1 minute read
Dyurnalistikong Pick-up Lines
PALETA II
42
Advertisement
Mga Tauhan:
Isparkista - mahilig magsulat
Alma Right - mahilig magpaputok
Panahon at Tagpuan:
Hindi naitala sa kasaysayan ang tiyak na petsa at lugar ng pangyayari.
ISPARKISTA: Ginoo, si Santa Claus ka ba? ALMA RIGHT: Bakit? ISPARKISTA: Kasi isinasakatuparan mo ang wish list ng boss mo.
ISPARKISTA: Ginoo, para kang naglalaro ng Snake. ALMA RIGHT: Bakit? ISPARKISTA: Kasi kapag dumarami na ang napatay mo, lume-level up naman ang rank mo.
ni FAITH P. MACATANGAY
ISPARKISTA: Ginoo, DotA ka ba? ALMA RIGHT: Bakit? ISPARKISTA: Kasi double kill na sila sa’yo: pinagsamantalahan mo na, pinaslang mo pa.
ISPARKISTA: Ginoo, awit ka ba? ALMA RIGHT: Bakit? ISPARKISTA: Kasi ang dami mong pasakalye kapag inaakusahan ka ng ibang tao.
ISPARKISTA: Ginoo, may videocam ka ba? ALMA RIGHT: Bakit? ISPARKISTA: Kasi idudokumento ko ang mga ginawa mong paglabag sa karapatang pantao.
ISPARKISTA: Ginoo, may papel at panulat ka ba? ALMA RIGHT: Bakit? ISPARKISTA: Kasi itatala ko ang mga hindi mabilang na biktima ng iyong karahasan.
ISPARKISTA: Ginoo, may baril ka ba? ALMA RIGHT: Bakit? ISPARKISTA: Kasi huwag mo akong papatayin. Isisiwalat ko na sa pahayagan at telebisyon ang lansa ng iyong kabulukan.
Bang!
43
PALETA II
44