1 minute read

Kulang/Takot/Galit/Sapat

Next Article
Dibuhista

Dibuhista

61

Kulang ba tayo sa edukasyon? O sa aksyon? Kulang ba tayo sa tao? O sa bato? Kulang ba tayo sa pera? O sa sipa? Kulang ba tayo sa namumuno? O sa puno?

Advertisement

Takot ka ba sa singko? O sa sir mo? Takot ka ba sa sekyu? O sa handbook? Takot ka ba sa land lady? O sa white lady? Takot ka ba sa sakit? O sa langit?

Galit ba sila sa utang? O sa hiram? Galit ba sila sa nasa taas? O sa nagmamataas? Galit ba sila sa lahat? O sa batas? Galit ba sila sa dilaw? O sa hilaw?

Sapat na ba ang meron na? O gusto mo pa? Sapat na ba ang takot at galit? O kulang pa? Sapat na ba ang naririnig ng mga tenga? O ang nakikita ng mga mata? Sapat na ba sila? O kailangan tayo pa?

ni MIKHAIL ANDREW O. LOZADA Kulang/Takot/ Galit/Sapat

This article is from: