1 minute read

Cul-de-sac

Next Article
Dibuhista

Dibuhista

57

N a k a l a d l a d ang kanyang kamay at ang nakaladkad n’yang pagkatao sa mataong pook ng paghihikahos. Dinadaupang-palad ang ku.mu.ku.pad na hampas ng nanunudyong oras: busina ng rumaragasang bus, sagitsit ng ispiker sa kalawanging dyip, “screeeeeechh” ng kotseng ‘di pa nadidilaan ng tubig at kung anu-ano pang naghambalang na sasakyang dire-diretso sa nanlalabo n’yang panimdim. Madilim, tulad ng itinadhana: kapalarang maagang inabandona at itinakda sa dulo ng abuhing kalsada habang unti-unting nagdududa ang papasungit na panahon.

Advertisement

ni MICHAEL C. ALEGRE

This article is from: