PALETA II
32 “...Sa mundong oras ang kalaban, hindi puwede ang magdahandahan. Tao, bilisan mo ang takbo. Ang oras, ‘di ‘yan hihinto para sa ‘yo...”
ni KAYMART A. MARTINEZ
Timepiece
Bakit ka nagkukumahog kapag na-late ka ng gising? Simple lang, dahil may pamilya ka at ayaw mong masisante sa trabaho. Bakit sinisisi mo ang kasama mo sa bahay kapag ‘di ka nito ginising kahit na aware sila sa oras ng pasok mo? Gusto mo lang naman kasing makapasok sa eskuwela nang tama sa oras. Para sa’n pa’t nagbo-board ka kung pipiliin mo lang na ma-late araw-araw ‘di ba? At saka, pakipalitan na rin ng alarm clock mo. ‘Di na s’ya epektibo, sigurado ako. At ‘wag ka na ring mag-inarte kung ‘di sila concern sa ‘yo, gawa ka na lang ng sarili mong paraan. Bakit mahalaga ang bawat segundo sa mga atleta? Dahil karangalan sa sarili at sa bansa ang manalo sa bawat laban. Bakit ang mga working mom ay kailangang paspasan sa pag-uwi kinahapunan? May beybi kasing nangangailangan ng suplay ng likidong nagmumula sa kanilang mga dibdib. Mas masustansya