1 minute read
Litanya ng Bolpen na Nagsusuka: Isang Pantoum
PALETA II
72
Advertisement
pantoum ay isang porma ng tula kung saan ang ikalawa at ikaapat na taludtod sa unang saknong ay magsisilbing una at ikatlong taludtod sa ikalawang saknong, ayon sa pagkakasunod. Ang pormyula na ito ay gagamitin sa mga kasunod pang saknong hanggang sa mabuo ang gan’tong tula.Ang Nakasusulat ka kahit pa lapis na walang pambura o bolpen na pumapalya Ang mahalaga, tumatalab pa kahit ang ‘sinusulat mo’y nakasusuka na!
Kahit pa lapis na walang pambura o bolpen na pumapalya sa gusot na papel ay mahalaga kahit ang ‘sinusulat mo’y nakasusuka na nagkakaro’n din ng k’wenta ‘pag natapos na.
Sa gusot na papel ay mahalaga ‘pag nakabuo ka ng isang obra. Nagkakaro’n din ng k’wenta ‘pag natapos na; may emosyon, may sining, may laya.
‘Pag nakabuo ka ng isang obra dama kaya ang sipa? Ang tama? May emosyon, may sining, may laya; tagos hanggang buto ang mga salita!
Dama kaya ang sipa? Ang tama? Pigil ko ang sarili sa paghiyaw ng Aaaahhh! Tagos hanggang buto ang mga salita! Sumasakit na, magang-maga na!
Pigil ko ang sarili sa paghiyaw ng Aaaahhh! Bull’s eye! Tinamaan ka? Sumasakit na, magang-maga na! Kumakalat na ang tinta… May napala ka ba?
Bull’s eye! Tinamaan ka? Ang mahalaga, tumatalab pa Kumakalat na ang tinta… May napala ka ba? Nakasusulat ka.
ni KAYE ANN E. JIMENEZ