1 minute read

Timepiece

Next Article
Dibuhista

Dibuhista

PALETA II

32

Advertisement

“...Sa mundong oras ang kalaban, hindi puwede ang magdahandahan. Tao, bilisan mo ang takbo. Ang oras, ‘di ‘yan hihinto para sa ‘yo...”

ni KAYMART A. MARTINEZ

Bakit ka nagkukumahog kapag na-late ka ng gising? Simple lang, dahil may pamilya ka at ayaw mong masisante sa trabaho. Bakit sinisisi mo ang kasama mo sa bahay kapag ‘di ka nito ginising kahit na aware sila sa oras ng pasok mo? Gusto mo lang naman kasing makapasok sa eskuwela nang tama sa oras. Para sa’n pa’t nagbo-board ka kung pipiliin mo lang na ma-late araw-araw ‘di ba? At saka, pakipalitan na rin ng alarm clock mo. ‘Di na s’ya epektibo, sigurado ako. At ‘wag ka na ring mag-inarte kung ‘di sila concern sa ‘yo, gawa ka na lang ng sarili mong paraan.

Bakit mahalaga ang bawat segundo sa mga atleta? Dahil karangalan sa sarili at sa bansa ang manalo sa bawat laban. Bakit ang mga working mom ay kailangang paspasan sa pag-uwi kinahapunan? May beybi kasing nangangailangan ng suplay ng likidong nagmumula sa kanilang mga dibdib. Mas masustansya

33

nga naman ‘yon kumpara sa mga pulbos na karaniwang ini-endorso sa radyo’t telebisyon. Bakit ka nagmamadaling lumabas sa kampus tuwing uwian? Maaaring gusto mong humabol sa group study pero puwede rin namang sa group session na may halong patak-patak. Alam na! Bakit ka nag-ka-cram tuwing may mga assignments at projects? Gusto mo lang naman kasing makapagpasa on-time kahit na alam mong dapat ginawa mo na agad ito nang mas maaga. Bakit kailangang mong magpuyat gabi-gabi? Kasi, kailangan mong magaral dahil ‘di sapat ang oras sa umaga sa dami ng kawil kaya kailangang mag-extend. At bakit kailangan mong makipagsiksikan sa dyip kahit na andami-dami pang nakapila? E, kasi, ayaw mong masermonan na naman ng nanay mong parang NBI agent na laging kinukuwestyon ang oras ng paguwi mo. Sa mundong oras ang kalaban, hindi puwede ang magdahan-dahan. Tao, bilisan mo ang takbo. Ang oras, ‘di ‘yan hihinto para sa ‘yo. Ikaw ang humabol. ‘Wag mong gawin ang kabaligtaran.

This article is from: