1 minute read

Dukha, hindi Tanga

Next Article
Dibuhista

Dibuhista

Sa dilim, ako’y nakalilipad. Sa liwanag, ako’y nangangarap. Ang bahaghari sa ‘yong munting sulyap, ‘di mauuntog sa ‘king hinahangad.

Kapalarang ‘di naninimbang, ako’y hinusgahan sa salang walang alam! Nararahuyo sa ‘yong karangyaan Makinang na pangalan, kaya ko bang panghawakan?

Advertisement

Kahirapang ‘di hadlang, puso sa ‘yo ay nasasakal. Tangan kong kalayaan: lumulumod, nangangatal.

Tulad ko, sikmura’y ‘di malamnan. Maugong mong pinaratangan— sakim, masiba, at walang pinag-aralan! Batid ko ang ‘yong kaalaman. Panghuhusgang ‘di pinag-isipan sa piling ng isang mangmang.

69

ni JONAS E. ARGUELLES Dukha, hindi Tanga

This article is from: