3 minute read

Sa Kuwagong Walang Pakpak

Next Article
Dibuhista

Dibuhista

PALETA II

34

Advertisement

“...ibalik mo na lang ‘yong panahong mura pa ang gas at kailanman sana’y ‘di na magtaas. Na ang sitentang hawak ko ay sapat na para sa isang maghapong badyet ng pamilya...”

Sa dyip, byaheng Luisiana-Lucena, nagbayad ako ng isandaang piso when I heard a little girl asked her mother:

“Mama, anong wish mo kay Wako-wako?” (Perhaps everyone knows who Wako-wako is. If not, I know a little bit of him/her. Siya ‘yong newest fictional character sa t.v. who grants wishes. I don’t really know anything much about him/her even his/her gender.)

Well anyway, I saw how the child asked her mother with a very curious tone and animated face. She looked very cute and amazing. I barely heard her mother’s answer kasi maingay ‘yong dyip. Tapos na-realize ko: Pa’no kung ako ang tinanong no’ng bata? Napaisip ako bigla. Sa isip ko…

I’ll wish I am a child, again.

ni DANAEL Z. SABEROLA

A child who does not know how hard life is and how hard life will be when he gets old. A child who always wants to do is to play. Bigla kong na-miss ang kabataan ko: Ang paglalaro ko ng mga magnetic letters at mga hugis-prutas na nakadikit sa refrigerator. Ang dahandahan kong pagsasara ng ref habang sumisilip sa loob kung mamamatay ang ilaw nito. Ha-ha! Ambabaw pero masaya. ‘Pag walang magawa, pagalingang kumuha ng dahon ng makahiya nang hindi ‘to titiklop. Tanda ko rin ‘yong ‘pag brown-out sa lugar namin tapos mas maraming bata ang nasa labas. Nanghuhuli ng alitaptap. Nagtataklob ng puting kumot habang naglalakad para muk’ang white lady. Pero wala namang natatakot. But one thing I remember the most kapag brown-out; e, gagawa kami ng mga kalaro ko ng bonfire. Tapos, nakapalibot ang lahat habang may hawak na stick na nakapatong sa apoy ang kabilang dulo. And then, my mother will warn:

“Hala sige, maglaro ka ng apoy at magsasala ka mamayang gabi.”

But I was so stubborn and I’ll just answer her back.

“Iihi na lang po ako bago matulog.”

Pero umihi na ko’t lahat, still, I unfortunately and unconsciously wet my underpants and pajamas while asleep. And after all, I realized mother knows all, mother knows best. Pero dahil nga matigas ang ulo ko at malamang ng marami namang bata, we keep doing these

35

kinds of stuff. We never quit doing what makes us happy. We never stop playing for this covers the most of our childhood life. Playing completes our childhood at ang sarap-sarap alalahanin at balik-balikan.

Though I realized that I’m happily contented with my adult stage of life now for I know that I was dreaming and wishing of getting old fast too, when I was a child.

Hindi ko na kailangan pang hilingin kay Wako-wako na ibalik ako sa aking pagkabata. Tayabas na pala, malapit na akong bumaba.

“Mama, sukli ko po.” Inabot sa akin ang sitenta pesos.

Sa kuwagong walang pakpak, pakinggan mo wish ko: Sa halip na ibalik mo ang panahon ng aking kabataan, ibalik mo na lang ‘yong panahong mura pa ang gas at kailanman sana’y ‘di na magtaas. Na ang sitentang hawak ko ay sapat na para sa isang maghapong badyet ng pamilya. ‘Yong panahong ang sampung piso ay napagkakasya ng isang estudyanteng nasa kolehiyo. Okey lang kahit ‘wag mo na ‘kong ibalik sa pagkabata sa halip ay ibalik mo na lang ‘yong panahong ang piso ay malaki ang halaga sa tao. Na tipong singko sentimos lang ang ibibigay ng isang magulang sa kanyang anak para makabili ng candy at lollipop. Sa ganito, simple lang ang buhay. Simple lang ang lahat.

“Para ho!”

This article is from: