1 minute read

Doon po sa amin

Next Article
Dibuhista

Dibuhista

PALETA II

60

Advertisement

Unang nalimbag ang tulang ito sa Kilometer 64 Poetry Collective, ugnayan ng mga makata at ng mga may natatanging hilig sa tula. Ang organisasyong ito ay kumukuha ng inspirasyon sa organisasyong Kabataang Makabayan (KM) na itinatag no’ng 1964. Doon po sa amin, maraming estudyante pero marami ring tambay sa lansangan at kalye. ‘Di man lang makatuntong sa loob ng unibersidad da’l sa murang edad, kumakayod kaagad.

Doon po sa amin, maraming may sakit; libreng gamot, sa kanila’y ‘pinagkait. ‘Di malunasan kanilang karamdaman at walang magawa sa abang kalagayan.

Doon po sa amin, maraming nagugutom; isang buwang kita, kasya lang sa maghapon. Sa hirap ng buhay: sampung kahig, isang tuka; daig pa ng asong si boss ang may alaga.

Doon po sa amin, hasyendero ang presidente. Nakasuot ng dilaw, sa kanyang opis, prenteng-prente. Nanlibre ng hotdog sa New York City habang sa sariling bayan, mayroong nagra-rally.

‘Pagkat binawasan badyet ng mamamayan para sa edukasyon at pangkalusugan. Mga nagugutom, lalo pang nadagdagan habang si general, lumalaki ang t’yan!

‘Di man sa buhok at kamay na gunting, sana’y matumbok kahit na pasaring. Sa’n po ba patungo ang daang matuwid? Ito ba’y palayo doon po sa amin?

ni MARK ANGELO V. ANDA

This article is from: