1 minute read
Noynoying
PALETA II
46
Advertisement
Ang mga bersikulo ay hango sa ipinahayag na SONA ni PNoy noong 26 Hulyo 2010.
1Noong mga panahong ‘yon, ang mga alagad ay nangagsipagtipon upang makinig sa ipahahayag ng bagong kalatas ng Hari. 2Ang mga sumusunod na litanya ay sulyap lamang sa mga ginagawa nilang mga hakbang para malutas ang mga minanang suliranin: 3“Walang quota-quota, walang tongpats, ang pera ng bayan ay gagastusin para sa taumbayan lamang. 4Ititigil ang paglulustay sa salapi ng bayan. 5Tatanggalin ang proyektong mali. 6Pananagutin ang mga mamamatay-tao. 7Pananagutin din ang mga corrupt sa gobyerno. 8Hahanapin ang katotohanan sa mga nangyari ‘di umanong katiwalian no’ng nakaraang administrasyon. 9Una sa plataporma ang paglikha ng mga trabaho. 10Ang walang katapusang pabalik-balik sa proseso ng pagrehistro ng pangalan ng kompanya, na kada dalaw ay umaabot ng apat hanggang walong oras, ay ibababa sa labinlimang minuto. 11Ang dating walong pahinang application form ay ibababa natin sa isang pahina. 12Isusulong ang Whistleblower’s Bill upang patuloy na iwaksi ang kultura ng takot at pananahimik. 13Palalakasin pa lalo ang Witness Protection Program. 14Puwede na muling mangarap. 15Tayo nang tumungo sa katuparan ng ating mga pangarap.”
ni FAITH P. MACATANGAY