1 minute read
Idiot Box
(Plugged…) Simulan natin sa pagpindot ng ON.
Bukâs na ulit ang elektronikong kahon. Magpapakahon na naman tayo sa mambibilog ng ating ulo at hahayaan nating higupin ulit tayo ng pumipisik-pisik na liwanag (Colored o black & white?) mula sa muk’a nitong kwadrado, iskwalado (Ilang inches?)
Advertisement
Sa timeslot na ganyan, ganito, magpapadala na naman tayo sa emosyong mandatoryo, o kinakailangang maramdaman.
Eto’ng palabas! (Anong channel?) Eto’ng patalastas! (Anong product?) Eto’ng mga dapat nating abangan bukas! (Anong program?)
Ang totoo:
Tayo ang pinapanood ng mga pinapanood nating panoorin…
Hanakanangtok… pudpod na’ng mga daliri natin sa subersyon ng MTRCB at ng dambuhalang networks.
49
Bukas, eto’ng susunod na eksena: Mag-a-avail tayo ng flat screen at bubuhayin natin ang simula sa nakababanong pagpindot ng ON sa humabang remote control. “Ang susunod na programa ay Rated SPG” (Unplugged…)
ni MICHAEL C. ALEGRE