1 minute read
Bangkero
Paano ko nga ba imamaneho ang bangka ng aking kaluluwa sa dagat ng kakapusan ng kaalaman kung ang hawak kong pananaw ay taliwas sa mga isdang bumabagtas dito? Marahil ay maganda na rin na wala pa ‘kong alam upang sa aking bawat pagka-big ng sagwan ay mararanasan ko ang kasiyahan ng pagpasok ng mga panibagong impormasyon sa aking malikot na utak. Wala sanang madangging mga nilalang ang aking may karumihan nang bangka. Huwag sanang masira ang aking bangka ‘pagkat pangarap ko pang maglayag patungong kalawakan na gamit-gamit pa rin ang aking kakaibang pananaw na ang buhay, ang mundo, ang buong langit at ang sarili ko ay iisang entidad na walang sinuman—patay man, nabubuhay pa o mabubuhay pa lang— ang makakaalam kung bakit narito, kung saan nanggaling at kung may layunin nga ba o wala. Gano’n pa man, mananatili akong naglalakbay, nagtatanong, naghahanap ng sagot, nagbabahagi ng karanasan, nabubuhay.
31
Advertisement
ni JAI ARLON D. JAMIAS