1 minute read

Basahan

PALETA II

76

Advertisement

Nakatakdang ilimbag ang tulang ito ngayong Mayo 2012 sa unang isyu ng LINYANG MASA, publikasyong

na maglalaman ng mga akdang pampanitikan at likhang sining ng mga piling indibidwal at grupo mula sa iba’t ibang marginalisadong sektor.

online at print

ni DANAEL Z. SABEROLA

Nakangiti kitang sinalubong ngunit maputik na pampaa, sa aki’y ipinatong. Hayaan ko na’t ‘di maglalaon, ako’y paliliguan mo rin ng sabon.

Isang araw, kape mo’y nataktak. Ayoko man, ako’y iyong hinatak. Ipinakain at isinamual ang kape, kasama ang mga patay na langgam.

Napansin mo ako— naawa ka’t ako’y hinugasan, piniga at sa planggana ng tubig ay humalo, luha kong sa iyo’y nagtatago.

This article is from: