1 minute read

Bahay-aliwan

Next Article
Dibuhista

Dibuhista

65

Isang espasyo, dulot ay ligaya. Init na kakaiba, mapasisigaw ka sa saya. Amoy ng usok, anghit at iba pa. Saglit ipalilimot ang pangamba. Mga kalalakihang naglalangis ang muk’a, pudpod ang p’wet at dilat ang mata. Kalam ng sikmura’y ‘di alintana, mairaos lang ang sabik na nadarama. Sa umaatikabong laba’y maghanda. Tenga’y sanayin sa matabil na bunganga. Utos ni kapitan, “Tara clash, mid na!” Panaghoy ng talunan, “GG, tara isa pa!”

Advertisement

-------------------

TALABABA:

mid – [Urban], lugar sa larong DotA GG – [Urban], good game, katumbas ng white flag sa mga karaniwang laban. ni EFREN S. ALMOZARA JR.

This article is from: