1 minute read

Politeismo

Next Article
Dibuhista

Dibuhista

Luluhod ka sa harap nila. Kamay na bakal, kukong ginto; mga nangag-upo sa iba’t ibang trono, may hawak na kutsilyo!

Susundin mo, lahat ng kanilang gusto, lahat ng kanilang utos, at lahat ng ayaw mo.

Advertisement

Luluhod ka sa hirap, magkakandakuba sa kayuyuko. Ang kanila ay kanila, ang sa ‘yo ay aangkinin nila.

Silang nangag-upo sa iba’t ibang trono, na bakal ang kamay at may gintong kuko, ang mga panginoon sa mundong ginagalawan mo.

ni GENESIS O. SORIANO Politeismo

This article is from: