2 minute read
Political Arena
PALETA II
12
Advertisement
Ang bawat isa sa ‘tin ay may labang pinagdaraanan. Ang buhay ang nagsisilbing arena o tanghalan. Ang mga suliranin naman ang hahamon sa ‘yong kakayahan. Nakasalalay sa mga kamay mo ang ikapapanalo ng iyong pakikibaka. Kung pagsusumikapan mong labanan ‘to, maaring unanimous decision ang makakamtan mong titulo. Kung padadaig ka naman sa takot o katamaran, technical knockout ang maiuuwi mo.
Nagmula ako sa angkan ng mga politiko. Nanungkulan si erpat bilang mayor at si ermat bilang kapitana. Unica hijo nila ako na may gintong kutsara sa bibig. Lahat ng bagay na nais ko’y aking nakakamtan agad. Nasamyo ko na ang natatago nilang baho bilang mga politiko. Nang humantong na ‘ko sa wastong edad, hinimok nila ako na pumasok sa larangan ng politika. ‘Di ako nabigo sa pagsuong dito, sa tulong na rin ng pera. Walang makatatanggi na ako’y iboto lalo na’t bubusalan ko sila ng limpak na limpak na kuwarta. Ang tao nga naman, ang daling utuin!
Ang sumusunod na kaganapan ay ang reversed timeline ng aking panunungkulan sa bayan:
ni FAITH P. MACATANGAY
13
Ako ay Politiko
Round 1: Kagawad. Pamumudmod ng gamot na malapit nang ma-expire sa mga mahihirap.
Round 3: Konsehala. Paglulunsad ng jueteng.
Round 2: Kapitana. Pagpapakabit ng linya ng kuryente’t tubig para sa barangay, gamit ang jumper at ilegal na koneksyon.
Round 4: Mayora. Pagpapagawa ng mga gusali’t kalsada na ang pondo’y aking kinakaltas.
PALETA II
14
Round 5: Kongresista. Pamimigay ng mga lumang stocks ng relief goods para sa mga nasalanta ng kalamidad.
Round 7: Kongresista. Pagpapatayo ng casino upang magkaroon ako ng libangan.
Round 9: Kongresista. Panlilibre sa mga kapwa ko kongresista sa isang first-class na resto.
Round 11: Kongresista. Pagsulong ng RH Bill. Mayroon akong kakilala na maaaring magsuplay ng contraceptives. Ang dalawampung porsyento ng kanilang kikitain ay mapapupunta sa aking bulsa. Round 6: Kongresista. Pagsusulong ng batas na magpapahintulot sa mga negosyante na magpatakbo ng kanilang negosyo kahit bumagsak ito sa pagsusuri ng ilang ahensya.
Round 8: Kongresista. Pagpapatahimik sa ilang mamamahayag na lumalabis at kumakalaban sa akin.
Round 10: Kongresista. Pagsuhol sa ilang mangmang upang makapagpuslit ng droga sa Tsina.
Round 12: Kongresista. Pagbabawas ng pondo para sa mga kolehiyo’t mga unibersidad.
‘Di nagtagal, nabuklat ang aking State of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN). Natuklasang ‘di tugma ang taglay kong ari-arian sa ‘king kakarampot na suweldo. Dumaan ako sa paglilitis. Bukod pa riyan ang ‘di ko pagbabayad ng tamang buwis. Sa ginawang paglilitis, bumalimbing ang aking mga constituents, kaibigan at iba pang mga nakinabang sa ‘king salapi. Nahatulan akong guilty. Kumalat sa mga social networking sites ang mug shots ko at ‘di lang pumatok pa sa Facebook, nag-trending pa sa Twitter!
Sa kasalukuyan, ramdam ko ang hirap sa likod ng malamig na rehas: ang kumain ng kaning-baboy, matulog sa matigas na kahoy na karton lamang ang sapin, at ang mamuhay nang mag-isa sa piling ng mga bilanggo.
Sa pagsubok na aking pinagdaanan, ‘di ako naisalba ng batingting ng bell. Nabulag ako sa mga makamundong bagay at nagpadala sa udyok ng kasamaan. Mabigat man sa ‘king kalooban, idinedeklara ko ang aking pagkabigo: I…am…sorry. ‘Di talaga laging kasamaan ang bumubuo sa mundo ng politika, ang mga namumuno lang dito ang paulit-ulit na nagpapasama ng imahe nito.