Spark The
Likhang Pampanitikan ng
OPISYAL NA PUBLIKASYON NG MGA MAG-AARAL NG KOLEHIYO NG INHINYERIYA SA PAMBANSANG PAMANTASAN NG KATIMUGANG LUZON, LUKBAN, QUEZON
PALETA Likhang Pampanitikan ng The Spark Tomo 2 | Marso 2012 In-edit ni Michael C. Alegre Pinal na pag-e-edit kasama si Danael Z. Saberola Karapatang-ari © The Spark Opisyal na Publikasyon ng mga Mag-aaral ng Pambansang Pamantasan ng Katimugang Luzon– Kolehiyo ng Inhinyeriya, Lukban, Quezon Patnugutang 2011-2012 Karapatang-ari ng mga gawa ay nanatili sa kani-kanilang mga tagalikha. Reserbado ang lahat ng karapatan kasama na ang karapatan sa reproduksiyon at paggamit sa anumang anyo at paraan maliban kung may nakasulat na pahintulot mula sa may hawak ng karapatang-ari. Inilimbag ng: Golden Wings Printing and Services Ipinamamahagi ng: Spark 1st floor, MHDP Bldg., College of Engineering, Southern Luzon State University Lucban, Quezon 4328 Philippines thespark.slsu@gmail.com www.thesparkslsu.wordpress.com The
Dibuho sa pabalat ni Aljin Chris C. Magsino Disenyo ng mga pahina nina Jerick O. Barbacena, John Mark I. Perez at Michael C. Alegre Inilimbag sa Pilipinas
Spark The
Likhang Pampanitikan ng
OPISYAL NA PUBLIKASYON NG MGA MAG-AARAL NG KOLEHIYO NG INHINYERIYA SA PAMBANSANG PAMANTASAN NG KATIMUGANG LUZON, LUKBAN, QUEZON
“Ang lipunan sa loob ng tao AT ang tao sa loob ng lipunan.”
bago ang lahat... “Lahat ng ating paniniwala–sinasabi at ikinikilos—ay usaping ideolohikal. May pinapanigan itong interes sa lipunan—mas kampi o kaaway ba ito ng naghahari o pinaghahariang uri, makababae ba o sexista, reaksyonaryo o rebolusyonaryo ba—hindi man ito lantarang inihahayag ng kwento at ng kanyang manunulat.” -Rolando B. Tolentino
Maraming internal na problema ang publikasyong The Spark bago nabuo ang literary digest na ‘to. Unang-una, magulo ang set-up ng Patnugutan dahil sa pagkawala ng mga patnugot at kawani nito sa mga panahong nag-dyi-GenAss (General Assembly). Ikalawa, kulang na kulang ang badyet para sa pagpapalimbag nito. Nagsarado kasi ang bidding sa Php 53.00 kada isang kopya samantalang Php 50.00 lang ang The Spark fee. Isama pa ang rebirth ng The Spark tabloid na pautayutay na sumisingit sa presswork kung sa’n s’yempre, natural lang na paglaanan din ng badyet para sa pagpapalimbag. At ikatlo, batbat pa rin ng kontradiksyon at iba’t ibang perspektiba o punto de bista ang mga miyembro ng publikasyon pagdating sa mga nilalaman o mga likhang kinakailangang kolektibo naming mailathala. Gayunpaman, sa halos lahat ng ito, ‘di nagpaawat ang pag-igpaw ng mga salitang passion at mapagpalaya upang tuluyan ring mairaos ang aklat na ‘to. Impormal na sinimulan ang Paleta sa mga panahong ilang linggo na lang bago mag-summer vacation at graduation. Pareho-pareho kaming nagkukumahog no’n: Sila, dahil sa final exams at kung anu-ano pang sunud-sunod na bumubulaga tulad ng thesis, project at removal; at ako, dahil tapos na ‘ko mag-aral (Octoberian) at pini-pressure nang mag-apply ng trabaho Bilang paglalagom, idinaan na lang namin sa workshop-workshop-an ang lahat habang nag-pufood trip, naghuhuntahan at manaka-nakang nag-mu-movie marathon. Makailang-ulit naming ginawa ang ganoong senaryo hanggang tuluyan na ngang mabuo ang ikalawang tomo ng PALETA, na para sa edisyong ito ay nahahati sa anim na bahagi: maikling kuwento, sanaysay, dula, tula, larawan, at dibuho. Samantala, nakatatawang isipin na tapos na lahat ng piyesa nang mabuo at mapormalisa ang aming pinal na tema: “Ang lipunan sa loob ng tao, ang tao sa loob ng lipunan.” Balik sa problema, marami mang puwersa ang pilit na nag-uumpugan at hindi man namin gagap ang lipad ng isip ng bawat isa, hindi naging hadlang ‘yon para tuluyang maging burador na lang ulit ang Paleta na ‘di nakapaglabas ng isyu no’ng nakaraang A.Y. 2010-2011.
PAGKATAPOS NG LAHAT... Ang pagkakatagni-tagni ng utak ng mga bumuo ng likhang pampanitikan para sa isyung ito ang sinasabing nagsilbing aksis ng bawat isa upang maging iisa ang direksyon namin at pumaimbulog ang tema ng Paleta 2 sa mahigpit na relasyon o koneksyon ng tao sa lipunang ginagalawan nito at ang pagkakaro’n ng kolektibo at ng sinasabing indibidwalistang lipunan sa loob mismo ng isang tao. *** Bilang isang biglaang editor para sa isyung ito, malugod akong nagpapasalamat sa mga isparkistang nagtiwala at nakipagngaragan kahit na minsan; e, pumapangit ang timpla ng nagbubuhul-buhol naming emosyon: Salamat kina Myko at Dani, sa pakikipagpuyatan at pakikipaghalhalan sa bahay kahit na isang araw lang. Apir sa mabilisang pag-e-edit ni Myko ng mga artikulo n’yang pam-Paleta at pang-The Spark tabloid at sa pagtulong ni Dani sa pag-pu-proofread sa isang magkaibang araw. Pinasasalamatan ko rin sina Genesis, Faith at Efren sa pagsugod sa bahay kahit na katatapos pa lang ng kanilang klase o kahit parating male-late na sila para sa susunod na klase at sa walang takot na pakikipagkatayan at pakikipagpagparamihan ng mga piyesa ninyo. Kampante tuloy ako na magiging magaan ang paggawa ng Paleta Tres sa susunod na taon! Hindi rin mapapantayan ng tenkyu ko ang Oishi Prawn Crackers na isinasawsaw sa Mang Tomas, resipe ni Jerick, na nagsilbing pampagana upang mailapat din namin ‘to sa nagsilbing canvas (sa wakas!), ang Adobe InDesign, na mabano-bano at maulol-ulol naming in-explore dahil Adobe Photoshop ang buwis-buhay naming ginagamit noon. S’yempre, salamat din kina Mater, Kaye, Aljin, at Marko sa pagtitiyagang paghihintay at pakikipaghatawan ng utak kahit na minsan; e, tuma-tumbling at ‘di na tayo nagkakaintindihan. Kung ano pang timpla ang ibig ninyong malaman at kung ano nga ba ang kinahantungan ng minadali pero pinag-isipan naming obra, hayaan n’yong PALETA na ang maghalo ng inyong imahinasyon upang tuluyan nang buklatin, basahin at punahin ang mga susunod pang mga pahinang tiyak na magpapamulat dahil biased sa nakararami! Sal’mat much! Apir! Fist bump! Sa ngalan ng mga isparkista at mga kontribyutor,
MICHAEL C. ALEGRE Haybol, Lukban, Quezon | 27 Marso 2012
K
kl in g M ai
en w
to
12 Political Arena 15 Ben, Bayarin
18 Package 22 Isang Supot ng Semento sa Limang Sakong Buhangin
40 Istowdent Hinidebook 42 Dyurnalistikong Pick-up Lines 46 Noynoying 47 Seldang Tatsulok 48 Ayaw Ko sa Dilaw 49 Idiot Box 50 Petiburgis: Isang Acrostic 51 Sombra 52 Sinsilyo 53 Politeismo 54 Makabagong Anatomiya 55 Para kay P 56 Lunggati 57 Cul-de-sac 58 Mangingisda sa Kalupaan 59 Binhi ng Mandirigma 60 Doon po sa amin 61 Kulang/Takot/Galit/Sapat 62 Sigwa ng Pangarap 63 Daigaku Shi: Tatlong Tanaga 64 Punishment 65 Bahay-aliwan 66 Dysphoria
u T
la
Dula
San
ay
sa
y
28 Queer 31 Bangkero 32 Timepiece 34 Sa Kuwagong Walang Pakpak 36 Mondofacebook
Tu
Pramis, Mam’ya, Mag-aalas Dose rin! 66 Dysphoria 67 Nalalapit na’ng “B-day” ni Lolo 68 Dukha, hindi Tanga 69 Mount for Life 70 P.T.B. 71 Litanya ng Bolpen na Nagsusuka: Isang Pantoum 72 Iskolar para sa Bayan 73 Lilay: Isang Tanka 74 Nang Tumunghay ang Palay 75 Basahan 76 Sabi-sabi Lang 77 Striptease: Isang Cinquian 78 Pagbuka ni Liwayway 79 Desenfreno 80 Diacetylmorphine Fl[u]shback 81
la Di
Pagsibol ng Damdaming Radikal 94 Temptasyon 95 DEADline 96 Sikil 97 Tekno 98 Balagwit 99 Bishop Express 100 Survival of the Fittest 101 Dibuhista 102
L ar a w a n
Puntirya 84 Mass Action 85 Pukot 86 Mini-mulino 87 Alas Tres 88 Hithit-bata 89 Aburido 90 Replica 91
o
b u h
PALETA II
10
11
PALETA II
PALETA II
12 “...’di tAlaga LAGINg kasamaan ang bumubuo sa mundo ng politika, ang mga namumuno lang dito ang paulit-ulit na nagpapasama ng sistema o ng imahe nito...”
Ang bawat isa sa ‘tin ay may labang pinagdaraanan. Ang buhay ang nagsisilbing arena o tanghalan. Ang mga suliranin naman ang hahamon sa ‘yong kakayahan. Nakasalalay sa mga kamay mo ang ikapapanalo ng iyong pakikibaka. Kung pagsusumikapan mong labanan ‘to, maaring unanimous decision ang makakamtan mong titulo. Kung padadaig ka naman sa takot o katamaran, technical knockout ang maiuuwi mo. Nagmula ako sa angkan ng mga politiko. Nanungkulan si erpat bilang mayor at si ermat bilang kapitana. Unica hijo nila ako na may gintong kutsara sa bibig. Lahat ng bagay na nais ko’y aking nakakamtan agad. Nasamyo ko na ang natatago nilang baho bilang mga politiko. Nang humantong na ‘ko sa wastong edad, hinimok nila ako na pumasok sa larangan ng politika. ‘Di ako nabigo sa pagsuong dito, sa tulong na rin ng pera. Walang makatatanggi na ako’y iboto lalo na’t bubusalan ko sila ng limpak na limpak na kuwarta. Ang tao nga naman, ang daling utuin! Ang sumusunod na kaganapan ay ang reversed timeline ng aking panunungkulan sa bayan:
ni FAITH P. MACATANGAY
Political Arena
13
Ako ay Politiko Round 1: Kagawad. Pamumudmod ng gamot na malapit nang ma-expire sa mga mahihirap.
Round 2: Kapitana. Pagpapakabit ng linya ng kuryente’t tubig para sa barangay, gamit ang jumper at ilegal na koneksyon.
Konsehala. Paglulunsad ng
Round 4: Mayora. Pagpapagawa ng mga gusali’t kalsada na ang pondo’y aking kinakaltas.
Round 3: jueteng.
PALETA II
PALETA II
14 Round 5: Kongresista. Pamimigay ng mga lumang stocks ng relief goods para sa mga nasalanta ng kalamidad. Round 7: Kongresista. Pagpapatayo ng casino upang magkaroon ako ng libangan. Round 9: Kongresista. Panlilibre sa mga kapwa ko kongresista sa isang first-class na resto. Round 11: Kongresista. Pagsulong ng RH Bill. Mayroon akong kakilala na maaaring magsuplay ng contraceptives. Ang dalawampung porsyento ng kanilang kikitain ay mapapupunta sa aking bulsa.
‘Di nagtagal, nabuklat ang aking State of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN). Natuklasang ‘di tugma ang taglay kong ari-arian sa ‘king kakarampot na suweldo. Dumaan ako sa paglilitis. Bukod pa riyan ang ‘di ko pagbabayad ng tamang buwis. Sa ginawang paglilitis, bumalimbing ang aking mga constituents, kaibigan at iba pang mga nakinabang sa ‘king salapi. Nahatulan akong guilty. Kumalat sa mga social networking sites ang mug shots ko at ‘di lang pumatok pa sa Facebook, nag-trending pa sa Twitter! Sa kasalukuyan, ramdam ko ang hirap sa likod ng malamig na rehas: ang kumain
Round 6: Kongresista. Pagsusulong ng batas na magpapahintulot sa mga negosyante na magpatakbo ng kanilang negosyo kahit bumagsak ito sa pagsusuri ng ilang ahensya. Round 8: Kongresista. Pagpapatahimik sa ilang mamamahayag na lumalabis at kumakalaban sa akin. Round 10: Kongresista. Pagsuhol sa ilang mangmang upang makapagpuslit ng droga sa Tsina. Round 12: Kongresista. Pagbabawas ng pondo para sa mga kolehiyo’t mga unibersidad.
ng kaning-baboy, matulog sa matigas na kahoy na karton lamang ang sapin, at ang mamuhay nang mag-isa sa piling ng mga bilanggo. Sa pagsubok na aking pinagdaanan, ‘di ako naisalba ng batingting ng bell. Nabulag ako sa mga makamundong bagay at nagpadala sa udyok ng kasamaan. Mabigat man sa ‘king kalooban, idinedeklara ko ang aking pagkabigo: I…am…sorry. ‘Di talaga laging kasamaan ang bumubuo sa mundo ng politika, ang mga namumuno lang dito ang paulit-ulit na nagpapasama ng imahe nito.
15 “...Akala mo ba na ang pera namin ay binubunot lang sa kung saan-saan? Na parang mga batong pinupulot lang sa daan? Dahil ‘yon ba talaga ang iyong kapalaran? Wala namang dayaan! tama na ang eksaheradong bayarin!...”
Kakatapos lang ni Ben pagsabay-sabayin ang agahan, tanghalian at meryenda. Ayun! Busog na naman siya sa paborito niyang sweet and spicy pancit canton na inulam sa dal’wang tasang kanin, pang-full pack ng katawan sa carbo. Oras na naman para muli s’yang pumasok. Mataas ang sikat ng araw kung kaya sinuot n’ya ‘yong tig-si-singkwentang shades na tatakVans, ng boardmate n’ya, papuntang school. Astig daw pala ‘pag naka-shades, lu-lupet ang porma, tapos ‘di pa sasakit ang mata. Summer na kasi kaya dapat get-intostyle daw s’ya. No’n lang n’ya muling naalala na minsan, kapag naka-shades, ay ‘di s’ya napapansin ng mga nakasasalubong n’ya at ‘di nakikilala―natatakluban kasi ‘yong mga mata n’ya. Kaya nga kadalasan, ‘pag may gagawin daw na kalokohan, good ‘yong shades na pang-disguise para ’di ka makita ng mga makasasalubong mo. ni JOHN MARK I. PEREZ
Ben, Bayarin
PALETA II
PALETA II
16 Nalimutan n’ya palang uminom ng tubig kanina, kakamadali, kaya dumiretso muna s’ya sa Cass and Carrie at humingi ng isang basong tubig na may ice. Habang umiinom, na-distract s’ya ng balitang fumlash sa t.v. Ang sabi: “Isandaan at sampung bilyong piso pa ang madadagdag sa utang ng bansa ngayong taon. Ito, ayon kay Finance Undersecretary Gil Beltran, ay dahil sa lumulobong budget deficit na ngayong taon ay tinaya sa 293 billion mula sa unang target na 233.4 billion.” Napatigil s’ya sandali, at pinakinggan pa ang sumunod na mga detalye: “Ngayong 2010 ay tinayang nasa 4.833 trillion pesos ang utang ng Pilipinas. 2.822 trillion dito ay utang sa mga local creditor habang ang balanse ay utang sa labas ng bansa.” Nagulat ‘yong mga tao sa loob no’ng karinderya. At may napabulalas ng “Ano ba ‘yan, ang yaman talaga natin sa utang! At lumalaki pa nang lumalaki nang ‘di natin halos namamalayan!” Napatawa si Ben. Nagulat na may say din pala ‘yong mga tao ro’n sa mga gano’ng isyu. Napatid na ang uhaw n’ya, kaya dumiretso na s’ya pa-school. Hanggang sa makarating na s’ya sa classroom, wala pa rin pala ‘yong titser nila. Nakaupo na s’ya sa upuan nang biglang i-announce ng kaklase
n’ya na may bago raw bayarin para sa chapter exercise at may kasunod na mall tour; este, plant tour daw sila sa kung saan man. At ‘yong mga may utang, magbayad na raw kaagad para ‘di raw magkapatung-patong ang bayarin! Kaya ayun ulit! Nagsipagkunutan na naman ang mga noo ng mga kaklase n’ya. May mga kumamot sa ulong ‘di naman kumakati. May mga dumadaing ng: “Na naman?!” Maraming nag-overreact, pero may iba rin namang nanahimik na lang. ‘Yong iba, s’yempre, p’re―wapak! Si Ben? Napamura ng malutunglutong na “TANGINA!” at nanghina na naman. Parang magsasaklob na ang langit at lupa! ‘Di pa nga s’ya nakapagbabayad ng utang, ta’s may bago na naman s’yang ililitanya sa nanay at tatay n’ya. Sigurado, darating na naman ang cantunan days at higpitan ng pantalon. Tapos, may pahabol pa: “Wala raw munang pasok ngayon, may pupuntahan daw si sir, e.” Lalo s’yang nanghina. “Fuck! Sayang ang punta ko sa school, wala na namang matutunan!” Pero sabagay, parang gano’n din naman daw ang senaryo kung papasok ‘yong titser nila. Kaya umuwi na si Ben, at dumiretso sa boardinghouse, humiga at nag-isip. Nagsimula na namang magsilakbo ang damdamin n’ya:
17 Bayad dito, bayad d’yan! Wala na bang katapusan? Ba’t nga ba trending ‘yan? Dahil ba wala ng ibang hobby kundi pairalin ang ‘yong pagkagahaman at atupagin ang pagpapayaman. Ang magpauso ng mga plant tour sa amin na mala-business tour sa ‘yo! Mga manwal na dinaig pa ang mga tunay na aklat sa mahal ng presyo na kung babasahin naman ay makikitang ang nilalaman ay wala halos laman! Ang sistema mo ng pagtuturo na bulok! Ang mga diskarte mong bulgar ang kakurakutan pero ika’y nagmamanhid-manhidan lang. Ano bang nilagay mo sa muk’a mo, para kumapal nang ganyan? Akala mo ba na ang pera namin ay binubunot lang sa kung saan-saan? Na parang mga batong pinupulot lang sa daan? Dahil ‘yon ba talaga ang ‘yong kapalaran? Wala namang dayaan! Tama na ang eksaheradong bayarin! Matauhan ka naman sana sa mga pinaggagawa mo sa mga estudyanteng minalas na mapapunta sa klase mo. Buhay nga naman, o; bakit ba kasi nagi-exist ang katulad mo rito sa kolehiyo ng inhinyeriya? Kung talagang tama ang mga pinaggagawa mo, wala na sanang lalabas na gan’to! Tama na ang pang-aabuso mo! Dapat tanggalin at sipain ka na rito!!! Kaawa-awang Ben.
PALETA II
PALETA II
18 “...Para akong batang nangunguha ng lata, bakal at bote na sa likod ng isip ay may nakatagong takot dahil sa kinalalagyan sa malupit na lipunan...”
ni KAYE ANN E. JIMENEZ
Package
“Totoo po bang mayayaman lang ang nakapupunta sa ibang bansa?” “‘Di naman lahat. Ang nanay ko nga; e, nasa ibang bansa pero ‘di naman kami mayaman, ‘di ba?” “Pero ‘di ba po mahal ang pamasahe pagpuntang arbord?” “Oo. Pero ‘di naman kasi lahat ng pumupunta sa ibang bansa; e, pumupunta ro’n para mamasyal o mag-happy-happy lang. ‘Yong karamihan, pumupunta ro’n para magtrabaho.” “Aaaa...gano’n pala. E, bakit po? Wala bang trabaho rito?” ‘Di ko alam kung ano’ng pumasok sa isip ko’t nakuha ko pang makipagkwentuhan sa batang ‘yon kahit na ‘di ko naman kilala. Siguro, sawang-sawang na rin ako sa buhay. Kung ‘di ako nasa school, nasa bahay. For the past few years, naging school-bahay na lang ang daily routine ko. Kaya naman nang may lumapit sa ‘king bata na nangunguha ng mga lata, bakal at bote para magtanong kung may alam akong makukuhanan ng mga gano’ng bagay, naisipan kong makipagkwentuhan.
19 Lata. Bakal. Bote. ‘Di kami mayaman pero masasabi kong ‘di rin naman kami naghihirap. Siguro nga; e, dahil nagtatrabaho sa ibang bansa si Nanay. DH s’ya ro’n. Katulong ang tawag ‘pag dito sa Pilipinas nagtatrabaho—mutsatsa o atsay sa iba. ‘Pag sa ibang bansa, DH o Domestic Helper na. The ‘cheap’ implication of being a maid turned out to be something na pasosyal ang dating ‘pag related na sa ibang bansa dahil sa colonial mentality na meron tayo. Malaki ang sahod kumpara sa kakarampot na pasuweldo sa mga katulong dito. Naiintindihan ko naman kung bakit kinailangan ni nanay na umalis ng bansa at iwanan kami ng mga kapatid ko kay Lola. Napaaga kasi ang pagbyahe ni Tatay pa-heaven kung do’n nga ang punta n’ya at lahat kaming apat na magkakapatid ay nagaaral. Araw-araw, nagmamahal ang presyo ng mga bilihin pati na ang matrikula kahit pa sabihing sa pambansang pamantasan ako nag-aaral. Kabi-kabila ang mga nagsusulputang bayarin sa eskwelahan. Asin na nga lang ‘ata ang ‘di nagmamahal ngayon! Ang tanging solusyon na lang na nakita n’ya ay ang mamasukan bilang DH sa isang pamilyang ‘di naman n’ya kaanu-ano kahit pa ang kahulugan no’n sa ‘kin ay pagpapaalipin sa ibang lahi. I understand her situation. Naka-ho-homesick do’n. ‘Di na-
man n’ya ginusto na mapalayo sa amin dahil kung mabibigyan ng pagkakataon, alam kong mas pipiliin pa rin n’ya ang manatili sa bansa upang kami ang alagaan at i-guide sa ‘ming paglaki. Hanga nga ako kay Nanay sa lakas ng loob n’yang harapin ang buhay mula no’ng ma-tsugi si Tatay dahil sa sakit sa atay. Mahina ang loob ni Tatay. Basta may problema, sa maboteng usapan lagi idinadaan. Palibhasa, nasanay sa maalwang buhay kaya nang mapasama s’ya sa mass layoff dati, naging bestfriend na n’ya ang empe at mucho. ‘Di kagaya ni Nanay, imba sa pagharap sa hamon ng buhay. Napaka-strong ng personality n’ya. Sanay sa hirap. Sanay magtiis. ‘Di madali ang buhay. Kailangan lagi ang pagsasakripisyo upang umasenso lalo na sa kasalukyang kalagayan ng bansa. Survival of the fittest ang labanan. Kailangang pairalin ang pagiging madiskarte. Kalimutan na muna ang pagse-senti kung ayaw mong mamatay nang kumakalam ang sikmura, dilat pa ang mata. Kung ang ibang anak na iniwan ng magulang para magtrabaho sa ibang bansa ay nagrerebelde, ‘di ako gano’n. Nangyari na ‘yon sa pelikula ni Vilma Santos noong taong 2000. At wala akong balak na magpaka-Claudine Barretto dahil 2012 na ngayon. Magiging emo pa ba ako kung nasusunod naman ang lahat ng gusto ko?
PALETA II
PALETA II
20 Wala man s’ya sa tabi ko, dama ko naman ang pagmamahal n’ya sa ‘ming magkakapatid. Eight years na s’ya ro’n. Dal’wang beses pa lang s’yang nakakauwi. At ngayong malapit na ang graduation ko, nangako s’yang uuwi s’ya. High school lang ang natapos ni Nanay at gusto kong ialay sa kanya ang aking diploma kapalit ng mga naging pagpapagal n’ya sa trabaho. Sabi kasi ng teacher ko no’ng elementary, kung ‘di man daw nakatapos ng pag-aaral ang magulang, anak ang magtatapos. Promise ko sa kanya no’n na pagkatapos ko ng pag-aaral, maghahanap agad ako ng trabaho at ‘pag may trabaho na ‘ko, hinding-hindi na s’ya babalik sa abroad. Lata. Bakal. Bote. ko.
Naalala ko ulit ‘yong batang kausap
“‘Te, wala po bang trabaho rito?” pag-uulit n’ya sa kanyang tanong. ‘Di ko pa pala nasasagot ang tanong nitong bata. Nag-isip ako. May mga trabaho naman ang mga tao rito. ‘Yon nga lang, ‘di sapat ang bilang ng mga trabaho sa bilang ng mga naghahanap ng trabaho. Maski nga mga propesyonal, nahihirapang humanap ng trabaho o kung ‘di man ay sa trabahong napakalayo sa tinapos nila sila napupunta. Kadalasan, kahit mga graduates ng Education, Nursing, HRM at
Business courses, sa mga call center ang bagsak. Mga underemployed, kumbaga. “‘Pag malaki ka na, maiintindihan mo rin ang lahat.” ‘Yan na lang ang nasabi ko. Nagpaalam na ‘ko at ipinagpatuloy ang paglalakad patungong sakayan. Dal’wang buwan pa naman bago ang graduation ko pero ngayon nakatakdang umuwi si Nanay. Habang nasa byahe, binalikan ko ang mga alaala kasama si Nanay ng mga nakaraang taon—ang huli n’yang uwi two years ago at lahat ng masasayang alaala ko sa piling n’ya mula pagkabata pati na noong buhay pa si Tatay. Katulad dapat ng batang maraming napulot na lata, bakal at bote upang ipagbili sa junkshop ang saya na mararamdaman ko dahil makikita ko na muli si Nanay. Pero ‘di ‘yon ang nararamdaman ko. Ang lahat ay may hangganan—ang pagtitiis, ang pasensya, ang pagdurusa. Gaano man kahalaga ang mga materyal na bagay, time will come kung sa’n mawawalan na rin ‘to ng halaga. Ang lata at bakal, ‘pag kinapitan na ng kalawang at unti-unting nasira, at ang bote, kapag ito’y nabasag o nagkalamat, pare-parehong mawawalan ng pakinabang ‘pag umabot na sa hangganan. These will all be useless. Para akong batang nangunguha ng lata, bakal at bote na sa likod ng isip ay may nakatagong takot dahil sa kinalalagyan
21 sa malupit na lipunan. Bagama’t namumuhay sa kasaganaan ay gising ako sa katotohanang kailangang harapin ni Nanay ang pait ng tadhana sa dayuhang bayan hanggang sa ito’y matuldukan. Nauna na sina Lola at ang mga kapatid ko sa airport. Hindi ako na-e-excite. Ilang sandali pa ay lumapag na sa paliparan ang eroplanong kinalululanan ni Nanay. Ang lahat ay lumapit patungo sa arrival area. Lahat ay nagmamadaling makita si Nanay. Tanging ako lamang ang nanatiling nakatayo at nagkasya na lamang na tanawin ang bagong dating. Isang malaking package ang pinagkaguluhan ng mga kapatid ko. Lahat ay nais matingnan ang laman. Lahat ay may pagmamadali. Iba’t ibang emosyon ang gumuhit sa kanilang mga mukha. Ngunit kaiba ‘yon sa mga ordinaryong package na ipinapadala ni Nanay dahil s’ya mismo ang naroon. S’ya ang laman ng package. Tumingala ako at unti-unting nanlabo ang aking paningin.
PALETA II
PALETA II
22 “...Sabi ni inay dati, milyonmilyon na raw ang perang gagastusin sa pagpapatayo ng tawiran... Napakaraming pera! Napakaraming tirahan sana ang maipagagawa...”
Pumreno ang dyip nang bahagya ngunit nanatiling nasa gitna ng kalsadang binabagtas! Umalingawngaw ang nakabibinging busina! “Bilis!” narinig kong pagalit na bigkas ng drayber. Kasama ko ang nanay kong ‘di magkandaugaga sa pagbalagwit ng mga panindang isda na pinaraka pa n’ya kanina sa tabing aplayang mahigit tatlumpung minutong lakarin mula sa lubak-lubak na kalsada. Maya-maya’y bumaba na ang aburidong konduktor at pahiklas na inagaw ang ilan sa mga paninda ni Inay. Bukod kasi sa mga isda, naglalako rin si Inay ng mga kakanin habang binabaybay ang daan patungo sa aplaya tuwing umaga.
ni ALJIN CHRIS C. MAGSINO
Isang Supot ng Semento sa Limang Sakong Buhangin
23 Sumalta na ang konduktor matapos makapuwesto si Inay sa pinakabukana ng dyip na agad namang humarurot sa pagtuktok ng konduktor sa bubungan nito gamit ang baryang iniabot ni Inay. Maluwag ang dyip subalit sa kandungan ako ni Inay naupo kagaya kahapon at no’ng mga nakaraang araw. Nilingon ko ang iba pang pasahero. May mamang nakabarong na nasa kaduluhan, katabi ng isa pang mamang magara rin ang kasuotan. Sa katapat nila ay isang nakapusturang babaeng katabi naman ng isang kasing-edad kong bata na nahuli kong nakatingin sa akin; nakatakip sa ilong ang panyong hawak ng babae. Napalingon ako nang magsalita ang aleng katapat ni inay. “Si Mayor!” sabay nguso sa mamang nakabarong habang tinatapik ang katabing ‘di magkaintindihan sa pagtatakip ng ilong. Narinig ata no’ng mama at agad nagsalita “Aaa…nasiraan kasi ‘yong dal’wa naming sasakyan, e! He-he! ‘Yong service naman ng munisipyo; e, ginamit ni Vice; may dadaluhan kasing binyagan” sabay kumpas ng kamay nito na parang hindi mapakali. Agad namang sumegunda ang katapat nitong babae, “Okay naman palang sumakay sa dyip, ano? Presko ang hangin at―” Naputol ang pagsasalita nito nang mapatingin sa may gawi namin. Napasulyap ako sa mukha ni Inay nang ilipat n’ya ako sa kabila n’yang hita. Kinuyom n’ya ang kaliwang kamay at ba-
hagyang ibinaon sa nanakit na hita. ‘Di na rin kasi maiunat ni Inay ang kanyang mga paa dahil sa mga banyera ng isdang nasa harapan n’ya na kinapapatungan ng bilao ng mga natirang kakanin kaninang umaga. “Mommy, paglaki ko, gusto kong maging katulad ni Daddy,” narinig kong tinuran ng bata bilang sagot sa tanong ng nakapusturang babae. Isang malakas na halakhak ang binitiwan no’ng dal’wang mama. Naramdaman kong hinimas ni Inay ang aking munting braso, sabay ang paglapat ng kanyang baba sa aking balikat. Naalala ko na minsan ay tinanong din ako n’ya ‘ko kung ano’ng pangarap ko paglaki. At ang isinagot ko ay maging engineer. Narinig ko kasi sa aking mga kalaro na engineer ang gumagawa ng bahay. “Gagawan ko po ng bahay ang lahat ng walang tirahan tulad natin.” “Civil engineer ata ang tawag do’n, Anak,” sabi ni Inay habang ginugusot ang buhok ko. Kumapal ang usok ng dyip, hudyat na papaahon na kami sa bagong kalsadang proyekto ni Mayor. Natatanaw ko na rin ang malaki n’yang larawan. Nakita kong nag-antanda ng krus ang katapat naming babae, pikit ang mga mata. Humigpit naman ang pagkakahawak sa ‘kin ni Inay. Sa kalagitnaan ng matarik na kalsada ay may isang kurbadang nasasanggaan ng mayaya-
PALETA II
PALETA II
24 bong na puno ng ipil-ipil. At dahil sa biglaang pag-arangkada ng dyip, tumilapon ang mga paninda ni Inay kasabay ng pagagos ng katas ng isdang aming inangkat. Kinalampag ng konduktor ang bubungan ng dyip kasunod ang isang tadyak sa gilid at mahinang pagmumura. Huminto ang dyip. Akmang tatayo si Inay upang bumaba at damputin ang nangalat n’yang paninda sa kalsada nang magsalita ang mamang nakabarong, “Manang, baka po pwedeng bayaran ko na lang ‘yong mga paninda? May naghihintay lang pong napakagandang kontratang dapat kong mapirmahan para sa proyekto sa ating bayan.” Sabay dukot sa bulsa: tatlong kulay ube, isang ginto, dalawang pula, at apat na kahel. Iniabot n’ya kay Inay lahat maliban do’n sa ginto na hiningi no’ng batang ngayon ay kalong na no’ng nakapusturang babae na nakatingin sa sahig at nakataas ang kilay. Isang matipid na ngiti ang isinukli ni Inay. Muli akong kinalong ni Inay at matamang tinitigan ang kanyang mga paninda nang umandar na ulit ang dyip. Nakatulog ako sa kandungan ni Inay. Isang nakabibinging tunog ang gumising sa akin. Tunog ng nayuping lata. Nagmulat ang aking mata. ‘Di na ako lulan ng dyip. Ang kalawakan ang aking nakikita na tila nagbabadya ng paparating na ulan. Maya-maya’y naramdaman ko ang pag-agos ng malapot likido sa ‘king likod.
Naramdaman ko rin na wala na ang higpit ng yakap ng aking ina at sa sulok ng aking mata ay natanaw ko ang isang motorsiklong nakasadsad sa napakalaking litrato ni Mayor. Muli akong tumanaw sa langit at nawangis ko ang mukha ng aking ina. Lumuluha. At tuluyan itong nilamon ng makapal na ulap. At bumuhos ang malakas na ulan. Makailang araw ang lumipas, sa aking paglalakad pauwi, matapos kong dalawin ang puntod ni Inay, naulinigan ko ang huntahan ng dalawang mama habang abalang naghahalo ng semento para sa proyekto ni Mayor: “Isang supot ng semento sa dalawa’t kalahating sakong buhangin dapat!” giit no’ng isa. Nanggagalaiting sumagot ang isa pa, “Ang sabi nga ni Engineer, isa sa kada apat ang gawin; aprubado raw ‘yon sa taas!” sabay baling sa gawi ng munisipyo. Iyon ang una kong natutunan sa pangarap kong maging isang civil engineer. Natanaw ko na naman ang malaking piktyur ni Mayor, sa tapat ng dalawang mama, katabi ng napakaraming numero. Sabi ni Inay dati, milyon-milyon na raw ‘yon, ang perang gagastusin sa pagpapatayo ng tawiran sa ibabaw ng kalsada. Napakaraming pera! Napakaraming tirahan sana ang maipagagawa. Minsan naguguluhan tuloy ako kung maging mayor o maging engineer ang gusto ko kasi mas madami
25 ang pondo ni Mayor, mas sikat, at mas mataas kaysa sa inhinyerong kanya lamang tagasunod. S’ya nga pala, si Mayor din ang sumagot at nagpagawa sa libingan ni Inay. ‘Di ko alam kung nakialam din do’n si Engineer. ‘Pag nagkataon, baka isang supot na lang ng semento sa limang sakong buhangin gawa ang naging silid ng kaawaawa kong ina. Teka, napansin ko lang na ‘di naglagay ng malaking larawan ni Mayor sa gilid ng ipinagawa niyang puntod para kay Inay. Bakit kaya?
TALABABA: pinaraka – [Mindoro], inangkat
PALETA II
PALETA II
26
27
PALETA II
PALETA II
28 “...policewomen, female engineers, “gay” soldiers (I fInd this double queer) and “lesbian” moms (double queer, too)... Okay, so I hope this made sense. If you still are confused, then you must be gay. Pun intended...”
by MARYKNOLL D. MENDOZA
Queer
To hell with boners and wet pussies, this one’s distinctive. Most people wonder how homosexuals get to grow in numbers when their pairs don’t even have the capability to bear children. Some people think of how they could practice birth control, or could they ever. When this idea crossed my mind, I can think of no other way but to be zapped by the ray gun (who zaps gay men) in Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington—a movie pretty famous among the Lucban community. But seriously, how on earth does a ray gun know whom to zap? How can you tell when someone is involved in a queer relationship? Why do you even care if they are queer?
29 By queer, I mean not the derogatory and pejorative word used to depict homosexuals. I am referring to the postmodern refusal of an individual to contain itself within gender role assignments, or the lack of identification and orientation to socially crafted stereotypes that brand individuals based on their behavior in society. These pigeonholes use the overriding culture as a standard of what is “straight”, “gay”, or “lesbian”. Everyone can be queer. Yeah, it’s not just a “gay” thing. By this, I’m denoting that even heterosexual individuals can do queer activities by deviating from their expected gender roles. Say, a “straight” man arranging flowers for a living. Society usually associates flower arrangement with a woman: pinpointing it as a feminine activity. But when a man transcends cultural expectations on what he should be doing, he flouts the governing culture that men should only be involved in menial labor and macho stuff. You know, testosteronepacked things that involve projecting one’s alpha maleness. But a knack for arranging flowers does not automatically make him a “gay”. Unless you are a medieval chauvinistic bigot who still believes in constipated conservatism, truth can be that he’s stereotypically “straight”. Moreover, the words “gay” and “straight” have a lot of assumptions to prove. Those words are
funny. So, queer is not “gay”, but “gays” could be queer. Matter of fact, they already are, because they’ve long defunct from society’s gender role assignments, since I don’t know, men did some butt lovin’ in good ol’ Sodom and Gomorrah. These “gay” men and women love people from their own sex. They simply refuse to try the other side, which is different from what society expects from them. Other examples are policewomen, female engineers, “gay” soldiers (I find this double queer) and “lesbian” moms (double queer, too). Okay, so I hope this made sense. If you still are confused, then you must be gay. Pun intended. I know for a fact that many of us have our own gaydars. We got neurons that are highly specialized on determining if a guy is someone we could date or someone whom we can have our kulutan sessions with. 7th sense, perhaps? But with the fast-paced perception of sexuality, our gaydars are constantly challenged. It has become formidable to delineate the queer from the straight. However, due to the presentation of homosexuality in the Filipino-made queer movies, it appears to me, or at least the one’s that I’ve watched, homosexuals are downgraded to creatures who cannot di-
PALETA II
PALETA II
30 vorce love from lust in a relationship. You know, like, no sex, no exposed male sex organs, none of the same sort. Frank but squeaky-clean love, I suppose. And it still works. Most of our movies show carnal and hedonistic elements while tackling the distorted issue of homosexuality. Some even actually go to the extent of presenting lustful scenes even if it seems unnecessary to the content of the film. Why do they do it? I know not the reason behind such; maybe because the director can always conveniently invoke artistic license. Or a more believable reason that bothers me is their deeper concern for the sale ability and profit more than the quality of the film’s content. So there goes the Philippine’s queer cinema. It’s starting to eat itself. It’s beginning to preserve the very things that try to reduce its value. This could have been a prospective strong vehicle to articulate voices. Sad. We could have had utterly disprove the common perception of people regarding “gay” love—that it’s the result of raging hormones derailed from the “straight” path. It’s not about oral, anal or whatever acrobatic form of lustful sex. It’s not about testosterones satiating hedonistic desires. It’s simple and atypical. Nothing strange, nothing controversial, completely normal. It relatively shows that love precedes all the other things. Love is the cause and not the effect; and it is definitely not an artificial byproduct. It’s like breathing fresh air that represents a different but considerably valid point. This is something not remote from reality. Seriously, if all you wanted to see are boners and wet pussies, I’ll say the porn industry can better cater you.
31
Paano ko nga ba imamaneho ang bangka ng aking kaluluwa sa dagat ng kakapusan ng kaalaman kung ang hawak kong pananaw ay taliwas sa mga isdang bumabagtas dito? Marahil ay maganda na rin na wala pa ‘kong alam upang sa aking bawat pagka-big ng sagwan ay mararanasan ko ang kasiyahan ng pagpasok ng mga panibagong impormasyon sa aking malikot na utak. Wala sanang madangging mga nilalang ang aking may karumihan nang bangka. Huwag sanang masira ang aking bangka ‘pagkat pangarap ko pang maglayag patungong kalawakan na gamit-gamit pa rin ang aking kakaibang pananaw na ang buhay, ang mundo, ang buong langit at ang sarili ko ay iisang entidad na walang sinuman—patay man, nabubuhay pa o mabubuhay pa lang— ang makakaalam kung bakit narito, kung saan nanggaling at kung may layunin nga ba o wala. Gano’n pa man, mananatili akong naglalakbay, nagtatanong, naghahanap ng sagot, nagbabahagi ng karanasan, nabubuhay.
“...na ang buhay, ang mundo, ang buong langit at ang sarili ko ay iisang entidad na walang sinuman —patay man, nabubuhay pa o mabubuhay pa lang— ang makakaalam kung bakit narito...”
ni JAI ARLON D. JAMIAS
Bangkero
PALETA II
PALETA II
32 “...Sa mundong oras ang kalaban, hindi puwede ang magdahandahan. Tao, bilisan mo ang takbo. Ang oras, ‘di ‘yan hihinto para sa ‘yo...”
ni KAYMART A. MARTINEZ
Timepiece
Bakit ka nagkukumahog kapag na-late ka ng gising? Simple lang, dahil may pamilya ka at ayaw mong masisante sa trabaho. Bakit sinisisi mo ang kasama mo sa bahay kapag ‘di ka nito ginising kahit na aware sila sa oras ng pasok mo? Gusto mo lang naman kasing makapasok sa eskuwela nang tama sa oras. Para sa’n pa’t nagbo-board ka kung pipiliin mo lang na ma-late araw-araw ‘di ba? At saka, pakipalitan na rin ng alarm clock mo. ‘Di na s’ya epektibo, sigurado ako. At ‘wag ka na ring mag-inarte kung ‘di sila concern sa ‘yo, gawa ka na lang ng sarili mong paraan. Bakit mahalaga ang bawat segundo sa mga atleta? Dahil karangalan sa sarili at sa bansa ang manalo sa bawat laban. Bakit ang mga working mom ay kailangang paspasan sa pag-uwi kinahapunan? May beybi kasing nangangailangan ng suplay ng likidong nagmumula sa kanilang mga dibdib. Mas masustansya
33 nga naman ‘yon kumpara sa mga pulbos na karaniwang ini-endorso sa radyo’t telebisyon. Bakit ka nagmamadaling lumabas sa kampus tuwing uwian? Maaaring gusto mong humabol sa group study pero puwede rin namang sa group session na may halong patak-patak. Alam na! Bakit ka nag-ka-cram tuwing may mga assignments at projects? Gusto mo lang naman kasing makapagpasa on-time kahit na alam mong dapat ginawa mo na agad ito nang mas maaga. Bakit kailangang mong magpuyat gabi-gabi? Kasi, kailangan mong magaral dahil ‘di sapat ang oras sa umaga sa dami ng kawil kaya kailangang mag-extend. At bakit kailangan mong makipagsiksikan sa dyip kahit na andami-dami pang nakapila? E, kasi, ayaw mong masermonan na naman ng nanay mong parang NBI agent na laging kinukuwestyon ang oras ng paguwi mo. Sa mundong oras ang kalaban, hindi puwede ang magdahan-dahan. Tao, bilisan mo ang takbo. Ang oras, ‘di ‘yan hihinto para sa ‘yo. Ikaw ang humabol. ‘Wag mong gawin ang kabaligtaran.
PALETA II
PALETA II
34 “...ibalik mo na lang ‘yong panahong mura pa ang gas at kailanman sana’y ‘di na magtaas. Na ang sitentang hawak ko ay sapat na para sa isang maghapong badyet ng pamilya...”
Sa dyip, byaheng Luisiana-Lucena, nagbayad ako ng isandaang piso when I heard a little girl asked her mother: “Mama, anong wish mo kay Wako-wako?” (Perhaps everyone knows who Wako-wako is. If not, I know a little bit of him/her. Siya ‘yong newest fictional character sa t.v. who grants wishes. I don’t really know anything much about him/her even his/her gender.) Well anyway, I saw how the child asked her mother with a very curious tone and animated face. She looked very cute and amazing. I barely heard her mother’s answer kasi maingay ‘yong dyip. Tapos na-realize ko: Pa’no kung ako ang tinanong no’ng bata? Napaisip ako bigla. Sa isip ko… I’ll wish I am a child, again.
ni DANAEL Z. SABEROLA
Sa kuwagong Walang Pakpak
35 A child who does not know how hard life is and how hard life will be when he gets old. A child who always wants to do is to play. Bigla kong na-miss ang kabataan ko: Ang paglalaro ko ng mga magnetic letters at mga hugis-prutas na nakadikit sa refrigerator. Ang dahandahan kong pagsasara ng ref habang sumisilip sa loob kung mamamatay ang ilaw nito. Ha-ha! Ambabaw pero masaya. ‘Pag walang magawa, pagalingang kumuha ng dahon ng makahiya nang hindi ‘to titiklop. Tanda ko rin ‘yong ‘pag brown-out sa lugar namin tapos mas maraming bata ang nasa labas. Nanghuhuli ng alitaptap. Nagtataklob ng puting kumot habang naglalakad para muk’ang white lady. Pero wala namang natatakot. But one thing I remember the most kapag brown-out; e, gagawa kami ng mga kalaro ko ng bonfire. Tapos, nakapalibot ang lahat habang may hawak na stick na nakapatong sa apoy ang kabilang dulo. And then, my mother will warn: “Hala sige, maglaro ka ng apoy at magsasala ka mamayang gabi.” But I was so stubborn and I’ll just answer her back. “Iihi na lang po ako bago matulog.” Pero umihi na ko’t lahat, still, I unfortunately and unconsciously wet my underpants and pajamas while asleep. And after all, I realized mother knows all, mother knows best. Pero dahil nga matigas ang ulo ko at malamang ng marami namang bata, we keep doing these
kinds of stuff. We never quit doing what makes us happy. We never stop playing for this covers the most of our childhood life. Playing completes our childhood at ang sarap-sarap alalahanin at balik-balikan. Though I realized that I’m happily contented with my adult stage of life now for I know that I was dreaming and wishing of getting old fast too, when I was a child. Hindi ko na kailangan pang hilingin kay Wako-wako na ibalik ako sa aking pagkabata. Tayabas na pala, malapit na akong bumaba. “Mama, sukli ko po.” Inabot sa akin ang sitenta pesos. Sa kuwagong walang pakpak, pakinggan mo wish ko: Sa halip na ibalik mo ang panahon ng aking kabataan, ibalik mo na lang ‘yong panahong mura pa ang gas at kailanman sana’y ‘di na magtaas. Na ang sitentang hawak ko ay sapat na para sa isang maghapong badyet ng pamilya. ‘Yong panahong ang sampung piso ay napagkakasya ng isang estudyanteng nasa kolehiyo. Okey lang kahit ‘wag mo na ‘kong ibalik sa pagkabata sa halip ay ibalik mo na lang ‘yong panahong ang piso ay malaki ang halaga sa tao. Na tipong singko sentimos lang ang ibibigay ng isang magulang sa kanyang anak para makabili ng candy at lollipop. Sa ganito, simple lang ang buhay. Simple lang ang lahat. “Para ho!”
PALETA II
PALETA II
36 “...Masasabi mong narcissistic na nga ang isang tao kung pagbrowse mo sa kanyang album ay libo-libong solo pics ang makikita mo at ang iba rito ay group picture talaga na ikinacrop para lang maging solo...”
Everyone has his own intellect and freewill… …and a facebook account. ‘Wag ka nang magugulat kung pati si Nanay o maging si Tatay ay nag-iisip na ng maganda at papatok na fb status. Samantala, mapanganga ka kaya kung makita mo ‘yong nilimusan mong bata sa kanto; e, todo ang dutdot sa spacebar maibagsak lang nang maayos ang kanyang tetrimino? “Penpal” is so old school, FB is the new trend daw, sabi naman ni yaya. Sa facebook kasi international! Sobrang daming foreigner over the web na mahilig sa exotic beauty. ‘Yan ang target ni yaya, ang mag-aahon sa kanya sa kahirapan. Aba, teka, may fb account kaya si PNoy? I-search mo at ang makikita mo lang ay mga fan page na bumababoy sa kanyang makintab na noo. Kung meron man siguro siyang account, panghanap lang niya ito ng babaeng magliligtas sa kanya sa pagiging single! Tell me who your friends are and I’ll tell you who you are… Ngayon: Tell me your facebook account, I’ll browse it and I’ll tell you who you are. Sample: Masasabi mong narcissistic na nga ang isang tao kung pag-browse mo sa kanyang album ay libo-libong solo pics ang makikita mo at ang iba rito ay group picture talaga na ikina-crop para lang maging solo. Dito mo rin makikita ang
ni EFREN S. ALMOZARA JR.
Mondofacebook
37 mga taong uhaw sa papuri, i-like mo lang ang kanilang mga status na “Got a perfect score in PE!” at siguradong mabilis pa sa madaling-araw kung pasalamatan ka nila ng “thx pow sa like! :)” Sa fb, naglipana ang mga taong kulang sa pansin na lahat na lang ng kanilang gagawin ay ipo-post, “Log-out muna, magni-nail-cutter lang!” E, ano ba’ng pakialam ng iba sa ginagawa mo? ‘Di ba nga “What’s on my mind?” hindi “What are you doin’?” May mga tao talagang gusto lang magyabang. Magsasalubong na lang ang dal’wang ahit mong kilay ‘pag nabasa mo ang mga post nila tulad ng “Here at Starbucks!” E, gago pala siya, e! Ano naman sa ‘kin kung nagkakape siya riyan?! Lahat ng sobra ay masama. Over-used. ‘Yan ang facebook. ‘Yong favorite news show mo ay facebook oriented na rin: “Poll ng bayan, bagay ba si _______ para kay PNoy? To vote, visit our fan page on facebook. Paano pala kung PNoy fans club lang ang online sa fb no’ng mga oras na ‘yon? Ibig sabihin, hindi reliable ang magiging sarbey. E, bakit sinasabi ng mga news show na ito na “pawang katotohanan lamang…”? Naloko na! Ginagamit na rin ang facebook sa mga beauty pageant. Nakakatawa ang mga pageant organizer dahil isinali nila sa criteria of judging ang number of likes sa [teka…] picture [na ba talaga yan?] ng contestant. Hindi ba nila alam na ilan sa mga like na ito ay dala lang ng awa at pangungulit ng mga contestant? Baka nga ang iba pa rito ay mga multiple o gawa-gawang fb accounts lang ang ginamit na pang-like. The only constant thing in this world is change. Friendster… Facebook… What’s next? Nang makapag-sign-up na ko!
PALETA II
PALETA II
40 “...May pruweba ka ba? May kasulatan ka ba na nasa Apple tablet? Bakit, may “istowdent hinidebook” ka ba? Para maipakita mo naman sa ‘kin ang trulibels at falsibels dito sa loob ng iskwul. Ilabas n’yo!...”
Mga Tauhan: Civilian Guard as Guwardiya Sibil Variable X as Ebik Nadamay na Tauhan: Variable Y as No One Panahon at Tagpuan: Once a upon a daytime, sa SLSU 1st gate, sa tapat ng 7/11 na dating GK (Groserya’t Kompyuteran). Eksena uno: Hinarang ng isang guwardiya sibil ang isang ‘di matukoy na katauhan na itatago na lamang natin sa pangalang “Ebik” habang pumapasok sa pagitan ng male at female. Oo, sa pagitan mismo. Guwardiya Sibil: Pssst! Oy! Hoy! Chips ahoy! Ebik: Yes, what can my beautiful body do for you, Mr. Guard? Guwardiya Sibil: Bawal ‘yan! Ebik: Alin? What?! Haruy dyusko, hindi pa ‘ko nagpapasok ng droga! Huhuhu! Achu! (Sinipon) Guwardiya Sibil: Anong droga? Hoy! Ikaw mismo!
ni MIKHAIL ANDREW O. LOZADA
Istowdent hinidebook
41 Ebik: Ha? Akechiwa no going sa loob? How sad! Guwardiya Sibil: Oo, bawal ka! Ebik: Waylalu naman po? Guwardiya Sibil: Kasi bawal ang brand ng damit mo, ang brand ng shorts mo, ang brand ng sapatos mo at bawal ang…panty ba ‘yan? (Sinilip) Oo nga, ang panty mo! Lalo na ang mukha mo! Ebik: Keber mo ba sa mukha ko?! Eksena Dos: Matapos ang mahaba-habang pag-ha-heart-to-hurt talk. Ebik: Sige nga, paano mo nasabing bawal aketch? Bakit, kaya mo bang patunayan ‘yan? May pruweba ka ba? May kasulatan ka ba na nasa Apple tablet? Bakit, may “istowdent hinidebook” ka ba? Para maipakita mo naman sa ‘kin ang trulibels at falsibels dito sa loob ng iskwul! Ilabas n’yo! Alam mo, Manong guard, may tsika ‘ko sa ‘yo. Ang mudakis ko ay nagtatrabaho sa Admin. Closibels silachi ng ulo ng seguridad, ng mga ikalawang nakakataas at ang pinakamataas na ulo. Chos! Guwardiya Sibil: (Kinakabahan, pinagpapawisan nang malagkit at malamig. In short, parang na-e-ebs. Paki-imagine: Nakakadiri.) Ahmmm, ikaw naman, hindi na mabiro. Sige na nga, pumasok ka na, baka ma-late ka pa. Sige ka, ikaw din. A-uhm. (End).
PALETA II
PALETA II
42 “...ISPARKISTA: Ginoo, may videocam ka ba? ALMA RIGHT: Bakit? ISPARKISTA: Kasi idudokumento ko ang mga ginawa mong paglabag sa karapatang pantao...”
Mga Tauhan: Isparkista - mahilig magsulat Alma Right - mahilig magpaputok Panahon at Tagpuan: Hindi naitala sa kasaysayan ang tiyak na petsa at lugar ng pangyayari. ISPARKISTA: Ginoo, si Santa Claus ka ba? ALMA RIGHT: Bakit? ISPARKISTA: Kasi isinasakatuparan mo ang wish list ng boss mo. ISPARKISTA: Ginoo, para kang naglalaro ng Snake. ALMA RIGHT: Bakit? ISPARKISTA: Kasi kapag dumarami na ang napatay mo, lume-level up naman ang rank mo.
ni FAITH P. MACATANGAY
Dyurnalistikong Pick-up Lines
43 ISPARKISTA: Ginoo, DotA ka ba? ALMA RIGHT: Bakit? ISPARKISTA: Kasi double kill na sila sa’yo: pinagsamantalahan mo na, pinaslang mo pa. ISPARKISTA: Ginoo, awit ka ba? ALMA RIGHT: Bakit? ISPARKISTA: Kasi ang dami mong pasakalye kapag inaakusahan ka ng ibang tao. ISPARKISTA: Ginoo, may videocam ka ba? ALMA RIGHT: Bakit? ISPARKISTA: Kasi idudokumento ko ang mga ginawa mong paglabag sa karapatang pantao. ISPARKISTA: Ginoo, may papel at panulat ka ba? ALMA RIGHT: Bakit? ISPARKISTA: Kasi itatala ko ang mga hindi mabilang na biktima ng iyong karahasan. ISPARKISTA: Ginoo, may baril ka ba? ALMA RIGHT: Bakit? ISPARKISTA: Kasi huwag mo akong papatayin. Isisiwalat ko na sa pahayagan at telebisyon ang lansa ng iyong kabulukan. Bang!
PALETA II
PALETA II
44
45
PALETA II
46 Ang mga bersikulo ay hango sa ipinahayag na SONA ni PNoy noong 26 Hulyo 2010.
PALETA II
1 Noong mga panahong ‘yon, ang mga alagad ay nangagsipagtipon upang makinig sa ipahahayag ng bagong kalatas ng Hari. 2Ang mga sumusunod na litanya ay sulyap lamang sa mga ginagawa nilang mga hakbang para malutas ang mga minanang suliranin: 3“Walang quota-quota, walang tongpats, ang pera ng bayan ay gagastusin para sa taumbayan lamang. 4Ititigil ang paglulustay sa salapi ng bayan. 5Tatanggalin ang proyektong mali. 6Pananagutin ang mga mamamatay-tao. 7Pananagutin din ang mga corrupt sa gobyerno. 8Hahanapin ang katotohanan sa mga nangyari ‘di umanong katiwalian no’ng nakaraang administrasyon. 9Una sa plataporma ang paglikha ng mga trabaho. 10Ang walang katapusang pabalik-balik sa proseso ng pagrehistro ng pangalan ng kompanya, na kada dalaw ay umaabot ng apat hanggang walong oras, ay ibababa sa labinlimang minuto. 11 Ang dating walong pahinang application form ay ibababa natin sa isang pahina. 12Isusulong ang Whistleblower’s Bill upang patuloy na iwaksi ang kultura ng takot at pananahimik. 13Palalakasin pa lalo ang Witness Protection Program. 14 Puwede na muling mangarap. 15Tayo nang tumungo sa katuparan ng ating mga pangarap.”
ni FAITH P. MACATANGAY
Noynoying: Ang Unang Kabanata ng mga Aklat ng Ikalabinlimang Salinlahi
(Pagsisiyasat Kung May Naganap Nang Pagbabago sa Kasalukuyan)
47 Kabigan, kumusta ka na? Naghilom na ba ang sugat bunga ng pakikipagtunggali natin sa kasinungalingan? Sariwa pa ba ang hampas at tadyak sa ‘yong katawan? Kaibigan, ‘di ba’t ika’y piniit da’l sa talas ng ‘yong tinta at sa magaspang na isip ng taong mangmang na hindi alam ang kahulugan ng tunay na “k a l a y a a n”
Kaibigan, tunay na m a d ul a s ang kagustuhan nating maging “M a l a y a” ngunit ika’y ‘wag mag-alala. Sa tulong ng matalas nating tinta, ika’y makaaal- pas! Kaibigan, alam kong madilim d’yan, mabanas, masikip at malungkot. Ngunit ang pag-asa mo, sana’y ‘wag maglaho. ‘Pagkat patuloy kang iilawan ng matingkad naming panulat hanggang ika’y makalaya, hanggang makalaya ang bayan, sa mala-trayanggulong piitang iyong kinalalagyan. ni GENESIS O. SORIANO
Seldang Tatsulok
PALETA II
PALETA II
48 Power ranger yellow baboy, sakay ng magarang ranger mobile; walang wang-wang, maingay daw kasi! Paborito ng masa, madalas sa t.v.; puro pa-pogi. Kulay ng kesong bulok, pinaghaharian ng mga amag. Baho ay ‘di maitago, kahit sa pandesal ay ‘di maipalaman; gutom na ‘ko. Pancit canton na plain. Flavor na nakauumay, kulay ay dilaw, kulay na matabang; walang anghang, walang asim. Pitong kulay ng bahaghari: R-O-Y-G-B-I-V. Bakit dilaw pa? Pwede namang red, orange, kahit green. Basta, ayaw ko sa dilaw!
ni EFREN S. ALMOZARA JR.
Ayaw Ko sa Dilaw
49 (Plugged…) Simulan natin sa pagpindot ng ON. Bukâs na ulit ang elektronikong kahon. Magpapakahon na naman tayo sa mambibilog ng ating ulo at hahayaan nating higupin ulit tayo ng pumipisik-pisik na liwanag (Colored o black & white?) mula sa muk’a nitong kwadrado, iskwalado (Ilang inches?) Sa timeslot na ganyan, ganito, magpapadala na naman tayo sa emosyong mandatoryo, o kinakailangang maramdaman. Eto’ng palabas! (Anong channel?) Eto’ng patalastas! (Anong product?) Eto’ng mga dapat nating abangan bukas! (Anong program?) Ang totoo: Tayo ang pinapanood ng mga pinapanood nating panoorin… Hanakanangtok… pudpod na’ng mga daliri natin sa subersyon ng MTRCB at ng dambuhalang networks.
Bukas, eto’ng susunod na eksena: Mag-a-avail tayo ng flat screen at bubuhayin natin ang simula sa nakababanong pagpindot ng ON sa humabang remote control. “Ang susunod na programa ay Rated SPG” (Unplugged…)
ni MICHAEL C. ALEGRE
Idiot Box
PALETA II
50 Ang acrostic ay isang porma ng tula kung sa’n ang unang letra ng unang salita sa bawat taludtod ay nakabubuo ng isang salita o mensahe.
PALETA II
Pinagbigkis ng adhikain, Ehemplo ang gampanin. Taglay ay talino, Ika’y isa rito. Babago sa sistema, Umaasa ang masa. Reporma ang layon, Ganyan ang hamon. Indibidwalismong prinsipyo, Sana’y magbago.
ni KAYE ANN E. JIMENEZ
Petiburgis: Isang Acrostic
-----------------TALABABA: petiburgis - [Tagalog], vascillating forces of the society. By direct definition, ang petty ay maliit; bourgeois ay may sariling pagmamay-ari, may maliit o kakaunting pagmamayari. Halimbawa: estudyante
51
Wala halos nagtanong kung paano ka nabuo. Wala ring halos nagtaka na ika’y isang mundo. Wala ka nga bang kulay, tingkad at pagkakakilanlan? Para kang buhay ― na naging kodigo ng iyong emosyon. Marunong ka kayang tumawa’t mabigo? O mangarap na lang at maghintay. Sa lilim ng liwanag―nahuhulma ang ‘yong hugis. Sa lalim ng dilim―namamatay, nauubos! Tanging tagahanga; tapat na manggagaya na sa buhay ko’y walang ‘pinagkaiba. Ba’t ‘di na lang ikaw ang naging yaman? Walang pinagkaitan, walang mananakawan. ‘Di rin mabubuhay ang tulad nilang gahaman. Subalit ikaw, anila, ay isang anino, tinanggalan ng kalayaan. Ipinanganak na sunud-sunuran. -----------------TALABABA: sombra - [Tagalog], anino
ni JONAS E. ARGUELLES
Sombra
PALETA II
PALETA II
52
Nagsimula sa bangko; inaprubahan ng pangulo. Ipinasa sa tao; ginamit, pambili ng noodles o tuyo. Siya’y may maliit na halaga ngunit sa dukha’y malaki na. Sa mga batang sa harapan ay may lata, ito’y isa nang pagpapala. Kung iyong pagmamasdan― nakapanghihinayang! Dugo’t pawis dito’y inilaan, may maipanlaman lamang sa nag-aamok na tiyan. Sinisisi nila ang administrasyon. Tinatanong: “Bakit ba ‘di matigil ang korapsyon? Kahit isa lamang barya, Bakit ‘di pa sa ‘min maiparaya?”
ni RUDOLF CARL C. PABLICO III
Sinsilyo
53
Luluhod ka sa harap nila. Kamay na bakal, kukong ginto; mga nangag-upo sa iba’t ibang trono, may hawak na kutsilyo! Susundin mo, lahat ng kanilang gusto, lahat ng kanilang utos, at lahat ng ayaw mo. Luluhod ka sa hirap, magkakandakuba sa kayuyuko. Ang kanila ay kanila, ang sa ‘yo ay aangkinin nila. Silang nangag-upo sa iba’t ibang trono, na bakal ang kamay at may gintong kuko, ang mga panginoon sa mundong ginagalawan mo.
ni GENESIS O. SORIANO
Politeismo
PALETA II
PALETA II
54
Ilong. Katiwalian, sumisingaw. Katarungan, umaalingasaw
Kamay. Gaway, galamay. Pagpatay, tagumpay.
Mata. Bathala, nagniningning. Balana, napupuwing. Bibig. Kabalintunaan, ibinubulwak. Katotohanan, nililibak. Balikat. Upuan, pinag-aagawan. Kahirapan, kinaligtaan.
Tainga. Salapi, kumakalansing. Hikbi, umiigting.
Paa.
Impiyerno, nakakakalyo. Kaginhawaan, nasaan?
ni FAITH P. MACATANGAY
Makabagong Anatomiya
55 Kumusta ka na? Matagal na kitang kilala. Matagal na kitang nakikita. Ako sa ‘yo’y humahanga. Sa yaman at talino, sino’ng ‘di magnanasa na ‘yong mapansin at makausap na rin? Gagawin ko’ng lahat, mapasulyap ka lang sa ‘kin. At ‘pag nangyari ‘yon, ako’y maraming sasabihin. Marami akong alam tungkol sa ‘yo kahit ‘di mo pa aminin. Tandaan ang sasabihin at baka ito’y iyong kainin. Ang sabi mo noon ay ako ang ‘boss’ mo. Kaya pangalan mo’ng tinandaan bago ako bumoto. Sa tuwid na landas, do’n ako’y pinahayo. Kaya sa ‘king paglalakbay, dumaan ako’y sa diretso. Nang minsang makasabay ka, akala ko, pangarap ay mabubuo. Makakausap na kita’t ako’y lilingunin mo. Subalit sa ‘king gulat, ika’y biglang lumiko. Ano’ng nangyari? Na-turn-off tuloy ako. Sa personal pala, ikaw ay suplado. At sa daang matuwid, ako’y iniwan mo. Ako ba’y nalinlang? O ‘di ko lang naintindihan? Ano’ng pakahulugan mo sa tuwid na daan? Pakiusap! Ipaliwanag upang aking maunawaan. ‘Pagkat ako’y nalilito’t lubhang nahihiwagaan. Sayang lang ang paghanga na iniukol ko sa ‘yo. Masakit isiping: Ako’y nabola mo! Ipakita mo sana na mahalaga rin ako sa ‘yo, higit pa sa kotse mong magara at bago. Sagutin mo ako’t ’wag paasahin lang. At patunayan na tiwala ko’y may patutunguhan. ni KAYE ANN E. JIMENEZ
Para kay P
PALETA II
PALETA II
56
Mas makabubuti pang sumulat kaysa tumunganga. Magpahayag at makialam. Tumulong sa mga walang alam. Sa aming mga adhikaing walang taning, banggain o pilit mang sirain; tiyak, malamang, ‘di n’yo kami kakayanin! Sadyang bawat oras at panahon ay nilalabanan, ‘wag lang kalimutan, aming nasimulan. ‘Di talaga kami naghahanap ng kakampi. Ang hanap lang namin ay nakaiintindi, may paninindigan sa kanyang mga nalalaman at walang takot pumanig sa katotohanan.
ni NEIL JOHNCEN D. PAVINO
Lunggati
57
Nakaladlad ang kanyang kamay at ang nakaladkad n’yang pagkatao sa mataong pook ng paghihikahos. Dinadaupang-palad ang ku.mu.ku.pad na hampas ng nanunudyong oras: busina ng rumaragasang bus, sagitsit ng ispiker sa kalawanging dyip, “screeeeeechh” ng kotseng ‘di pa nadidilaan ng tubig at kung anu-ano pang naghambalang na sasakyang dire-diretso sa nanlalabo n’yang panimdim. Madilim, tulad ng itinadhana: kapalarang maagang inabandona at itinakda sa dulo ng abuhing kalsada habang unti-unting nagdududa ang papasungit na panahon. ni MICHAEL C. ALEGRE
Cul-de-sac
PALETA II
PALETA II
58 Pumalaot sa konkretong daan, sa hangin ay sumuong. Bawat sigaw, bawat lingon, Katumbas pantawid-gutom. Sa gabi, sombrero’y sereno. Lamig na nanunuot ang kinukumot. Pasma ang kalaban sa kakarampot na baryang pinaghirapan. Sambit niya’y “Sampuan!” Ngunit labindalawa’y ‘pinagsiksikan. Para ba sa dagdag-kita? O sa pasahero’y dagdag-pahirap? Sigaw ng pasahero’y “Para!” Hinabol pa ng sitsit at sipol. Si manong drayber na bingi, sa hihintuan sana’y nakalampas na! Pagdating ng kwentahan, s’ya ay dehado. Naubos sa gasolinang ginto at tong sa mga manggagantso.
ni EFREN S. ALMOZARA JR.
Mangingisda sa Kalupaan
59 Papatak ang tala pagluhod ng kanluran sa mapulang silangang sinilipan ng araw bong, mus- kung sa’n uang mandirigma sa lupang nagkulay-luksa dahil sa likidong dumilig na luha pagdilat ng umaga sa wagayway ng bandilang pula; bo, bagong mandirigma. tutu-
ni GENESIS O. SORIANO
Binhi ng Mandirigma
PALETA II
60 Unang nalimbag ang tulang ito sa Kilometer 64 Poetry Collective, ugnayan ng mga makata at ng mga may natatanging hilig sa tula. Ang organisasyong ito ay kumukuha ng inspirasyon sa organisasyong Kabataang Makabayan (KM) na itinatag no’ng 1964.
PALETA II
Doon po sa amin, maraming estudyante pero marami ring tambay sa lansangan at kalye. ‘Di man lang makatuntong sa loob ng unibersidad da’l sa murang edad, kumakayod kaagad. Doon po sa amin, maraming may sakit; libreng gamot, sa kanila’y ‘pinagkait. ‘Di malunasan kanilang karamdaman at walang magawa sa abang kalagayan. Doon po sa amin, maraming nagugutom; isang buwang kita, kasya lang sa maghapon. Sa hirap ng buhay: sampung kahig, isang tuka; daig pa ng asong si boss ang may alaga. Doon po sa amin, hasyendero ang presidente. Nakasuot ng dilaw, sa kanyang opis, prenteng-prente. Nanlibre ng hotdog sa New York City habang sa sariling bayan, mayroong nagra-rally. ‘Pagkat binawasan badyet ng mamamayan para sa edukasyon at pangkalusugan. Mga nagugutom, lalo pang nadagdagan habang si general, lumalaki ang t’yan! ‘Di man sa buhok at kamay na gunting, sana’y matumbok kahit na pasaring. Sa’n po ba patungo ang daang matuwid? Ito ba’y palayo doon po sa amin?
ni MARK ANGELO V. ANDA
Doon po sa Amin
61 Kulang ba tayo sa edukasyon? O sa aksyon? Kulang ba tayo sa tao? O sa bato? Kulang ba tayo sa pera? O sa sipa? Kulang ba tayo sa namumuno? O sa puno? Takot ka ba sa singko? O sa sir mo? Takot ka ba sa sekyu? O sa handbook? Takot ka ba sa land lady? O sa white lady? Takot ka ba sa sakit? O sa langit? Galit ba sila sa utang? O sa hiram? Galit ba sila sa nasa taas? O sa nagmamataas? Galit ba sila sa lahat? O sa batas? Galit ba sila sa dilaw? O sa hilaw? Sapat na ba ang meron na? O gusto mo pa? Sapat na ba ang takot at galit? O kulang pa? Sapat na ba ang naririnig ng mga tenga? O ang nakikita ng mga mata? Sapat na ba sila? O kailangan tayo pa?
ni MIKHAIL ANDREW O. LOZADA
Kulang/Takot/ Galit/Sapat
PALETA II
PALETA II
62 Nagsimula ito noong kami’y mga bata pa. Sabay kaming lumaki at nangarap. Naghanda, naghintay at sumabak. Labit namin ang mga teorya, praktika, at mulat na paliwanag Sabay kaming bumilib sa aming mga paniniwala Sinuportahan, isinabuhay at ipinaglaban.
Ngunit magkaiba ang mundong aming tinahak. Tangan ko ang isang mapagpalayang armas na pipigil sa mga ahas. Tangan niya ang hustiyang itinanikala sa kanilang mga sandata para kondenahin ang aming mga adhika. Sa unang bugso ng aming piniling daan, Tunggalian na walang katapusan ang sa ami’y pilit na nag-uugnay, sa kapayapaan, karapatan, at hustisya. Tila magkaiba ang aming mga perspektiba. Ganyan kapait ang andamyo ng aming buhay. Sa mga pangarap na nagsilbing mga sigwa. Hanggang sa mga buhay na untiunting nabubuwag. Ito ang landas na aming binabangga. Kahit na magkaibang kabanata man ang aming itinatakda. Taliwas man sa mga ginagawa. Iisa lang naman ang ninanais namin no’n pang simula, Ang makita at matamasa ang diwa ng bayang malaya.
ni NEIL JOHNCEN D. PAVINO
Sigwa ng Pangarap
63 Batas mo raw ay sundin. Ba’t may nakalulusot At exempted ang bebot? Nilumot ang tungkulin. Kanrisha Silid n’ya ay complete at cool. Daig ang aming haybol. Limos nila’y palakpak. Aksyon nama’y lagapak! Hikkei Pilit na binabago. Baho ay ‘tinatago. Tumanda na’t nabato, ‘Yan pa rin ang senaryo.
-----------------TALABABA: daigaku – [Hapon], unibersidad shi – [Hapon], tula shuei – [Hapon], guwardiya kanrisha –- [Hapon], administrador haybol – [Balbal], bahay hikkei – [Hapon], handbook
Ang tanaga ay isang porma ng tulang may istrakturang apat na taludtod at pitong pantig kada taludtod.
Shuei
ni FAITH P. MACATANGAY
Daigaku Shi: Tatlong Tanaga
PALETA II
PALETA II
64
Is to jaunt thing sad luck saw cuss ala nun, hand the gnaw saw cup a row saw hun. Cool lung lung eye an fog book lot saw cat toe toe hun nun.
ni GENESIS O. SORIANO
Punishment
65
Isang espasyo, dulot ay ligaya. Init na kakaiba, mapasisigaw ka sa saya. Amoy ng usok, anghit at iba pa. Saglit ipalilimot ang pangamba. Mga kalalakihang naglalangis ang muk’a, pudpod ang p’wet at dilat ang mata. Kalam ng sikmura’y ‘di alintana, mairaos lang ang sabik na nadarama. Sa umaatikabong laba’y maghanda. Tenga’y sanayin sa matabil na bunganga. Utos ni kapitan, “Tara clash, mid na!” Panaghoy ng talunan, “GG, tara isa pa!”
------------------TALABABA: mid – [Urban], lugar sa larong DotA GG – [Urban], good game, katumbas ng white flag sa mga karaniwang laban.
ni EFREN S. ALMOZARA JR.
Bahay-aliwan
PALETA II
66 Unang nalimbag ang tulang ito sa ikatlong isyu (s/trip-hop) ng Paper Monster Press, isang quarterly no-garage indie transgenre (literature, music, art) publishing outfit na nakabase sa Cavite, Philippines.
PALETA II
Buong ku.pad na tumunghay ang ningas ng kandila (wari ba’y nakipagpatintero muna ang palito sa labi ng posporo) Umalulong nang muli ang mga aso. Kagat-kagat ang paniniwalang: sasakmalin ng dilim ang langit na taimtim! s a-
S a-
b o g ang luha sa p a l i g i d, magkukumahog ang mga daga sa kanyang dibdib, at doo’y ma.na.ka-na.kang mapipig tal ang litid ng mga nagbabadyang panganib! Huhugot s’ya ng buntonghininga hanggang tuluyan nang maglaho ang kanyang hininga…
ni MICHAEL C. ALEGRE
Pramis, Mam'ya, Mag-aalas Dose rin!
67
Ipakita ang mundong piniling ‘di makita. Buksan at hayaang haplusin ng hangin. Hintayin at ako’y darating. Sa aking paghihikahos, sa aking pagkapagod, hayaan mong ika’y talunin. Makalilipad ako! Ito ang huling alaalang babaunin.
ni KAYPER E. SUBELDIA
Dysphoria
PALETA II
PALETA II
68 Sinamahan ko sa sementeryo si lolo. Dinalaw namin ang puntod ni lola, ang pinakamaganda kong lola, ang pinakamamahal ni lolo. Ikin’wento ni lolo kung paano sila pinagtagpo ng tinatawag na tadhana. Kung paano na love at first sight si lolo kay lola, kung paano nilambayog ng hangin ang buhok ni lola, no’ng una nilang pagkikita. Magbi-birthday si lolo no’ng una silang pinagtagpo. Magki-kinse anyos siya no’n, mga bandang 1930’s daw ‘yon, no’ng kasagsagan ng pananakop ng mga Hapon sa noo’y mamirhen-mirhen pang Pilipinas. Nakikipagbarilan no’n sina lolo sa mga Hapones. Habang nasa kasagsagan ng pagpapalitang-putukan ay may isang magandang dalagitang biglang bumulwag sa gitna! Kitang-kita ni lolo ang lubos nitong pagkatakot. Kaya kagyat s’yang nagtungo sa kinatatayuan nito. Walang kaabug-abog na dinakma n’ya ang kamay at agad n’yang inilayo ito sa lugar ng kaguluhan. Hinding-hindi ni lolo makalimutan ang kasinglambot ng bulak at kasing lamig ng niyebeng kamay ng binibini, ang mala-mais na kulay ng kanyang buhok at porselana nitong kutis, mga matang pinagnakawan ang tala upang doon ilagay. Ngunit biglang natigilan ang pag-iistorya ng aking lolo. Bahagyang sumungaw ang luha sa malalabo n’yang mga mata. Kanina pa n’ya pinagmamasdan ang mga lapida, mga parihabang marmol na inukitan ng pangalan, kaarawan at kamatayan, mga yumaong nakaligtaan na yata ng mga mahal nila sa buhay, mga katawang pinagpipiyestahan ng mga uod sa ilalim ng lupa at bigla si lolo ay ma u tal - u tal na umusal: “Malapit na pala kitang samahan, aking mahal…” ni GENESIS O. SORIANO
Nalalapit na'ng 'B-day' ni Lolo
69 Sa dilim, ako’y nakalilipad. Sa liwanag, ako’y nangangarap. Ang bahaghari sa ‘yong munting sulyap, ‘di mauuntog sa ‘king hinahangad. Kapalarang ‘di naninimbang, ako’y hinusgahan sa salang walang alam! Nararahuyo sa ‘yong karangyaan Makinang na pangalan, kaya ko bang panghawakan? Kahirapang ‘di hadlang, puso sa ‘yo ay nasasakal. Tangan kong kalayaan: lumulumod, nangangatal. Tulad ko, sikmura’y ‘di malamnan. Maugong mong pinaratangan— sakim, masiba, at walang pinag-aralan! Batid ko ang ‘yong kaalaman. Panghuhusgang ‘di pinag-isipan sa piling ng isang mangmang.
ni JONAS E. ARGUELLES
Dukha, hindi Tanga
PALETA II
PALETA II
70 Hear the birds chirping, abruptly flying; feel the cool breeze hastily blowing. See dark clouds hurled rushing above; damp land bathed, pouring raindrops. Doors locked, eyes closed; pray and linger, I chose. Upheaval sooner is over; Heaven opens, relives in clover. But wait, notice, concern our milieu: land expanse devastated, relinquished. Flora and fauna, another perish. What have we done? What can we do? I love it when she hides her half-top often than not under thick fog. Wishin’ Banahaw cures herself naturally. But in reality she’s crying silently, seeking our remedy secretly, hoping to heal the scars and melancholy. Heed her revival, prepare our survival; dare to act now or risk life abysmal.
by STEPHANIE L. REA
Mount for Life
71 PASAKALYE:
BERSO I:
REFRAIN:
Nalilito, natatanga
Magsitayo tayong lahat.
(A – D – F#m – E) 2x
(A – D – F#m – E) 2x
A
D F#m E
A
D F#m E
A
D F#m E
A
D F#m E
E
D
D D
Naghahanap nang kakaiba Nag-iisip, nagtataka
Bakit kaya ito, napili pa?
A
D
F#m
E
E
Inhinyero ako. D
E
Magsitayo at isigaw!
D
D
E
Inhinyero tayo!
E
Dito kaya, makikita’t magagawa KORO:
E
Para sa…. (KORO)
Ang walang katapusang Kasiyahan at pagdadamayan A
D
Kahit na dumating oras na sinusubukan F#m
Basta’t may konting yabang
IKALAWANG KORO: Narito kami ngayon sa inyong harapan. Simbolo ng buong loob at tagumpay. Mga kakayahan sama-sama nating hubugin. Bawat anggulo ng buhay ay alamin.
E
Hindi ‘yan uurungan! BERSO II: A
D
F#m
E
A
D
F#m
E
A
D F#m
E
A
D
F#m
E
E
D
E
Ngayon nama’y nasasabik
Ang kantang ito ay nagwagi ng 1st place sa nakaraang Eng’g Night Battle of the Bands
Intro:
(ULITIN ANG IKALAWANG KORO MALIBAN SA HULING LINYA AT ULITIN ANG DALAWANG HULING LINYA NG KORO)
Sa bawat oras na relo’y pumipitik Teka lang, and’yan barkada naming
D
Mga pangarap sama-samang abutin
komposisyon ni JANLIVER M. SALAZAR areglo ni EFREN S. ALMOZARA JR. awit ng bandang KWATROSINGKO (Lyka Melissa, Neil Gem, Niel Joseph, Janliver at Efren)
Dahil dito, nakita at magagawa. (ULITIN ANG KORO)
P.T.B.
PALETA II
72 Ang pantoum ay isang porma ng tula kung saan ang ikalawa at ikaapat na taludtod sa unang saknong ay magsisilbing una at ikatlong taludtod sa ikalawang saknong, ayon sa pagkakasunod. Ang pormyula na ito ay gagamitin sa mga kasunod pang saknong hanggang sa mabuo ang gan’tong tula.
PALETA II
Nakasusulat ka kahit pa lapis na walang pambura o bolpen na pumapalya Ang mahalaga, tumatalab pa kahit ang ‘sinusulat mo’y nakasusuka na! Kahit pa lapis na walang pambura o bolpen na pumapalya sa gusot na papel ay mahalaga kahit ang ‘sinusulat mo’y nakasusuka na nagkakaro’n din ng k’wenta ‘pag natapos na.
ni KAYE ANN E. JIMENEZ
Sa gusot na papel ay mahalaga ‘pag nakabuo ka ng isang obra. Nagkakaro’n din ng k’wenta ‘pag natapos na; may emosyon, may sining, may laya. ‘Pag nakabuo ka ng isang obra dama kaya ang sipa? Ang tama? May emosyon, may sining, may laya; tagos hanggang buto ang mga salita! Dama kaya ang sipa? Ang tama? Pigil ko ang sarili sa paghiyaw ng Aaaahhh! Tagos hanggang buto ang mga salita! Sumasakit na, magang-maga na! Pigil ko ang sarili sa paghiyaw ng Aaaahhh! Bull’s eye! Tinamaan ka? Sumasakit na, magang-maga na! Kumakalat na ang tinta… May napala ka ba? Bull’s eye! Tinamaan ka? Ang mahalaga, tumatalab pa Kumakalat na ang tinta… May napala ka ba? Nakasusulat ka.
Litanya ng Bolpen na Nagsusuka: Isang Pantoum
73
O, pag-asa, pasensya! Puro pasensya na lang ba? O, bayaning iskolar, nasa’n na? Pag-asa ka ng Inang Bayan! Pahingi ng pang-intindi. O, bayani, bakit kumot ay watawat ng banyaga? Taas-noo sa paghagis ng toga, puno ng pag-asa Ba’t nakatungo’t nakasahod sa barya nila? O, pag-asa, o, bayani, nasa’n ka? Ikaw ba’y susunod sa yapak nila? Bayani! Ikaw nga! Hindi ba?
ni KAYPER E. SUBELDIA
Iskolar para sa Bayan
PALETA II
74 Ang tanka ay isang porma ng tulang Hapon na binubuo ng haiku na may dal’wang linya na tig-pipitong pantig.
PALETA II
Walang dumilig ngunit biglang tumubo; ika’y binunot! Muli, walang dumilig ngunit muling umusbong!
ni GENESIS O. SORIANO
Lilay: Isang Tanka
TALABABA: lilay - mga halamang-damo na naglipana sa maraming bahagi ng Quezon, mga damong wari ba’y tumutubo kahit ‘di inaalagaan, lumalago kahit ‘di nadidiligan, bagaman binubunot ay muli’t muling tumutubo.
Nakatakdang ilimbag ang tulang ito ngayong Mayo 2012 sa unang isyu ng LINYANG MASA, publikasyong online at print na maglalaman ng mga akdang pampanitikan at likhang sining ng mga piling indibidwal at grupo mula sa iba’t ibang marginalisadong sektor.
Butil-butil na pawis ang tumatagas sa nag-aapoy mong noo, sa namamanhid mong paa, sa pasmado mong kamay habang ginagapas mo ako at ang bumabayong takot diyan sa dibdib mo.
ni MICHAEL C. ALEGRE
Nang Tumunghay ang Palay
PALETA II
75
76 Nakatakdang ilimbag ang tulang ito ngayong Mayo 2012 sa unang isyu ng LINYANG MASA, publikasyong online at print na maglalaman ng mga akdang pampanitikan at likhang sining ng mga piling indibidwal at grupo mula sa iba’t ibang marginalisadong sektor.
PALETA II
ni DANAEL Z. SABEROLA
Basahan
Nakangiti kitang sinalubong ngunit maputik na pampaa, sa aki’y ipinatong. Hayaan ko na’t ‘di maglalaon, ako’y paliliguan mo rin ng sabon. Isang araw, kape mo’y nataktak. Ayoko man, ako’y iyong hinatak. Ipinakain at isinamual ang kape, kasama ang mga patay na langgam. Napansin mo ako— naawa ka’t ako’y hinugasan, piniga at sa planggana ng tubig ay humalo, luha kong sa iyo’y nagtatago.
77 Sabi nila bawal ang sukob sa kasal. Bakit? Kasi raw may mamamatay! Sabi nila bawal maglabas ng karayom kapag gabi. Bakit? Kasi raw kakalawangin! Sabi nila bawal daw magwalis ng gabi. Bakit? Dahil maitataboy daw ang suwerte! Sabi nila bawal daw ang salamin kapag may patay. Bakit? Dahil hindi raw makatatawid ang kaluluwa! Sabi nila bawal bumulong sa patay. Bakit? Kasi raw mamalasin ka! Sabi nila, ganito; sabi nila, ganyan. Pero sa lahat ng sinabi nila, wala naman silang napatunayan!
ni JUSTINE A. PANGANIBAN
Sabi-sabi Lang
PALETA II
Ang cinquian ay isang porma ng tulang binubuo ng limang taludtod: ang unang linya ay isang pangngalan na siyang magsisilbing paksa ng tula; ang ikalawang linya ay binubuo ng dalawang pandiwa tumutukoy sa paksa; ang ikatlong linya ay binubuo ng tatlong pang-uring naglalarawan sa paksa; ang ikaapat na linya ay binubuo ng apat-na-salitang parirala na nagsasaad ng opinyon ng nagsulat tungkol sa paksa; at ang ikalimang linya ay isang salitang maglalagom sa pakiramdam ng nagsulat tungkol sa paksa o kaya ay pag-uulit ng pangngalan na ginamit sa unang linya.
PALETA II
78
Magdalena, Divulges, flits. Alluring, venturous, rabble. Dough over self demure. Burlesque!
ni FAITH P. MACATANGAY
Striptease: Isang Cinquian
79
Wala sa katinuan, nilamon ng kamunduhan, kanyang isinuko ang pinakaiingatan. Saksi ang lamig ng gabi habang pinupunit ang kainosentehan. Sa kinahihimlayan, nagmantsa ang marka ng kasalanan [at kaselanan] dulot ng kuryusidad. Kumot ang bumalot sa pagal na katawang bumubukal sa pawis. Kasabay ng pagbulaga ng araw ang pagbabalik-tanaw: pagtanggap o pagsisisi?
ni EFREN S. ALMOZARA JR.
Pagbuka ni Liwayway
PALETA II
PALETA II
80
Lasing na naman si tatay. Handa na namang gawing punching bag si nanay habang namamalantsa ng damit na isusuot ni ate da’l mam’yang gabi’y ilalako na naman ang ‘di na n’ya sariwang katawan na ilang araw na rin ni kuyang pinagsawaan. Si kuya, ayun! Bakas na bakas ang epekto ng epektos sa mga mata. Titig na titig, tutok na tutok sa rugbyng nagpapababa- sa ilong ko. lik- lik Eto namang si bunso, naglalaro ng bahay-bahayan, tuwang-tuwang pinupulutan ni tatay.
ni GENESIS O. SORIANO
Desenfreno
-----------------TALABABA: desenfreno – [Espanyol], ‘di makontrol na libog.
81 Mabilis ang mga pangyayari nang magmistulang laboratoryo ang lavatory ng banyo habang maulol-ulol kong inaantay ang euphoria ng katuturok na “Bobby” sa nagluluksa kong brasong namutla sa tampal at palo; lima, sampung segundo ang nakaraan. Sa sepiang liwanag ng sinasapot na bombilya masilaw-silaw kong inaninaw ang rumi-rewind na paalala: “Suck the shit into the syringe, tap it and squeeze a li’l bit to get rid of air bubbles. Then inject into arm…” S
A
B
O
G
!
!
!
—ang nagtalsikang laway nang bumirit si Kanye West sa kisame ng palikuran: “Reach for the stars so if you fall, you land on a cloud.” MATINDING KALUGURAN!!! —ang paghinga ko nang malalim nang biglang mapaluhod at matukuran ang toilet flush hanggang tumumbling ang utak ko, up-side-down: Nakadawdaw daw sa inidoro ang kanan kong hintuturo habang sumisirko ang umiikot na tining sa nalilitong ipu-ipong tubig, kung ka-clocwise o ka-counterclockwise pailalim sa bukana ng naghahari-hariang mga bulati at mga kiti-kiting wari ba’y kinikilatis kung papapasukin ang mga duming tatlong araw ko ring inipon sa umiimpis kong p’wetang magtatatlong araw nang constipated! ni MICHAEL C. ALEGRE
Diacetylmorphine Fl[u]shback
-----------------TALABABA: Bobby – [Urban], heroin, diacetylmorphine
PALETA II
PALETA II
82
83
PALETA II
PALETA II
84
Puntirya ni DANNA MARIE R. OBMERGA
85
Mass Action
by MICHAEL C. ALEGRE
PALETA II
PALETA II
86
Pukot ni DANNA MARIE R. OBMERGA
ni JONAS E. ARGUELLES
Mini-mulino 87 PALETA II
88 PALETA II
Alas Tres ni JESSE ROBERT A. FRANCIA
ni DANNA MARIE R. OBMERGA
Hithit-bata 89 PALETA II
90 PALETA II
Aburido ni DANNA MARIE R. OBMERGA
by JESSE ROBERT A. FRANCIA
Replica
91 PALETA II
PALETA II
92
93
PALETA II
PALETA II
94
Pagsilang ng Damdaming Radikal
ni ALJIN CHRIS C. MAGSINO
95
Temptasyon
ni ALJIN CHRIS C. MAGSINO
PALETA II
PALETA II
96
DEADline
by ALJIN CHRIS C. MAGSINO
97
Sikil
ni ALJIN CHRIS C. MAGSINO
PALETA II
PALETA II
98
Tekno
ni JERICK O. BARBACENA
99
Buanlatgi P wriyta ni JAYVEN Q. VILLAMATER
PALETA II
PALETA II
100
Bishop Express by JAYVEN Q. VILLAMATER
101
Survival of the Fittest
by ALJIN CHRIS C. MAGSINO
PALETA II
PALETA II
102
aAMATER t s i h L u L VI Dib N Q. AYVE ni J
103
PALETA II
PALETA II
104 isparkista MICHAEL C. ALEGRE – Lagalag ang pamilya da’l sa Mindanao s’ya ‘pinanganak. Paminsan-minsan, binibisita s’ya ng asthma. Baligtad ang utak n’ya da’l iniisip pa n’ya kung magmamartsa sa graduation. Habang ‘sinusulat ‘to, ‘di pa rin s’ya tapos magpapirma ng clearance sa mga utaw sa Civil Engineering (CE), tamad kasi s’ya at laging late. Mahilig s’yang manood ng indie movies at mag-conceptualize ng tula at layout habang naliligo. ‘Di na updated ang blog n’yang michaelalegre.i.ph dahil malapit na mag-shut down ang i.ph. ‘Pag nakapangholdap, mag-ma-masteral agad s’ya ng Malikhaing Pagsulat sa Filipino. EFREN S. ALMOZARA JR. – Bokalista s’ya ng nanalong bandang Kwatro-Singko sa nakaraang Eng’g Night Battle of the Bands at pumatok sa mga manonood ang mala-worshipping n’yang performance. Mahusay din s’yang umarte. Patunay nito ang pagbu-Budoy-buduyan at ang pagpapanggap n’ya bilang “The Last Avatar” no’ng Electronics Engineering (ECE) Assembly. Kasalukuyan s’yang nasa ikaapat na taon at pinag-iisipan pa n’ya kung tatapusin pa n’ya ang pag-aaral o magaartista na lang. JONAS E. AGUELLES – Bali-balitang ga-graduate daw s’ya with flying colors ngayong darating na graduation. Hilig n’yang magpa-humble at magtanga-tangahan sa mga nagmamagaling. ECE rin ang kurso n’ya at adik s’yang bumirit ng kanta, mag-print ng e-books at mag-design ng t-shirt. Message n’ya sa mga next batch ng ECE: Salamat sa Php200 at free t-shirt, ‘wag kayo mag-alala, ga-graduate na ‘ko. JERICK O. BARBACENA – Malupit s’ya sa electronics at madami s’yang raket! Afro dati ang buhok at kulot pa rin hanggang ngayon. Kasalukuyang nasa ikaapat na taon sa kursong ECE at nagbabanda rin pero pasulpot-sulpot lang sa dami nga ng ginagawa n’ya sa buhay. Mabenta s’yang gitarista kapag may hinaharanang girlfriend o nililigawan ang mga kaibigan n’ya. Aktibo s’ya dati sa Tumblr. KAYE ANN E. JIMENEZ – Nahalal s’yang Educational Committee Head ng Department of Science and Technology Student Organization (DOST-SO) SLSU Chapter at nanguna sa The Spark Admission Test (TSAT) ng mga apprentice no’ng nakaraang taon. Paborito n’ya ang dilaw pero mahilig s’yang mag-Noynoying. Perpeksyonista s’ya, suplada, ambisyosa at metikulosa. Mahal daw n’ya ang music at arts pero ayaw ng mga ito sa kanya. Kasalukuyan s’yang nasa ikatlong taon sa kursong ECE. MIKHAIL ANDREW O. LOZADA – Tulad nina Pavino at Soriano, mahilig s’yang tumambay sa opisina ng The Spark. Makulit, maarte at mapanlait na bata pero maginoong laberboy. Kasalukuyan s’yang nasa ikalawang taon sa kursong ECE. Nagbabalak din s’yang mag-shift pero muk’ang ‘di na raw ata matutuloy. Pakainin mo na raw s’ya ng bubog basta ‘wag lang maaanghang na pagkain. May kumakalat na kamuk’a raw s’ya ni DJ Tado ng Brew Rats; este, VJ Chino pala ng Myx! FAITH P. MACATANGAY – S’ya ang babaeng version nina Panganiban at Soriano kung kabaitan ang pag-uusapan. Kasalukuyan s’yang nasa unang taon sa kursong Computer Engineering (CpE) at kalmado’t nakakangiti pa rin s’ya ‘pag may hinahabol na deadline. Mahilig s’yang magbasa, magsulat at manood ng mga documentary episodes. Nangongolekta s’ya ng scarf, bolpen at stationary. Kyut ang boses n’ya, peksman! ALJIN CHRIS C. MAGSINO – Marami ang humahanga sa galing ng kamay n’yang mag-drawing pero sabi n’ya, tamad daw s’ya. Sanay s’ya sa presswork na biglaan at mabilisan. Naging kaklase na n’ya halos lahat ng 2nd year engineering students da’l transferee s’ya mula sa Divine Word College of Calapan kung saan CE rin s’ya. Matagal na s’yang nililigawang magsulat at maging Acting Associate Editor ng The Spark pero pagsusulat pa lang ang napasagot ng “oo” sa kanya. MARYKNOLL D. MENDOZA – 100 days before Christmas ang birthday n’ya. Transferee s’ya dati galing Central Colleges of the Philippines (CCP) kung sa’n CE rin ang kurso n’ya. Summer grad s’ya ngayong darating na May 2012 at kasalukuyan s’yang may part time job. Nagwagi s’yang 2nd runner-up at Ms. Congeniality sa Mr. & Ms. Engineering 2011 ng SLSU at medyo matiyaga s’yang matuto ng mga lenggwaheng Japanese, Chinese, Mandarin & Hangul. May anosma s’ya, sakit sa pang-amoy, at compassionate s’ya tungkol sa mga atheist at agnostic. College na s’ya nang sumali sa publication. DANNA MARIE R. OBMERGA – Bukod kina Jimenez at Macatangay, isa rin s’ya sa limited edition na babae ng publikasyong The Spark next year. Medyo chubby daw s’ya pero; syempre, cute. Nanakawan s’ya ng netbook no’ng nakaraang taon da’l ‘di n’ya raw nai-lock ang bahay nila. Napipisil s’yang maging Photo Editor sa susunod na semestre. CE rin ang course n’ya. Mahilig s’yang mag-travel at medyo mahilig magdala ng pagkain sa bag kaya laging nahihingian ni Alegre. JUSTIN A. PANGANIBAN – Mahilig s’yang magkutingting ng kung anu-ano, mag-edit ng photos, mag-drawing, makinig ng musika, magsulat, magbasa at gawin ang mga bagay na kina-bo-boring-an ng iba. Kasalukuyan s’yang nasa unang taon sa kursong CpE. Bukod kay Macatangay, isa s’ya sa dadal’wang freshie na nakapasa sa TSAT. Ilustrador s’ya no’ng 1st sem pero naging manunulat nang mag-2nd sem na. NEIL JOHNCEN D. PAVINO – Kasalukuyan s’yang coordinator ng Kabataan Partylist SLSU Chapter. ECE din ang kurso n’ya pero binobola pa kung mag-shi-shift s’ya sa kursong Public Administration sa darating na semestre. Matagal na n’yang gustong magkabigote pero buhok pa lang talaga sa ulo ang kinayang ibigay sa kanya ng mga Anito at Panginoon. Matagal na n’yang trip magtayo ng banda pero ‘di matuluy-tuloy da’l sa napakaraming gawain.
105
JOHN MARK I. PEREZ – Kasalukuyan s’yang nasa ikatlong taon at nahalal na presidente ng DOST-SO SLSU Chapter. Ga-graduate na ang k.r. (karelasyon) n’ya ngayong darating na Abril kaya malulungkot na s’ya sa darating na semestre. Panatiko s’ya at hilig n’ya halos lahat ng laro: basketball, Dota, Tetris at…lahat. Mahilig s’yang mag-proofread habang metikulosong nilalandi ang layout ng mga nire-release ng The Spark. S’ya na lang ang natira sa pagiging Mechanical Engineering student at sa mga naging ka-batch n’ya sa publikasyon. Dahil matakaw, napagkamalan n’yang kambing ang karne ng asong nakain n’ya. STEPHANIE L. REA – Tres Marias silang magkakapatid. Uso sa bukabolaryo n’ya ang salitang kontradiksyon da’l sa mga sumusunod na bagay: snob pero friendly, showy yet reserved, wholesome but wild, mahilig kumain pero slim, matapang pero takot at gagang good girl. Nakatakda rin s’yang magmartsa sa kursong ECE ngayong graduation at inaabangan na s’ya ng mga isparkista da’l may poise s’ya ng tulad sa isang model. DANAEL Z. SABEROLA – Mabenta s’yang host ng mga events tulad ng State of the Youth Address (SOYA) at Regional Student Press Convention (RSPC) katambal ni Mendoza. Tagatawa s’ya lagi kaya maraming nahahawang tumawa kapag tumawa na s’ya. Walang oras ng klaseng ‘di maagap sa kanya. Pahulihin na no’ng 1st year, mas lumala pa nang nag-4th year, pa’no na kaya sa 5th year? Kailangan at sa kabila ng pagiging iresponsable, may balak pa s’ya mag-aral muli, sa kursong Foreign Language, na medyo malayo-layo sa kurso n’ya ngayong ECE. JANLIVER M. SALAZAR – Always on the go at magaling mag-basketbol. Liveraid ang tawag sa kanya ng mga kakilala n’ya kahit na ‘di s’ya gaanong matakaw sa alak. Kasamahan s’ya ni Almozara sa nanalong Kwatro-Singko sa Engineering Night Battle of the Bands at kahit na nagsilbing gitarista ng banda, bali-balitang 3 kiloHertz daw ang kayang abutin ng boses n’ya. Isa rin s’ya sa napakaraming ECE members ng The Spark. Paborito n’ya ang spagghetti at kulay na puti. GENESIS O. SORIANO – Madalas tahimik, minsan tahimik at laging tahimik kaya madalas na sinasabing na-miss mo ang kalahati ng buhay mo kapag nagsalita na s’ya at nagpatawa. Kasalukuyan s’yang nasa ikalawang taon sa kursong ECE at adik siya sa kulay na puti. Lider s’ya ng grupong Genesism at kalaban ni Panganiban pagdating sa pagiging epitomy ng kabaitan ng mga isparkista. Nagpasa s’ya ng labinlimang tula para sa Paleta pero pito lang yata ang isinama. Wala na kasing space. KAYPER E. SUBELDIA – Mr. Popular s’ya kung asarin ng mga katropa n’ya da’l sa dami ng kalingunan sa t’wing kasama nilang maglalakad. Motorista rin s’yang prone sa aksidente at mga violations kaya laging natitiketan. Malimit s’yang napufrustrate kapag nakakakita ng magagandang bagay. Kasalukuyan s’yang nasa ikaapat na taon sa kursong CpE at halos kilala na rin n’ya at kilala na rin s’ya ng lahat ng engineering students. Mag-a-apat na taon na rin n’yang sinasabi na lilipat na s’ya sa ibang school. Emo s’ya dati hanggang maging kalbo at maging normal na ulit ngayon ang buhok n’ya. Malimit s’yang mag-vj sa fb. JAYVEN Q. VILLAMATER – “Syara!” Basag agad ang araw mo ‘pag bumanat na s’ya ng jokes. Corny s’ya dati, no’ng first year pa s’ya, pero nag-aral s’yang mabuti hanggang sa maging natural na ang lahat ng bagay kapag bumabanat s’ya. Sanggang-dikit s’ya ni Magsino at napipisil na maging Art Editor kapag nagretiro na ito. Nagpi-feeling s’yang maging manga artist. Matiyaga rin s’yang mag-edit ng mga gawa n’ya sa Adobe Photoshop kaya nalilito ang lahat kung gagawin na lang s’yang Page Design Editor. Kaya n’yang magbabad ng napakatagal na oras sa harap ng kompyuter. ECE rin s’ya.
KONTRIBYUTOR: MARK ANGELO V. ANDA – Estudyante s’ya ng Polytechnic University of the Philippines, Lopez, Quezon at kasalukuyang nasa ikatlong taon sa kursong Office Administration. Mahilig s’yang magbasa, magsulat, kumain, matulog, mag-facebook at mag-DotA. JESSE ROBERT A. FRANCIA – Freelance photographer, videographer, at painter. Tapos na s’yang mag-aral noong nakaraang October 2011 sa kursong Electrical Engineering sa SLSU. Malapit na s’yang magrebyu para sa board exam. Keyboardist s’ya ng bandang Urbaine Jive na naging grandfinalist sa EBanda ng Eat Bulaga noong 2008 at EdgeFest 2010. Alumni member s’ya ng Engineering Mountaineers Society sa SLSU. Pinakaaktibo s’ya sa mundo ng potograpiya. JAI ARLON D. JAMIAS – Naging isparkista (member ng The Spark) s’ya ng tatlong taon at aktibo no’n sa paggawa ng mga pampanitikang piyesa. Kung ‘di s’ya nag-transfer sa Laguna State Polytechnic University, s’ya ngayon, malamang, ang Literary Editor at namamahala ng Paleta. Gitarista s’ya, mahilig kumanta at trip na i-video ang sarili kaya may mangilan-ngilan na rin s’yang uploaded videos sa You Tube. ECE ang couse n’ya dati sa SLSU at ‘di na nahintay ang reply n’ya kung ano ang course n’ya ngayon sa LSPU da’l ilang araw na rin inaantay ng printing press ang literary digest na ‘to. KAYMART A. MARTINEZ – Nagmula s’ya sa “Land of the Flying Mammals,” ang Atimonan, Quezon. Kasalukuyan s’yang nasa ikatlong taon sa kursong CE. Bilang isang introvert, hilig n’ya ang makipagtext. Kolektor ng BANDS Magazine, ng Myx Magazine (back-issues lang ang kaya ng budget), ng mga literaty works/digest mula sa school, ng pinagkagastusang mga tickets (gigs, variety shows, pa-raffle ), at ilang mga memorabilia mula sa iba’t ibang tao at iba’t ibang lugar. Aktibo s’ya sa Tumblr. RUDOLF CARL C. PABLICO III – Sumali rin s’ya sa The Spark pero maagang umalis. Kasalukuyan s’yang nasa ikalawang taon sa kursong ECE. Mahilig daw s’yang mag-aral kahit sapilitan lang. May pagka-maangas s’ya pero mabait naman.
PALETA II
PALETA II
106
PATNUGUTANG 2011-2012 THE SPARK
official student publication of southern luzon state university-college of engineering
ADDRESS: Publication Office, 1st Floor, MHDP Bldg., Southern Luzon State University, Lucban, Quezon 4328 Philippines EMAIL: thespark.slsu@gmail.com WEBLOG: www.thesparkslsu.wordpress.com
MaryKnoll D. Mendoza, Kapatnugot (on leave) Michael C. Alegre, Panauhing
Patnugot at Tagapamahala, Seksyon ng Panitikan
Stephanie L. Rea, Tagapamahalang John Mark I. Perez, Tagapamahala Danael Z. Saberola, Patnugot
Patnugot (on leave)
sa Opisina at Sirkulasyon
sa Lathalain at Kultura
Aljin Chris C. Magsino, Patnugot Jerick O. Barbacena, Patnugot Kaye Ann E. Jimenez, Tagapamahala,
sa Sining
sa Disenyo ng Pahina Seksyon ng Balita at Isports
Danna Marie R. Obmerga, Tagapamahala,
Seksyon ng Larawan
Jonas E. Arguelles (on leave) | Kayper E. Subeldia (on leave) | JAYVEN Q. VILLAMATER
Mga Kawani
Neil Johncen D. Pavino | Genesis O. Soriano
Mga Katuwang na Kawani
Efren S. Almozara Jr. | Mikhail Andrew O. Lozada | Faith P. Macatangay Justin A. Panganiban | janliver m. salazar
Mga Baguhang Kawani
Engr. Maria Corazon B. Abejo | Engr. Maurino N. Abuel
Mga Teknikal na Tagapayo
Engr. Gerardo B. Gonzales
Dekano, Kolehiyo ng Inhinyeriya
PALETA II
TABLOID
107
MAGAZINE
www.facebook.com/ts3andkraptoons.thespark
www.facebook.com/genre.thespark
STUDENT PLANNER
@thespark_slsu
www.facebook.com/krapsikol.thespark
LITERAY DIGEST
SPORTS NEWSLETTER
www.facebook.com/thespark.slsu
www.facebook.com/paleta.thespark
MGA INILALATHALA NG THE SPARK
Tampok ang mga maikling kuwento, sanaysay, dula, tula, larawan, dibuho, at disenyo ng pahina ng mga isparkistang sina: MICHAEL C. ALEGRE EFREN S. ALMOZARA JR. JONAS E. ARGUELLES JERICK O. BARBACENA KAYE ANN E. JIMENEZ MIKHAIL ANDREW O. LOZADA FAITH P. MACATANGAY ALJIN CHRIS C. MAGSINO MARYKNOLL D. MENDOZA DANNA MARIE R. OBMERGA JUSTIN A. PANGANIBAN NEIL JOHNCEN D. PAVINO JOHN MARK I. PEREZ STEPHANIE L. REA DANAEL Z. SABEROLA JANLIVER M. SALAZAR GENESIS O. SORIANO KAYPER E. SUBELDIA JAYVEN Q. VILLAMATER
“Ang lipunan sa loob ng tao At ang tao sa loob ng lipunan.”