10 minute read

Dibuhista

PALETA II

102

Advertisement

ni JAYVEN Q. VILLAMATER Dibuhista

103

PALETA II

104 isparkista

MICHAEL C. ALEGRE – Lagalag ang pamilya da’l sa Mindanao s’ya ‘pinanganak. Paminsan-minsan, binibisita s’ya ng asthma. Baligtad ang utak n’ya da’l iniisip pa n’ya kung magmamartsa sa graduation. Habang ‘sinusulat ‘to, ‘di pa rin s’ya tapos magpapirma ng clearance sa mga utaw sa Civil Engineering (CE), tamad kasi s’ya at laging late. Mahilig s’yang manood ng indie movies at mag-conceptualize ng tula at layout habang naliligo. ‘Di na updated ang blog n’yang michaelalegre.i.ph dahil malapit na mag-shut down ang i.ph. ‘Pag nakapangholdap, mag-ma-masteral agad s’ya ng Malikhaing Pagsulat sa Filipino. EFREN S. ALMOZARA JR. – Bokalista s’ya ng nanalong bandang Kwatro-Singko sa nakaraang Eng’g Night Battle of the Bands at pumatok sa mga manonood ang mala-worshipping n’yang performance. Mahusay din s’yang umarte. Patunay nito ang pagbu-Budoy-buduyan at ang pagpapanggap n’ya bilang “The Last Avatar” no’ng Electronics Engineering (ECE) Assembly. Kasalukuyan s’yang nasa ikaapat na taon at pinag-iisipan pa n’ya kung tatapusin pa n’ya ang pag-aaral o magaartista na lang. JONAS E. AGUELLES – Bali-balitang ga-graduate daw s’ya with flying colors ngayong darating na graduation. Hilig n’yang magpa-humble at magtanga-tangahan sa mga nagmamagaling. ECE rin ang kurso n’ya at adik s’yang bumirit ng kanta, mag-print ng e-books at mag-design ng t-shirt. Message n’ya sa mga next batch ng ECE: Salamat sa Php200 at free t-shirt, ‘wag kayo mag-alala, ga-graduate na ‘ko. JERICK O. BARBACENA – Malupit s’ya sa electronics at madami s’yang raket! Afro dati ang buhok at kulot pa rin hanggang ngayon. Kasalukuyang nasa ikaapat na taon sa kursong ECE at nagbabanda rin pero pasulpot-sulpot lang sa dami nga ng ginagawa n’ya sa buhay. Mabenta s’yang gitarista kapag may hinaharanang girlfriend o nililigawan ang mga kaibigan n’ya. Aktibo s’ya dati sa Tumblr. KAYE ANN E. JIMENEZ – Nahalal s’yang Educational Committee Head ng Department of Science and Technology Student Organization (DOST-SO) SLSU Chapter at nanguna sa The Spark Admission Test (TSAT) ng mga apprentice no’ng nakaraang taon. Paborito n’ya ang dilaw pero mahilig s’yang mag-Noynoying. Perpeksyonista s’ya, suplada, ambisyosa at metikulosa. Mahal daw n’ya ang music at arts pero ayaw ng mga ito sa kanya. Kasalukuyan s’yang nasa ikatlong taon sa kursong ECE. MIKHAIL ANDREW O. LOZADA – Tulad nina Pavino at Soriano, mahilig s’yang tumambay sa opisina ng The Spark. Makulit, maarte at mapanlait na bata pero maginoong laberboy. Kasalukuyan s’yang nasa ikalawang taon sa kursong ECE. Nagbabalak din s’yang mag-shift pero muk’ang ‘di na raw ata matutuloy. Pakainin mo na raw s’ya ng bubog basta ‘wag lang maaanghang na pagkain. May kumakalat na kamuk’a raw s’ya ni DJ Tado ng Brew Rats; este, VJ Chino pala ng Myx! FAITH P. MACATANGAY – S’ya ang babaeng version nina Panganiban at Soriano kung kabaitan ang pag-uusapan. Kasalukuyan s’yang nasa unang taon sa kursong Computer Engineering (CpE) at kalmado’t nakakangiti pa rin s’ya ‘pag may hinahabol na deadline. Mahilig s’yang magbasa, magsulat at manood ng mga documentary episodes. Nangongolekta s’ya ng scarf, bolpen at stationary. Kyut ang boses n’ya, peksman! ALJIN CHRIS C. MAGSINO – Marami ang humahanga sa galing ng kamay n’yang mag-drawing pero sabi n’ya, tamad daw s’ya. Sanay s’ya sa presswork na biglaan at mabilisan. Naging kaklase na n’ya halos lahat ng 2nd year engineering students da’l transferee s’ya mula sa Divine Word College of Calapan kung saan CE rin s’ya. Matagal na s’yang nililigawang magsulat at maging Acting Associate Editor ng The Spark pero pagsusulat pa lang ang napasagot ng “oo” sa kanya. MARYKNOLL D. MENDOZA – 100 days before Christmas ang birthday n’ya. Transferee s’ya dati galing Central Colleges of the Philippines (CCP) kung sa’n CE rin ang kurso n’ya. Summer grad s’ya ngayong darating na May 2012 at kasalukuyan s’yang may part time job. Nagwagi s’yang 2nd runner-up at Ms. Congeniality sa Mr. & Ms. Engineering 2011 ng SLSU at medyo matiyaga s’yang matuto ng mga lenggwaheng Japanese, Chinese, Mandarin & Hangul. May anosma s’ya, sakit sa pang-amoy, at compassionate s’ya tungkol sa mga atheist at agnostic. College na s’ya nang sumali sa publication. DANNA MARIE R. OBMERGA – Bukod kina Jimenez at Macatangay, isa rin s’ya sa limited edition na babae ng publikasyong The Spark next year. Medyo chubby daw s’ya pero; syempre, cute. Nanakawan s’ya ng netbook no’ng nakaraang taon da’l ‘di n’ya raw nai-lock ang bahay nila. Napipisil s’yang maging Photo Editor sa susunod na semestre. CE rin ang course n’ya. Mahilig s’yang mag-travel at medyo mahilig magdala ng pagkain sa bag kaya laging nahihingian ni Alegre. JUSTIN A. PANGANIBAN – Mahilig s’yang magkutingting ng kung anu-ano, mag-edit ng photos, mag-drawing, makinig ng musika, magsulat, magbasa at gawin ang mga bagay na kina-bo-boring-an ng iba. Kasalukuyan s’yang nasa unang taon sa kursong CpE. Bukod kay Macatangay, isa s’ya sa dadal’wang freshie na nakapasa sa TSAT. Ilustrador s’ya no’ng 1st sem pero naging manunulat nang mag-2nd sem na. NEIL JOHNCEN D. PAVINO – Kasalukuyan s’yang coordinator ng Kabataan Partylist SLSU Chapter. ECE din ang kurso n’ya pero binobola pa kung mag-shi-shift s’ya sa kursong Public Administration sa darating na semestre. Matagal na n’yang gustong magkabigote pero buhok pa lang talaga sa ulo ang kinayang ibigay sa kanya ng mga Anito at Panginoon. Matagal na n’yang trip magtayo ng banda pero ‘di matuluy-tuloy da’l sa napakaraming gawain.

105

JOHN MARK I. PEREZ – Kasalukuyan s’yang nasa ikatlong taon at nahalal na presidente ng DOST-SO SLSU Chapter. Ga-graduate na ang k.r. (karelasyon) n’ya ngayong darating na Abril kaya malulungkot na s’ya sa darating na semestre. Panatiko s’ya at hilig n’ya halos lahat ng laro: basketball, Dota, Tetris at…lahat. Mahilig s’yang mag-proofread habang metikulosong nilalandi ang layout ng mga nire-release ng The Spark. S’ya na lang ang natira sa pagiging Mechanical Engineering student at sa mga naging ka-batch n’ya sa publikasyon. Dahil matakaw, napagkamalan n’yang kambing ang karne ng asong nakain n’ya. STEPHANIE L. REA – Tres Marias silang magkakapatid. Uso sa bukabolaryo n’ya ang salitang kontradiksyon da’l sa mga sumusunod na bagay: snob pero friendly, showy yet reserved, wholesome but wild, mahilig kumain pero slim, matapang pero takot at gagang good girl. Nakatakda rin s’yang magmartsa sa kursong ECE ngayong graduation at inaabangan na s’ya ng mga isparkista da’l may poise s’ya ng tulad sa isang model. DANAEL Z. SABEROLA – Mabenta s’yang host ng mga events tulad ng State of the Youth Address (SOYA) at Regional Student Press Convention (RSPC) katambal ni Mendoza. Tagatawa s’ya lagi kaya maraming nahahawang tumawa kapag tumawa na s’ya. Walang oras ng klaseng ‘di maagap sa kanya. Pahulihin na no’ng 1st year, mas lumala pa nang nag-4th year, pa’no na kaya sa 5th year? Kailangan at sa kabila ng pagiging iresponsable, may balak pa s’ya mag-aral muli, sa kursong Foreign Language, na medyo malayo-layo sa kurso n’ya ngayong ECE. JANLIVER M. SALAZAR – Always on the go at magaling mag-basketbol. Liveraid ang tawag sa kanya ng mga kakilala n’ya kahit na ‘di s’ya gaanong matakaw sa alak. Kasamahan s’ya ni Almozara sa nanalong Kwatro-Singko sa Engineering Night Battle of the Bands at kahit na nagsilbing gitarista ng banda, bali-balitang 3 kiloHertz daw ang kayang abutin ng boses n’ya. Isa rin s’ya sa napakaraming ECE members ng The Spark. Paborito n’ya ang spagghetti at kulay na puti. GENESIS O. SORIANO – Madalas tahimik, minsan tahimik at laging tahimik kaya madalas na sinasabing na-miss mo ang kalahati ng buhay mo kapag nagsalita na s’ya at nagpatawa. Kasalukuyan s’yang nasa ikalawang taon sa kursong ECE at adik siya sa kulay na puti. Lider s’ya ng grupong Genesism at kalaban ni Panganiban pagdating sa pagiging epitomy ng kabaitan ng mga isparkista. Nagpasa s’ya ng labinlimang tula para sa Paleta pero pito lang yata ang isinama. Wala na kasing space. KAYPER E. SUBELDIA – Mr. Popular s’ya kung asarin ng mga katropa n’ya da’l sa dami ng kalingunan sa t’wing kasama nilang maglalakad. Motorista rin s’yang prone sa aksidente at mga violations kaya laging natitiketan. Malimit s’yang napufrustrate kapag nakakakita ng magagandang bagay. Kasalukuyan s’yang nasa ikaapat na taon sa kursong CpE at halos kilala na rin n’ya at kilala na rin s’ya ng lahat ng engineering students. Mag-a-apat na taon na rin n’yang sinasabi na lilipat na s’ya sa ibang school. Emo s’ya dati hanggang maging kalbo at maging normal na ulit ngayon ang buhok n’ya. Malimit s’yang mag-vj sa fb. JAYVEN Q. VILLAMATER – “Syara!” Basag agad ang araw mo ‘pag bumanat na s’ya ng jokes. Corny s’ya dati, no’ng first year pa s’ya, pero nag-aral s’yang mabuti hanggang sa maging natural na ang lahat ng bagay kapag bumabanat s’ya. Sanggang-dikit s’ya ni Magsino at napipisil na maging Art Editor kapag nagretiro na ito. Nagpi-feeling s’yang maging manga artist. Matiyaga rin s’yang mag-edit ng mga gawa n’ya sa Adobe Photoshop kaya nalilito ang lahat kung gagawin na lang s’yang Page Design Editor. Kaya n’yang magbabad ng napakatagal na oras sa harap ng kompyuter. ECE rin s’ya.

KONTRIBYUTOR:

MARK ANGELO V. ANDA – Estudyante s’ya ng Polytechnic University of the Philippines, Lopez, Quezon at kasalukuyang nasa ikatlong taon sa kursong Office Administration. Mahilig s’yang magbasa, magsulat, kumain, matulog, mag-facebook at mag-DotA. JESSE ROBERT A. FRANCIA – Freelance photographer, videographer, at painter. Tapos na s’yang mag-aral noong nakaraang October 2011 sa kursong Electrical Engineering sa SLSU. Malapit na s’yang magrebyu para sa board exam. Keyboardist s’ya ng bandang Urbaine Jive na naging grandfinalist sa EBanda ng Eat Bulaga noong 2008 at EdgeFest 2010. Alumni member s’ya ng Engineering Mountaineers Society sa SLSU. Pinakaaktibo s’ya sa mundo ng potograpiya. JAI ARLON D. JAMIAS – Naging isparkista (member ng The Spark) s’ya ng tatlong taon at aktibo no’n sa paggawa ng mga pampanitikang piyesa. Kung ‘di s’ya nag-transfer sa Laguna State Polytechnic University, s’ya ngayon, malamang, ang Literary Editor at namamahala ng Paleta. Gitarista s’ya, mahilig kumanta at trip na i-video ang sarili kaya may mangilan-ngilan na rin s’yang uploaded videos sa You Tube. ECE ang couse n’ya dati sa SLSU at ‘di na nahintay ang reply n’ya kung ano ang course n’ya ngayon sa LSPU da’l ilang araw na rin inaantay ng printing press ang literary digest na ‘to. KAYMART A. MARTINEZ – Nagmula s’ya sa “Land of the Flying Mammals,” ang Atimonan, Quezon. Kasalukuyan s’yang nasa ikatlong taon sa kursong CE. Bilang isang introvert, hilig n’ya ang makipagtext. Kolektor ng BANDS Magazine, ng Myx Magazine (back-issues lang ang kaya ng budget), ng mga literaty works/digest mula sa school, ng pinagkagastusang mga tickets (gigs, variety shows, pa-raffle ), at ilang mga memorabilia mula sa iba’t ibang tao at iba’t ibang lugar. Aktibo s’ya sa Tumblr. RUDOLF CARL C. PABLICO III – Sumali rin s’ya sa The Spark pero maagang umalis. Kasalukuyan s’yang nasa ikalawang taon sa kursong ECE. Mahilig daw s’yang mag-aral kahit sapilitan lang. May pagka-maangas s’ya pero mabait naman.

PALETA II

106 PATNUGUTANG 2011-2012

THE SPARK OffICIAL STUDENT PUBLICATION Of SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY-COLLEGE Of ENGINEERING

ADDRESS: Publication Office, 1st Floor, MHDP Bldg., Southern Luzon State University, Lucban, Quezon 4328 Philippines EMAIL: thespark.slsu@gmail.com wEBLOG: www.thesparkslsu.wordpress.com

MARYKNOLL D. MENDOZA, Kapatnugot (on leave) MICHAEL C. ALEGRE, Panauhing Patnugot at Tagapamahala, Seksyon ng Panitikan STEPHANIE L. REA, Tagapamahalang Patnugot (on leave) JOHN MARK I. PEREZ, Tagapamahala sa Opisina at Sirkulasyon DANAEL Z. SABEROLA, Patnugot sa Lathalain at Kultura

ALJIN CHRIS C. MAGSINO, Patnugot sa Sining JERICK O. BARBACENA, Patnugot sa Disenyo ng Pahina KAYE ANN E. JIMENEZ, Tagapamahala, Seksyon ng Balita at Isports DANNA MARIE R. OBMERGA, Tagapamahala, Seksyon ng Larawan

JONAS E. ARGUELLES (on leave) | KAYPER E. SUBELDIA (on leave) | JAYVEN Q. VILLAMATER Mga Kawani

NEIL JOHNCEN D. PAVINO | GENESIS O. SORIANO Mga Katuwang na Kawani

EfREN S. ALMOZARA JR. | MIKHAIL ANDREw O. LOZADA | fAITH P. MACATANGAY JUSTIN A. PANGANIBAN | JANLIVER M. SALAZAR Mga Baguhang Kawani

ENGR. MARIA CORAZON B. ABEJO | ENGR. MAURINO N. ABUEL Mga Teknikal na Tagapayo

ENGR. GERARDO B. GONZALES Dekano, Kolehiyo ng Inhinyeriya

Tampok ang mga maikling kuwento, sanaysay, dula, tula, larawan, dibuho, at disenyo ng pahina ng mga isparkistang sina:

MICHAEL C. ALEGRE EfREN S. ALMOZARA JR.

JONAS E. ARGUELLES

JERICK O. BARBACENA KAYE ANN E. JIMENEZ

MIKHAIL ANDREw O. LOZADA fAITH P. MACATANGAY ALJIN CHRIS C. MAGSINO MARYKNOLL D. MENDOZA DANNA MARIE R. OBMERGA JUSTIN A. PANGANIBAN NEIL JOHNCEN D. PAVINO JOHN MARK I. PEREZ STEPHANIE L. REA DANAEL Z. SABEROLA JANLIVER M. SALAZAR GENESIS O. SORIANO KAYPER E. SUBELDIA JAYVEN Q. VILLAMATER

“Ang lipunan sa loob ng tao At ang tao sa loob ng lipunan.”

This article is from: