapag sinabi kong hayop, kasama rito ang hayop mong kaibigang umagaw sa iyong minamahal. Paalala: magandang pangitain ito sapagkat ayon sa paniniwala, may dulot itong buwenas. Lucky Color: Brown with spots of green Lucky Number: 9009 (Basahin sa salamin para mas dama)
KRPSKL SX
Jack Colin @jackcolin “Okay lang yung ulo na parang binibiyak, kaysa yung biyak na parang inuulo.” “Sistema ka ba? Kainin mo naman ako.” Look Ban, K-Zone, Feel Lip Pain Ass 0.06 PALOWING
600 PALOWERS
SWEETS
ABOUT Ako ay yummy at hot male that come (akoayyummy@hotmail.com) SLSU formerly PUQue Sikip Lang Sa Una formerly Polytechnic University of Quezon
Threats
Jack Colin @jackcolin Yung hinihintay mong success, hindi dadating unless gumawa ka ng paraan. Parang tren, dadating sa tamang stop ng buhay mo, pero kung hindi ka sasakay, walang mangyayari.
Sex Change
#DuDirty2016 #KabataanPartylist #CEGPNSPC #PornAChange #CENaTayoUlit #KrapsSX
Jack Colin @jackcolin Kung makapuna sa LGBTQ Community, lakas naman mag @jackcolin sa Lesbian porn. Paker!
#Isparkista #KumikilosNagmumulatUMIIBIG #AlegreJimenezRevival #BomBayani #Rapbeh #MarcosHindiBayani #KrapsShitTeh
SWEET ACTIVITY
Jack Colin @jackcolin Buti pa si @Superbayani sure na Bayani. #MarcosHindiBayani Mary Ann Bombay @meaaaaan Who needs fuck boys to play you on when the government already did. #Laban #DrasticChange Carlo Olyven Bayani @Superbayani Hirap makipagsiksikan, pwede naman sumabit kahit na mawet ka pa ng rain. #JeepToLucban
KRPSKL SX
Who to palo Mary Ann Bombay @meaaaaan The Spark @thespark_slsu
Carlo Olyven Bayani @Superbayani
Jack Colin @jackcolin Ganan talaga @itsmekaeey . Mawalan na ng yaman, huwag lang ng yabang. #HappyFiesta
Jack Colin @jackcolin Age doesn’t define your maturity #DelimaVsDuterte
Jack Colin @jackcolin Yung tropa kong alay @PrettyBoyJames ! @jackcolin mo na yan! #SurePass
Jack Colin @jackcolin Baka kaya tayo binabagsak ng mga prof natin, kasi hindi ako natawa kapag nagjojoke siya. #MMKSerye #ItsJokeTime
Jack Colin @jackcolin May kaklase ako, si Tina. Hot pero flat. #FirstDay
Jack Colin @jackcolin Tama ba desisyon ko na dito magenroll? Edge lang ang data!!! Swerte na kung magsend ang tweet na ‘to. #TaongBundok
Jack Colin @jackcolin Hindi lahat ng bago, maganda at masaya. #EnrollmentFeels #A-E #Tinga #HugotSLSU
Paul Tabi @PaulTabsPogi ‘Yong hustisya sa Pinas nakikiuso sa #MannequinChallenge, walang kibo.
Jack Colin @jackcolin Mygaasssh LSS sa Alay by Kamikazee. Favorite kasi ni prof e. #Rapbeh
Jack Colin @jackcolin Look out for #KrapsShitTeh next year na. So exciting! Harhar! Marx @Markseeemus Ako ang cover plith! Gusto ko colorful bes. Yung bonggacious! Pak Mama! <3
Jack Colin @jackcolin Politicians, Golden State Warriors ba kayo? Sa una lang kayo magaling e. Kapag kelangan na, wala nang magawa. #NBAFinals #CavsNation #DubNation #BURN KRPSKL SX
Emmanuel L. Dela Cruz disenyo ni:
Kilay Story Zyra D. Pelipada Ano bang pakiramdam kapag bigla ka na lang walang makita? Halos kadiliman na ang naging bago mong mundo. Kulang na lang ay umiyak ang langit ng pulang lipstick sa kalungkutan mo. Nasearch mo na lahat sa internet pero walang sagot sa tanong mo na “bakit?” Hindi ito kayang lutasin ng pagpuso ng crush mo sa mga post mo. Wala ring magagawa ang movies na nasa laptop mo para mawala ang sakit. Walang alak ang tatalo sa pait na nararamdaman mo. Puno ang tiyan mo, butas naman ang bulsa mo. Pero hindi mo pa rin mahanap ang salitang “okay lang.” F#%^ you? P^!*&$#*% mo? Walang kwenta ang mga salitang ‘yan para mawala ang problema mo. Magpuyat ka man at lumaki ang eyebags na kasing laki ng kay Daniel Padilla ay huli na ang lahat. Wala na sa’yo ang lahat. Pakinggan mo man ang kanta ng Paramore na Tell Me It’s Okay eh it’s not okay talaga. Baka lang kasi nakalimutan mo na na-inlove ka sa kulay ng mundong maka-green. Hinayaan mong maambunan ka kahit may payong ka naman sa bag. Gutom ka na pero DOTA2 pa rin ang inuna mo. Partida may exam ka pa kinabukasan. Araw-araw mo nang inistalk ‘yong crush mo. Inaabangan mo pa nga minsan ang labas niya. Hindi ka nga nakakaligo dahil ‘di mo kayang tigilan ang anime o K-Drama series mo. Life changing ba ‘te/koya ‘pag natapos mo ito ng isang araw? Tuwing review, food trip ang gawa, may kasama pang nomo. Libre mo pa ang tropa kaya instant peymut ka. Inaabot ka ng umaga sa pagmoma pero pagdating sa school works, hindi mo magawa. Iba ka dude! An’yare sa “living life to the fullest” mo? Kaya heto ka ngayon, mukha nang zombie sa Train to Busan movie sa kaiisip kung paano mo sasabihin ang isang bagay na binalewala mo. Tulad ng ginawa mo sa kanya. Masakit ‘yon. Paano mo sasabihin sa mga taong namomroblema ng allowance mo na si kaforever na ang sineryoso mo at hindi si Thermo? Platinum ka sa LOL, pero daig ‘yon ng grado mo sa major na tumataginting na singko. Walang magagawa ang pagkanta mo ng PPAP kahit mag-overall yellow ka pa ng damit bro. Napuyat ka sa pakikipaglandian kay jowa pero sana kinamusta mo rin si MEC at si pareng ELE. Wa’kwents na lahat. Mag-expect ka na sa bagong taon na iba ang puputok. Dahil imbes na ballpen, lipstick na pula ang pinangsulat sa grado mo. Magsisi ka man dahil pinili mong magkilay kaysa magsunog ng kilay ay wala nang magbabago. Wala na ring magagawa ang luha mo na kulay black at ang suot mong shorts na muntik nang maging panty. Mas mabuti pa na kilayan mo na rin si class card para pak! KRPSKL SX
The Spark Publication Pagsusulit sa Bakas ng Kahapon John Go Austria
NAME: __________________________________________________________ SCORE: ______________________________ COURSE/SECTION: _______________________________________ DATE: 11/18/2016 GENERAL INSTRUCTION: Answer the question properly. Show your complete solution. Box your final answer. Any form of erasure/alteration will be considered wrong. PROBLEM: Isa sa mga sandamakmak na isyu na kinahaharap ng ating bansa ay ang isyu na nakadikit sa pangalang “Ferdinand E. Marcos.” Siya ay dalawampu’t isang taong nanungkulan bilang pangulo ng bansang Pilipinas. May ilang tao ang humanga sa kanyang pamumuno habang ang ilan naman ay nagpupuyos sa galit dahil sa mga ‘di makatarungang pamamalakad nito sa ating bansa. Isa sa dahilan kung bakit siya popular sa ngayon ay dahil sa “Martial Law.” Ito ay umiral noon na nagdisiplina “raw” sa mamamayan ng bansa, dahilan kung bakit nasilaw ang ilan sa liwanag/ningning ng administrasyong Marcos. Liwanag na ‘di mo aakalaing punong puno pala ng kadiliman. Ningning na ayon sa tala ay nagbunsod ng Php167.636 bilyong halagang ninakaw, 3,240 na taong pinatay, 34,000 bilang na tinortyur, 70,000 ang ikinulong at ‘di mabilang na kalayaan/ karapatan ng mamamahayag ang natapakan sa loob ng kanyang administrasyon. Pumapayag ka bang mailibing ang dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani? Kung oo, pumapabor ka na siya’y isang bayani? Oo o Hindi? Palawakin at panindigan ang iyong kasagutan. GIVEN: Martial Law Ferdinand E. Marcos 21 taong pamumuno Php167.636B 3,240 Patay 34,000 Tortured 70,000 kulong
CONSTANT VALUES: #Diktador #Mandarambong #NeverForget #Pang(gulo) Find: Hustisya!!! = ?
SOLUTION: General Forumula:
Demokrasya - (kahirapan)(korupsyon) +
[
[( )
(Paniniwala)(Karanasan)+(Serbisyo-Kasakiman)
Bayan
Katotohanan
Sarili
=y
where: y = prosperity of the country
Final Answer: KRPSKL SX
Gunaw
disenyo ni: Marx Jendre S. Sabandana
*Ang mga larawang ginamit dito ay Rated SPG (Sobrang Pasasalamat sa Google.com)
KRPSKL SX
Trauma Christel Shane Q. Barrameda | Roshaina Marie B. Basit
KRPSKL SX
disenyo ni:
Maria Carmela R. Sinag
Engr. Jennelyn L. Rellorosa Engr. Ehxell L. Gonzales
Engr. Zoren P. Mabunga
Ninoy Aquino Day
National Heroes Day
Engr. Alben B. Bagabaldo
Engr. John E. Tan
Engr. Madonna D. Castro
Lucban Day
Engr. Omar Irish S. Maravilla Engr. Jason M. Ratio Engr. Maria Nieves D. Elarco
PA-VIRGO
Quezon Day
Hulyo 23 - Agosto 22
Lucky Color: Sticky White Lucky Number: 8=D
Magbunyi! Magiging artista ka’t maraming manunuod sa iyo. Maghanda ng mga tissue sapagkat matinding drama ang magiging tema ng inyong live show. At take note, pati ama mo, kasama sa cast. Makakalibre pa ang kapitbahay ninyo dahil sila ang audience. Mag-iiyakan lang naman kayo dahil ipinasa ninyo ng kasintahan mo ang pregnancy test. Ang palabas ay pamamagatang “Labas Lang Bes.” KRPSKL SXMagbunyi!
5/9
KRPSKL SX
Engr. Pedrito V. Dayahan
Engr. John Ceedee M. Alvarez
Engr. Rene M. Inson
Engr. Fabian R. Tagle Engr. Kenneth M. Dela Rosa
Engr. Ramon Arce Vitasa Engr. Melvin A. Makipagay
Engr. Mariebeth P. Seño
disenyo nina:
LIBRA-RY
Roshaina Marie B. Basit | Christel Shane Q. Barrameda
Setyembre 23 - Oktubre 22
Ang binubulong ng hangin ay ‘di kagandahan. Kasabay ng iyong kaarawan ay ang eviction day mo sa iyong boarding house dahil sa tatlong buwang ‘di pagbabayad ng renta. Pero sa kabila ng kamalasan, magkakausap kayo ng crush mo sa library ngunit ito ay upang hingin ang number ng best friend mong crush niya. Lucky Color: Kulay ng damit ng landlord mo sa kaarawan mo Lucky Number: Last digit ng number ng best friend mo
KRPSKL SX
6/9
KRPSKL SX
Eva
Beejay C. Galvez
Mr. Perfekto’s [EPIC]logues Raniel R. Pelaez
TAUHAN:
Heinz D. Perpekto a.k.a. Pek2
Professor
Guard
Proctor
Stacey
Voice-Over
SCENE 1: Class Quiz PROF: Ok class, please pass your paper. Make sure you used black ballpen only. PEK2: (Adrenaline rush hits so hard) MyyGggaaddd! Irerewrite ko pa sir! (Nawalan ng tinta si G-Tech) GG!!!! >>> Insert movie line #0.3: “Ang pera ko hindi basta basta mauubos, pero ang tinta ng ballpen ko, ubos na ubos na…” pero wait! Ubos na rin pala pera ko. Huhu.
SCENE 2: Papasok si Pek2 ng campus gate. PEK2: TYG!!!!! ‘Di ako late. GUARD: Kuya, bawal po ang naka-shorts. >>> Insert song #101.1: “Sayang na sayang talaga.” Aegis ang peg, may pag-walling pa.
SCENE 3: Class Final Exam PROCTOR: Please bring out your calculators. No calculator, no exam. PEK2: *Naiwan si calculator* Sir! I shall return (next sem). >>> Insert song #5.0: “Magbabagsakan dito, bibingo si Perpekto.”
KRPSKL SX
SCENE 4: Grade Signing PROF: Mr. Perpekto, please sign your grade. PEK2: F*@[x()s! HOLYYY! (Average Grade: 74.44=4.0) Ginawa ko na ang lahat! >>> Insert song ng #3.14: “I did my best, but I guess my best wasn’t good enough.”
SCENE 5: First Heart Break PEK2: Stacey, you are the moonlight in my darkest night. You are the woman the heavens told me about. You are my better half. Out of billions of people, I believe that you are the destined one. So Stacey, pwede ba manligaw? STACEY: Pwede... kaso I got balls too. </3 >>> Insert song #2.222: “Pare mahal mo raw ako.”
dibuho ni:
Ross Emmanuel B. Pinili
VOICE-OVER: Ang pinakamatinding kabiguan ni Mr. Perpekto ay hindi niya napangatawanan ang kanyang apelyido… tatlong bagsak para sa kanya, para kay MR. PER[EPIC]TO! Page 1 of 12 KRPSKL SX
Maligamgam Mark Angelo M. Pasia
Sa pagitan ng sobra at kulang, may tama lang. Sa Engineering, mayroong ikaw. Masyado na tayong nahumaling at naiwan sa mga nakagawian. Hindi na umusad sa makalumang mundo rito sa Inhinyeriya. Ayoko nang marinig ang mga hindi mo maubos na papuri sa mga kaklase mong tila isang bayaning iniidolo mo pagdating sa transcript niyang mala-gusali sa taas kung iyong ilarawan. O ‘yung mga tila santong pinasasalamatan mo dahil binigyan ka ng sagot noong wala kang maisagot sa masalimuot ninyong eksam. Pati na rin yaong mga gusto mong isumpa dahil sa hindi ka pinakopya at tila nagbingibingihan noong patago mo nang ginagamit ang iyong pasigaw-na-pabulong-technique na ilang taon mong pinag-aralan simula noong nakipagsapalaran ka sa kolehiyo. Gusto ko ng bago – ‘yong masarap, uso, bago sa pandinig at panlasa. Hindi parang Kathniel, Jadine, at Aldub na kaunting kaunti na lang talaga ay isusuka mo na. (Horkohork. Tabi tabi sa mga fans.) Bakit hindi naman natin bigyang pansin ang mga pangkaraniwang mag-aaral sa ating kolehiyo? Tutal, sila naman ang may pinakamaraming bilang dito. Mga valedictorian, salutatorian at honor students noong elementary at high school pero puchu-puchu na lamang ngayon. Mga estudyanteng akala sa bahay nila ay napakasipag at napakatalino o hindi kaya, yaong mga taong masipag at may alam naman ngunit ‘di pa rin maiwasan ang mangopya. Ang mga hari ng yabang at kahambugan na sa tuwing bigayan na ng classcards ay patagong sumasama ang loob kung mas mababa sila sa iba. Isama na rin natin silang mga iba. Sila na nasa gitna ng classroom umuupo. Mga estudyanteng nagaaral namang mabuti ngunit 2.5 hanggang 3.0 lamang ang naaabot na grado sa major subjects nila. Silang hindi makapagsagot ng sariling assignments. Silang inaaral ang assignment ng iba. Silang may kanya-kanyang diskarte para pumasa. Sila na makapasa lang ay masaya na. Sila na takot sa markang pula. Sila na ngayon ay tinatamaan na. Pati na rin ikaw. Oo, ikaw. Ikaw na hindi naman quizzer pero marami ring alam. Ikaw na nanggagaya ngunit hindi naman bobo. Ikaw na hindi henyo. Ikaw na hindi tanga. Lahat tayo ay mayroong kaklase, kaibigan, kakilala (o baka nga ikaw mismo ito) na ganito. Hindi nangunguna, hindi rin naman nahuhuli. Gaya ng aking nabanggit, mga ganitong estudyante ang may pinakamaraming bilang dito sa MHDP. Malapit na
KRPSKL SX
malapit na sa pangkalahatan kung hindi man lahat ang sasang-ayon at mapapatango ang ulo kung sasabihin kong walang bobo sa CEn. Pero maraming tututol, mapapailing, mapapangiwit at mapapakunot–noo kung idedeklara ko na lahat tayo rito, matalino. Bakit ko sinasabi ang mga ito? Hindi upang magpakababa ka sa sarili mo o kaya naman magmataas ka sa mga estudyante ng ibang kolehiyo. Hindi rin upang ipamukha sa iyo ang lugar mo rito o ipabatid sa iyo ang proseso ng pag-aaral mo. Bakit nga ba? “Sa tamang panahon.” Huwag mabahala’t mangamba. Hindi ako si Big Brother o si Lola Nidora ni Yaya. Walang cliffhanger, abangan o anumang pag-aalinlangan. Pagdating ng tamang panahon – panahon kung kailan wala nang huhusga ng iyong mga marka. Wala nang magtatanong kung nangopya ka noong estudyante ka pa. Panahon kung kailan naisuot mo na ang itim ngunit kulay gintong toga sa iyong mga mata. Oras na nakamit mo na ang sampu o higit pang taon mong pinangarap, naipasa mo na ang pinakamahalagang pagsusulit na dati mo pang nais sagutan at nadagdagan nang mga kagalang-galang na letra ang pangalan mo sa unahan, babalikan mo ang araw na ito at magpapasalamat na hindi mo sinukuan ang labang ito. Labang inulit-ulit kang bugbugin ngunit inulit-ulit mo ring diniskartehan. Labang iyong sinimulan. Labang iyong tatapusin. Labang iyong natagpuan wala saanman bukod sa engineering lang. Labang nagturong maging tama lang. Ikaw. Ikaw na hindi bagsak. Hindi… Mali… Ikaw. Ikaw na nakakapasa. Ikaw na sabay sa alon ng istorya. Ikaw na hindi sapat lang. Ikaw na sapat na. Ikaw na pasa. At ‘yon, iyon ang mahalaga. Pasado ka. Sa pagitan ng sobra at kulang, may tama lang. Sa Engineering, mayroong ikaw.
KRPSKL SX
THESISit!
KRPSKL SX
Cri[THESIS]m dibuho ni:
Mary Anne C. Bombay
KRPSKL SX
3 Engr. Gerardo B. Gonzales Engr. Arthonel L. Saniel
11
Engr. Renante D. Abuyan
13
27
Engr. Ma. Cristina D. Gonzales
SCURFEW Oktubre 23 - Nobyembre 21
Engr. Jorgell Del Espiritu Santo
disenyo ni:
Zyra D. Pelipada
Maswerte ka ngayong taon dahil matutupad ang kahilingan mo noon pa man na makatulog ng mahimbing at matiwasay. Magkakainuman kayo ng barkada mo’t gagabihin ng tunay. Nagkataon pang sarado ang pintuan at nasa landlord ang susi ng bahay. Maghanda ka na’t paparating na ang bantay bayan. Curfew na! Isang tip lang, magdala na ng unan. Sa siyeteonse ka tumambay at doon matulog ng walang sagabal. Lucky Color: Green, Orange, & White Lucky Number: 10:00
KRPSKL SX
7/9
KRPSKL SX
8/9
KRPSKL SX
All Saints Day
Engr. John Aeron Ladiana
Engr. Leonard Allen R. Pavino
Engr. Eugenio A. Villaverde
Engr. Rizandy J. Arroyo
Engr. Adrian L. Nombrefia
Engr. Stella Y. Dahilig Bonifacio Day
disenyo ni:
SA-GUITAR-‘YOS Nobyembre 22 - Disyembre 21
Melody D. Lunario
Lucky Color: Sunny Red Lucky Number: Consideration pts. mo sa exam
Maghanda sapagkat sunod-sunod na kamalasan ang iyong mararanasan. Magkakaroon kayo ng exam sa 3rd floor sa subject ng terror prof mo. Kasagsagan ng exam ay mawawalan ng buhay ang iyong calculator. Wala kang magagawa kung ‘di magmanu-mano. Makikita mong kailangang gamitan ng Trigonometric Identities. Maaalala mo na lang may solar-panel ang calculator mo kaya’t dali-dali mo itong ilalabas sa bintana at itatapat sa araw. Mahuhulog ito. KRPSKL SX
Verse 1: D-Bm-A Halika rito, turuan mo ‘ko Marami pang dapat malaman Oh sige dali na, turuan mo ‘ko Libre kitang pananghalian
Ginto Marx Jendre S. Sabandana | Lycah P. Bihag | Joey M. Quindoza John Ryan L. Banaag | Maria Carmela R. Sinag Mary Anne C. Bombay | Katherine S. Querubin
Pre-chorus: G-Bm-A Limang taon ng paghihirap Maaabot ba ang pangarap Darating ba sa katapusan O dito ay susuko na lang? Chorus: D-D/F#-A Ang hirap, hirap talaga Bakit nga ba ito ang aking tinahak Kahit ginto lang sana (repeat chorus) Verse 2: D-Bm-A Halika rito, ‘di ko magets ‘to Magulo na ang isipan Pakopya naman, pakapit naman ‘Wag lang magpapahuli Pre-chorus: G-Bm-A Limang taon ng paghihirap Maaabot ba ang pangarap Darating ba sa katapusan O kaya’y may pag-asa pa? New chorus: D-D/F#-A Ang hirap, hirap talaga Pero okay, sulit naman pala Kahit ginto lang sana Ang hirap, hirap talaga Aking kinaya, Ngayo’y mamartsa na Makukuha na ang diploma (repeat new chorus)
Officially Unemployed larawan ni:
KRPSKL SX
Beejay C. Galvez
Way Out dibuho ni:
Ross Emmanuel B. Pinili
KRPSKL SX
MENSAHE NI ENGR. ERNESTO Marso 2022 Para kay Ernesto Pulamfefe ng 2017,
Ang mensahe kong ito ay puno ng pasasalamat at pagbabalik-
tanaw. Nag-uumapaw sa pasasalamat ng dahil sa’yo ganap nang may “Engr.” na nakakabit sa pangalan ko. Gumanda, bumango at tuluyan ng tinakasan ng alingasaw ang mabantot na pangalan na ’to. Salamat dahil sa’yo ipinagmamalaki na ako ng lahing Pulamfefe, oo, lahi ng mga Pulamfefe.
Salamat, sa kabila ng iyong paghihirap ay nagawa mong umabot
hanggang sa dulo, umabot sa’yong pangarap, umabot sa Lucena campus para doon tapusin ang engineering. Sariwa pa sa aking alaala ang kalbaryo mo tuwing may quiz at exam. Magkakaroon ka ng isang insomnia dahil lulunurin mo ang iyong sarili sa kape ma-review lang ang pang-isang term na lesson sa isang gabi. Sa oras ng exam, papasok ka sa room ng handa at maayos pero lalabas kang sabog at mukhang nakipagbabag sa dinosaur.
Salamat dahil nairaos mo ang iyong pag-aaral kahit kapos ka
sa salapi. Malaking sanhi ng pagtaob ng iyong wallet ay manuals, kaya naman tamad na tamad kang pumasok sa teacher mong businessman. Ang paghihirap mong ‘yan ay hindi basta mabubura sa isipan ko, sa sobrang kapos mo pa ay ginamit mong deodorant ang katinko. Salamat dahil hindi mo binuntis si Isadora, babae (hindi ako sure) na nakilala mo sa kabute. Patay na patay ka sa kanya kahit na amoy pulbura ang kanyang hininga. Masaya ka tuwing kayo’y magkasama. ‘Di buo ang araw mo kapag ‘di mo siya nasisilayan. Nahulog ang loob mo sa kanya. Hindi nagtagal ay niligawan mo siya. Pakipot pa siya at pa-hard-to-get. Lalo kang nainlab sa kanya dahil nadiskubre mong conservative pala siya. Hanggang sinagot ka na niya makalipas ang tatlong oras.
Isang gabi, hindi mo napigilan. Tumugon ka sa tawag ng laman.
Nagtangka kayong gawin ang bawal. Sa sobrang pusok ay hinalikan
KRPSKL SX
mo siya. Dahil sa hininga niyang parang nagmumog ng gasolina ay natauhan ka. Naliwanagan kang hindi dapat maunang mabuo si Pulamfefe Jr. sa pagbuo mo ng iyong term paper, na magiging engineer ka muna bago maging isang ama.
Salamat, an’dami ko nang chix ngayon. Tunay nga ang sabi ng
prof mo noon. Iba ang dating kapag engineer ka na. Sinagot na ako ng crush ko noong elementary, kaso nakipag-break din siya sa akin nang malaman niyang sinagot din ako ng crush ko noong high school. Marami na ang nagbago sa itsura ko. Hindi na ako mukhang dehydrated na bangaw. Iba talaga ang nagagawa ng pera. May mga bago na akong palayaw, tawag nila sa akin lagi ay “pogi,” “‘gineer,” “gwapo” at “manlibre ka naman.”
Ang nakaraan ay mahalaga, ito ang kasaysayan na bumuo sa kung
ano ako ngayon. Mahirap ibaon sa limot ang nakalipas, mahirap magmove-on, taliwas sa laging sambit ng mga panatiko ni Marcos.
Nabasa ko ang liham na iyong sinulat noong 2014. Natatandaan
ko pa ang lahat. Natatandaan ko pa noong nakapasa ka sa removal ng Algebra. Noong summer class ka sa Thermo, noong araw-araw Lita’s Pansiiiiit ang iyong tanghalian, noong hindi ka pinapasok ng guard dahil wala kang ID lace, noong maghapon kang sinermonan ng nanay mo dahil sa sinulat mong diary. Natatandaan pa kita, ang paghihirap mo, ang nakalipas.
Salamat sa iyong mga kaibigan na minsan ay iyong kinopyahan
pero madalas mong kinokopyahan. Salamat sa iyong pamilya, sa kanilang buong suporta. Salamat sa pagsisikap. Salamat dahil meron kang pangarap. Salamat dahil hindi mo binigo ang iyong sarili.
Engr. Ernesto Pulamfefe ng 2022 Author’s Note: Upang lubos pang makilala si Ernesto Pulamfefe, buklatin lamang ang Kraps 4 at Kraps 5. *fist bump*
KRPSKL SX
dibuho ni:
Maria Carmela R. Sinag
KWENTONG PAPEL Uno
Paul J. Tabi
Bagong sapatos. Bagong uniform. Bagong notebook. Bagong ballpen. Selfie muna bago ang lahat. Bitbit ang isang pirasong papel na kinalalagyan ng schedule mo, tinahak mo ang isang landas na ‘di mo alam ang mga pagsubok na ibabato sa iyo. Nagtiwala ka lang sa sarili mo. Inisip mong ito ang nakatadhana sa iyo. Kaya ayan, umupo ka sa loob ng isang silid. Silid na puno ng mga bagong mukha. Silid ng mga bagong persona. Silid ng mga taong makakasama mo sa mahabang panahon. At sa silid ring iyon papasok ang isang tao na mala-kontrabida ang aura. Ngunit ‘di ka magpapatinag. Titingin ka lang ng diretso. Seryoso ka. Inisip mong “kakayanin ko ‘to.” Nagpakilala siya. Natunghayan mo ang simula ng unang misyon. Ang misyon kung saan matututo kang magsayaw. Ang misyon kung saan ibibilad ka sa araw. Ang misyon kung saan mo mamahalin ang landas mong pinili. At higit sa lahat, ang misyong malaman na ang kontrabida palang nakilala mo ay isang kaibigang aakay sa’yo sa landas na tatahakin mo. Dos Ayan na nga, nabawasan na ang mukha ng lima. Napagtanto mong totoo nga ang sabi ng iba. Ang landas na tinahak mo ay malupit at astig. Ngunit kaakibat din ng landas na iyon ang hirap at sakit. Malupit dahil ang kukulit ng iba pang mukha na makakasalamuha mo. Astig dahil halimaw daw sa galing ang mga taong naroroon. Mahirap sapagkat masakit nga sa ulo. Masakit sapagkat kaibigan mo ang isa sa mga pangalang binura sa listahan ng inyong grupo. Pero tuloy lang ang laban. Ikaw na ang bahala sa daan niyang naiwan. Ikaw na hindi titigil sa laban. Handa ka na sa ikalawa mong misyon. Ang misyong matutong makipaglaro. Ang misyong gumawa ng panibagong equation sa pamamagitan ng mga formula. Ang misyong pag-aralan ang oras ng pagbagsak ng bola. At higit sa lahat, ang misyong masaktan, magpaalam, at magpasalamat sa iyong kaibigang hindi kinaya ang laban. Tres Ayan na. Natuluyan na. Naisalang na ang magigiting na manlalaro. Marami na ang nawala sa inyong hanay. Sabi nga ng iba, “this is the moment of truth.” Papasok ka na sa difficult level. Titindi na ang kompetisyon. Aarangkada na ang mga mahihirap na pagsubok. Bibida KRPSKL SX
na ang pagtutulungan. Gagawin mo na ang lahat. Kakapit ka na rin sa patalim. At ngayong n’andito ka na, ‘di mo na maiisip ang katagang “ayoko na” o kaya “itigil na natin ‘to.” Ibibigay na sa iyo ang pangatlong misyon. Ang misyong palakasin pa ang iyong mga kakayanan. Ang misyong ihanda ang sarili sa mas mabigat na digmaan. Ang misyong ipakita at ipagmalaki ang kasuotan ng inyong grupo. At higit sa lahat, ang misyon mong akayin ang iyong kasamahan sa oras na sila’y panghinaan. Kwatro Sa basbas ng inyong pinuno, palalabasin ka na ng kastilyo. Hindi ito dahil bumagsak ka sa isang pagsasanay. Hindi ito dahil sa ‘di mo na nakayanan. At lalong ‘di ito dahil wala kang kwentang mandirigma kaya sinipa ka palabas ng tarangkahan. Ito ay dahil sa isa rin itong laban ngunit sa labas ng digmaan mong nakasanayan. Ang totoo niyan, malaki ang pagtitiwala na ibinigay sa inyo ng inyong pinuno. Pinalabas ka upang magamit ang iyong natutunan sa pagsasanay. Pinalabas ka upang magamit ang iyong kaalaman. Inilabas ka upang matuto sa mga bagay na ‘di mo malalaman sa loob ng apat na sulok ng kastilyo. Lalabas ka at bitbit mo ang iyong ika-apat na misyon. Ang misyong humanap ng mga bagong taong aalalay sa iyo. Ang misyong pansamantalang maghiwalay ng inyong mga kasamahan. Kung espesyal kang tao, ang misyong matutong lumakad at mabuhay ng mag-isa. At higit sa lahat, ang misyong magutom pa lalo sa kaalaman. Singko Sa wakas, tumapak ka na sa huling digmaan. At oo, ang tanda mo na. At oo rin, ate o kuya na ang tawag sa iyo ng mga mukhang nasa paligid mo. Pero ‘di ba masarap sa feeling? Dahil pakiramdam mo napakalaking achievement na ito sapagkat isa itong pagpapatunay na napagtagumpayan mo ang mga lumipas na pagsubok. At sabi nga ng tropa mong naging hardin na ng pimples ang mukha dahil sa stress sa pagbuo at pagformulate ng isang kagamitang mapapakinabangan ng sangkatauhan ay “kaunting kembot na lang.” ‘Wag kang mag-alala. Alam kong natatanaw mo na ang kampeonato. Kaunting lakad na lang ay aakyat ka na ng entablado. Ilang araw na lang, mahahawakan mo rin ang alas. At sa pagdating ng oras na iyon, be proud! Mabuhay! Nanalo ka sa digmaan. Magbunyi! Achievement Unlocked: College Graduation. Babaliin ko na ang nakagawiang pag-iisip. Hindi na grado ang batayan ng iyong talino. Hindi na dahilan ang singko para diktahan at sabihan kang bobo. Sapagkat ngayon, ang singko ay sisimbolo na sa bilang ng taon na inilaan mo. Ang singko ay sisimbolo na sa paghihirap na dinanas mo. Ang singko ay sisimbolo sa iyong tagumpay. At higit sa lahat, ang singko ang sisimbolo sa sakripisyong ginawa mo madugsungan lang sa unahan ang pangalan mo ng “Engr.” Ah! Muntik ko ng makalimutan. Ang huling misyon? ‘Wag kang mag-alala. Natapos na ito ng ‘di mo namamalayan. Ang misyong huwag sumuko sa laban. Nagsimula sa isang papel, ang registration form. Magtatapos sa isang papel, ang diploma.
KRPSKL SX
COPPER CORN Disyembre 22 - Enero 19
Lucky Color: Smokey White Lucky Number: 69
Malamig ang simoy ng hangin at kailangan mong painitin ang iyong katawan upang hindi manigas sa temperatura ng Lucban. Hindi uubra ang makapal na jacket o kumot kaya’t mapipilitan kang humanap ng kasiping. Matutong mag-ingat dahil matutukso kang magpaputok kahit hindi pa bagong taon. Basta laging tandaan, itutok at iputok sa labas ang kwitis para ligtas ang lahat.
DECEMBER CALENDAR disenyo ni:
Engr. Winda S. Ellaga Engr. Cresencia N. Rait Engr. Reynante R. Ramilo
Beejay C. Galvez
Engr. Adrian S. Mariano
Rizal Day
Christmas Day Engr. Flaviana B. Abrenica
YEAR-END Engr. Luisito S. Santos
KRPSKL SX
Engr. Carla May C. Ceribo
KRPSKL SX
9/9
dibuho nina:
Roshaina Marie B. Basit | Christel Shane Q. Barrameda
KRPSKL SX
BUONG PANGALAN:________________________________________________________________________________________ CONTACT NO. (KAMI LANG ANG MAKAKAALAM):___________________________________________________ KURSO/TAON/SEKSYON:_______________________________________________________________ KINOPYAHAN:_______________________________________________________________________ GENERAL DIRECTION: Sagutan ang mga pagsusulit upang makakuha ng premyo kung ikaw ang maswerteng mapipili sa may mga pinakaramaming tamang sagot. Pwedeng kumopya. Siguraduhin lang na tama rin ang sagot ng kinokopyahan. Pwede ka ring tumingin sa crush mo upang ma-inspire kang magsagot ng seryoso. Pwede ring magbura. Kahit pangalan pwedeng burahin basta umasa kang wala kang matatanggap na premyo. ‘Yon lang. Ipinapasa na namin sa inyo ang espiritu ng common sense. MULTIPLE CHOICE: Bilugan ang letra na sa tingin mo ay tatama. 1.
Ilan ang gates ng Southern Luzon State University – Lucban campus? a.
2.
3.
5.
8.
d. NOTC
Si ateng labs ng lahat, na matatagpuan sa Dean’s Office.
b.
Si ateng pinupuntahan mo sa CEn kapag gutom ka.
c.
Si ateng dating matatagpuan sa may study area kapag magpapa-photocopy ka.
d.
NOTC
Ilan ang table sa study area ng CEn? 12
b.
16
c.
17
d.
18
Sino ang astig na Features & Culture Editor ng The Spark 2015-2016 na ngayon ay matatagpuan sa CEnSC? a.
Mark Angelo Tiusan
c. Jeric Mirandilla
b.
Katherine Querubin
d. Ayaw kong pumili. Baka mag-away-away sila.
Magkano ang mani kay ate Lourdes? Piso per piraso
b. Tatlo-dos
c. 5.5php
d. NOTC
Ano ang course code ng Solid Mensuration? a.
7.
c. 3
a.
a. 6.
b. 2
Sino nga ba si Ate Roxan?
a. 4.
1
MAT04a
b. MAT04b
c. MAT05b
d. NSTP2
Saan matatagpuan ang Awong? a.
Sa may bridge na may bakal sa gitna.
b.
Malapit sa Miramonte.
c.
Sa may praktisan ng banda.
d.
Lahat ng nasa itaas.
Sino ang kinoronahan bilang GLL 2016? a.
Si Ilay
b. Si Kenan
c. Si Kaizer
KRPSKL SX
d. a=b and b=c so a=c
9.
Saang department nagmula ang kasalukuyang presidente ng SLSU? a.
ME
b. CE
c. EE
d. IE
e. CPE
f. ECE
10. Ilang letra ang napapaloob sa ating kolehiyo? a.
22
b. 20
c. 13
d. NOTC
ANALOGY: Isulat sa patlang ang napupusuan mong sagot. ‘Wag mo lang itong pupusuan. Hindi ito isang social media site. 1.
CEn: Engr. Efren Villaverde = CIT:
2.
Literary Folio: Paleta = Alternative Folio:
3.
November 1: Undas = February 14:
4.
Simula ng taon: January 1 = Simula ng pasukan sa klase:
5.
MHDP211: Kaliwa = Dating Aquarium:
ENUMERATION: Ilista ang mga pangalan na iyong naiisip. Maaaring magsagot, maaaring hindi. Choice mo na ‘yon. Maaaring magkapuntos, maaaring hindi, depende sa trip namin. Ito ay confidential kung kaya’t mga Sparkista lang ang makakaalam. 1.
Mga poging/dyosang instructors: Top 5: Top 2: Top 4: Top 1: Top 3:
2.
Pampalipas gutom: TOP 5: TOP 2: TOP 4: TOP 1: TOP 3:
3.
Mga chix ng The Spark. Tingnan ang Krapsilog for reference. TOP 5: TOP 2: TOP 4: TOP 1: TOP 3:
ESSAY: Sagutan ng buong damdamin ang katanungan. Ano ang gusto mong premyo? Bakit ito? Bakit hindi buhay na ipis?
Extra Instruction: At matapos mong sagutan, maaari mo nang punitin ang pahinang ito at ilagay sa aming suggestion box upang magka-tyansang manalo ng premyo kung sakaling ikaw ang mapipili.
KRPSKL SX
KRPSKL SX
KRAPSILOG
Fb: Beejay Galvez Ig: @yajeebeejay Tw: @yajeeb24
Fb: Ross Emmanuel Pinili Ig: @emm.phi.layts Tw: @phi_31
Fb: Marx Jendre Salazar Ig: @markseemus Tw: @Markseeemus
Sabandana
Fb: Zyy Pelipada Ig: @babyzyiee
Fb: Shane Quiminiano Ig: @krisyeyn
Barrameda
Fb: Lycah Bihag
Fb: Mark Angelo Pasia Ig: @mrpasia Tw: @mrpasia
Fb: Kayte Querubin Ig: @itsmekaeey Tw: @heyitskayte
Fb: Paul Tabi Ig: @akosipault Tw: @uelement
Fb: Carlo Olyven Bayani Ig: @olyvenbayani Tw: @Superbayani
Fb:
Fb: John Ryan Banaag Ig: @re_ryanbanaag Tw: @johnryanbanaag
Ervin Joseph D. Soledad
Fb: Roshaina Marie Basit Ig: @leshengusername Tw: @aynanamari
Fb: Czarlaine Ivy Najito Ig: @sarleyn_aybe Tw: @sarleyn_aybe
Fb: Mela Sinag Ig: @melasinag
Fb: Mary Anne Bombay Ig: @bombskie Tw: @meaaaaan
Fb: Odeh Dayrit Lunario Ig: @odehlicious Tw: @odeholicious
Fb: Nina Sarah Untalan
Fb: Vyrone Herrera Ig: @vyrone I herrera Tw: @Yellow shit
Fb: Raniel Pelaez Ig: Omisty_eyeO Tw: @XminDControlX , P.R.
KRPSKL SX
Fb: Emmanuel Dela Cruz Ig: @mmnlldlcrz Tw: @Emman_o026
Fb: John Austria Ig: @john_austria12 Tw: @john_austria12
Fb: Jastin Naca Ig: @danielanaca Tw: @danielanaca
Fb: Christine Lorraine Ocado Ig: @christinereyees Tw: @christinereyees
Fb: Gester Bern Caña
Fb: Julius Mandy
Fb:
Fb: Christian Dionco
Reyes
Valonzo
Aa
Ian Kristoffer Nombrefia
Fb: Joey Quindoza
Fb: Carl Warren Eleazar
Fb: Ma Michelle Obnamia Ig: @m.obnamia Tw: @mishayyyyyy
GIF
Sparkista (n.) Mga taong pinagpala sa itsura, ngunit hindi sa pag-ibig.|
T H E S P A R K
KRPSKL SX
<PASASALAMAT> Ang katapusan ay simula, at ang simula ay ang muling paghahanap sa katapusan. Paulit-ulit na siklo ngunit walang hangganan. Masalimuot ang naging proseso sa pagbuo ng release na ito bago mapasa-iyong kamay. Katakottakot ang paghihirap ng mga Sparkista. Ginawa nilang araw ang gabi at ginawa paring araw ang mga araw. Naranasang kape ang almusal, ang tanghalian ay hapunan. Lumipas ang mga oras na pipikit-pikit na ang mata ng iilan habang ang iba naman ay naghihilik at tumutulo na ang laway. Dahil diyan, ako ay lubos, buong puso, taos sa puso, mula sa puso, at lahat ng may puso na sumasaludo at nagpapasalamat sa inyo, mga Sparkista. Ipagpatuloy n’yo lang ‘yan at makakagradweyt din kayo, sana. Para naman sa aming kritiko na nagrereklamo na bakit daw ang mahal ng aming publication fee, na bakit daw 70 , at dapat daw babaan pa o tanggalin, itanong mo nalang sa ibang college publication sa SLSU kung magkano ang fee nila at baka sakaling maliwanagan ka. S’ya nga pala, heto na ang kapalit ng ibinayad mo. Nawa’y napaligaya ka ni Pilar, kung sino ka man. At sa’yo na kasalukuyang may hawak ng Krapsikol SX, alam kong matagal mong hinintay ang pagkakataong muling makita at mahaplos ang p’wet ng aming model. Ngunit sa edisyong ito, s’ya ay humarap na. Makinis ‘di ba? Pero teka sino at ano ba talaga s’ya? Isa ba s’yang Sparkista o nahatak lang sa kung saan? P’wes, malalaman mo rin pagdating ng araw. Sa pagkakataong ito, mananatili muna itong misteryo. P.S. Maraming salamat sa pagbabasa. May kasunod pa ito. Pramis. Mas malupit. Mas maangas. Mas ma-ALAMAT.
Beejay C. Galvez Editor-in-chief
KRPSKL SX
EDITORIAL BOARD AND STAFF 2016-2017
Beejay C. Galvez
Editor-in-chief
Ross Emmanuel B. Pinili
Associate Editor For Internal Affairs
Maria Carmela R. Sinag
Associate Editor For External Affairs
Melody D. Lunario Zyra D. Pelipada Ervin Joseph D. Soledad Carlo Olyven H. Bayani Mary Anne C. Bombay Paul J. Tabi
Managing Editor Office and Circulation Manager Research and Documentation Director Copy Editor News and Sports Editor Features and Culture Editor
Joey M. Quindoza
Literary Editor
Neil Allen T. Cena
Engineering and Technology Editor
John Ryan L. Banaag
Arts and Graphics Director
Ian Kristoffer C. Nombrefia
Photo and Video Director
Marx Jendre S. Sabandana
Page Design Director
Czarlaine Ivy D. Najito
Online Journalism Director
Lycah P. Bihag | Lydell B. Cortez | Emmanuel L. Dela Cruz Christian M. Dionco | Tom Lois A. Echevarria | Robin Yvonne N. Malit Jastin Danielle Ali L. Naca | Ma. Michelle B. Obnamia | Jomari L. Padillo Mark Angelo P. Pasia | Raniel R. Pelaez | Katherine S. Querubin Nina Sarah C. Untalan Editorial Staff Joseph Ken E. Alcala | John G. Austria | Christel Shane Q. Barrameda Roshaina Marie B. Basit | Gester Bern C. Caña | Mirabel B. Dayo Carl Warren C. Eleazar | Vyrone L. Herrera | Christine Lorraine O. Reyes Julius Mandy O. Valonzo Apprentices Engr. Dona B. Bueque Technical Adviser
1/F MHDP Bldg. (CEn) Southern Luzon State University Lucban, Quezon, 4328 Philippines thespark.slsu@gmail.com www.thesparkslsu.wordpress.com www.facebook.com/thespark.slsu www.facebook.com/krapsikol.thespark member:
College Editors’ Guild of the Philippines
KRPSKL SX
KRAPSIKOL 1.0 *3rd Place (Special Category) CEGP - Southern Tagalog Regional Student Press Congress Lemery, Batangas | September 2010
KRAPSIKOL 2.0 *2nd Place (Best Alternative Form) College Editors’ Guild of the Philippines 72nd National Student Press Convention Puerto Princessa, Palawan | May 2012 *1st Place (Best Alternative Form) CEGP - Southern Tagalog Regional Student Press Congress Tagaytay City | September 2011
KRAPSIKOL 3.0 *Official Entry (Alternative Form) College Editors’ Guild of the Philippines 73rd National Student Press Convention Cebu City | May 2013
KRAPSIKOL 4.0 *3rd Place (Best Alternative Form) College Editors’ Guild of the Philippines 75th National Student Press Convention La Trinidad, Benguet | May 2015
KRAPSIKOL 5.0 *1st Place (Best Alternative Form) College Editors’ Guild of the Philippines 76th National Student Press Convention Iloilo City | May 2016 Karapatang ARI © The Spark 2016-2017
KRPSKL SX
Reserbado ang lahat ng karapatan. Kasama na ang karapatan sa reproduksyon at paggamit sa anumang anyo at paraan maliban kung may nakasulat na pahintulot mula sa may hawak ng karapatang ari. Inilimbag sa Pilipinas.