69 Sa dilim, ako’y nakalilipad. Sa liwanag, ako’y nangangarap. Ang bahaghari sa ‘yong munting sulyap, ‘di mauuntog sa ‘king hinahangad. Kapalarang ‘di naninimbang, ako’y hinusgahan sa salang walang alam! Nararahuyo sa ‘yong karangyaan Makinang na pangalan, kaya ko bang panghawakan? Kahirapang ‘di hadlang, puso sa ‘yo ay nasasakal. Tangan kong kalayaan: lumulumod, nangangatal. Tulad ko, sikmura’y ‘di malamnan. Maugong mong pinaratangan— sakim, masiba, at walang pinag-aralan! Batid ko ang ‘yong kaalaman. Panghuhusgang ‘di pinag-isipan sa piling ng isang mangmang.
ni JONAS E. ARGUELLES
Dukha, hindi Tanga
PALETA II