1 minute read
Sinsilyo
PALETA II
52
Advertisement
Nagsimula sa bangko; inaprubahan ng pangulo. Ipinasa sa tao; ginamit, pambili ng noodles o tuyo.
Siya’y may maliit na halaga ngunit sa dukha’y malaki na. Sa mga batang sa harapan ay may lata, ito’y isa nang pagpapala.
Kung iyong pagmamasdan― nakapanghihinayang! Dugo’t pawis dito’y inilaan, may maipanlaman lamang sa nag-aamok na tiyan.
Sinisisi nila ang administrasyon. Tinatanong: “Bakit ba ‘di matigil ang korapsyon? Kahit isa lamang barya, Bakit ‘di pa sa ‘min maiparaya?”
ni RUDOLF CARL C. PABLICO III Sinsilyo