1 minute read

Diacetylmorphine Fl[u]shback

Mabilis ang mga pangyayari nang magmistulang laboratoryo ang lavatory ng banyo habang maulol-ulol kong inaantay ang euphoria ng katuturok na “Bobby” sa nagluluksa kong brasong namutla sa tampal at palo; lima, sampung segundo ang nakaraan.

Sa sepiang liwanag ng sinasapot na bombilya masilaw-silaw kong inaninaw ang rumi-rewind na paalala:

Advertisement

“Suck the shit into the syringe, tap it and squeeze a li’l bit to get rid of air bubbles. Then inject into arm…”

S A B O G ! ! !

81

—ang nagtalsikang laway nang bumirit si Kanye West sa kisame ng palikuran:

“Reach for the stars so if you fall, you land on a cloud.”

MATINDING KALUGURAN!!!

—ang paghinga ko nang malalim nang biglang mapaluhod at matukuran ang toilet flush hanggang tumumbling ang utak ko, up-side-down:

Nakadawdaw daw sa inidoro ang kanan kong hintuturo habang sumisirko ang umiikot na tining sa nalilitong ipu-ipong tubig, kung ka-clocwise o ka-counterclockwise pailalim sa bukana ng naghahari-hariang mga bulati at mga kiti-kiting wari ba’y kinikilatis kung papapasukin ang mga duming tatlong araw ko ring inipon sa umiimpis kong p’wetang magtatatlong araw nang constipated!

ni MICHAEL C. ALEGRE Diacetylmorphine -----------------TALABABA: Bobby – [Urban], heroin, diacetylmorphine Fl[u]shback

PALETA II

82

83

This article is from: