1 minute read

Ayaw Ko sa Dilaw

Next Article
Dibuhista

Dibuhista

PALETA II

48

Advertisement

Power ranger yellow baboy, sakay ng magarang ranger mobile; walang wang-wang, maingay daw kasi! Paborito ng masa, madalas sa t.v.; puro pa-pogi.

Kulay ng kesong bulok, pinaghaharian ng mga amag. Baho ay ‘di maitago, kahit sa pandesal ay ‘di maipalaman; gutom na ‘ko.

Pancit canton na plain. Flavor na nakauumay, kulay ay dilaw, kulay na matabang; walang anghang, walang asim.

Pitong kulay ng bahaghari: R-O-Y-G-B-I-V. Bakit dilaw pa? Pwede namang red, orange, kahit green. Basta, ayaw ko sa dilaw!

ni EFREN S. ALMOZARA JR.

This article is from: